Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Panitikan bago ang pagdating ng mga Kastila

Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at


namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas.

Bago pa ang panahon ng mga Español, mayroon nang mayamang lawas ng


panitikan sa Pilipinas. Nang mga panahong iyon, karaniwang binibigkas ang
panitikan o ipinapasang salimbibig sa halip na nakasulat. Ang prekolonyal na
panitikan ay isang gawaing pangkomunidad, isang pagtitipon-tipon ng pamayanan,
at isang pinagsasaluhang ritwal.

Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat
at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga
dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo.

May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at
makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo
sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang
dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Ang mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa Pilipinas noong sinaunang


panahon ay ang mga sumusunod:

1. Alamat
- Ang alamat ay kwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang
mga bagay sa mundo.  Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na
nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao, pook o bagay sa mundo.
Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon.  Ang mga
alamat ay may naibabahaging magandang asal.
- Halibmawa: Ang Alamat ng Unang Lalaki at Babae, Alamat ng Pinya,
Ang Alamat ng Sampalok, Alamat ni Maria Makiling, Ang Pinagmulan
ng Lahing Pilipino at marami pang iba.
2. Kwentong Bayan
- mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari,
isang marunong na lalaki, o kaya isang hangal na datu. Karaniwang
kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang
bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mitolohiya.

3. Epiko
- tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.

Ang mga halimbawa ng mga ito:

Ang Darangan ay epiko ng Maranaw. Isa ito sa matatawag na matandang


epiko ng Pilipinas. Kinilala ito ng UNESCO na “is a Masterpiece of the Oral
and Intangible Heritage of Humanity.”
Kahit na sinunog ng mga Kastila ang mga kasulutang Pilipino na kanilang
natagpuan sa kanilang pagdating, ang Darangan ay hindi naparamay, at ito
ay natirang katunayan ng pagkakaroon natin ng sariling panitikang hindi
hiram. Ang Daragan ay nakalimbag sa matalinong kaisipan ng mga
makatang Maranaw.

 Bidasari (Epikong Mindanao)


 Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)
 Biag ni Lam-Ang (Epikong Ilokano)

4. Awiting Bayan
- Ang mga awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang
Filipino na lumitaw bago dumating ang mga Kastila. Ito’y mga
naglalarawan ng kalinangan ng ating tinalikdang panahon. Karamihan sa
mga ito ay may labindalawang pantig. Naging malaganap (sa panahon ng
mga Kastila) ang mga awiting bayan sa buong Pilipinas. May kani-
kaniyang awiting bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at maging sa
bulubundukin ng Luzon, Bisaya’t Mindanaw.

Mga halimbawa:

- Hiligaynon  ng pulo ng Panay


- Waray-waray  ng Samar at Leyte;
- Manag Biday ng Ilocos
- Sarong Banggi ng Bikol

5. Iba pang uri ng Panitikan

A. Salawikain
- nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
 Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin
 May tainga ang lupa,may pakpak ang balita
 Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit
B. Bulong
- Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang
tao. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba nang kahulugan sa wikang
Tagalog ng Maynila, subalit nanatili pa rin ang tunay na pakahulugan nito sa
ilang mga lalawigan sa Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan. Isang
panalangin ang bulong binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang
pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran.
 Tabi, tabi po, ingkong
 Pagpalain ka nawa.
 Kung lagi kang payapa, sakit mo'y di lulubha.
 Bulong ng mga Bagobo ng Mindanao
"Nagnakaw ka ng bigas ko,
Umulwa sana mata mo,
mamaga ang katawan mo, 
patayin ka ng mga anito"

C. Bugtong o Palaisipan
- Ang bugtong o pahulaan ay isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.

You might also like