Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bakit kailangan natin sumunod sa mga panuntunan ng social distang at ano ang

sinasabing “flatten the curve”?

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto ng “epidemiology” (o ang pag-aaral g

epidemiya o mabilis na pagkalat ng sakit) makakatulong ang tinatwaga na “social

distancing” upang maiwasan ang kontak sa pagitan ng isang taong may impeksyon o sakit

sa ibang tao na walang sakit, at sa ganitong paraan ay mapapababa ang bilang ng mga

nahahawa, nagkakasakit at namamamatay buhat ng epidemiya. Ito ay sinasabing

epektibo sa mga kaso ng “droplet transmission” (o mga sakit na naisasalin sa iba sa

pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing) kagaya ng pagkalat ng sinasabing novel

coronavirus (COVID 19).

Ang mga paraan ng Social Distancing ay:

• pagsasara ng mga paaralan o pagsuspendido ng mga klase

• pagsasara ng mga “non-essential” na mga pasukan ng trabaho o mga “non

essential” na mga negosyo

• isolation

• quarantine

• pagkansela sa mga malaking pagtitipon ( misa, sports, concerts, film shows, atbp.)

• pagsasara o pag -lilimita ng biyahe ng malakihang transportasyon ( tren, bus,

eroplano, cruise)

• pagpapasara ng mga recreational centers (gym, spa, swimming pools, atbp)

• ang mga tinatawag na “self-shielding measures” ng mga indibidwal upang

malimitahan ang pakikisalamuha sa iba (gaya halimbawa ng paglilipat ng mga

gawain online)
Bukod sa social distancing, nananawagan din ang mga pamahalaan ng gobyerno

na sumunod ang mga tao sa iba pang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit

gaya ng pag-obserba ng proper hand hygiene, pagsusuot ng protective mask kung ikaw

ay may sintomas ng sakit o pinaniniwalang maaring carrier nito o nasa lugar ng maraming

tao gaya ng supermarket.

Kaakibat sa pagpapaliwanag ng mga paraan upang mapigilan ang mabilis na

pagkalat ng COVID 19 ang graph na tinatawag na “flatten the curve”. Ipinakikita ng graph

na eto ang dalwang scenario o maaring mangyari. Ang una ay ang di pagsunod sa mga

panuntunan ng pag-iingat (gaya ng social distancing, proper handwashing). Sa scenario

na eto makikita na ang kurba ng dami ng kaso ng impeksyon at tumataas, lumalagpas pa

sa kakayanan na tugunan ito ng limitasyon ng healthcare system. Sa pangalawang

scenario, makikita ang pag-sunod sa mga pag-iingat, kung kaya makikita ang pagbaba ng

kurba o bilang ng kaso ng impeksyon. Nagiging mas mababa eto sa limitasyon ng

healthcare system, kung kaya't eto ay makakayanan nilang tugunan.

(insert flatten the curve graph here)

Ang healthcare system ng isang bansa ay limitado lamang sa numero ng mga

tauhan (gaya ng doktor at nurses), gamit (gaya ng ventilator) at bilang ng mga intensive

care units. Kung dadagsa ang mga taong may sakit buhat ng kulang na prevention

measures na naisagawa, babagsak ang healthcare system at lalo tayong lahat mapupunta

sa peligro. Sa pananatili natin sa tahanan at pagsunod sa "social distancing"

matutulungan natin ang mga maysakit na magkaroon ng lugar para sa kanila sa

pagamutan at upang makatulong din tayo sa mga mangagamot, nurses at iba pang

mangagagwa sa ospital. Sa ganitong paraan mas maraming buhay ang maisasalba.

Isinulat ni: Elisha Gay C. Hidalgo, RND (Registered Nutritionist Dietitian)

You might also like