Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

KABANATA 1

PAGSILANG NG PAMBANSANG BAYANI

 Buong pangalan – Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso


Realonda
o JOSE – galing sa kanyang ina na deboto ni San Jose
(patron ng manggagawa)
o PROTACIO – sa karangalan ni San Protacio (isang
martir) – kapistahan tuwing Hunyo 19

I. Pagsilang ng Isang Bayani


 Ipinanganak – MIYERKULES, HUNYO 19, 1861 (ika-11 ng
hatinggabi)
- CALAMBA, LAGUNA, PILIPINAS
- Isinilang na malaki ang ulo
 Binyag – HUNYO 22 (tatlong araw na gulang)
o PADRE RUFINO COLLANTES – nagbinyag – kura
paroko – Batangueño
o PADRE PEDRO CASANAS – ninong – taga-Calamba
at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal
o LEONCIO LOPEZ – lumagda sa partido de bautismo
ni Rizal – paboritong kura paroko
 TENYENTE-HENERAL JOSE LEMERY –
gobernador-heneral noong ipinanganak si Rizal
- Dating senador ng Espanya
- Namuno mula Peb 2, 1861 – Hul 7, 1862
- Hun 19, 1861 – nagpadala ng opisyal na liham sa
Mnistrong Digma at Ministrong Ultramar sa Madrid na
tumutuligsa kay Sultan Pulalan ng Sulu
- Mga nagawa:
1) pagtataguyod sa pagtatanim ng bulak sa mga
lalawigan
2) pagtatatag ng mga pamahalaang politiko-militar sa
Visayas at Mindanao

II. Mga Magulang ni Rizal


 JOSE RIZAL – ikapito sa labing-isang magkakapatid
 FRANCISCO MERCADO RIZAL – ama ni Rizal
- Ipinanganak – Mayo 11, 1818 sa Biñan, Laguna
- Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose
sa Maynila
- Namatay – Enero 5, 1898 sa Maynila sa edad na 80
- “huwaran ng mga ama”
 DOÑA TEODORA ALONSO REALONDA – ina ni Rizal
- Isinilang – Nobyembre 8, 1826 sa Maynila
- Nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa
- Namatay – Agosto 16, 1911 sa Maynila sa edad na 85

III. Ang mga Batang Rizal


o Labing-isang anak = dalawang lalaki at siyam na babae
(1) SATURNINA (1850-1913) - Neneng
- Panganay
o Asawa – Manuel T. Hidalgo ng Tanawan,
Batangas
(2) PACIANO (1851-1930) – katapatang-loob ni Rizal
- Tumustos sa pag-aaral ni Rizal sa Europa
- Sumapi sa Rebolusyong Pilipino at naging heneral
- Naging magsasaka sa Los Baños
- Namatay – Abril 13, 1930 – matandang binata sa
edad na 79
o Severina Decena – kinakasama at may dalawang
anak sila
- Itinuring na pangalawang ama ni Rizal
- Noli – Pilosopo Tasio
- Hunyo 23, 1888 – liham ni Rizal kay Blumentritt
(London) – pinakamaginoong Pilipino
(3) NARCISA (1852-1939) - Sisa
o Asawa – Antonio Lopez – pamangkin ni Padre
Leoncio Lopez
(4) OLIMPIA (1855-1887) - Ypia
o Asawa – Silvestre Ubaldo – operator ng telegrapo
mula Maynila
(5) LUCIA (1857-1919)
o Asawa – Mariano Herbosa ng Calamba –
pamangkin ni Padre Casanas – namatay sa namatay
sa kolera noong 1889 at itinanggi ang Kristiyanong
libing
(6) MARIA (1859-1945) - Biang
o Asawa – Daniel Faustino Cruz ng Biñan, Laguna
(7) JOSE (1861-1896) - Pepe
- Pinakadakilang bayani at henyo
o Josephine Bracken – nagkaroon sila ng anak na si
Francisco ngunit ilang oras lang nabuhay
(8) CONCEPCION (1862-1865) - Concha
- Namatay sa sakit sa edad na 3
(9) JOSEFA (1865-1945) - Panggoy
- Namatay – matandang dalaga sa edad na 80
(10) TRINIDAD (1868-1951) – Trining
- Pinagbigyan ng lamparang naglalaman ng teksto ng
Mi Ultimo Adios
- Namatay na matandang dalaga sa edad na 83
(11) SOLEDAD (1870-1929) – Choleng
- Bunso
o Asawa – Pantaleon Quintero ng Calamba

IV. Ang mga Ninuno ni Rizal


o Halo-halong lahi – Negrito, Indones, Malay, Tsino, Hapon, at
Espanyol
Ninuno sa ama:
(1) DOMINGO LAMEO – ninuno sa partido ng ama
- Tsinong imigrante mula sa Changchow, lungsod ng
Fukien
- Dumating sa Maynila noong 1690
o Asawa – INES DE LA ROSA – mayamang Tsinong
Kristiyano sa Maynila
- MERCADO – “palengke” – naging apelyido
o Anak – Francisco Mercado
(2) FRANCISCO MERCADO – nanirahan sa Biñan
o Asawa – CIRILA BERNACHA – mestisang Tsinong-
Pilipino
- Nahalal na gobernadorcillo
o Anak – Juan Mercado
(3) JUAN MERCADO – lolo ni Rizal
o Asawa – CIRILA ALEJANDRO – mestisang Tsinong-
Pilipino
- Nahalal ding gobernadorcillo ng Biñan
o Labintatlong anak; bunso – Francisco Mercado
(4) FRANCISCO MERCADO – ama ni Rizal
- Ikinasal – Hunyo 28, 1848 kay Teodora Alonso Realonda
Ninuno sa ina:
(1) LAKANDULA – huling katutubong hari ng Tondo
(2) EUGENIO URSUA – kanunu-nunuan; lolo sa tuhod ni Rizal
- May lahing Hapon
o Asawa – BENIGNA – Pilipino
o Anak - Regina
(3) REGINA
o Asawa – MANUEL DE QUINTOS – abogadong
Tsinong-Pilipino mula Pangasinan
o Anak – Brigida
(4) BRIGIDA
o Asawa – LORENZO ALBERTO ALONSO – kilalang
mestisong Espanyol-Pilipino ng Biñan
o Anak – Narcisa, Teodora-ina ni Rizal, Gregorio, Manuel,
at Jose

V. Ang Apelyidong Rizal


 RIZAL = Mercado
- Ginamit noong 1731 ni Domingo Lameo
- Binigay ng isang Espanyol na alcalde mayor ng Laguna,
na kaibigan ng pamilya
 Rizal to Blumentritt – “Ako lamang ang Rizal…”
- Embahador Leon Ma. Guerrero)
- Embahador Leon Ma. Guerrero – Rizal sa Espanyol –
bukid na tinatamnan ng trigo, inaani habang lunti pa, at
muling tutubo

VI. Ang Tahanan ng mga Rizal


- Bahay na bato sa Calamba
- Dalawang palapag, parihaba, gawa sa adobe at matigas na
kahoy, bubong na gawa sa pulang tisa
 Rafael Palma – mananalambuhay ni Rizal – naglarawan
ng bahay nina Rizal

VII. Mabuting Pamilya na Nakaluluwag sa Buhay o


Nakaririwasa
 Pamilya Rizal:
- PRINCIPALIA – mayayaman
- Kilalang pamilya sa Calamba
- Pagsasaka at paghahayupan
- Tindahan, gilingan ng arina at gawaan ng hamon
- Malaking bahay sa tabi ng simbahan
- Karwahe – simbolo ng mga ilustrados
- Pribadong aklatan
- Napag-aral ang mga anak sa mga kolehiyo sa Maynila
- Mayaman at edukado, magalang at mapagbigay
- Nakikibahagi sa mga gawain pansibiko at panrelihiyon
- Mabubuting maybahay sa mga panauhin

VIII. Ang Buhay ng mga Rizal


- Payak ngunit masaya
- Magulang – istrikto – “Kundi papaluin ang bata, lalaki
ito sa layaw”
- Nakikinig sa misa at sama-samang nagdarasal
- Mga batang Rizal – naglalaro sa azotea o hardin

KABANATA 2
KABATAAN SA CALAMBA
 CALAMBA – mula sa salitang “banga”

I. Calamba, ang Bayan ng Bayani


 CALAMBA – asyendang-bayang pinamamahalaan ng Ordeng
Dominiko
- Kapatagan ng palayan at tubuhan
- Timog – Bundok Makiling; Batangas
- Silangan – Lawa ng Laguna – gitna – isla ng Talim
- Hilaga – Antipolo – dambana ng milagrosang Birhen ng
Kapayapaan at Ligtas na Paglalakbay
o 1876 – (15 y/o, estudyante sa Ateneo) – isinulat ang
tulang “Un Recuerdo A Mi Pueblo” (Isang Alaala sa
Aking Bayan)

II. Mga Alaala ng Kabataan


o Unang alaala – sa hardin noong tatlong taong gulang
- Masakitin at maliit na bata – alagang-alaga
- Ipinagpatayo ng maliit na bahay kubo
o Pagdarasal tuwing orasyon
- Pagrorosaryo
- Nagkukwento ang yaya ng tungkol sa mga engkantada,
nabaong yaman at punong namumunga ng brilyante
o Paglalakad sa bayan

III. Ang Unang Kalungkutan ng Bayani


 CONCHA – pinakamamahal na kapatid ni Rizal
- Namatay sanhi ng sakit noong 1865

IV. Debotong Anak ng Simbahan


 Tatlong taon – kasama sa pagdarasal
- Ina – debotong Katoliko – nagturo ng dasal
 Limang taon – marunong magbasa ng Bibliya ng pamilya na
nasa wikang Espanyol
 Palasimba – nagdarasal, sumasama sa nobena at prusisyon
- Tinutuksong “Manong Jose”
 PADRE LEONCIO LOPEZ – iginagalang at
pinagpipitaganan ni Rizal
- Kura ng bayan
V. Peregrinasyon sa Antipolo
 HUNYO 8, 1868 – nagtungo si Jose at kanyang ama sa
Antipolo para sa kanilang peregrinasyon na ipinanata ni Doña
Teodora
- Unang pagtawid ni Jose sa Lawa ng Laguna at unang
peregrinasyon sa Antipolo
- Pagkatapos magdasal, nagtungo sa Maynila – unang
pagpunta sa Maynila – dinalaw si Saturnina na
estudyante sa Kolehiyo ng Concordia sa Santa Ana

VI. Ang Kuwento ng Gamugamo


- Nagkintal ng magandang aral kay Rizal
- “namatay na martir sa sariling ilusyon” – kadakilaang
kamatayan – “pagsasakripisyo ng sariling buhay para
rito” – makabuluhan

VII. Mga Talinong Pansining


 Limang taon – gumuguhit sa tulong ng kanyang lapis at
humuhubog ng magagandang bagay sa luwad o wax
 Nakatagpo ng ligaya sa kalikasan/kapaligiran
 USMAN – kanyang itim na aso
 Anim na taon – pinagtatawanan ng mga kapatid dahil sa
paggawa ng eskultura kaysa paglalaro
- “Sige, pagtawanan ninyo ako nang pagtawanan
ngayon! Balang araw, kapag patay na ako, ang
taumbayan pa ang gagawa ng mga monumento para
sa akin.”

VIII. Unang Tula ni Rizal


 Walong taon – isinulat ang unang tula sa katutubong wika at
pinamagatang “Sa Aking Mga Kababata”
- Pagiging makabayan

IX. Unang Drama ni Rizal


 Walong taon – isinulat ang una niyang dula na isang
komedyang Tagalog
- Itinanghal sa isang pista sa Calamba
- Binili ng gobernadorcillo mula sa Paete ang manuskrito sa
halagang dalawang piso

X. Si Rizal bilang Batang Salamangkero


 Pagbibinata – naging interesado sa mahika
- Ipinakita ang kaalaman sa mahika sa El Fili

XI. Ang Pagmumuni-muni sa Tabing-Lawa


- Dapithapon tuwing tag-araw – nagpupunta sa Lawa ng
Laguna kasama ang alagang aso – pagwari-wari sa
kalagayan ng inaaping kababayan
- Ikinalulungkot ang aping kalagayan ng kanyang
pinakamamahal na bayan

XII. Mga Impluwesiya sa Kabataan ng Bayani


(1) Impluwensiyang namana – mula sa mga nuno niya’t
magulang
- NUNONG MALAYA – pag-ibig sa kalayaan, bukal na
pagnanasang maglakbay, at katapangan
- NUNONG TSINO – pagiging seryoso, masinop,
pasensiyoso, at mapagmahal sa mga bata
- NUNONG ESPANYOL – pagiging elegante,
maramdamin sa mga insult, at galante sa kababaihan
- AMA – pagpapahalaga sa sarili, pagmamahal sa gawa, at
pagiging malaya sa pag-iisip
- INA – pagiging relihiyoso, diwa ng pagmamalasakit,
pagmamahal sa sining at literature
(2) Impluwensiya ng Kapaligiran – lugar, kakilala, at pangyayari
o Lugar:
- Magagandang tanawin sa Calamba at magandang
hardin – nagpasigla sa talino niya sa sining at literature
- Relihiyosong kapaligiran – nagpatibay sa kanyang
pagiging relihiyoso
o Kakilala:
- PACIANO – nagkintal ng pagmamahal sa kalayaan at
katarungan
- KAPATID NA BABAE – maging magalang at mabuti
sa kababaihan
- Kuwento ng yaya – interes sa kuwentong-bayan at
alamat
- Tatlong Tiyo:
1. TIYO JOSE ALBERTO – sining
2. TIYO MANUEL – magpalakas at magpalaki ng
katawan – ehersisyo, pangangabayo, paglalakad, at
pagbubuno
3. TIYO GREGORIO – pagbabasa ng magagandang
aklat
- PADRE LEONCIO LOPEZ – pagpapayaman ng
kanyang pagmamahal sa pag-aaral at katapatang
intelektwal
o Pangyayari:
- Pagkamatay ni Concha at pagkapiit ng ina –
pagpapatatag ng katauhan – labanan ang mga hamon sa
buhay
- Pang-aabuso at kalupitan ng tenyente,
pagmamalupit sa inosenteng Pilipino, pagbitay sa
GomBurZa – pagiging makabayan at naging inspirasyon
para isakripisyo ang buhay at talino
(3) Tulong ng Maykapal
- DIYOS – nagbiyaya sa kanya ng maraming regalo ng
isang henyo, ang buhay na diwa ng pagiging makabayan,
at matapang na puso para makapagsakripisyo para sa
dakilang simulain

KABANATA 3
PAG-AARAL SA CALAMBA AT BIÑAN
- Unang nag-aral sa Calamba at Biñan
- Apat na aralin:
1. Pagbasa
2. Pagsulat
3. Aritmetika
4. Relihiyon

I. Unang Guro ng Bayani


 Tatlong taon – natutunan ang alpabeto at mga dasal
 DOÑA TEODORA – unang guro ni Rizal
- Pasensiyosa, tapat at maunawain
- Nakakita ng talino ng anak sa pagkakatha ng tula
 Inupahang guro:
1. Maestro Celestino
2. Maestro Lucas Padua
3. LEON MONROY – matandang lalaki
- Dating kaklase ng kanyang ama
- Naninirahan sa tahanan nina Rizal
- Nagturo kay Rizal ng Espanyol at Latin
- Namatay pagkaraan ng limang buwan

II. Nagtungo si Rizal sa Biñan


 LINGGO NG HUNYO, 1869 – nagtungo si Rizal sa Biñan
– sinamahan ni Paciano – tumuloy sa tiya
 LEANDRO – pinsan ni Rizal – kasamang namasyal sa bayan

III. Unang Araw sa Paaralan ng Biñan


 MAESTRO JUSTINIANO AQUINO CRUZ – naging
guro ni Rizal
- PEDRO – anak ng guro
o Pinagtawanan si Rizal dahil kaunti lang ang alam niya sa
Espanyol at Latin

IV. Unang Pakikipag-away sa Paaralan


o Jose vs Pedro – PANALO
o Jose vs Andres Salandanan – humamon ng bunong-braso –
TALO

V. Pag-aaral ng Pagpinta sa Biñan


 JUANCHO – pintor na biyenan ng kanilang guro
- Nagbigay ng libreng aralin sa pagguhit at pagpinta
 JOSE GUEVARRA – kaklase ni Rizal na naging mag-aaral
din ni Juancho
 “Paboritong Pintor ng Klase” – Rizal at Guevarra

VI. Araw-araw na Buhay sa Biñan


- Alas kwatro ng umaga – nakikinig ng misa o nag-aaral
- Hardin – hahanap ng mabolong makakain
- Agahan – kanin at dalawang tuyo
- Papasok hanggang alas diyes
- Babalik sa paaralan ng alas dos at lalabas ng alas singko
- Magdadasal bago umuwi
- Mag-aaral
- Guguhit nang kaunti
- Hapunan – isa o dalawang silbihang kanin at ayungin
- Magdarasal at kung may buwan, naglalaro sa kalsada

VII. Pinakamahusay na Mag-aaral sa Paaralan


o Tinalo ni Jose ang lahat ng mga kaklaseng taga-Biñan
o May naiinggit sa kanyang talino – sinusumbong pag nakikipag-
away at sinisiraan sa guro
o “kahit mabait na bata ang reputasyon ko, bibihira ang araw na
hindi ako nabibigyan ng lima o anim na palo”

VIII. Pagtatapos ng Pag-aaral sa Biñan


 Bago magpasko ng 1870 – nakatanggap ng liham mula kay
Saturnina – pagdating ng barkong Talim sa Biñan na mag-uuwi
sa kanya sa Calamba
 DISYEMBRE 17, 1870, Sabado – umalis ng Biñan
- Lumulan sa barkong Talim – unang pagkakataong
makasakay sa barko
- Arturo Camps – kaibigan ng kanyang ama – nag-alaga sa
kanya

IX. Ang Pagkamartir ng Gom-Bur-Za


 ENERO 20, 1872 – Cavite Mutiny – pag-aalsa sa pamumuno
ni Francisco Lamadrid
 Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora – lider
ng kilusang sekularisasyon ng mga paroko
 PEBRERO 17, 1872 – pagbitay sa GomBurZa sa utos ni
Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo
 PACIANO – nagalit sa pagbitay kay Burgos na kanyang
kaibigam guro, at kasama sa bahay
- Tumigil sa pag-aaral at bumalik sa Calamba
 Rizal to Mariano Ponce (Abril 18, 1889 sa Paris) – “Kung wala
ang 1872…”
 1891 – pangalawang nobela – El Filibusterismo – handog sa
GomBurZa

X. Kawalang-Katarungan sa Ina ng Bayani


 Bago ang HUNYO 1872 – dinakip si Doña Teodora dahil sa
diumano’y pagtatangka nila ng kapatid na si Jose Alberto na
lasunin ang asawa nito
 JOSE ALBERTO – galing Europa
- Inabandona ng kanyang asawa ang kanilang tahanan at
mga anak – may kinakasama na itong ibang lalaki
- Nagplano siya ng diborsyo ngunit pinakiusapan ni Doña
Teodora
o Nakipagsabwatan ang babae sa tenyenteng Espanyol ng
Guardias Civiles at nagsampa ng kaso
- May sama ng loob ang tenyente sa mag-anak na Rizal –
naghiganti
- Ipinadakip si Doña Teodora sa tulong ng gobernadorcillo
ng Calamba – Antonio Vivencio del Rosario
- Pinaglakad si Doña Teodora mula Calamba hanggang
Santa Cruz (50 kilometro) – 2 ½ taong nakulong
 Rizal – “Walang katarungang kinuha sa amin ana aming ina…
ipinagtanggol nina Francisco de Marcaida at Manuel
Marzan, pinakabantog na abogado sa Maynila…”
KABANATA 4
MGA GANTIMPALANG NATAMO SA ATENEO DE
MANILA
(1872-1877)

 ATENEO MUNICIPAL – paaralang nasa pamamahala ng


mga Heswitang Espanyol
- Karibal ng Kolehiyo ng San Juan de Letran ng mga
Dominiko
- Dati itong tinatawag na Escuela Pia (paaralan ng
Kawanggawa)
- Paaralan para sa kalalakihan sa Maynila na itinatag ng
pamahalaang panglungsod noong 1817
- Naging Ateneo de Manila

I. Pumasok si Rizal sa Ateneo


 HUNYO 10, 1862 – nagpunta sa Maynila kasama si Paciano
- Kumuha ng eksamen sa doktrinang Kristiyano,
aritmatika, at pagbasa para makapasok sa Kolehiyo ng
San Juan de Letran at nakapasa sa eksamen
- Ama – gusto sa Letran, nagbago ang isip, sa Ateneo na
lang
 PADRE MAGIN FERRANDO – tagapagtala sa Ateneo
- Ayaw tanggapin si Rizal dahil:
1. Huli na si Rizal sa pagpapatala
2. Masakitin siya at maliit para sa kanyang edad (11)
 MANUEL XEREZ BURGOS – pamangkin ni Padre Burgos
- Tinanggap si Rizal sa Ateneo sa tulong niya
 JOSE – unang gumamit ng apelyidong “RIZAL”
- MERCADO – pinagsususpetsahan ng mga awtoridad na
Espanyol
- PACIANO – ginamit ang Mercado sa Kolehiyo ng San
Jose – kilalang paboritong estudyante at
mapagkakatiwalaan ni Padre Burgos
o Ateneo – nasa Intramuros – sa loob ng mga pader ng Maynila
o Nangupahan sa isang bahay sa labas ng mga pader – Kalye
Caraballo (25 minutong paglalakad mula sa kolehiyo)
- TITAY – matandang dalagang may ari ng bahay –
nagkakautang ng P300 sa mga Rizal

II. Ang Sistemang Pang-edukasyon ng mga Heswita


- Disiplina at instruksiyong panrelihiyon
- Kulturang pisikal, humanidad, at siyenitpikong pag-aaral
- Kursong pang-akademiko at kursong bokasyonal
- Bago magsimula ang klase sa umaga ay nakikinig ng misa
- Bawat asignatura ay sinisumlan at winawakasn sa pagdarasal
 2 PANGKAT NG ESTUDYANTE:
1. Imperyo Romano – binubuo ng mga internos (sa loob
ng kolehiyo nangangasera)
- Pulang bandila
2. Imperyo Carthagena – binubuo ng mga externos (sa
labas ng kolehiyo nangangasera)
- Asul na bandila
 POSISYON NG MGA ESTUDYANTE:
1. Emperador – pinakamahusay
2. Tribuna – pangalawang pinakamahusay
3. Dekuryon – pangatlo
4. Senturyon – pang-apat
5. Tagapagdala ng bandila – panlima
o UNIPORME – pantalong mula sa mga hinabing hibla ng
abaka
- Guhit-guhit na bulak na amerikana (rayadillo – ginawang
uniporme ng mga sundalong Pilipino)

III. Unang Taon ni Rizal sa Ateneo (1872-73)


 HUNYO 1872 – unang araw ng klase sa Ateneo – nakinig ng
misa sa kapilya at nagdasa
 PADRE JOSE BECH – unang propesor ni Rizal sa Ateneo
o Unang linggo – nagpakita ng mabilis na pag-unlad
o Pagtatapos ng buwan – naging emperador –
pinakamatalinong mag-aaral
- Unang gantimpala – larawang relihiyoso
 KOLEHIYO NG SANTA ISABEL – kumuha ng pribadong
aralin para humusay sa Espanyol
- Nagbabayad siya ng tatlong piso
o Ikalawang hati ng unang taon – hindi masyadong
nagpursige dahil sa di-magandang puna ng kanyang propesor
o Pagtatapos ng taon – pangalawang puwesto – ang marka niya
ay “pinakamahusay”

IV. Bakasyon sa Tag-araw (1873)


 MARSO 1873 – pagsasara ng eskuwela
- Umuwi para magbaksyon sa Calamba
- Isinama si Neneng (Saturnina) sa Tanawan
- Nagpunta sa Santa Cruz at dinalaw ang ina (hindi
nagpaalam)
 Pagtatapos ng bakasyon – nagbalik sa Maynila
- Nangasera sa loob ng Intramuros sa Blg. 6 Kalye
Magallanes
o DONA PEPAY – kasera – matandang biyuda – may
biyudang anak at apat na anak na lalaki

V. Pangalawang Taon sa Ateneo (1873-74)


- Pinagsisihan ang pagpapabaya sa pag-aaral noong nakaraang
taon
- Binawi ang pangunguna sa klase at muling naging emperador
- Nabigyan ng gintong medalya

VI. Paghula sa Pagpapalaya sa Ina


- Marso 1874 – dinalaw ni Rizal ang ina
- Nagkwento si Rizal sa tungkol sa kanyang pagtatagmpay sa
pag-aaral sa Ateneo
o Ikinuwento ni Doña Teodora ang kanyang panaginip
- Rizal: makakalaya na ang ina sa loob ng tatlong buwan
- Nagkatotoo – nakalaya nang wala pang tatlong buwan

VII. Hilig sa Pagbabasa


 Bakasyon ng 1874 – nahilig sa pagbabasa ng mga nobelang
romantiko
 THE COUNT OF MONTE CRISTO ni Alexander
Dumas –una niyang paboritong nobela
- Kiniliti ang kanyang imahinasyon
- Edmond Dantes – bida – pagdurusa sa kulungan,
pagkatakas sa bartolina ng Chateu d’If, pagkatuklas sa
nabaong yaman sa mabatong isla ng Monte Cristo at
paghihiganti sa mga kaaway na nagkasala sa kanya
 UNIVERSAL HISTORY ni Cesar Cantu – nagpabili sa
ama ng kompletong tomo nito
- Nakatulong nang malaki sa kanyang pag-aaral
 TRAVELS IN THE PHILIPPINES ni Dr. Feodor Jagor
– Alemang siyentipiko-manlalakbay na bumisita sa Pilipinas
noong 1859-1860
- Hinangaan ni Rizal ang:
1. Matalas na obserbasyon ni Jagor sa mga
pagkukulang ng kolonisasyon sa Espanya
2. Hula niyong baling araw ay mawawala sa Espanya
ang Pilipinas at ang papalit na kolonisador ay ang
Amerika

VIII. Pangatlong Taon sa Ateneo (1874-75)


 HUNYO 1874 – bumalik si Rizal sa Ateneo
o Nakalaya na ang kanyang ina
o Hindi naging maganda ang ipinakita niya sa pag-aaral
- Nanatiling mataas ang grado sa lahat ng asignatura
- Isang medalya lang ang napanalunan – Latin
- Espanyol – hindi pa bihasa sa pagsasalita
 MARSO 1875 – umuwi ng Calamba para magbakasyon
- Hindi natuwa sa kanyang ipinakita sa pag-aaral

IX. Ikaapat na Taon sa Ateneo (1875-76)


 HUNYO 16, 1875 – naging interno siya ng Ateneo
 PADRE FRANCISCO DE PAULA SANCHEZ –
propesor
- Mahusay na edukador at iskolar
- Inspirasyon ni Rizal para mag-aral nang mabuti at sumulat
ng tula
- Pinakamahusay niyang propesor sa Ateneo
o Nanalo ng limang medalya sa pagtatapos ng eskuwela

X. Huling Taon sa Ateneo


- Naging pinakamahusay sa lahat ng asignatura
- Pinakamahusay na mag-aaral ng Ateneo ng panahong iyon –
“ipinagmamalaki ng mga Heswita”
- Nagkamit ng pinakamataas na grado sa lahat ng asignatura

XI. Pagtatapos nang may Pinakamataas na Karangalan


- Nagtapos nang nangunguna sa klase
 MARSO 23, 1877 – Araw ng Pagtatapos – 16 na taong gulang
- Nagkamit ng digri ng Batsilyer sa Sining na may
pinakamataas na karangalan

XII. Iba pang Gawain sa Ateneo


 Emperador – loob ng silid-aralan
 Lider – labas ng silid-aralan
 Kongregasyon ni Maria – aktibong kasapi at kalihim
- Tinanggap dahil sa debosyon niya sa Immaculada
Concepcion, ang Patron ng kolehiyo
 Akademya ng Literaturang Espanyol at Akademya ng
mga Likas na Agham – kasapi
- Ekslusibong samahan sa Ateneo
- Tanging mga Atenistang may talino sa literature at
agaham ang maaaring maging kasapi
 PADRE SANCHEZ – patnubay ni Rizal sa paghahasa ng
kanyang talino sa panitikan
 PADRE JOSE VILACLARA – nagpayong tumigil nang
makipag-usap sa mga Musa sa halip ay pagtuunan ang mga
asignaturang praktikal gaya ng pilosopiya at likas na agham
- Hindi sinunod ni Rizal – nagpatuloy sa pagpapahusay sa
pagkakatha ng tula
 AGUSTIN SAEZ – pintor na Espanyol
- Nag-aral si Rizal ng pagpipinta
 ROMUALDO DE JESUS – bantog na eskultor
- Nagturo ng eskultura
 Pag-aaral ng gymnastics at pag-eeskrima

XIII. Mga Istatwang Ginawa sa Ateneo


- Inukit ang isang imahen ng Birheng Maria mula sa kahoy ng
batikuling
 PADRE LLEONART – humiling ng imahen ng Sagradong
Puso ni Hesus
- Planong dalhin sa Espanya ngunit naiwan
- Inilagay sa pinto ng dormitoryo ng mga nangangaserang
estudyante sa Ateneo

XIV. Mga Anekdota tungkol kay Rizal, ang Atenista


1. Felix M. Roxas – kapanahon ni Rizal sa Ateneo
- Pagiging mapagpatawad ng bayani
o MANZANO at LESACA – dalawang Atenista na nag-
away at nagbatuhan ng aklat
- Rizal – tinamaan ng aklat sa mukha at nagdugo –
hindi nagalit
2. Manuel Xeres Burgos – maybahay sa inuupahan ni Rizal
bago naging iterno sa Ateneo
- Pagiging matulungin ni Rizal
o JULIO MELIZA ng Iloilo – isa sa pinakamaliit na
estudyante
- Umiiyak dahil ang kanyang saranggola ay sumabit sa
mga baging na gumagapang sa kampanaryo ng
Katedral ng Maynila
- Inakyat ni Rizal ang mataas na kampanaryo at
nakuha ang saranggola
XV. Mga Tulang Isinulat sa Ateneo
 DOÑA TEODORA – unang nakatuklas ng talino ni Rizal sa
pagsulat ng tula
 PADRE SANCHEZ – nagbigay ng inspirasyon kay Rizal
para gamitin nang lubos ang biyayang ito
 MI PRIMERA INSPIRACION – Aking Unang Ispirasyon
- Unang tulang isinulat ni Rizal noong siya’y nasa Ateneo
- Inihandog sa kanyang ina noong kaarawan nito
- Isinulat noong 1874 (bago siya mag-14 na taon)
 1875
1. Felicitacion – Pagbati
2. El Embarque: Himno a la Flota de Magallanes – Ang
Paglisan: Himno para sa Plota ni Magellan
3. Y Es Español: Elcano, el Primero en dar la Vuelta al
Mundo – At siya ay Espanyol: Elcano, ang Unang
Nakaikot sa Mundo
4. El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo – Ang
Labanan: Urbiztondo, Kilabot ng Jolo
 1876
1. Un Recuerdo a Mi Pueblo – Sa Alaala ng aking Bayan
– nagbibigay-dangal sa Calamba
2. Alianza Intima Entre la Religion y la Buena
Educacion – Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at
Mabuting Edukasyon
3. Por la Educacion Recibe Lustre la Patria – Sa
Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa
4. El Cautiverio y el Triunfo: Batalla de Lucena y
Prision de Boabdil – Ang Pagkakabilanggo at ang
Tagumpay: Ang Labanan ng Lucena at ang
Pagkakakulong ng Boadbil – naglalarawan sa
pagkakadakip ng Boadbil, huling Morong sulat ng
Granada
5. La Entrada Triunfal de los Reyes Catolices en
Granada – Ang Matagumpay na Pagpasok ng Katolikong
Monarkiya sa Granada – nagsasalaysay sa matagumpay na
pagppasok nina Haring Fernando at Reyna Isabel sa
Granada ang huling Morong kuta sa Espanya
 1877
1. El Heroismo de Colon – Ang Kabayanihan ni
Columbus – pampuri kay Columbus, ang tagapagtuklas
ng America
2. Colon y Juan II – Columbus at Juan II – nagsasalaysay
kung paano nawala ang katanyagan at yaman ni Haring
Juan II ng Portugal
3. Gran Consuelo en la Mayor Desdicha – Ang Dakilang
Konsuelo sa Dakilang Kamalasan – alamat na patula
tungkol sa trahedya ng buhay ni Columbus
4. Un Dialogo Alusivo a la Despedida de los Colegiales
– Isang Dialogo ng Pamamaalam ng mga Mag-aaral –
huling tulang isinulat ni Rizal sa Ateneo – makabagbag-
damdaming tula ng pamamaalam sa kanyang mga kaklase

XVI. “Aking Unang Inspirasyon”


- Unang tulang isinlat ni Rizal bilang Atenista
- Binati ni Rizal ang ina sa kaarawan nito at ipinahayag ang
kanyang pagmamahal

XVII. Mga Tula ni Rizal tungkol sa Edukasyon


- Mataas ang pagpapahalaga ni Rizal sa edukasyon
 Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa –
inilahad ang mahalagang papel ng edukasyon sa kanlaran at
kalagayan ng isang bansa
 Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting
Edukasyon – ipinakita ang kahalagahan ng relihiyon sa
edukasyon
- “Ang edukasyong hindi kumikilala sa Diyos ay hindi tunay
na edukasyon”

XVIII. Mga Relihiyosong Tula ni Rizal


 Al Niño Jesus – Sa Sanggol na si Hesus – maikling oda
- Isinulat noong 1875
 A La Virgen Maria – Para sa Birheng Maria – walang petsa
kung kalian isinulat (maaaring pagkaraan ng kanyang oda)

XIX. Mga Gawaing Panteatro ni Rizal sa Ateneo


- Nahilingan si Rizal ni Padre Sanchez na sumulat ng dula batay
sa tulang pasalaysay ni San Eustacio, Martir
- Bakasyon ng 1876 – sinulat sa Calamba
- Hunyo 2, 1876 – natapos na ni Rizal
- Pagbubukas ng klase ng Hunyo 1876 – ipinakita niya kay
Padre Sanchez ang natapos na dulang pinamagatang San
Eustacio, Martir at pinuri siya para sa magandang
pagkakasulat

XX. Unang Pag-ibig ni Rizal


 16 taong gulang – unang umibig – “masakit na karanasang
sumasapit sa buhay ng lahat ng tinedyer”
 SEGUNDA KATIGBAK – magandang Batangueña na 14 na
taong gulang – taga-Lipa
o Isang araw ng Linggo – binisita ni Rizal ang kanyang lola sa
Trozo, Maynila
 MARIANO KATIGBAK – kaibigan ni Rizal
- Kapatid ni Segunda
o Hinilingan si Rizal na igawa ng larawan si Segunda
o Higit na nakilala ni Rizal si Segunda sa linggo-linggo niyang
pagpunta sa Kolehiyo ng La Concordia
 OLYMPIA – kaibigan ni Segunda
 Rizal at Segunda – “Pag-ibig sa unang tingin”
 MANUEL LUZ – naipagkasundong ipakasal kay Segunda
o Rizal – TORPE
 Huwebes ng Disyembre 1877 – huling pag-uusap nila
- Binisita si Segunda sa Kolehiyo ng La Concordia para
magpaalam
o Unang pag-ibig ni Rizal – “naudlot dahil sa aking pagiging
mahiyain”

You might also like