Modyul 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

1

KABANATA 1

SAMU’T SARING
KABATIRAN SA
PANITIKANG FILIPINO
2

Layunin:
1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa
historikal na pag-unlad nito;

2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang

aspekto ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng
sambayanang Pilipino.

3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng

panitikang Pilipino.

4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika.

5. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod.

6. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Filipino sa lokal at

globa na aspeto.

KAHULUGAN NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto. Mula sa lahat ng iyong naging kabatiran at mga naging pag-aaral hinggil sa
panitikan, lagyan ng katumbas na salita ang akronim na PANITIKAN na sa iyong
palagay ay naglalarawan dito at ipaliwanag.

P -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________

A -___________________________________________________________________

N -___________________________________________________________________

I -____________________________________________________________________

T -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3

I -____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

K -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
A -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
N -___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

II. PAGTALAKAY:

Marami-rami na rin siguro ang mga narinig mo nang kuwento mula sa magulang,
lolo, lola, tiyo, tiya, pinsan, kamag-anak, kaibigan, guro, kaaway at iba pang tao. Hindi
na rin siguro mabilang ang iyong mga nabasa mula sa facebook, twitter, blog, o iba’t
ibang social media, maging sa mga libro, magasin, komiks, patalastas, peryodikit, brosyur
at iba pa. Kung oo ang iyong sagot, nagpapatunay lamang ito na hindi ka makakatakas
sa daigdig ng panitikan. Halos lahat ng galaw mo sa buhay ay nasa impluwensiya ng
panitikan.

Sinasabing ang Panitikan ay kabuuan ng mga akda, o ang disiplina ng pag-aaral

nito. Ngunit bago pa man naging isang disiplina, ang panitikan bilang isang natatanging
kabuuan o body of works ay umiiral na. Ito ay sa kadahilanang likas sa tao ang
magpahayag at lumikha. Naging bunga ang panitikan ng pagnanasa ng taong
makapagpahayag at maging malikhain.

Mula nang mapagtanto ng tao ang kahalagahan ng panitikan sa kanyang

pagkatao, nagsimula itong maging disiplina ng pag-aaral. Mula noon, ang dating behikulo
lamang ng ekspresyon at manipestasyon ng pagkamalikhain, ito ay naging isang
karunungang kailangan ng tao at ng kanyang sibilisasyon.

Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng panitikan ay isang pangangailangang pang-

edukasyon sa halos lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral nito ay
gumanap/gumaganap ng iba’t ibang tungkulin at iba-iba sa bawat panahon, sa bawat
lugar, sa bawat antas.

Sa ating kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular sa antas-kolehiyo,

ang pag-aaral ng panitikan ay nakabatay sa dalawang pangunahing pemis: kognitibo at
kultural, bukod sa iba pa. Lunsaran ang panitikan ng pagpapaunlad ng mga kasanayang
kognitibo o pangkaisipan ng mga mag-aaral. Bukod dito, kasangkapan din ito, partikular
4

ang pag-aaral ng ating sariling panitikan, sa pagpapatibay ng sariling kabansaan at

pagkakakilanlan.

Hindi kaiba sa ibang disiplina, ang pag-aaral ng panitikan ay isang prosesong

debelopmental.

Kahulugan ng Panitikan
Sinasabing ang Panitikang Pilipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga
damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang
pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

Bakas na bakas sa kultura ng mga Pilipino ang pasalitang pagpapahayag ng

damdamin. Hindi natin maitatatwa na ang ating mga ninuno o marahil mga lolo at lola
ninyo ay nakaranas pa ng mga umpukan noong sila ay mga bata at nagbibidahan ng
kani-kaniyang pasiklab gaya ng bugtungan. palaisipan paligsahan ng tula, o kaya nama’y
pagkukuwento ng mga alamat, kuwentong bayan. Ang mga ito ay maihahanay natin sa
mga panitikang pasalita. Sa kasalukuyan, marami pa rin ang gumagamit at sumisikat sa
ganitong uri ng panitikang pasalita gaya ng spoken poetry at paligsahan sa pamamagitan
ng flip top.

Hindi rin matatawaran ang bugso nang hindi mabilang na naisulat na panitikang
Pilipino na umiiral sa ating bansa na naging bahagi na ng ating kasaysayan at karamihan
pa nga ay naging malaking ambag sa pagbibihis at pagbabago ng lipunang Pilipino.

Ayon kina Lalic, E.D. at Matic, Avelina J (2004) Ang panitikan ng isang lahi ay ulat
na nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito. Sa panitikan ng isang
bansa mababakas ang mga kaisipan at mga bagay na nilulunggati, kinahuhumalingan o
kinasusuklaman ng lahi nito. Ang pagbabago ng kabuhayan ng isang bansa ay
nakaiimpluwensya sa panitikan nito.

Hindi maikakaila na napakalaking bahagi ng mga mamamayan ng Pilipinas ang

kabilang pananampalatayang katolisismo dahil sa impluwensiya ng mga panitikang
umiral sa bansa sa loob ng mahabang panahon, gayonpaman dahil sa pag-usbong iba
pang uri at klase ng panitikang panrelihiyon kung bakit lumaganap at lalo pang dumami
ang iba’t ibang sekta sa Pilipinas. Maging ang pamumuhay ng mga Pilipino ay
kinabakasan ng maraming pagbabago dahil sa impluwensiya ng panitikan.

Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan. May

mga nagsasabing ang panitikan ay talaan ng buhay. Ayon kay Arrogante (1983), talaan
ng buhay ang panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay
ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig ng kanyang
kinabibilangan at pinapangarap.

Ayon naman kina Salazar (1995), ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos
sa alinmang uri ng lipunan. Maaalalang nagsilbing titis sa mga Amerikanong may kulay
5

ang pagkakabasa nila sa Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe upang kanilang
ipakipaglaban ang kanilang pantay na karapatan sa mata ng batas at katarungan na
humantong sa kanilang tagumpay sa Digmaang Sibil sa Amerika. Pinukaw naman ni Jean
Jacques Russeau sa kanyang Social Contract ang isipan ng mga Pranses. Sa
pamamagitan ng akda ni Russeau, nabatid nilang sila’y biniyayaan din ng Diyos ng
karapatan at katarungan at natutunan nilang iyo’y kanilang ipakipaglaban. Nang patuloy
iyong ipagkait sa mga Pranses, ang pakikipaglaban nila sa katarungan at karapatan ay
humantong sa isang himagsikan sa Pransya, dito sa Pilipinas man ay makakatukoy ng
napakaraming katibayan kung paano pinakilos ng panitikan ang lipunan. Nagsilbing
inspirasyon sa mga katipunero ang mga akda ni Rizal upang maglunsad ng isang
himagsikan laban sa mga Kastila. Ang mapanghimagsik na dulang itinanghal noong
panahon ng mga Amerikano ay ikinapiit ng mga may-akda niyon at lalong nagpagalit sa
maraming Pilipino. Sinikil ng dating Pangulong Marcos ang laya sa pamamahayag ngunit
hindi niya napigilan ang paglaganap ng mga akdang naglalarawan sa pagmamalabis ng
kanyang administrasyon. Iyon ay isa sa maraming dahilan ng pagwawakas ng kanyang
pamumuno noong 1986 sa EDSA.

Ayon naman kay Webster (1947), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang
nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong
anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw. Kung ang panitikan ay katipunan ng
mga akdang nasusulat, maituturing bang panitikan ang mga tula, tugaman, kasabihan,
awit at iba pang pasalin-salin sa bibig ng tao lalo na noong panahong bago dumating ang
mga Kastila sa ating kapuluan? Ang sagot ay oo, panitikan din ang mga iyon. Kailangan
bigyang-diin na ang kahulugan ni Webster ay modernong pagpapakahulugan sa
panitikan sa panahong ang tao ay marunong nang sumulat at sa panahong ang
panitikang pasalin-dila ay naisalin na sa anyong pasulat. Kung tutuusin, maging ang
palabuan ng salitang panitikan ay nagbibigay-diin sa pasulat na katangian nito.

Ang salitang panitikan ay nanggagaling sa salitang-ugat na titik, kung gayon,

naisatitik o nasusulat. Ngunit lahat ba ng nasusulat ay maituturing nang panitikan? Ang
sagot naman sa tanong na ito ay hindi. Kung babalikan natin ang kahulugang ibinigay ni
Webster, matutukoy natin ang iba pang pangangailangan upang ang isang bagay na
nasusulat ay maituturing na panitikan-malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo,
pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.

Ayon kay Bro. Azarian sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ang panitikan ay

pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan, at pamahalaan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang
Lumikha.

Ayon naman kay Jose Villa Panganiban (1954), ang paraan ng pagpapahayag ay
iniaayos sa iba’t ibang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa na nababalot ng pag-
ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba.

Binigyang din nina Luz de la Concha at Lamberto Ma. Gabriel (1978) ng katuturan
ang panitikan bilang salamin ng lahi, kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa,
6

kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag

gamit ang piling salita sa isang maganda at masining na paraan, nakasulat man o hindi.

Kung gayon, ano ang tunay na panitikan? Ang tunay na panitikan ay

pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na
nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo
at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak
ang kawalang-maliw nito.

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: May mga pahayag bang pasalita o kaya’y mga naisulat na akda na nagkaroon
ng malaking impluwensiya sa iyong paniniwala, pananampalataya o kaya naman ay kung
paano ka kumikilos o nabubuhay sa ngayon batay sa mga prinsipyong pinaniniwalaan
mo na iyong sinusunod? Isulat ang iyong kuwento.

7

___________________________________________________________________
8

URI NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:
Panuto: Sagutin nang mabilisan ang mga sumusunod na bugtong:

_________________________ Maikling landasin, di maubos lakarin.

_________________________ Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.

_________________________ Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.

_________________________ Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.

_________________________ Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay,

kailangang ako ay mamatay.

II. PAGTALAKAY:

Maaaring mauri ang panitikan bilang Pasalin-dila o kaya’y Pasulat. Ito ay

Pasalin-dila kung naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao o
pagkukuwento. Samatalang naging Pasulat ang paraan ng pagsasalin ng panitikan sa
ibang henerasyon magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat.

Bago pa man sinakop ng mga dayuhan ang Pilipinas ay may mga komunidad na
tayong umiiral. May sariling Sistema ng pamahalaan, edukasyon at maging yaman ng
bayan na panitikan. Ang mga ito ay karaniwang nasa anyong pasalita. Bagama’t
maraming teorya na may mga akdang naisulat na rin sa mga dahon, kawayan, bato at
iba pa, pinaniniwalaang ang mga ito ay sinira, winasak at sinunog dahil sa
pagpapalaganap ng relihiyon, paniniwala at pananakop ng mga dayuhan. Ngunit dahil
hindi nila kayang sunugin at wasakin ang mga dila ng mga Pilipino ay nakuha pa ring
makapagtala at makapanatili ng marami sa ating mga pasalin-dilang mga panitikan gaya
ng: alamat, kuwentong bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain, karunungang
bayan, sawikain, at bugtong.

• Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay;

9

• Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na

kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Kaugnay nito ang alamat at mga mito
• Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ilan sa mga halimbawa ay ang Bidasari –
(Moro); . Biag ni Lam- ang (Iloko); Maragtas (Bisaya) Haraya (Bisaya); Lagda
(Bisaya); Kumintang (Tagalog); at Hari sa Bukid (Bisaya)
• Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin gaya ng Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay
Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at Paruparong Bukid.

• Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga

ninuno.
• Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
• Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang
pahuhulaan.

Mula sa mga pasalitang panitikang ito natin masasalamin ang yaman ng kulturang
Pilipino. Hindi maisasantabi na ang mga prinsipyo mula sa mga salawikain,
pagmamahalan at pag-iibigan mula sa mga awiting bayan, kasama na rin ang ilang
kultura’t umiiral na kabayanihan ng mga ninuno sa pamamagitan ng mga kuwentong
bayan at mga epiko.

Samantala, laganap sa kaalaman nang nakararami na ang pag-usbong ng

panitikang pasulat ay umiral sa Pilipinas nang ang bayan ay nasa kamay ng mga
mananakop. Ito marahil ang dahilan kung bakit karaniwan sa mga akdang
pampanitikang pasulat ay nakapagbagong bihis sa bayan lalo na sa pananampalataya,
prinsipiyo at paniniwala. Binago rin ng mga panitikang ito ang Sistema ng pamumuhay
ng mga Pilipino na karaniwang ibinabatay sa mga nakatalang panitikan.

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento na maaaring
naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya) na hindi pa
nailathala na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak o kaya’y
kakilala. Ikuwento ito dito bilang bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino.

__________________________________(pamagat)

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
10

11

ANYO NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:
Panuto: Manood ng isang Spoken Poetry (Youtube o anomang social media) at Ibuod
ang sinasabi ng tumula.

12

____________________________________________________________________

Batay sa anyo, ang panitikan ay maaaring mauri bilang Tuluyan/Prosa o Patula.

Tuluyan ang isang panitikan kung ito ay nasusulat sa karaniwang daloy ng pangungusap
at sa patalatang paraan. Samantala, ang panitikang patula naman ay yaong nasusulat
sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugma o dili
kaya’y malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.

II. PAGTALAKAY:

Mga Akdang Tuluyan o Prosa

Nobela – isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na

nagaganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at
nahahati sa mga kabanata.

Maikling Kwento – isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring

kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.

Dula – isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.

Alamat – ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

Pabula – ay mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging

ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wri ba’y tunay na mga
tao.

Parabula – ay mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan.

13

Anekdota at maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga

mambabasa. Maaari ring ito ay kinasasangkutan ng mga hayop o ng mga bata.

Sanaysay – ay isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng isang may-akda

hinggil sa isang suliranin o paksa. Ang mga editorial na inilalathala sa mga pahayagan at
iba pang babasahin ay mga mahuhusay na halimbawa ng sanaysay.

Talambuhay – ay kasaysayan ng buhay ng isang tao.

Balita – ay paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan,

pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan,
agham, edukasyon, palakas at pinilakang-tabing.

Talumpati – ay isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Ang talumpati ay nauuri batay sa iba’t ibang layunin. Ang isang talumpati ay maaaring
may layuning humikayat, magbigay impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran,
maglahad ng opinion o paniniwala o lumibang.

Mga Akdang Patula

Ang mga akdang patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay, tulang
pandamdamin o liriko, tulang padula o dramatiko at tulang patnigan.

Tulang pasalaysay ay kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may

sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim
nito ang epiko, awit at korido.

Epiko – tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at

pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring
hindi kapani-paniwala.

Awit at korido ay mga patulang salaysay na paawit kung babasahin.

Pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay nito.
Kinapapalooban ito ng romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan
at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan.

Tulang pandamdamin o liriko – mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin

na maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa kategoryang ito ang mga tulang
awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda.

Awiting-bayan ay maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong

nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga nito’y
hindi na matutukoy kung sino ang ay may-akda ng maraming mga kantahing bayan.
14

Soneto ay tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at

karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa.

Elehiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal

Dalit ay isang tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

Pastoral ay mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.

Oda ay isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.

Tulang padula o dramatiko ay mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang

tanghalan. Ang La India Elegante y El Negrito Amante ni Francisco Baltazar ay isang
mahusay na halimbawa nito.

Tulang patnigan ay mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa

sa bakuran ng mga namatayan.

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Tunghayan ang pahayag ni Kim Chu sa youtube hinggil sa isyu ng ABS CBN
https://www.youtube.com/watch?v=o3OlCxCmSwc

“Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag
nag-comply ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila inayos mo
yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”
Ipaliwanag kung paanong umabot ang pahayag niyang ito na mula sa anyong tuluyan
ay naging isang awit o anyong patula. Ikuwento ang naging pag-unlad ng simpleng
pahayag na ito at nagkaroon ng sampung milyong views sa youtube. Talakayin.

15

DISPENSASYON NG PANITIKANG PILIPINO

I. PAUNANG GAWAIN:

Panuto: Ibigay ang iyong reaksyon halimbawang may nag post sa twitter, FB o anomang social media ng
ganitong uri ng Panitikan na tumutuligsa sa mga namumuno sa simbahan.

Amain Namin
Marcelo H. Del Pilar
Amain naming sumasaconvento ka,
sumpain ang ngalan mo,
malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin (kitilin) ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit
Saulan mo cami (kami) ngayon nang aming kaning iyong inaraoarao(inaraw-araw)
at patauanin (patawanin) mo kami sa iyong pagungal (pag-ungol)
para nang pagpapataua (pagpapatawa) mo kung kami nacucualtahan (nakukuwartahan);
at huag (huwag) mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso
at iadya mo kami sa masama mong dila.

_____________________________________________________________________________________

16

Dispensasyon ng Panitikang Pilipino

Hindi maitatawa na may malaking aral na makikita sa pagbalangkas ng Panitikan

ng bansa sa bawat panahon. Dahil sa sinasabing ang panitikan ay salamin ng lipunan,
maaari nating masalamin o makita ang kalagayan ng bansa batay sa panahong umiiral
ang panitikan.

Dispensasyon ng mga Katutubo

Hindi matatawaran ang kahusayan at kagalingan ng mga katutubong Pilipino sapagkat
hanggang sa kasalukuyan ay umiiral ang kanilang mga angking akdang nagiging
mayaman na hanguan ng kaalaman ng mga mamamayan sa kasalukuyang lipunan.
Bagama’t Karaniwang mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong,
epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; samantalang ang mga kwentong-
bayan, alamat at mito na anyong tuluyan. May mga katutubong sayaw at ritwal ng
babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Masasabing ang mga panitikan sa dispensasyong ito ay pasalin-dila. May mga panitikan
ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit
iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa
kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa
sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Mababakas sa mga panitikan sa dispensasyong ito ang kalayaang makapag-isip,

makapamuhay, kabayanihan, katapangan, maging karangyaan o kaginhawaan sa buhay
ng mga ninuno. Ang mga ito marahil ang posibleng dahilan kung bakit maraming
nahumaling na mga bayan at pinagsamantalahang sakupin ang Pilipinas.
17

Dispensasyon ng mga Mananakop na Kastila

Sinasamsam ng mga dayuhang kastila ang yaman ng bayang Pilipinas nang sila’y
nakapamuno sa bansa. Upang magtagal ang pamumuno, pinilit nilang burahin sa
kaisipan ng mga Pilipino ang kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng pagsunog at
pagwasak sa mga akdang panitikan na kanilang pinaniniwalaan at ikintal sa kanilang
kaisipan na ang mga ito ay pumapanig sa diyablo.

Nilunod ng mga panitikang may paksang pananampalataya at kabutihang-asal panahong

ito. Samantalang nang huling bahagi naman ay ang pagmulat ng mga Pilipino na
naghatid sa paglalathala ng mga panitikang panrebolusyon.

Ilan sa mga naging instrumento ng mga kastila sa pagpapalaganap ng kanilang

pananapalataya ay ang dulang senakulo, santa cruzan at tibag; mga tulang gaya ng
mga pasyong inaawit. Itinanim sa kaisipan ng mga Pilipino ang konseptong maharlika o
dugong bughaw sa pamamagitan ng mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan
ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – na nasa awit na Florante at Laura ni Balagtas
at mga dulang duplo at karagatan.

Lubhang kakaunti lamang ang nakasusulat sa panahong ito sapagkat bukod sa

napakamahal ng pag-iimprenta, tanging wikang Kastila lamang ang gamit sa pagsulat.
Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at
pagiging madamot ng mga Kastila. Nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang
Doctrina Christiana noong 1553 na kinapapalooban ng mga gawi at kilos kristiyanismo.

Bukod sa mga pagtuturo ng kristiyanismo, maging ang mga gawi at dapat na ikilos ng
mga Pilipino ay inilarawan din sa Urbana at Felisa. Sinusugan pa ng pagpapatibay ng
mga patakaran sa pamamagitan ng paglalathala ng mga peryodiko ng mga kastila.

Hindi naglaon, maraming Pilipino ang nagising mula sa pagkakaalipin sa mga dayuhan
kung kaya’t lumabas ang mga panitikang panrebolusyon. Karamihan sa mga panitikang
nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-
makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang
pamahalaan.

Dahil sa nakasusulasok na kalagayan ng mga Pilipino, Nagsisulat ang mga

Propagandista sa panahong iyon ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala sa
pahayagang La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 ang kanilang mga akda na
naglalayong“matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa
kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, at maisiwalat ang malubhang kalagayan ng
bansa sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at
demokrasya.”
18

Nauso ang pagkakaroon ng mga sagisag-panulat noong panahong ito bilang pagtatago
sa tunay na pagkatao dahil sa paghihigpit ng pamahalaan at nagbabadya ng kamatayan
sa sinomang mapatutunayang sumulat laban sa pamahalaan. Maraming buhay ang
naibuwis nang dahil sa panitikan noong panahong ito. Isa sa mga naging patunay ay ang
eksekusyon ni Dr. Jose Rizal.

Dispensasyon ng mga Mananakop na Amerikano

Sukang-suka na ang mga Pilipino sa pamumuno ng mga Kastila at pursigidong

mapatalsik ang mga ito kung kaya’t nagmistulang mga bayani ang mga Amerikano na
siyang sumagip sa mga Pilipino at nagpabagsak sa Espanya noong 1898.

Binigyan ng bagong bihis ang paraan ng pananakop sa panahong ito. ng dati-rating

ipinagkakait na edukasyon ang naging instrumento ng mga Amerikano upang paamuhin
ang mga Pilipino at tuluyang mahulog sa bitag bagong berdugo. Nakaramdam ng
pagkalinga ang mga Pilipino at nagmistulang big brother ang mga mananakop dahil sa
pagpapahintulot at pagtuturo sa mga ito ng mga kaalamang kinasasabikan ng
sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng mga gurong Thomasites.

Isinilang sa panahong ito ang mga maraming manunulat na Pilipino na nagsisulat hindi
lamang sa Wikang Tagalog kundi maging sa Wikang Ingles. Ilan sa mga nagsiusbong na
manunulat ay sina Cecilio Apostol, Claro M. Recto, Lope K. Santos, Jose Corazon de
Jesus, Jose dela Cruz, Severino Reyes, Zoilo Galang at marami pang iba.

Sa panahong ito tumingkad ang mga dula. Nang mga panahong nagnanais na ng
paglaya ng mga Pilipino sa mga Amerikano ay nag-usbungan ang mga dulang umuusig
sa kalapastangan ng mga mananakop. Ilan sa mga ito ay ang ‘Tanikalang Ginto’ ni Juan
K. Abad, ‘Kahapon, Ngayon at Bukas’ ni Aurelio Tolentino at ang ‘Hindi Ako Patay’ na
hindi nakilala ang mgay akda.

Dispensasyon ng mga Mananakop na Hapon

Bagama’t napakasama ng dating ng mga Hapon dahil sa naging marahas ang pagbugso
ng kanilang pananakop, hindi maikakaila na itinuturing itong gintong panahon ng
Panitikan ng Pilipinas sapagkat nabigyang laya ang mga Pilipino na gumamit ng sariling
wika sa pagsulat at ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles sapagkat ayaw ng mga
Hapon na mabahiran ng ideyang makakanluran ang mga akdang nililikha bagkus ay
hinikayat ang paggamit ng katutubong wika at karaniwang naisasanib sa mga akda ang
kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino.

Ilan sa mga babaeng manunulat na natanyag sa panahong ito ay sina Liwayway A. Arceo
at Genoveva Edroza-Matute. Siyempre, nabahiran din ng impluwensiya ng panitikang
Hapon noong panahong ito sa pamamagitan ng mga maiikling tulang ‘Haiku’ na may
19

tatlong taludtod at 5-7-5 na pantig bawat taludtod; at ‘Tanaga’ na may apat na taludtod
at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7.

Dispensasyon ng Republika ng Pilipinas

Unti-unting bumangon ang mga Pilipino sa tulong pa rin ng mga Amerikano. Sa

pangalawang pagkakataon ay naging tagasagip ang mga ito tungo sa hinahangad na
kalayaan. Dahil sa ipinangakong pagsasarili ng Pilipinas, hindi mahahalata ang pagiging
kolonya ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pinuno at lider ng bansa sa
katauhan ng mga Pilipino.

Naging masigla ang panitikan sa panahong ito at dahil higit na madali ang pagsulat at
paglimbag ay dumaloy nang husto ang mga akdang isinulat ng mga Pilipino. Bumuha ng
mga akda at dumami ang mga manunulat. Ilan sa mga unang manunulat sa panahong
ito ay sina: Alejandro Abadilla nan naging tanyag sa kaniyang mga sanaysay, Teodoro
Agoncillo sa kaniyang mga Maikling Kuwentong Tagalog, at pagpapatuloy ng panulat ni
Genoveva Edroza-Matute. Lumaganap rin ang panitikan mula sa iba’t ibang lalawigan.

Pinasigla pang lalo ang panitikan dahil sa pagkakaroon ng mga gawad o parangal sa
mga manunulat sa pamamagitan ng Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature.

Dahil na rin sa panunuyot ng mga akdang higit na pumapaksa sa mga isyung panlipunan,
sinikap ng mga premyadong manunulat ang maglathala ng akda sa pamamagitan ng
sarili nilang pera upang dumaloy at sumibol ang de-kalidad na maikling kwento sa
Pilipinas sa pamamagitan ng “Mga Agos sa Disyerto” nina Efren Abueg, Dominador
Mirasol, Rogelio Ordoñez, Edgardo Reyes at Rogelio Sikat.

Nagkulay pula ang mga akdang gawa ng mga Pilipino noong panahon ng Batas Militar.
Nag-usbungan ang mga makabayang manunulat at karaniwang pumapaksa sa
karalitaan, pagsasamantala ng mga nanunungkulan, panggigipit ng mga nasa
kapangyarihan at Karapatan ng bawat mamamayan. Ilan sa mga manunulat noong
panahong ito ay sina Wilfredo Virtuoso, Pedro Dandan, Jun Cruz Reyes, Efren Abueg,
Benigno Juan, Ave Perez Jacob, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Lilia Santiago at
marami pang iba.

Lalo pang lumawak ang panitikang Pilipino dahil sa impluwensiya at pag-usbong ng mga
radyo at telebisyon. Lumaganap rin ang mga pelikula at daigdig ng musika. Naging
pangunahing libangan ng mga Pilipino ang sinehan samantalang naging instrumento
naman sa pagbabasa at libangan ng mga Pilipino ang komiks.

Hindi maitatatwa na dumami nang dumami ang mga manunulat at lumawak nang
lumawak ang mga paksa sa pagpasok ng Rebolusyon ng Edsa. Higit na naging malaya
at komersiyalisado ang panitikan. Mayroong mga edukasyonal gaya ng Batibot,
20

Sineskwela, Hiraya Manawari, Math Tinik, Epol Apple, Wansapanataym at iba pa.
Habang nahuhumaling naman sa mga dulang panradyo ang mga matatanda gaya ng
radio-drama ni Tiya Dely, Gabi ng Lagim, Matud Nila, Kapitan Pinoy, at iba pa.

Hindi na mapigilan pa ang tuluyang paglaganap ng panitikan Pilipino sa pagpasok ng

Internet. Lalong naging malaya at lahat ng uri ng talakayin ay madaling naibabahagi.
Hindi magpapahuli ang wattpad, blogging, video clipping at mga audio airing. Tuluyang
lumalaganap ang panitikan habang nagbabago nang nagbabago ang panahon maging
ang panlasa ng mga Pilipino sa pagbasa o pagtangkilik sa mga ito.

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Mula sa mga tinalakay hinggil sa dispensasyon ng Panitikang Pilipino ay

mapapansing nagbabago ang paksa at anyo ng mga panitikan depende sa
pangangailangan ng sambayanan. Halimbawang ikaw ay nabuhay sa isa sa mga
panahong ito (maliban sa kasalukuyan), sumulat ng isang akda (maaring nasa anyong
patula o tuluyan) na aakma sa pangangailangan ng panahong iyon.

______________________________(pamagat)

21

22

IMPLUWENSYA NG PANITIKAN
I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto: Mag browse sa internet o anomang libro at tunghayan ang iba’t ibang uri ng
gobyerno o relihiyon mayroon ang iba’t ibang bansa. (limitahan lamang sa 10)
1. Bansang ________________ - ________________________________
2. Bansang ________________ - ________________________________
3. Bansang ________________ - ________________________________
4. Bansang ________________ - ________________________________
5. Bansang ________________ - ________________________________
6. Bansang ________________ - ________________________________
7. Bansang ________________ - ________________________________
8. Bansang ________________ - ________________________________
9. Bansang ________________ - ________________________________
10. Bansang ________________ - ________________________________

II. TALAKAYIN:

Ang Impluwensya ng Panitikan

Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba’t ibang panig nito, may
natutukoy na isa o ilang tanging akda na naghatid ng malaking impluwensiya sa kultura,
tradisyon, pamumuhay at kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

a. Banal na Kasulatan o Bibliya – ang nagging pinakabatayan ng

pananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig.

b. Koran mula sa Arabia – ang pinakabibliya ng mag Muslim

c. Illiad at Oddysey ni Homer – kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat sa

Gresya.

d. Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya.

Ipinapalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.

e. Canterburry Tales ni Chaucer – naglalarawan sa pananampalataya at pag-

uugali ng mga Ingles noong unang panahon.

f. Uncle Tom’s Cabin ni Harrit Beecher Stowe – nagbukas sa mga mata ng

Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagging simula ng paglaganap
ng demokrasya sa buong daigdig.
23

g. Divina Comedia ni Dante - nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya

at pag-uugali ng mga Italyano noong panahon.

h. El Cid Compeador – naglalarawan sa katangiang panlapi ng mga Kastila at

kasaysayan ng Espanya.

i. Isang Libo at Isang Gabi – akdang nagmula sa Arabya at Persya.

Naglalarawan ito ng pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at
Persyano.

j. Analects ni Confucius – katipunan ng mga kasabihan at ideya na

pinagbatayan ng Confucius sa Tsina.

k. Aklat ng mga Patay – naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa

mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.

l. Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng

Pransya. Isinasalaysay ditto ang gintong panahon ng Kristiyanisno sa Pransya.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Sariling Panitikan

Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit isinama ang
pag-aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag-aaral. Ilan sa mga kapakinabangang
matatamo sa pag-aaral ng ating sariling panitikan ay ang sumusunod:

a. Lubos nating makilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang minana
nating yaman at talinong taglay ng ating pinagmulan;
b. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating mga sariling tradisyon at
kultura, maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang
naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan;
c. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang
pagpapakasakit ng ating mga ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at
kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon;
d. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga
panitikan ng iba’t ibang rehiyon at matutunan nating ipagmalaki ang ating pagka-
Pilipino.
e. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y
mapag-ibayo pa ang ating mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas
ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga
pagkakamali bilang isang indibibwal at bilang isang komunidad;
f. Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa ating
pinakamahalagang yamang panlipi;
24

g. Mahuhubog natin ang magiging anyo, hugis, nilalaman at katangian ng panitikan

sa kasalukuyan na siya naming magiging sanligan ng panitikan sa hinaharap;
h. Malilinang ang ating pagmamalasakit sa ating sariling kultura at maging ang ating
malikhaing pag-iisip na ilang sa mga mahahalagang pangangailangan upang tayo
ay umunlad bilang isang bansa.

III. PANAPOS GAWAIN:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Paano naiimpluwensiyahan ng mga akdang pampanitikan ang bawat

tao?_____________________________________________________________
________________________________________________________________

______________________________________
2. Paano mo mailalarawan ang panitikan bilang instrumento sa pagbabagong bihis
ng mga pamahalaan o pananampalataya? ___________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________
3. Magtala ng mga bansang may mga akdang pampanitikan na hindi pinahihintulutan
makapasok o makarating sa kanilang lugar. Ano-ano ang mga kaparusahang
ipinapataw dito? ______________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________
4. Kung ihahambing mo sa mga kasaysayan ng Korea, China at mga bansa sa
Europe ang preserbasyon ng kanilang kultura at pananampalataya batay sa mga
panitikan ng kanilang bayan, masasabi mo bang mahalagang balikan at halukayin
ang ating mga sinaunang panitikan bilang tunay na pagkakakilanlan ng lahing
Pilipino? Ipaliwanag. ____________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________
25

5. Sumulat ng iyong refleksiyong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng Preserbasyon

ng Panitikang Pilipino para sa sambayanang Pilipino.
_____________________________________________

Pangkabanatang Pagsusulit I

Pangalan: __________________________________ Seksyon________

Propesor: ____________________________ Petsa: _______ Iskor: ______

I. Punan ang patlang sa loob ng sumusunod na pahayag ng mga angkop na kataga upang
mabuo ang wastong diwa ng mga ito.

1. Ang anyo ng panitikan na _________________ ay nasusulat sa karaniwang takbo ng

pangungusap at patalatang paraan.
2. Ang panitikang _______________ ay nasusulat sa taludturan at saknungan
3. Ang ____________________ ay paglalahad nf mga pang-araw-araw na pangyayari sa iba’t ibang
aspeto n gating lipunan.
26

4. Ang parabola ay mga kwentong hinango sa ____________.

5. Ang _____________ ay maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga
mambabasa.
6. Ang editoryal ay isang mahusay na halimbawa ng ______________.
7. Ang _________________ ay isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
8. Ang _______________ ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang
minamahal.
9. Ang talambuhay na sinulat ng isang may-akda at tumatalakay sa kanyang sariling buhay at
tinatawag na _____________.
10. Ang ____________ ang pinakabibliya ng mga Muslim.

II. Piliin sa hanay B ang mga tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_____ 11. Nagsasalaysay ng gintong a. Bibliya

panahon ng Kristiyanismo b. Koran
sa Pransya c. Illiad at Oddysey
_____ 12. Batayan ng pananampalatayang d. Mahabharata
Kristiyanismo sa buong daigdig e. Canterburry Tales
_____ 13. Tumatalakay sa mitolohiya f. Uncle Tom’s Cabin
at teolohiya ng Ehipto g. El Cid Compeador
_____ 14. Kinatutuhanan ng mga mitolohiya h. La Divina Comedia
at alamat sa Gresya i. Isang Libo at Isang Gabi
_____ 15. Batayan ng Confucianismo j. Analects
sa Tsina k. Aklat ng mga Patay
_____ 16. Tumatalakay sa kasaysayan ng l. Awit ni Rolando
pananampalataya sa Indiya
_____ 17. Naglalarawan ng pamahalaan,
kabuhayan at lipunan ng Arabo
at Persyano
_____18. Naglalarawan ng pananampalataya,
at pag-uugali ng mga Ingles
_____19. Nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali ng
mga Italyano
_____ 20. Nagbukas sa mga mata ng
Amerikano sa kapihan ng lahing
itim

III. Talakayin ang kahalagahan ng pag-aaral ng sariling panitikan. (21-50)

You might also like