Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Learning Area: Araling Panlipunan Quarter: 1ST Date: 06/03/19

Competency: AP10PKI-IB-2: Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa
lipunan at daigdig.
Performance Standard: Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
Lesson No. 1 Istruktura ng Lipunan Duration: 1hr

Key
Understanding Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
to be kumunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
developed
Learning Knowledge Natatalakay ang kahulugan ng lipunan.
Objectives Skill Nasusuri ang ibat-ibang elemento ng istrukturang panlipunan.

Attitude Napapahalagahan ang gampanin ng bawat istruktura sa pag-unlad ng


lipunan sa pamamagitan ng photo essay.
Resources TG, CG, Learner’s Module, Tisa, Pisara, Visual Aids ,Activity sheets, PPT Visual Material.
Needed
Elements of Methodology
the Plan

Preparation Introductory ● Panalangin


Activity ● Pagtatala ng mga lumiban
(Optional) ● Pagbabalik-aral

Presentation Activity Panuto: Hatiin ang klase sa 9 na grupo ang bawat pangkat ay bubunot
ng isang salita at paunahan ang paghanap ng kahulugan nito sa pisara.
1. Lipunan
2. Institusyon
3. Pamilya
4. Social Group
5. Primary Group
6. Status
7. Ascribed status
8. Achieved Status
9. Gampanin

Analysis 1. Tungkol saan ang mga nabuong salita?


2. Ano ang kahulugan ng mga nabuong salita?
3. Bilang isang miyembro ng lipunan ano ang paghahandang
dapat gawin sa pagdating ng sakuna o kalamidad?
Abstraction Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan
Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang mga sumusunod:
1. INSTITUSYON
2. SOCIAL GROUPS
3. STATUS (SOCIAL STATUS)
4. GAMPANIN (ROLES)

LIPUNAN- binubuo ng mga institusyon.


Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
(Mooney, 2011).
PAMILYA-isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang
pagkataong is ang nilalang.

Social Group
-Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social group.
Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad
na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang
ugnayang panlipunan.

May dalawang uri ng social group:  PRIMARY GROUP at SECONDARY


GROUP. (Mooney, 2011).

PRIMARY GROUP -Tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng


mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. 
Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan.
SECONDARY GROUP - binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na
ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang
ganitong uri ng ugnayang panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang ugnayan
sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng
mga manggagawa sa isa’t isa.

STATUS
Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social groups, ang
mga social groups naman ay binubuo ng iba’t ibang status.
Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal
salipunan.
 Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating
status. May dalawang uri ng status: ito ay ang ascribed status at achieved
status.
Gampanin (Roles)
May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social group. Ang bawat
posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles.
 Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga
inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ngindibiduwal.
 Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao
sa lipunang kanyang ginagalawan.
 Halimbawa, bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo ang mga
tungkulin ng isang mabuting magaaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong
guro ang kaniyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng
pagsusulit sa klase.
Practice Application Follow-up Quiz
Assignment Enhancement of Photo Essay:
the day’s lesson Sa isang bond paper gumawa ng isang photo essay na nagpapakita ng
iba’t-ibang isyu at hamong panlipunan na dulot ng mga element ng
istrukturang panlipunan.
Prepared by:

ALLAN ESTRELLO D. LANITO


Teacher I
Checked by:

LEAH M. GAUDIEL
Araling Panlipunan Dept. Head/MT-1

You might also like