Demo LP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Aralin 6 – Alamin Natin

Daily Lesson Plan in Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)


Grade 3
Quarter 4 Week 6 Araw 1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa
Diyos, paggalang sa sariling paniniwala at paniniwala sa iba hinggil
sa Diyos, pagkakaroon ng pagasa at pagmamahal bilang isang
nilikha

B. Pamantayan sa Pagganap Naipakikita ang pagmamahal sa Diyos at sa lahat ng Kanyang nilikha


kaakibat ang pag-asa

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 22. Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at
kanyang mga biyaya sa pamamagitan ng:
22.4. pagpapakita ng kabutihan at katwiran
EsP3PD- IVc-i– 9
II. NILALAMAN Trayumpo Mo, Kaogmahan Ko

III. Mga kagamitan sa


Pagtuturo
Mga Sanggunian
1. Mga pahina ng Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng kagamitang Pang- Pahina 249-257
Mag-aaral
3. Textbook pages
4. Karagdagang kagamitan mula sa
portal ng Learning Resources
5. Iba pang Kagamitan
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin Likhang-Isip


at/o pagsisismula ng bagong
aralin Gamit ang malikhaing pag-iisip bigyang kahulugan ang pahayag na
ito:

“ Mabuting gawa katumbas ay pagpapala,


Paninindigan sa tama ay isagawa”

B. Paghahabi sa layunin ng aralin  Ano ang nais iparating ng pahayag na binasa?


 Ano ang dalawang salita na binigyang-diin sa pahayag?
 Bakit sinabing katumbas ng kabutihan ay pagpapala?
 Bakit kailangang manindigan sa tama?

*bigyang linaw ang ibig sabihin ng salitang kabutihan at katuwiran


Ipabasa ang isang maikling tula.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa
sa bagong aralin Manindigan para sa Kabutihan
Sherryl Lynne L. Beltran
Ang paggawang may kalakip na kabutihan
at paninindigan ayon sa katwiran
Ay nagpapamalas ng pagmamahal sa nilikha
At sa mga biyaya ng Diyos na lubhang dakila.

Kabutihan ay palaganapin
Mabuting pakikitungo sa kapwa ay gawin.
Pagrespeto, pagsasabi ng totoo
Pag-iwas na makapagsalita ng masakit sa kapwa mo.

Paninindigan sa tama at totoo


Paninindigan sa pagkakapantay ng bawat tao
Ano man ang makakasakit sa kapwa mo
Nararapat lamang na iwasan ito.
Itanong:
D. Pagtalakay ng bagong konsepto  Ano ang mensaheng nais iparating ng tulang binasa?
at paglalahad ng bagong
kasanayan #1  Ano ang mga gawaing nabanggit na nagpapakita ng
kabutihan at katwiran?

 Bakit kailangang magpakita tayo ng kabutihan at katwiran?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Ipabasang muli ang unang stanza ng tula.


ng paglalahad ng bagong Itanong:
kasanayan #2  Ano ang maaring mangyayari kung tayo ay gumagawa ng
kabutihan at ayon sa katwiran?
 Bilang isang bata, kaya mo na bang kilalanin ang mga
gawang nagpapakita ng kabutihan? Kaya mo bang tukuyin
ang tama sa mali?
 Kung nasa sitwasyon ka na kailangan mong magdesisyon,
ano ang dapat isaalang-alang mo?

Hatiin ang klase sa tatlong pangkat:


F. Paglinang ng Kabihasaan
 Unang pangkat
It’s a sign

Mag-isip o gumawa ng isang simbolo na maaaring magpakilala o


kumatawan sa salitang KABUTIHAN. Ipaliwanag kung bakit ito ang
napili.
 Ikalawang pangkat

Kadena ng kabutihan at katwiran

Isulat sa maliliit na istrip ng papel ang mga gawain na inyong


ginagawa na nagpapakita ng kabutihan sa nilikha ng Diyos. Pag-
ugnayin ang mga istrip ng papel upang makabuo ng isang kadena.
Babasahin ito sa harap ng klase.

 Ikatlong pangkat
Tugmaan
Buuhin ang tugma ng mga salitang kukumpleto sa ideya nito. Ibahagi
ito sa harap ng klase.

Kabutihan at ___________
Maipakikita sa kahit ano mang _________
Pagmamahal at paninindigan sa __________
Diyos na ang bahala sa ___________
Pagrespeto at pagmamahal sa _________
Itigil ang lahat ng maling ____________

Kapwa Katwiran

pagpapala paraan

tama gawa

Pamprosesong katanungan:
1. Ano ang dalawang importanteng salita na lumitaw sa isinagawang
gawain?

2. Bakit mahalagang gumawa ng mabuti at nasa katwiran?


 Ano-anong mga gawain na nagpapakita ng kabutihan at
G. Paglalahat ng Aralin katwiran?

 Bakit kailangang magpakita ng kabutihan at katwiran?

H. Paglalapat ng aralin sa pang- Ipagawa:


araw-araw na buhay
Ipabasa ang isang pahayag. Hayaan ang mga mag-aaral na pag-
isipan at kung maaari ay i-ugnay ito sa karanasan nila sa totoong
buhay.

Nahaharap ka sa isang matinding pagdedesisyon. Pinag-iispan mo


kung ano ang dapat mong piliin.

Nagbigay ng pagsusulit ang inyong guro ngunit hindi ka nakapag-aral


ng inyong aralin. Nakita ka ng iyong kaibigan na nahihirapan ka sa
pagsagot sa mga katanungan kaya inabutan ka nya ng isang kodigo
na nakalagay ang mga sagot. Kukunin mo ba ito upang hindi ka
bumagsak sa pagsusulit o isasauli ito dahil alam mong mali ang
mangopya?

*Hayaang ipaliwanag ng mga bata ang kanilang sagot.

I. Pagtataya ng Aralin Iguhit ang iyong kaliwang kamay. Sa bawat daliri ay isulat ang iba’t
ibang gawain na nagpapakita ng kabutihan o katwiran.

Kasunduan:
J. Karagdagang Gawain para sa
takdang aralin at remediation Sa pagdedesisyon isipin kung alin ang tama. Piliin ito dahil ito ang
mas nakabubuti.

V. REMARKS

VI. REFLECTION

You might also like