Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pangalan:

DISCUSSION:
Estratehiya sa Pangangalap ng Impormasyon
1. Pagbasa at Pananaliksik - Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba pang mga materyales.
2. Obserbasyon - Magagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat at pangyayari.
3. Pakikipanayam o Interbyu - Magagawa ito sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga taong malaki ang karanasan
at awtoridad sa paksang hinahanapan ng impormasyon
4. Pagtatanong o Questioning - Magagawa ito sa pamamagitan ng paglalatag ng mga katanungang nais masagutan
hinggil sa paksa.
5. Pagsulat ng Journal - Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatala ng mga mahalagang pangyayari upang hindi
makalimutan. Talaan ng sariling gawain at repleksyon
6. Brainstorming - Pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao. Pakikipagtalakayan sa maliit na pangkat
7. Pagsasabey - Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng isang questionnaire sa isang grupo ng mga
respondent.
8. Sounding out Friends - Magagawa ito sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kaibigan, kapitbahay, o kasama sa
trabaho para sa isang impormal na talakayan hinggil sa paksa
9. Imersyon - Magagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o gawain upang
makasulat hinggil sa karanasan o gawaing kinapalooban.
10. Pageeksperimento - Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda. Madalas
ginagamit sa sulating siyentipiko.

Gawain 3.1 (30 pts)


- Ngayon ay mararanasan mong sumulat ng isang komentaryo o balita tungkol sa kalagayan ng information technology
sa ating bansa o tungkol sa mga isyung may kinalaman sa social media network o teknolohiya.
- Gamitin mo ang iyong mga natutunang mga estratehiya sa pangangalap ng impormasyon.

Halimbawa:

PAKSA

ESTRATEHIYANG
GINAMIT

IMPORMASYONG NAKALAP
PAKSA

DISCUSSION

ESTRATEHIYANG GINAMIT ESTRATEHIYANG GINAMIT

IMPORMASYONG IMPORMASYONG IMPORMASYONG


NAKALAP NAKALAP NAKALAP
GAWAIN 3.2 (20 pts)
Magbigay ng dalawang halimbawang salita sa mga uri ng impormal na salitang makikita sa loob ng kahon.

Lalawiganin

DISCUSSION: Kolokyal

Impormal
na Salita
Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw

Konsepto ng Pananaw O Point of View


- Sa pagbibigay ng pananaw ay maaaring banggitin o magpahayag batay sa sariling damdamin, paniniwala, ideya,
kaisipan o karanasan.
Ilan sa mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw :
-Alinsunod sa….
- Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa
-Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng
- Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong
Halimbawa:
Batay sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng
komunikasyon at sistema ng edukasyon.
Sa ganang akin, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.
May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na
halimbawa.
- Sa isang banda/ Sa kabilang dako
- Samantala
Halimbawa:
Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.

DISCUSSION:

Programang Pantelebisyon
 nagsisilbing libangan
 gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.
 mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-
edukasyon at iba pa.
 Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang.

Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong


proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

GAWAIN 3.3

Maghanap o magsaliksik ng mga dokumentaryong pantelebisyon gamit ang Internet. Sundan ang mga hinihinging
detalye ng graphic organizer na makikita sa susunod na pahina.

PORMAT:

Dokumentaryong Pantelebisyon
HALIMBAWA:

Dokumentaryong Pantelebisyon

Pamagat: Ang Batang Magtatanso

Pinagmulan Nito: Reporter’s Notebook

Dokumentarista: Maki Pulido at Jiggy Manicad

Isyung Tinatalakay: Ito ay tungkol sa dalawang bata na sa halip na


nagaaral ay naghahanapbuhay sa pamamagitan ng piraso ng kable sa
basurahan

DISCUSSION:

EKSPRESYONG HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL


Sa paglalahad mahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga pangyayari.
Kailangang lohikal na maipakita ang ugnayan upang madaling makuha o maunawaan ang mensaheng nais iparating.
1. Sanhi at Bunga
- Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat maliwanag na makita ng mga mambabasa o tagapakinig.
- Pangatnig: sapagkat, palibhasa, dahil,kasi,bunga, kaya, atbp
Halimbawa:
- Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang kanyang buhay.
- Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.

2. Paraan at Resulta
- Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta.
- Ang pang-ugnay na sa ay karaniwang ginagamit.
Halimbawa:
- Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kaniyang kurso

3. Kondisyon at Resulta
- Sa ugnayang ito ipinakikitang maaring maganap o sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
- Pang-ugnay : kung, kapag, sakali.
Halimbawa:
Kung nakinig ka sana sa iyong magulang hindi magiging ganyan ang iyong buhay.

4. Paraan at Layunin
- Isinasaad ng ugnayang ito kung paano makakamit ang layunin gamit ang paraan.
- Pang-ugnay : upang, para, nang, atbp.
Halimbawa:
Para makatulong sa magulang, nagsikap siya nang husto sa pag-aaral.

5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili
- Magkaugnay sapagkat ang nag-aalinlangan o nagdududa ay nagaatubili o hindi kaagad isinasakatuparan o
pinaniniwalaan ang isang bagay.
- Hindi sigurado, yata, tila, baka, marahil, atbp
Halimbawa:
Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa ang bagay na iyan.

6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi
- Ugnayang nagsasaad ng katiyakan o kasidhian.
- Siyang tunay, walang duda, sa katotohanan, talaga, tunay, siyempre, atbp.
Halimbawa:
Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at walang dudang napatunayan ko ito.

GAWAIN 3.4:
Tukuyin kung anong ekspresyong may kaugnayang lohikal ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin lamang ang titik
ng tamang sagot mula sa pagpipilian.

a. Sanhi at Bunga c. Paraan at resulta e. Pag-aalinlangan at pag-aatubili


b. Paraan at layunin d. Kondisyon at Resulta f. Pagtitiyak at pagpapasidhi
____1. Upang maiwasan ang problema ay kailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan.
____2. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat masusugpo ang problemang ito.
____3. Ang karapatan ng mga bata ay dapat nating isulong sapagkat parami na nang parami ang mga batang nabibiktima
ng pang-aabuso.
____4. Kung hindi sana matigas ang kanilang mga ulo ay maganda na ang kanilang buhay ngayon.
____5. Hindi ako sigurado sa aking nakita kaya’t hindi ko alam kung tutulungan ko ba ang mga batang ito o hindi.

DISCUSSION:
Pagsulat ng Rebyu ng Isang Pelikula

Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula.

Mga Elemento:

1. Kuwento
– tumutukoy sa mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
- Bago o luma ang istorya?
- Ito ba ay ordinaryo o gasgas na at naulit-ulit na rin sa ibang pelikula?
- Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?
- Nakapupukaw ba ito ng interes?

2. Tema
– Ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula.
-Ano ang tema ng pelikula? Pampamilya, pag-iibigan, horror,sci-fi, aksyon?
- Napapanahon ba ang paksa?
- Malakas ba ang dating o impact sa manonood kung saan ito ay nakatitimo sa isip?
- Akma ba ang tema sa panahon kung kailan ito nagawa o akma sa lahat ng panahon?

3. Pamagat
- Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay nagsisilbi ring panghatak ng pelikula.
- Ito ba ay angkop sa pelikula?
- Nakakatawag ba ito ng pansin?
- Mayroon ba itong simbolo o pahiwatig?

4. Tauhan
- Ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay buhay sa kuwento ng pelikula.
- Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan?
- Makatotohanan ba ang mga ito?
- Angkop ba ang pagganap ng artista sa pelikula?

5. Diyalogo
- Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
- Naisaalang-alang ba ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kuwento?
- Matino ba, bulgar o naaangkop ang mga ginamit na salita sa kabuuan ng pelikula?
- Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula ang diyalogong ginamit?
6. Cinematography
- Ito ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.
- Mahusay ba ang mga anggulong kinunan?
- Naipakita ba ng camera shots ang mga bagay o kaisipang nais palutangin?
- Nakakasunod ba sa galaw ng artista ang kamera?

7. Iba pang Aspektong Teknikal


- Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng eksena, special effects, editing.
- Akma ba ang musika at nababagay sa tema at eksenang ipinakikita sa pelikula?
- Maayos ba ang pagkaka-edit ng pelikula? Wala bang bahaging putol?
- Ang ilaw ba at tunog ay coordinated at akma sa eksena?
- Akma o makatotohanan ba ang special effects, blastings, pagkawala, pagliit, o paglaki ng bagay, animasyon, make-up
ng mga artista, paggamit ng computer graphics.

GAWAIN 3.5
Manood ng isang pelikula. Suriin ang pelikulang napanood batay sa mahahalagang impormasyong dapat tandaan sa
pagrerebyu ng isang pelikula.

PAMAGAT :
TEMA NG PELIKULA:
PAGGANAP NG TAUHAN:
DIYALOGO:
CINEMATOGRAPHY:
PAGLALAPAT NG MUSIKA AT FINAL EDITING:
BUOD NG PELIKULA:

You might also like