Pagsisiyam Kay San Isidro Labrador

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

REGINA COELI

King lagyu ning Ibpa …..

M. Tumula ka, O Reyna ning Banua….

P. Alleluya

M. Pauli na, meging karapat-dapat kang mibait keya.

P. Alleluya

M. Sinubli yang mebie anti ning gingkas na.

P. Alleluya

M. Ipanalangin mu ke king Diyos….

P. Alleluya

M. Magsaya Ka at tumula, O Birhen Maria.

P. Alleluya

Manalangin tamu. O Dios, a king uli ning pangasubli nang

mebie ning Ginu ming JesuKristong Anak mu, pigkaluban mu pung

pepatulan ing mabilug a yatu; apakiabutan mi naman sang nabangnan

ing ligaya ning bie alang kapupusan king kapamilatan ning Birhen

Mariang Ind una. King uli na namang JesuKristong Ginu mi. Yanasa.

Ligaya king Ibpa…..

ORATIO IMPERATA

Makapangyarihan at mapagmahal na Ama, lumalapit kami sa Iyo sa aming

pangangailangan, upang hilingin ang proteksiyon laban sa 2019 N-Corona Virus na
nagpapahirap sa marami at kumikitil ng maraming buhay.

Nagmamakaawa kami, Mapagmahal na Ama, na gabayan Mo ang mga taong nag-

aaral kung saan nanggaling at sanhi ng epidemyang ito at sa mabilis na pagkalat
nito.

Gabayan Mo ang mga kamay at isipan ng mga eksperto sa medikal na maaari

silang maglingkod sa mga may sakit na may kakayanan at pakikiramay, at sa mga
gobyerno at pribadong ahensya ay silang dapat makapaghanap ng lunas at solusyon
sa epidemyang ito.

Iligtas Mo kami sa lahat ng uri ng karamdaman. Pagalingin Mo ang mga

maysakit. At buhayin Mo sa amin ang pagkakawanggawa upang kalingain namin
ang bawat isa.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong Anak Mo na nabubuhay

at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang
hanggan. Amen!

Mahal na Birhen, mapagpagaling sa mga may sakit, ipanalangin Mo kami!

San Rafael Arkanghel, Ipanalangin mo kami.

San Roque, Ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami.

San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami.

PAGSISIYAM KAY SAN ISIDRO LABRADOR

Ang tanda ng Santa Krus, iyadya mo po kami sa mga kaaway namin, Panginoon naming
Diyos, sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Diyos Espiritu Santo, Amen.

PAGSISISI

Maawain kong Hesus, Kataastaasang Diyos Anak, na nagpakababang nanaog sa lupa at

tinubos nang mahal mong dugo kaming nabawian ng biyaya’t inalipin ng dimonyo dahilan sa
kasalanang minana sa aming mga magulang. Sa kaibuturan ng aming mga dibdib, ay inihihiyaw
naming nang buong pagtitika sa mahal mong harapan ang aming pagwawalang halaga sa iyong
kabutihan, ang masamang pagganti sa iyong awa at pagsuway sa iyong mga utos. Ngayong
nagsisisi na kami ng kasalanan, nagmamakaawa sa iyong habag na kami’y iyong patawarin,
alang-alang sa karapatan nang iyong Inang kalinislinisan at ng lingkod mong si San Isidro.
Ilingap sa aming ang mga mata mong maawain at pagkalooban kami ng iyong mahal na biyaya,
na maawat kami sa kasalanang patuloy naming ginagawa at ng huwag mawalay sa iyo
magpakailan man.

Ipinahahayag naming, na ipinagpipighatingmasakit ng aming puso ang pagkakasala sa

kabutihan mong walang hanggan. Patibayin mo katamis-tamisang Hesus, ang aming karupukan,
at huwag itakwil ang aming dalangin hinihingi sa iyo ng biyayang ikalalagi naming sa pag-ibig
at paglilingkod sa iyo, hanggang sa kami ay papagindapatin mong pagpalain sa kaluwalhatian
doon sa Langit. Siya nawa.

PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW

Makapangyarihang Diyos, Amang Kataastaasan, na sa dakilang pagsinta sa amin, ay

binigyan mo kami ng isang uliran at mapagampong Pintakasing si Isidrong Magsasaka, sa
pinagkalooban mo ng mahal na biyaya na gaya ni Moises ng kapangyarihan na kahit sa lupang
kapatagan ay nakapagpapabukal ng tubig sa pagtumbok lamang ng kanyang tungkod at
binigyan mo naman ng malaking kasipagan na di ang lupa lamang ang pinagsumakitan niyang
paganihan kundi pati kaluluwa’y pinagpilitan ding paganihan ng magagandang gawa. Hinihingi
naming sa iyo, maawaing Diyos, na alang-alang sa Karapatan ng mapaghimalang Santo, ay
pagkalooban mo kami ng makapangyarihang tulong, na ikawawala ng katamaran naming sa
paggawa ng kabanalan at halinhan mo ng magandang kasipagan ukol sa magaling at ang
pagtulad sa kanya ay masundan naming ang biyayang inagaw sa aming kasalanan. Umaasa
kami Panginoon sa aw among walang hanggan. Siya nawa.

DALIT
Dukha ka mang sinasambit lubos ang iyong pag-ibig.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Madla mong kababalaghan nagbabantog, nagsasaysay na ikaw’y pinagyaman nang Diyos na

kabanalan.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Palibhasa’y sap ag-ibig, nagniningas ang iyong dibdib.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Ang pag-ibig ay matibay nang puso mo sa Maykapal, kaya hindi maagaw nang mundo’t
madling kaaway. Inilalayan nang Langit, kaya naman di nagahis.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Uliran nang magasaw, ikaw at si Santa Maria, na iyong kasi at sinta sa mabuting pagsasama.

Kaya nga’t inyong dibdib pinag-isa ng pag-ibig.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Kailang ma’y di nalanta ang iyong pagsampalataya, gayon dim sa Santa Misa pag-ibig mo’y di
nagbawa. Kaya’t ang ani mo sa bukid pinakayaman ng Langit.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Magsasakang dukkha ka man, tinunton mo’y kabanalan, at hindi mo sininsayan hanggang sa

ikaw’y mamatay. Mundo’y natatalo’t nagahis nang iyong bayaning dibdib.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Ikaw ay pinaratangan na di anhi’y nagnanakaw, nguni’t ipinagtatangkal ikaw ng Poong

Maykapal. Di itinulot ng Langit na ang puri mo’y maamis.
Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Sa tao’t libo’y laganap ang aw among walang likat, kaya ampunan ang tawag sa iyo nang
mahihirap. Sapagka’t di ka nagkait sa abang sa iyo’y lumapit.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Bata’t matandang may damdam na sakit, kung nagsasakdal sa iyo’y nasusundan ang madling
kababalaghan. Hindi mo pinaaalis hanggang di maligtas sa sakit.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Itong nobenang hayin nang pamimintakasi naming, iyong papagindapating pakinggan at

tanggapin. Tingni’t hayin nang pag-ibig at sa iyo’y pananalig.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

Dukha ka mang masasambit lubos ang iyong pagibig.

Isidro’y iyong ihibik kaming ampon mo’t tangkilik

UNANG ARAW

O ulirang Pintakasi naming Amang Isidro. Ang mahinahon mong buhay umakay nawa sa
amin sa paggawa ng dakilang kabanalan. Sa pagsusumakit ng mga dimonyo na kami’y huwag
makapanood sa kaaya-ayang mukha ng Diyos, ay susong susong tukso ang inihahadlang at
ibinabagabag sa amin kaya sumasalilong kami sa iyong pagtatangkilik at ng di mahagis ang
aming karupukan at nagmamakaano kami sa iyo na ihingi mo sa Diyos ng masaganang biyaya
na ikatitibay ng aming loob sa pakikipagtunggali hanggang sa kamatayan at kami’y marapat
mapasama sa iyo sa pagpupuri sa Diyos doon sa langit na kaluwalhatian. Siya nawa.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at talong Gloria Patri, na
ihandog sa kabanalan ni San Isidro.
IKALAWANG ARAW

Simulang balikang dasalin ang PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW at ang DALIT,

gaya ng sa unang araw.

Mapalad na pintakasi naming Isidro: dinadalangin naming sa Diyos na kami’y kasihan ng

grasya, at nang matutuhan naming ang pagsunod sa iyong magagandang halimbawa; ngunit
sapagka’t wala kaming kabanalang ikararapat na dinggin ng Panginoong Diyos ang aming mga
karaingan, nagsasakdal kami sa iyo at ipanalangin mo sa aming masintahing Ama, na pagpalain
ang mga magagandang adhikang makatulad sa iyo sa paggawa ng kabanalan hanggang sa
huling sandal at kami ay magpuri at magpasalamat sa Diyos dito sa lupa at hanggan doon sa
Langit. Gayon din po naman, isinasamo naming kami’y pagkalooban ng biyayang aming
ninanasang kamtan sa Pagsisiyam na ito, kung naayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at talong Gloria Patri, na
ihandog sa kabanalan ni San Isidro.

IKATLONG ARAW

Simulang balikang dasalin ang PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW at ang DALIT,

gaya ng sa unang araw.

Oh gurong uliran sa paggawa ng kabanalan poon bunying San Isidro. Ang mahaba at
marilag na buhay na nagtataglay ng matingkad na kabanalan ay kinalulugdan ng Panginoong
Diyos sapagkat minatamis mong dinggin at sundin ang mga pagtawag sa iyo, at bukod dito ay
wala ni isa mang sandali na di mo iniukol sa Kanya; yayamang pinupukaw kami ng kaakit-akit
na iyong mga kabanalan, namimintakasi't nanaing kami sa iyo, na ipamagitan mo kami sa Diyos
at kami ay papagkamtin ng biyaya't magandang tugtog sa loob nang sa aming pagbagbag sa
maramot na lupa ng aming puso, ay paganihan namin ng magagandang gawa na ipinipita ng
Diyos. Papagkamtin mo rin naman kami ng awa na hinihingi naming bukod sa pagsisiyam na
ito kung naaayon sa kalooban Niya at ikagagaling ng aming kaluluwa. Siya nawa.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at talong Gloria Patri, na
ihandog sa kabanalan ni San Isidro.
IKAAPAT NA ARAW

Simulang balikang dasalin ang PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW at ang DALIT,

gaya ng sa unang araw.

Oh, masunurin sa Diyos poong San Isidrong pintakasi namin! Yayamang ang marilag
mong buhay ay nagaakay sa akin sa pagsisikap ng magagandang gawa ay nauukol na itong
pagakay mo sa amin ay langkapan mo naman ng dalangin sa Panginoong Diyos, na
papagningasin ang aming mga puso sa paglilingkod sa pagibig, at ng magalak ang aming loob
sa pagtulad sa iyo, sa malimit na pagharap sa banal na misa sa pagsaakit sa magandang kaasalan
at ang buhay nami’t lakas ay ibubuhos sa pagsunod sa mg autos niya at sa paggawa ng
kabanalan, na maipaglingkod sa kanyang kamahalan, at ng kami ay marapat na mapakisama sa
iyo sa pagpupuri sa Diyos sa kaluwalhatian sa langit. Gayun din ay hinihingi naming sa iyo ang
biyayang hinahangad naming dito sa pagsisiyam kung naaayon sa kalooban ng Diyos.Siya
nawa.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at talong Gloria Patri, na
ihandog sa kabanalan ni San Isidro.

IKALIMANG ARAW

Simulang balikang dasalin ang PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW at ang DALIT,

gaya ng sa unang araw.

Oh, mapagkupkop na poong San Isidro yayamang na ang pagibig mo sa Diyos na

nagniningas sa iyong puso ay ibinabandila ng iyong paglilimos sa taong mahirap, na larawan ng
Maykapal, at pagsaklolo sa kanilang karalitaan at sampo ng mga ibon sa himpapawid ay
nakinabang sa iyonmg pagkamaawain: ay sa amin naman ay ilaganap mo ang iyong paglingap
ng kami ay matutong tumulad sa iyo dito sa marilag na kabanalan, at nang sagayo’y marapat
kami sa awa ng Diyos at kung magningas ang aming puso sa pagibig sa Diyos at sa kapwa tao,
pagkalooban kami ng makapangyarihang grasia na ipagkakamit nang kaluwalhatian. Pakamtan
mo naman sa amin ang biyayang bukod na hinahangad naming dito sa pagsisiyam, kung naayon
sa kalooban ng Diyos.Siya nawa.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at talong Gloria Patri, na
ihandog sa kabanalan ni San Isidro.

IKAANIM NA ARAW
Simulang balikang dasalin ang PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW at ang DALIT,
gaya ng sa unang araw.

Oh, San Isidrong pintakasi naming dapat pagkunang uliran: pinagdilili ko na pinagpala ka
ng Diyos, at palibhasa’y tapat kang loob na naglingkod, kaya di nagahis ang mapag tiis mong
dibdib ng mga paraya ng infierno, at ang nangagparatang sa iyo at nag sumbong sa panginoon
mo sa nagpapabaya ka sa iyong pagsasaka, ay pinagtagumpayan mo, kaya ng mag tanto’y
nagalak ang iyong panginoon sa pagkamatapat ng iyong loob, alangalang sa pagtatagumpay
monmg ito ay hinihiling nmin sa iyo, ay wag mong ikait ang iyong lingap kung kaming anak
mo ay inuusig ng malupit na dila. Saklolohan mo po kami ng iyong pagtangkilik, na aming
kalugdan ang banal na katahimikan ng kaluluwa at magandang gawa na ikararapat naming sa
pagpapala nang Diyos sa buhay na ito at sa pagpuri sa kanyang walang hanggan kapanahunan.
Siya nawa.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at talong Gloria Patri, na
ihandog sa kabanalan ni San Isidro.

IKAPITONG ARAW

Simulang balikang dasalin ang PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW at ang DALIT,

gaya ng sa unang araw.

Oh masunuring lingkod ni Hesus at pintakasi naming San Isidro! Sa iyong pananalig sa

Diyos at pagsasakit mo sa paggawa ng kabanalan ay di naman inakit ng makapangyarihang
kamay ng Diyos ang pagtulong sa iyo, kaya nawili ka sa magagandang gawa sa mga simbahan
ay nag sisipanaog ang mga anghel at siyang sumasaka sa lupang binabgbag mo. Ano pa ngat sa
matibay mong pananalig sa Diyos ay ginaganti ka ng masaganang pag aani, na hinahangaan ng
iyong mga kababayan, kaya sayong pagaampon sa mga magsasaka, ay umaasa sila na ihingi sa
Diyos ng masaganang pag aani, sa bagay na ito ay papagindapatin mon man kami na
papagkamitin sa Diyos ng grasia ng kasipagan, na di ang pagsikapan lamang naming ay ang ani
sa lupa, kung di sampo ng magandang Gawain. Kami’y pagkamitin mo naman ng awang
hinihingi naming bukod sa Pagsisiyam na ito, kung na aayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at talong Gloria Patri, na
ihandog sa kabanalan ni San Isidro.

IKAWALONG ARAW
Simulang balikang dasalin ang PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW at ang DALIT,
gaya ng sa unang araw.

Mapalad na pintakasi naming San Isidro! Sa pananalig namin sa iyong kapangyarihan na

kinasisiyahan ng Diyos ang iyong pananalangin, palibhasa'y banal ka at maawain, ay
dumadaing kami sa iyong harapan, na bagamat isang abang magsasaka, ay pinakamahal ka ng
Diyos na pinagkalooban ng mga biyaya. Kay ulit ng aming pagpapasalamat at ikaw ay
ginawang lingkod na hirang ng Diyos, na pinarangalan kang pinagkalooban ng kapangyarihan
sa paggawa ng kababalaghan, at ikinarangal din naman ng Diyos ay kami'y dinggin mo,
hinihingi naming na pakundangan sa Diyos ay kami'y dinggin mo, sakloloha't bigyang tuwa,
pagkarinig mo ng aming daing. Gayon ang aming pag-asa at sampung gawaing hinihingi
naming bukod ay pakamtan sa amin kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at talong Gloria Patri, na
ihandog sa kabanalan ni San Isidro.

IKASIYAM NA ARAW

Simulang balikang dasalin ang PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW at ang DALIT, gaya
ng sa unang araw.

Oh mapalad na pintakasi naming Poong San Isidro,ngayong sumalangit ka na,at diya'y ang
nakakatulad mo'y astrong nagniningning sa harapan ng Diyos,at dini sa mudo'y ang iniwan
mong bangkay ay niloob ng langit na di masira,at nang aming matanto ang mataas na
kaluwalhatiang iginanti sa iyo ng Diyos.Nauukol ngayun na iyong lingapin itong matatapos
naming pagsisiyam na pinagukulan ng aming pamimintakasi sa iyo,na umaasa kami na
pagpapalain mo ang aming kahilingan. Sa dakila mong pag-ibig at pagpapala sa namimintakasi
sa iyo'y nananalig kaming di mo kami hahabagin,kaya kumakanlong kami sa iyong
pagtatangkilik at umaasa na iyong ipamimintakasi sa Diyos na Panginoon,at papagkamtin ng
buong ikagagaling ng aming kaluluwa at sa kamataya'y dadalawin mo,ang ng marapat masama
sa iyo magpasawalang katapusan ng taon.Siya Nawa

Magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at talong Gloria Patri, na ihandog
sa kabanalan ni San Isidro.

ANTIPONA
Lumabas at nagsabog ng binhi ang manananim. Ang butil na pagtamnan sa mabuting
lupa ay pinaganihan ng buong pananagana.

V. Ipinatnugot ng Mahal na Panginoon ang banal sa matuwid na landas.

R. At ipinakita sa kanya ang kaharian ng Diyos na mataas.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Isinasamo namin sa Iyo, maawaing Diyos na Panginoon namin na alang-alang sa

pamimintakasi sa Iyo ni San Isidrong Magsasaka, ay huwag Mong itulot kami sa kapalaluan;
kundi alang-alang sa mga karapatan at magagandang halimbawang iniwan niya sa amin ay
makapaglingkod sa Iyo ng lubos na kapakumbabaan. Alang-alang sa kamahal-mahalan Mong
Anak na si Hesukristong Panginoon namin, nabubuhay at nakikipaghari sa Iyo magparating
man saan. Siya nawa.

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

+Ang tanda ng Santa Krus, iadya Mo po kami sa mga kaaway namin Panginoon naming
Diyos, sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. +

PAGSISISI
Maawain kong Hesus, kataas-taasang Diyos Anak, na nagpakababang nanaog sa lupa at
tinubos ng Mahal Mong Dugo kaming nabawian ng biyaya't inalipin ng dimonyo dahilan
sa kasalanang minana sa aming mga magulang. Sa kaibuturan ng aming mga dibdib, ay
inihihiyaw namin nang buong pagtitika sa mahal Mong harapan ang aming
pagwawalang-bahala sa Iyong kabutihan, ang masamang pagganti sa Iyong Awa at
pagsuway sa Iyong mga utos. Ngayong nagsisisi na kami sa kasalanan, nagmamakaawa
sa Iyong Habag na kami ay Iyong patawarin, alang-alang sa karapatan ng Iyong Inang
kalinis-linisan at ng lingkod Mong si San Isidro. Ilingap sa amin ang mga mata Mong
maawain at pagkalooban kami ng Iyong mahal na biyaya, nang maawat kami sa
kasalanang patuloy naming ginagawa at nang huwag mawalay sa Iyo magpakailanman.

Ipinahahayag namin ang kalungkutan sa aming mga puso sapagkat kami ay patuloy na
nagkakasala sa kabila ng iyong kabutihan walang hanggan. Patibayin Mo katamis-
tamisang Hesus, ang aming karupukan, at huwag itakwil ang aming dalangin hinihingi sa
Iyo ng biyayang ikalalagi namin sa pag-ibig at paglilingkod sa Iyo, hanggang sa kami ay
papagindapatin Mong pagpalain sa kaluwalhatian doon sa Langit. Siya nawa.

PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW

Makapangyarihang Diyos Amang Kataas-taasan, na sa dakilang pagsinta sa amin, ay

binigyan mo kami ng isang uliran at mapagampong pintakasing si Isidrong Magsasaka,
na pinagkalooban Mo ng mahal na biyaya na gaya ni Moises na kahit sa lupang
kapatagan ay nakapagpapabukal ng tubig sa pagtumbok lamang ng kanyang tungkod at
binigyan Mo naman ng malaking kasipagan na di ang lupa lamang ang pinagsumakitan
niyang pag-anihan, kundi pati kaluluwa ay pinagpilitan ding pag-anihan ng magagandang
gawa. Hinihingi namin sa Iyo, na alang-alang sa karapatan ng mapaghimalang Santo, ay
pagkalooban mo kami ng makapangyarihang tulong, na ikawawala ng katamaran namin
sa paggawa ng kabanalan at halinhan mo ng magandang kasipagan ukol sa magaling at
ang pagtulad sa kanya ay masundan namin ang biyayang inagaw sa amin ng kasalanan.
Umaasa kami Panginoon sa Awa Mong walang hanggan. Siya nawa.
DALIT

Dukha ka mang sinasambit

lubos ang iyong pag-ibig.

Tugon: Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik.

Madla mong kababalaghan

Nagbabantog nagsasaysay
Na ikaw ay pinagyaman
Nang Diyos sa kabanalan
Palibhasa'y sa pag-ibig
Nagniningas ang iyong dibdib. (Tugon)

Ang pagibig ay matibay

Nang puso mo sa Maykapal
Kaya hindi naagaw
Nang mundo't madlang kaaway
Inalalayan ng Langit
Kaya naman di nagahis. (Tugon)

Uliran nang mag-asawa

Ikaw at si Santa Maria
Na iyong kasi at sinta
Sa mabuting pagsasama
Kaya nga't inyong dibdib
Pinag-isa ng pag-ibig.(Tugon)

Kailan ma'y di nalanta

Ang iyong pagsampalataya
Gayon din sa Santa Misa
Pag-ibig mo'y di nagbawa
Kaya't ang ani mo sa bukid
Pinakayaman ng Langit. (Tugon)
Magsasakang dukha ka man,
Tinunton mo'y kabanalan
At hindi mo sininsayan
Hanggang sa ika'y mamatay
Mundo'y natalo't nagahis
Ng iyong bayaning dibdib.(Tugon)

Ikaw ay pinaratangan
Na di anhi'y nagnanakaw
Ngunit ipinagtangkakal
Ikaw ng Poong Maykapal
Di itinulot ng Langit
Na ang puri mo'y maamis.(Tugon)

Sa tao't libo'y laganap

Ang awa mong walang likat
Kaya ampunan ang tawag
Sa iyo ng mahihirap
Sapagkat di ka nagkait
Sa abang sa iyo'y lumapit.(Tugon)

Bata't matandang may damdam na sakit

Kung nasasakdal sa iyo'y nasusundan
Ang madla mong kababalaghan
Hindi mo pinaaalis
Hanggang di maligtas sa sakit.(Tugon)

Itong nobenang hayin

Ng pamimintakasi namin
Iyong papagindapating
Pakinggan at tanggapin
Tingni't hayin nang pag-ibig
At sa iyo'y pananalig.(Tugon)
Dukha ka mang masasambit
Lubos ang iyong pag-ibig
Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik.
(Tugon)

PANALANGIN SA IKAANIM NA ARAW

Oh, San Isidrong pintakasi naming dapat pagkunang uliran: pinagdilili ko na pinagpala ka
ng Diyos, at palibhasa’y tapat kang loob na naglingkod, kaya di nagahis ang mapag tiis mong
dibdib ng mga paraya ng infierno, at ang nangagparatang sa iyo at nag sumbong sa panginoon
mo sa nagpapabaya ka sa iyong pagsasaka, ay pinagtagumpayan mo, kaya ng mag tanto’y
nagalak ang iyong panginoon sa pagkamatapat ng iyong loob, alangalang sa pagtatagumpay
monmg ito ay hinihiling nmin sa iyo, ay wag mong ikait ang iyong lingap kung kaming anak
mo ay inuusig ng malupit na dila. Saklolohan mo po kami ng iyong pagtangkilik, na aming
kalugdan ang banal na katahimikan ng kaluluwa at magandang gawa na ikararapat naming sa
pagpapala nang Diyos sa buhay na ito at sa pagpuri sa kanyang walang hanggan kapanahunan.
Siya nawa.

*magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati na
ihahandog sa kabanalan ni San Isidro.*

ANTIPONA

Lumabas at nagsabog ng binhi ang manananim. Ang butil na pagtamnan sa mabuting lupa ay
pinaganihan ng buong pananagana.

V. Ipinantnugot ng Mahal na Panginoon ang banal sa matuwid na landas.

R. At ipakita sa kanya ang kaharian ng Diyos na mataas.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Isinasamo namin sa Iyo, maawaing Diyos na Panginoon namin na alang-alang sa pamimintakasi

sa Iyo ni San Isidrong Magsasaka, ay huwag Mong itulot kami sa kapalaluan; kundi alang-alang
sa mga karapatan at magagandang halimbawang iniwan niya sa amin ay makapaglingkod sa Iyo
ng lubos na kapakumbabaan. Alang-alang sa kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesukristong
Panginoon namin, nabubuhay at nakikipaghari sa Iyo magparating man saan. Siya nawa.
+Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.+

Dukha ka mang masasambit

Lubos ang iyong pag-ibig
Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik.
(Tugon)

PANALANGIN SA IKAPITONG ARAW

Oh masunuring lingkod ni Hesus at pintakasi naming San Isidro! Sa iyong pananalig sa

Diyos at pagsasakit mo sa paggawa ng kabanalan ay di naman inakit ng makapangyarihang
kamay ng Diyos ang pagtulong sa iyo, kaya nawili ka sa magagandang gawa sa mga simbahan
ay nag sisipanaog ang mga anghel at siyang sumasaka sa lupang binabgbag mo. Ano pa ngat sa
matibay mong pananalig sa Diyos ay ginaganti ka ng masaganang pag aani, na hinahangaan ng
iyong mga kababayan, kaya sayong pagaampon sa mga magsasaka, ay umaasa sila na ihingi sa
Diyos ng masaganang pag aani, sa bagay na ito ay papagindapatin mon man kami na
papagkamitin sa Diyos ng grasia ng kasipagan, na di ang pagsikapan lamang naming ay ang ani
sa lupa, kung di sampo ng magandang Gawain. Kami’y pagkamitin mo naman ng awang
hinihingi naming bukod sa Pagsisiyam na ito, kung na aayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

*magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati na
ihahandog sa kabanalan ni San Isidro.*

ANTIPONA

Lumabas at nagsabog ng binhi ang manananim. Ang butil na pagtamnan sa mabuting lupa ay
pinaganihan ng buong pananagana.

V. Ipinantnugot ng Mahal na Panginoon ang banal sa matuwid na landas.

R. At ipakita sa kanya ang kaharian ng Diyos na mataas.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Isinasamo namin sa Iyo, maawaing Diyos na Panginoon namin na alang-alang sa pamimintakasi

sa Iyo ni San Isidrong Magsasaka, ay huwag Mong itulot kami sa kapalaluan; kundi alang-alang
sa mga karapatan at magagandang halimbawang iniwan niya sa amin ay makapaglingkod sa Iyo
ng lubos na kapakumbabaan. Alang-alang sa kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesukristong
Panginoon namin, nabubuhay at nakikipaghari sa Iyo magparating man saan. Siya nawa.
+Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.+

Dukha ka mang masasambit

Lubos ang iyong pag-ibig
Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik.
(Tugon)

PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW

Mapalad na pintakasi naming San Isidro! Sa pananalig namin sa iyong kapangyarihan na

kinasisiyahan ng Diyos ang iyong pananalangin, palibhasa'y banal ka at maawain, ay
dumadaing kami sa iyong harapan, na bagamat isang abang magsasaka, ay pinakamahal ka ng
Diyos na pinagkalooban ng mga biyaya. Kay ulit ng aming pagpapasalamat at ikaw ay
ginawang lingkod na hirang ng Diyos, na pinarangalan kang pinagkalooban ng kapangyarihan
sa paggawa ng kababalaghan, at ikinarangal din naman ng Diyos ay kami'y dinggin mo,
hinihingi naming na pakundangan sa Diyos ay kami'y dinggin mo, sakloloha't bigyang tuwa,
pagkarinig mo ng aming daing. Gayon ang aming pag-asa at sampung gawaing hinihingi
naming bukod ay pakamtan sa amin kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

*magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati na
ihahandog sa kabanalan ni San Isidro.*

ANTIPONA

Lumabas at nagsabog ng binhi ang manananim. Ang butil na pagtamnan sa mabuting lupa ay
pinaganihan ng buong pananagana.

V. Ipinantnugot ng Mahal na Panginoon ang banal sa matuwid na landas.

R. At ipakita sa kanya ang kaharian ng Diyos na mataas.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Isinasamo namin sa Iyo, maawaing Diyos na Panginoon namin na alang-alang sa pamimintakasi

sa Iyo ni San Isidrong Magsasaka, ay huwag Mong itulot kami sa kapalaluan; kundi alang-alang
sa mga karapatan at magagandang halimbawang iniwan niya sa amin ay makapaglingkod sa Iyo
ng lubos na kapakumbabaan. Alang-alang sa kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesukristong
Panginoon namin, nabubuhay at nakikipaghari sa Iyo magparating man saan. Siya nawa.

+Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.+

Dukha ka mang masasambit
Lubos ang iyong pag-ibig
Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik.
(Tugon)

PANALANGIN SA IKASIYAM NA ARAW

Oh mapalad na pintakasi naming Poong San Isidro,ngayong sumalangit ka na,at diya'y

ang nakakatulad mo'y astrong nagniningning sa harapan ng Diyos,at dini sa mudo'y ang iniwan