PDF 2nd Quarter 2018 - GRADE 4 - 2 COPIES

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Montessori Schoolhouse at Kent

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino


T.P. 2018-2019
Pangalan: Petsa:
Baitang: Ikaapat (4) Guro: Ginang Vilma P. Adlawan
I. PAGSUSULIT NA MAY PAGPIPILIAN
Panuto: (#1-5) Basahing mabuti ang mga sumusunod na bilang. Bilugan (encircle) ang titik ng tamang
sagot.
1. Kung ang noun ay pangngalan ano naman ang verb?
a. pantukoy b. pandiwa c. panghalip d. pang-uri
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi pandiwa?
a. Andrea b. tumatakbo c. kumakanta d. nalulungkot
3. Ano sa Filipino ang direct object?
a. Tuwid na bagay b. Tawirang bagay c. Tuwirang layon d. Tuwirang bagay
4. Ang pang-abay ay may simbolong maliit na bilog at kulay __________?
a. Pula b. Itim c. Puti d. kahel
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
a. Pang-uri b. Pandiwa c. Pangngalan d. Pantukoy

II. PAGHAHANAY
Panuto: (#6-15) Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng salawikain. Isulat sa patlang sa HANAY A
ang kahulugan na nasa HANAY B. TITIK LAMANG ANG ISUSULAT.
HANAY A HANAY B
6. Agaw-buhay a) Manggagawa
7. Bantay-salakay b) panaginip
8. Anak-pawis c) Mahirap
9. Balat-sibuyas d) traydor
10. Balitang kutsero e) maramdamin
11. Dalawang bibig f) Naghihingalo
12. Alilang kanin g) Taong nagbabait-baitan
13. Balik-harap h) Balitang hindi totoo
14. Anak-dalita i) Utusang walang sweldo
15. Bungang tulog j) madaldal

III. PAGTUKOY
Panuto: (#16-20) Ang mga sumusunod ay mga larawan na nagpapakita ng pandiwa. Isulat sa patlang
sa ibaba ang mga kilos o galaw na kanilang ginagawa.

16. 17. 18. 19. 20.

Panuto: (#21-30) Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin ang pangngalan at pang-uri na
inyong makikita sa bawat bilang.
PANGUNGUSAP PANGNGALAN PANG-URI
(Noun) (Adjective)
Ang nanay ni Kristina ay maganda. 21. 22.
Ang mga mag-aaral sa MSK ay matatalino. 23. 24.
Maliit ang nabili kong sapatos. 25. 26.
Mainit ang kape na natapon sa akin 27. 28.
kaninang umaga.
Masarap ang luto ng kanyang nanay. 29. 30.
Panuto: (#31-50) Ang kahon sa ibaba ay naglalaman ng iba’t ibang antas ng pang-uri. Gamit ang
mga salita sa lantay, gawin itong pahambing at pasukdol. Gamitin ang mga pananda. Isulat lamang
ang sagot sa loob ng kahon.

PAHAMBING
LANTAY PASUKDOL
Magkatulad Di-magkatulad
31. maganda 32. 33. 34.
35. matangkad 36. 37. 38.
39.matalino 40. 41. 42.
43. mabait 44. 45. 46.
47. maitim 48. 49. 50.

Panuto: (#51-60) Basahing Mabuti ang bawat pangungusap. Kahunan (box) ang pandiwang ginamit.
Tukuyin kung ito ba ay pandiwang palipat o pandiwang katawanin. Isulat sa patlang ang P kung ito
ay palipat at K naman kung ito ay katawanin.
51-52. Bumili ng pandesal si Totoy mula sa tindahan sa kanto.
53-54. Ang presyo ng gasolina ay bababa nang bahagya.
55-56. Si Juanito ay nagbiyahe patungong Cavite.
57-58. Naghuhugas ng mga pinggan at kubyertos si Ate Mila.
59-60. Ang batang pilyo ay sumisigaw nang napalalakas.

IV. PAGPUPUNO
Panuto: (#61-65) Makikita sa ibaba ang isang talata patungkol sa kaantasan ng pang-uri. Tukuyin ang
wastong terminolohiya na mabubuo kapag isinaayos ang mga ginulo at salitang pinaitim. Ang
pagpipilian ay nasa kahon. Isulat ang sagot sa patlang.
Magkatulad Pasukdol Lantay Pahambing Di-Magkatulad

Ang pang-uri ay may iba’t ibang kaantasan. Una na rito ang 61. TAYLNA ______________o
tinatawag nating positive degree sa Ingles. Ito ay naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Ikalawa,
ang 62. HAMPABING_________________ o tintatawag nating comparative degree sa Ingles. Ito ay
naghahambing sa dalwa o higit pang pangngalan o panghalip. Mayroon itong dalawang uri;
63. MAGLADKATU __________________at 64. DI- MAGLADKATU________________________. At ang
panghuling kaantasan ng pang-uri ay 65. SUKPOLAD_______________________ na tumutukoy
naman sa katangiang namumukod sa lahat ng pinaghahambingan.

V. PAGBASA
A. Panuto: (#66-75) Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga tanong. (PAGBASA NANG
TAHIMIK)
Pagsasaranggola
Maraming bata ang nagtatakbuhan paakyat ng bundok. Ang saya-saya nilang lahat.
Maaliwalas ang langit at hindi mainit ang sikat ng araw. Katamtaman lamang ang ihip ng hangin at
bagay na bagay para sa pagpapalipad ng saranggola.
Higit na mababa ang paglipad ng malaking saranggolang pula ni Luis kaysa sa saranggolang
dilaw ni Albert. Tila naman eroplano ang saranggola ni Samuel. Iyon ang pinakamataas sa lahat ng
saranggola na lumilipad sa himpapawid.
“Kuya,” tawag ni Ana, ang maliit na kapatid ni Samuel. “Tulungan mo po akong paliparin ang
aking saranggola.” Hawak ni Ana ang isang saranggolang kulay lila at gawa sa makapal na papel.
“Sige, halika at tuturuan kita,” ang sagot ng kanyang kuya. Masayang nagpatuloy sa paglalaro ang
mga bata.
Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbilog sa letra at/ o pagsulat ng tamang sagot.
66. Alin sa mga salita ang naglalarawan sa mga bata sa kwento?
a. Malikot b. Masaya c. Maingay

67. Ano ang ginagawa ng mga bata?


a. Nagpipiknik sa parke b. Naglalaro ng taguan c. Nagpapalipad ng saranggola

68. Kaninong saranggola ang pinakamataas ang lipad?


a. Kay Samuel b. Kay Albert c. Kay Luis

69. Sino ang nagpapatulong na magpalipad ng kanyang saranggola?


a. Si Albert b. Si Ana c. Si Samuel

70. Saan yari ang saranggola ni Ana?


a. Sa manipis na plastik b. Sa mahabang tela c. Sa makapal na papel

71. Ano ang pamagat ng akdang iyong binasa?

72-75. Gamit ang apat hanggang limang pangungusap, isulat ang gintong aral (moral lesson) na
iyong napulot mula sa akda

B. Panuto: (#76-100) Isa-isang tatawagin ng guro ang bawat mag-aaral at magbabasa ng isang
kuwento gamit ang mga kagamitan sa Montessori. Ang mga mag-aaral ay bibigyang puntos
batay sa pamantayan. (PAGBASA NANG MALAKAS)

KRAYTIRYA PUNTOS IYONG PUNTOS


Bigkasin nang maliwanag ang mga salita 5 PUNTOS
Pangkatin ng wasto ang mga salita 5 PUNTOS
Tumigil sa mga tuldok at huminto nang bahagya sa mga kuwit 3 PUNTOS
Pagbasa ng malakas at may damdamin 3 PUNTOS
Pagtayo ng tuwid at magkatabi ang dalawang paa 3 PUNTOS
Paghawak sa aklat gamit ang kaliwang kamay 3 PUNTOS
Tumingin paminsan-minsan sa mga nakkinig 3 PUNTOS
KABUUAN 25 PUNTOS

Ipinasa ni: Ginang Vilma P. Adlawan, Guro sa Filipino

Inaprubahan ni: Ginang Paz V. Alcantara, Punong Guro ng MSK

You might also like