Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tabloid: Isang Pagsusuri

William Rodriguez II

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid
na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumabas sa telebisyon at naiulat na rin sa Radyo. May sariling
hatak ang nasa print media dahil lahat ay di naman naibabalita sa TV at Radyo. Isa pa, hanggat naitatabi ang diyaryo ay may epekto parin sa
mambabasa ang mga nilalaman nito.

Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo . Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literature, o
di kaya’y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata lahat ng diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras
kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pangmasa dahil sa TAGALOG ito nakasulat bagama’t ilan ditto ay ingles ang midyum.
Hindi katulad ng Broadsheet na ang target ay Class A at B. “Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang diin ang tungkol sa sex at
karahasan kaya’t tinagurian itong sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya
ay dahil sa itinuro ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?

Sa kasalukuyan ay mayroong 21 na national daily tabloid at apat lang naman sa weekly tabloid na nagsi-circulate sa bansa. Huwag ng isama
ang mga diyaryo na wala sa merkado na kaya lang nakapagpatuloy ay dahil sa pagpi-PR sa mga politiko. Ang ilang tabloid ay konektado rin
sa broadsheet at mayroon ding mga publishing na dalawa o tatlo pa ang hawak na diyaryo. Mapapansing marami sa mga tabloid na ibenenta
ay pawing ngatatampok ng mga istoryang tungkol sa sex at nagpapakita ng mga larawang hubad ng kababaihan; pangiliti lang daw. Ngunit
ang totoo ay pinupuntirya nila ang libido ng tao para lang makabenta. Tuloy, mababa ang tingin ng iba sa mga tabloid dahil sa ganitong
kalakaran. Pumasok din sa eksena ang mga smut tabloid na sagad sa kalaswaan!

Mahalaga pa naman ang ginagampanan ng media sa paghubog ng kaisipan ng mamamayan. Kaya nitong bumuo at magwasak ng isang
indibidwal o kahit istitusyon. Mabuti na lamang at may matitino pa ring tabloid. Siyempre, kabilang na rito ang PINAS na nagtataguyod ng
alternatibong pamamahayag.

You might also like