Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION

FIRST QUARTERLY ASSESSMENT


ARALING PANLIPUNAN 8 (KASAYSAYAN NG DAIGDIG)
S.Y. 2016-2017
Pangalan: _______________________________________ Petsa: _____________/___/_________
Pangkat: ________________________ LRN: ___________________________________ Iskor: _____________

MARAMIHANG PAGPILI: Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.


____1. Isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daidig na pinagbubuklod ng magkakatulad na
katanging pisikal o kultural.
a. lokasyon b. lugar c. paggalaw d. rehiyon
____2. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at ang kaugnayan nito sa pamumuhay
ng tao.
a. Heograpiya b. Heolohiya c. Kasaysayan d. Sosyolohiya
____3. Uri ng lokasyon kung saan ang batayan ng pagtukoy ay ang mga lugar at bagay na nasa paligid nito na ginagamit
bilang palatandaan.
a. absolute b. linear c. relatibo d. psychological
____4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lokasyon?
a. Malaki ang suliranin ng China sa polusyong dulot ng mga pabrika.
b. Ang New Zealand ay halimbawa ng isang kapuluan o archipelago.
c. Ang Cambodia ay kaanib ng Association of Southeast Asian Nations.
d. Nasa silangan ng Pilipinas ang Pacific Ocean, nasa timog ang Sulu Sea, at nasa kanluran ang West Philippine Sea.
____5. Ang matigas at mabatong bahagi ng estruktura ng daigdig na umaabot sa 30-65 kilometro palalim mula sa mga
kontinente ang kapal.
a. Mantle b. Crust c. Inner Core d. Outer Core
____6. Ito ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng isang lugar/rehiyon.
a. Arkeolohiya b. Sosyolohiya c. Heograpiya d. Topograpiya
____7. Alin sa mga sumusunod na larawan sa ibaba ang hindi kabilang sa temang heograpikal na lugar?
a. c.

b. d.

____8. Bakit mahalagang pag-aralan ang tungkol sa heograpiya ng daigdig?


a. Upang maging aktibo at makalahok ng regular sa mga gawaing pampolitika at pampamayanan
b. Upang higit na maunawaan ang impluwensiya ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mga tao.
c. Upang matuto hinggil sa katangiang bayolohikal ng mga iba’t ibang pook.
d. Upang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa agham panlipunan.
____9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng kasaysayan-heograpiya?
a. Ang daigdig ay binubuo ng pitong kontinente at limang karagatan.
b. Ang araw ang sentro ng sansinukob.
c. Ang estruktura ng daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core.
d. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile.
____10. Ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
a. Africa b. Europe c. Asya d. Antarctica
____11. Ano ang dapat mabatid ng mga Asyano kaugnay sa pagkakaroon nito ng pinakamalaking bilang ng populasyon sa
mundo?
a. Ang malaking populasyon ay may malaking hamon sa pag-unlad ng isang pamayanan.
b. Walang epekto ang malaking populasyon sa pamumuhay ng mga tao.
c. Ang malaking populasyon ay walang direktang epekto sa kalikasan.
d. Ang malaking populasyon ay yaman ng isang bansa.

____11. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong tungkol dito.

CANAD
A
Alin sa mga sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Canada?
a. Tropikal na klima c. Buong taon na nagyeyelo
b. Maladisyertong init d. Nakararanas ng apat na klima
____12. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong tungkol dito.

PILIPINA
S

Alin sa mga sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng bansang Pilipinas?


a. Tropikal na klima c. Buong taon na nagyeyelo
b. Maladisyertong init d. Nakararanas ng apat na klima
____14. Alin sa mga sumusunod na ilustrasyon ang may wastong pagkakasunud-sunod ng mga planeta mula sa pinakamalapit
sa araw?
a. Earth-Mercury- Mars- Venus c. Mars-Venus-Mercury-Earth
b. Mercury-Venus-Earth-Mars d. Venus-Mercury-Mars-Earth
____15. Ipinapakita sa larawan sa ibaba ang apat na hating-globo o hemisphere ng daigdig. Suriin ito at sagutin ang tanong
tungkol dito.

AUSTRAL
IA

Sa apat na hemispheres, saan matatagpuan ang Australia?


a. Northern at Western Hemisphere c. Northern at Eastern Hemisphere
b. Southern at Western Hemisphere d. Southern at Eastern Hemispher
____16. Ito ay isa sa saklaw ng heograpiyang pantao na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng pangkat ng mga tao batay sa kanilang
pisikal o bayolohikal na katangian.
a. Lahi b. Wika c. Etnisidad d. Pangkat-tao
______17. Bahagi ng lipunan simula pa noong unang panahon ang relihiyon. Ano ang kahulugan nito?
a. Ito ay pagkilala sa kanyang pinagmulang lahi.
b. Ito ay ang nagpapairal ng mga dapat sundin sa mga lipunan.
c. Ito ay ang pagkilala ng tao sa isang kapangyarihang nakapaghahari sa lahat ng bagay.
d. Ito ay palaisipang hindi malaman ang simula,patutunguhan at ang wakas.

_____18. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba
ng kanilang mga paniniwala?
a. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
b. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
c. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
d. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
_____19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng wika?
a. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat.
b. Nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.
c. Ito lamang ang tanging batayan ng pagiging sibilisado ng isang pangkat ng mamamayan.
d. Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga
naninirahan dito.
_____20. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
a. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
b. Maraming sigalot sa mga bansa.
c. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
d. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
_____21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong panahong
Paleolitiko?
a. pagpipinta sa mga kuweba paggamit ng apoy pagkakaroon ng unang pamayanan
b. pagkakaroon ng unang pamayanan pagpipinta sa mga kuweba paggamit ng apoy .
c. paggamit ng apoy pagpipinta sa mga kuweba pagkakaroon ng unang pamayanan
d. nalinang ang pagpapapanday natutong makipagkalakalan sistematikong pagtatanim
_____22. Ito ang pangunahing gawain ng mga sinaunang tao sa panahong Neolitiko.
a. pangangaso b. paglikha ng apoy c. pakikidigma d. sistematikong pagtatanim
_____23. Bakit napalitan ng pagtatanim ang pangangaso bilang paraan ng pangangalap ng pagkain noong panahon ng Bagong
Bato?
a. Dahil mas mahirap manghuli ng mababangis na hayop kaysa magtanim.
b. Dahil sa naisin ng sinaunang mga tao na magkaroon ng palagiang suplay ng pagkain.
c. Dahil mas masustansiya ang mga butil at prutas kaysa sa pagkain ng karne ng hayop.
d. Dahil kakaunti lamang ang mga hayop na maaaring gawing pagkain ng mga sinaunang tao.
_____24. Suriin ang mga larawan sa ibaba. Sa pamamagitan nito, sagutin ang tanong tungkol dito.

HOMO HABILIS HOMO ERECTUS

Anong katangian ang ipinapahiwatig ng mga larawan tungkol sa dalawang species ng homo?
a. Ang Homo Habilis ay mahusay sa pangisngisda samantalang ang Homo Erectus ay tumira sa mga yungib.
b. Ang Homo Habilis ay marunong gumawa ng kasangkapang bato samantalang ang Homo Erectus ang nakatuklas sa
paggawa ng apoy.
c. Ang Homo Habilis at Homo Erectus ay parehong nabuhay noong panahon ng Bagong Bato.
d. Ang Homo Habilis ay taong nakatayo ng matuwid ang Homo Erectus ay taong nakagagawa ng kasangkapan.
______25. Alin pahayag ang may wastong impormasyon tungkol sa panahong Paleolitiko?
a. Unang natuklasan ng mga sinaunang tao ang paggawa ng mga sandatang yari sa bakal.
b. Pagsasaka at pangingisda ang kanilang pangunahing paraan ng pamumuhay.
c. Gumamit sila ng mga kasangkapang yari sa mga tinapyas at pinakinis na bato.
d. Permanente na ang kanilang uri ng paninirahan.
______26. Paano napakikinabangan sa kasalukuyang panahon ang naganap na rebolusyong Neolitiko?
a. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyang henerasyon.
b. Limitado ang karne dahil hindi marunong magpaamo ng mga mababangis na hayop ang tao sa kasalukuyang
panahon.
c. Patuloy sa pag-angkat ng bigas ang Pilipinas upang solusyunan ang suliranin ng kakapusan ng likas-yaman at
kakulangan ng mga produkto.
d. Isa ang pagsasaka sa mga pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyang
panahon.
_______27. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na sitwasyong nagpapakita ng kahalagahan ng metal sa kasalukuyang
henerasyon?
a. Malaki ang kinikita ng mga bansa sa pagbebenta ng mga metal.
b. Karamihan sa mga kagamitan ng mga tao sa kasalukuyang henerasyon ay yari sa metal.
c. Ang mga kagamitang yari sa metal ang dahilan upang lumago ang iba’t ibang industriya sa bansa.
d. Ang mga metal ang ginagamit sa pagpapatayo ng mga imprastraktura tulad ng mga nagtataasang mga gusali.
_______28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang mga tao ay gumagawa ng mga paraan sa mga hamong dulot ng
kapaligiran sa kanilang pamumuhay?
a. Pagpapatayo ng mga gusali at pagsasaayos ng mga kalsada.
b. Pagtuklas ng mga makabagong pamamaraan ng pagsasaka.
c. Pag-imbento ng mga kagamitang magpapagaan ng mga gawain at tutugon sa kanyang pangangailangan.
d. Pagsisikap na makiayon sa galaw ng kalikasan nang walang nakokompromisong bahagi ng likas-yaman.
_______29. Ang tinaguriang kambal na ilog na matatagpuan sa Mesopotamia.
a. Yangtze at Huangho b. Tigris at Euphrates c. Nile at Amazon d.. Indus at Ganges
_______30. Itinuturing itong isa sa mga pinakamahalagang ambag ng mga Babylonians sa kabihasnan.
a. batas b. gulong c. sewerage system d. Ziggurat
_______31. Ang dinastiyang Tsino na nagpatayo ng Great Wall.
a. Shang b. Q’in c. T’ang d. Yuan
_______32. Naging pangunahing katangian ng kulturang Tsino ang mga aral ni Confucius,Alin sa mga sumusunod ang
nakapaloob sa aral ng Confucianismo?
a. Maaring mamili ang tao sa pagitan ng masama at mabuti.
b. Ang pagkakaroon ng mabuting ugali,gawi at pagkilos ang daan upang matamo ang isang mabuting lipunan.
c. Ang pag-alis sa pagnanasa ay gamot sa pagdurusa.
d. Ang pagpapanatili ng kapayapaan at maayos na relasyon ay higit na mahalaga kaysa konsepto ng labis na
pagpapairal ng karapatang pantao.
_______33. Kung cuneiform ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Sumerian, ito naman ang tawag sa sistema ng pagsulat ng
mga sinaunang Egyptian.
a. Alibata b. Alpabeto c. Characters d. Hieroglyphics
_______34. Ang magaling na pinuno ng India na nagpatayo ng Taj Mahal.
a. Shah Jahan b. Akbar c. Chandragupta I d. Babur
_______35. Ang itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.
a. Indus b. Mesoamerica c. Mesopotamia d. Egypt
_______36. Aling pahayag ang may wastong impormasyon tungkol sa mga sinaunang kabihasnan?
a. Unang gumamit ng apoy ang mga sinaunang tao.
b. Nakagawian ng mga sinaunang tao ang paninirahan malapit sa ilog.
c. Pangangaso at pangangalap ng pagkain ang pangunahing paraan ng pagkuha ng pagkain ng sinaunang tao.
d. Malaki ang pakinabang ng ilog upang magkaroon ng maunlad at maayos na pamumuhay ang mga taong kabilang
sa mga sinaunang kabihasnan.
_______37. Alin sa sumusunod ang mga pamana ng kabihasnang Sumerian?
a. Hinduism,alkantarilya,Vedas c. Great Wall, feng shui, Confucianism
b. gulong,Cuneiform, Ziggurat d. pyramid, mummification, hieroglyphics
_______38. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon
ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?
a. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop an gang mga teritoryo nito.
b. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa inyong pamumuhay.
c. May sistema ng pagsusulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
d. May aktibong pagpapalitan ng produkto sa loob at labas ng lungsod.
_______39. Alin sa sumusunod ang pamana ng kabihasnang Chaldean?
a. Taj Mahal b. Thousand Temples c. Hanging Gardens d. Temple of Artemis
_______40. Ang sagradong aklat para sa mga Hindu na binubuo ng mga himnong pandigma, ritwal at mga salaysay.
a. Ramayana b. Mahabharata c. Vedas d. Bing Fa
_______41. Suriin ang tsart na naglalaman ng mga pahayag tungkol sa kabihasnan sa Mesopotamia.

1. Natu klasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng Euphrates at Tigris.
2. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang ikinabagsak nito.
3. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.
4. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar

Mula sa mga pahayag, alin ang pinakaangkop na dahilan at epekto ng tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa
Mesopotamia?
a. 4 at 1 b. 3 at 2 c. 2 at 1 d. 3 at 4
_______42. Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkakasunud- sunod ng mga pangkat sa ilalim ng sistemang caste sa
sinaunang India?
1. Kshatriya 2. Sudra 3. Brahmin 4. Vaisya
a. 1, 2, 3, 4 b. 2, 1, 4, 3 c. 3, 1, 4, 2 d. 4, 2, 1, 3
_______43. Alin sa sumusunod ang mga pamana ng Egypt sa kabihasnan?
a. gulong, cuneiform, ziggurat c. Great Wall, feng shui, Confucianism
b. Hinduism, alkantarilya, Vedas d. pyramid, mummification, hieroglyphic.
_______44. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin?
a. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan.
b. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang magpatuloy nang maayos ang buhay ng
tao.
c. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan.
d. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya ang pagpapahalaga sa kalikasan.
_______45. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica?
a. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
b. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay sa America kumpara sa ibang lugar sa daigdig.
c. Dahil nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon ang kanilang kabihasnan at patuloy na dumarami ang
kanilang populasyon.
d. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng hamon ng
kapaligirang pisikal.
_______46. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan?
a. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
b. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
c. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
d. Natutugunan nito ang mga pangunahing pangangailangan ng tao.
_______47. Paano pinahahalagahan ng mga tao sa kasalukuyan ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan?
a. Pinag-aaralan, pinagyayaman at nililinang ang mga pamana ng sinaunang tao upang maging mas produktibong
kasapi ng pamayanan.
b. Isinulat ang mga ito sa mga aklat ng kasaysayan upang mapag-aralan.
c. Nakikita ang ilan sa mga nahukay na artifacts sa mga museums sa iba’t ibang panig ng mundo.
d. Nililinang ng tao ang mga sandatang gawa ng mga sinaunang tao upang gamitin sa pakikipagdigma laban sa
ibang pangkat.
_______48. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katungkulan ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan?
a. Ginagamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan laban sa ibang pangkat ng tao.
b. Ginagamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng buhay ng mga taong naninirahan dito.
c. Hindi dapat gamitin ng tao ang mga raw materials upang hindi ito maubos.
d. Nililinang ang mga raw materials upang mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito.
_______49. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang panahon?
a. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga sinaunang kabihasnan.
b. Dapat ituro sa mga paaralan ang pag-unawa sa cuneiform at hieroglyphics.
c. Pagsusumikap na lumikha at gumamit ng mga kasangkapang yari sa mga tinapyas na bato.
d. Patuloy pa ring ginagamit sa kasalukuyan ang papel, compass at imprentang naimbento ng mga Tsino.
_______50. Paano ipakikita ang pagpapahalaga sa pagpreserba ng mga yamang likas sa inyong pamayanan?
a. Paggamit ng mga insecticide upang mabawasan ang mga lamok na nagdadala ng dengue.
b. Paggamit ng inorganic fertilizer upang maging masagana ang ani.
c. Pakikilahok sa tree-planting at clean-up drive ng inyong komunidad.
d. Pagsusunog ng mga naipong basura sa inyong bakuran.

Need answer key?, like our page https://www.facebook.com/kto12Curriculum/ and give us your email and
request in a private message.
Need answer key?, like our page https://www.facebook.com/kto12Curriculum/ and give us your email and
request in a private message.

You might also like