Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MATIMATIKA I

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay dapat nang:


 Nailalahad ang mga datos sa pamamagitan ng pictograph na walang iskala.
 Nakokolekta at naoorganisa ang mga datos sa pamamagitan ng tallies at table.
Prerequisite Concepts and Skills
a. Pagbibilang b. Addition c. Subtraction

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagkilala ng Datos Gamit ang Pictograph


Sanggunian: Mathematics I Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog pp. 278-282
Mathematics I Teachers Guide pp. 198-200
Kagamitan: Larawan na may stickers ng mga kulisap, larawan na may stickers ng mga kulisap,
envelop at mga taaan
Value Focus: Cooperation

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
Lahat ay magsitayo para sa panalangin. ________ (magsisitayo)
maaari mo bang pangunahan ang ating
panalangin? Opo. (pangungunahan ang panalangin)
(Mananalangin)

b. Pagbati
Magandang umaga mga bata. Magandang umaga din po Ma’am Dylene,
magandang umaga mga kamag-aral

Magsiupo ang lahat. (magsisiupo)

c. Balik Aral
Magbalik-aral muna tayo tungkol sa napag aralan
ninyo noong nakaraang araw.

Kung ang isang pitsel ay naglalaman ng dalawang


basong tubig. Ilang baso ng tubig ang kailangan
upang mapuno ang bilang ng pitsel na nakasaad.

Bilang ng Pitsel Bilang ng Baso Bilang ng Pitsel Bilang ng Baso


2 2
3 3
5 5

d. Pampasiglang Gawain
Mga bata, sino sa inyo ang nakakita ng mga
insekto? Itaas ang kamay. (magsisitaas ng kamay)

Anu-ano namang uri ng mga insekto ang inyong


nakita? (sasagot ang mga bata. Maaaring iba-iba ang
mga kasagutan)
May naitutulong din ba ang ilang mga insektong
inyong nabanggit sa ating kapaligiran?
Anu-ano ito? Maaari bang magbigay ng
halimbawa? (sasagot ang mga bata. Maaaring iba-iba ang
mga kasagutan)
Magaling!

B. Lesson Proper/ Pagtalakay

a. Paglalahad ng Suliranin
(Magpapakita ang guro ng isang larawan ng
hardin sa paaralan na may mga istiker ng mga
iba’t ibang insekto)

Ano ang nakikita ninyo sa pisara? Isang larawan po.

Magaling!

Ano naman ang nakikita ninyo sa larawan? Hardin, mga insekto, bata at iba pa.

Magaling!

Maaari ninyo bang ibigay sa akin ang mga uri ng


insektong inyong nakikita sa larawan? Mayroong mga paru-paro, tutubi,
bubuyog,tipaklong at gagamba.
(ilalahad ng guro ang sitwasyon)
Basahin natin ang mga sumusunod na talata na
kaugnay ng nasa larawan. (magbabasa)

Si Lara ay mahilig maupo sa hardin ng mga Si Lara ay mahilig maupo sa hardin ng


bulaklak sa kanilang paaralan tuwing hapon. Gustong- mga bulaklak sa kanilang paaralan tuwing hapon.
gusto niyang bilangin ang mga insektong kanyang Gustong- gusto niyang bilangin ang mga
nakikita sa paligid ng hardin. insektong kanyang nakikita sa paligid ng hardin.
Maaari ninyo ba siyang tulungan sa Maaari ninyo ba siyang tulungan
pagbibilang ng mga insekto? Ilan lahat na sa pagbibilang ng mga insekto? Ilan lahat
mga insekto ang nakikita ninyo sa hardin? na mga insekto ang nakikita ninyo sa
hardin?

b. Paglulutas ng Suliranin
Ating tulungan si Lara na bilangin ang mga
insekto na makikita sa hardin.

Sino sa inyo ang makakabilang ng mga insekto sa


larawan na nasa pisara? Maaari mo bang bilangin
ang mga insekto sa larawan?
(tatawag ang guro ng tatlong bata) (magbibilang ang mga bata) Maroong 24 na
insekto sa larawan.
Magaling!

Bilangin naman natin ang mga insekto batay sa


kanilang uri. Sino ang makakapagbilang ng
paruparo?
(tatawag ang guro ng bata upang magbilang) Mayroong 6 na paruparo sa larawan.
Magaling!
Ilan naman ang bubuyog? Mayroong 5 bubuyog sa larawan.

Magaling!
Ilan naman ang gagamba? Mayroong 8 gagamba sa larawan.

Magaling!
Ilan naman ang tipaklong? Mayroong 2 tipaklong sa larawan.

Magaling!
Ilan naman ang tutubi? Mayroong 3 tutubi sa larawan.

Magaling!

(isinulat ng guro ang mga kasagutan ng mga bata)

Paruparo –6

Bubuyog –5

Gagamba –8

Tipaklong – 2
Ilan lahat ang mga insekto sa larawan? Mayroon 24 na insekto sa larawan

Magaling!

c. Pagproseso ng Kasagutan
Ating bilangin ang mga insekto sa iba pang
paraan. (sa pamamagitan ng mga larawan)
Meron tayong “Table” sa pisara. Ito ay inyong
pupunan. Binubuo ito ng anim na rows at
dalawang kolumn.

Batay sa nakikita ninyo sa table sa pisara, ano ang


inyong unang ilalagay o isusulat sa unang kolumn
sa kaliwa? Amin pong isusulat ang mga pangalan ng
insekto.
Magaling!

Ano naman ang ilalagay ninyo sa pangalawang


kolumn? Ididikit naming ang mga larawan ng mga insekto
batay sa pangalan nito.
Magaling mga bata!

Gagawin natin ito na nakasunod-sunod mula sa


may pinakamarami hangang sa may pina
kakaunting bilang.

Simulan na natin ang ating gagawin. (tatawag ang


guro ng mga batang sasagot sa pisara)
Mga Insektong Matatagpuan sa Hardin sa
Mga Insektong Matatagpuan sa Hardin sa Paaralan Paaralan
Pangalan ng Insekto Larawan ng Insekto Pangalan ng Insekto Larawan ng Insekto
Gagamba 8
Paruparo 6
Bubuyog 5
Tutubi 3
Tipaklong 2
Ilan ang uri ng insekto? Mayroong 5 uri ng insekto.

Magaling!
Ilan lahat ang mga insekto? Sa kabuuan, ang mga kulisap ay 24.

Magaling!
Anong insekto ang may pinakamaraming bilang sa
hardin? Ang gagamba ang insektong may
pinakamaraming bilang sapagkat ito ay 8.
Magaling!
Ano naman ang pinakakaunti? Ang tipaklong sapagkat 2 lamang ito.

Magaling!
Ilan ang bilang ng gagamba na nakahihigit kumpra
sa bilang ng tipaklong? Mayroong 8 gagamba. Samantala mayroong 2
tipaklong. Samakatuwid ay nakahhigit ng 6 ang
mga gagamba kaysa sa tipaklong.
Magaling!
Paano ninyo nalaman ang kasagutan? Aking ibinawas ang bilang nang mga gagamba
sa bilang ng mga tipaklong.
Magaling!
Tungkol saan ang pictograph? Ang pictograph po ay tungkol sa Mga Insektong
Matatagpuan sa Hardin sa Paaralan.

Magaling!

Ilahad naman natin ang mga pangalan at bilang


ng mga insekto sa pamamagitan ng tally.
(bibigyan ang mga mag-aaral ng activity sheets na
may diagram ng tally)
Maglagay kayo ng tally mark (l) katumbas ng
larawan ng bawat insekto. Kung ito ay panglima
na, maglagay ng diagonal na guhit ( \) sa apat na
marka.
Nauunawaan ninyo ba?

Magaling!

Maaari ninyo nang simulan ang inyong gawain.


(paggawa ng gawain) Mga Insektong Matatagpuan sa Hardin sa
Mga Insektong Matatagpuan sa Hardin sa Paaralan Paaralan
Pangalan ng Kabuuang Bilang Pangalan ng Kabuuang Bilang
Tally Tally ng Tally Marks
Insekto ng Tally Marks Insekto
Gagamba llll-lll 8
Paruparo llll-l 6
Bubuyog llll 5
Tutubi lll 3
Tipaklong ll 2

Ilang insekto mayroon sa bawat uri? Mayroong 8 gagamba, 6 paruparo, 5 bubuyog, 3


tututbi at 2 tipaklong.
Magaling!
Ilan lahat ang mga insekto? Sa kabuuan, ang mga kulisap ay 24.

Magaling!
Anong uri ng insekto ang may pinakamaraming
bilang sa hardin? Ang gagamba ang insektong may
pinakamaraming bilang sapagkat ito ay 8.
Magaling!
Ano naman ang pinakakaunti? Ang tipaklong sapagkat 2 lamang ito.

Magaling!
Ilan ang bilang ng gagamba na nakahihigit kumpra
sa bilang ng tipaklong? Mayroong 8 gagamba. Samantala mayroong 2
tipaklong. Samakatuwid ay nakahhigit ng 6 ang
Magaling! mga gagamba kaysa sa tipaklong.
Maaari niyo bang ibigay ang number sentence na
katumbas nito? 8-2=6

Magaling!

Alam na ba kung paano magbilang ng mga bagay


sa pamamagitan ng mga larawan ayon sa kanilang
ui sa isang table? Opo Ma’am.

Ang paggamit naman ng tally marks? Opo Ma’am.

Magaling!

C. Application/ Pagsasagawa ng Gawain

Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo. Bawat grupo


ay may activity sheet at mga istiker/larawan ng
ibat-ibang uri ng mga prutas gaya ng mangga,
saging, bayabas, at pakwan. Pumili kayo ng
pinakapaborito ninyong prutas mula sa aking mga
ibinigay.
Pag sunod sunorin ang ang mga prutas ayon sa
dami ng bilang nito mula sa pinakamarami
hanggang sa pinakakaunti. Isulat ang pangalan sa
unang hanay at idikit naman ang mga larawan sa
pangalawang hanay. Pagkatapos ay inyong
sagutan ang mga katanungan na nasa ibaba. Kapag
wasto ang pagkasunod ng panuto, mayroon
kayong 3 puntos. Kapag may mali naman ay 2
puntos at kapag wala kayong sagot ay wala ring
puntos na maatanggap.

Naunawaan ba ninyo mga bata?

Maaari niyo nang simulan ang inyong gawain.


(mga katanungan ng bawat grupo)

Unang Grupo
Ang Aming Pinakaaboritong Prutas
Bilang ng Prutas
Pangalan ng Prutas
(larawan)

1. Ilang uri ng prutas mayroon sa talahanayan?


2. Ilan lahat ang mga prutas ?

Pangalawang Grupo
Ang Aming Pinakapaboritong Prutas
Bilang ng Prutas
Pangalan ng Prutas
(larawan)
1. Ilang bata ang pumili ng mangga, saging,
bayabas at pakwan?
2. Ilan ang bilang na nakahihigit sa pina-
kamaraming napili kumpara sa pinakakaunti?

Pangatlong Grupo
Ang Aming Pinakapaboritong Prutas
Bilang ng Prutas
Pangalan ng Prutas
(larawan)

1. Anong prutas ang pinakamaraming napili?


2. Tungkol saan ang pictograph?

D. Generalization / Paglalahat

Paano ninyo nalaman ang paboritong prutas ng


inyong mga kagrupo?

Mga bata, tandaan natin na:


Ang mga bilang ng mga bagay ay naipapakita
sa isang organisang paraan sa pamamagitan ng
kanilang mga larawan o guhit ayon sa kanilang uri
sa isang table. Sa ganitong paraan ay mas madali
ikumpara dahil nakagrupo-grupo na ayon sa
kanilang uri.

Maliban sa paggamit ng mga larawan upang


bilangin ng sestimatikoang isang grupo ng mga
bagay, ano pa ang pwede nating gamitin?
Paggamit ng Tally Marks.
Ilan ang katumbas ng bawat tally marks?
Ang katumabas ng bawat tally marks ay 1 bagay.
Magaling!

IV. EVALUATION / PAGLALAPAT


Ilahad ang bilang ng mga batang naglalaro sa parke batay sa kulay ng mga damit na suot nila. Iguhit ang
/ sa gawing kanan na kolum at isulat ang pangalan ng kulay sa kaliwa. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong sa ibaba ng pictograph.

Mga Batang Naglalaro sa Parke

Bilang ng Kulay
Pangalan ng Kulay
(larawan ng tao)

Kabuuang Bilang
1. Anong kulay ang pinakamarami?
2. Tungkol saanang pictograph?

V. TAKDANG ARALIN
Isulat sa kwaderno.
Gumawa ng sariling pictograph. Itanong sa 10 mong kapamilya at kaibigan kung ano ang paborito
nilang hugis. Ipakita sa pictograph ang datos at lagyan ito ng pamagat.

Inihanda ni:

DYLENE B. BARRIENTOS
Teacher Applicant

You might also like