Filipino 7 Learning Module No. 1.2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY

Taloto District, Tagbilaran City


High School Department
FILIPINO 7
LEARNING MODULE NO. 1.2
UNANG MARKAHAN
UNANG LINGGO

Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame: 1 hour
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score:
Parent/Guardian’s Signature: Target Score:

Paksa: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay


Layunin:
A. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng patunay.
B. Nakikilala kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay o hindi.
C. Naisusulat ang mga patunay na ang kwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na
pinagmulan.

Batayang Konsepto:

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY


May mga pahayag sa na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga
pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at an gating paliwanag ay maging katanggap-tanggap at kapani-
paniwala sa mga taga pakinig.

Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na lalo pang makapagpapatunay
sa katotohanan ng inilahad.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbibigay ng mga Patunay:

1. Nagpapahiwatig - Ito ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang mga
ebidensiya subalit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.
2. Nagpapakita - Salita ang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay at totoo.
3. May Dokumentaryong Ebidensya - Ito ay mga patunay o ebidensya na maaaring nakasulat, larawan o
video.
4. Nagpapatunay/Katunayan - Ito ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa
ipinahahayag.
5. Taglay ang matibay na Konklusyon - Ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o
impormasyon na totoo ang pinatutunayan.
6. Kapani-paniwala - Salita ang nagpapakita na ang ebidensiya ay makatotohanan at maaaring
makapagpatunay.
7. Pinatutunayan ng mga Detalye - Makikita mula sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag.
Mahalagang masuri ang mg detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.

Elemento ng Isang Pahayag ng Patunay:


Ang isang pahayag ay maayos na naisusulat kapag buo ang diwa nito at naiintindihan ng nagbabasa o tagapakinig.
Upang mas maging mabigat ang importansya nito, nakakatulong ang pagdaragdag ng mga pahayag na may
kaangkop na ebidensya sa iyong sinasabi. Mas kapani-paniwala ang isang pahayag kapag may isang matibay na
ebidensyang sumusuporta rito.  

TUKLASIN
Matapos nating alamin at kilatisin ang kwentong-bayan na sumasalamin sa kultura at kaugalian
ng Mindanao. Ngayon, basahin natin ang isang pangyayari sa Mindanao na kung saan maiuugnay
natin sa mga pangyayari sa kwentong-bayan na binasa. Alamin kung gaano nga ba kahalaga ng
pagkakakilanlan ng isang lugar at sa papaanong paraan ito maaaring makaapekto sa buhay ng isang tao.
Mindanao, Maisasalba ng Lake Lanao
Mario B. Kasayuran

Dapat na maipasa na ng Kongreso ang panukala sa pagtatag ng Lake Lanao Development Authority na lilikha ng malinaw
na framework sa pangangasiwa sa Lake Lanao at sa watershed resources nito upang matugunan ang pagpapatuloy ng rotational
brownout sa Mindanao, tinuturing “land of promise”.
Ayon kay Senator Loren Legarda, awtor ng panukala, ang talamak at lumalalang deforestation sa mga watershed, kabilang
ang nasa Lake Lanao, at siltation sa mga ilog ay kabilang sa mga dahilan kung bakit kinakapos ang suplay ng koryente sa
Mindanao.
Samantala, ang panukalang pagtatayo ng 300-megawatt (MW) fossil fuelpowered electric plant ang nakikita ng gobyerno na
pansamantalang solusyon sa kapos na suplay ng koryente sa rehiyon.
Iginiit naman ni Legarda na ang patuloy na pagtuyo ng Lake Lanao ay nakaapekto sa suplay ng tubig mula sa lawa para sa
anim na hydroelectric power plant sa Mindanao, kabilang ang Agus, na ang kabuoang sinusuplay ay responsable sa 70
porsiyento ng pangangailangan sa koryente ng buong rehiyon.
Ayon sa Senadora, inaasahan na niya ang kakapusan ng koryente sa Mindanao, kaya naman inihain niya ang Senate Bill
3097 para makalikha ng epektibong polisiya at regulatory administration para sa Lake Lanao, sa pamamagitan ng Lake Lanao
Development Authority.
“The Lake Lanao Development Authority shall have the exclusive jurisdiction to issue Environment Compliance Certificates
(ECCs)/ Certificate of Non-Coverage (CNCs) and grant permits for any projects or activities in or affecting the Lake Lanao
Area,’ ani Legarda.
Sa kasalukuyan, umaabot sa 1,484 MWs ang demand sa koryente sa Mindanao, ngunit nasa, 1,181 MVs lang ang kayang
ipagkaloob ng mga power plant sa rehiyon, kaya kulang ng 300 MWs ang kabuoang suplay, na nagresulta sa rotational
brownouts.

Pagsasanay:

I. Sagutin ang mga sumusnod na katanungan sa loob ng dalawang (2) buong pangungusap.

1. Ang kwentong-bayan na ating binasa ay nagmula sa Mindanao, Ano ang masasalamin


mo sa kasalukuyang kalagayan ng lugar na ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Mula sa balitang binasa ano-ano ang mga detalyeng makakapagpatunay ng iyong
sagot sa unang bilang?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Batay sa balita, may problema bang kinakaharap ang Mindanao? Magbigay ng mga
patunay.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Mula sa binasa, ano ang ebidensiyang magpapatunay na ang pagkasira ng


kalikasan/kapaligiran ay maraming masamang epekto sa buhay ng tao?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

II. Panuto: Batay sa mga kaalamang nakalap mula sa Batayang Konsepto, tukuyin kung ang
mga sumusunod na pahayag ay nagbibigay ba ng patutunay o hindi. Isulat sa kahon ang P
kung ang pahayag na nagbibigay ng patunay at DP kung hindi ito nagsasaad ng patunay.

1. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay nakakatawag-
pansin sa maraming mamayayamang Pilipino ang kanyang pangakong pagbabago.
2. Umaasa ang marami na may magbabago nga kani-kanilang buhay.
3. Huwag lang sana tayong salantain ng malakas na bagyo.
4. Pinatunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyo ng minahan sa bansa na may
ilang minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa mga minahang ito ay
ipinasara ng DENR.
5. Maging handa tayo sa pagdating ng mga maminsalang bagyo.

III. Ang ating mga kwentong-bayan ay mahalagang bahagi ng ating kultura. Sinasalamin kasi
nito ang tradisyon o kaugalian ng lugar na ating piangmulan. Maghanap ng isang kwentong-
bayan mula sa isang aklat o internet at basahin itong mabuti. Mula sa iyong binasa ay
sagutan ang mga sumusunod:

 Pamagat ng Kwentong-Bayang binasa


___________________________________________________________________
 Mula sa iyong binasa ay magbigay ka ng patunay na ang kwentong-bayan ay
sumasalamin sa mga tradisyon o kaugalian ng lugar na piangmulan nito.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________________________________

 Pagkatapos mong naisulat ang mga patunay ay maaring naiisip mo na ang


kahalagahan ng pagpapanatiling buhay sa mga kwentong-bayan. Maglahad ka sa
ibaba ng limang paraang makatutulong upang mapalaganap at mapanatiling buhay
ang mga kwentong-bayan lalo na sa mga kabataan sa kasalukuynag panahon.
o _____________________________________________________________
o _____________________________________________________________
o _____________________________________________________________
o _____________________________________________________________
o _____________________________________________________________

You might also like