Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pat-Pataynity

Isang pangarap na naman ang naglaho ng namatay ang panibagong biktima ng hazing na si Horacio
“Atio” Castillo III, isang estudyante ng UST College of Law. Maraming nanangis sa malagim na
kinasapitan ng biktima lalong lalo na ang naiwang pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan nito.
Masakit para sa kanila ang sinapit ni Atio na namatay sa kamay ng mga itinuturing na “kapatid.”

Isinasaad sa RA 8049 o kilala bilang Anti-Hazing Law na bawal isailalim sa hazing ang miyembro ng
fraternities, sororities at iba pang organisasyon. Habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa mga nag-
hazing kapag namatay ang miyembro.

Nakalulungkot mang isipin ay hindi nasusunod ang batas na ito. Marami nang nabiktima ang hazing
lalong lalo na ang mga estudyante. Tayo bilang mga mag-aaral ay nababahala sa pwedeng mangyari sa
katulad kong kabataan. Ano na lamang ang mangyayari sa mga susunod na henerasyon kung katulad kay
Atio ay mabibiktima tayo ng hazing at mawawala ang ating mga pangarap na parang bula. Paano na kaya
ang magiging kinabukasan ng ating bansa kung magpapatuloy pa ang mga ganitong masamang gawain.
Paano kaya tayo mapoprotekhan ang laban dito?Paano kaya masosolusyunan ang problemang ito?

Dapat lamang na baguhin na ang batas laban sa hazing. Gawing mas mabigat at mas matapang upang
masunod ito ng mga kinauukulan. Kung kailangang dagdagan ng pangil, bakit hindi para magbigay sindak
sa mga “uhaw sa dugong” miyembro ng fraternity. At kung maisasakatuparan ito, umasa tayo na
matitigil na ang walang kakuwenta-kuwentang kamatayan dahil sa hazing. At sana, last ng biktima si
Atio.

You might also like