Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

JANNA LEY A.

RUAZOL
8 – BL. LINDALVA

Talumpati para sa kahirapan at kagutuman


Pagnanakaw? Korupsiyon? Pagbebenta ng droga? O kahirapan?
sa lahat ng aking sinabi ito ba ay resulta ng kahirapan? Oo,tama.. Isa ito sa pinakamalaking
hinaharap na problema ng ating bansa at ito ay ang kahirapan at kagutuman. hindi alam kung
saan kukuha ng pera pangkain lalo’t na mayroon tayong ipinapatupad na social distancing dahil
sa COVID 19.

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang


kakulangan sa pera at pagkagutom , ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais
nais. Dahil dito, patuloy na dumarami ang krimen sa ating bansa. tayong mga Pilipino ay
nakaharap ngayon sa matinding crisis. Taon-taon/araw-araw ay mas lumalala pa ang problema
ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan at ang mas nagpapahirap pa nito ang
social distancing bawat galaw kinakailangang mag ingat at maghugas na kamay o mag alcohol.

Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga kurap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw
nila ang mga kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mga mamamayang
Pilipino, ngunit napupunta sa mga bulsa ng opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang
krisis. Isa pang dahilan ang tambay na mga tao sa kalye kadadahilang kawalan ng mapasukang
trabaho ng mga tao kasabay ng sunod na pagtaas ng biliihin.

Isa pang dahilan ng kahirapan ay ang katamaran at maling paguugali nating mga
Pilipino. Ang katamaran ang nangunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang
tiyaga o diskarte na maghanap ng posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa
kahirapan na kanilang tinatamasa.ang mga opportunity/oportunidad ay nababalewala sa
kadahilanang nakuntento na ang mga tao sa salat nilang pamumuhay. Dapat tayong mga Pilipino
ay dumiskarte para sa ating pamilya sa pang araw-araw nila/natin.

Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para
hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basuraa lamang sa aking lipunan. Sa
simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap na makapagtapos ng pag aaral nang sa gayon ay
magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako pati tayong lahat ay kinakailangan ng
pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating
bayan, isang bansa na magagmit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod
pang henerasyon.

You might also like