Kontemporryung Isyu Las

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 1)

Gawain Blg. 1
Paksa: Katuturan ng Lipunan at ang bumubuo nito
Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito.
Code: AP10PKI-1a1
Layunin: Nakapagbibigay ng kahulugan ng lipunan.
Sanggunian: LM AP10-Mga Komtemporaryong Isyu, pahina 13-14

Ano nga ba ang ibig sabihin ng lipunan?


 Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

 “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba
subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon.”(Emile Durkheim)
 “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-
aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na
kumokontrol sa produksyon. ”(Karl Marx)

 “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan


at higit na nakikilala ng tao ang kaniyangsarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba
pang miyembro ng lipunan.” (Charles Cooley)

Pagsasanay:

1. Ano ang lipunan para sa iyo?


2. Ano-ano ang bumubuo sa lipunan?
3. Bilang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan ang lipunan?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 1)

Gawain Blg. 2
Paksa: Istrukturang Panlipunan at ang mga Elemento nito
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito.
Code: AP10PKI-1a2
Layunin: Natutukoy ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito.
Sanggunian: LM AP10-Mga Komtemporaryong Isyu, pahina 14-19

Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan

1. Institusyon - Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.


 Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney,
2011).

 Ang pamilya ay isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang
pagkatao ng isang nilalang. Mula sa tahanan, maaaring ang ibang miyembro ng pamilya
ay magtungo sa paaralan samantalang ang iba naman sa kanila ay magtatrabaho o
kaya ay mamimili ng kanilang pangangailangan.

 Tulad ng pamilya, ang paaralan ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng


kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki-pakinabang
na mamamayan, isa rin itong institusyong panlipunan. Samantala, ang mga taong
nagtatrabaho at kumokonsumo ng produkto ay bahagi ng isa pang instituyong
panlipunan – ang ekonomiya.

 Ang pamilya, relihiyon, edukasyon, ekonomiya, at pamahalaan ang itinuturing na mga


institusyong panlipunan.

2.Social Group - tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
May dalawang uri ng social group: ang primary group at secondary group.

3.Status - Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social groups, ang mga
social
groups naman ay binubuo ng iba’t ibang status. Ang status ay tumutukoy sa
posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o
identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status. May dalawang uri ng status: ito ay
ang ascribed status at achieved status.

4.Gampanin (Roles) - May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social grouup
 Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles.
 Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga
inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal.
Pagsasanay:
1. Anu-ano ang mga elemento ng lipunan?
2. Magbigay ng limang (5) gampanin ng bawat miyembro sa iyong sariling barangay.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 2)

Gawain Blg. 3
Paksa: Katuturan ng Lipunan at ang Bumubuo Nito
Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito.
Code: AP10PKI-1a1
Layunin: Nakapagbigay ng sariling opinyon tungkol sa iba’t ibang isyu sa kasalukuyan.
Sanggunian: LM AP10-Mga Komtemporaryong Isyu, pahina 7-10.

Gawain: Headline-Suri
Pangkatang-gawain: Suriin ang larawan na naitalaga sa iyong pangkat

1. P18.4B in ‘Yolanda’ emergency aid distributed late 2. DOLE order ending contractualization expected
in February

3. Philippines elects first transgender woman to congress 4. UN rights expert welcomes halt on drug killings in
the Philippines

Geraldine Roman waves to supporters while campaigning in Bataan province,


April 30, 2016.

Pagsasanay:
1. Ano-ano ang pananaw ng inyong grupo sa headline na nakatalaga sa inyo?
2. Bakit maituturing ang mga larawang ito bilang isyung panlipunan?
3. Paano mabibigyang-halaga ang iba’t ibang isyung panlipunan?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 2)

Gawain Blg. 4
Paksa: Istrukturang Panlipunan at ang mga Elemento Nito
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito.
Code: AP10PKI-1a2
Layunin: Nakapaglilikha ng photo essay na nagpapakita ng iba’t ibang isyu at hamong panlipunan
na dulot ng mga elemento ng istrukturang panlipunan.
Sanggunian: LM AP10-Mga Komtemporaryong Isyu, pahina 20.

Sa isang bond paper ay gumawa ng Photo Essay na nagpapakita ng iba’t ibang isyu at hamong
panlipunan na dulot ng mga elemento ng istrukturang panlipunan. Maaaring gumupit ng mga
larawan sa magazine o kumuha ng mga ito sa internet. Gawing batayan ang rubric sa
pagmamarka bilang gabay sa pagtupad ng gawaing ito.

Krayterya/Rubric sa pagmamarka ng Photo Essay


Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay na larawan at paliwanag ay 7
tumutugma sa paglalarawan at konsepto ng
isang isyu at hamong panlipunan
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. 6
May pinagbatayang pag-aaral, artikulo, o
pagsasaliksik ang ginamit na datos
Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng photo 4
essay. Maayos na naipahayag ang konsepto ng
isyu at hamong panlipunan gamit ang mga
larawan at datos.
Pagkamalikhain May sariling istilo sa pagsasaayos ng photo 3
essay. Gumamit ng mga angkop na disenyo at
kulay upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng
produkto
Kabuuan 20

.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 2)

Gawain Blg. 5
Paksa: Katuturan ng Kultura, Uri at Elemento
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng
lipunan.
Code: AP10PKI- Ia-3
Layunin: 1. Natutukoy ang dalawang uri at ibat-ibang elemento ng kultura.
2. Naisasadula ang ibat-ibang kultura sa ating lipunan.
Sanggunian: LM AP10-Mga Komtemporaryong Isyu, pahina 22-25

Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang


lipunan. Samakatwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula paggising
hanggang bago matulog ay bahagi ng kultura.
DALAWANG URI NG KULTURA:
1. Materyal - Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na
nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay
may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan.
2. Hindi- Materyal - Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo
ng tao. Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring
makita o maobserbahan. Ito ay bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao at
sistemang panlipunan (Mooney, 2011).

MGA ELEMENTO NG KULTURA:


1.Paniniwala (beliefs)- mga kahulugan at paliwanang tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na
totoo.
2.Pagpapahalaga (Values)- maituturing itong batayan ng isang grupo o lipunan sa kabuuan kung
ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.
3.Norms- tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan.
4.Simbolo- ay ang paglalapatng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit nito. Hal.:
wika, gestures, at iba pa.

Pagsasanay:
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; at MALI kung hindi.
Pagkatapos ay itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag .
__________1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa isang lipunan.
__________2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal, kilos o
gawi na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan.
__________3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggap tanggap sa grupo ng mga
tao o lipunan sa kabuuan.
__________4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay may kaukulang kaparusahan o
sanctions.
__________5. Ang kultura aynaglalarawan sa isang lipunan.
B. Performance Task: Sa isang pangkatang pagtatanghal, pumili ng isang kultura na iyong
kinagisnan sa ating lipunan na para sa iyo ay mahalaga at kailangang ipagpatuloy.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 3)

Gawain Blg. 6
Paksa: Mga Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung personal
at isyung panlipunan.
Code: AP10PKI- Ib-4
Layunin: 1. Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung personal at isyung
panlipunan.
2. Naipapakita ang pananagutang personal at panlipunan bilang isang mabuting mamamayan.
Sanggunian: LM AP10-Mga Komtemporaryong Isyu, pahina 26-28

ISYUNG PERSONAL:
 Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang
malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng
indibiduwal.

ISYUNG PANLIPUNAN:
 Karaniwang ang mga isyung panlipunan ay sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap
ng lipunan.
 Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan.

SOCIOLOGICAL IMAGINATION:
 Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita
ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang
ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological Imagination.

PAGKAKAUGNAY NG ISYUNG PANLIPUNAN AT ISYUNG PERSONAL:


 Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran.
 Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang
isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema
ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan.
 Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung panlipunan subalit
makikita ang epekto sa personal na buhay ng isang tao. Ang mga digmaan ay
maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa
personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at karahasan.

Pagsasanay:
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na isyu kung personal o panlipunan.
1. Martial Law sa Marawi 6. Pagkalulong sa Druga
2. Pagbagsak sa mga asignatura 7. Kawalan ng Hanapbuhay
3. Polusyon 8. Prostitusyon
4. Korapsyon 9. Pagbibigti o Suicide
5. Maagang Pagbubuntis o Teenaged-Pregnancy 10. LGBT
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 3)

Gawain Blg. 7
Paksa: Mga Isyu at Hamong Panlipunang Kinahaharap sa Kasalukuyan
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong
panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan.
Code: AP10PKI- Ib-5
Layunin: 1. Natutukoy ang mga isyu sa lipunan at hamong panlipunang kinakaharap sa kasalukuyan.
2. Nakikilahok sa mga tungkulin bilang bahagi ng lipunan
Sanggunian: Internet at LM AP10-Mga Komtemporaryong Isyu, pahina 31

 Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan ng mga
pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon.
 Mahalagang malaman kung anu-ano ang mga bumubuo sa lipunan upang maunawaan ang ugat
ng mga isyu at hamon na ating nararanasan sa kasalukuyan.

 Tatalakayin rin sa kabuuan ng asignaturang ito ang mga isyu at hamon sa iba’t ibang
aspekto ng lipunan katulad ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran, isyung pang-
ekonomiya, kasarian at lipunan (gender and society) at pagkamamamayan (citizenship).

 Naglalayon ang bawat aralin na maging mulat ang bawat mag-aaral sa mga isyu at hamong
hinaharap ng lipunan at maging aktibong bahagi sa paglutas ng mga ito dahil ang pagtugon
sa mga isyu at hamong panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan ay nakakatulong upang
makamit ang malaya at maunlad na bansa.

Pagsasanay: Awit-Suri
Panuto: Suriin ang bahagi ng awit na “Pananagutan” at sagutin ang mga katanungan sa bawat
kahon.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 3)

Gawain Blg. 8
Paksa: Konteksto ng Suliraning Panlipunan
Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas.
Code: AP10KSP- Ic-6
Layunin: 1. Natutukoy ang mga yamang likas ng Pilipinas.
2. Nailalarawan ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas.
3. Napahahalagahan ang kapaligiran ng sariling barangay.
Sanggunian: LM AP10-Mga Komtemporaryong Isyu, pahina 54-74

Ang YAMANG LIKAS ay yaman na biyaya ng kalikasan. Ito ay ang pangunahing


pinagmumulan ng yaman at batayan ng kaunlarang pangkabuhayan ng isang lugar o bansa. Kilala
ang Pilipinas sa pagkakaroon ng saganang likas na yaman. Ang mayayamang kagubatan, pangisdaan,
at minahan sa ating kapaligiran ay nakakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay at katayuan ng
kabuhayan ng bansa.
 Yamang Lupa – Ang lupain sa ating bansa ay may sukat na 300,000 na kilometro
kuwadrado. Ito ay binubuo ng ibat-ibang anyong lupa.
 Yamang Gubat – Ito ang pinakamalaking pinagkukunang yaman ng bansa. Ang ating
kagubatan ay mayroong 3,500 na ibat ibang uri ng punong-kahoy. Mayroon din 1,000 na
ibat-ibang uri ng orkidyas kabilang ang waling-waling na itinuturing na isa sa
pinakamagandang orkidyas sa buong mundo.
 Yamang Tubig – Ang ating territorial water ay may sukat na 1.67 milyon kilometro
kuwadrado na dahilan upang kilalanin ang bansa na isa sa mga sentrong pangisdaan. Dahil
ang Pilipinas ay isang kapuluan, ibat-ibang anyong tubig na may ibat-ibang laki at lawak din
ang matatagpuan dito.
 Yamang Mineral – Ayon sa mga nabigador at heograpo, tunay na mayaman ang Pilipinas sa
pagdating sa yamang mineral noon pa man. Ang paggamit nito ay dapat may pag-iingat dahil
ang yamang-mineral ang bukod tanging likas na hindi na maaaring paramihin at hindi rin
puwedeng palitan. Nauuri sa tatlo ang ating yamang mineral: metal, di-metal at panggatong
na mineral.

GAANO NGA BA KAHALAGA ANG MGA LIKAS NA YAMAN?


 Pinagmulan ng hanapbuhay
 Pinagmulan ng pangunahing pangangailangan
 Nakatulong sa kaunlaran ng bansa

ILAN SA MGA SULIRANIN AT HAMONG PANGKAPALIGIRAN SA PILIPINAS AY ANG


MGA SUMUSUNOD:
1. Suliranin sa solid waste management
2. Pagkasira ng likas na yaman
3. Climate change

Pagsasanay: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang kapaligiran ng iyong sariling


barangay?
2. Ihambing ang kapaligiran noon at ngayon sa pamamagitan ng pagguhit. Kulayan ito.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 4)

Gawain Blg. 9
Paksa: Kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas
Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas
Code: AP10KSP- Ic-6
Layunin: Nakakagawa ng pagtatanghal tungkol sa kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng
Pilipinas
Sanggunian: LM AP10 Mga Kontemporaryong Isyu
Ang pagkilos para sa pangangalaga ng kapaligiran ay nasisimula sa pag-unawa sa sanhi at
bunga ng suliranin at hamong nararanasan natin sa kasalukuyan. Kaya nararapat isaisip ng mga
tao ang kayamanang biyaya ng Diyos ay dapat pangalagaan , ingatan at gamatin sa maayos na
paraan.
Pangkatang Gawain: Lights, Camera, Action

Panuto:1. Bumuo ng apat na pangkat.


2. Bawat pagkat ay pipili ng isang likas na yaman. Gamit ang tema tungkol sa pagkasira ng
ating kapaligiran. Maglikha ng isang sitwasyon nagpapakita ng tamang pangagalaga sa kalikasan.
Maaari itong ipaawit, isasadula, iguhit at isayaw ng mag-aaral. Upang higit na maging kaaya-aya sa
mga mag-aaral ang gawaing ito, gumamit ng presentasyon na ang ipinakikitang larawan at
background music ay tungkol sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
3. Gamitin ang rubric sa pagbibigay ng marka.
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang pangunahing tema ng presentasyong tinatanghal?
2. Bakit nagaganap ang mga hamon at suliraning pangkapaligiran na ipinakita sa presentasyon?
3. Paano ito nakaapekto sa tao at kapaligiran?
Gawing gabay ang sumusunod na pamantayan sa paggawa ng inyong pagtatanghal.
Krayterya/Rubric sa Pagmamarka ng

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang


Puntos
Iskrip Mayos at malinaw ang pagkakasunod-sunod ng 10
mga ideya
Wasto at makatotohanan ang mga impormasyon.

Theme/Paksa May kaisahan at organisado ang diwa 10

Characters/Tauhan Makatotohanang Pagganap 10

Relevance/Kaangkupan Madaling maunawaan ang ginamit na salita, mga 10


larawan, at simbolo sa ginawang pagtatanghal.
Presentation/Pagpapala Nakapupukaw ng atensyon ang ginawang 10
bas pagtatanghal dahil sa ginamit na mga larawan at
salita.

Kabuuan 50

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 4)

Gawain Blg. 10
Paksa: Ang Epekto ng mga Suliraning Pangkapaligiran
Pamantayan sa Pagkatuto: Naibibigay ang mga epekto ng iba’t-ibang suliraning pangkapaligiran
Code: AP10KSP- Ic-7
Layunin: Nakagagawa ng mga hakbang upang matugunan ang mga suliraning pangkapaligiran
Sanggunian: LM AP10 Mga Kontemporaryong Isyu pahina: 55-75
Ibat-ibang suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa ating bansa sa
kasalukuyan. Ito a nahahai sa tatlong bahagi: una ay ang suliranin sa solid waste, ang ikalawa ay
ang pagkaubos ng mga likas na yaman, at ang ikatlo ay nakatuo sa Climate Change.

Suliranin Sanhi Bunga Solusyon


1.Solid Kawalan ng disiplina sa Pagbaha at paglaganap ng mga  Wastong pagpapatupad ng
Waste pagtapon ng basura insekto na nagdudulo ng ibat- Republic Act 9003 o kilala
ibang sakit. bilang Ecological Solid
Waste Management Act
of 2000

Pagtatapon, pagsusunog at  Nakalalason ng lupa Magkakaroon ng tamang lalagyan


pagbabaklas ng electronic at maging ng tubig. ng mga electronic waste.
waste o e-waste tulad ng  Polusyon
computer, cellphone at tv.  Nakasasama sa
kalusugan
 Pagkasira ng ozone
layer
2.Pagkasira  Mapang-abusong  pagbaha, Wastong pagpapatupad ng iba’t
ng mga Likas paggamit ng likas  soil erosion ibang batas, kautusan, programa
na Yaman na yaman,  pagkasira ng tahanan at proyekto ng pamahalaan
 Supply at Demand ng mga ibon at hayop
(ecosystem).
 Climate
Change/Global
Warming
3.Climate Mataas na antas ng  El Niño at La Niña,  Reforestation.
Change konsentrasyon ng carbon  malalakas na bagyo, Tamang pangangalaga sa likas na
dioxide na naiipon sa yaman.
atmosphere.

Pagsasanay:
1. Magbigay ng mga suliraning pangkapaligiran na kadalasang makikita sa inyong lugar.
2. Ibigay ang mga patakarang ipinatupad ng iyong sariling barangay para sa pangangalaga sa
kapaligiran?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 4)

Gawain Blg. 11
Paksa: Mga Programa at Pagkilos ng ibat-ibang sector upang mapangalagaan ang kapaligiran.
Pamantayan ng Pagkatuto: Natatalakay ang mga programa at pagkilos sa Ibat ibang sektor upang
mapangalagaan ang kapaligiran
Code: (AP-10IC3PK8)
Layunin: Nasusuri ang mga suliranin at mga mga programa upang mapangalagaan ang kapaligiran at
nakapag isip ng mga mungkahing paraan ng pagkilos batay sa sariling komunidad.
Sanggunian: LM AP10-Mga Komtemporaryong Isyu Pahina 55-79

SULIRANIN PROGRAMA AT PAGKILOS


1. Solid Waste Management (Government) National Solid Waste Management
MRF- Material Recovery Facility
(NGO) Mother Earth Foundation
Clean and Green Foundation
Bantay Kalikasan
Green Peace

2. Pagkasira ng mga Likas na (NGO) Philippine Tropical Forest Conservation Foundation


Yaman (Hal.Illegal logging) (GOVERNMENT) Philippine Climate Change Commission
National Greening Program
National Forest Protection Program
Forest Management Project
Integrated Natural Resources and Environmental
Management Project

3. Climate Change Climate Change Forum -LGU

PAGSASANAY: Isipin Ang Sariling Komunidad At Gumawa Ng Mga Paraan Ng Pagkilos.


Tapusin Ang Tsart.
SULIRANIN PROGRAMA AT PAGKILOS PARAAN NG
PAGKILOS
1. Solid Waste (Government) National Solid Waste Management
Management MRF-Material Recovery Facility
(NGO) Mother Earth Foundation
Clean and Green Foundation
Bantay Kalikasan
Green Peace

2. Pagkasira ng (NGO) Philippine Tropical Forest Conservation Foundation


mga Likas na (GOVERNMENT) Philippine Climate Change Commission
Yaman (Hal.Illegal National Greening Program
logging) National Forest Protection Program
Forest Management Project
Integrated Natural Resources and Environmental
Management Project
3. Climate Change Climate Change Forum -LGU

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 5)

Gawaing Blg. 12
Paksa: Ang Disaster Management
Pamantayan sa Pagkatuto: Natataya ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas batay sa epekto
at pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.
Code: AP10KSP- Id-e-9
Layunin: Natutukoy ang kahalagahan sa pagkakaroon ng mahusay na Disaster Risk Management.
Sanggunian: LM AP10-Mga Komtemporaryong Isyu, Pahina 83-87

Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng


isang mahusay na disaster management.

Ang Disaster Management

 Ayon kay Carter (1992):


o Ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng pagpaplano, pag-
oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
o Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa
upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula
sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard.
o Nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang pagbabalangkas ng disaster management
plan. Kabilang din dito ang mga mamamayan at ang pampribado at pampublikong
sektor.
 Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009):
o Ang disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang
mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
o Nakapaloob din dito ang mga plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad
upang maiwasan, makaagapay sa mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng
kalamidad, sakuna at hazard.
 Ayon sa pag-aaral nina Baas, et. al (2008) kabilang sa Risk Reduction Management ang
Hazard, Disaster, Vulnerability, Risk at Resilience.

PAGSASANAY: Base sa mga larawang nakita, magbigay ng tig-dalawang paraan upang ito ay
maiiwasan.
Mga Suliraning Pangkapaligiran

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 6)

Gawain 13
Paksa: Philippine Disaster Risk Reduction Management Framework (PDRRMF)
Community Based Disaster and Risk Management Approach
Pamantayan sa Pagkatuto: Natataya ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas batay sa epekto
at pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran
Code: AP10KSP- Id-e-9
Layunin: Naiuugnay ang NDRRMF sa CBDRRM Approach
Sanggunian: LM AP10: Pahina: 90-93

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework -nakabatay ang Philippine
Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Dalawang pangunahing layunin:


1. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang
haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad;
2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib
na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard.
National Disaster Risk Reduction Framework ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa
panahon ng mga kalamidad at hazard.
 Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat na produkto ng
pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private
sector, business sector, Nongovernmental Organizations (NGOs), at higit sa lahat ng mga
mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad.
 Ang ganitong proseso ay tinatawag na Community Based-Disaster and Risk Management
(CBDRM). Sa kasalukuyan, isinusulong rin ng NDRRMC ang Community Based- Disaster
and Risk Management Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya.
Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach
 Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay
isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga
risk na maaari nilang maranasan. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at
maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian.
 Ayon naman kina Shah at Kenji (2004), ang Community-Based Disaster and Risk
Management Approach ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na
nakasentro sa kapakanan ng tao.
 Ipinaliwanag din ni Sampath (2001) na kung ang isang komunidad ay hindi handa, maaaring
mas maging malubha ang epekto ng hazard at kalamidad.
Pagsasanay
1. Ano ang pangunahing layunin ng Philippine Disaster Risk Reduction Management
Framework (PDRRMF)?
2. Ano ang pinakasentro ng Community Based Risk Reduction Management (CBDRRM)
approach?
3. Paano nagkakaugnay ang NDRRMF at CBDRRM Approach?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 6)

Gawain Blg.14
Paksa: Ang Katangian ng Top-down Approach sa Pagharap sa Suliraning Pangkapaligiran
Pamantayan sa pagkatuto: Naipaliliwanag ang katangian ng top-down approach sa pagharap sa
suliraning pangkapaligiran.
Code: AP10-PHPIe-10
Layunin: 1. Nasusuri ang kalakasan at kahinaan ng Top-Down Approach sa pagharap ng
suliraning pangkapaligiran.
Sanggunian: LM AP10-Mga Kontemporaryong Isyu, pp. 95-96

Konsepto:
Ang Top-Down Approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa sitwasyon kung
saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
 Halimbawa, kung ang isang barangay ay nakaranas ng kalamidad, ito ay aasa lamang sa
tugon ng Pambayan o Panlungsod na Pamahalaan. Kung ang buong bayan o lungsod naman ang
nakaranas ng kalamidad, ang sistema ng pagtugon ay nakabatay sa prosesong ipatutupad ng
lokal na pamahalaan.
 Ang sistemang ito ng disaster management ay nakatanggap ng mga kritisismo. Binigyang-
diin nina Shesh at Zubair (2006) na hindi natutugunan ng Top-Down Approach ang mga
pangangailangan ng pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na
posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad.
 Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng
mga namumuno ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano. Tila hindi nabibigyang pansin ng
top-down approach ang karanasan, pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa
isang komunidad.

Pagsasanay:

1. Magbigay ng isang kalakasan at isang kahinaan ng top-down approach?


2. Epektibo ba ang pagtugon gamit ang Top-Down approach sa panahon ng kalamidad? Bakit?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 7)

Gawain Blg.15
Paksa: Pagkakaiba ng top-down at bottom up approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran:
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pagkakaiba ng top-down at bottom up approach sa pagharap sa
suliraning pangkapaligiran.
Code: AP10PHP- If-11
Layunin: Naihahambing ang kaibahan ng top-down sa bottom up approach sa pagharap ng
suliraning pangkapaligiran.
Sanggunian: LM AP10-Mga Kontemporaryong Isyu, pp. 97-99

Basahin at unawain ang talahanayan:

Top-down Approach Bottom up approach


Tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng Binibigyang pansin dito ang maliliit
gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang na detalye na may kaugnayan sa mga
Kahuluga sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa hazard, kalamidad, at
n mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pangagangilangan ng pamayanan.
pamahalaan.
Kung ang buong bayan o lungsod naman ang Ang responsableng paggamit ng mga
nakaranas ng kalamidad, ang sistema ng pagtugon tulong-pinansyal ay kailangan
ay nakabatay sa prosesong ipatutupad ng local na * Mahalagang salik sa pagpapatuloy
Kalakasan pamahalaan. ng matagumpay na bottom-up
approach ay ang pagkilala sa mga
pamayanan na may maayos na
pagpapatupad nito
* Ang responsiblidad sa pagbabago
ay nasa kamay ng mga mamamayang
naninirahan sa pamayanan.
Hindi natutugunan ng top-down approach ang mga * Ang iba’t ibang grupo sa isang
Kahinaan pangangailangan ng pamayanan at napababayaan pamayanan ay maaaring may
ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na magkakaibang pananaw sa mga banta
makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad. at vulnerabilities na nararanasan sa
kanilang lugar.

Pagsasanay: Gamit ang talahanayan, punan ng tamang sagot ang KKK chart.

Top-down Approach Bottom-up Approach

Kahulugan
Kalakasan

Kahinaan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 7)

Gawain Blg.16
Paksa: “My Idea Pad”
Pamantayan sa Pagkatuto: Nakabubuo ng konklusyon sa angkop na approach sa pagharap sa suliraning
pangkapaligiran.
Code: AP10PHP- If-g-12
Layunin: Nakapagsulat ng maikling sanaysay (essay) tungkol sa pinaka angkop na approach sa
pagharap ng suliraning pangkapaligiran
Sanggunian: LM AP10-Mga Kontemporaryong Isyu, pp. 99-100

Pagsasanay: Pagsusulat ng sanaysay.

Sumulat ng sanaysay na nagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagsasanib ng top-down approach at


bottom-up approach sa pagbuo ng disaster management plan. Gamiting batayan ang sumusunod na
pamantayan.

Rubrics sa pagmamarka ng sanaysay

Pamantayan Diskripsyon Puntos Nakuhang


puntos

Malinaw na nailahad ang kahalagahan ng CBDRM


Approach. Nakapagbigay ng mga kongkretong
Pag-unawa halimbawa upang suportahan ang mga paliwanag. 6

Komprehensibo at malinaw ang daloy ng ideya.


Organisasyon Maayos na naipahayag ang pagkakaiba at
pagkakaugnay ng mga tinalakay na konsepto. 5
Wasto at makatutuhanan ang impormasyon.
Nilalaman Nakabatay ang nilalaman sa mga tinalakay na 5
paksa.
Sumusunod sa mga pamantayan sa pagsulat ng
Teknikalidad sanaysay tulad ng paggamit ng tamang bantas,
kaayusan ng pangungusap, at pagdedevelop ng
kaisipan. 4

Kabuuan 20
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 7)

Gawain Blg. 17
Paksa: Community Based-Risk Reduction Management (CBDRRM) Plan
Pamantayan sa Pagkatuto: Nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa
ng CBDRRM Plan.
Code: AP10MHP- Ih-13
Layunin: Natutukoy ang mga konsepto na may kaugnayan sa CBDRRM Plan
Sanggunian: LM AP10-Mga Kontemporaryong Isyu, pp. 101-102

Suriin ang panukalang Process Framework nina Mercer at Gaillard (2010) sa pagsasanib ng
dalawang approach sa pagbuo ng DRRM plan, pagkatapos ay sagutan ang “My Idea Pad”.

Step 1 Step 2
Step 3 Step 4
Community Identification of
Identification of Integrated
Framework Vulnerability
Local Plan Strategies
factors

Community
Engagement Local Strategies
- Identification of
-Past and present
Collaboration intrinsic and
-Examples may
with extrinsic
include: land use Integrated
community components
planning, building Strategy
and contributing to
methods, and
stakeholders hazard
food strategies
- vulnerability.
social
Identification Identification _ Dependent
of community through: on DRRM
goals 1. Community effectiveness
situation analysis level of
2. Identification of strategies
Scientific
strategies
-Past and present
--Examples may
include: land use
Process Framework planning,
integrating local and building
scientific knowledge (J. methods, and
Mercer) food strategies Ongoing revision and
social evaluation

Pagsasanay:
1. Anong bahagi ng framework makikita ang aktibong partisipasyon ng komunidad?
2. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng komunidad sa iba’t ibang bahagi ng pagbuo ng DRRM?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 8)

Gawain Blg. 18
Paksa: Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation
Pamantayang Pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan
Code: AP10MHP- Ih-14
Layunin: Nasusuri ang mga pamamaraan upang maging ligtas sa sakuna ang bawat mamamayan
Sanggunian: LM AP10-Mga Kontemporaryong Isyu, pp. 103-104

Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation


Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan ng
pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na
nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng
sakuna at kalamidad. Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito ang
Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment.Tinataya naman ang
kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment.
Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation? Ito
ay dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga
risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad.

Hazard Assessment
Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring
danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na
panahon. Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa
ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard
assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito.

Talahanayan 1.5 – Pisikal na Katangian ng Hazard.


Pagkakilanlan Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t-ibang hazard at kung paano ito
umusbong sa isang lugar.
Katangian Pag-alam sa uri ng hazard
Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaring idulot ng hazard
Lawak Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal na epekto ng hazard
Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o maaapektuhan ng hazard.
Predictability Panahon kung kalian maaring maranasan ang isang hazard
Manageability Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang
mabawasan ang malawakang pinsala.
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)

Pagsasanay:
1. Ano ang hazard assessment?
2. Bakit mahalaga ang kaalaman sa paghahanda sa panahon ng sakuna?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 8)

Gawain 19
Paksa: Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness
Pamantayan ng pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan
Code: AP10MHP- Ih-14
Layunin: Nasusuri ang lawak sa mga temporal na katangian upang mapaghandaan sa panahon ng kalamidad
Sanggunian: LM AP10-Mga Kontemporaryong Isyu, pp.106-109

Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Response.

 Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng


kalamidad, sakuna o hazard.
 Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at
maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o
kalamidad.
 Dapat ring maliwanag sa bawat sektor ng lipunan ang kanilang gagawin upang magkaroon ng
koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at pagkaantala na maaari pang magdulot ng
dagdag na pinsala o pagkawala ng buhay.
 Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga
maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na
istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa
dinanas na kalamidad.

Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng paalala at


babala sa mga mamamayan. Ito ay may tatlong pangunahing layunin:

1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na


katangian ng komunidad.
2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon,
paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
3. To instruct–magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat
puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tullong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad sa pagbibigay ng paalala o babala. Ito ay pinadadan
sa pamamagitan ng barangay assembly, pamamahagi ng flyers, pagdidikit ng poster o billboard,
mga patalastas sa telebisyon, radyo, at pahayagan. Lahat ng ito ay ginagawa upang maging mulat
at edukado ang mga mamamayan sa uri ng hazard at dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama
nito.
Pagsasanay:
1. Ano ang dapat gawin upang maipagbigay sa lahat ang mga dapat gawin sa panahon ng
kalamidad?
2. Bakit mahalaga na malaman ng mga mamamayan ang mga impormasyon tungkol sa kalamidad at
mga dapat gawin kung mararanasan ang mga ito?
3. Paano makatutulong ang mga mamamayan sa pamamahagi ng kaalaman tungkol sa disaster
preparedness?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 9)

Gawain Bilang 21
Paksa: Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipapaliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRMN Plan.
Code: AP- 10 – MAP-Ih-14
Layunin: Naisasagawa ang mga pamamaraan sa pagharap sa mga hamon sa panahon ng sakuna.
Sanggunian: LM AP10-Mga Kontemporaryong Isyu, pp. 124-125

Ikaapat na Yugto: Yugtong ito na Rehabilitasyon.


 Ito ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang
pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloyang
pamumuhay ng isang naantalang komunidad.
 Sa pagbuo ng Cluster Approach na may layuning mapatatag ang ugnayan sa iba’t ibang
sektor ng lipunan. Makakatulong ito upang maging mas malawak ang mabubuong plano at
estratehiya upang magagamit ng mahusay ang mga pinagkukunang yaman ng isang
komunidad.
 Ginagamit ang cluster Approach ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa
pagbuo ng sistema sa pagharap ng mga sakuna, kalamidad, hazard sa Pilipinas. Noong Mayo
10, 2007, nagpapatupad ang Cluster Approach ng deriktiba na pagbuo ng mga Disaster
Management System na magtatalaga ng pinuno da bawat cluster (Cluster Leads) para sa
tatlong antas: nasyunal, rehiyunal, at probinsyal.
 Napatunayang epektibo ang pagpapatupad nito dahil ng tumama ang malakas na bagyong
Glenda noong Hulyo 2007, idineklara ng Albay ang zero casualty pagkatapos ng malawakang
pinsala at kalamidad. Dahilan ito sa higit na partisipasyon ng mga mamamayan, NGO, at iba
pang sektor ng lipunan. Sa yugto ng Recovery ang nakasalalay ang pagbuo ng isang
komunidad ang kanilang Disaster Management plan at kailangang may sapat na kaalaman at
partisipasyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan, mga NGO, at mga mamamayan sa pagbuo ng
DRMM plan upang ito’y matagumpay.
 Isa sa mga pamamaraang ginagawa ng pamahalaan ay ang konsepto ng DRMM plan sa
pagtuturo paaralan at sa bisa ng DEP-ED Order No. 55, 2008 nabuo ang DRRM upang
magamit ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagtuturo sa mga pampublikong paaralan.

Pagsasanay:

1.Ano ang dapat gawin upang manumbalik ang rehabilitasyon pagkatapos ng kalamidad?
2.Dapat bang iasa ang gawaing pangrehabilitasyon sa pamahalaan?Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Paano harapin ng mamamayan ang mga banta at hamon sa suliraning pangkapaligiran?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 8)

Gawain Bilang 20
Paksa: Ikatlong Yugto: Disaster Response
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan.
Code: AP10-MAP-Ih-14
Layunin: Natutukoy ang tamang pamamaraan upang matugunan ang pangangailangan ng mga
biktima sa kalamidad.
Sanggunian: LM AP10-Mga Kontemporaryong Isyu, pahina 121-124

 Ang ikatlong yugto ay ang Disaster Response. Itinataya ang lawak ng pinsala dulot ng
kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha dahil magsilbing batayan ito upang
maging epektibo ang pagtugon sa pangangailangan sa pamayanang nakararanas ng
kalamidad.

Mga Uri ng Pagtataya ng Disaster Response:


1. Needs Assessment- tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain,
tahanan, damit at gamot.
2. Damage Assessment- tumutukoy sa pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng
mga kalamidad.
3. Loss Assessment- tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o
pangmatagalang pagkawala ng produksyon.
 Ang damage at loss ay magkaugnay dahil ang loss ay resulta sa mga produkto, serbisyo at
imprastraktura na nasira.
 Mahalagang naunawaan ang ugtong ito upang magkaroon ng koordinasyon sa lahat ng sektor
ng lipunan kasama din sa pagsasagawa ng una at ikalawang yugto. Mahalaga ang kaligtasa sa
bawat isa kaya magkaroon ng disaster response at maayos na komunikasyon sa lahat ng
sektor sa oras na nararanasan ang isang kalamidad upang hindi mabalewala ang nilalaman ng
DRRM Plan. Nakakatulong ang Flash Report sa pagtugon ng Disaster Response.

Mga tanong:

1. Ano ang papel na ginagampanan ng Disaster Response sa pagtugon sa panahon ng

kalamidad?

2. Paano matugunan ang mga nangangailangan ng mga mamamayan na naging biktima sa

kalamidad?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 9)

Gawain Blg. 22
Paksa: Mga Artikulo na Tumatalakay sa Disaster Risk Management
Pamantayan sa Pagkatuto: Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na
dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.
Code: AP10MHP- Ih-15
Layunin: Nailalarawan ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga
suliraning pangkapaligiran.
Sanggunian: LM AP10-Mga Kontemporaryong Isyu, pp.128-132

Konsepto:
Karapat-dapat na maging aktibong kabahagi ang mga mamamayan sa pagbubuo ng plano sa kanilang
lugar upang maging handa ang inyong pamayanan sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad.
 Unang Artikulo – “Geography and Public Planning: Albay and Disaster Risk Management.”
o Bago ang taong 1989, ang istratehiya ng Albay sa disaster risk management ay tinatawag
na “after-the-fact-disaster response”. Pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang kaligtasan
ng mga naapektuhang pamilya at ang pagbibigay ng relief assistance sa panahon ng
kalamidad.
o Sa pagkakaroon ng kalamidad, ilan sa mga gawain ng disaster control group ay ang
pagbibigay ng mga early warning signal, paglikas ng mga apektadong pamilya, pamimigay ng
mga relief goods, at pagkakaloob ng mga tulong medikal. Sa punto ng paghahanda sa
kalamidad, nagkakaroon ng mga pagsasanay at drill subalit hindi ito regular na nagaganap.

 Ikalawang Artikulo – “Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM) Projects and


Programs Implemented by Non-Government Organiations (NGOs).”
o Sa kasalukuyan, mayroong mga internasyunal at lokal na mga NGO ang nakikibahagi sa mga
gawaing may kaugnayan sa CBDRM sa 55 probinsya at siyudad sa Pilipinas. Sa 55 probinsya
at siyudad, 43, ang natukoy na mga atrisk, na siyang naging pokus ng mga gawain ng READY
Project.

 Ikatlong Artikulo – “Replicating Ideally Prepared Communities.”


o Ang Buklod Tao ay isang environmental people’s organization na binuo ng mga residente
ng Doña Pepeng Subdivision at mga informalsettlers ng North at South Libis, Brgy.
Banaba, San Mateo noong Pebrero 1997.
o Pagkatapos ng isang araw na Disaster Management and Preparedness Seminar noong
Hunyo 1997, binuo ng Buklod Tao ang Disaster Response Committee (DRC) na mayroong
33 miyembro at nagbalangkas ng Counter Disaster Plan. Tatlong disaster management
teams ang binuo at ang emergency rescue at evacuation plan ay inayos
Pagsasanay:
Paano tinugunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran?

Batay sa Unang Artikulo Batay sa Ikalawang Artikulo Batay sa Ikatlong Artikulo


Batay sa tatlong artikulo na aking sinuri, masasabi ko na ang pagtugon sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran ay dapat na _____________________________________________________________________

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 9)
Gawain Blg. 23
Paksa: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management
Plan
Pamantayan sa Pagkatuto: Naisasagawa ang mga hakbang ng CBDRRM Plan.
Code: AP10MHP- Ii-16
Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang hakbang ng CBDRRM Plan.
Sanggunian: LM AP10-Mga Kontemporaryong Isyu

Konsepto:
Ang Disaster Risk Reduction and Management Plan ay mayroong apat na yugto:
(1) Disaster Prevention and Mitigation
(2) Disaster Preparedness
(3) Disaster Response
(4) Disaster Rehabilitation and Recovery.

 Sa unang yugto ay isinasagawa ang iba’t ibang pagtataya tulad ng hazard assessment, risk,
vulnerability assessment at capacity assessment. Ang mga impormasyong makukuha dito
ay gagamitin bilang batayan sa iba pang yugto ng plano.
 Sa ikalawang yugto naman ay ipinagbibigay alam sa mga mamamayan ang mga dapat gawin
bago at habang nararanasan ang isang kalamidad upang maiwasan ang higit na pinsala sa
buhay at ari-arian.
 Samantala sa ikatlong yugto ay inilalahad ang mga dapat gawin na pagtugon habang
nararanasan ang kalamidad.
 Sa ikaapat na yugto ay inilalatag ang plano kung paano matutulungan ang mga nasalanta at
maging ang komuidad na bumangon mula sa naganap na kalamidad.

Pagsasanay: We are ready!


Makibahagi sa iyong pangkat sa pagbuo ng DRRM plan na nakabatay sa inyong paaralan, kalye
(street), kapitbahayan, barangay, o isla. Basahin ang nilalaman ng situwasiyon at isagawa ito.

Ikaw ay pangulo ng isang NGO na kasapi sa pagbuo ng Community- Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan sa inyong pamayanan. Ang inyong pamayanan ay kalahok sa
taunang patimpalak sa paggawa ng CBDRRM plan na inilunsad ng National Disaster Risk
Reduction and Management Council. Ikaw ay naatasang gumawa ng Disaster Risk Rreduction and
Management Plan na nakabatay sa pangangailangan ng inyong komunidad. Ang mabubuong DRRM
plan ay ilalahad sa mga miyembro ng sangguniang pambarangay at mga kinatawan ng NDRRMC.

Maaring gamitin ang ribriks na ito bilang batayan:


Kaangkupan -20puntos
Nilalaman -20puntos
Presentasyon -20puntos
Praktikalidad -20puntos
Aspektong Teknikal -20puntos

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 10)

Gawain Blg. 24
Paksa: Kahalagahan ng Disiplina at Kooperasyon sa Pagharap ng mga Suliraning Pangkapaligiran.
Pamantayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa
pagharap sa mga panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.
Code: AP10MHP- Ii-173
Layunin: Magbigay ng halimbawa na gawaing pangkapaligiran na nagpapakita ng disiplina at
kooperasyon sa pagharap ng panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran.
Sanggunian: LM AP- KONTEMPORARYONG ISYU

Konsepto:

Ang pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan ay may mahalagang papel upang maiwasan


ang malawakang pinsala na dulot ng iba’t-ibang kalamidad na maaaring maranasan sa ating bansa.

Pangkatang gawain.

Mahahati sa limang pangkat ang klase. Bawat pangkat ay maglalahad ng pagsasadula sa


iba’t- ibang halimbawa ng gawaing pangkapaligiran na nagpapakita ng disiplina at kooperasyon sa
pagharap ng panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan
(Week 10)

Gawain Blg. 25
Paksa: Kahalagahan ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Approach
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang kahalagahan ng Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management Approach sa pagtugon sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran.
Code: AP10MHP- Ii-18
Layunin: Naipapahayag ang mga layunin sa pagbuo ng Phil. Disaster Risk Reduction and
Management Plan.
Sanggunian: LM AP- KONTEMPORARYONG ISYU

Konsepto:

 Kinakailangan ng aktibong pagkilos ng mga mamamayan sa pagharap sa mga hamon ng


kapaligiran. Pakatandaan mon a kabahagi ka ng lipunan at ng kapaligiran kung kaya’t may
responsibilidad ka na ito ay pangalagaan.
 Sa pamamagitan ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Approach
mas naaagapan ang anumang sakuna. Mas maagang nakakakuha ng impormasyon sa iba’t-
ibang komunidad.
 Ilan sa mga kahalagahan ng CBDRRM approach ay ang mga sumusunod:
o Madaling napupunan ang pangangailangan ng bawat tao sa komunidad.
o Mas mabilis ang pagkilos sa panahong hindi inaasahan tulad ng lindol.
o Mas mabilis din ang pagbibigay ng babala sa mga tao sa darating na sakuna.
o Mas may higit na impormasyong nalalaman ang mga namamahala sa lokal na lugar
kaysa sa mga nasa nakatataas na posisyon.
o Napakahalaga nito sa mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad tulad ng Pilipinas.

Pagsasanay:

1. Ano ang partisipasyon mo sa lipunan upang maging matagumpay ang isang disaster risk plan.
Ipaliwanag.
2. Bakit kailangan natin ang CBDRRM approach sa pagharap sa mga hamon sa suliraning
pangkapaligiran? Ipaliwanag
3. Gumawa ng “Reflection Paper” tungkol sa kahalagahan ng Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management Approach sa pagtugon sa mga hamon at suliraning
pangkapaligiran.
Mga pamantayan sa pagmamarka
Konsepto - 50%
Organisasyon 20%
Pagkamalikhain 20%
Kalinisan 10%
Kabuuan 100%

You might also like