Gabay para Sa Pagmimisa Sa Panahon NG Pandemyang Covid-19

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

(BABASAHIN BAGO MAGSIMULA ANG MISA)

Bilang pakikibahagi sa malawakang pag-iingat ng buong bansa


laban sa COVID-19, narito po ang ilang alituntunin na ating
ipatutupad sa parokya:
1. Tuloy po ang lahat ng mga misa sa ating parokya, pati na ang
mga binyag. Subalit ang mga matatanda at may mga
karamdaman o pre-existing conditions ay hinihikayat na
huwag nang pumunta sa simbahan at magsimba na lamang sa
telebisyon o Facebook Live.

2. Mahigpit na ipinapakiusap sa lahat ang pagsunod sa “SOCIAL


DISTANCING”. Mag-iwan ng distansya sa inyong mga katabi sa
upuan o sa mga pila. Ito ay upang maiwasan ang direct
contact sa mga posibleng may sakit.

3. Sa pansamantala ay hindi muna tayo magkakaroon ng


prusisyon ng pag-aalay. Kung magbibigay ng donasyon mula
sa pagpapamisa, mangyaring ihulog na lamang ito sa mga
buslo.

4. Mangyaring iwasan muna ang paghahawak-hawak ng kamay


sa Ama Namin at pagmamano o paghalik sa Pagbabahagi ng
Kapayapaan.
5. Ang Banal na Komunyon ay tatanggapin lamang gamit ang
mga kamay.

6. Huwag munang pipila para sa Komunyon hangga’t hindi


nakakarating ang ating mga Lay Ministers sa kanilang mga
pwesto.

7. Magbigay ng distansya sa bawat isa sa pagtanggap ng


Komunyon. Huwag magsiksikan.

8. Maaaring piliin na hindi tumanggap ng komunyon. Darasalin


ang Act of Spiritual Communion bago ang Pagbabasbas.

9. Bago ang pagbabasbas, darasalin ang Oratio Imperata at


Panalangin para sa Kapayapaan ni San Francisco.

10. Isama sa inyong mga intensyon ang kaligtasan ng bawat isa


mula sa sakit na COVID-19.

You might also like