Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 190

Vampire Academy

By: xUnknownJ (Formerly MinJiStories)


Compilation
[Unedited]
__________________________________________________
NO PROLOGUE.
Gagawa ako siguro pero next time na. XD
__________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 1
CIERA SANCHEZ
"Hija, dalhin mo 'to. Dapat araw-araw mo yang dalhin sa oras na makakarating ka na
sa bahay ng mga Maiven. Wag na wag mo yang iwala." sabi sa kin ni lola sabay abot
sa kin ng pendant niyang may cross sa gitna. Inaayos ko yung mga gamit ko.
Pupuntahan ko na kasi sila Mama at Papa sa bahay ng mga Maiven kung saan sila
nagtratrabaho. Tinawagan kasi ako nila, dalawang linggo na ang nakalipas. Lilipat
na raw ako sa kanila at pumayag din naman ang mga Maiven dito. Matagal na kasing
nagtratrabaho dun sina Mama. Sabi pa nga nila, ang mga Maiven daw ang magpapaaral
sa kin.
"Ikaw naman, lola. Hindi naman ako papatayin dun." natatawang tugon ko sa lola ko
nang binigay niya sa kin ang pendant.
"Hija, hindi mo alam kung ano papasukin mo. Basta, suotin mo yan. Mag-ingat ka."
"Opo, lola. Wag kang mag-alala, nandun naman sina Mama't Papa." tumayo na ako
matapos kong ayusin ang lahat.
"Sige ho, ingat din kayo. Nandiyan naman po si Ate Ria para alagaan kayo. Alis na
po ako." nakangiti kong tugon sa kanya at kumaway pa rito. Tuluyan na nga akong
lumabas sa bahay namin.
***
"Salamat ho talaga, Mr. and Mrs. Maiven, pinayagan niyong dito makitira si Ciera,
ang anak namin." sabi ni Eliza at ni Herbert Sanchez sa mga Maiven. Ang totoo
niyan, matagal na silang nagtratrabaho sa mga ito. Mahigit dalawampung taon na rin,
bago pa man isilang nila si Ciera. Kaya naman kilalang-kilala na nila ang mga
Maiven.
"Ano ba kayo, Eliza, okay lang. Saka, this is a reward for your loyalty. And I'm
expecting that sana maging kaibigan ni Stephen si Ciera." nakangiting tugon ni Mrs.
Maiven sa kanila.
"Salamat ho talaga. Maya-maya po, darating na si Ciera." puno naman ni Herbert.
***
"Wow. Ito pala ang bahay ng mga Maiven? Parang palasyo." namangha ako sa nakita ko.
Sobrang laki ng bahay nila. Sa mga Maiven talaga ito? Tapos napakatahimik, parang
sila lang ang nakatira rito. Wala naman akong nakikitang may kapitbahay sila.
"Oo nga pala, manong, ito ho ang bayad." sabi ko kay manong driver at inabot ang
bayad. Muntik ko ng makalimutang bumayad ah. Hindi kasi ako makapaniwala na ganito
kalaki ang bahay nila.
"Diyan ka ba pupunta hija? Sige, mag-iingat ka." sabi naman sa kin ni manong at
pinaandar kaagad yung taxi. Bakit kaya? Bakit palagi nila akong binibilinan na mag-
ingat? Ano bang meron sa mga Maiven?
Nagulat na lang ako na sa pagbukas ko ng gate, hindi ito lock. Wala man lang
bodyguard na bumabantay. Hindi ba sila nangangamba na baka manakawan sila? Wala pa
namang nagbabantay sa labas.
Ang tahimik naman dito. Nakakakilabot. Nasaan na kaya sina Mama?
Binuksan ko kaagad yung malaking pinto sa harap ko. Nabigla na naman ako sa nakita
ko sa loob. Isang hallway. Ano ba 'to? Maze?? Baka dahil sa sobrang laki, mawala
ako. >__<
"S-sino ka?" napatingin ako nang may biglang nagsalita. Sa di kalayuan, may nakita
akong lalake.
Siguro, isa rin siyang Maiven. Mabuti na rin para makapagtanong na ako kung nasaan
na sina Mama.
Napapansin kong papalapit na siya ng papalapit sa kin. Aaminin kong perpekto ang
pagkakahugis ng mukha niya. Para siyang anghel.
"Ah, gusto ko lang naman tanungin kung---"
Hindi ko naipatuloy ang pagsasalita ko nang bigla niya akong itinulak kaya naman
napasandal ako sa pader, sa pagitan ng dalawa niyang braso.
"Gusto ko lang naman sana na--"
"Hindi ka tagarito." sabi niya sa kin at napatigil nang makita niya ang pendant na
suot ko.
"Ah.. Oo! Nandito kasi sina Mama at Papa, dito kasi sila nagtratrabaho, diba isa ka
ring Maiven?" sumabat kaagad ako. Nakakatakot tumingin sa mga mata niya. Nanlilisik
ito.
"Stephen!"
Napahinto naman siya nang may biglang sumigaw. Isang babae, magandang babae. Parang
halos magkasing-edad lang kami ah.
Dumating na rin sina Mama at Papa. Nasa likod sila nung babae.
"Anak!" sigaw ni Mama at lumapit sa kin. Niyakap kaagad nila ako ni Papa.
"Buti, dumating ka na." puno naman nila habang yakap-yakap pa rin ako.
"Kung ganun, siya pala si Ciera." lumapit naman sa min yung babae. "Welcome to
home, hija." sabi nito.
"Ah.. opo." ngumiti na lang ako. Nandito pa rin yung lalake kanina.
"Saka nga pala, anak. Siya si Mrs. Maiven. Siya ang may-ari ng bahay na ito." sabat
naman ni Mama.
Siya si Mrs. Maiven? Wow, parang kasing edad lang kami. Siya na ang may-ari ng
bahay na ito? Saka ang ganda niya. Para siyang Dyosa.
"Yes, nice to meet you Ciera. And by the way, Stephen, siya si Ciera, anak nila
Eliza at Herbert." sabi naman ni Mrs. Maiven at ipinakilala yung lalake kanina.
"Ciera, si Stephen, anak ko." nakangiting tugon niya sa kin.
"A-anak?!" napasigaw ako. Siyempre, anak niya yung lalake? Eh parang halos
magkasing edad lang sila. Pinaglololoko ba nila ako?
"Panu niyo po siya naging anak? Eh parang magkasing-edad lang kayo." gulat na gulat
na pagkasabi ko.
"Ah.. Hahaha! Sige ho, Mrs. Maiven, ihahatid na po namin si Ciera sa kwarto niya.
Salamat ho ulit." sabi ni Mama sa kanila at hinila ako papaalis. Ano bang
nangyayari?
***
"Ma, ano bang nangyayari? Panu po naging anak ni Mrs. Maiven ang lalakeng yun? Eh
halos magkasing edad lang sila." tinanong ko kaagad sina Mama nang makarating na
kami sa kwarto. Naguguluhan na talaga ako.
"Anak, mahabang storya. Bukas ka na namin pagsasabihan. Saka anak, wag mo ng
uulitin yung sinabi mo kay Mrs. Maiven." sagot naman ni Mama habang inaayos yung
kama ko.
"At Ciera, bukas, mag-aaral ka na. Kasama mong papasok si Stephen." sabat naman ni
Papa.
"Kung gusto mong maligo, may banyo na sa kwarto mo. Sige anak, alis na muna kami.
May aasikasuhin pa kami ng papa mo." sabi ni Mama at sinirado na ang pinto. Umalis
na silang dalawa.
Humiga kaagad ako sa kama, "Ang lambot.. Pero bakit kaya ganun sila??"
***
Naglibot-libot ako kung saan-saang parte ng Maiven's household. Ang laki talaga.
Ito na yata siguro ang pinakamalaking bahay sa buong mundo. Pero ang kakaiba nga
lang, hindi masyadong matao. Hindi gaya nung ibang malalaking bahay na maraming
katulong o mga butlers.
Napatigil ako sa paglalakad ko. May nakita akong isang kwarto, nakabukas ang pinto.
Kaya naman napag-isipan kong pumasok dito. Ang laki saka.. nakakamangha. Ang
sobrang linis ng kwarto.
May napansin naman akong isang jar na ang nasa loob nito ay white rose, totoong
white rose. Kinuha ko ito at tinignan. May nakaukit sa loob ng jar. Stephen Luris
Maiven.
"Anong ginagawa mo rito?" nagulat ako nang may biglang nagsalita, yung lalake na
naman kanina, Stephen ata ang pangalan. Halatang kakatapos lang nito maligo kasi
naka-tuwalya pa.
"Ah, naglibot-libot lang ako. N-nakita ko kasing bukas yung pinto ng kwarto." sagot
ko naman.
"Bitawan mo yan."
"Oo, sorry." nilagay ko naman ulit ang jar sa mesa niya.
"Bakit ka ba nandito sa kwarto ko?" tanong niya ulit sa kin. Nakakatakot talaga ang
mga mata niya.
"Kwarto mo pala ito? Sorry talaga."
"Hmm. Sa susunod, kumatok ka o kundi magpaalam. Tsk." sabi na lang niya at binuksan
na nga ang closet niya.
"S-sorry ulit, sige, alis na ako." sabi ko at aakmang aalis.
"Teka, kanino yang pendant na suot mo?" napatigil ako sa tanong niya. Ang pendant
ba?
"K-kay lola ito, ibinigay ito sa kin bago pa man ako pumunta rito." sagot ko naman
sa kanya.
"Sige, wag na wag mo yang iwawala o huhubarin." puno niya.
"At saka, wag na wag kang hihiwalay sa kin bukas, sa school."
Hindi naman kaagad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Ano bang meron?
"By the way, what's your name?"
"C-Ciera." nauutal kong sagot.
_________________________________________
Vampire Academy
Chapter 2
CIERA SANCHEZ
"Anak, ang ganda ng uniform mo! Bagay na bagay sayo." masayang tugon sa kin ni Mama
habang tinutulungan akong ayusin ang uniform ko, dito sa kwarto ko. Ito ba talaga
ang uniform ng Spencer Academy?? Oo, maganda siya pero ang iksi naman nung palda.
>___<
"Pero, ang sobrang iksi naman nung palda." sabi ko naman. Pero nakamedyas naman
ako, yung parang stockings ang haba? Tapos kulay black.
Bigla namang may kumatok at bumukas yung pinto, si Papa.
"Eliza, anak, naghihintay na si Sir Stephen sa labas." sabi naman sa min ni Papa.
"Sige, malapit na kami." sabat naman ni Mama.
"Anak, mag-iingat ka." sabi naman ni Mama sa kin na nakatingin ng seryoso.
*
Magkatabi kaming nakaupo ni Stephen sa backseat ng kotse nila. Oo, nakakamangha
siya. Lalo na ang aura niya. Parang may kakaiba. Pero kapag tinignan mo ng diretso
ang mga mata niya, malamig ito.
Napansin naman niya akong nakatitig sa kanya, ommo! >_<
"Ahhh.. ehh.." hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nanlilisik na naman ang mga
mata niya.
"Stupid." tanging sinabi niya. Pero tama ba yung narinig ko? Stupid? Ako stupid?
"A-ako? Stupid??" tanong ko naman sa kanya na hindi makapaniwala.
"Who else would that be? Umayos ka na. Nandito na tayo." sabi naman niya kaya naman
napatingin kaagad ako sa bintana. Wow, ang ganda ng school nila pero bakit parang
covered lahat? Wala akong nakikitang sinag man lang ng araw? Mga ilaw lang.
Siya na yung unang lumabas sa kotse, ehem. Hindi man lang ito gentleman.
"Bilisan mo, wag kang magpapahuli. Sumunod ka sa kin." puno pa ng lalakeng ito at
liningon ako.
"Ah.. Oo!" lumabas naman kaagad ako sa kotse.
And as what I expected, kasi sa pangalan pa lang, Spencer Academy, pangmayaman,
pinagtitiningan kaagad kami ng mga estudyante pero wow. Napapawow talaga ako, ang
gaganda't gagwapo nila. Puro may mga perpektong hugis ng mukha. Parang
pinalilibutan ako ng mga naggagandahang mga anghel.
"May nararamdaman akong iba siya."
"Oo, ako rin."
Narinig kong nagbubulung-bulungan yung mga ibang estudyante.
Ako, iba? Well, oo. Siyempre, hindi naman ako mayaman, haisstt. Bakit ganun ang mga
mayayaman? Mga matapobre?
"Ciera, suot mo pa rin ba ang pendant mo?" bigla naman akong tinanong ni Stephen.
"O-oo. Suot ko pa rin." sagot ko naman.
"Hi, Stephen." napahinto naman kaming dalawa nang may biglang lumapit na babae kay
Stephen.
"What do you want?" reply naman sa kanya ni Stephen na ang mukha ay expressionless
pa rin, kumbaga, walang emosyon ang makikita mo sa mukha niya except sa mga
nanlilisik niyang mata, nakakatakot tignan.
"Ah.. eh, w-wala, good morning." sabi na lang nung babae sa kanya.
Hindi naman niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Grabe naman siya,
para sa good morning lang?
"Ah.. Stephen, saan pala yung room ko?" tanong ko sabay kalabit sa likod niya.
Napatigil naman siya at lumingon sa kin.
Ba't ba nakakatakot siyang tignan?
"Oie, Stephen, ang aming pinakamamahal na student council president, nandito na."
napatingin naman kaagad kami nang may nagsalita. Lalake, at ang gwapo. 0///0
"What again, Matthew? And by the way, are all the paperworks done?" sabi naman ni
Stephen sa lalake, Matthew ata pangalan eh.
"Yep, ako pa. And who's this?" tumingin naman sa kin ang sinasabi niyang Matthew.
"Is this what Mrs. Maiven said? Is this the transfer student??" puno pa nito.
"Yes." tipid na sagot ni Stephen sa kanya.
"Well, nice to meet you, Ms. Transferee, I'm Matthew." sabi niya sa kin at kinuha
ang kamay ko. Nabigla ako nang bigla niya itong hinalikan.
Napatigil naman siya ng ilang segundo sa paghalik ng kamay ko at tumingin sa kin,
"You're.. something.. unexplainable." sabi niya.
Naguguluhan na naman ako sa pinagsasabi nila? Talaga ba hanggang dito, naamoy pa
rin nila na mahirap ako? ToT
Bigla namang hiniwakan ni Stephen ang kamay kong hawak ni Matthew, "Excuse us."
sabi niya at hinila ako papaalis.
"T-teka, Stephen, ano bang nangyayari??" tanong ko naman sa kanya. Ngayon,
naglalakad na kami sa hagdanan, patungong 2nd floor.
"Pupunta muna tayo sa council, before we will go to our respective classes."
tanging sagot niya.
Naglakad-lakad pa kami hanggang sa makarating na nga kami sa council room na
sinasabi niya.
Binuksan na niya yung pinto.
"Oh, you're here."
"Good morning, Stephen."
"Buti dumating ka na rin bro."
Bati naman sa kanya ng mga kasama niya. And wow, ang gaganda at ang gagwapo nila.
Wala man lang bang panget dito? Ako lang yata ang panget eh. =____=
"Ace, ok na ba ang pinagawa ko sayo?" tinanong kaagad ni Stephen yung lalake at
pumunta sa isang cubicle. Actually, may isa-isa silang cubicle or we should say,
mini office sa room nila.
Pero tama lang ba na iwan niya akong nakatayo rito? Ni hindi ko man lang alam kung
anong gagawin ko.
Napatingin naman sa kin yung babaeng nakaeyeglasses.
"Stephen, ito ba yung transferee na sinasabi nila??" tanong niya.
"Yes." sagot naman ni Stephen at nagpatuloy sa panghahalungkat sa mga papel sa
drawer niya.
Lumapit naman sa kin yung babaeng nakaeyeglasses at hinawakan ang kamay ko.
"Nice to meet you, Miss. By the way, I'm Elle. Student Council Secretary."
nakangiting tugon naman niya sa kin.
Ngumiti rin ako pabalik sa kanya, "Ahh.. Ako si Ciera."
"Yiee. Magiging magkaibigan tayo Ciera, saka nga pala, ito ang mga kasama namin sa
council. Si Ace, ang auditor." kumaway na nakangiti naman sa kin ang sinasabi
niyang si Ace.
"Si Nicole, ang treasurer namin. Saka si Ethan, our first PRO and Vivien, our 2nd
PRO." puno ni Elle sa kin. Mababait naman pala sila. Ngumingiti sila sa kin o
kumakaway nang ipinakilala ni Elle.
"Saka nga pala, si Matthew, siya ang vice president namin kaso nga lang, umalis
kanina and lastly, si Stephen. Student Council president namin."
"Pero don't worry, Ciera, parehas tayo ng room! Magiging kaklase mo kaming mga
taga-student council." masayang tugon sa kin ni Elle na nakahawak pa rin sa kamay
ko.
May mababait naman pala rito sa Spencer Academy, "Uhmm! Salamat talaga Elle. Ikaw
lang yung naging una kong kaibigan dito." sabi ko naman.
"Sige, Stephen, una na kami sa room ha? ^o^ Gusto kong ipakita sa kanya ang room
natin." sabi ni Elle kay Stephen na hanggang ngayon, busy pa rin at hinila ako
papalabas.
"Mapapawow ka talaga Ciera sa oras na makita mo ang room natin." nakangiti niyang
sabi sa kin at kumapit pa sa braso ko pero okay na rin ito, at least, kahit bago pa
lang ako rito, may kaibigan na ako.
"Hahaha, ang ganda talaga ng school niyo. Pagpasok ko pa nga lang ay napanganga na
ako." sabi ko naman sa kanya.
"Haha! Well, ibahin mo room natin."
Hanggang sa dumating na nga kami sa room na sinasabi niya.
"Here we are." binuksan na niya yung pintuan.
*O*
Nakakamangha, ang laki saka may sala pa sila sa room nila. Tapos may kusina, then
may sampung desks sa unahan with laptops.
"Parang bahay." tulo laway kong sabi kay Elle. Talaga, ang astig! *___*
"Hahaha! 10 students are only permitted to enter the class. The student council
officers at may tatlong non-officers pa. And sabi ni Mrs. Maiven, you're a special
transferee kaya dito ka rin! Hoho'" ^____^ reply naman sa kin ni Elle.
"Waahhh." pumunta agad ako sa desk sa may pinakadulo at umupo rito.*____* Ang cool
talaga.
"Uy! Wag ka jan, si Stephen ang umuupo jan. Alam mo kasi si Stephen, masungit at
parang binagsakan ng mundo kaya mabuti pang lipat ka na lang ng ibang seat."
sumabat naman kaagad si Elle.
"Ay, ganun?? Sige." nagpout pa ako at lumipat na lang sa ibang seat, nasa unahan
ako ng seat ni Stephen.
"Maya-maya, magsisimula na ang klase." ^___^V puno naman ni Elle.
Bigla namang bumukas ang pinto at tumambad sa paningin na min ang dalawang
estudyante, isang lalake at isa ring babae.
"Nanjan na pala kayo, Luke at Yna. Ito nga pala si Ciera, ang bago nating
classmate." nakangiting tugon sa kanila ni Elle kaya naman tumayo ako at ngumiti
rin sa kanila.
"Hmmph." sabi naman nung babae at inirapan lang ako. Pumunta naman kaagad siya sa
seat niya sa unahan. Aba, isnabera ah?
Ganun din ang ginawa nung lalake, dinedma lang ako at pumunta na rin sa seat niya.
Sa unahan ko. Mukhang may nangyari sa kanilang dalawa ah.
Haha! Pasensyahan mo na sila, Ciera, ganyan lang yan. They're a couple kasi."
katwiran naman ni Elle.
"Ahh..." kaya pala eh, kaya pala mga isnabero't isnabera, wala kasi sa mood.
Wow, kahit yung ibang estudyante na mga matapobre, napapamangha pa rin ako sa
school nila, lalo na sa room na ito. Ang swerte ko talaga. *O*
***
Nagsimula na nga ang klase, nandito kaming lahat ngayon sa room, si Stephen naman,
nakatingin lang sa labas na parang pinagmamasdan ang kawalan.
"Class, I'm sorry, I'm late. Saka nga pala, dumating na ba si Ms. Ciera Sanchez?"
sabi kaagad nung lalakeng pumasok. Siya siguro ang teacher namin.
Tumayo naman agad ako, "Opo, ako po."
There was silence afterwards. Parang nagulat siya nang makita ako? Ano ba naman,
porket mahirap, ganun na?
"W-well, sige. We will proceed to our discussion." sabi na lang nung guro.
***
"Sabay tayong aalis, may aasikasuhin lang ako sa council room, kung gusto mong
pumunta dun, pumunta ka. Basta wag na wag kang magpupupunta kahit saan." sinabihan
kaagad ako ni Stephen at yung iba naman niyang kasama ay nauna na sa kanya. Pati na
rin yung magkasintahan na sina Luke at Yna.
"Ah.. Oo. Sige." sagot ko naman.
Umalis naman kaagad siya at iniwan ako sa room.
Hayy, ano naman kaya gagawin ko rito kung hindi ako maglilibot sa school nila? Saka
ayoko rin namang pumunta sa council room nila, baka makakaistorbo lang ako. =.=
*
Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, basta, nandito ako ngayon
parang isang storage room, o yung bodega?
"Ano yun?" may narinig akong ingay sa loob.
Dahil sa curiousity ko, binuksan ko yung pinto ng kwarto at laking gulat ko,
tumambad sa paningin ko ang mga containers na ang laman ay dugo at sa gilid naman
nito, may nakita akong estudyante, iniinom ata yung dugo sa container.
Napansin naman niya ang pagpasok ko kaya lumingon siya sa kin. Nakakatakot ang
itsura niya, pula ang mga mata niya at may pangil siya.
Napaatras naman ako sa nakita ko, aatakihin ako sa puso nito, sana panaginip lang
ito.
"IKAW!" biglang lumapit sa kin ang lalakeng estudyante at hinawakan ng mahigpit ang
leeg ko. Ang lakas niya, nabuhat niya ako.
"B-b-bit-ta-w-wan mo k-ko!" nahihirapan ako sa pagsasalita. Nahulog naman yung
pendant na suot ko sa sahig.
Mas lalong nanlilisik ang mga mata niya.
"Tao ka! Paano ka nakapasok dito?" tanong niya sa kin.
"T-teka!" hindi na ako makahinga.
Nabitawan naman niya kaagad ako nang may biglang sumuntok sa kanya, si Stephen.
Kinwelyuhan kaagad ni Stephen ang lalake at naging pula na rin ang mga mata niya.
"Diba sabi ng school administration, bawal pumasok sa storage room?!" galit na sabi
ni Stepheh sa lalake. Gulat na gulat pa rin ako sa nangyayari hanggang sa mapaupo
na lang ako sa sahig, pawis na pawis.
"S-sorry, Stephen!" sabi kaagad nung lalake.
"Get out! Before I'll kill you." seryosong pagkasabi ni Stephen sa lalake kaya
naman umalis ito. Bumalik na rin ulit sa normal ang mga mata niya.
Hindi pa rin ako makapagsalita. Naguguluhan ako. Sino ba sila? Anong klaseng
nilalang ba sila? Halimaw?
"Ciera." inabot niya ang kamay niya sa kin.
"S-sino kayo?? A-anong klaseng nilalang kayo?" tanong ko na nakayuko pa rin at
nakaupo sa sahig habang tinatabunan ng buhok ko ang mukha ko.
I heard him sighed, "We're not humans, we're vampires. And this school, is a
vampire academy."
______________________________________________
Chapter 3
CIERA SANCHEZ
"Ma, mga halimaw sila." sabi ko kay Mama na ngayon, kasama ko sa kwarto. Nakaupo
lang ako sa kama habang nakayuko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko
kanina. Sa academy, kina Stephen.
"Anak, alam kong nabigla ka. Pero hindi sila halimaw, mga mababait naman ang mga
Maiven." sabi naman sa kin ni Mama.
Umiling-iling ako, "Ayoko na po, ayoko na rito. Babalik na ako kina Lola." puno ko.
"Anak, Ciera, walang mangyayaring masama, kasama mo kami rito, ng papa mo." sabi ni
Mama na bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Pero, mama--"
"Anak, sshh." niyakap niya ako. "Wag kang mag-alala, walang mangyayari sayo.
Nasimulan na natin kaya kailangan na nating tapusin."
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Ayoko na po, ayoko na rito. Babalik na ako kina Lola." rinig na rinig kong sabi ni
Ciera kasama si Eliza sa loob ng kwarto niya. Napadaan kasi ako rito.
"Tsk." I just smirked at nagpatuloy sa paglalakad. It's not my loss kung aalis siya
saka mabuti na rin, para hindi ako maperwisyo sa academy, na may kasama akong tao.
Pagkarating ng pagkarating ko sa kwarto, kinuha ko yung jar na ang nasa loob ay
white rose saka humiga agad sa kama. Pinagmamasdan ko ito ngayon.
May napapansin akong kakaiba rito, simula nung dumating ang anak nila Eliza at
Herbert.
The white petals suddenly glow. Then I remembered Gaile. I don't know where she is
now but I hope she's okay.
"I'm so sorry Gaile."
She's the one who gave me this jar, I don't know what it means but I know, it
indicates something.
"Anyway, sooner, I'm going to die." sabi ko na lang sa sarili at umidlip.
***
MATTHEW SPENCER
"You're.. something unexplainable." naalala ko yung unang pagkikita namin nung
transferee na kasa-kasama ni Luris, habang nagtutugtog ako ng piano ngayon. May
nararamdaman akong kakaiba sa kanya, she's not a vampire. But merely, a human.
Pinaglololoko ba kami ng mga Maiven? It is said in the rules that humans are
prohibited to enter the campus.
Humans were very cruel. Akala namin nuon, mga mababait sila pero inisa-isa nilang
pinatay ang mga kalahi namin.
"Matthew, malalim na naman ata ang iniisip mo." biglang may nagsalita kaya naman
napatigil ako. Nakita ko si Nicole, nakasandal sa may pintuan with her arms
crossed.
Magkasama kami ni Nicole sa iisang dorm. May dorm kasi or we should say, may bahay
ako rito sa Academy, ako kasi ang may-ari. Patay na ang mga magulang ko, pinatay ng
mga tao kaya ako na ang namamahala rito.
"May napansin akong kakaiba.." panimula ko.
"Oo, ako rin. Yung transferee." sabi naman ni Nicole at lumapit sa kin.
"Hindi siya bampira." tipid na sagot ko at nagpatuloy agad sa pagtutugtog ng piano.
Kung hindi lang niya suot ang pendant na yun, malalaman namin ang totoo niyang
pagkatao.
"But the prophecy, Matthew." napahinto ako nang sinabi iyon ni Nicole. Oo, ang
propesiya.
"May taong darating, babae, at siya ang magiging dahilan ng katapusan ng mga lahi
ng mga bampira."
Napaisip-isip ako sa sinabi Nicole.
***
CIERA SANCHEZ
"Hija, please. Wag ka munang umalis." sabi sa kin ni Mrs. Maiven at hinawakan ang
kamay ko. Nasa sala nila kami ngayon, nag-uusap. "Oo, alam kong mahirap tanggapin
na hindi kami mga tao.. that we're vampires. But I assure you, hindi kami nananakit
ng mga tao." puno niya at nakikita ko rin sa mga mata niya ang pag-aalala.
Nanatiling tahimik lang ako.
"Ciera, please do it. For my son, for Stephen. Kasi alam kong.. ikaw lang ang
makapagbabago sa kanya."
"Ciera, can you??" she asked with her eyes full of emotions.
Hindi ko alam..
"Ciera, please.. For Stephen, that's the only favor I want you to do."
Tumango na lang ko. "S-sige po."
Sige, papayag na lang ako. Marami na kasi silang naitulong sa pamilya ko. Kina Mama
at Papa.
*
"Nandito na tayo." malamig na pagkasabi sa kin ni Stephen nang dumating na kami sa
academy. Aaminin ko ngayon, kinakabahan na ako.
"Ah.. Oo!" kaagad akong bumaba sa kotse nila. Hinawakan ko kaagad ang pendant na
suot ko.
Kinakabahan na talaga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kumbaga nag-iingat
ako sa ikinikilos ko. Baka malaman pa nila na hindi nila ako kauri.
Hindi ko namalayan na bumangga na pala ako sa likod ni Stephen.
"A-aray! Sorry!" sabi ko at kaagad hinimas ang ulo kong nauntog sa likod niya.
"Marunong ka bang tumingin sa dinadaanan mo?" sabi naman nito na halata sa boses
nito ang pagiging suplado.
"M-marunong n-naman ako.. k-kaso--"
"Wait." he said with his emotionless face. "N-napapansin kong tensyonado ka. Well,
bakit hindi ka na lang umalis dito at bumalik sa inyo? You're just a burden." sabi
niya sa kin.
Tumagos sa puso ko yung salitang burden. Ako? Pabigat? Oo nga naman, ako lang kasi
ang tao rito. Pero sayang din kasi, ang gagwapo pa naman ng mga lalake rito. Ano ba
itong iniisip ko? Pake ko ba kung puro sila gwapo, ang mahalaga, kaligtasan ko.
"O, sige. Kung yan ang gusto mo." sinabihan ko kaagad siya at tumalikod. Ayoko na
talaga. Ayoko pang mamatay. Saka, wala naman talaga akong pakielam sa kanya. Oo,
gwapo siya, parang anghel. Pero kung ito lang naman ang magiging kahihinatnan ng
mga paghihirap at pagdudusa ko, wag na lang. Marami pa kayang gwapo jan.
"Ciera, please.. For Stephen, that's the only favor I want you to do." bigla ko
namang naalala ang sinabi sa kin ni Mrs. Maiven. Kitang-kita ko talaga rito kung
gaano niya kammahal si Stephen.
Huminto naman ako sa paglalakad at tumingin ulit sa kanya. "Hindi ako aalis."
direchong sabi ko sa kanya.
Napatigil din naman siya sa paglalakad niya at napalingon sa kin.
"Nangako ako, kay Mrs. Maiven, hindi ako aalis para sayo." sabi ko sa kanya.
He just smirked, "And then? What will you do that now you know what's reality?"
"M-may dala akong pepperspray! Haha! Hindi niyo ko masasaktan!" sabi ko naman sabay
taas ng kanang kamay ko habang yung kaliwa naman ay nakahawak sa bewang ko.
"Tsk. You don't know what you're dealing with." tanging naibulalas niya at
nagsimula ng maglakad patungong second floor. Tama bang iwan niya lang ako?
=________=
"Hey, Ms. Wonderwoman."
"Ay palaka ka! HUH?" nagulat ako nang may biglang nagsalita, yung vice president
ata ng council nila. Ano ulit pangalan nun? Mannny? Manok? Ewan!
"O, bakit nakawonderwoman pose ka?" tanong niya sa kin kaya naman kaagad kong
binaba ang nakataas kong kamay.
Napatingin naman ako sa mukha niya at napalunok. *____* Ang gwapo..
Crush ko na siya.
"Ms. Wonderwoman??"
"A-ah! Oo." sagot ko naman.
"H-ha?"
"W-wala. Hehe. Sorry. D-diba ikaw si M-manny na vice president ng student
council??" sabi ko. Manny nga ba?
"Haha, nakakatawa ka. Hindi Manny ang pangalan ko, Matthew. I'm Matthew Spencer.
Diba, ikaw yung bago naming kaklase?" tanong niya sa kin na nakangiti.
Tumango ako pero Spencer?
"Spencer?? A-anong kaugnayan ng epelyido mo sa pangalang ng school?" tanong ko sa
kanya. Siyempre, Spencer siya tapos Spencer Academy naman ang pangalan ng school.
"I'm the owner." he answered with a seductive smile.
"O-owner?!" nabigla ako sa sinabi niya.
"Ciera!!" bigla namang may yumakap sa kin. Si Elle lang pala.
"Ikaw pala Elle." sabi ko naman sa kanya at napangiti.
"Hoy, Matthew, lumalandi ka na naman ha! Bahala ka na nga jan. Tayo na, Ciera!"
hinila kaagad ako ni Elle papaalis.
"O-oy! Teka!"
***
MATTHEW SPENCER
Hinila kaagad ni Elle si Ciera papuntang second floor. Wala siyang kaalam-alam na
tao pala ang kasa-kasama niya.
"I will make you fall in love with me, Ciera Sanchez."
___________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 4
CIERA SANCHEZ
�Alam mo Ciera, wag kang maniwala dun sa mga pinagsasabi ni Matthew sayo, playboy
yun. Babaero. Ewan ko nga dun eh, nanjan naman si Nicole.� Sabi sa kin ni Elle
sabay bukas nung pinto ng council room, nakapasok na nga kami.
Si Nicole? Anong meron kay Nicole? Don�t tell me, crush niya rin si Matthew? T^T
�Bakit? Anong kay Nicole?� tanong ko. Curious na curious talaga ako. Baka parehas
pa naming crush si Matthew. Pagnagkaganun, malabong maging kami pa ni Matthew. Talo
na kasi ako. Ang ganda kaya ni Nicole. =__________=
�Matagal ng may gusto si Nicole kay Matthew, saka MU na kaya yan sila. Pero ewan ko
ba rito kay Matthew, malandi ang mokong eh.� Sagot naman ni Elle sa tanong ko at
umupo na sa office table niya.
Napabaling naman ang tingin ko kay Stephen, busing-busy siya sa pagtatype ng laptop
sa table niya. Seryosong-seryoso niya itong ginagawa. Kami pa lang tatlo ang
nandito ngayon sa council room.
Ewan ko ba sa Stephen na yan, parang binagsakan ng mundo, ang suplado tapos kapag
tititigan mo naman ang mga mata niya, parang nanlilisik. In short, nakakakilabot
itong tignan.
Gwapo sana kaso napakaseryoso. Palaging nakasimangot, siguro nga hindi ito
ngumingiti eh o never ng ngumiti.
�Elle?� panimula ko habang nakatingin pa rin kay Stephen.
�Uhmm? Bakit?�
�Talagang ganyan na ba si Stephen? Adik? Ang sungit-sungit eh tapos parang di mo pa
makausap.� Puno ko.
�Haha, ewan ko pero don�t worry, mabait naman talaga yan, hindi nga lang halata.�
Sagot naman ni Elle.
�Kelan pa? Pero sana nga.� =_____=
�Haha, pero alam mo ba, isa ang mga Maiven sa makapangyarihang angkan ng mga lahi
natin? Actually, dalawang pamilya ang may hawak nito, ang mga Maiven at ang mga
Spencer. Ang pamilya ni Stephen at ang pamilya ni Matthew kaya ganun sila
karespetado rito. Natatakot ang iba na banggain sila. Kaso nga lang kay Matthew,
siya na lang ang natitira sa kanyang angkan.� Sabi ni Elle sa kin kaya naman
napaisip-isip ako.
Bigla na naman akong kinabahan, nakalimutan ko. Puro pala mga bampira ang mga
nakapaligid sa kin ngayon, tapos akala nila Elle, magkalahi kami. Ang bait pa naman
niya sa kin.
Nakakaramdam na naman ako ng takot.
�Ciera?? Okay ka lang??�
�Ah, oo! Ok na ok lang ako. Haha!� pinilit kong tumawa. Ano ba naman ito.. Nagiging
tensyonado na naman ako. Breathe.. Inhale.. Exhale. Dapat hindi nila ako mahalata,
nakasalalay ang buhay ko rito. I started it already so I should finish it.
Sinimulan ko na ang mga kalbaryong ito kaya dapat ko ring tapusin.
Naniniwala naman akong hindi ako ilalaglag ni Stephen. Naniniwala akong mabait
siya, please Lord. >__<
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Ace. Sa wakas, may naalala na ako.
�Uy, Ace, good morning!� bati naman sa kanya ni Elle.
Binase siguro nila ang schedule nila sa ibang mga NORMAL na schools, kaya morning
eh. Ang kaibahan nga lang, covered lahat ng campus nila. Wala kang makikitang sinag
ng araw. Siyempre, siguro, kapag hindi nila ito ibabase sa iba, baka maantala at
malaman ng iba ang tungkol dito.
Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit hindi nila napansin na isa
akong tao. Dahil nga ba ito sa pendant ni lola? Ano bang meron sa pendant niya?
�Stephen, uhmm.� Lumapit si Ace sa table ni Stephen at inilagay ang mga envelopes
sa harapan niya. Napatingin naman kaagad kami ni Elle sa kanila.
�Ano naman ito?� sarkastikong reply nito kay Ace.
�Mga love letters mo. Ipinadala sa kin ng mga fans mo. Baka gusto mong basahin.
Yung sa kin, flinush ko na sa toilet.� Sabi naman ni Ace sa kanya.
�Tss. Sana sinali mo na lang yung sa kin.� Sagot naman sa kanya ni Stephen na hindi
man lang tumitingin sa kanya at nagpapatuloy lang sa patatype sa laptop nito.
Grabe, ang sayang naman nung mga love letters na yun. Flinush lang nila sa toilet?
=___= Kahit kelan talaga ang mga lalake, hindi marunong mag-appreciate.
Napatingin naman ako sa gilid ng table ni Elle, may mga balloons tapos may
nakalagay na �I love Elle Ashton.�
�E-Elle? Ano yang sa gilid mo?� tinanong ko kaagad siya. Grabe naman, lahat sila
may fans. T^T
�Ah, ito? Bigay sa kin nung lalake. Ewan ko nga dun eh.� Sagot naman niya.
***
MATTHEW SPENCER
Tumingin-tingin pa ako paligid ko dahil baka may makakita sa kin. Nandito kasi ako
ngayon sa back gate ng academy. Nakahoody ako ng itim. Pupuntahan ko kasi Gerard sa
labas, sa lugar ng mga tao. Saka, suot ko naman ang pendant na crescent moon na
ibinigay sa kin ni Mama nuon. May kapangyarihan ito, isa na dun ang hindi masusunog
ang balat ko sa sinag ng araw.
Kaya nga ako nabigla nang makita ko ang pendant nung transferee. Ito yung pendant
ni uncle. Naalala ko yun kasi binigyan ng mga pendants sina Mama at ang mga kapatid
nito ng lolo ko. Yung pendant ni uncle kasi, isa sa kapangyarihan nito ay ang
pagbibigay proteksyon.
Hindi ko talaga alam ang nangyayari pero mabuti pang ako na lang mismo ang sasagot
sa mga katanungan ko.
Pagkatapos kong tignan yung paligid, binuksan ko kaagad ang back gate at lumabas
dito.
***
STPHEN LURIS MAIVEN
=__=
Pumunta ako kaagad sa CR para i-flush itong mga love letters na ito. Nakakasakal
talaga kasi araw-araw na lang ganito. Namimigay sila ng kung anu-ano.
Pagkatapos ko yun ginawa, lumabas naman kaagad ako rito at hindi sinasadyang
mapatingin sa bintana sa gilid ko.
Nakita ko si Matthew na nakahoody ng itim, binuksan niya yung gate at lumabas dito.
Ano bang gagawin niya?
Pero ano ba pake ko, buhay niya yun. Makaalis na nga.
***
CIERA SANCHEZ
Nagsimula na nga ang klase and as usual, yung iba kong mga kaklase, hindi
nakikinig. Yung iba kasi, naglalaptop, nagbabasa, si Elle naman parang may
isinusulat at itong si Stephen na laging tulala at pinagmamasdan ang kawalan. =___=
Porket, special class ito, ganun na lang yung mangyayari? Pero nasaan na kaya si
Matthew? Bakit wala siya sa room? Nakakawalang gana namang pumasok. Siya na nga
lang ang inspirasyon ko para ipagpatuloy ang buhay ko rito tas wala siya? =__=
At ito namang magkasintahang sina Luke at Yna, hindi pa rin nagkikibuan pero
honestly, ang gwapo rin ni Luke, siya na ang pangalawa kong crush bukod sa una kong
crush na si Matthew. Sayang nga lang, taken na. T____T
Bakit ba puro magaganda at mga gwapo ang lahi ng mga bampira? Wala man lang bang
panget sa kanila? =____= Si Elle naman, kahit naka-eyeglasses, ang ganda. Sa tingin
ko nga yung eyeglasses niya parang outfit lang din, yung pang-fancy lang?
Napatingin naman kaagad ako sa sinasabi nilang Nicole. Nakaupo siya ng maayos at
siya lang ata ang nakikinig sa guro. Nakakamangha. Napaka-elegante niya.
Kahit sinong lalake siguro, kahit si Matthew na sinasabi ni Elle na babaero,
maiinlove sa kanya. Nakakatibo naman ito. Talagang wala na akong pag-asa sa puso ni
Matthew. =____=
Saka ito naman si Ace na katabi ko ngayon, gwapo sana pero naweweirduhan ako. Ewan
ko, parehas ata sila ni Stephen na mga autistic. Sila lang kasi ang nakikita kong
close rito eh.
Si Ethan naman at si Vivien, nakakatakot kausapin. Mukhang si Elle nga lang ang
magiging close ko rito.
*
Dismissal.
Salamat, dismissal na rin. =_____=
Nagsialisan kaagad yung iba, si Matthew naman, hindi pa rin bumabalik at saka si
Elle, umuna ng lumabas, may naiwan daw kasi siyang importanteng gamit sa council
room kaya kami na lang ni Stephen ang naiwan dito. T___________T
Napansin ko namang bigla siyang tumayo.
�O-oie! Alis ka na?� tinanong ko kaagad siya.
�Obvious ba?� nakasimangot niyang sagot. Aba, pilosopo. =___=
�Para kang tanga.� Puno pa niya saka tumalikod at nagsimula nang maglakad. Aba,
grabe siya. Kainis. >__<
Iiwan na naman ba niya ako? Ayokong mapag-isa noh! Nakakatakot kaya, lalo�t pa na
mga bampira ang mga nasa paligid ko. Kahit puro magagandang nilalang ang nandito,
mga halimaw naman. Saka nasimulan ko na kaya kailangan ko ring tapusin. Kung hindi
lang sana para kay Mrs. Maiven eh, kahapon pa sana ako nakaalis. Pero at least,
kahit nandito ako at namimiligro ang buhay ko rito, kahit mamatay ako, worth it
naman kasi natupad naman ang wish ko na makakita ng maraming gwapo.
�Ito lang tandaan mo..� napatigil naman ako nang bigla siyang nagsalita.
�Wag na wag kang pupunta kahit saan, gusto kong pagkatapos ng klase araw-araw, uuwi
ka kaagad sa bahay. Tutal, sinabi mo na rin na hindi ka aalis para sa kin, do it
dahil gagawin kitang alipin ko.� Sabi niya at lumingon sa kin with that sly smile.
Tuluyan na nga siyang lumabas sa room.
Tae. Anong gagawin niya akong alipin? =______= Tapos bawal pang lumabas kahit saan,
wala na akong freedom nun.
Saka tama naman bang iwan niya ulit ako rito?
�Ciera!!� nagulat ako nang biglang dumating si Elle at niyakap ako.
�Oie, buti dumating ka na.� nakangiting tugon ko naman sa kanya.
�Haha! Sorry! Naghanap kasi ako ng damit, may naisip kasi ako, tutal, gabi na
ngayon, kung lumabas kaya tayo??� sabi niya.
�H-ha?? Lalabas?�
�Oo! ^o^ Pupunta tayo sa mga lugar ng mga tao, bibili ng kung anu-ano. Wala naman
sigurong makakahalata sa tin eh.�
Napalunok naman ako sa sinabi ni Elle. Lalabas daw kami. Shet naman �to.
Nakakatakot din kasi baka maisipan niyang pumatay ng tao tapos sisipsipin ang dugo
nito. Pero hindi naman siguro kasi, sinabihan ako ni Mama nuon na, hindi na
pumapatay ng tao ang mga bampira ngayon, nagkasundo raw ang pamahalaan ng mga tao
sa kanila na walang pakielaman, sa hayop na lang daw nila binubusog ang kanilang
mga sarili. May mga supplements din sila para matiis nila ang gutom.
Pero bahala na, mabait naman si Elle eh. T^T
�S-sige!� pinilit kong ngumiti.
*
Lumabas na nga kami ni Elle at nagpunta-punta kahit saan. Masaya naman siyang
kasama saka wala naman siyang ginagawa para saktan ang mga taong nasa paligid
namin. Ako naman, dobleng ingat din kasi baka malaman niyang hindi pala nila ako
kauri.
�Ang dami nating nabili.� Nakangiti niyang sabi sa kin habag bitbit-bitbit yung mga
pinamili niya. Nandito kami ngayon sa daan, naglalakad na. Kami lang dalawa ang
nandito ngayon, gabing gabi na kasi at saka papauwi na rin kami.
�Hehe, oo nga eh.�
�Haha, ikaw, ba�t wala kang binili?�
�Ah.. kasi..� wala akong pera. =____= Kaya bakit ako bibili?
�AKIN NA �TO!� nagulat kami nang biglang hablutin nung mama ang bag ni Elle at
kumaripas ng takbo. Aba, hindi ba niya alam na may superstrength sila?
�Ciera, yung bag ko!!� sabi naman niya sa kin.
T-teka? Anong gagawin ko? >____< Akala ko ba mga superstrength sila?
Bigla namang may lumapit sa min na lalakeng nakaitim na hoody habang bitbit-bitbit
yung mamang nagnakaw ng bag ni Elle. Wala na ata itong malay.
Tinanggal naman nung lalake ang hoody niya.
Si Matthew?!
Ang bilis ah!
�O, Elle, yung bag mo.� Sabi naman niya at ibinigay kay Elle ang bag. Binitawan
niya lang yung lalake sa daan na walang kabuhay-buhay.
�Salamat Matthew, buti naabutan mo siya. Saka, pinatay mo ba?� halatang kinabahan
si Elle na itinanong yun.
�Haha, wala, sinuntok ko lang at ayun, nawalan ng malay. Magigising din yan maya-
maya. Saka bakit ba kayo namamasyal dito sa lugar nila?� tanong naman niya.
Teka, hindi ba niya ako napapansin? T^T
�Ah, namasyal lang kami ni Ciera. Ang boring kasi dun sa min eh.� Sagot naman ni
Elle sa kanya.
Napatingin naman sa kin si Matthew.
(*o*)
Ang gwapo talaga niya.
�Ah.. Haha! Ako rin, may binili lang. Kaw pala, Ciera, kamusta?� sabi ni Matthew sa
kin.
�O-okay lang.� crush ko talaga siya. Mabuti pa siya, ang bait niya.
�O, sige, sabay na lang tayo. Papauwi na rin kasi ako.� Puno nito at sumabay nga sa
min.
*
Una naman naming hinatid si Elle at ngayon, kami na lang dalawa ni Matthew ang
naglalakad. Kinakabahan na naman ako. >____<
*awkward.awkward.*
�Saka nga pala Ciera, ok lang ba ang academy? Hindi ka ba nahihirapan?� bigla niya
akong tinanong.
�H-hindi naman. Hehe.� Sa totoo niyan, nahihirapan talaga ako. Kayo naman kasi eh,
bakit pa kayo naging mga bampira? TT___TT
�Mabuti naman saka kung may problema man, wag kang mahiyang lumapit sa kin. So, can
we be friends?�
�O-oo! Sure. Haha!� tumawa pa ako. Grab the chance na noh.
Dumating na nga kami sa harapan ng gate ng mga Maiven.
�Dito na lang ako, Matthew, salamat talaga.� Sabi ko.
�Dito ka pala nakatira sa bahay ng mga Maiven??� tanong naman niya.
�Ah.. eh��
�Oo. Dito siya nakatira.� Napalingon naman kaagad kaming dalawa nang may biglang
nagsalita, si Stephen. Ommo! >__<
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Sumabat kaagad ako nang mapansin kong dumating na pala itong babaeng to kasama si
Matthew.
Dafuq nga lang kasi ang tagal umuwi. Kinukulit nila ako ni Eliza at Herbert na
hanapin ang anak nila tapos kasama lang pala ni Matthew.
But these days, I felt something strange with Matthew pero nuon pa man, may
pakiramdam na akong hindi maganda sa kanya.
�I-ikaw pala, Stephen.� Halatang nagulat si Ciera ng makita ako.
�Ah. I see. Sige Luris, una na ako. Mag-iingat na lang kayo. Bye, Ciera, see you
tomorrow.� He smiled then went out.
�Babye, Matthew, salamat.� Reply naman sa kanya ni Ciera at ngumiti.
Binaling ko kaagad ang atensyon ko sa babaeng ito, �Diba, sabi ko sayo kanina,
umuwi ka na agad?� tinanong ko kaagad siya.
�S-si Elle k-kasi.. Nagpasama sa kin.�
�And look! Ang mga magulang mo, alalang-alala na sayo. Kinukulit nila ako para
hanapin ka. Saka, are you not afraid na baka malaman nila na tao ka?� sabi ko sa
kanya.
�Haha! Wag kang mag-alala! May dala akong pepperspray lagi.� Nakangiting tugon niya
sa kin na nakawonderwoman pose pa.
Yang ugali na yan, nakakairita.
Napansin ko namang dumudugo yung hintuturo niya.
�Hoy, yung daliri mo.�
***
CIERA SANCHEZ
�Ha??� tinignan ko kaagad yung daliri ko at napansin kong dumudugo ito. Kaya pala
medyo sumakit kanina.
Bigla namang lumapit si Stephen at hinawakan yung dumudugo kong daliri. >___<
Don�t tell me, sisipsipinn niya yung dugo ko? Iinumin niya? >___<!!
�T-teka��
Hindi na ako nakapagpatuloy sa pagsasalita at nabigla ako nang kinuha niya sa bulsa
ang panyo niya at tinalian ang hintuturo ko.
�Stupid.� Sabi niya habang tinatalian yung daliri ko sa panyo niya.
Kamuntik na ako dun ah! >_<
***
ELLE RAVEN ASHTON
Inaayos ko yung mga binili namin Ciera sa kwarto ko. Mga damit, alahas, at kung
anu-ano pang accessories ang binili namin.
�Raven.�
Napatigil ako sa aking ginagawa nang may nagsalita, si Ace. Nakatayo siya ngayon sa
likod ko.
�Ano na naman ba Ace??� tanong ko na hindi man lang tumitingin sa kanya habang
nagpapatuloy pa rin sa pag-aayos ng mga gamit ko. Lagi na siyang ganyan, bigla na
lang bibisita sa kin. Hindi ko kasi nilolock ang bintana or kung lock man,
mabubuksan pa rin niya kasi siyempre, malalakas kaming mga bampira.
Umupo naman siya sa kama ko, �Ang sungit mo na naman pero kapag nasa academy tayo,
ang bait mo sa kin. Bakit ganun, Raven?�
�Ano ba Ace, stop it. Don�t ever call me with that name, si Stephen lang ang
makakatawag sa kin niyan.� Sabi ko. Minsan, napipikon na talaga ako sa kanya.
�Hmm, tell me. Ano bang meron kay Stephen na wala ako? Bakit ang bait mo sa kanya,
sa kin hindi?�
�He�s my everything. Mahal ko siya at gagawin ko lahat para lang mapalapit sa
kanya.�
�Kaya mo pala kinaibigan ang transferee kasi alam mong malapit sila? Kasi nakatira
sila sa iisang bahay, kasama ang mga Maiven?�
�Yes, and I don�t care.�
_______________________________________________
Vampire Academy
Chapter 5
CIERA SANCHEZ
�Saang lupalok mo ba nakuha itong sugat na ito, babae ka?� reklamo na naman ni
Stephen sa kin habang ginagamot yung kamay ko. Nandito kami ngayon sa kwarto niya.
Pareho kaming nakaupo sa kama ngayon. Saka hindi naman ganun kalalim yung sugat ko
tas siya, nangangalati na sa galit. =____=
�Eh.. Hindi ko alam, baka may nahawakan lang ako matulis kaya ayun..� katwiran ko
naman.
Nilagyan niya ng konting alcohol yung cotton saka pinahid sa daliri ko, �Hindi ka
kasi nakikinig sa kin. Diba sabi ko sayo, umuwi ka kaagad? Napakastupid mo talaga.�
Ininsulto na naman niya ako. Pwedeng iba na lang ang i-insulto niya sa kin? Grabe
naman yung stupid.
�Grabe ka naman! Makastupid ka, sige. Kaw na matalino.� Sarkastikong reply ko
naman.
�Hoy, stupid. Tumigil ka. Panu kung napansin ito ni Matthew habang naglalakad kayo?
Na tao ka? Patay ka ngayon?� sabi naman niya sa kin at tapos na nga niyang nilagyan
ng band-aid ang daliri ko.
�O-oie! Mabait kaya si Matthew! Hindi gaya mo!� sabi ko at binehlatan pa siya. :P
�Akala mo lang yun. Sa susunod kasi, sundin mo lahat ng iniutos sayo ng master mo,
kuha mo?� he said with that sly smile again. Nakakainis talaga siya.
�Kapal naman ng mukha mo. Hindi kita master noh.� Sabi ko naman sa kanya with my
arms crossed.
�Master mo ko at ikaw ang alipin ko. Kaya dog, calm down.� Now, he was smirking.
�A-anong dog?! �
�Diba, ang tawag sa amo ng aso ay master? Kaya kung ayaw mo ng stupid, dog na
lang.�
Taeng lalakeng �to, makapagtawag sa kin ng dog. =____=
�Sige, gori naman tawag ko sayo, short for gorilla��
�Ops! Don�t talk back to your master. � he devilishy smiled.
�Hoy, tigil-tigilan mo nga ako sa pang-aasar mo! Tch!� naiinis kong sabi sa kanya.
Tumayo naman siya at pumunta sa may bintana ng kwarto niyang nakapamulsa,
pinagmamasadan niya ngayon ang langit, �Shut up, dog.� Kalmado niyang sabi sa kin
pero may halong pang-aasar pa rin. Hindi man lang niya ako tinitignan kasi
nakatingin lang siya sa kawalan.
Natahimik naman ako. Ngayon, pinagmamasdan ko lang siya. Oo, aaminin kong sa lahat
ng mga lalakeng estudyante na nakita ko sa academy, siya ang pinakagwapo. Para sa
kin, kung irarank sa kagwapuhan, siya ang pinakauna tas si Matthew ang pangalawa.
Pero kapag tititigan ko ang mga mata niya, sa una, nakakatakot ito, pero narealize
ko na.. nang tinignan ko ito ng mabuti habang nag-aasaran kami, there�s something
with it.. sadness and sorrow.
�Ahh.. Stephen..�
�MASTER.�
Grabe, kinorrect pa niya. =_____=
�Ehh.. Master..� napakamot pa ako sa ulo ko. Ano nga yung itatanong ko? O___o
�Ahh.. I-ilang taon ka na po pala, master??� oo. Curious na curious na talaga ako
sa edad niya. Diba mga imortal sila? Yan yun naririnig ko sa mga TV eh.
�70 years old.� Tipid na sagot niya.
�A-ano?! Pero hindi ka pa rin mukhang matanda ah?� halata namang gulat na gulat
ako. Grabe, 70 years old na sya? Dapat pala lolo na ang tawag ko sa kanya.
�Napakastupid mo talaga dog, imortal kami. Hindi kami tumatanda.� Puno niya at
hindi pa rin tumitingin sa kin.
�Dog..� tawag niya sa kin at ngayon, nakatingin na.
�Dog mo mukha mo.� Nakapokerpeys kong reply sa kanya. =___=
�Haha, grabe. Pikon ka naman agad. Saka, yung pendant mo, wag ng wag mo yang
iwawala. Suotin mo yan lagi kasi yan lang ang proteksyon mo para hindi nila malaman
na tao ka.�
� Oo. Hindi ko ito iwawala noh. Hindi naman ako tanga.� =__=
�Hmm. Sige na, matulog ka na. Maaga pa tayo bukas.�
�HA?� halatang di ko siya nagets.
�Makakaalis ka na dog, stupid mo talaga.� Sabi niya na nakatingin sa kin then he
smirked.
Kakainis talaga ang lalakeng ito.
�Tss! Oo, aalis na ako! Goodbye, MASTER!� naiinis kong sabi sa kanya at tumalikod.
Pero nang isara ko ang pinto, napansin ko yung mapang-asar niya na mukha ay nag-
iba. Naging malungkot ang ekspresyon nito.
�Hindi ko talaga siya magets.� Sabi ko na lang sa sarili ko. �Pero sana, magiging
okay lang siya.�
*
�H-hoy! Hinay-hinay nga lang! Madadapa ako sayo nito eh! Ambilis mong maglakad!
Maaga pa naman ah.� Reklamo ko sa MASTER ko. Eh, amblis maglakad eh. Kararating nga
lang namin sa academy tas hindi pa naman masyadong matao.
Tumingin naman siya sa kin na nakapangilabot. �DOG.�
Tae, yun lang sasabihin niya, DOG?
Napakawalangya talaga. Pero bigla kong naalala ang nakita ko kagabi sa kanya, yung
malungkot na mukha niya.
Siguro, kailangan lang niya ng konting spices para mawala yun.
�Ah.. Stephen.. E-este Master pala..� nauutal ako. Shet. =___=
�Bakit, dog?� ayan na naman ang dog na yan.
�Master, b-baka gusto mong sabay na lang tayo m-maglunch ngayon.� Naiilang na naman
ako. Bakit ba ako naiilang sa kanya? Eh, matagal ng makapal ang mukha kong �to.
�Sige, para naman magamit ko ang pagiging alipin mo.� He smirked.
Tae, kinareer niya talaga ang pagiging alipin ko. =___=
Sinundan ko lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa second floor
ng building.
�DOG.�
�A-ahh.. Bakit po Master??� =___=
�Umuna ka na sa room natin. May hahanapin lang ako sa council room. Wag na wag kang
lalabas.� Sabi niya.
�H-ha? Ako lang mag-isa?� reply ko naman. Syempre, natatakot ako. Ako lang mag-isa
sa room saka, baka may papasok na ibang estudyante at malaman pa nila ang totoo.
Hindi siya kumibo at iniwan lang akong nakatayo rito.
�Shet naman �to.� Sabi ko at tumalikod na rin. Padabog akong naglakad papunta sa
room namin.
=__________________________=
�Wag kang mag-alala. Hindi naman ako magtatagal. When I�m already done with my
errands in the council room, sasamahan kaagad kita sa room.�
Napahinto naman ako nang magsalita siya. Tumingin ako sa kanya. Nakatayo siyang
nakatalikod sa kin, pagkatapos nun, nagpatuloy agad siya sa paglalakad niya.
But it�s okay, at least for now, I feel relieved.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Pagkarating ko sa council room, ako pa lang ang unang dumating dito. Sabagay, maaga
kasi kaming dumating ni Ciera sa academy.
Pinuntahan ko kaagad ang table ko at tinignan ang mga papers. Malapit na kasi ang
school festival. Kami ang inatasan na magplano rito.
Kinuha ko yung isang folder na may nakalagay na �Black Masquerade�. Oo nga pala,
ito yung suggestion ni Vivien para saschool festival.
�Stephen..�
Napahinto ako sa ginagawa ko nang may nagsalita. Lumingon ako, si Raven.
�Raven, kaw pala.� Tipid na sabi ko at nagpatuloy kaagad sa pagbabasa ng mga
folders.
�Wala pa ba yung iba??� puno ko.
Hindi siya kumibo at naglakad lang papalapit sa kin.
Bigla na lang niya ako niyakap, �Stephen.. Mahal na mahal kita.. I�m crazy for you.
Please, sana magawa mo rin akong mahalin.� Sabi niya sa kin at parang umiiyak siya.
Matagal na kaming magkaibigan ni Raven, simula pa nung bata pa ako. Siya lagi ang
kasama ko.
�Alam mo na ang sagot ko diyan, Raven.� I coldly said at hinawakan ang magkabilang
balikat niya. �Just accept it.�
�Pero Stephen, wala na si Gaile! Kaya ako na lang please, ako na lang.�
�Stop it, Raven. Don�t be a fool. Don�t ever mention Gaile�s name here.� Sabi ko
naman sa kanya. Medyo nagalit ako nang isinali na naman niya rito si Gaile.
Binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa balikat niya.
�Patay na siya Stephen! Bakit ba? Bakit hindi na lang ako? Mabuti pa si Ciera, mas
nagiging close pa kayo.� Nakayuko niyang sabi sa kin.
�Don�t include Ciera here, Raven. Just stop.� Sagot ko na lang at umupo na sa table
ko.
***
CIERA SANCHEZ
Ang tagal naman ng lalakeng yun. Nakakatakot, ako lang mag-isa sa room na nakaupo
rito sa seat ko. =___=
Napatingin naman kaagad ako sa may pinto at bumungad sa paningin ko si Ace.
Salamat, may tao na rin pero kinikilabutan pa rin ako. Hindi kasi kami close, okay
lang sana kung si Matthew yung pumasok.
Umupo naman siya sa tabi ko, Oo nga pala, seatmate pala kami.
�H-hi?� panimula ako. =____= Anubeyen, nakakailang.
�Hello.� Tipid na sagot niya sa kin.
Yun lang? Hello?
Oo nga pala, siyempre hi lang yung sinabi ko.
�Ah.. Ace, n-napaaga ka ata, hindi ka pumunta sa council room niyo?� tanong ko sa
kanya. Ayokong mailang buong magdamag kasama siya rito noh. Mas mabuti pang
kaibiganin ko siya para hindi na ako mahihiyang umapproach sa kanya.
�Hmm.. May nag-uusap kasi sa council room.. baka makaistorbo ako.� Sagot naman nito
na walang emosyong ipinapakita sa mukha niya. Mas grabe pa pala it okay Stephen eh.
Kailangan magaling ka sa logical thinking para magets mo siya.
�Ahhh�� wala na akong maitopic. =_=
�Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat� Nandito ako lagi sa tabi niya. Hindi ko siya
iniiwan. Kapag nalulungkot siya.. lagi akong nandiyan para lang mapangiti siya..
pero kahit ganun.. wala pa rin.. hindi pa rin niya maappreciate.. hindi pa rin niya
ako mahal..�
Nabigla naman ako sa sinabi ni Ace.
In love siya. *___* Nakakacurious.
Ngumiti naman ako at sinabihan siya, �Alam mo kasi Ace.. kapag nagmahal ka,
kailangang may limitations, yung dapat 99% lang ang ibibigay mo? Tas yung 1%,
ibigay mo sa sarili mo. Kasi kapag nagmahal ka ng sobra, nagmahal ka beyond your
limitations, masasaktan ka talaga ng todo. Kasi we are not certain na ganun din ang
nararamdaman sayo nung babae. Pero don�t worry, wag na wag kang susuko, basta
maglagay ka lang ng limitations sa pagmamahal mo. Dahil kung kayo talaga ang para
sa isa�t-isa, kahit hindi muna kayo magiging couple ngayon or magkakahiwalay man
kayo, sa huli, you will still end up together.�
Bigla naman niyang ginulo ang buhok ko. Parang namumula tuloy ako. >///<
�Haha, alam mo, magsisisi ang taong gagamitin lang ang kabaitan mo.� Tumawa siya.
Waahhh. Ang cute niyang tumawa. Magiging crush ko na naman siya.
�Salamat.� Ngumiti siya.
�Hehe, saka, sino pala itong maswerte na babaeng �to, Ace?�
�Si Elle.�
***
MATTHEW SPENCER
�Aasahan ko kayo this festival.� Sabi ko sa kausap ko sa aking cellphone habang
nakasakay ngayon sa kotse. Papunta pa lang ako sa academy.
�Don�t worry, Matt, pupunta ako jan. Kakanta ako sa festival niyo. As what we had
planned.�
�Hmm, I�ll be expecting that Gerard.�
***
CIERA SANCHEZ
Kami pa ni Ace ang nasa room, ang tagal naman nung iba pero nandito ako ngayon sa
Girl�s CR. Nagpaalam kasi ako kay Ace na magjijingle lang ako. XD Saka napansin
kong, wala man lang salamin sa CR nila, bakit kaya? Ah, oo naalala ko sa TV, hindi
nakikita ng mga bampira ang repleksyon nila kaya bakit nila kailangan magkaroon ng
salamin? Haisst. Kung nandito yung matalino kong master, sasabihan na naman ako ng
stupid. =_=
Lumabas na ako sa cubicle matapos gawin ang call of nature.
Pero parang may naririnig naman akong umiiyak sa isa sa mga cubicles ng CR.
O.O
Minumulto ang CR nila??
�H-hello??� sabi ko. Nakakatakot talaga ang academy na ito. May bampira na nga, may
multo pa.
Patuloy pa rin yung iyak sound. TT____TT
�Yuhooo??�
Bumukas naman kaagad yung cubicle na kung saang naririnig kong may umiiyak.
�AHHHHHH!!!� sumigaw agad ako.
�C-Ciera??�
�Elle??� O_O si Elle lang pala. So siya pala yung umiiyak? Bakit kaya??
�Ciera..� bigla niya akong niyakap.
�Elle?? Bakit? May nangyari ba??� pag-aalalang tanong ko. Patay talaga sa kin kung
sinuman ang nagpaiyak sa kanya, SWEAR.
�Ciera, tulungan mo ko.�
�Oo, tutulungan kita. Ano yun?�
�Tulungan mo kong mapalapit kay Stephen, tulungan mo kong mainlove siya sa kin,
diba, close kayo?? Diba nakatira kayo sa iisang bahay??�
Natahimik naman ako sa sinabi niya. Tutulungan ko raw siya pero..
Nangako rin ako kay Ace kanina na ipaglapit silang dalawa..
Naguguluhan talaga ako. >__________<
_____________________________________________
Vampire Academy
Chapter 6
CIERA SANCHEZ
�Panu ba �to.. Haissttt..� sabi ko habang ginungulo yung buhok ko. Nandito ako
ngayon sa cafeteria ng academy and as expected, kasama ko ngayon ang master ko.
=____=
Naguguluhan talaga ako sa sitwasyon ko ngayon. Kung sino yung tutulungan ko, kung
si Ace ba or si Elle. Nahihiya rin kasi ako kay Elle, ang bait niya sa kin tapos
siya pa ang naging una kong kaibigan dito sa campus. Kay Ace naman, nangako akong
tutulungan ko siya. Malay ko bang gusto pala ni Elle itong hinayupak kong Master.
Kapag tutulungan ko si Ace, si Elle naman yung magigipit. Kapag si Elle naman ang
tutulungan ko, masasaktan din si Ace. Haisstt. Di ko talaga alam kung anong gagawin
ko. =________=
�O, dog. Hindi mo yata ginagalaw ang pagkain mo.� Biglang nagsalita itong
walangyang master ko habang iniinom yung juice na kulay pula. Ewan ko, dugo siguro.
=_______=
�Aanhin ko naman itong inorder mong juice na dugo??� sagot ko naman. Siya kasi ang
order sa kakainin namin. Dalawang juice na kulay pula tas nachos na nilagyan ng
cheese spread.
�Haha, subukan mong inumin, masarap yan.� Ayan na naman ang mukha niyang mapang-
asar.
�Che. Tumahimik ka.� =___=
�Ito naman, hindi yan dugo. Supplement yan para sa min. Para hindi kami gugutumin.
Kung ayaw mo, kainin mo na lang yung nachos.� Sabi naman nito.
�Haisstt. Naguguluhan talaga ako.� Kaagad kong isinubsob ang mukha ko sa table.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. =____=
�Stupid ka na, weirdo ka pa.� he said while smirking.
�Imbis na insultuhin mo ko, mabuti pag tumahimik ka na lang. Hindi ka naman
nakakatulong eh.� Tumayo na lang ako at tumalikod. Mabuti pang umalis na lang ako.
Mas lalo akong nababadtrip sa kanya. =___=
�O, dog, saan ka naman pupunta??� tanong naman niya sa kin.
�Sa lugar kung saan wala ka, kainis.� Reply ko naman sa kanya at nagsimula nang
maglakad.
�Ano bang gagawin ko? Ang hirap naman nito.� Sabi ko sa sarili ko habang
naglalakad. Sobrang complicated naman ng love story nila.
=_______________=
�Ciera??�
Napalingon naman ako nang may biglang sumambit sa pangalan ko.
Si Matthew. O_O
�M-Matthew. Kaw pala.� Naiilang na sabi ko. >///>
�O, anong nangyari? Mukhang problemado ka ata??�
�Ah.. eh.. Naguguluhan talaga ako sa sitwasyon ko ngayon eh..� >__> sagot ko naman.
�Baka matulungan kita. Tara, sumama ka sa kin. Punta tayo sa garden. Dun tayo mag-
usap.� Nakangiting tugon naman sa kin ni Matthew.
Sa garden? Ibig sabihin nun, kami lang dalawa? O__o
�T-tayo lang dalawa??� 0///0 nakakahiya naman ito pero dream come true na rin.
�Oo. Haha, wag kang mag-alala. Hindi naman kita gagalawin.�
*
�Naguguluhan talaga ako Matthew eh. Hindi ko alam kung sino ang tutulungan ko sa
kanila.� Buntong hininga kong sabi sa kanya. Nakaupo ako ngayon habang siya naman
ay nakahiga at nasa ilalim ng ulo niya ang dalawa niyang kamay. Covered din ang
garden nila pero ginamitan nnila ito ng transparent glass. Yung makikita mo talaga
ang langit. Nakakamangha nga eh.
Sinabihan ko na rin siya tungkol sa problema ko. Mabuti pa siya, nakikinig siya
habang yung bakulaw kong Master, walang ginawa kundi asarin ako. =____=
Bigla naman siyang umupo at tumingin sa kin. �Wag mong tulungan si Elle.�
�HA?� naguluhan ako sa sinagot niya. Si Elle? Hindi ko tutulungan si Elle?
�Well..� huminto siya tas ngumiti. �You�re beautiful.�
�HA?!� O____o naguguluhan na naman ako sa mga sinasabi niya.
�Hahahaha! Grabe ka naman kung makareact.� Tumawa siya habang nakahawak sa tiyan
niya.
�Eeekk! >__< Magseryoso ka naman Matthew!�
�Haha, yeah, yeah. Wag mong tulungan si Elle.� Sabi naman niya.
�B-bakit naman??� curious na tanong ko. Bakit si Elle? >_<
�Alam mo kasi.. si Elle, matagal ng may gusto kay Luris. Simula pa nung mga bata pa
sila. Kaso si Elle, she was obsessed. Matagal na siyang sinabihan ni Luris tungkol
dito, na.. tantanan na siya. Pero, Elle was determined. Pinipilit pa rin niya ang
sarili niya kay Luris.�
Napaisip-isip naman ako sa sinabi sa kin ni Matthew. Kaso.. naguguluhan pa rin ako
eh. >____<
�Si Ace.. si Ace ang tulungan mo. He was always been there in Elle�s side. Kumbaga,
masasabi rin nating rebound siya. Palagi siyang nandiyan para kay Elle but Elle was
blinded with her love for Luris kaya hindi niya ito naappreciate.�
Natahimik naman kaagad ako sa sinabi niya.
Ginulo naman niya buhok ko, �I think, I made you confuse.� Nakangiti niyang sabi sa
kin.
�Ha? H-hindi!� umiling ako. �Actually nga, napaisip-isip din ako sa mga sinabi mo.
Ang bait mo talaga Matthew.�
�Well, I don�t know. Pero, sariling desisyon mo yan, Ciera. I�m just giving my
opinion.�
�Hmm..� ngumiti lang ako at niyakap ang mga tuhod ko.
�Matthew, pwede ba magtanong??� sabi ko. Curious na curious din ako sa pagkatao
niya.
�Sure.� ^_^
�Eh.. May kapatid ka ba?� >__> sana hindi yun nakaoffend sa kanya, narinig ko kasi,
patay na ang pamilya niya.
�Meron pero patay na. Magkasama silang namatay ng mga magulang namin.� He said with
his soft voice.
�Ganun ba? Sorry talaga Matthew, baka naoffend kita sa tanong ko.�
�Haha, no. It�s okay. Saka matagal na panahon na rin yun. �
�Hindi ka ba nalulungkot?� tinanong ko ulit siya.
�Nung una pero, nandiyan naman ang mga kaibigan ko, kayo, ng student council. So
why should I?�
�Hmm.. Pero wag kang mag-alala, Matthew. Kung gusto mo ng kaibigan, nandito lang
ako. Hihi!� sabi ko sa kanya na nakapeace sign. ^___^V
�Are you sure??�
Napatigil ako sa sinabi niya. I feel something strange nang marinig ko yun. Parang
kinikilabutan ako.
�Hmm, by the way.. saan mo nakuha yang pendant na suot mo ngayon, Ciera??� bigla
niyang hinawakan yung pendant na suot. Kinabahan na naman ako.
�H-ha?? Eh��
�DOG.�
Napalingon kaming dalawa sa likod namin at nakita si Stephen na nakapamulsa.
Expected na siya yung magsasabi nun sa kin. =____=
�Yan na pala si Luris, hinahanap ka na ata.� Sabi naman sa kin ni Matthew.
�Sorry talaga, Matthew. Sige, aalis na ako. Salamat ha?� tumayo na ako.
�Same here.�
�Sige, babye!� kumaway na ako sa kanya at nagsimula nang maglakad papunta sa
hinayupak kong Master pero muntik na ako dun ah. Akala ko tatanggalin na niya yung
pendant ko.
�Lumalandi ka na, dog. Ayokong dumami ang mga alaga ko.� Sabi niya agad sa kin nang
makapunta na ako sa kanya.
�Heh. Sisipain ko yang mukha mo eh.� =_= sabi ko naman sa kanya at umuna nang
maglakad.
�Ayan ka naman dog, pikon.�
�Eh, sino bang hindi mapipikon sa mga sinasabi mo?� katwiran ko naman.
�Well, ikaw kasi nagsabing nangako ka sa nanay ko na pagsisilbihan mo ko.�
�Mukha mo. Wala akong sinabing ganun.� (-___-� )
Natahimik naman siya bigla.
�DOG.�
�O, ano na naman ba?� =_________=
�Stupid.�
Huminahon ka Ciera, wag ka munang sasabog. Nakasalalay ang buhay mo sa kanya.
Hindi na ako kumibo sa sinabi niya at nagpatuloy lang sa paglalakad.
�DOG.�
�Ano?!� tinaasan ko na yung boses ko.
�Engot.�
=______________________________________=
�Ewan ko sayo!� padabog akong naglakad at mas binilisan pa.
�DOG.�
�Ano na naman ba?!��
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Nanlaki ang mata ko nang makita kong may
nakatusok na kutsilyo sa likod niya.
�S-Stephen!� napasigaw ako.
�Wag kang mag-alala, okay lang �to.� Kinuha niya ang kutsilyo sa likod niya at
bigla namang nawala ang sugat nito.
�Diyan ka lang.� seryosong pagkasabi niya sa kin at nag-iba na naman ang kulay ng
mga mata niya. Before, it was red, now, it became blue.
�Patay, palpak tayo boss!� may narinig akong nagsalita at napatingin ako sa itaas,
may nakita akong dalawang lalake na nasa rooftop. Hindi naman gaano kataas ang
rooftop. Hanggang second floor lang kasi yung building.
�Bumaba kayo.� Sabi naman sa kanila ni Stephen at tinitigan lang sila.
�B-boss!� narinig kong sabi nung isa nang makita nitong tatalon ang kasama niya.
Tumalon nga yung isa at nang pagkarating ng pagkarating nito sa lupa, kaagad itong
sinakal ni Stephen.
�Sinong nag-utos sa inyo?! Sino?!� galit na sinigawan niya yung lalake. Yung isa
naman na nasa itaas ay kaagad tumakbo.
Napansin ko naman na nag-iba ang kulay nung mga mata ng lalakeng sinasakal ni
Stephen. Naging grey na ito.
�Isang lalakeng nakaitim. Binayaran niya kami para tapusin ang babae at kunin ang
pendant niya.� Sagot naman nito.
Binitawan naman ni Stephen ang pagkakahawak nito sa leeg, �Makakaalis ka na. At
susunod, wag na kayong magpakita pa ulit sa kin.�
�Opo.� Sabi lang nung lalake at umalis. Naging normal na rin ang mga mata ni
Stephen.
�Stephen..� tanging nasambit ko lang. Kung ganun pala, may gustong pumatay sa kin?
Nanganganib ang buhay ko?
Tumingin lang siya sa kin at nagbigay ng mapang-asar na ngiti. �DOG.�
=_______________________________=
Yan lang yung sasabihin niya?
�Tch! Anlabo mo talaga!� tumalikod na lang ako at naglakad na rin. �S-salamat nga
pala.� >___> huminto ako at sinabi yun sa kanya.
Iniwan ko lang siya na nakatayo dun.
*
�Hoy! Sino bang nasabi sayo na gawin mo kong alalay??� reklamo ko. Eh panu kasi,
ipinadala niya sa kin ang gabundok na folders na galing council room nila. Tapos na
rin kasi ang klase. Saka, napansin kong hindi nagpapansinan sina Elle at ang Master
ko. Si Ace naman, umiiwas din kay Elle. Haisst. Napakacomplicated talaga ng love
story nila. =__=
�Because you�re my dog??� sagot naman niya sa kin. Papunta kami ngayon sa parking
lot ng academy.
�Iumpog ko ulo mo sa pader eh. Tss.� =____=
�Then try it.� He challenged.
�Tsk.� =_______=
Tumahimik na lang ako. Kahit makipagtalo pa ako sa mokong na �to, sa huli, talo pa
rin ako.
�Saka nga pala.. Stephen..�
�MASTER.� Sumabat naman agad siya. Pambihira. T_T
�Master, p-paano mo pala napaamin yung lalake.. kanina?� tanong ko sa kanya.
Hanggang ngayon kasi binabagabag pa rin ako sa nangyari kanina.
�I can read and control minds.�
�N-nakakabasa ka ng isip??� O__o
�Stupid. Kailangan bang ulitin? Oo. Nakakabasa ako at nakakakontrol ako.�
�K-kung ganun, alam mong iniisip ko ngayon??� O___O
He smirked, �Yes.�
=_______=
Kung ganun, wala pala akong sikretong maitatago sa kanya. Hindi ko pala siya
magagawang patayin kahit man lang sa pag-iisip ko.
Kung ganun, matagal na pala niyang alam na crush ko sina Matthew at Luke.
�Joke.�
Napatigil naman ako sa sinabi niya, �J-joke?�
�Joke lang. Hindi ko nababasa ang mga pag-iisip ng mga tao. Sa kauri ko lang and
except for Spencers.� Sabi naman nito.
Hoo. Muntik na ako dun ah. >___<
�Bakit except sa Spencers?� curious na tanong ko.
�Well, Spencers are for witchcrafts while the Maivens are for manipulating their
species� lives.�
�Ahh�� wala na talaga akong ibang maisip na itanong.
�Steph--, este M-aster..� nagkamali na naman ako. =_=
�Yes, dog?� lumingon naman siya sa kin and now, his face become emotionless.
�Nainlove ka na ba?�
__________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 7
CIERA SANCHEZ
�Nainlove ka na ba?� tanong ko sa Master ko. Eh, baka may gusto siya kay Elle para
naman matulungan ko siya. *\(^o^)/*
Baka pareho sila ng feelings, diba? Then hindi na ako mahihirapan sa pagtulong sa
kanila. XD
Napahinto naman siya sa paglalakad.
�Dog, just shut up.� He said with a cold voice.
Napatigil din ako sa sinabi niya. Kumbaga parang nakakatakot pakingggan yung sagot
nito.
Nakarating na nga kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse nito.
�Sumakay ka na.� malamig na sabi niya sa kin.
�Ah.. Oo. Sorry.� Sabi ko na lang. May nasabi ba akong masama? ToT
*
Hanggang sa dumating na kami sa bahay ay hindi pa rin kami nagpapansinan ng Master
ko. Ewan ko. Naguguluhan ako sa kanya. Daig pa ang babae sa pagkakaroon ng mood
swings. =____= Nagtanong lang naman ako kung nainlove na ba siya? Ano bang masama
dun.
�Haisst.. Ang weird niya.� Sabi ko na nakahiga sa kama. Nasa kwarto na ako ngayon,
saka wala namang mga assignments eh. Hindi naman nagbibigay ang mga teachers sa
min. =_____=
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
�Anak, okay ka lang ba??� napatingin ako nang may nagsalita. Si Mama. Nandito kasi
ako ngayon sa kwarto ko, as usual, nakatingin na naman sa kawalan. Nagsisisi.
Ngumiti lang ako pabalik sa kanya, �Okay lang ako Ma.�
�Hmm.. Hindi mo pa ba rin siya makalimutan??�
Tumango lang ako. Oo, hindi ko pa rin siya makalimutan at araw-araw akong nagsisisi
dahil sa nangyari.
Umupo naman si Mama sa kama, �I�m so sorry, my son. I didn�t do anything to protect
her.�
�Wala naman kayong kasalanan Ma, kasalanan ko. Dahil sa kin kaya siya namatay.�
�Pero.. Ang sumpa, wala pa ba?� bigla niyang itinanong yun sa kin.
Napatingin naman ako sa jar na may white rose na bigay sa kin ni Gaile.
Hindi pa naman nalalagas ang mga petals nito.
�Wala pa. Pero.. siguro, malapit na.� kalmado kong sagot.
�Patawarin mo ko anak, wala man lang akong nagawa para mawala ang sumpa mo.�
�Tanggap ko naman Ma, dapat lang yun sa kin.�
�Handa na akong mamatay..�
***
MATTHEW SPENCER
Nasa terrace ako ngayon ng bahay. Nagpapahangin.
Nag-iisip ng tamang tiyempo para matuloy ang lahat ng mga pinaplano ko. Ang higitan
pa ang mga Maiven.
�May problema ka ba, Matthew?? Napapansin ko kasing tahimik ka these past few
days.� biglang sumulpot si Nicole at hinawakan ang balikat ko.
�Kilalang-kilala mo talaga ako Nicole. Ikaw lang ang nakakaintindi sa kin.�
Lumingon naman ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya ng dalawang palad ko.
�That�s why, I love you.� Sabi ko at niyakap siya. Siya lang ang tanging babaeng
iniingatan ko ngayon, ang babaeng laging nandiyan sa tabi ko at hindi ako
iniiwanan.
�Mahal din kita Matthew at nandito lang ako palagi sa tabi mo. Kahit ano pa ang
pinaplano mo, I�ll be still on your side.�
I just hugged her tightly. �Kaya nga Nicole, I promise, malalagot sa kin ang
sinumang mananakit sayo.�
�I�ll kill anyone just for you.�
***
CIERA SANCHEZ
=____________=
Bakit ba ang aga-aga niyang pumupunta sa academy? Excited ba �tong hinayupak na
Master ko? Nananaginip pa nga ako kay Matthew, bigla-bigla na lang akong ginising.
Buhusan pa naman ako ng tubig?
Napakawalangya talaga. Tas ang tanging katagang sinabi niya?
�DOG.�
=________________=
�Dog.�
�O?� sabat ko. Nakasunod lang ako sa kanya papunta sa second floor. Nakakatamad
talaga.
�Mauna ka na sa room, may aasikasuhin lang ako sa council room.�
�Oo.� Tipid na sagot ko at saka tumalikod. Matamlay akong naglakad papunta sa room
namin.
�Nga pala.�
�HA?� lumingon naman ako sa kanya. =____=
�Mag-iingat ka lagi.� Yun lang ang sinabi niya at nagsimula nang maglakad.
Ano yun? Concern? MILAGRO.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng room namin nang may narinig akong kalabog.
*BOGSH!DANG!BOOM!BANG!BONGG!*
Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang may lumilipad na kung anu-ano sa
room.
O____O
Nagbabatuhan ng mga gamit sina Luke at Yna?
�Walangya ka! Mamatay ka!� sigaw ni Yna kay Luke habang pilit nitong iniilagan ang
mga pinambabato niya.
�S-sorry! Hindi ko naman alam eh!� sabi naman ni Luke sa kanya.
�Anong hindi mo alam? Manloloko ka!!� pinagbabato pa rin ni Yna si Luke ng kung
anu-ano.
Kukunin na sana ni Yna yung desk ko kaya napasigaw din ako.
�HOY! WAG YUNG DESK KO! MAHALAGA YAN! HOYYYY!� >___<
Grabe naman sila, ihahagis talaga lahat?
Napatigil naman si Yna nang bigla akong napasigaw.
�Please! Huminahon muna kayo, okay?� sabi ko naman. =_____= Kaya nga mas preferred
kong maging single eh.
Bigla namang lumapit si Luke sa kin at nagtago sa likod ko.
�Ms. Transferee, tulungan mo naman ako. Mamamatay ako sa kanya eh.� =_= sabi naman
sa kin ng mokong na �to. Mas lalo niya atang ginagalit si Yna. T_T
�A-anong sabi mo?! Gusto mo nito?!� kinuha ni Yna yung upuan sa gilid niya at
aakmang ihahagis sa min.
�HOY! Yna! Matatamaan ako niyan!� sumabat ako. >___< Mabubukol ako nun eh. Hindi pa
naman nila ako kauri. T____T
�Nagsorry na nga ako eh!� bigla na namang nagsalita ang mokong na ito.
�Tumahimik ka nga Luke! I-umpog ko ulo mo sa pader eh!� pinagalitan ko siya kaya
naman natahimik siya.
�Yna.. We can settle this out. Matutulungan ko kayo.� Sabi ko naman.
�Hmmph! I hate you, Luke!� umiyak na siya at tumakbo papalabas ng room.
�Grabe naman siya. Nag-explain na nga ako eh.� Sabi naman ni Luke.
�Sabing tahimik eh!� sinigawan ko siya at binigyan siya ng patay-ka-sa-kin-mamaya-
look.
�Diyan ka lang. Wag kang aalis.� Sabi ko at lumabas na rin sa room. Kailangan kong
sundan si Yna, baka ano na mangyari dun.
*
Kung saan-saan ko hinanap si Yna hanggang sa mapunta na nga ako sa rooftop ng
building at nakita siyang nakaupong umiiyak. Salamat, sa wakas. Nakita ko na rin
siya. Pinahihirapan ako ng babaeng ito eh.
�Yuhoo! Yna??� lumapit ako sa kanya.
�Leave me alone.� She said while sobbing.
Tumabi naman ako sa kanya. �Don�t worry, hindi naman ako nangangagat eh. Ano bang
nangyari?� mahinahon kung sabi ko sa kanya.
�Si Luke kasi..�
�Anong kay Luke??� O__o
�Nambabae na naman siya.� Niyakap niya ang dalawa niyang tuhod.
Nambabae? Kaya naman pala eh. Napakawalangya naman ng lalakeng yun. Sana pala,
hindi ko na lang pinigilan si Yna sa pamamato nito sa kanya. Worth it naman pala.
=__=
�Sana pala hindi na lang kita pinigilan.� =__=
�Ang sakit kasi.. tapos yung kabit niya, ang pangit. Isang pangit ba naman ang
ipapalit sa kin.� T^T
Panget? Wala namang panget na bampira ah. O__o
Pero ang ganda talaga ni Yna. *O* Nakakatibo siya. Bakit pa nambababae si Luke? Eh
ang ganda-ganda ng girlfriend niya. Ano yun? Kabobohan?
�Hindi ko na talaga kaya, lagi na lang niya akong sinasaktan. Ewan ko ba kung niya
yun ginagawa sa kin.�
�Yna, may idea ako para mawala ang sakit na nararamdaman mo.� Tumayo naman ako.
�HUH?�
Inabot ko sa kanya ang kamay ko para tumayo siya.
�Sigaw tayo. Badtrip din kasi ako ngayon eh.� Nakangiting tugon ko naman sa kanya.
�Isigaw mo lahat ng hinanakit mo, magmura ka or kung anong gusto mo.� Puno ko.
�S-sige.�
�1� 2.. 3.. GO!�
�GORILLA ANG MASTER KO!!� sigaw ko naman.
�MAMATAY KA LUKE! MAGSAMA KAYO SA PANGIT MONG KABET!!!� sigaw naman ni Yna.
�Hahaha. Nakakatuwa naman yun. Sige, ulitin pa natin.� Sabi niya sa kin.
Sumigaw na naman kami ulit.
�WALANGYA ANG MASTER KO!!�
�ANG SAMA MO LUKE!!�
�Hahaha!� sabay naman kaming napatawa matapos naming gawin yun.
�Salamat talaga, effective yung suggestion mo.� Nakangiting sabi sa kin ni Yna.
�Hehe, yun kasi ginagawa ko sa min kapag nababadtrip ako.� Sagot ko naman. Akala ko
nung una, maldita �tong si Yna, hindi pala. Medyo baliw din. XD
�By the way, Ms. Transferee, ano pala pangalan mo? Sorry, hindi ko na kasi
matandaan, si Luke kasi eh.� Hinawakan naman niya ang kamay ko.
�Ano ka ba, okay lang yun. Ako si Ciera, Ciera Sanchez.� ^____^
�Nice name! Ako nga pala si Yna Schultz! You know Ciera, we gonna be best friends!�
masaya niyang tugon sa kin.
�Pwede ba??�
�Uhmm! Sure.� Sagot ko naman.
�Thanks a lot! Lika, Ciera, samahan mo kong laitin ang pangit na kabet niya!�
�Lalaitin?� O.o
�Oo.� ^_^
�Grabe ka naman!� reklamo ko. Ayokong manlait noh. Ang kapal naman ng mukha ko kung
gagawin ko yun. Hindi naman ako Dyosa ng Kagandahan.
�Ayaw mo?� nagpout naman siya.
�Ehh��
�Okay lang! Si Luke na lang yung lalaitin natin. Hohoho!� ^o^
�Haha. Baliw ka talaga!�
�Hihihi. Hindi naman, minsan lang. Pero haisstt.. Wag na nga natin silang pag-
usapan, Ciera. Lalo akong nabibitter eh.� ToT
***
ELLE RAVEN ASHTON
Mag-isa akong pumunta ngayon sa library ng academy. Gusto ko kasing linawin munna
ang pag-iisip ko. Masyado na akong nasasaktan. Saka alam ko naman na hindi ako
tutulungan ni Ciera. I can see doubtfulness in her eyes.
Kinuha ko yung isang history book nang may biglang nagsalita.
�Ginagamit mo lang siya, diba?� nagulat ako kaya naman napalingon ako kung sino man
yung nagsalita. Tumambad sa paningin ko si Matthew.
�Matthew??�
�Elle, ginagamit mo lang si Ciera for your own personal intentions.� Puno nito.
How did he�
�H-hindi ko siya ginagamit!� tanggi ko. Totoo naman talaga ang pagiging mabait ko
kay Ciera.
�Well, maybe.� Umupo siya. �But your real reason is to use her. Para mapalapit ka
kay Luris.�
Kinuyom ko lang yung kamay ko, �You�re insensitive!� tuluyan na ngang bumuhos ang
mga luha ko at lumabas na ako sa library.
Bakit ba palagi na lang hindi pwede??
�Aray!� hindi ko namalayan na may nabangga pala ako kaya naman napaupo agad ako sa
sahig.
�Elle?� napatingin ako. Si Ace.
�Leave me alone.� Sumbat ko at tumayo. Nagpatuloy kaagad ako sa paglalakad.
Ayokong may nakakakita sa king umiiyak.
***
CIERA SANCHEZ
�Patay ako nito sa Master ko.�=___= Walang kabuhay-buhay kong sabi habang
naglalakad kasama sa isang mall si Yna. Tumakas kami sa klase. Napansin kasi niyang
umaambon sa labas kaya pinagsamantala na niya ang tiyansa. Malay ko bang mag-CCR
lang kami eh kasi sabi niya, magpapasama lang siya. Yun pala, lalabas at tatakas.
�Ciera! Tignan mo! Ang ganda ng damit o!� sabi sa kin ni Yna nang mapadaan kami sa
isang boutique.
Hindi ko na siya pinakinggan kasi problemado pa rin ako sa ilulusot ko nito sa
bakulaw kong Master. If I know, sesermonan na naman ako nun sa bahay tapos walang
humpay na aasarin o iinsultuhin.
Napalayo-layo na si Yna sa kinatatayuan ko ngayon. Bahala na. Problemado pa rin
ako. TT__TT
Nagulat na lang ako nang may biglang humigit sa kamay ko at bigla akong inakbayan.
May dumating naman na mga grupo ng kababaihan sa harap ko.
�I�m sorry but I have girlfriend now.� Sabi nitong lalakeng umakbay sa kin.
A-anong girlfriend?!
�Awwtss. Sayang naman.�
�Wala na tayong pag-asa.�
Nagsialisan na nga yung mga babae matapos niyang sabihin yun.
Kaagad ko namang sinipa at tinadyakan itong lalakeng ito kaya naman napahiga siya
at namimilipit sa sakit.
Pinagtitinginan na kami ngayon ng mga tao.
�HOY! ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA SABIHING GIRLFRIEND MO KO! HINDI NAMAN KITA
KILALA!� kaagad ko siyang sinigawan.
Napatigil na lang ako nang mas nakita ko ng malinaw ang pagmumukha ng lalakeng ito.
Ang gwapo niya saka pamilyar yung mukha??
Wait.. O__O
�T-teka� I-ikaw.. Ikaw ba yung vocalist ng BlackStrings?!�
Tumayo naman siya at tumawa. �Haha! Grabe ka naman sumipa. Yes. Ako nga. I�m
Gerard.�
Napakamot naman siya sa ulo niya, �Uhh.. Sorry ha. Wala na kasi akong ibang
ikakalusot sa kanila eh. Sunod kasi sila ng sunod sa kin.�
Nasa harap ko ngayon ang pinaka-IDOL kong vocalist ng mga banda! O____O
�Uhh.. Miss??�
Tapos binugbog ko pa siya. O_O
Nakakahiya! >___<
�Naku, sorry talaga! Hindi ko naman tlaga alam na ikaw yun eh! Sorry!� pagmamakaawa
ko. Nakakahiya naman ito sa kanya.
Saka, ang gwapo naman niya sa personal. OvO Gumagana na naman ang pagiging baliw ko
sa mga gwapong nilalang.
He just smiled, �It�s okay.. Hmm.. pero in one condition, samahan mo kong kumain sa
isa sa mga restaurants dito.�
�S-sige ba!� pumayag kaagad ako. *______* Kasama kong kakain ang iniidolo kong
vocalist.
Si Gerard Blanco.
_______________________________________________
Vampire Academy
Chapter 8
CIERA SANCHEZ
"Ahh.. ehh.." (-___- '') nakakailang naman ito. Magkasama kami ni Gerard ngayon sa
isang restaurant dito sa mall. Tapos yung mga babeng customers, ang sasama ng
tingin sa kin. Parang kakain ng tao.
Inggit lang kasi sila. XD Kasama ko ngayon ang pinakagwapo at pinakasikat na
vocalist ng mga banda, ang vocalist ng BlackStrings. OvO
"Uhh.. Miss??" biglang nagsalita si Gerard.
"Ah.. Oo!" tae. Nawala naman ako dahil sa imagination ko. >_<
"Hehe, hindi ko pa kasi alam pangalan mo, may I know?" nakangiting tugon naman niya
sa kin.
Ommo! That killer smile.
"C-Ciera." nauutal pa ako. Binibigyan pa rin ako ng mga masasamang tingin ng mga
taong nasa paligid namin.
Heh! Inggit kayo, kasama ko kasi si Gerard. XD
"Nice name." sabi naman niya at dumating na rin yung waiter at sinerve na ang
pagkain namin.
"Sige, kain na tayo. Libre ko na 'to." nakangiting tugon niya sa kin.
"Ahh.. Sige.. Hehe. Salamat." kinuha ko na yung kutsara't tinidor na katabi lang
nung desert na inorder niya.
"Hmm.. By the way.."
"HA?"
"Parang ngayon ko lang nakita ang uniform mo sa lugar na 'to ah.. Anong school
ka??"
Nalunok ko naman agad yung desert na ningunguya ko lang.
"S-school ko??" kinakabahan na naman ako. Dapat ko bang sabihin yung school ko? Eh
hindi ko nga alam kung nag-eexist ba yun. Kasi siyempre, school for vampires yun at
wala akong narinig na iba pang school for vampires bukod sa school namin.
"Ehh.." Hindi ko talaga alam ang isasagot ko. =_=
"Well, okay lang naman na hindi mo sasabihin sa kin." ^__^ "Saka, alam mo, maganda
ka."
"Hahaha! Galing mong magjoke!" pinilit ko pang tumawa kahit puno pa ang bibig ko.
Ba't ba mahilig ang mga lalake na mambola? Pero, oo nga pala, hindi lahat. TAKE
NOTE. Ang hinayupak kong master, kahit isa, walang nasabing magagandang salita sa
kapwa. =_=
"Haha, you're funny too. Hindi talaga ako nagsisisi na ikaw yung ipinakilalang
girlfriend ko." tumawa rin siya.
0///0 Napatawa ko siya. At hindi siya nagsisisi na ako yung ipinakilalang
girlfriend niya. >///<
"Saka, wala ka bang pasok ngayon?" nagtanong na naman siya.
"Ah.. Ang totoo niyan kasi. tumakas lang kami.. ng kaklase ko." sagot ko naman.
Oo nga pala, si Yna. Nakalimutan ko.
Patay. Hindi ko alam kung saang lupalok na yun nagpunta. Wala pa naman akong dalang
cellphone.
Saka never naman akong nagkacellphone.
"Haha! Hala, panu yan? Baka pagalitan kayo."
"Hindi naman siguro. Mabait naman yung may-ari eh." XD Oo, mabait kaya si Matthew.
"Hahaha! Grabe. Alam mo, astig ka."
"Hehe. Di naman." naiilang tuloy ako.
"Saka.. Gerard, okay lang ba na kasama mo ko ngayon?" tanong ko. Nakakahiya kasi,
isang celebrity or we should say, "SIKAT" ang nakikipag-usap sa isang "NORMAL" na
taong tulad ko.
He just smiled. "Okay lang. Saka, ako nga dapat magsorry sayo eh kasi, nadawit ka
pa sa mga kalokohan ko."
"Hehe, di naman! Ang swerte ko nga eh kasi nakita ko rin ng personal, sa wakas ang
iniidolo kong singer." XD masayang tugon ko naman sa kanya. Ba't ba lagi na lang
akong kinikilig sa mga sinasabi niya? *__*
"And that pendant you're wearing, really suits you." puno naman nito kaya agad
naman akong napatingin sa pendant ko at hinawakan ito.
Ba't ba lagi na lang iniissue ang pendant ko? T^T Marami talagang mga inggitero't
inggitera.
"Hehe, salamat." sabi ko na lang.
"So, can we be friends?"
Friends? Sure! Grab the chance na. XD
"Oo naman!" sabi ko naman sa kanya.
"Kung ganun, tutal, weekend naman bukas, free ka naman siguro, diba?"
Tumango lang ako. *___*
"Well, can we go out??"
...
loading...
..
"G-go out?!?" napataas bigla yung boses ko.
"Haha. Pwede ba? Para naman makilala kita ng lubusan. Sayang naman kung hidi.
Ngayon lang kasi ako nakameet ng taong gaya mo. Yung hindi ako kinakausap o
pinakikisamahan bilang sikat? You're different that's why I want to know you more."
>///<
Ang bait naman niya, nasa kanya na talaga lahat. Kaya sino ba namang babaeng aayaw
sa alok ng lalakeng ito?
"Hehe..Oo--"
"Ciera!!" napatigil naman kaming dalawa nang may biglang sumigaw.
Si Yna! Oo nga pala. Bakit nalimutan ko na naman ang babeng yun??"
Lumapit naman siya sa table namin at hinigit kaagad ang kamay ko, "Tayo na! Kanina
pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala. Babalikan ko pa si Luke dun, baka kasama
na naman niya ang pangit niyang kabet."
"T-teka!" nagsalita naman agad ako kaya napatigil siya.
"HA?"
Tumingin naman ako kay Gerard. "Eh.. "
"Okay lang kung hindi. Nice meeting you nga pala." nakangiting tugon niya sa kin.
"Kung ganun pala eh tayo na!" hinila naman kaagad ako ni Yna.
"Teka! Ah.. Gerard.. Hehe, pwede ako bukas." sabi ko. Sayang naman ang opportunity
eh.
Ngumiti naman siya, "Good. Bukas. Kita tayo rito sa mall, 2pm."
"Sure!" sabi ko naman. "Geh, sorry ha. Kailangan na naming umalis eh. Babye!
Salamat nga pala." puno ko at tuluyan na nga kaming umalis ni Yna sa restaurant.
*
"Ciera, sino yung kasama mo?" biglang napatanong sa kin si Yna habang naglalakad
kami papuntang exit.
"Ah.. Yung vocalist ng BlackStrings? S-sikat sila na banda rito sa lugar ng mga
tao." sagot ko naman at kinakabahan sa ilulusot ko. Naku naman, pati ba sa pagiging
obsessed ko sa mga celebrity na kalahi ko lang ay bawal? TT__TT
"May nararamdaman ako, parang may mali.."
"HA??" naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
"I don't like him but Ciera, I warn you. Mag-ingat ka sa kanya."
Mas lalong hindi ko maintindihan yung reaksyon ni Yna. Bakit kaya?
Bakit kailangan kong mag-ingat? Eh ang bait-bait nga sa kin ni Gerard ah.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Saang lupalok na naman kaya galing ang babaeng yun? =___=
Mahigit isang oras na akong naghihintay dito sa gate namin. Kinukulit na naman nila
ako ni Liza at Herbert. Na baka ano na nangyari sa anak nila? =__=
Saka hindi man lang ba iniisip ng babaeng yun ang buhay niya? Hindi ba siya
nangangamba na baka bigla siyang papatayin?
Lumalandi na naman ba ang babaeng yun? =__=
"Kailangan niyong kunin ang pendant at tapusin ang babae. Hindi niyo siya kauri at
ang pendant na hawak niya ay pagmamay-ari ng mga Spencer."
Bigla kong naalala ang sinasabi nung lalakeng nakaitim sa dalawang lalakeng muntik
ng patayin si Ciera nang basahin ko ang isa sa mga isip nila.
Paano niya nalaman na hindi bampira si Ciera? Saka nung unang araw ng klase nito sa
academy, ang lalakeng nakakaalam lang nito ay yung lalakeng nagnakaw sa storage
room ng school pero tinanggalan ko na siya ng alaala tungkol sa pangyayaring iyon.
Kaya imposible.
Napansin ko namang dumating na rin ang babaeng ito. Tsk. Gabi na.
"HOY."
"Ay gorilla! Nanjan ka pala. Hehe." palusot niya nang sinubukan niyang pumasok na
hindi ko napapansin.
"Saan ka na naman nagpunta, babae ka?" sabi ko.
"Ha.. eh.. Si.. Y-Yna kasi! N-nagpasama siya sa kin na mag-ccr lang siya tapos yun
pala, t-takas--"
Hindi ko na siya pinatapos pa at nagsalita rin ako. "Don't give that stupid
reasons. Alam kong lumalandi ka na naman. Diba sabi ko, ako lang dapat sundin mo?"
"Grabe ka naman! Porket nagabihan, lumalandi agad? Di pwedeng nagreready na ako at
ipinagmisa lang ang kaluluwa ko kasi excited na akong mamatay dito sa lugar niyo?"
katwiran na naman niya.
Nakakairita na talaga ang babaeng ito.
"Ang talas ng dila. Alam mo, pabigat ka. Nakakabanas ka na!" sinigawan ko siya at
hinawakan ng mahigpit ang braso niya. Nakakaasar na. Porket siya lang ang tao sa
academy, dito, mag-aasta lang siya na walang nangyayari? Na ako na lang palagi ang
magtatanggol sa kanya kapag nanganganib ang buhay niya kasi tao siya? FVCK that!
Iwinaksi naman nito ang braso niya mula sa pagkakahawak ko, "Oo, wag kang mag-
alala, bukas, hindi ako magiging pabigat sayo." sabi niya at nagsimula ng maglakad
papasok sa loob.
"Saka, pwede ba? Kahit isang beses lang, maging mabait ka naman sa kin?" tumigil
siya at lumingon sa kin. "Ambitter mo! Tss!"
Pumasok na nga siya sa loob ng bahay.
****
CIERA SANCHEZ
Nakapasok na nga ako sa loob ng bahay nila.
Oo, aaminin ko. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya.
"... Alam mo, pabigat ka. Nakakabanas ka na!"
Bakit ba ganun siya? Ano bang kasalanan ko?
***
MATTHEW SPENCER
"O, cousin, napatawag ka." sabi ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nandito
ako ngayon sa kwarto ko, nagpiapiano.
"You were right about her." sabi nito.
"Well, diba? Kaya, sali ka na sa plano??"
"Of course, Spencer din ako. What will be your next move? Bukas, magkikita kami."
"Hmm.. I'll just tell you, Gerard." then I devilishly smiled.
_____________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 9
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Saka, pwede ba? Kahit isang beses lang, maging mabait ka naman sa kin?"
Nakatayo lang ako rito sa labas matapos sabihin iyon sa kin ni Ciera. Napatigil
ako. Oo, simula nung mawala si Gaile, simula nung namatay siya, naging ganito na
ako.
Naging malamig.
"Anak.."
Napalingon naman kaagad ako nang may nagsalita. Si Mama. Kasama ko siya ngayon.
"Stephen, alam ko ang iniisip mo." sabi nito sa kin.
Kaya naman, napabuntong hininga na lang ako, "Hindi ko maintindihan ang sarili ko,
hindi ko alam kung bakit masakit pa rin kahit matagal ng nangyari yun." sabi ko
naman sa kanya.
"Stephen, kung bubuksan mo lang ang kalooban mo, hindi siya magiging masakit.
Kailangan mo lang tanggapin na may mga bagay na hindi talaga pwede. Wag kang
mabuhay sa nakaraan, anak. Binigyan ka ng tyansang mabuhay. Kaya wag mong
sayangin." Hinawakan ni Mama ang mukha ko gamit ang kanyang dalawang palad.
"Anak kita, alam ko kung ano ang nararamdaman mo pero.. hindi pwedeng habang buhay
maging ganun ka sa iba." Ngumiti siya.
"Diba, tao rin si Gaile? Kaya pakisamahan mo ng maayos si Ciera. Gaya ng ginawa mo
kay Gaile. Gawin mo kung anong gusto niyang makita sayo. Maging mabait ka sa
kanya."
Binitawan naman ni Mama ang pagkakahawak niya sa mukha ko, "May nararamdaman akong
kakaiba sa batang yun, kay Ciera. Nararamdaman kong... makakabuti siya para sayo.
Para ibalik ang mga ngiti sa labi mo." sabi nito.
"Pero bago yun.. Dapat kalimutan mo na si Gaile."
*
"Ma! Tulungan niyo nga lang ako sa susuotin kong damit. Dapat desente yung
pananamit ko kapag magkikita na kami ni Gerard." napatigil ako sa may sala ng bahay
at narinig sina Eliza at Ciera na nag-uusap. Weekend kasi ngayon kaya walang pasok.
"Sino ba kasi ang Gerard na yan? Bakit excited na excited ka?" tanong naman ni
Eliza kay Ciera.
"Akala ko ba kilala niyo na siya? Yung vocalist po ng BlackStrings. Yung pinaka-
idol kong banda? Diba sinabihan ko na kayo nuon na adik na adik ako sa kanila? Bago
pa man ako tumira rito." sagot naman nito.
"Wag mo nga akong lokohin. Yun? Panu naman siya nakapunta mag-isa sa mall?"
halatang hindi makapaniwala si Eliza sa sinabi nito.
"Oo nga! Asus. Tulungan mo na lang kaya rito."
Bigla naman napatingin sa kin si Eliza, "O, ikaw pala hijo, may kailangan ka?"
tanong nito sa kin.
Lumingon din sa kin si Ciera at nagkasalubong ang mga mata namin pero kaagad siyang
umiwas.
"W-wala. Napadaan lang ako. Sige." sabi ko na lang at nagsimulang maglakad.
"Sige, hijo. Sabihin mo lang kung may kailangan ka." narinig kong sabi ng nanay ni
Ciera sa kin.
Huminto naman kaagad ako at nagsalita, "Ako na lang ho ang maghahatid kay Ciera sa
mall, tutal, malapit namang umulan."
Napatingin din naman sa kin si Ciera na halatang nagulat.
"Malapit naman kayong matapos, diba? Ihahanda ko na lang yung kotse." sabi ko at
nagpatuloy sa paglalakad.
Susubukan kong gawin ang mga sinabi sa kin Mama.
*
Tahimik lang kaming dalawa sa kotse. Ako yung nagmamaneho habang katabi ko ngayon
si Ciera sa front seat. Parang iniiwasan niya yata ako. =__=
"Uhh.." =__= hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko.
"S-sino si Gerard?" sabi ko na lang. Bakit ba nauutal ako?
"V-vocalist siya ng isang b-banda." sagot naman niya sa kin na hindi man lang
tumitingin.
"Ganun ba?" wala talaga akong ibang maisip.
Yun lang ang naging usapan namin hanggang sa dumating na kami sa sinasabi niyang
mall kung saan sila magkikita.
"S-salamat." sabi niya sa kin at binuksan na yung pinto ng kotse.
"Susubukan ko. Susubukan kong maging mabait." hindi ko alam kung bakit yun ang
lumabas sa bibig ko at napansin ko namang napahinto siya.
"I will try. Take care." sabi ko na lang at pinaandar yung kotse. Oo, susubukan ko
pero hindi ako mangangako..
.. kasi mahirap siya. Mahirap siyang kalimutan.
***
CIERA SANCHEZ
Umalis na nga si Stephen matapos niyang sabihin yuun sa kin. Nagulat ako. Hindi ko
kasi inaasahan na ganun ang sasabihin niya. Nagkamali ako. May good side din pala
siya.
Napangiti na lang ako, "Magagawa mo Stephen dahil naniniwala ako sayo."
Pumasok na agad ako sa mall
***
ACE MARCUS FRITZGERALD
Nasa library ako ngayon ng academy. Wala kasi akong magawa sa amin kaya mas mabuti
pang dito ko na lang ibuhos lahat ng oras ko sa pagbabasa. Saka, open naman lagi
ang academy, sinabihan naman kami, ng student council ni Matthew, welcome daw kami
kahit anong oras.
May narinig naman akong umiiyak dito sa library. Sino naman kaya ang makakaisip na
pumunta rito at umiyak lang? Pero sabagay, weekends naman kasi kaya meron siguro.
Sinirado ko naman kaagad yung binabasa kong libro at tumayo sa pagkakaupo ko.
Naisipan kong hanapin kung sinuman yung umiiyak. Hindi pa rin kasi siya humihinto.
Curiousity kills the cat eh.
Hanggang sa napunta ako sa isang sulok ng library at nakita kong nakaupo sa sahig
si Elle habang kayakap yung mga tuhod niya. Umiiyak siya.
"Elle.." kaagad akong lumapit sa kanya.
"Leave me alone!" she shouted and was still sobbing.
"No, I won't and never will. Hmm, si Stephen na naman ba?" sabi ko at sinubukang i-
angat ang ulo niya pero tinabig niya lang ang kamay ko.
"Ano ba?! Bakit hindi kayo marunong umintindi?" napatayo na rin siya.
"Bakit ba ganyan ka? Ba't ang insensitive niyo? Bakit puro sarili niyo lamang ang
iniisip niyo? Nasasaktan din ako!" puno niya habang umiiyak pa rin.
"Elle.." hahawakan ko sana ang kamay niya pero muli niya itong tinabig.
"Bakit ba Ace? Bakit ba ganyan kayo? Bakit hindi niyo ako maintindihan?" umiiyak pa
rin siya.
Natahimik lang ako sa mga sinasabi niya.
"Diba, ang gusto mo, magkagusto rin ako sayo? Bakit Ace?? Diba sabi mo, kaibigan
kita? Pero bakit hindi mo ko maintindihan?"
"I don't need you. Mabuting pang umalis ka na lang. Umalis ka na sa buhay ko.
Tutal, hindi ka naman nakakatulong." kahit may luhang ang tumutulo sa mga mata
niya, she just smirked.
Oo, nasasaktan din ako. Pero mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita na naman
siyang umiiyak. Kahit hindi niya ako matanggap, ayokong nasasaktan at nahihirapan
siya.
"Sinusubukan ko.. I tried everything. Sinubukan kong kalimutan ka, tiisin at iwasan
pero hindi ko nagawa. Kahit anong pilit ko, hindi ko kaya. Ayokong nasasaktan ka
kasi mahal kita. Pero, sige, kung yan ang gusto mo. Gagawin ko na. Pipilitin ko ang
sarili ko.." sabi ko naman.
"Pero.. kapag kailangan mo ng kaibigan, nandito lang ako." ningitian ko siya at
tumalikod na rin ako. Masakit para sa kin yun pero kailangan, para sa kanya.
Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa likod ko. "Ace.. Ang sakit." si
Elle, niyakap niya ako.
Lumingon naman ako sa kanya at niyakap din siya. "Ssshh.. Kahit hindi mo ko mahal,
nandito pa rin ako.. bilang kaibigan."
***
CIERA SANCHEZ.
>///>
Ang awkward naman nito. Magkasama na kami ngayon ni Gerard sa mall pero panay naman
ang tingin sa min nga mga tao. Parang hindi kasi sila makapaniwala na kasama kong
kadate ngayon si Gerard. Heh. >:P Mamatay sila sa inggit.
"Saan mo pala gusto, Ciera?" nakangiti niyang tugon sa kin.
>///< Yung killer smile niya, kinikilig na naman ako.
"Ah.. eh.. kahit saan na lang." sagot ko naman.
"Kahit saan? Haha! Wag ka ngang mahiya sa kin. Geh, ako na lang bahala kung saan
tayo. Dun tayo sa arcade games pero bago muna yan, kakain mo na tayo. Kanina pa ako
gutom eh." XD sabi naman nito sa kin na natatawa pa.
Haisstt. Nakakainlove ka talaga, Gerard. *____*
*
Gaya nga nung sinabi ni Gerard, kumain muna kami pagkatapos kung saan-saang lupalok
na sa mall kami gumagala. Masaya siyang kasama. Hindi ko nga alam na joker pala ito
eh.
Hanggang dumating na nga kami sa shop ng mga arcade games. Bumili siya ng maraming
tokens para masaya raw.
"Laruin natin 'to." sabi niya sa kin habang tinuturo yung machine na kung saan
babarilin mo yung mga zombies na papalapit sayo.
"Sige ba! Magiging masaya 'to." masayang tugon ko naman sa kanya at kinuha yung
baril na laruan.
"Haha! Sige! Ang unang matatalo ay may pitik sa noo." XD sabi niya.
"Baliw. Pero sige ba."
Nagsimula na nga kaming maglaro. Natatawa ako sa pinaggagagawa namin. Para kaming
mga bata.
"Talo ka!" sabi sa kin ni Gerard sabay pitik sa noo ko. T^T
"Aray. Ang lakas nun ah!" >___<
"HAHA--"
"Uy! Diba si Gerard yun?"
"Oo nga!"
"Uy, si Gerard ng BlackStrings!"
"Waahhhh!"
Napatigil at nagulat na lang kaming dalawa ni Gerard nang may lumapit sa kanya na
mga babae at dinumog siya.
Waa! Wag yung date ko! T^T
Sumikip kaagad yung shop dahil sa mga fans niya. Haisstt. Sayang naman ang date
namin. Mauuwi lang sa ganito.
Aalis na sana ako nang nagsalita si Gerard, " C-Ciera! Tulungan mo ko!" nahihirapan
siya.
HA?
"C-Ciera!" sinambit niya ulit ang pangalan ko.
*_* Dapat ko siyang tulungan, bonus points na rin yun para kahit 5% lang may pag-
asang liligawan niya ako dahil sa gagawin ko. Ganyan ko siya kamahal. XD
Pinuntahan ko si Gerard kahit ang sikip-sikip ng daan, nahawakan ko yung kamay
niya. "Gerard, takbo tayo." panimula ko. "One, two, three... GO!" sigaw ko at
kumaripas ng takbo habang hinihila siya papalabas ng arcade games' shop.
Hanggang sa mapalayu-layo na kami at hindi na nila kami nasundan ng mga fans niya.
Humihingal ako, "Hoo! Buti natakasan din natin sila." sabi ko.
"Salamat talaga Ciera." ngumiti siya.
"Wala yun! Haha. Siyempre ikaw pa." tumawa pa ako.
"Ciera." nabigla ako nang biglang hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"HUH?" ngumiti lang siya at nakaramdaman ako ng di ko mapaliwanag. Parang.. may
hindi tama. Kakaiba ang ngiti niya, there's something beyond from it.
Unting-unti naman niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko
na rin ang mainit niyang hininga.
Hahalikan ba niya ako?
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at naghintay lumapat ang labi niya sa kin.
"DOG."
Pareho kaming napahinto ni Gerard nang may biglang salita. Napatingin kami. Si
Stephen.
Siya lang naman ang makakatawag nun sa kin.
=_____________________=
Bakit ba ang epal niya? Pati ba naman dito? Akala ko ba umuwi na siya?
Moment ko na yun eh! >O<
Lumapit naman ang hinayupak na taong ito sa kin. He was smiling devilishly towards
Gerard.
"Dre, kukunin ko muna ang alaga ko ah. Naglayas kasi. Geh, next time na lang yung
kiss niyo." sabi naman nito at hinila ako papaalis kay Gerard.
"H-hoy! Si Gerard! Teka!" sabi ko sa kanya pero hindi siya nakikinig sa kin.
Patuloy lang siya sa paglalakad habang hinihila ako.
"He's not what you think. He's different." sabi nito na mas lalo pa akong
naguluhan.
"Ewan ko sayo! Ba't ba kasi umepal ka?! Akala ko ba umuwi ka na?! Matutuloy na sana
yung dream kiss ko!" reklamo ko. Ang sayang talaga. >___< Nakakabwisit talaga itong
walangyang master ko eh. Sarap ipalapa sa leon. Napaka-austistic at bipolar.
"Gusto mong ako na lang humalik sayo?" he grinned. =__=
"Che. Mukha mo." sarkastiko kong reply.
Bigla naman niyang inilapit sa kin ang mukha niya, "H-hoy!" leche! Ano ba 'tong
ginagawa niya? >__<
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pumikit na lang ako nang malapit na malapit na
talaga ang mukha niya sa kin.
"ARAY!" sabi ko habang hinihimas yung noo ko. Tae. Binigyan ako ng pitik sa noo
nung mokong. =____=
"Haha, dog. Marami pa akong gagawin sayo bukod dun." he smirked.
Bumalik na naman ang sakit niya. =___=
____________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 10
CIERA SANCHEZ
"Dog."
"O, ano na naman ba? Aga-aga, nambwibwisit eh!" reklamo ko habang padabog na
sumusunod naglalakad sa master ko. Eh paano, ang aga-aga na naman niya akong
ginising. Masarap na masarap pa nga yung tulog ko eh. Tas akala ba niya n
kinalimutan ko na yung pag-epal niya sa kiss namin ni Gerard? Pssh. Dream ko kiss
ko na nga lang yun eh! Baka yun na nga ang huli naming pagkikita. Sayang! >___<
Minsan lang makipagdate ang isang celebrity sa taong kagaya ko.
Sumusunod lang ako sa hinayupak na ito papunta sa council room nila. Klase na naman
kasi.
"Wag kang mag-alala, ngayong araw, mabwibwisit ka talaga." asar niya. Kainis. =___=
Kung hindi lang 'to bampira baka kanina ko pa 'to pinatulan.
"Nga pala, ngayon magsisimula ang school festival."
"HA?" anong school festival? Eh wala nga akong makitang decorations sa ground. Mga
booths, o kung anu-ano pa.
"Wala nga akong nakikitang mga decorations eh, psh. Mukha mo." naiiritang sabi ko
naman.
"Don't get too excited. Sa umaga, magdedecorate tayo saka every year level and
section, may booth silang ihahandle. Sa hapon pa magsisimula ang program proper."
sabi nito.
"And then??" sabat ko. Gusto kong malaman kung anong booth ang ihahandle namin.
"Then... Horror booth ang ihahandle natin."
"Ano?! Horror booth? Bakit naman horror booth?" =__='' tanong ko. Hindi naman sa
ayaw ko sa horror, ayoko lang talaga magdamit ng nakakatakot.
Saka, ayokong atakihin ako sa puso.
"To be unique and to have fun. Bakit gusto mo ng kissing booth?" he smirked.
Nakakainis talaga ang lalakeng ito. Pina-aalala na naman niya ang epic fail na kiss
sana namin ni Gerard. Pero hindi bale na, nanjan pa naman si Matthew.
"Che!" nakarating na nga kami sa council room at binuksan ko na yung pinto.
Pagkabukas ko, gulat na gulat ako nang makita ang lahat ng council officers ay
nandito na rin pala. Kasama na rin sina Yna at Luke.
"Ciera!" (~~ *o* )~~ niyakap kaagad ako ni Yna. "Buti dumating ka na!" puno nito.
"Haha, akala ko kami pa ang unang dumating dito ni Stephen." natatawang sabi ko.
Napatingin naman ako kay Elle. Parang malungkot siya. Saka ilang araw na rin kaming
hindi nag-uusap.
Sina Ace, Vivien at Ethan naman, busing-busy sa pag-arrange ng mga folders. Nandito
rin si Matthew at Nicole. Inaayos yung mga damit, ito siguro yung mga costumes na
gagamitin namin.
"Teka, Yna.." sabi ko. Pinuntahan ko si Elle na ngayon, nakaupo lang sa mini office
niya.
"Uy. Elle." panimula ko at kinalabit siya.
"Ah, uy! Kaw pala?" pilit siyang ngumiti. Tungkol pa rin ba ito kay Stephen? >____<
Hindi ko kasi natulungan sina Ace sa sitwasyon nila. Andami kasi nangyari sa buhay
ko eh. Dagdag pa ng siraulo kong master. =________________=
"Okay ka lang ba?" pag-alalang tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya, "Uhm! Okay lang ako. Haha. Don't worry." she immediately
replied.
Bumuntong hininga naman ako matapos niyang sabihin yun, "Basta Elle, kung gusto mo
ng kausap, nandito lang ako." ngumiti ako. "Sige, tutulungan ko muna sila dun."
Iniwan ko na lang siya at pumunta kina Matthew na may tinitignan na mga damit.
"Uyy. Ang ganda naman nung mga damit. Yan ba yung mga costumes natin para sa booth
mamaya?" tanong ko. Ang costumes kasi puro fairies, yung prince charming saka mga
princessess' costumes. Pero akala ko ba horror booth? Diba sabi ng epal kong master
ay horror booth yung sa min? Baka enchanted kingdom.
Ngumiti naman si Nicole sa kin. "Yes. To be different." napaka-elegante talaga
niya. *___*
"Haha, Ciera, tignan mo 'to." kinuha ni Matthew yung black gown na may maskara.
Parang masquerade lang ang peg ah.
"Bagay 'to sayo. Saka siguro kung susuotin mo 'to, dadagsa ng maraming customers
ang booth natin." puno niya.
"Suotin mo para matignan namin." sumabat naman si Nicole.
Nakakailang naman 'to. Pasusuotin nila ako niyan? Pero okay na rin at least hindi
magiging horror yung motif namin sa booth.
"Ehem." napatigil kaming tatlo nang may biglang umubo. Kinakareer talaga ng
hinayupak na 'to na bwisitin ako. Ang epal talaga. =__=
"Dog." panimula na naman niya.
"O?" =____=
"Dog??" halatang naguguluhan si Matthew sa kanya.
"Well, that's my endearment to her. Haha, sorry kung naging makulit na naman itong
pet ko." may halong pang-aasar ang tono ng boses niya. Tae siya ah. Pinahiya pa
ako.
"Hahaha!" tumawa naman si Matthew. "Grabe ka naman Luris. Pero, unique." =__=
suportahan ba naman ang hinayupak na master ko.
"DOG."
"O?! Ano na naman ba?!" ngayon, galit na ako. >____< Nakakainis talaga siya.
"Iba ang susuotin mo, hindi ang black masquerade costume kundi itong costume na
pang whitelady." sabi sa kin ng mokong na 'to sabay abot sa kin ng paperbag. Sarap
talaga ipalapa sa leon ang lalakeng ito. =_=
"A-anong whitelady?! B-bakit ako lang magcocostume na nakakatakot?" reklamo ko.
"Syempre, ikaw lang ang nababagay na magsuot nun. Saka, mas maganda kaya kung
pangwhitelady na costume ang susuotin mo kesa yung pangmasquerade." sagot naman
nito.
"Kapag isinuot mo na yung costume, dapat panghorror din ang mukha mo."
Talagang inaasar talaga ako ng lalakeng ito.
"Okay, dog and Ethan. Lumabas kayo. Persuade the students na pumunta sa horror
booth natin." puno nito.
"Okay." nakapamulsang sagot naman ni Ethan at lumabas na.
"O, sige na dog. Samahan mo na siya. Kami na lang dito."
"Haisstt. Oo na po, MASTER." sagot ko naman at padabog na umalis sa room.
Kakabwisit talaga ang lalakeng yun. =__=
Paglabas ko, sakto namang hindi pa masyadong napalayo si Ethan kaya naabutan ko pa
siya.
"Hoo! Grabe siya." panimula ko nang maabutan ko siya.
Lumingon lang sa kin si Ethan at ngumiti, "Sino?"
"H-ha? E-eh.. Si Stephen. Hehe. Wag mong sabihin ha? XD Nakakainis talaga ang
lalakeng yun. Napakabossy pa." >____<
"Hmm.." yun lang ang response niya. Nakakailang naman, napakatahimik niya.
=__=
"Ah, Ethan.. Hindi ka ba nayayabangan kay Stephen o... wala ka bang galit sa
kanya?" tanong ko. Sana meron. Wag nilang sabihin na gusto nila ang ugali ni
Stephen? Ano sila? Bulag.. Well, siguro. Diba nakakakontrol ng pag-iisip ang mga
Maiven? Tss.
"Hindi naman." tipid na sagot niya. =__= Anubeyen, ang sobrang tahimik niya.
Bigla naman kaming napadaan sa dalawang babaeng estudyanteng nag-uusap.
"Dun tayo sa kanila." sabi sa kin ni Ethan at lumapit nga sa kanila.
"KYAAA! Papalapit sa tin si Ethan!"
"OMG! Si Ethan, nandito!"
Kaagad nagtitilian ang mga babaeng pinuntahan ni Ethan. Ganun ka ba talaga kasikat
kapag kasali ka sa student council nila? Pero well, gwapo rin naman si Ethan.
"Girls, could you visit our horror booth this afternoon?" sabi naman ni Ethan sa
kanila.
"Kyaa! Sure!"
"Game kami jan, basta ikaw Ethan!"
"Thanks, I'll be expecting that." reply naman sa kanila ni Ethat at binigyan pa ng
killer smile.
Bigla naman napatingin sa kin yung isa at tinignan kaagad ako ng masama, "Eww. Sino
yang kasama mo, Ethan? Namumulot ka na ba ng basura? Haha!" tumawa siya.
Aba, ang kapal ng mukha. Tawagin ba naman akong basura? Pshh. =__= Eh mas mukhang
basura pa nga ang mukha nila kesa sa akin. Sila nga lang siguro ang panget dito sa
campus. XD Uy, average lang yung mukha ko. Hindi naman talaga totally panget.
Hindi ko na sila pinatulan pa at nauna nang maglakad, "Una na ko Ethan, nababadtrip
ako rito." sabi ko na lang. =___=
"Sige." sumunod naman si Ethan sa kin.
"Balita ko, sinuwerte lang yan kaya nakapasok sa section nina Ethan."
"Sino ba kasi siya? Bakit ang epal niya?"
Sarap talaga ipalapa sa buwaya ang dalawang yun.
"Teka." lumingon naman sa kanila si Ethan. "Do you want to know who she is?" tanong
sa kanila ni Ethan.
"Well, duh. Of course." sagot naman nitong bruhang 'to.
"Kilala niyo naman siguro si Stephen, diba?" puno ni Ethan sa kanila.
"Siyempre naman, mahal kaya namin si Stephen." kinikilig na naman ang dalawang 'to
eh pangalan lang naman ni Stephen ang sinabi. Saka ano bang konek ni Stephen dito?
"She's Ciera Sanchez, Stephen's girlfriend." pagkatapos sabihin yun ni Ethan,
kaagad namang napatulala ng dalawa.
Ganyan dapat, ang kakapal ng mukha eh..
O__O
Ano?! Anong sabi niya?! Ako ang girlfriend ni Stephen?!
"So know who you're dealing with. Tayo na, Ciera." sabi sa kanila ni Ethan at umuna
ng maglakad.
Sinapak ko kaagad si Ethan, "Oie! Ba't mo ko sinapak?" sabi niya habang hinihimas-
himas ang ulo nito.
"Bakit mo sinabi sa kanila na girlfriend ako ni Stephen?! Kaw naman Ethan eh!
Nilagay mo sa alanganin ang buhay ko. Pwede namang si Matthew!" sabi koo.
"HA? M-Matthew??" O___o halatang naguguluhan siya.
O.O
"Joke lang! Hehe. Ibig kong sabihin sana sinabi mo na lang na kaibigan ko si
Stephen." palusot ko. Muntik na ako dun ah! =_= Akala ko malalaman niya na may
crush ako kay Matthew. Si Nicole pa naman karibal ko.
"Haha. Ok lang yun, para naman tigilan ka na nila. Sige, maghanap pa tayo ng
marerecruit."
*
"Kakapagod. Grabe, andami naming nirecruit, pasok muna tayo sa loob Ethan." sabi ko
at binuksan na ang pinto.
Pagkabukas ko sa pinto, namangha ako sa nakita ko. Wow, ang ganda ng pagkadecorate
nila. Tamang-tama ang mga decorations nila para sa horror thingy.
"Ciera!!" sumulpot kaagad si Yna at niyakap ako. "Tignan mo, diba, pwede na
panghorror booth?" masayang tugon niya sa kin.
"Oo, ang astig Yna." sabi ko naman. Nakakamangha talaga.
"O, tignan mo rin ang costume ko, hoho!" ^O^ puno niya at umikot pa siya. Nakasuot
siya ngayon ng fairy costume.
Tumambad naman sa paningin ko ang ibang mga student council officers with their
outfits.
*_____*
"Buti dumating na kayo." sabi sa min ni Matthew. Ang gwapo niya! *____*
Ngumiti lang yung iba sa min.
Ang gaganda at ang gagwapo nila habang suot yung mga costumes. Puro mga princesses
and princes. *__*
Pero hindi naman panghorror eh. Yung room lang ang nakakatakot.
Pero saan kaya ang hinayupak kong Master??
"Saka eh.. Ciera. Sorry talaga, kahit anong pilit ko kay Stephen na ipasuot sayo
yung masquerade costume ayaw niya eh. Gusto niya talagang ipasuot sayo yung
whitelady costume." >O<'' katwiran naman niya sabay abot nung paperbag.
"Saan na ba si Stephen?" tanong ko sa kanila. Aawayin ko talaga ang lalaking yun.
Ako lang ata ang magcocostume ng nakakatakot eh. =___=
Kahit kailan talaga, napakawalangya niya. =___=
"Sabi niya, may pupuntahan lang daw siya saka magbibihis na rin yun." sagot naman
sakin ni Nicole.
"O sige na, Ethan, Ciera. Magcostume na kayo." nakangiting tugon sa min ni Yna.
"S-sige." sabi ko na lang.
*
Pagkatapos kong magbihis sa CR ng classroom at pagandahin ang mukha para pwede ng
maging whitelady ay lumabas kaagad ako.
>___<
Nakakatakot din pala rito.
Hindi pa ba nagsisimula ang program proper?
"Yna, tapos na ako.." sabi ko pero maski isa, wala akong narinig na boses sa
kanila.
Tinatakot ba nila ako? O__o
"Yna?? Elle?? Yuhoo!" sabi ko. Grabe naman! Imbis na ako dapat katakutan dahil sa
costume ko eh ako ata ang matatakot nito. TT___TT
"Uy, wag naman kayong ganyan sa kin o!" >___< Kahit anong sigaw ko, no response.
Lord, hindi po ako matapang. Pasensya na po kung masyadong akong atat na atat sa
mga crush ko. TT___TT
"Yna?? Ace?? Ethan?? Nanjan ba kayo??" tanong ko at naglibot-libot na sa room.
Grabe naman ang pagdedecorate nila, parang totoong haunted house na talaga.
"Wala sila rito. Umalis sila. Sila kasi ang magfafacilitate ng program." may
biglang nagsalita. Napatingin naman ako sa gilid at nakita ang isang lalakeng
nakaitim. Hindi ko masyadong nakikita yung mukha eh. Ang dilim-dilim kasi rito
pero..
Bakit itim yung lalake??
Multo ba yung nagsalita? TT__TT
Lord, maawa ka naman.
Papalapit naman ng papalapit sa kin yung lalake kaya napaatras ako.
"Uy, please! Wag mo naman akong takutin o!" nakapikit kong sabi sa kanya, ngayon,
napasandal na ako sa pader.
Bigla naman niyang kinuha ang kamay ko at dinilaan ito.
"Ahhh! Uy!" napasigaw ako at naimulat ko kaagad ang mga mata ko.
>_________________<!! Bakit niya yun ginawa?! Kadiri siya! May multo na palang
dumidila?
"That smell.. human's blood." sabi nito.
Hindi ko pa rin siya masyadong nakikita, pero nang mabaling ang tingin ko sa mga
mata niya. Pula ito at nanlilisik.
May mga pangil din ito.
"But before I'll get your pendant, I want to taste you first." hinawakan na niya
ngayon ang dalawa kong kamay ng mahigpit.
Tapos hinalikan niya yung leeg ko and I can feel his sharp fangs.
"Then.. I will now taste you.."
"AHHHH!!!" sumigaw kaagad ako at sinipa siya. Tumakbo kaagad ako papalayo sa kanya.
"SHIT!" sabi nito.
Hindi ko na alam kung saan ako papunta pero nasa room pa rin ako. Ginawa kasi
nilang maze ang room.
"Yna.. tulungan niyo ko.." umiiyak na ako. Naglalakad pa rin ako at hinahanap ang
lagusan para makalabas na rin dito.
Hindi ko namalayan na may nakabangga ako. Ang dilim kasi.
Nang nahawakan ko yung braso niya, parang may dugo ito.
Napaupo naman kaagad ako at napaatras, "Please, parang awa mo na. Wag mo kong
patayin.. W-wag mo kong patayin.." umiiyak na ako. Natatakot ako. Ayoko na rito..
[Play the music video =====================>]
Bigla may pumindot sa switch ng ilaw.
"Ciera??" napatingin ako sa nagsalita. Si Stephen. Nakazombie outfit siya. Siya
pala ang nakabangga ko?
Pero hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng mga luha ko. Natatakot pa rin ako.
Lumuhod siya at nilapitan ako, "Anong nangyari?" tanong nito.
"Stephen.." umiiyak pa rin ako. "Natatakot ako."
Bigla naman niya akong niyakap, "Wag kang mag-alala, nandito ako." sabi niya kaya
mas lalo pa akong naiyak.
Yumakap din naman ako pabalik sa kanya.
"Wag mo kong iwan Stephen.. Natatakot ako.." sabi ko at hindi pa rin tumitigil sa
pag-iyak habang kayakap siya.
"Oo. Di kita iiwan."
__________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 11
CIERA SANCHEZ
"Tayo na, labas na tayo." kumalas na sa pagkakayakap sa kin si Stephen at inabot
ang kamay niya. Medyo, okay na rin ako ngayon. Panatag na kalooban ko kasi nandito
si Stephen.
At naniniwala ako sa sinabi niya sa kin, "Oo, di kita iiwan."
Inabot ko rin naman sa kanya ang kamay ko at tumayo na rin. "S-salamat." tanging
nasambit ko lang.
He just smirked, teka, nang-aasar na naman ba 'to? =_____=
"Haha, mukha kang baboy nung umiyak ka." XD sabi niya sa kin sabay tawa.
=_____=
Ang salba-salbahe talaga ng lalakeng 'to, kelan nga ba 'to titino? Haistt. Saka,
bakit ba ako nag-eexpect na maiiba ang pagturing niya sa kin? Eh hanggang ngayon,
parang hayop pa rin niya ako. Kung nuon, aso ako sa pananaw niya, ngayon, naging
baboy na. =___=
"Che! Kahit kelan talaga, ang sama mo!" sabi ko naman.
"Haha, masanay ka na." he replied while sticking his tongue out. >:P Sarap talaga
ilechon 'tong lalakeng 'to.
O___o
Saka, napapansin ko, bakit nakazombie costume siya? Eh lahat ng co-officers niya sa
student council pati na rin sina Yna at Luke ay parang pang enchanted kingdom yung
attire? Yung iba, mukhang prinsesa at prinsipe pa nga sa suot nila eh.
Tas ako, pinasuot niya ako ng whitelady outfit dahil hindi raw bagay sa kin yung
pangmasquerade na costume.
Ako lang yung nakapanghalloween na costume dahil sa ginawa ng gagung 'to. =_=
Pero.. XDD Nakazombie outfit siya! Yung tshirt niya ay gusot-gusot tapos maraming
dugo. Tas yung mukha niya naman ay may konting dugo rin, nilagyan din niya ng
eyeliner yung mata niya tapos magulong-magulo ang buhok niya. In short, isa siyang
HOT ZOMBIE. Ayan na naman, umaandar na naman ang kalandian hormones ko. XD
At least, hindi ako nag-iisang nagsusuot ng nakakatakot na attire. Hohoho. ^O^V
"Hoy, gori, bakit ka nakazombie outfit? Hihi! Bagay na bagay sayo! Para kang taong
grasa. XD" sabi ko sa kanya na may tonong mapang-asar. Pero joke lang yung taong
grasa, kakasabi ko lang kaya na isa siyang HOT ZOMBIE. >:)) Saka, kung aso ang
tawag niya sa kin, unfair naman kung palaging master ang tawag ko sa kanya. Dapat
paminsan-minsan din, gori ang tawag ko sa kanya, shorter name for gorilla. XD
"Haha, you should be thankful to me because I accompanied you. Nagcostume din ako
na panghorror para hindi ka naman mahiya." he sarcastically replied.
Napipikon ba siya? Mwuahaha. *evil grin*
"Uyy.. Pikon siya!" tinusok-tusok ko yung tagiliran niya.
"Tss! Stop it. Tayo na nga" naiinis na sabi niya sa kin at lumabas.
O.O
0///0
Ngayon ko lang napansin na magdamag pa lang magkahawak ang kamay namin.
Ang awkward naman. >///>
Nakasunod lang ako sa kanya habang magkaholding hands pa rin kami.
"Ah.. eh.. Gori--"
Bigla naman siyang lumingon sa kin ng nakakatakot.
(_ ____'')
"Este.. Master, nagsimula na ba ang program?" tanong ko. Napapansin ko kasi nang
dumadaan kami sa ibang mga room, may mga customers na, yung iba, busing-busy na sa
pag-aaccommodate ng booth nila. Sa min, wala man lang katao-tao, saan na kaya yung
iba??
"Stupid. Obvious na ngang nagsimula na eh."
=___=
Napakapilosopo talaga ng lalakeng 'to. Sarap ipalapa sa buwaya.
Napatigil naman kaming dalawa nang biglang kumaripas ng takbo si Ethan.
May sumusunod din naman sa kanya na mga estudyante.
"Sorry! Ayokong sumali sa Marriage Booth ninyo. Next time na lang." lumingon siya
sa mga 'to habang tumatakbo pa rin.
Huminto naman yung mga estudyante at napatingin sa kin.
=____=
Siguro, gulat na gulat sila sa costume ko. Ako lang ata nakapanghalloween dito eh.
Tsk. =_=
"Ahh! Miss! Kung ikaw na lang kaya ang i-Marriage Booth namin!" bigla namang umepal
ang babaeng 'to sa kin.
H-ha? Ano? Ako? O__o
"B-bakit naman ako?" halatang naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
"Diba, galing ka sa special section ng academy? Kapag ganun.. kahit may isa na
taga-special section na sumali sa booth namin, dadagsa rito ang maraming
customers."
"Wag kang mag-alala! Ipapartner ka namin kay Peter! Ang prince charming ng section
namin!" bigla naman niyang hinigit ang kamay ng isang lalake. Ito siguro ang
sinasabi niyang Peter pero.. totoong karapat-dapat siya maging prince charming,
cute siya! T^T
Kaya bakit pa ako aayaw? XD Grab the chance!
"Sige ba--"
"Hindi siya pwede. Pagmamay-ari ko siya kaya dapat sa akin lang siya. Tss!" hinila
naman kaagad ako ni Stephen papalayo sa kanila.
"U-uy! Kawawa naman sila pag hindi natin tutulungan!" reklamo ko pero napalayo-layo
na nga kami sa kanila. =_=
Di ko talaga magets ang lalakeng 'to.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Hinila ko kaagad siya papalayo sa mga estudyanteng yun. Nakakabadtrip siya.
Nagsuot nga ako ng pangzombie outfit para naman hindi siya ma-out-of-place rito
dahil sa costume niya tas sabihan pa naman akong mukha akong taong grasa? Tss.
Nakakairita talaga 'tong babaeng 'to.
"Uyy! Gori! Dun tayo o! Fortune telling booth! Gusto kong malaman kapalaran ko!"
masayang tugon naman sa kin ng babaeng 'to. Bakit ang saya-saya pa niya eh kanina
lang sa room, umiiyak siya? =_=
Siya naman ngayon ang humila sa kin at pumunta nga kami sa fortune-telling booth.
Pumasok naman kami sa room kung saan nagaganap ang fortune-telling. Well, marami
silang mga fortune tellers, marami ring mga customers ang room nila.
Lumapit naman si Ciera dun sa isang fortune-teller na wala pang kahit isang
customer. Nasa pinakadulo kasi ito ng room kaya siguro hindi siya napansin.
"Hehe! Hello. Pwede mo bang sabihin sa kin ang kapalaran ko?" sabi niya rito at
umupo sa upuan habang kaharap yung estudyanteng fortune-teller. Ako naman nasa
gilid lang nila.
Actually, sa mesa, may 14 cards na nakalapag kung saan may nakasulat din na 1-14
numbers.
"S-sige, pumili ka ng isang number." sabi naman nung estudyante sa kanya.
"Sige!" pinili naman ni Ciera ang numerong 9.
Kinuha naman ito nung fortune teller at marahang binasa.
Anytime naman talaga, pwede kong basahin ang isip niya pero tinatamad ako. Saka
wala naman akong pakielam sa kapalaran ng babaeng 'to. Tss. =__=
"Sige, magtanong ka." sabi nung fortune-teller sa kanya.
"Ah.. eh.. " napaisip-isip pa siya. "Ah, oo! Gusto ko sanang malaman kung sino ang
soulmate ko? XD Kung yung crush ko ba talaga ngayon ang makakatuluyan ko?" tanong
nito.
The hell with her question. =_=
"Hmm.. Oo, crush mo ang makakatuluyan mo and.. this.. will be proven.. this night..
ang event kung saan magaganap ang opening fireworks for our festival.. Kapag
nagsimula na ang fireworks.. Ang unang lalakeng malilingunan mo sa likod ay siya
ang.. magiging soulmate mo." sagot naman ng fortune-teller sa tanong nito.
"Kyaa! XD Sabi ko na nga ba eh! Hoho! Sa huli, kami pa rin ang magkakatuluyan! XD
Sige ah, salamat!" tumayo na siya at hinawakan yung babae. "Don't worry, kung kami
talaga ang magkakatuluyan, ililibre kita! Salamat ulit!" puno pa nito.
"Dog, let's go!" naiiritang sabi ko sa kanya.
"Oo na po! Sensya na, masaya lang." XD
Lumabas na nga kami sa fortune-telling booth.
Bakit ang saya niya nang malaman niyang siya at ang crush niya ang magkakatuluyan?
What's the big deal?
Ang babaw talaga ng kasiyahan ng babaeng 'to.
"Ciera!" bigla namang dumating si Yna at kinuha kaagad ang kamay ni Ciera.
"Sorry, Stephen! Pahiram muna kay Ciera ha? Hehe! Babye!" sabi nito sa kin at
umalis kasama siya.
=___________________=
***
MATTHEW SPENCER
Napalibot-libot ako ngayon sa academy. Ang busy kasi nung iba sa kanilang mga
respective booths and I want a peace of mind. Masyado ko kasing iniisip ngayon ang
mga plano ko. I want to have a break muna.
Nang mapadaan ako sa likod ng buliding kung saan matatagpuan ang section namin, may
napansin akong lumabas sa bintana rito na isang lalake, nakajacket siya ng itim.
Kitang-kita ko pa rin ang mukha niya kasi hindi naman ito masyadong natatabunan.
Teka.. p-paanong may nakapasok dito na iba? Ngayon ko lang siya nakita.
"Teka!" sigaw ko at mabilis lumapit sa kanya at nang makalapit na ako, kaagad ko
siyang sinakal.
"Sino ka?!" galit kong sabi sa kanya. Don't tell me, may iba pang nagplaplano ng
masama bukod sa kin?
Bigla naman siyang tumawa, "Haha! Malalaman mo rin sa tamang panahon, Matthew,
paalam." he gave me an evil smile. Laking gulat ko naman nang bigla siya nakawala
sa pagkakasakal ko sa kanya.
At sa di-inaasahan, bigla niyang kinagat ang leeg ko.
"AHHH!" napasigaw ako pero buti na lang nakuha ko yung pendant kong crescent moon
at pinindot ito. Of course, my family background is for witchcrafts kaya ang
pendant ko ngayon ay naging espada.
Pagkatapos, tinusok ko ang espada ko sa puso ng lalakeng 'to at kaagad naman siyang
naging abo.
"Who the hell is he?" tanong ko at pinahid kaagad ang dugo sa leeg gamit ang kamay
ko dahil sa pagkagat ng gagung 'to.
Pero kung sino man ang pakana ng lahat ng 'to..
Well, let's see who will win.
***
CIERA SANCHEZ
Malapit na ring mag-6:30pm. 6:30pm kasi magaganap ang opening fireworks ng school.
Binuksan na rin nila ang rooftop na nagcocover sa buong academy, ngayon, nakikita
na talaga namin fully ang langit. Madilim na rin kasi kaya wala ka ng makikitang
sinag ng araw.
Kasama ko pa rin ngayon si Yna at kung saan-saang booth kami pumuntang dalawa. Buti
na rin na sumama ako sa kanya dahil kung nandun lang ako sa hinayupak kong master,
malamang, napakaboring ng first day of school festival ko. =___=
"Saan na kaya ngayon si Stephen?" napatingin naman kaagad ako kay Yna nang
magsalita siya.
Tama ba ang narinig ko sa sinabi niya? Si Stephen? Ano naman kay Stephen?
"HA?" yun lang ang nasabi ko.
"Alam mo kasi.. kapag ganito.. may opening fireworks para sa school festival..
malungkot na malungkot yung mokong na yun."
"Ha? Bakit naman?" curious kong tanong.
"Eh.. kasi.. may narinig ako na.. minsan daw, may minahal siyang babae pero patay
na.. kapag tuwing may fireworks na ganito, naaalala niya ito.. kaya siguro ito ang
naging dahilan ng kalungkutan niya.."
Natahimik naman ako sa sinabi ni Yna. Siguro, yun din ang dahilan kung bakit ang
sungit ng lalakeng yun, kung bakit paiba-iba ang ugali niya.
Konting kurot lang pala ang kailangan sa kanya eh. XD
"Magsisimula na ang countdown!" sumigaw yung isa.
"30!" sigaw ng lahat.
"29!"
"28!"
Nabibingi na ako sa kasisigaw nung iba.
"27!"
"Teka, Yna.. Alis muna ako.. Mabibingi ako sa inyo eh." sabi ko at umalis.
Nakakabingi talaga. Parang first time pa nilang makakita ng fireworks. =_=
Kung saan-saan na akong naglibot sa academy. Hanggang sa napadpad ako sa garden
nila kung saan ako humingi ng advice kay Matthew tungkol sa problema ko nuon.
Huminga ako ng malalim habang nakapikit, "Ang presko ng simoy na hangin." sabi ko
sa sarili ko. Inopen din nila ang transparent glass na nakacover ngayon sa buong
garden. Kitang-kita ko ngayon sa langit ang mga bituin.
"3.. 2...1!.. Yeyy!" rinig na rinig ko pa rin ang pagsigaw ng mga estudyante.
Nagsimula na ngang bumungad sa kalangitan ang naggagandahang fireworks.
Bigla namang humangin ng malakas kaya napalingon ako sa likod ko.
Nakita ko si Stephen na nakatayo..
Parang.. umiiyak siya.
________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 12
STEPHEN LURIS MAIVEN
Nagsimula na nga yung fireworks.
Naalala ko na naman siya.
Nararaamdaman ko na naman ang sakit.
Nagsisisi na naman ako.
Bigla namang humangin ng malakas..
At sa di-inaasahan..
Nakita ko si Ciera na nasa harapan ko ngayon, nakatingin sa kin.
"S-Stephen.." sinambit niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin pa at
kaagad tumalikod. Nasasaktan ako.
Hindi ko namalayan na may tumutulong luha na pala sa mga mata ko.
"Teka Stephen!"
Hindi ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Masakit pa rin.. Gaile.
*FLASHBACK*
[Note: Past po ito ni Stephen]
*20 YEARS AGO*
Madilim na madilm ngayon sa paligid. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Ito
siguro ang sinasabi ng mga tao na panahon na ng pasko.
Naglalakad lang akong napakamulsa rito sa lugar nila. Nakajacket ako.
Tahimik na tahimik ang kanilang paligid. Wala rin akong nakikitang mga taong
naglalakad sa daan.
Parang gusto kong dito na lang ako..
Napakatahimik at walang gulo.
"Yun.. pare o! Mukhang mapera!"
"Oo nga, puntahan natin."
May narinig akong dalawang lalake. Mukhang mga lasing ata.
Napapansin ko naman na parang papalapit sila sa kin pero pinabayaan ko na. Wala rin
namang patutunguhan kung may gagawin ako.
"Oy pre, balato naman jan. Alam namin, marami kang pera." bigla akong inakbayan
nung isa habang yung isa pa niyang kasama ay nasa gilid ko lang.
Hindi ako kumibo sa kanila, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Oyy. Di ka naman ata namamansin e! Di ka naman siguro bingi noh?"
Hindi pa rin ako nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Hoy! Naririnig mo ba kami?!" bigla niya akong kinwelyuhan at ipinasandal sa pader.
Hindi pa rin ako kumikibo.
Kung susuntukin nila ako ngayon.. Bahala na..
Gusto ko lang naman kilalanin... kung sino talaga ako.
"Tarantado to e! Baliw ata!" sinuntok naman niya ako kaya naman napaupo kaagad ako.
Ang sunod na ginawa nila sa kin ay pinagsisipa na ako at pinagtatadyakan.
Pero.. bakit.. ganito?
Bakit hindi man lang ako nakaramdam ng sakit?
"HOYYY! Tigilan niyo yan!" napahinto naman sila nang may sumigaw.
May babae, sakay-sakay nung bisekleta niya.
"Bakit, Miss? May pera ka ba?" tanong naman sa kanya nung lalake.
"Ah.. eh.." parang hindi niya alam ang isasagot niya. Pero pakielam ko ba?
"Ah.. oo! Meron! Ito, 100. Yan lang kinita ko eh." napakamot pa siya sa ulo niya at
ibinigay yung pera sa mga lalake.
"Geh. Pwede na 'to. Alis na tayo dre." umalis naman kaagad yung dalawa matapos
matanggap ang pera.
"Hoo. Buti tinanggap nila." sabi nito at napatingin sa kin. Nakaupo pa rin ako
habang pinagmamasdan sila kanina.
"Oy Manong, okay ka lang ba?" lumapit siya sa kin at hinawakan ang mukha ko ng
dalawang palad niya.
"Buti na lang talaga, hindi ka napuruhan. Wala kang pasa." sabi naman niya.
Siyempre, mga bampira kami, kung magkakasugat man o magkakapasa, mabilis lang ito
gagaling.
Hindi na lang ako nagsalita.
"Teka, bago ka rito sa lugar namin ah. Ngayon lang kita nakita eh."
Tumango lang ako sa sinabi niya. Nagpaalam kasi ako kay Mama na pupunta ako sa
lugar nila, to have a peace of mind. Nakiusap din si Mama na bigyan ako ng
proteksyon ng mga Spencer para rito. Magkalapit kasi ang pamilya ng mga Maiven sa
mga Spencer.
"Kaya pala. Alam mo kasi, walang lumalabas dito sa min sa dis-oras ng gabi. May
gumagala kasi na mga lasing at baka ikaw ang mapiling pagtripan nila."
"Saka, saan ka ba pupunta? Baka nawala ka lang dito o nasa maling daan ka. Gusto
mong tulungan na kita para hindi ka na mawala?" puno nito.
Naging tahimik naman ang paligid pero nagsalita rin ako, "Wala akong matutuluyan..
Wala akong kilala rito.. Hindi ko alam kung saan ako pupunta."
"Ha? Eh.." halatang naguguluhan siya sa sinabi ko.
"S-sige! Sa min ka muna tumuloy pagsamantala, lika!" masayang tugon niya sa kin at
inabot ang kamay niya.
*
Dumating na nga kami sa kanila. Hindi naman gaano kalaki yung bahay niya. Gawa lang
ito sa kahoy at mga butas-butas na yero.
"Hehe, pasensya ka na kung ito lang yung bahay namin." sabi naman niya sa kin.
"Atee.. Saan ka pala pumunta?? Hindi tuloy ako makatulog.." may biglang nagsalita,
isang batang babae. Halatang kakagising lang nito. Kapatid niya siguro
"Sorry Mika, nagtratrabaho si Ate e.. Pero wag kang mag-alala, may dalang manika si
ate!" sabi niya sabay abot nung manika sa bata.
"Yey! Thank you ate!"
"Haha, sige na. Tulog ka na. Hindi ka pwedeng magpuyat. May aasikasuhin lang si
ate."
"Ate.. Sino kasama mong mama ngayon?" tanong nito nang mapansin ako.
"Haha, sige na Mika, tulog ka na. Bukas na lang." sabi naman nung babaeng nakilala
ko kanina sa bata. Di ko pa kasi alam ang pangalan niya.
"Sige po ate, good night!" hinalikan siya nung bata sa pisngi at pumunta kaagad sa
kwarto yakap-yakap yung manika niya.
"Kapatid mo?" tanong ko.
"Ah.. Oo. Haha, napakakulet nun." nakangiting tugon naman niya sa kin pero may
napapansin akong lungkot sa mga mata niya.
"Nga pala, gusto mong kumain? Teka ha.." sabi niya sa kin at pumunta sa kusina
nila. Actually, ang kusina nila at ang sala ay iisa. Isa lang din ang kwarto nila.
Binuksan naman niya yung platong nakatakip sa pagkain nila sa mesa.
Pagbukas naman niya, ulo na lang ng isda ang naiwan, "Ah.. eh.." hindi niya alam
kung anong isasagot niya.
"Ok lang." walang emosyon kong sagot.
"Ha? Eh.. Sorry talaga, kami rin naman eh.. naghihirap din. Sigurado ka bang okay
lang sayo?"
Tumango lang ako.
"Pasensya na talaga kung ganito lang.. Pero.. ah! Oo nga pala, ako Abigail Jimenez!
Gaile for short! Hoho! Kaw?" masayang sabi niya sa kin at inabot ang kamay niya.
Inabot ko rin naman sa kanya ang kamay ko, "Stephen."
"Hehe. Stephen, sorry ha? Kung ganito lang bahay namin pero don't worry! Matibay
ang pagkakagawa namin dito!" ^___^V
Umupo naman ako sa kawayan na upuan sa gilid ko. "Salamat." sabi ko sa kanya.
"Haha! Ano ka ba! Wala yun!" XD
"Saka nga pala, saan na mga magulang mo?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi na
walang ibang tao rito sa bahay nila kundi siya lang at yung kapatid niya.
"Kasi..."
"Kasi??"
"Hmm.." there was silence. Then she spoke, "Namatay sila.. nabangga yung tricycle
na sinasakyan nila nung 12 years old ako. Nagpapasada kasi nun si Papa tas kasama
naman niya si Mama." malungkot ang tono ng boses niya.
"Sorry.." tanging nasambit ko lang.
"Haha! Kaw naman! Okay lang yun! XD Nakamove-on na ako eh, hayss." napasandal siya
sa pader at lumingon sa kin.
"Kaw ba?? Bakit mag-isa ka lang??" tanong niya.
"H-hindi ko alam.. hindi ko maintindihan ang sarili ko.. Hindi ko maintindihan ang
nararamdaman ko." sagot ko naman. Hindi ko talaga alam kung anong tunay na misyon
ko sa buhay. Minsan din, hindi ko alam kung bakit ako bampira.
Hindi ko rin maintindihan.. Sabi nila, masasama ang mga tao pero.. Naguguluhan ako.
Iba siya. Mabait siya at masayahin.
"Adik ka. Hindi ka naman siguro drug pusher noh? Pero.. Stephen.. mabait ka naman
siguro. Kitang-kita ko kasi sa mga mata at ikinikilos mo eh.. Di ka masamang tao."
ngumiti siya.
Hindi ko alam pero napangiti na lang ako. Parang gumagaan yung loob ko sa kanya.
"Pwede naman siguro kitang maging kaibigan, diba? Tutal, dito ka naman muna
pagsamantala sa min?"
"Sige."
*
Sa mga araw na yun, nakilala ko ng lubusan si Gaile. 16 years old a siya at
nagtratrabaho siya ng kahit anong mapasukan niyang trabaho. Nalaman ko rin na
huminto na siya sa pag-aaral simula nung namatay ang mga magulang niya. Kailangan
niya kasing magtrabaho para may mapakain sa kapatid niya lalo't pa na may sakit
ito. Asthma raw.
Sinasamahan ko rin siya sa mga raket niya. Masaya siyang kasama, hindi ko
maintindihan ang nararamdaman ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Tinuturuan din niya ako kung anong ibig sabihin ng salitang "Buhay".
"Gaile! Gaile! Ang kapatid mo!" biglang sumigaw yung isa niyang kapitbahay.
Kararating lang namin galing sa trabaho niya.
"Bakit ho?" pag-aalalang tanong ni Gaile at kaagad pumasok sa rito.
Pinuntahan niya kaagad sa kwarto kung saan natutulog ang kapatid niya.
"Mika.. Mika.." pinilit niya itong gisingin. "Mika.. Gising na.. Nandito na si
Ate... Mika.."
"Gaile... patay na siya." sabi nung kapitbahay nila na nasa likod lang niya.
"Wag nga po kayong magsinungaling. Mika.. Nandito na si ate.."
Pero kahit anong gawin ni Gaile sa kapatid niya. Hindi na ito nagising pa.
Unting-unti na ring pumapatak ang mga luha niya. "M-Mika.. Gumising ka na please.."
Naiiyak niyang sabi.
"S-sige, maiwan ko muna kayo." sabi naman nung kapitbahay sa min at lumabas.
"Mika..."
"Mika.. gising na.." pero kahit anong sabihin ni Gaile, hindi pa rin ito
nagigising.
"Mika!!" umiyak na nga siya. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya.
"I'm sorry."
*
Ilang araw na rin nang namatay si Mika. Si Gaile naman ay naging tahimik.
Hanggang ngayon, hindi pa rin dumarating si Gaile. Sabi niya kasi sa kin, may
pupuntahan lang daw siya.
"Saan na ba ang babaeng yun? Gabing-gabi na ah." tanong ko sa sarili ko. Oo, nag-
aalala ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman
ako.
Hindi na ako mapakali pa kaya lumabas na rin ako sa bahay niya para hanapin siya.
Kung saan-saang lugar ko siya hinanap pero wala..
Hanggang sa napadaan ako sa isang grupo ng kalalakihan, may pinagkakaguluhan yata.
"Bitiwan niyo ko!" sabi nung babae. Pamilyar yung boses.
Si Gaile.
"Ayoko nga." sabi naman nung lalake.
Kaagad naman akong lumapit sa kanila at sinuntok ng kalakas-kalakas yung lalake. Di
naman sinasadyang napatapon siya ng malayo. Naging pula na yung mga mata ko.
Nagulat yung ibang kasamahan niya, "Pre! Halimaw!" sabi nung isa.
Sinakal ko naman kaagad siya at kinagat ito sa leeg. Inubos ko lahat ng dugo niya
kaya pagkatapos, kaagad siyang namatay.
Ganun din ang ginawa ko sa iba, pinagsusuntok, sinakal at kinagat sa leeg. Hanggang
sa namatay nga silang lahat. Mga anim na katao rin.
"Gaile.." naging normal na ulit ang mga mata ko.
"H-halimaw ka!" naiiyak niyang sabi.
"Gaile.. Please.. Let me explain.."
"Stephen.. Halimaw ka.. Masama ka! S-siguro.. ikaw din ang pumatay sa kapatid ko..
Kaw ba?!" sigaw niya.
"No.. I am not. Hindi Gaile.. Hindi ko magagawa yun kasi.. kaibigan kita."
"Pero, bakit ka nagsinungaling sa kin? Diba sabi mo kaibigan kita?"
"Gaile.."
"Hindi ko talaga alam Stephen.. Di ko alam.." tumalikod na siya.
"I'm so sorry Gaile.. Kung nagsinungaling ako. Sorry sa lahat.. Pero I want to
assure you, nandito lang ako lagi.. handang tulungan ka... but I'll be leaving,
babalik na ako sa min..." sabi ko.
"Gaile, hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan pero siguro dahil sa mga
nangyari.. I have to give you time.. Nangangako rin ako, nandito lang ako lagi sa
tabi mo.. at hinding-hindi kita sasaktan."
".. kasi mahal kita."
Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad.
"Stephen.." nagulat naman ako nang bigla niya akong niyakap sa likod.
"Wag mo kong iwan.. please.. sasama ako sayo."
*
Sinama ko si Gaile nang umuwi na ako sa min. Okay lang naman sina Mama tungkol dito
kasi yung mga kasambahay din namin ay mga tao rin, sina Eliza at Herbert.
Pero tutol dito ang mga Spencer, lumabag daw ako. Kaya nagkaroon ng kaguluhan sa
pagitan ng mga Spencer at ng gobyerno ng mga tao. Lalo't pa nang malaman nilang
nakapatay ako ng anim na katao dahil kay Gaile.
Until the government of the humans declared war over the vampires. Sinugod nila ang
Academy. Timing pang kakasimula pa lang ng school festival namin.
Kasama ko ngayon si Gaile na nagtatago sa isang sulok. "Gaile, dito ko lang.
Proprotektahan kita. Pangako ko yan." sabi ko sa kanya. Tutulungan ko yung mga
kalahi ko. Marami ng nasawi sa min. Dahil na rin sa mga mabibilis na mga balang
ipinuputok ng mga tao.
"Pero.. Stephen.."
"Please, dito ko lang. Don't worry, babalikan kita and I'll protect you." I assured
her and went out.
Tinulungan ko kaagad yung mga batang bampira na tumakas. Kinakalaban ko na rin yung
ibang mga tao. May mga nagliliparang mga bala at mga bomba na.
Sa paglingon ko, napansin kong lumabas si Gaile at hinila kaagad yung batang
bampira para iwasan yung bala.
Babarilin na sana sila nung isang taong sundalo pero buti na lang nakalapit kaagad
ako sa kanila at sinakal yung lalake hanggang sa naputulan na nga siya ng hininga.
"Gaile! Umalis na kayo." sigaw ko.
"S-sige!" sabi niya at sabay silang tumakas nung bata.
Tinulungan ko kaagad yung iba kong mga kasamahan. Nangangalahati na lang kami.
"Stephen!!!" nagulat ako nang biglang pumunta sa harapan ko si Gaile.
Siya ang nabaril nung sundalo. Sinugod ko naman kaagad yung sundalong yun at
sinakal. Kinakagat ko ang leeg niya hanggang sa mamatay siya.
Pinuntahan ko ulit si Gaile at niyakap. Naiiyak na ako. Marami ng dugo ang lumabas
sa katawan niya. Nabaril siya sa puso. "Gaile.." Hindi pwede.. Hindi siya pwedeng
mamatay.
Hinawakan ni Gaile ang mukha ko gamit ang kamay niya, "M-mahal kita.. Stephen."
pinilit niyang magsalita kahit may lumalabas na dugo sa bibig niya.
"Gaile.." umiyak na ako at hinawakan din ang kamay niya.
"S-salamat.. Stephen.." pagkatapos niyang sabihin yun, ipinikit na niya ang mga
mata niya at binawian na siya ng buhay. Biglang may lumabas na fireworks sa
kalangitan.
"Hindi.. Gaile.." niyakap ko siya habang umiiyak.
"Anak.." boses yun ni Mama, hinawakan niya ang balikat ko.
Hindi ko alam..
Tumayo na ako at iniwan lang ang katawan ni Gaile na duguan pero wala ng buhay.
"Anak.. Stephen.."
Hindi ko na pinansin si Mama at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Hindi ko na alam kung anong sunod na ginawa ko.. Ang tanging alam ko lang..
Nakokontrol ko na lahat ng bagay na nasa paligid ko. Yung mga balang papunta sa kin
ay nakokontrol ko at sa mga tao tinira..
Nababasa ko na at nakokontrol ang pag-iisip ng mga tao.
Hindi ko na alam kung anong ginawa ko.. basta.. gusto ko ng matapos ang lahat ng
'to.. Papatayin ko lahat kung kinakailangan kahit mga kalahi ko pa.
"Stephen! Tumigil ka na!" sigaw ni Mama.
"Stephen!! Tumigil ka na!"
"Wag mong gawin yan!"
"Mga kalahi mo sila!!"
"Stephen!!"
Hindi na ako nakikinig sa pinagsasabi nila. Papatayin ko lahat.. Ipaghihiganti ko
si Gaile.
Ipaghihiganti kita Gaile.
*
"Gaile!" sigaw ko nang magising ako. Pero bakit nandito ako sa kwarto? Bakit ako
natutulog? Diba may laban?
"Anak, Stephen.." lumapit sa kin si Mama.
"Ma, nasaan na ba ako?? Si Gaile??"
"Anak.. wala na siya.."
"Ha?!" naguguluhan ako. Buhay pa si Gaile. Buhay pa siya.
"Ginamit ng mga Spencer ang kapangyarihan nila para kumalma ka. Pinatulog ka nila."
sabi sa kin ni Mama.
"Anak.. Sinumpa ka nila.. dahil sa ginawa mo.. anak.. Mamamatay ka.."
"Hindi ko kayo maintindihan Ma!" naguguluhan talaga ako.
"Anak.. Yung white rose na nasa jar na bigay sayo ni Gaile.. Kapag nagsimula nang
magtanggalan ang mga petals nito.. Senyales iyon na malapit ka ng mamatay.. Yun ang
sumpa mo anak.." naiiyak na sabi sa kin ni Mama.
Ang kauna-unahang babaeng minahal ko ay..
... namatay.
*END OF FLASHBACK*
Araw-araw akong nagsisisi sa nangyari. Hindi ko man lang naprotektahan si Gaile,
kung nagawa ko yun.. buhay pa sana siya ngayon.. kung hindi ko siya sinama, hindi
sa ganito ang mangyayari.
"Stephen!"
Hindi ko pa rin pinansin si Ciera, ayoko ko muna, nasasaktan ako.
Bigla akong niyakap ni Ciera sa likod, "I'm sorry.. Hindi ko naman alam.."
Ewan ko.. Masakit pa rin.
"Stephen.. Kung gusto mo ng kaibigan, nandito lang ako." puno niya habang kayakap
pa rin ako.
"Ciera.." humarap na ako sa kanya.
"Stephen.." ngumiti siya. "Hindi kita iiwan."
Nang marinig ko yun, biglang nakaramdam ulit ng sakit ang puso ko. Nagpuputukan pa
rin ng mga fireworks sa kalangitan.
Kaagad ko siyang niyakap, "Ciera.. Nasasaktan ako."
___________________________________________
Vampire Academy
Chapter 13
CIERA SANCHEZ
"Hayys, nakakaantok pa talaga, Bakit ba lagi mo kong ginigising ng maaga? Sobrang
excited ka naman eh!" reklamo ko sa hinayupak kong master. Palagi na lang akong
ginigising ng maaga. Imagine, ginigising niya ako lagi between 3-4am. Tae ttalaga.
Saka.. >///<
Naiilang ako sa kanya. Parang may iba akong naramdaman. Siya kasi eh! Nakakaawkward
talaga.
Lalo na yung nangyari sa min kagabi. Bigla niya akong niyakap sabay sabi, "Ciera,
nasasaktan ako."
Sobrang awkward talaga. (=___= )"
Second day ngayon ng one-week school festival namin. Hindi ko nga alam kung ano ang
mangyayari eh. Hindi naman ako sinasabihan ng mokong na ito.
"Of course, you're my dog. You need to follow all my commands." he smirked. That
attitude again. =___= Akala ko talaga, magbabago na 'tong walangyang 'to dahil sa
nangyari kahapon pero hindi pa rin.
"Bwisit ka talaga. Tss." sabi ko na lang habang sumusunod sa kanya. Nakakabadtrip
siya.
"Dog."
"Uhm?" =__=
"O, ito." inabot niya sa kin yung folder na hawak-hawak niya.
"Mga schedules yan ng mga events na mangyayari sa one-week school festival natin."
puno nito.
Binasa ko naman lahat na nakapaloob sa folder.
SCHOOL FESTIVAL SCHEDULES
DAY 1: Functioning of Booths
DAY 2: Free Live Concert from BlackStrings
DAY 3: Sports Tournament
DAY 4: Mr. and Ms. Spencer Academy Contest
DAY 5: Black Masquerade Ball
"Live.. Concert from... BlackStrings?!!" napasigaw ako nang makita ko ang pangalan
ng BlackStrings. OMG! Magcoconcert sila ngayon, for FREE?!!
Saka, bakit alam nila ang bandang BlackStrings?! Diba, bawal ang mga tao sa campus?
Ako nga eh sinasabin ng mga Maiven at nina Mama na dapat hindi ko tatanggalin ang
pendant na suot ko, pamproteksyon ko raw 'to.
Pero pakielam ko. XD Makikita ko na naman ulit ang crush kong sikat. XD
"Bakit kilala niyo ang BlackStrings?" tanong ko kay Stephen. *___* At least, may
nagawa siyang matino para sa kin.
"Ha? Wala akong alam jan. Suggestion yan ni Matthew na magkaroon ng live concert
ang BlackStrings, kaibigan daw niya kasi ang lead vocalist nito." sagot naman niya
sa kin.
Magkaibigan ang dalawang kong crush? O__o XD
"So.. Ibig sabihin, mga vampires din sila?" curious na tanong ko at napatigil sa
paglalakad.
"I don't know. Saka nga pala, mga student council officers lang ang nandito ngayon
sa academy. Tayo kasi ang mag-aayos ng stage na gagamitin nila, mamayang 7pm pa
magsisimula ang concert kaya mga 7pm din dadagsa ang mga estudyante." sabi niya sa
kin.
"And in anytime, darating ang BlackStrings. Kaw na bahala." puno pa nito at iniwan
lang ako.
Anak ng!
"H-hoy! May itatanong pa ako." sigaw ko pero hindi na niya ako pinansin. Haisstt.
Pero okay lang! XD Ayoko ng mag-interview kung bakit dito magcoconcert ang
BlackStrings, basta! Masaya ako kasi makikita ko na naman ulit si Gerard. *O*
Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Stephen, kaibigan daw ni Matthew ang lead
vocalist nito. Paano naman kaya?
May isang babaeng estudyante namang dumaan sa harapan ko. Siya ata yung fortune
teller kahapon ah.
"Oie!" sabi ko at kinalabit siya sa likod. Lumingon naman agad siya sa kin.
"HUH?"
"Grabe ka naman! Hindi mo ba ako kilala? Nagpahula ako sayo nun sa fortune-telling
booth." adik naman siya. Kinalimutan ba naman ako?
"Ah.. oo! Naalala kita. Ikaw kaya yung unang customer ko." nakangiting tugon niya
sa kin.
"Nga pala, so, naging totoo ba yung mga hula ko? Yung crush mo ba talaga ang
soulmate mo?" puno niya.
"HA??"
O__O
Ang hula niya sa kin.. Yung .. kapag nagsimula na ang fireworks at ang unang
lalakeng malilingunan ko sa likod.. ay.. ang crush ko na.. magiging soulmate ko.
O__o
Kahapon..
Nasa garden ako ng academy nun dahil mabibingi ako sa kakasigaw ng mga estudyante
sa countdown.. At nang magsimula na yung fireworks..
Biglang humangin ng malakas.. at napalingon ako sa likod ko.
OMG!
Nakita ko si Stephen!
Hindi pwede, hindi pwedeng siya ang magiging soulmate ko. >___<
Saka, hindi ko naman siya crush eh! Si Matthew ang crush ko! Haha! *_* Kaya no
worries pa rin, hula lang naman yun eh.
"Nakikinig ka ba?"
"Ah.. Oo! Hehe, sorry." nawala na naman ako.
"Nagkakatotoo ba?" tanong niya ulit sa kin.
"Oo.. n-nagkatotoo." palusot ko. Ayoko namang i-offend siya.
"Haha, sige, salamat ulit. Alis na ako ha?? Kailangan kasing tumulong ang mga
president ng bawat room sa mga student council officers. Babye." umalis na nga
siya.
Haisstt. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa buhay ko ngayon. =___=
Nakita ko naman si Vivien na may maraming dalang mga decorations, napakamysterious
talaga niya.
"Ah.. Vivien. Tulungan na kita." lumapit kaagad ako sa kanya at tinulungan siyang
dalhin yung mga decorations.
"Thanks." she smiled. Hindi naman siguro siya masungit. Kasi masasayang lang yung
kagandahan niya eh.
"Magdedecorate na kayo sa stage?" tanong ko.
"Oo. Para mabilis at hindi masayang yung oras natin." she answered straightly.
Napatigil naman kaming dalawa nang may biglang dumating na itim na kotse at huminto
sa harapan namin.
May mga kalalakihan namang bumaba.
O_O!
Si Gerard! Nadito na sila kasama ang mga bandmates niya! OMG.
"G-Gerard?!" napasigaw ako.
"Haha, tama nga hinala ko, ikaw yan, Ciera. Dito ka pala nag-aaral?" tanong niya sa
kin at tinanggal ang suot niyang black shades. Ang gwapo talaga niya. *__* Nasa
likod naman niya yung mga kabandmates nito.
"Oo! Bakit di mo sinabi sa kin nuon na magcoconcert ka pala sa school namin?"
tumawa ako.
"Haha, adik ka! Hindi mo sinabi sa kin ang school mo." XD tumawa rin siya. Ngayon,
nagtatawanan na kaming dalawa.
Oo nga pala, kasama ko pala si Vivien. Nakalimutan ko tuloy siya. Si Gerard kasi,
why so bait? *_*
"Viv.. Vivien.." naguluhan ako sa reaksyon ni Vivien. Nanlaki ang mga mata niya ng
makita si Gerard.
"Hahahaha. O, Ciera, natahimik ka... ata.." napatingin naman si Gerard kay Vivien
na halatang nagulat din.
O.O
Ano bang nangyayari??
"Ahh.. Gerard, si Vivien, kaklase ko." nagsalita kaagad ako.
"A-ah! Ciera, mauna na ako sa inyo. S-sige." kaagad tumakbo si Vivien at iniwan
kami.
"Bakit kaya??" naguguluhan talaga ako sa kanilang dalawa. Magkakilala na ba sila?
"G-Gerard??" nakatulala pa rin siya.
"Uy! Gerard!" tinusok-tusok ko ang gilid niya ng hintuturo ko.
"Ha? Ah.. Haha! Sorry!" XD
"Anong problema?? Nagulat ka yata ng makita si Vivien??" tanong ko sa kanya.
"Ah.. W-wala.. Wala yun." napakamot pa siya sa ulo niya. "Tara, i-tour mo naman ako
sa school niyo." puno niya.
"H-ha? S-sige, sabi mo eh."
*
"Wow, ang laki naman ng school niyo." sabi sa kin ni Gerard na kasama ko ngayon sa
paglalakad. Nilibot kasi namin ang lahat ng parte ng academy.
"Haha, oo nga eh. Ako nga rin eh hindi pa rin kabisado ang mga facilities ng
academy." natatawang tugon ko naman sa kanya.
Pero.. paano nga ba siya naimbitang magconcert dito? Ehh.. Vampire School ito?
"Ahh.. Gerard? Pwede magtanong??" panimula ko.
"Oo naman."
"P-paano ka nakapasok dito? H-hindi ka ba natatakot o.. nababahala kasi--"
"Bakit?? May tinatago ba kayo??" nagsalita siya kaagad at hindi ako pinatapos. But
he answered me creepily.
Nakakapangilabot yung boses niya. There's something weird in it.
"Ahhh.. ehh.. Wala naman. Hehe." anubeyen. kinakabahan ako. >______<
Napahinto naman kaming dalawa sa paglalakad nang biglang lumabas si Stephen sa
council room.
"O, dog." napatingin naman siya kay Gerard.
"Ah.. eh. Master.." naguguluhan na talaga ako! >___< Alam kong noong isang araw,
nagkita na sina Gerard at Stephen sa mall.. Tapos.. dito na naman. Di kaya alam
niyang tao si Gerard?
"Dog."
"Ah, master? Bakit?" nakakatakot naman siya. >___<
"Pumasok ka muna sa council room. May ipapagawa ako sayo." utos sa kin master.
"Ah.. S-sige. Sorry, Gerard." sabi ko na lang at pumasok kaagad sa council room.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari. >__<
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Pumasok naman kaagad si Ciera sa council room.
This guy in front of was the human whom I meton the mall. Pero.. bakit.. ngayon..
His presence.. is not a human anymore. But merely a vampire.
"Sino ka? Bakit ka nandito?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Haha, I expected that question. Well, nice to meet you, your majesty. Most highly
respected family of the vampires, Mr. Stephen Luris Maiven. I'm Gerard Blanco, the
vocalist of BlackStrings, at your service. " pormal niyang pagkasabi and made a
vow.
"Don't fool me. Hindi ka tao, diba? Sino ka ba talaga?" tanong ko ulit sa kanya.
Sinubukan kong basahin ang iniisip niya pero hindi ko magawa, may harang. Sino ba
siya?
"Opps. That stare, you cannot read my mind, Mr. Maiven. I'm protected." he
devilishly smiled.
"Anong kailangan mo rito??"
"Wala naman." nakapamulsa niyang sagot. "You guys invited me here to sing so, I
granted your request."
"Alam kong may iba ka pang pakay, at saan mo nakuha yang kapangyarihan mo?" ngayon,
nakakuyom na ang mga kamay ko.
"Oie, teka.. Wala naman akong masamang intensyon, kakanta lang talaga ako." he
smiled. ^__^V
"Tss." nagsimula na akong maglakad. Huminto ako sa gilid niya, "If ever something
bad will happen, I'll kill you." sabi ko sa kanya at nagpatuloy kaagad sa
paglalakad.
***
CIERA SANCHEZ
"Uyy, tulungan na kita jan, Elle." sabi ko kay Elle at tinulungan siya sa pag-
aarrange ng mga gamit. Nandito naman silang lahat ng student council officers pati
na rin sina Yna. Well, except for Matthew.
"Hey guys." napatigil naman kami nang pumasok si Matthew.
"Nandito na pala ang vocalist ng BlackStrings, ang magkakaroon ng Free Live Concert
sa school natin. Meet Gerard Blanco, my friend."
Bigla namang lumapit sa kin si Yna at bumulong, "Ciera.. Diba, siya yung nakita
kong lalake sa mall??"
Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Then why.. isn't he a human anymore? Bakit nag-iba ang presensiya niya??" she
whispered.
"Baka.. Nagmamalikmata lang tayo." palusot ko. Pati ako mismo, naguguluhan na rin.
***
VIVIEN WALKER
Napatigil ako nang biglang pumasok sa council room si Matthew.. kasama.. yung
vocalist ng BlackStrings..
Si Gerard..
Pero.. Paano??
Akala ko ba.. namatay na siya??
Akala ko ba napatay siya nung digmaan sa pagitan ng mga bampira at tao.
Hindi ko namalayan na may tumutulong luha na pala sa mga mata ko.
Hindi pwede, baka nagkataon lang na magkamukha sila.
"Ah.. Matthew, aalis na muna ako." sabi ko kay Matthew at kaagad lumabas sa council
room.
Bakit buhay siya??
***
CIERA SANCHEZ
7pm na rin at magsisimula na nga ang concert. Marami na ring tao sa stage. Ilang
minuto na lang, tutugtog na ang BlackStrings.
Pero napapansin ko si Vivien, parang iniiwasan niya si Gerard. Bakit kaya? Siguro,
may alam siya kung bakit ito naging bampira?? Ang gulo talaga! >__<
Nagsimula na nga yung music.
Pumunta na sa stage si Gerard at nagsimula ng kumanta, nagtitilian kaagad yung mga
audience.
Play the video for the song he sings ===============>
Song: Helena
Long ago Just like the hearse you die to get in again We are so far from you
Burning on just like a match you strike to incinerate The lives of everyone you
know And what's the worst you take (worst you take) from every heart you break
(heart you break)
And like the blade you stain (blade you stain) Well I've been holding on tonight
Bigla namang may humigit sa kamay ko. Si Stephen.
What's the worst that I can say? Things are better if I stay
"Oiiee! Stephen, teka!" sabi ko at pilit na kinukuha ang kamay ko sa pagkakahawak
nito sa kanya.
So long and goodnight
So long and goodnight
"You don't know him, you need to be careful." reply naman nito sa kin.
Came a time When every star fall brought you to tears again We are the very hurt to
sold And what's the worst you take (worst you take)
Nakuha ko naman yung kamay ko sa kanya at ngumiti, "Wag kang mag-alala, Stephen.
Oo, mag-iingat ako. Salamat." pagkatapos nun, bumalik kaagad ako dun sa stage.
from every heart you break (heart you break) And like the blade you stain (blade
you stain) Well I've been holding on tonight What's the worst that I can say?
Things are better if I stay So long and goodnight So long and goodnight And if you
carry on this way Things are better if I stay So long and goodnight So long and
goodnight Can you hear me? Are you near me? Can we pretend to leave and then We'll
meet again When both our cars collide? What's the worst that I can say? Things are
better if I stay So long and goodnight So long and goodnight And if you carry on
this way Things are better if I stay
So long and goodnight So long and goodnight
*
Tapos na nga yung concert ni Gerard. Nagsialisan kaagad yung mga estudyante.
Kaming dalawa na lang ni Gerard ang nandito ngayon sa ground, yung iba kasi, ang
sobrang busy. Inaayos na nila ang mga bagay na ginamit sa concert.
Pero curious na curious pa rin ako sa mga nangyayari.
"Ah.. Gerard." sambit ko sa pangalan niya. Napakaawkward naman.
"Uhm??"
"S-sigurado ka bang.. hindi ka natatakot na magtagal dito??" >___<
"Do you wanna know my secret??" sabi naman niya at tumango lang ako.
Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, "I'm a vampire too."
Napaatras naman kaagad ako sa sinabi niya.
Bampira siya??
I could now see that he was smiling devilishly.
"C-Ciera." napatingin naman kaming kaagad nang may nagsalita, si Vivien.
"Hmm.. Sige, see you again, Ciera. Bye." sabi na lang niya at tumalikod. Umalis na
rin siya.
Naguguluhan na talaga ako.
***
GERARD BLANCO
Nasa isang bar ako ngayon, umiinom ng alak. Pagkatapos kasi ng concert ko sa
Spencer Academy, dumirecho kaagad ako rito. I want to keep my mind at rest.
"Ahh.. Gerard, si Vivien, kaklase ko."
I didn't expect na makikita ko dun si Vivien.
"Malalim ata iniisip mo, Gerard." may nagsalita, si Matthew. Tumabi naman kaagad
siya sa kin.
"Hmm.. Hindi ko natuloy yung plano.." panimula ko.
"Nakita ko si Vivien.. You didn't tell me that she was still in your academy."
ininom ko kaagad yung alak sa baso.
"Well, I forgot. Nadistract ka tuloy. Haha. Isa ngang wine." sabi ni Matthew dun sa
bartender at inabot sa kanya yung wine.
"Si Vivien.. Kamusta siya??" tanong ko sa kanya.
"She's fine."
"Hmm.. Siguro, nakalimutan na niya ako.." I gulped another glass of beer.
"Well, you still love her, am I right??"
Napahinto ako sa tanong niya, "Well.. Maybe."
"Pero wag kang mag-alala, itutuloy ko pa rin yung plano natin. Diba, may masquerade
ball kayo sa susunod na araw??"
Tumango naman si Matthew.
"Pupunta ako sa masquerade ball niyo at tatapusin ang lahat na pinlano natin."
_______________________________________________
Vampire Academy
Chapter 14
CIERA SANCHEZ
"Basketball girls vs. Basketball boys?" O__o Nanlaki ang mga mata ko sa pinag-
uusapan ng mga student council officers. As usual, nandito na naman kami rito sa
council room, naging tambayan na namin eh.
"Oo, yun na lang ang sasalihin natin para masaya. Kung mag-iindividual sports kasi
tayo, boring. Mas mabuti kung may teamwork." nakangiting tugon sa min ni Ace.
"Oo nga! Para naman tayong lahat ay masali this time. Diba, nuon, hindi ka sumali
Ethan?" sumabat naman si Yna.
"Hehe." ^___^V nakapeace-sign na sagot ni Ethan.
"Ikaw rin kaya, honeybunch!" umepal naman 'tong si Luke.
Bigla naman nanlisik ang mga mata ni Yna at tinignan ng masama si Luke. Kinuha niya
yung libro sa mesa at binato sa kanya. "Wag na wag mo kong tawaging honeybunch.
Akala mo bati na tayo?!"
Grabe talaga 'tong dalawang ito. =____= Ano na naman kaya ang nangyari? Akala ko ba
nagkaayos na 'tong dalawang 'to. Siguro, nambababae na naman itong Lucas na 'to.
Napansin ko naman si Elle, malungkot pa rin yung ekspresyon sa mukha niya. Ewan ko
ba, these past few days, hindi na niya ako kinakausap. Hindi ko na siya laging
kasama. Kami na lang lagi ni Yna. May problema kaya? Masama kaya ang loob niya sa
kin dahil hindi ko siya tinulungan? Haisstt.
Nakakalungkot naman kasi si Elle ang naging una kong kaibigan dito. ToT
"HOY MAIVEN!" bigla namang tinawag ni Yna si Stephen at ngumiti ng kaloko-loko.
"Haha, matatalo namin kayo! HAHA! LOSERS! Matatalo ka namin ni Ciera, Elle, Vivien
at Nicole. Mwuahaha!" sigaw nito at tumawa pa ng kalakas-lakas. =____=
Baliw talaga ang babaeng 'to.
Tumayo naman si Stephen saa pagkakaupo nito sa may office table niya at biglang
lumapit sa min ni Yna.
Nagtago naman kaagad si Yna sa likod ko. =__= Ako pa yatang malalagot nito. Bakit
ba kasi ginanun niya si Stephen? Parang naghahamon ng digmaan.
He just grinned. Yang evil grin na naman. Tss.
"Paano kung matatalo kayo??" he asked.
"Mwuahaha! Hinding-hindi mangyayari yun kasi nakatadhana ng kami ang mananalo! At
kung manalo kami, magiging alipin ka namin for one week, bossy president!" sagot
naman nito while sticking her tongue out. :P
Naku naman, naghahanap ata ng away itong babaeng 'to eh.
"Hmm.. Sige, if we will win.." bigla namang tumingin sa kin itong lalakeng 'to.
"I'll be owning your body, Ms. Ciera Sanchez this night." he devilishly smiled.
Body??
...
loading..
"A-anong body?!" nagreact agad ako. Anong pinagsasabi niya? Gagahasain niya ako?!
O__O
Okay lang sana kung si Matthew eh. >___<!!
"Sige, deal! Deal yan! Mwuahaha. Sigurado naman akong kami ang mananalo." sabi
naman ni Yna. Anak ng tikbalang o! Pumayag ba ako?!
"Hoy, Yna! Wag ka ngang ganyan!" sabi ko naman sa kanya sabay yugyog ng braso nito.
"Mwuahaha. Wag kang mag-alala, Ciera, hindi mangyayari yun." she confidently
replied.
Sana nga. =___=
Pero namumublema pa rin ako eh. Diba may superstrength sila? Eh paano na lang ako?
Wala ako nun. Tao ako eh. =__=
"Ah.. Eh.. Yna, hindi na lang ako sasali." sabi ko na lang. =___= Sayang naman,
mag-eenjoy sana ako.
"Huh? Bakit naman?" agad naman siyang nagreply.
"Eh.. kasi.. Basta, mag-ccr lang ako." palusot ko at lumabas na nga sa council
room. Haisstt. Pero at least, hohoho! Hindi ako marerape ni Stephen. XDD
*
Pumunta naman kaagad ako sa CR. Nanghilamos ako. Maaga na naman akong ginising ng
hinayupak kong master eh. =___=
"Hayss, sayang naman. Wala kasi akong superstrength gaya nila eh. Kung sasali ako,
malalaman nilang tao ako." sabi ko sa sarili ko at napasandal pader. Sayang naman
ang isang araw ng school festival namin.
"DOG."
Napalingon naman ako nang may nagsalita. As expected, ang hinayupak kong master
nandito na naman.
"O, ano naman ang kailangan mo?" sarkastiko kong reply sa kanya. Pagtritripan na
naman ako nito.
=________________=
Lumapit naman siya sa kin at nakatayo lang sa harapan ko.
"O-oie! Anong gagawin mo?" bakit ba kinakabahan ako paglumalapit siya sa kin? >___<
Inilapit naman niya ang mukha niya sa mukha ko. Ramdam ko na rin yung mainit niyang
hininga.
"H-hoy--"
Nagulat ako nang tinanggal niya yung pendant sa leeg ko, "Hoy! Anong gagawin mo
jan? Malalaman nila na tao ako pag kinuha mo yan!" reklamo ko.
"Stupid. Diba, gusto mo ng superstrength??" sabat naman nito.
Tumango lang ako.
May kung anu-ano siyang ginawa dun sa pendant ko at isinuot uli sa kin pagkatapos.
"O, may superstrength ka na."
"HUH??" halatang naguguluhan ako sa sinabi niya. Superstrength? Meron na akong
superstrength? Paano nangyari yun? O___o
"Stupid ka talaga. Ikaw may-ari ng pendant na yan tas hindi mo alam ang magagawa
nyan? Tss." he sarcasticaslly replied.
Aba! Malay ko ba. Pinasuot lang naman ito ni Lola sa kin.
"Kung makastupid ka, kaw na matalino. Psshh. -____-"
"Pero, talaga? May superstrength na ako??" tanong ko sa kanya with puppy eyes. *__*
"Nakikinig ka ba sa sinabi ko kanina?" he arrogantly said.
"Yehey! Wooo! Salamat Master! Mabait ka rin pala minsan!" niyakap ko siya.
"Whoaahh." O__O nagulat ako nang mabuhat ko siya. Totoo nga!
"Hoy, bitiwan mo nga ako." reklamo nito.
"Hihihi. Sorry, masaya lang. Hehehe! Thank you, Master! Babye!" lumabas kaagad ako
at iniwan siya. Kailangan kong pagsabihan sina Yna na hindi na ako magbabackout sa
team
May kabaitan din pala yung hinayupak kong master. XD
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Lumabas na nga siya sa CR at iniwan ako. Taena, iniwan lang ako. Tss.
Pero napangiti na lang ako bigla, ewan ko. Siguro, natutuwa lang ako sa babaeng
yun.
Siguro, tama nga si Mama. Kailangan ko lang buksan ang loob ko.
I have to move on.
*
Pagkatapos, lumabas din naman ako sa CR at naglibot-libot sa kung saan-saang parte
ng academy. May nagsisimula ng mga sports. Individual players nga lang.
Napansin ko naman si Matthew na may kausap na estudyante sa field. Ilang minuto
rin, umalis na yung estudyante.
"Sino yun?" panimula ko sa kanya.
"Naahh. Just a random student. Magsisimula na ba yung laro natin??" nakangiting
tugon niya sa kin.
I tried to read his mind but it's no use. Hindi niya tinatanggal ang proteksyon
niya. Kahina-hinala kasi siya these past few weeks.
"Hindi pa, mamaya pa." sagot ko na lang.
"Ah, ganun ba?? Sige, alis na muna ako Luris. Kita na lang tayo sa gym. Diba, mga
1pm pa magsisimula yung basketball tournament natin??"
Tumango lang ako.
"Sige, mamaya na lang. Adios." tumalikod na siya at nagsimulang naglakad.
"And yeah, no matter how you try, you can't read my mind." huminto siya nang
sabihin iyon at nagpatuloy kaagad sa paglalakad.
Matthew Spencer, you're mysterious.
***
CIERA SANCHEZ
"WOOOOOOOOOO!!! Go Ethan!!!"
"Stephen, talunin mo silaa!!!"
"Matthew mylabs! Wag na wag kang papatalo!"
"Luke! Fighting!"
"Prince Ace!!!"
Grabe! Mabibingi ako sa kakasigaw ng mga babaeng 'to. Paano? Nagsimula na yung
basketball tournament at game nila ni Stephen na dinaraos ngayon sa gym.
Hindi ko alam, may fansclub pala sila. Grabe! Lahat sila may cheerleaders. May mga
posters din.
Ganun ba kaadik ang mga nilalang rito??
"Mwuahaha! Matatalo kayo bago pa man makalaban niyo kami, Maiven! BOOOOO!!!"
sumigaw din si Yna. Imbis mainis, natatawa na lang sa pinaggagagawa niya.
"And the winner is, the Boys from the Special Section!" sabi ng referee.
"YEY!!"
"WOOOO!!"
Nagsisigawan na ang buong gym matapos yun inannounce.
Grabe talaga sila.
*
Nagsimula na nga yung laro ng team namin ni Yna laban sa isang grupo ng ibang year
level.
"Yna!! IDOL!"
"Nicole!! We LAB YOU!!
"Go Elle!!"
"Vivien, talunin niyo sila! Wag kayong magpapatalo."
Aba, may fansclub din sila. Grabe. Ang mga nasa special section lang ba ang may
fansclub?
Pero unfair! XD
Ang sakit naman, wala rin ba akong fansclub? =___= Wala atang nagchecheer sa kin
eh. TT_____TT
Di bale na nga lang.
Nang makuha ko yung bolang ipinasa sa kin ni Nicole ay kaagad ko itong ishinoot sa
ring.
Fortunately, pumasok na man siya.
Yey, naka-2 points ako. XD
Pero bakit ang tahimik ng buong paligid? Bakit wala ng sumisigaw? Bakit wala ng
nagchecheer?
Porket ako yung nagshoot, walang nagchecheer? (__ ____'')
"WOOOO!!! Go DOG!! Kaya mo yan DOG!! DOG! Astig nun!!"
Napalingon naman ako nang may sumigaw. Anak ng tinapa.
Si Stephen yung sumisigaw.
Walangya naman siya.
Imbis na nagchecheer mukhang pinapahiya niya tuloy ako. Tss. =_____=
Ilang minuto ring paglalaro, eventually, kami naman yung nanalo.
Hahaha! Ang saya pala ng feeling XD
Hanggang sa kami nga yung nanalo sa buong games para sa category ng Basketball
Girls pati rin naman ang team nina Matthew.
Sa huli kasi, kung sino yung mananalo na team sa bawat category ay siya ang
maglalaban for the final round.
Naku. Kami na ang maglalaban. >______<
"I'll be owning your body, Ms. Ciera Sanchez this night."
Bigla ko namang naalala yung kundisyon ni Stephen. Tae. Kinakabahan tuloy ako.
Paano nga kung manalo sila?? >__< Mawawala ang pinag-iingatan ko pagnagkaganun.
Pwes ipapanalo namin ang game na ito. >:))
Nandito na nga ang mga team namin sa quadrangle.
"Be ready this night, Ciera." biglang sumulpot sa likod ko itong master ko.
"Mukha mo, tss." inirapan ko lang siya.
Nagsimula nga yung game namin.
"Go Stephen!"
"Yna kaya mo yan!!"
As expected, mas lalong naging maingay ang buong gym kasi maglalaban ang mga idols
nila. =___=
"Uy, Stephen." napatingin naman ako kay na nang bigla niyang tinawag si Stephen.
Napatingin naman kaagad sa kanya yung mokong.
"Are you sure you gonna win?" she said while posing seductively. Na kay Stephen
kasi yung bola. Sineseduce ba niya si Stephen para madistract ito? O___o
Pero, okay na rin. Para matalo namin sila. XD
Nakapokerface lang yung mukha nung mokong at di pinansin si Yna. Kaagad niyang
shinoot yung bola sa ring at sa kasawiang palad, pumasok ito. =___=
Naka-3 points yung hinayupak na master ko.
Mahigpit yung laban namin. Saka ang nakakashoot ng marami sa team namin ay si
Nicole. Sa team namin nila ay si Stephen. =_____=
Hanggang sa 1 minute na lang natira para matapos yung game. 120-122 yung score
namin. Syempre, puro superstrength eh.
"Yna!" pinasa ko ang bola kay Yna. Kailangan namin makabawi. >_____<!!
Nakuha naman ni Yna yung bola.
"Papa Luke! Ipanalo mo para sa min ha??" may dalawang babaeng na nasa gilid lang ng
court ngayon na chinecheer ata si Luke.
"Sure." ngumiti naman yung loko. Lumalandi na naman.
Haisstt. Babaero talaga. =_=
Napansin ko naman si Yna na nanlilisik na naman ang mga mata niya, "LUKE!!!" sigaw
nito at binato ang bola kay Luke. Natamaan naman ito at napaupo.
"Oie!! Yung bola!!" sigaw ko. Kay Luke ba naman ibato?!
Kaagad akong lumapit sa kinaroroonan ni Luke at nakahigang kinuha yung bola.
=__=
Umepal naman itong master ko at siya tuloy nakakuha sa bola. KAINIS!! Matatalo
kami. >____<
Nabigla naman ako nang inabot niya sa kin ang kamay niya, "Tumayo ka." sabi nito.
Hinawakan ko rin naman ang kamay niya at tumayo. "S-salamat. Y-yung bola pala."
He suddeny put his tongue out. "Sino bang nagsabi na ibibigay ko sayo yung bola?
Manigas ka!" XD he replied. Shinoot kaagad niya yung bola at saktong naka-3 points
na naman yung mokong.
Nag-zero na nga yung time.
"And the winner is, the Boys from the Special Section!" sigaw nung referee.
"YEEYYY!!!"
Naging maingay na naman yung buong gym.
"Paano yan, kami yung nanalo??" nagsalita agad siya.
=____=
Naalala ko na naman yung sinabi niya, "I'll be owning your body, Ms. Ciera Sanchez
this night."
Kinikilabutan ako. >___<
Lord, please, I need your help.
***
VIVIEN WALKER
Pagkatapos ng klase, umuwi na kaagad ako. Wala naman kasi akong gagawin dun kung
magtatagal pa ako. Saka ang lahat na binigay sa kin na trabaho ni Stephen ay nagawa
ko na.
Umupo na lang ako sa kama ko at napatingin sa wall clock. "6:35pm na pala."
"Vivien.."
Nagulat ako nang may nagsalita.
Si..
Gerard..
"A-anong ginagawa mo rito??" napatayo ako. This can't be. Kung ganun, siya talaga
si Gerard??
"Kamusta ka na??" tanong niya sa kin in his angelic voice. Lumapit siya sa kin.
"Diba patay ka na?!" sigaw ko at umatras.
"Buhay ako, Vivien." hahawakan sana niya yung kamay ko. "Don't touch me!" suway ko.
"Bakit? Bakit ka pa bumalik??" naiiyak kong tanong sa kanya.
"Dahil may kailangan akong gawin.. dahil mahal kita, Vivien." sagot naman nito.
"Bakit?! Bakit mo ko iniwan??!" inabot ko ang kwelyo niya.
"Kinakailangan Vivien.. I'm sorry.."
"Bakit Gerard?? Bakit kailangan mong gawin ang lahat ng ito?" napaupo na lang ako
sa sahig at mas lalo pang naiyak.
"Dahil sa mga Maiven.. Kaya nagkawatak-watak ang mga Spencer.." sabi naman niya.
"Ayokong mawalay na sayo, Vivien. Sumama ka sa kin.. ibagsak natin ang mga Maiven."
puno pa niya at inabot sa kin ang kamay nito.
Tinabig ko naman ito, "I won't Gerard! Just get out!" sumigaw ako.
"Hmm.. Please take care." tuluyan na nga siyang umalis.
***
CIERA SANCHEZ
"Ilock mo yung pinto, dog." utos sa kin nitong hinayupak kong master. Nilock ko
naman kaagad yung pinto. Ngayon, kami na lang dalawang dalawa sa kwarto niya.
O, Lord, huwag naman sana. >____<
Lord, bakit si Stephen pa? Sana si Matthew na lang.
Bigla namang tinanggal ni Stephen ang tshirt niya. Ngayon, nakamuscle shirt na lang
siya.
>///<
"Hoy! Kung anong pinaplano mo, maghugasdili ka! Tae ka naman eh!" react ko at
pinapawisan na rin. =_____=
Papalapit ng papalapit naman siya sa kin kaya napasandal ako sa pader. Napapikit na
lang ako.
Bahala na. >_<
"HAHAHAHA!" naimulat ko na lang ang mata ko ng tumawa ang lalakeng ito. =_____=
"ASSUMING! HAHA!" tumatawa pa rin siya at ngayon, nakahawak pa sa tiyan niya.
=________________________________=
"Walangya ka talaga kahit kelan!" sumbat ko naman sa kanya na ngayon, umuusok na sa
inis. >__<!!
"Haha, ikaw naman. Joke lang yun. Tara, manuod tayo ng mga movies na pinabili ko
kay Herbert. Wala kasi akong kasamang manunuod eh." sabi naman nito at kinuha yung
remote para i-on yung TV.
Ewan ko talaga sa lalakeng 'to.
__________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 15
CIERA SANCHEZ
Matamlay akong pumasok sa council room namin. Tae talaga itong master ko eh.
=_____=
Pero milagro. O___o Hindi na niya ako ginising ng maaga tas hindi na rin siya
sumabay sa kin ngayon papuntang school.
"Ciera!!" (~~ >u<)~ sinalubong naman kaagad ako ni Yna nang nakapasok na ako.
"Sorry talaga sa nangyari kahapon. Dahil sa kin, natalo tuloy tayo. Okay ka lang
ba?? Ginalaw ka ba ni Stephen??" >__<'' pag-aalala niyang tanong sa kin.
Haisstt. Naasar na ako sa lalakeng yun eh. =___=
*FLASHBACK*
Kagabi.
"Ayan na siya! Ayan na siya! WAAAAAAAAAAA!!!" sumisigaw-sigaw ako habang nanunuod
kami ng isang horror movie. >_____< Nakakatakot talaga. Parang ako yung hinahabol
nung multo. Coming Soon ata yung title ng movie na pinanonood namin eh. Tapos
nakakatawa nga lang, Shomba yung pangalan nung multo. XD
"AHHHHH!!!" sumigaw na naman ako. Ngayon, napakapit pa ako sa braso ni Stephen.
Siya naman kasi eh. >____< Pinasama niya akong manuod ng horror movies. Mas mabuti
na lang siguro na nirape niya ako. Hehe, joke lang. ^____^V
"HOY! WAG KA NGANG KUMAPIT SA KIN!" reklamo naman nito sabay kuha nung kamay ko.
"Waaa! Ayoko na talaga Stephen! Aalis na ako!" >__< kaagad akong tumayo.
"Gusto mo ata magahasa eh." he gave me an evil grinned at saka tumayo.
Napaatras naman ako (=__='') "K-kung ikaw na lang kaya mag-isa ang manuod??" sabi
ko naman at parang kinakabahan din.
"Gusto kong may kasama ako. Gusto kong may utus-utusan ako. Bakit ba?" sarkastikong
reply naman nito.
Napatingin naman ako sa TV at timing naman na naging mukha ni Shomba ang buong
screen.
"AHHHH!!! Stephen!!" >________________<!! Tinuro ko yung screen kaya napatingin
naman siya.
"O, ano naman kung ganun?" nakapokerface niyang sabi sa kin. =__________________=
Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari basta nahimatay na lang ako.
Pagkatapos, nagising na lang akong nakahiga sa kwarto niya.
=________________________=
*END OF FLASHBACK*
"O-okay lang ako, Yna." palusot ko. Hindi ko talaga alam eh! Naguguluhan ako. >__<
Baka pinagsamantalahan niya ako kagabi pero imposible! Suot ko pa nga rin yung
uniform ko sa pagtulog eh tapos hate na hate ako ng master ko kaya hindi pwedeng
mangyari yun.
Think positive, Ciera! AJA! *\(*O*)/*
"Buti naman." bumuntong hininga si Yna. "Oo nga pala, Ace, anong program natin this
day?" tanong naman nito kay Ace na ngayon, nagbabasa lang ng libro sa table niya.
"Huh? Yung pageant. Mr. and Ms. Spencer Academy pero sa hapon pa naman." sagot
naman nito. Actually, lima lang kami nandito sa room ngayon, si Ace, si Vivien, si
Ethan tas ako at si Yna. Ewan ko kung nasaan na yung iba. Saka akala ko ba umuna na
yung walangyang master ko? Eh bakit wala rito?
Bahala siya.
"Ahh.. Kung ganun.." tumingin naman sa kin si Yna na parang may gagawing masama.
O___o
Ayan na naman, gumagana na naman ang sakit niya.
"Ciera!! Ikaw ang magiging muse ng section namin! Hoho!" sabi naman nito.
HUH??
..loading..
"ANO?! Bakit ako?! Kung ikaw na lang kaya?!" react ko. Bakit naman magiging ako? Eh
di siguradong talo na sila.
"Haha, okay lang yan! Boring na kasi kung si Vivien at si Ethan na naman ang
magiging pambato namin. Kaya ikaw naman! Tutal, bago ka pa lang dito sa academy."
XD reply naman nito.
>____________<
"Ayoko! Ayokong mapahiya!" >__<!
"Please?? Pretty pretty please??" *___* pagmamakaawa naman sa kin ni Yna na ngayon,
nakapuppy-eyes pa siya.
Tae naman e! =_____=
"Ayoko talaga Yna!" sabat ko naman.
"Hey guys--"
"Matthew!!" tinawag ni Yna si Matthew nang dumating na ito sa council room. "Ikaw
naman ang magiging prince charming namin sa pageant, sige na?" pamamakaawa naman
nito kay Matthew.
Si..
Matthew??
"S-sige, Yna! Payag na ako maging muse!" XD nagsalita kaagad ako. Kung si Matthew
pala ang magiging partner ko eh di gora na. Sayang opportunity eh.
"Yay! Salamat talaga Ciera! Magprapractice na tayo ngayon! Tutal, mamaya pang hapon
ang pageant." hinawakan niya kaagad ang dalawa kong kamay.
"Okay lang sayo, diba, Matthew??" tanong naman nito kay Mattheew/
"Haha, oo naman. It's an honor to be Ciera's escort." nakangiting tugon naman nito
sa kin.
0///0
Anubeyen. Kinikilig naman ako sa mga sinasabi niya. *______________*
"Sige, magsisimula na tayo, Ciera!" XD
"Nga pala, guys, aalis muna ako ngayon, may aasikasuhin kasi ako about school
stuffs sa ibang schools dito sa lugar natin. Kailangan kasi natin makipaghalubilo.
Okay lang ba? Don't worry, babalik ako mamayang hapon. Makakasali pa rin ako sa
pageant." bigla namang nagsalita si Matthew.
Aalis siya? :((
Sayang, hindi ko siya makakasama sa pagprapractice namin.
"Sige, ingat na lang." Ace
"Pasalubong pare ha?" Ethan
"Haha, susubukan, geh alis na ako. Mamaya na lang Ciera." he smiled. *O*
"Hoy, Spencer! Bumalik ka ha! Kundi gigilitan kita." sabi naman ni Yna.
"Haha, oo. Bye." tuluyan na ngang lumabas si Matthew.
Sayang, wala akong inspirasyon ngayon. =_____________=
"Tayo na Ciera! Sa room tayo magpractice kung paano rumampa!" XD sumabat naman
kaagad si Yna.
*
"Teka, Yna, mag-ccr na muna ako ha?" sabi ko kay Yna nang binuksan na niya yung
pinto ng room namin. Di ko na talaga kaya eh.
"O, sige, bilisan mo ha? Maghihintay lang ako rito."
Kaya naman kaagad akong pumunta sa CR at nilabas ang lahat ng toxic waste.
Pagkatapos, sa hindi sinasadyang paglabas ko sa isa sa mga cubicle, nasalubong ko
si Elle. Malungkot pa rin yung expression ng mukha niya.
Dinaanan lang niya ako.
Hindi ko siya matiis kaya lumingon ako sa kanya at nagsalita, "Elle, galit ka ba sa
kin?"
Napahinto naman siya at napatingin din sa kin.
Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya, "Gusto kong bumawi sayo, diba gusto mo si
Stephen?"
Tumango lang siya pero iniiwasan akong tignan.
"Kung ganun, tutulungan kita. Please, pumunta ka sa room ng mga 1pm. May sorpresa
ako para sayo tungkol dito." nakangiting tugon ko sa kanya sabay hawak ng kamay
niya.
Nakatingin lang siya sa kin na halatang naguguluhan.
"Aasahan ko yun ha? Pupunta ka sa room ng mga 1pm. Sige! Babye Elle!" niyakap ko
muna siya at lumabas na sa CR.
Sasabihan ko rin si Stephen tungkol dito na pumunta sa room pag-1pm na. Hahanapin
ko siya pagakatapos ng practice namin ni Yna tapos ilolock ko yung pinto ng room
para silang dalawa na lang ang matitira. XD Yun lang kasi naiisip kong paraan eh.
Pero..
..bakit parang masakit yung nararamdaman ko??
*
"Ganyan nga Ciera! Ang galing mo, nakuha mo kaagad yung tinuro ko!" XD pumalakpak
pa si Yna matapos sabihin yun. Tinuruan niya kasi ako kung paano maglakad kapag
nasa stage na.
Bigla namang bumukas yung pinto ng room at tumambad sa paningin namin si Stephen.
"O, anong ginagawa niyo?" tanong naman nito nang makita kami ni Yna na
nagprapractice para sa pageant.
"Haha, nagprapractice kami para sa pageant mamaya. Si Ciera kasi yung muse tapos si
Matthew naman ang prince charming!" sagot naman sa kanya ni Yna.
Tinignan lang ako ng masama ng hinayupak kong master. "Tss, matatalo kayo."
Ano raw? =__=
Talaga bang ganito siya ka killjoy? Lahat na lang atang ginagawa ko ay panget sa
paningin niya.
"Hoy, di ko kailangan opinyon mo." sarakastikong reply ko naman at binehlatan siya.
>:P
"Oy, Maiven! Tignan mo muna kung anong tinuro ko sa kanya. Mapapanganga ka talaga!"
confident naman na sabi ni Yna kay Stephen.
"Sige nga." umupo naman ito sa chair na malapit lang sa min.
"Sige, Ciera! Rampa na!"
At ganun nga, naglakad ako na parang pangmodelo.
"O, ano Maiven? Anong masasabi mo?" tinanong kaagad siya ni Yna.
"Tss. Panget. Baduy."
=______________________=
"A-anong baduy?!" naiinis na naman ako sa kanya! >___<
"Siyempre ikaw. Sino pa ba?" sarakastikong sagot naman nito. Aba!
"Sige, ulitin mo dog. Ulitin mo!" pang-aasar na sigaw nito.
"A-anong sabi--"
"I'm your master, right? Sige, ulitin mo!"
=___= Dahil wala akong choice, sinunod ko na lang yung gusto niya. Pasalamat sya.
*
Nakakainis na talaga!
Ilang ulit niya akong pinapabalik-balik sa pinaggagawa namin ni Yna. Tiglilimang
beses niya ako pinapaulit sa bawat steps na tinuturo sa kin. Isang dosenang steps
din yun, you know? >___<
"Hoo! Buti tapos na rin tayo Ciera! Sige, sumunod ka sa kin! Hahanapan kita ng
isusuot mo sa pageant!" kaagad lumabas si Yna sa room. Parang siya pa yung excited
kesa sa kin eh. xD
Bubuksan ko na sana yung pinto para makaalis na rin ako nang..
"DOG."
"O, ano?!" galit kong sabi sa kanya. Ano na naman ba kailangan ng lalakeng ito?
"Yung.. kagabi pala.."
O____O
"Walang nangyari sa atin kagabi! WALA! WALA!" kaagad akong sumabat. Wala, please
Lord. Please. Kahit matalo ako sa pageant, basta walang nangyari sa min kagabi. Yun
lang naman hinihiling ko.
"Paano kung meron?" he smirked.
"Hoy! Wala! Wala noh! Ihahagis ko sayo 'tong vase eh!" sabi ko naman.
Tumawa naman siya bigla.
"HAHA! Assuming talaga! HAHAHA!"
Nakakainis talaga siya! >___<
"Ewan ko sayo!" binuksan ko kaagad yung pinto pero napatigil ako nang maisip ko
yung pangako ko kay Elle. "Saka nga pala, Stephen. Wag kang aalis dito hanggang
1pm. May importante akong sasabihin sayo." puno ko at saka lumabas na sa room. Sana
hindi siya aalis.
*
Nagtatago lang ako sa isang sulok na malapit sa room namin. Hinihintay ko na
papasok si Elle sa room. Nakita ko kasi si Stephen dun na hindi pa rin umaalis.
Buti naman sinunod niya yung sinabi ko.
Napansin ko naman na dumating na nga si Elle at pumasok na sa room.
Pagkapasok ng pagkapasok niya, kaagad akong pumunta sa pintuan at nilock ito.
Nilock ko silang dalawa.
Sana magiging effective yung plano ko.
Please cooperate Stephen.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Raven.." napatayo ako sa kinauupuan ko nang tumambad si Elle sa paningin ko. Bakit
siya ang dumating??
Bigla namang may naglock sa room.
Well, is this what Ciera want to happen? Nilock pa niya kami eh kahit anong oras,
mabubuksan namin yung pinto kasi may superstrength kami. Stupid.
"Anong ginagawa mo rito?" I said coldly.
"Stephen.." naiiyak na naman siya.
"Please, Raven. How many times did I told you? I can't love you." katwiran ko naman
sa kanya.
Napangiti na lang siya at pinunas ang mga luha niya gamit ang mga kamay nito.
"Hindi ka pa rin nagbabago." natatawa niyang sabi sa kin.
"Pero.. gusto ko lang naman na magkaayos tayo, Stephen. Alam kong.. kahit kelan,
hindi mo ko mamahalin.."
Natahimik lang ako sa sinabi niya, "I'm sorry." ang mga katagang tanging nasambit
ko.
Umiling-iling naman siya, "Ako dapat humingi sayo ng sorry eh. Pinagpipilitan ko
kasi ang sarili ko sayo."
"Pinipilit kitang mahalin mo ko.."
"Pero alam mo ba, masaya rin ako kasi nanjan si Ciera.. Kahit medyo nalulungkot ako
sa nangyayari sa atin, lagi siyang nanjan para sa kin kahit hindi ko na siya
masyadong pinapansin." puno naman nito.
"Ang swerte nung lalakeng mahahalin niya kasi.. ang bait niya."
"Alam mo ba, siya ang nagplano nito." ^___^
"Nag-effort talaga siyang tulungan ako to make it up to you. Napapayag ka pa niyang
pumunta rito." nakangiting tugon niya sa kin.
"Napakabait niyang kaibigan.. She's a true friend."
"Kaya.. Stephen.."
Napatingin naman ako sa kanya.
"Ingatan mo siya, ingatan mo si Ciera."
***
CIERA SANCHEZ
[A/N: Pwede fast-forward? lol]
"KISS! KISS!" sigaw nung audience sa min ni Matthew. Hind ko naman talaga aakalain
na kami yung mananalo eh. Ang dami kayang mas maganda pa sa kin dito.
"KISS!" sigaw pa nila.
Napatingin naman ako kay Matthew at gayundin siya sa kin. Nakakailang naman.
"KISS!"
"Ah.. eh.." >///> nakakailang talaga! Kiss agad-agad? >____<
"Haha, paano yan, Ciera. Nagrerequest sila ng kiss eh." natatawang sabi sa kin ni
Matthew.
"Ha?? Eh.. Matthew.." Ano ba naman 'to! Nakakahiya! Oo, minsan, lumalandi ako sa
mga crush ko pero.. nakakahiya eh! PDA kasi! Tas.. >///< si Matthew pa na ultimate
crush ko rito.
"Ciera.."
"HAA??" Hinawakan naman nito yung mukha ko ng dalawang palad niya.
Nagulat naman ako nang inilapit niya sa kin ang mukha niya.
Papalapit na.. 0///0
Ramdam ko na rin yung hininga niya.
1 inch...
0.5 inch..
Bigla namang may humila sa kin at nagsarado kaagad ang stage dahil sa mga curtains
na nakatabon.
Tinakpan kaagad ng kung sinong tao ang pananaw ko.
EPIC FAIL na naman! Hindi natuloy yung kiss namin ni Matthew/
>__< Sayang!
Hindi pa rin binibitawan nung mamang ito ang kamay niyang nakatakip sa paningin ko.
Dinala pa niya ako sa isa sa mga sulok ng stage kung saan wala masyadong tao, sa
tingin ko. XD
"HOY! Bitiwan mo nga ako!" kinuha ko yung kamay na nakatakip sa mata ko. Laking
gulat ko nang makita si Stephen.
Siya na naman? =___=
Bakit ba ang epal niya?!
"Ikaw na naman?! Bakit ba lagi mong pinipigilan ang pagiging masaya ko? Bakit
killjoy ka na naman?! Malapit na sana yun e! Umepal ka pa!" sabi ko sa kanya.
"Bakit mo yun ginawa?" tanong niya sa kin at naging seryoso na yung mukha niya.
"H-ha? Ang alin??" >__< Sa tingin ko yung kanina.. Eiikk! Hindi ba siya
nakipagcooperate kay Elle? T^T Kung ganun pala, mission failed ako.
Bigla niyang nilagay ang dalawang kamay niya sa pader para hindi na ako makatakas.
"Bakit mo yun ginawa? Ha?!" ngayon, nanlilisik na ang mga mata niya, nakakatakot na
itong tignan.
Jusko po.. >____<
"Bakit?!" mas tinaasan pa niya ang boses niya.
Bakit ba ang sungit niya?? Bakit ba ganyan siya sa kin??
Napaiyak na lang ako, natatakot na ako sa kanya, "Gusto ko lang namang tulungan si
Elle eh.. Kasi.. nasasaktan siya.. kaya sa pamamagitan ng ginawa ko.. baka
mababawasan yung lungkot na nararamdaman niya." sagot ko sa kanya at iniiwasan na
tignan ang mga mata niya. Umiiyak na nga ako.
"Gusto ko lang namang.. maging masaya siya.."
"Ciera.."
Nagulat naman ako nang hinalikan niya ang noo ko, "Tayo na." nakangiting tugon nito
sa kin ang ginulo ang buhok ko.
Stephen.. Ewan ko talaga. Naguguluhan ako sayo.
***
GERARD BLANCO
"Bukas na yung masquerade, mga pre. Maghanda na kayo." sabi ko sa mga kabandmates
ko while smirking.
Kinuha ko yung maskara sa mesa na gagamitin ko sa masquerade ball nila bukas.
We will meet again, Ciera Sanchez.
______________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 16
MATTHEW SPENCER
"Magsisimula na ngayon." sabi ko sa sarili ko sabay kagat sa hawak-hawak kong
mansanas. Nandito ako ngayon sa balcony ng bahay. Pinagmamasdan ang kawalan.
Hindi ko naman talaga gugustuhin na mangyayari ito.
I value.. my friends. Everyone.
But to restore the sanctity of my family, the Spencers..
I have to do it..
Even if killing my own race is the consequence.
"I'm sorry, but I don't have any choice."
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Napatingin na lang ako sa white rose na nasa jar na bigay sa kin nuon ni Gaile.
It was glowing.
Hindi ko na natuloy yung pagsuot ko sa white polo ko dahil kinuha ko kaagad yung
jar at tinignan.
"Bakit kaya??" tanong ko.
Magsisimula na kayang magtanggalan ang mga petals nito? Pero hindi pa naman.
*TOK!TOK!TOK!*
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at tumambad sa paningin ko si Yna kasa-
kasama si Ciera.
"O? Bakit ka nandito??" naiirita kong tanong sa kanya. Aaminin ko, minsan naiirita
na ako sa babaeng yan.
"Hoho! Hihiramin ko ulit sayo si Ciera, Stephen! Pupunta kami ng mall at maghahanap
ng isusuot niya para sa masquerade ball natin this night. Tutal, umaambon naman
kaya, okay lang!" ^___^V masayang tugon niya sa kin habang nakakapit sa braso ni
Ciera.
"Ah.. eh.. Yna, tumigil ka nga." sabi naman ni Ciera sa kaibigan.
"Oie, Maiven! Pwede ba?"
Tinignan ko naman si Ciera na nakayuko lang. "O, sige. Basta, uuwi kayo agad."
sagot ko na lang.
"Yay! Salamat! Mabait ka rin pala minsan, sige, alis na kami." kaagad silang
lumabas sa kwarto.
At hanggang ngayon, umiilaw pa rin yung white rose, ano kaya ibig sabihin nito?
***
CIERA SANCHEZ
"Yan Ciera o!" tinuro ni Yna yung red cocktail dress na katabi nito ay ang pulang
maskara rin. Tamang-tama lang siya para sa masquerade ball namin this night.
"H-ha?? Teka.." tinignan ko naman ang presyo nito.
(__ _____'')
Ang mahal. 20 000 para sa damit na yun? Eh parang walang pinagkaiba sa mga iba pang
damit. Mas maganda pa ata yung dress na binili sa kin ni Mama nung graduation ko sa
elementary eh.
"Bilhin mo na!" nakangiting tugon sa kin ni Yna.
Mo? Ako yung bibili? Akala ko ba libre? >_____<
Siya pa nga yung nagyaya sa kin dito eh. Tas wala man lang ako kapera-pera.
Paano ako makakalusot dito? =_____________=
"Eh.. Yna.. Ang.. mahal kasi.." naiilang na sabi ko. Nakakahiya naman kasi. >__<
Akala niya siguro kasing yaman din nila ako. TT__TT Ako lang ata ang mahirap sa
room namin eh.
"Ano ba! Okay lang yan! Wag ka nga kuripot jan!" reklamo naman nito.
Paano nga ako magiging kuripot? Eh wala naman akong pera. Tss.
"Pero.. Yna--"
"I'll buy it for you." napatigil naman kami kaagad ni Yna nang may nagsalita.
Parang foreigner. Yung kutis at buhok kasi niya eh. Blonde yung buhok niya at
parang may kakaiba siyang aura.
"Hala, naku sir! Hehe, wag po, nakakahiya eh." sabat ko. Talaga naman eh. >__<
Mangungutang ako sa isang taong di ko kilala. Tapos nakakahiya naman na siyang yung
bibili ng dress, ang mahal-mahal kaya.
"Haha, I insist. Wait, miss!" reply naman nito at tinawag yung saleslady.
"Yes, sir?" tanong nung saleslady sa kanya nang dumating na ito.
"I'll buy this one, use this." sabay abot nung credit card nito sa babae.
"Naku, sorry talaga. Pasensya na. Kaso.. wala akong pambayad eh." sabi ko naman at
yumuko.
"Haha, Ciera, ano ka ba!" bigla naman nagsalita si Yna. "Salamat talaga kung sino
ka man. Alam mo kasi, napakakuripot nitong kasama ko. Buti binili mo na lang."
"No problem." tumingin naman sa kin yung lalake. Ommo!
*_____*
Ang astig ng mga mata niya. Nakakamangha.
"Ito na po yung damit sir. Thank you." sumulpot naman yung saleslady at inabot sa
lalake yung paperbag na ang laman nito ay yung damit na binili niya.
"Thanks too. Eto na pala miss." nakangiting sagot niya sa kin.
"Salamat talaga. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran." nakakahiya talaga sa
kanya. Saka, hindi ko alam kung paano siya babayaran. Wala naman akong pera na
kasing laki nung presyo ng damit.
"Don't be. Sige, I have to go. Nice to meet you." pagkasabi niya nun sa kin,
tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad.
Bigla naman siyang huminto at lumingon sa kin, "We will meet again." pagkatapos
nun, naglakad ulit siya.
We will meet again?? Anong konek? O__o
Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari.
"Ciera! Ang cool niya!" *___* bigla namang nagsalita si Yna.
"HA?" O__o
"Sa tingin ko, magiging crush ko siya! Kyaa! Bahala na si Luke." XD
"Adik." napatawa na lang ako.
*
[Play the music on the right side ===========>]
Nagsimula na nga yung masquerade ball. 8pm kasi magsisimula yung program proper and
now, everyone is with their gorgeous and beautiful evening cocktails and tuxedos
while wearing their cool masks. Tanging ilong at mga bibig lang ang makikita mo.
Elegant na elegant yung ball. >___< Nakakailang naman.
Pinatugtog nila kaagad yung music. Actually, my orchestra sila.
May iba namang nagsimula nang magsayaw. Nakikita ko rin yung mga classmates ko na
nagsisimulang sumayaw na rin sa gitna, sina Vivien at Ethan. Pati na rin sina Yna
at Luke.
"Haisstt. Ganito ba talaga ang feeling kapag hindi ka mayaman?? Tss." =___= sabi ko
sa sarili ko. Nandito lang ako sa isang table na nasa isang sulok ng quadrangle. Sa
academy kasi ginanap yung ball. Saka, ako lang mag-isang nakaupo rito kasi yung
hinayupak kong master, iniwan ako dahil may importanteng gagawin pa raw siya.
Suot ko na rin yung biniling cocktail dress nung Mr. Stranger.
"Boring naman.." pinaglalaruan ko na lang yung bulaklak sa vase sa gitna ng table.
Kaagad kong isinubsob ang mukha ko sa mesa. "Bahala na."
"Well.."
Iniangat ko naman ulo ko nang may nagsalita. Lalake. Pamilyar yung boses niya.
Bakit ba kasi nila naisipan na magmaskara pa? Yan tuloy, hindi ko sila nakikilala.
"HUH??" O__o
"Well, if you mind, may I?" yumuko siya sabay abot sa kin ng kamay niya.
"Ah.. eh.." +____+

"Ciera, come'on. Minsan lang ako nakikipagsayaw."


That voice..
"ACE??!" halatang gulat na gulat ako. Kaya pala pamilyar yung boses eh.
"Haha, you've got me. So, shall we dance?" nakangiti niyang sabi kin.
"Ah.. S-sige.." tumayo na ako sa pagkakaupo ko at inabot din kay Ace ang kamay ko.
Naglakad nga kami papunta sa gitna. Pagkatapos hinawakan niya ang bewang ko habang
yung kanang kamay ko ay nasa balikat niya. Magkahawak naman yung kaliwa't kanang
kamay namin.
"Bakit naman akong naisipan mong isayaw, Ace? Baliw ka ba??" natatawang tanong ko
sa kanya habang kasayaw siya.
"Haha. Hindi ba pwede?? Well, I just want to thank you for everything Ciera.
Salamat sa advice mo sa kin nuon kahit hindi naging kami."
Ngumiti naman ako, "Ano ka ba, wag kang mawalan ng pag-asa Ace."
"Susubukan."
"Nga pala, hindi mo ba isasayaw si Elle??" curious na tanong ko.
"Hmm, mamaya na. Ikaw muna ang isasayaw ko."
Sumayaw lang kami ni Ace at lumipas ang ilang minutong pagsasayaw..
"Ace, sige na. Isayaw mo siya." binitawan ko na si Ace nang makita ko si Elle na
nag-iisa sa isang sulok.
"Ciera.."
"Okay lang ako. Puntahan mo na siya." nakangiting tugon ko sa kanya. Umalis naman
agad siya at iniwan ako. Hayyss.
Babalik na sana ako sa table ko nang biglang may nagsalita, "May I dance with you?"
napalingon naman kaagad ako.
Pamilyar na naman yung boses niya pero parang.. hindi siya classmate ko. Parang
ngayon ko lang narinig ang boses niya. Inabot naman niya ang kamay niya sa kin.
"H-ha? S-sige."
***
VIVIEN WALKER
"Is there something bothering you??" tanong sa kin ni Ethan habang sumasayaw kami
rito sa gitna.
Hindi ko alam pero parang may nararamdaman akong may masamang mangyayari.
"W-wala naman." sagot ko.
"You're lying."
Napatigil naman ako sa sinabi niya at napatingin sa mga mata nito. Seryoso siya.
Iniwasan kong tignan ang mga mata niya at tumingin na lang sa gilid.
"Just tell me kung ayaw mo na. We'll stop." seryosong pagkasabi niya sa kin.
"I'm sorry Ethan.." tanging naibulalas ko. Malaki ang utang na loob ko kay Ethan.
Simula nung mawala si Gerard, si Ethan na ang laging nandiyan para sa kin.
***
CIERA SANCHEZ
Sumasayaw na kami ng misteryosong lalakeng ito sa gitna. Tahimik na tahimik lang
kami habang nakikisabay sa tinutugtog na musika ng orchestra.
Saka parang foreigner itong kasayaw ko. Iba kasi yung accent niya nang uminglish
eh. Parang pang british.
Pero sabagay, lahat naman ng mga estudyante rito ay parang mga foreigner din.
"Kamusta ka?" bigla siyang nagsalita.
Alleluia. Buti nagtagalog siya. Manonosebleed ako nito kapag uminglish siya ulit
eh.
"H-ha? Okay lang ako. Hehe."
"Good." itinaas niya kaagad ang kamay niya at pinaikot ako sa pagsayaw.
Pagkatapos, binitiawan na rin niya ako. "Thanks for the time. We will meet again,
Ms. Ciera." sabi niya at umalis na rin.
O__o
"Sino kaya yun?"
"Oyy, Ciera." bigla may tumapik sa balikat ko.
"Oy! Matthew, ikaw pala yan." nakangiting tugon ko sa kanya. Kahit nakamaskara
siya, sa boses pa lang niya, kilalang-kilala ko siya. XD Ganyan ako kaadik kapag
crush ko eh.
"Bilis naman, nakilala mo kaagad, ako? Haha, well, may I take your hand?" yumuko
siya at pormal na inabot sa kin yung kamay niya.
"My pleasure. Hehe! Oie, Matthew! Hindi ako marunong sumayaw e!" inabot ko rin sa
kanya yung kamay ko at nagsimula na rin kaming sumayaw.
"Ok lang! Ako rin naman." XD natatawang sabi niya rin sa kin. Ang astig ng suot
niyang tuxedo.
Dream come true na naman, nasayaw ko ang crush ko. >___< *O*
"Saka nga pala, Ciera. Ang ganda ng suot mo."
"Haha! Utang nga lang ito." natatawa kong sabi sa kanya. Salamat sa gwapong
stranger na yun.
"O, saan na pala si Stephen, ang master mo??"
=___= "Pakielam ko dun, ewan ko. Baka naglalandi jan sa tabi-tabi." sagot ko naman.
Bakit si Stephen na naman?
Ilang minuto rin ang lumipas, huminto na rin si Matthew sa pagsasayaw sa kin, "Good
luck, Ciera." he said and left me.
HUH? Good luck? Bakit ba??
***
ELLE RAVEN ASHTON
Kasayaw ko ngayon itong di ko kilalang lalake. Pero pamilyar yung boses niya.
"Malungkot ka ata." panimula niya habang sumasayaw kami.
"Ha? Hindi naman." sagot ko at ngumiti. "Alam mo, may hinihintay akong tao.." puno
ko naman.
"Hmm?"
"Hinihintay ko siya.. kasi.. gusto kong humingi ng tawad sa kanya.. sa pagiging
rude ng pakikitungo ko sa kanya. Hindi ko rin naappreciate ang lahat ng ginawa niya
sa kin. Sana hindi pa huli ang lahat."
"Sino ba siya?" tanong nitong kasayaw ko sa kin.
"Si Ace." Oo, hihingi ako ng tawad kay Ace.
Napansin ko naman na ngumiti siya, "Mapapatawad ka niya. Sigurado ako."
***
CIERA SANCHEZ
"Haisstt. Amboring naman." =___= sabi ko sa sarili ko at naglakad na papunta sa
table ko. Wala na kasing umalok sa kin ng sayaw eh. XD Pero at least, naisayaw ko
yung crush ko, si Matthew.
"Ayun o!" sabay turo ko dun sa isang waiter na may dala-dalang tray, juice ata.
Yellow kasi yung color eh. May yellow bang dugo? Wala naman siguro.
Pupuntahan ko na sana yung waiter nang may nagsalita, "DOG."
"ANAK NG BUTIKI!" napasigaw ako at sumulpot itong lalakeng 'to sa harapan ko.
Nakawhite tuxedo siya at nakamaskara. Sino pa bang lalakeng tatawag sa kin ng
'DOG'? Eh di yung hinayupak kong master. Tss. =_=
Pero ang astig niya sa tuxedo niya. Siya lang kasi ang nakaputi. XD
"O? Ano na naman ang kailangan mo?" sarkastiko kong reply sa kanya. =__= Magiging
badtrip na naman ako nito.
"Inuutusan ko ang alipin ko na.." panimula niya.
Ayan na naman, inuutusan na naman niya ako. =___= "O, anong i-uutos mo sa kin?"
sumabat kaagad ako. Ayoko ng magreklamo. Katamad ng umaway sa kanya eh. Ayokong
masira ang gabi ko dahil sa kanya.
"I command you to dance with me."
O_o
.. loading..
"HA?!" O__o halatang naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
"Stupid ka talaga kahit kelan." nakapokeface naman nitong reply sa kin. Bigla naman
niya akong hinila. Nilagay niya yung mga kamay ko sa balikat niya at hiniwakan niya
rin ang bewang ko.
"H-hoy!" napakaawkward naman. 0///0
"Iniwan lang kita rito ng ilang oras, tas makikita ko na lang na lumalandi ka na
naman." puno pa nito.
"Grabe ka. Wala ka namang sinabi sa kin na hindi ako pwedeng sumayaw sa iba. Tss."
reply ko naman sa kanya.
"Haha, saka nga pala, mukhang babae ka na sa suot mo ah." he smirked.
"Kailangan ko bang tumawa?" =_______=
"Pwede rin." he said while putting his tongue out.
"Alam mo, nakakainis ka." puno ko.
Ngumiti lang siya tapos naging tahimik na kaming dalawa. Ang tinutugtog ng
orchestra lang ngayon ang naririnig namin.
"Salamat." he broke the silence.
"HUH?" O__o naguguluhan ako sa inaasta ng lalakeng ito. Nababaliw ba siya?
"Kahit stupid at slow ka, salamat."
"Nababaliw ka ba??" sumabat kaagad ako.
Tumawa naman siya, "Siguro kasi ang engot na babaeng gaya mo ay napapatawa ako."
"Kaya wag ka sanang magbago."
Naguguluhan talaga ako sa lalakeng ito. "Ang gulo mo talaga, Stephen." sabi ko sa
kanya.
"Pero kahit ganun, masaya akong nakilala kita." ngumiti ako. Oo, kahit medyo baliw
siya. Masaya ako. Ewan ko pero naweweirduhan ako sa nararamdaman ko sa kanya.
Parang may kakaiba. O___o
>///>
"That's why.. I want to promise.. that I'll protect you, Ciera."
***
VIVIEN WALKER
Malapit ng mag 12-midnight. Magkakaroon kasi ng closing fireworks para pagtatapos
ng school festival namin.
Tapos na rin akong nakipagsayaw kay Ethan. Nandito lang ako ngayon sa table ko,
mag-isang nakaupo habang pinagmamasdan yung iba na sumasayaw.
May humigit naman sa kamay ko at hinila ako sa gitna. Nilagay nito kaagad ang mga
kamay ko sa balikat niya at yung mga kamay naman niya ay nakalagay sa bewang ko.
"S-sino ka??" tanong ko.
"You're beautiful as always, Vivien." sabi nito.
"Grard.." Yung boses na yun, nandito siya.
"A-anong ginagawa mo rito??" napaatras agad ako.
"Hmm.. Ngayon na magsisimula ang plano ko. But I'm not going to hurt you." sabi
nito sa kin. Naka black tuxedo siya at nakamaskara. Hanggang ngayon, suot pa rin
niya yung cross na pierce na nasa kaliwang tenga niya.
"G-Gerard!" I protest.
"I'm sorry, Vivien." hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan. "I love you."
Matapos niyang sabihin yun, nawala siya.
***
GERARD BLANCO
"Ngayon na." sabi ko rito sa kasamahan ko.
"Opo." sabi lang nito.
"Wag na wag ninyong maliitin ang mga nasa special section ng academy."
"Kaya sila nasa special section dahil may espesyal na abilidad din sila." puno ko.
***
CIERA SANCHEZ
Sumasayaw pa rin kami ni Stephen. Naging tahimik na naman kami. Nakakailang. >///<
"Ah.. Stephen--"
"Sorry, Maiven but I have to get her." narinig kong sabi sa kin nitong lalakeng ito
nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Yung boses na yun.. Si Gerard.
Bigla niyang hinawakan ang bewang ko at hinila ako papalayo kay Stephen.
"Go after him." narinig kong sabi niya sa kasamahan ata nito.
"Stephen!!" napasigaw ako hanggang sa napalayo na nga ako sa kanya.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Ciera!!" susundan ko sana sila pero may humarang sa kin na lalake.
"AHHHHH!!"
"Tulong!!"
Nagkakagulo na sa academy. May dumating din na ibang mga nakaitim na mga bampira.
"Hindi ka makakatakas sa min." sabi nitong lalakeng nasa harapan ko.
Kaagad ko naman siyang sinakal at binuhat pataas. Tinignan ko ang mga mata niya
para makontrol.
Naging gray na yung kulay ng mga mata nito, senyales na patay na siya.
"ACE!" tawag ko.
***
ACE MARCUS FRITZGERALD
Bigla na lang may pumagitna sa min ni Elle na nakaitim na lalake. Nagkakagulo na sa
academy.
"Sa kin ka na." sabi nito kay Elle.
"Elle!" kaagad kong kinuha ang maskara ko. The color of my eyes now turns to red.
Hinawakan ko kaagad yung leeg ng lalake.
And because my power is fire, I burned him to death.
Hinawakan ko kaagad ang kamay ni Elle, "Elle, tayo na." sabi ko sa kanya.
"ACE!" napalingon naman ako nang may tumawag sa pangalan ko, si Stephen.
Tumango lang ako as a sign that we will use our hidden powers.
May dumating na iba pang mga nakaitim na bampira at nagsisitakbuhan na yung ibang
mga estudyante. May iba rin namang estudyanteng nanlaban para napatay pa rin nitong
mga nakaitim at naging abo.
"Ace, tutulong ako." sabi ni Elle sa kin.
Tumango lang ako.
***
MATTHEW SPENCER
Nagkakagulo na ngayon sa academy, natuloy na nga ang plano ni Gerard.
Nakikipaglaban na rin ang iba kong kaklase sa special section.
"Good luck." tumalikod akong nakapamulsa at iniwan silang nagkakagulo.
***
CIERA SANCHEZ
"H-hoy! Saan mo ko dadalhin?!" galit ako nagtanong nang ipinasakay ako ni Gerard sa
kotse niya.
"Anywhere." nakangiting tanong nito.
"A-ano bang kailangan mo sa kin?!"
"I will kill you."
"H-ha?!"'
"Haha, joke! Hindi muna." kaagad niya pinaandar yung kotse.
___________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 17
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Wala kaming kinalaman sa nangyari sa academy niyo!" tumayo agad ang lalake. Siya
kasi ang isa sa mga may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng mga tao, si Mr.
Reyes.
Nandito kaming lahat ngayon sa living room ng bahay namin, kasama ang student
council at ang mga magulang ko. Si Mama kasi ang may pinakamataas din na posisyon
sa organisasyon ng mga bampira. Sinabihan kasi namin sina Mama tungkol sa nangyari
sa academy at ang pagkawala ni Ciera. Maraming mga estudyanteng bampira ang
namatay.
"Mrs. Maiven, wala pong kasalanan ang mga tao." sumabat naman si Ace.
"Hindi po mga tao ang umatake sa min.. Mga bampira. Itim yung suot nila." puno pa
niya.
"Mga bampira??" halatang naguguluhan si Mama.
"Oho. Mga bampira." sabi ko naman.
"Pero.. paano? Mga bampira mismo ang umaatake sa kalahi nila?"
"Kaya po, Mr. Reyes, humihingi po kami ng tulong. Sana po ay tulungan niyo kaming
matunton ang lugar kung saan nagtatago ang mga bampirang yun." seryoso kong sabi sa
kanila.
"Nasa kanila po si Ciera, baka ano pong gagawin nila sa kanya." puno ko. Ayokong
maulit na naman ang nangyari nuon kay Gaile. I can't take another loss anymore.
"Pero.. paano? May naalala ba kayo sa umatake sa inyo? Yung mukha o pangalan man
lang?" sabi naman sa min ni Mr. Reyes.
Wala akong maalala. Yung boses lang ang alam ko. Nakatakip din kasi ng maskara ang
lalakeng yun. Pero pamilyar sa kin yung boses.
"W-wala po. Nakamaskara kasi siya." sagot ko na lang.
"Wala bang nakakaalam sa inyo?" tanong ulit ni Mama sa min.
Tahimik lang kami ng mga student council officers. Mahirap malaman kasi nakamaskara
sila. Boses lang yung naririnig namin.
"Kung ganun, mahihirapan tayong hanapin sila." bigla namang nagsalita si Matthew.
"Then.. Mahihirapan kaming tulungan kayo, Mrs. Maiven. I'm sorry." buntong-
hiningang sabi ni Mr. Reyes sa min.
"Alam ko po kung sino."
Napatingin naman kaming lahat kay Vivien nang magsalita siya.
"S-si.. Gerard.. Gerard.. Blanco." puno nito.
"Gerard Blanco?? Yung.. vocalist ng BlackStrings na inimbita natin nuon sa school
festival?" sabat naman ni Ace.
Tumango naman si Vivien, "Oo siya."
Oo, magkapareho ag boses nila.
"Gerard Blanco?? Nagconcert sa inyo si Gerard Blanco??" nagreact naman kaagad yung
isang kasama ni Mr. Reyes.
Naguguluhan ako sa reaksyon niya, "Bakit? Kilala niyo ba siya?" tanong ko.
"Singer siya, isang sikat na vocalist ng mga banda si Gerard.. sa mga tao." sagot
naman nito.
"Kung.. ganun.. tao si Gerard?" sabi ni Ethan na halatang naguguluhan din.
"Pero.. yung aura niya, hindi siya tao. Bampira siya." sabi naman ni Yna sa min.
Bigla ko namang naalala si Matthew. Siya yung nag-imbita rito sa academy, "Matthew,
may kinalaman ka ba rito?"
"Ha? Me? Bakit naman?" painosenteng reply nito sa kin. Hindi ko alam pero may
nararamdaman akong iba sa lalakeng ito.
"Diba sa mo sa min, kaibigan mo siya?" sabi ko.
"Well, oo. Nagkakilala kami sa isang mall ng mga tao. Napansin ko kasi iba ang aura
niya o yung pangbampira ito kaya nagkausap kami. Hanggang sa malaman kong may banda
pala siya kaya inimbita kong tumugtog sa tin. Tutal, libre lang." confident nitong
sabi sa kin.
"Kung ganun, sige. Susubukan naming hanapin siya. Mukhang hindi pa naman siguro
siya nakakalayo kasi gabi pa nang mangyari iyon." sabi ni Mr. Reyes sa min.
"Salamat ho."
Hindi ko pwedeng hayaang mangyari na naman ang nangyari kay Gaile. Ayokong mawala
si Ciera. Nangako ako, proprotektahan ko siya hanggang sa makakaya ko.
***
CIERA SANCHEZ
"Hoy. Gising na." naimulat ko na lang ang mata ko nang may biglang yumugyog sa
balikat ko.
Tumambad sa paningin ko si Gerard.
"Hala! Buhay pa ako? A-akala ko.. patay na ako. Patay ka na rin diba? Bumangga tayo
noh??" hinawakan ko pa ang mukha ni Gerard para siguradong patay na kami. Sana
Lord, sana. Ayokong magdusa rito.
Hinawakan din naman nito ang kamay ko at inilayo sa kanya, "Baliw ka. Hindi ka pa
patay. Diba sabi ko, hindi muna ngayon? Nakatulog ka sa biyahe." sabi naman nito na
nakapokerface yung mukha. =____=
Ayoko na talaga sa kanya. Ayoko ng magkacrush sa kanya dahil sa ginawa niya sa kin.
TT__TT
Master Stephen, help me. T^T
"Lumabas ka na. Nandito na tayo sa bahay ko."
"A-ah.. S-sige." lumabas agad ako sa kotse.
Wow. Bahay niya ito? Ang laki naman..
Saka bakit walang katao-tao? Siya lang ba mag-isang tumitira rito??
Pumasok na nga kaming dalawa sa loob.
"Diyan ka muna. May kukunin lang ako." sabi nito sa kin at nagsimula nang maglakad.
Ang laki ng living room niya. *O*
Saka akala ko ba.. kinikidnap ako?
"Ah.. Gerard? B-bakit tayo nandito sa bahay mo? Akala ko ba kinidnap mo ko? Bakit
wala tayo sa isang madilim at maalikabok na bodega? Gaya nung mga kidnapping scenes
sa mga movies na nasa isang bodega nila nilalagay ang mga hostage?" O___o nagsalita
ako kaya naman napahinto siya. Oo nga naman, baka.. rerapin niya ako? O.O
He turned his head to me and walked towards me, "Hindi naman kita kikidnapin eh."
he smiled.
Papalapit na ng papalapit siya sa kin hanggang sa mapasandal na ako sa pader at
nakorner na nga ako sa dalawa niyang kamay.
"H-hoy." kinakabahan ako.
Inilapit niya ang mukha niya saa kaliwang tenga ako. "Dahil papatayin kita."
"H-ha?" kinilabutan ako sa sinabi niya. Mas lalo akong kinabahan. Pero bakit? Ano
bang kasalanan ko?
"A-ano bang k-kasalanan ko?" react ko sa sinabi niya. As in, ngayon, mismo?
Papatayin niya ako? Ang eksayted naman niya! >___<
"Marami.. dahil na sayo ang pendant.. dahil ikaw ang magiging dahilan ng katapusan
ng mga bampira at higit sa lahat.."
".. dahil sayo, kayong mga tao.. kaya ako muntik ng mamatay.."
"Ano? Pero hindi naman ako yun e! Ibang tao ang gumawa nun sayo. Bakit ako?? Hindi
pa nga ako siguro buhay nun!" sabi ko sa kanya at pinapawisan na.
"Makasarili kayong mga tao.. Mandaraya.. Walang-awa. Sinungaling. Akala mo ba
palalagpasin ko lang ang mga ginawa niyo?" sumbat sa kin ni Gerard at itinaas ang
uppershirt niya.
Nagulat ako sa nakita ko..
May malaki siyang peklat sa katawan niya.
"Akala niyo, mapapatawad ko kayo ng ganun-ganun lang?" sabi niya sa kin. Galit na
siya. Nanlilisik na ang mga mata niya.
"Dahil.. sa inyo, nawala sa kin si Vivien.. Nagkahiwalay kami." naging mahinahon na
amg boses niya pagkatapos sabihin yun sa kin. Tinanggal na rin niya ang mga kamay
niyang kumorner sa kin.
Tumalikod agad siya, "Diyan ka lang.. Babalik ako."
Si Vivien??
Bigla ko namang naalala yung expression nilang dalawa ng magkita sila noong may
free concert ang BlackStrings.
Anong meron sa kanila ni Vivien?
"Gerard.. Bakit? Anong meron sa inyo ni Vivien?" tanong ko kaya naman napahinto
siya. Baka kung malaman ko kung anong meron sa kanila, matutulungan ko siya.
"It's none of your business, tss." sabi nito at nagpatuloy agad sa paglalakad.
_________________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 18
GERARD BLANCO
"It's none of your business, tss." sabi ko kay Ciera at umalis na nakapamulsa.
Ayokong pag-usapan ang nakaraan ko. Ayoko ng aalahanin pa.
Ayokong maalala ang mapait na sinapit ko nuon.
*FLASHBACK*
[Note: Past po ito ni Gerard]
20 YEARS AGO.
"Wala ka namang silbi! Pabigat ka lang sa angkan natin!" inabot ni Papa ang kwelyo
ng polo ko at saka ako sinuntok. Napahiga naman kaagad ako. Paano kasi, hindi ko
sinunod ang utos niya. Inutusan kasi niya ako na patayin ang nag-iisang anak ni
Tita Kendra, si Matthew Spencer. Sila kasi ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng
Spencer.
Okay lang naman. Panandaliang sakit lang naman ang mararamdaman ko, pagkatapos nun
wala na. Mabuti na nga lang na pinanganak akong bampira dahil kung naging tao ako,
malamang, kanina pa ako sumusuka ng dugo.
Lumapit naman sa kin si Papa at pinagsisipa ako. "Buwisit ka! Wala kang kwenta!"
sigaw nito.
Hindi ko siya pinansin at tinitiis lang ang mga sakit na naramdaman ko sa pagsisipa
niya sa tagiliran ko, tutal, panandaliang sakit lang naman ito.
Hinawakan niya ulit ang kwelyo ko, ngayon, ramdam ko ang mainit niyang hininga sa
mukha ko. "Mamatay ka na!" sinuntok niya ako ulit sa mukha.
Napaatras naman ako sa ginawa niya. Nagulat ako nang may bigla siyang inilabas na
espada. Spencers revolves unto witchcrafts kaya nagagawa namin ito.
"Papatayin kita!" sigaw nito at mabilis na lumapit sa kin.
"Hindi!" nilabas ko rin ang espada ko at pareho naming itinusok ang mga espada
namin sa isa't-isa.
Natamaan ng espada ko ang puso ni Papa habang siya naman ay sa tiyan ko lang.
"Magbabayad ka.." huling mga katagang sinabi sa kin ni Papa hanggang sa naging abo
na siya.
"Renji!" napalingon naman ako kay Mama nang isinambit nito ang pangalan ng gagung
iyon. Nakita kong mas nag-aalala pa siya sa sinapit ng walang kwenta kong ama.
Palibhasa kasi, ang gusto nila, kapangyarihan lang.
"Ikaw." pinuntahan ko siya habang hawak-hawak pa rin ang espada ko na may
tumutulong dugo galing kay Papa.
Napaatras naman siya. "T-teka, Gerard! Anong gagawin mo?" natataranta niyang tanong
sa kin.
Walang pagdadalawang-isip at itinusok ko rin ang espada ko sa kanya--sa puso.
"Hindi ko kayo kailangan." sabi ko sa kanya at unting-unti na siya naging abo.
"Anak.. Patawarin mo kami.." sabi niya pero huli na ang lahat. Abo na siya.
"A-aray.." napahawak naman ako sa tiyan ko. Pagtingin ko sa kamay ko, may dugo.
Hindi gumaling yung sugat na natamo ko sa espada ni Papa. Hindi siya naging normal
ulit.
Napatingin naman ulit ako sa paligid ng bahay..
Pinatay ko ang mga magulang ko..
"Hindi maaari!" kaagad akong lumabas sa bahay namin at tumakbo
Hanggang sa hindi ko na alam kung saan papunta at napagod na rin ako.
Umuulan na.
Napaupo naman ako at humiga sa lupa. Parang nasa isang park na ata ako.
Walang tigil pa rin ang pag-agos sa dugo ko galing sa tiyan ko.
"Sino yun?" may narinig akong nagsalita.
Tumambad naman sa paningin ko ang isang babae.
"A-anong nangyari??" pag-aalala niyang tanong sa kin matapos makita ang sugat ko.
Hindi na ako umimik. Hinayaan ko lang umagos ang dugo ko kasabay ang agos ng ulan.
Bahala na kung mamatay ako.
"Uy! Magsalita ka naman o!" niyugyog niya yung balikat ko pero nanatili pa rin
akong tahimik.
Basang-basa na kami pareho dahil sa ulan.
"Matthew! Tulungan mo kami! Matthew!" sigaw nung babae.
Dumating naman kaagad itong sinasabi niyang Matthew.
"O, nandiyan ka lang pala Vivien, kanina pa kita hinahanap. Anong nangyari??"
tumambad sa paningin ko yung lalake. Pamilyar siya.
Kamukha niya si Tita Kendra. Di kaya ito yung sinasabi nilang anak niya? Si Matthew
Spencer??
"Tulungan mo siya Matthew, duguan siya. Diba marunong kang manggamot??" sabi nung
babae sa lalake.
"Sige, tumabi ka muna." lumuhod naman siya sa harapan ko at hinawakan yung sugat
ko.
"A-aray.." tanging nasambit ko.
"Hoy, Matthew. Dahan-dahan naman!" reklamo nung babae. >__<
"Haha, tumahimik ka na nga lang. Wag kang mag-alala, gagamutin ko boyfriend mo."
"Anong boyfriend?! Sira!"
"Sige, be amaze with what I will do."
May sinabi na kung anu-anong salita ang lalake na hindi ko maintindihan at
naramdaman ko na lang, wala na yung sugat ko.
"Tada! O yan, masaya ka na?" lumingon ang lalake dun sa babae.
"Oo na! Uy, manong, magsalita ka naman o." sabi sa kin nung babae at niyugyog ulit
ako.
"Tayo na Vivien, kung ayaw niya. Wag mo ng pilitin. May mga pangyayaring na dapat
hindi na natin pinakielaman." tumayo na yung lalake at nagsimulang maglakad.
"U-uy! Teka." sumunod din naman sa kanya yung babae.
"Spencer ka rin diba?" huminto naman sa paglalakad yung lalake at lumingon sa kin.
Tumayo na rin ako, "Yes, and the hell you care. Tss." sabi ko at nagsimula ng
maglakad.
"Anong nangyari? Bakit ka nagkasugat?"
Hindi ako umimik sa sinabi niya.
"Well, would you mind na sumama ka sa min? Mag-aral ka sa academy namin." puno pa
niya.
"Ayoko." tipid na sagot ko.
"Manong! Wag ka ng pakipot!" sabi naman nung babae.
Bigla namang lumapit sa kin yung babae at hinawakan ang kamay ko. "Tara! Sumama ka
sa kin. Masaya kaya sa academy."
Hinayaan ko lang siyang hilahin ako.
Hindi ko alam pero yun ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon
ako ng mga kaibigan.
Totoo rin pala ang hinala ko, anak ni Tita Kendra si Matthew.
Buti na lang pala na hindi ko sinunod ang mga sinasabi ng magulang ko na patayin
siya..
Sa katunayan nga, siya pa ang tumulong sa kin.
Dahil sa kanila.. Nararamdaman kong may halaga ako.
Lalung-lalo na kay Vivien.
*
"Saan mo ba ako dadalhin??" sabi sa kin ni Vivien habang tinatakpan ko ang mga mata
niya gamit ang mga kamay ko.
Nandito kami ngayon sa garden ng academy, gabi na rin at pinabukas ko kay Matthew
yung transparent glass na naging rooftop sa buong garden. Kitang-kita na rin ang
mga bituin sa langit.
Wala naman talagang nakakakilala sa kin dito sa academy, bukod kay Matthew at
Vivien.
"Nandito na tayo." sabi ko at ipinakita sa kanya ang lugar.
May mga fireflis din na nag-iilawan.
"Wow.. Ang ganda Gerard." nakangiti niyang tugon sa kin at napatingin din sa
langit.
"Nakakamangha ang mga bituin.."
"May shooting star o!" matapos niyang makita yung shooting star, ipinikit naman
niya ang mga mata niya at parang nagwish.
"O. anong winish mo?" tanong ko sa kanya.
"Ha?? Hmm.. Nagwish ako na sana.. hindi na matapos ang oras na 'to.. na magkasama
tayo.. kasi.. alam kong balang araw.. magkakahiwalay din tayo."
Ginulo ko naman ang buhok niya at niyakap siya, "Ano ka ba. Hindi mangyayari yun.
Diba, walang iwanan?"
"Hmm.. Pangako yan ha? Hindi mo ko iiwan Gerard."
"Oo. Pangako. Mahal kita Vivien."
"Mahal din kita."
*
Dahil may dinalang tao si Stephen na isang Maiven, nagkaroon ng kaguluhan sa
pagitan ng mga Spencers at sa pamilya nila.
Hanggang sa nakielam na ang gobyerno ng mga tao kaya nagkaroon ng digmaan.
"Gerard!" napasigaw si Vivien nang may biglang humarang sa min na isang taong
sundalo. Tinutukan niya kami ng baril pero dahil nga may kapangyarihan kaming mga
Spencer, hindi ito tumama sa min.
Tinusok ko naman kaagad sa kanya ang espada ko.
"Gerard! T-tulungan mo ko!" napabitaw naman sa kin si Vivien nang may biglang
humila sa kanya na tao.
"Vivien!" pinuntahan ko kaagad sila at sinakal yung lalake hanggang sa binawian na
ito ng buhay.
Parami na ng parami ang namamatay na mga kalahi naman.
"Lika na!" sabi ko kay Vivien at sabay kaming tumakbo.
May nakita naman akong isang tao na tinututukan ng baril si Vivien kaya naitulak ko
siya at natamaan ako sa tiyan.
"Gerard.. Hindi!"
"Vivien, umalis ka na! Iwan mo na ako."
"Hindi pwede--"
Bigla namang may tumusok na isang matulis na bagay sa dibdib ko.
"Gerard!!"
"Vivien.. umalis ka na!" sinigawan ko siya at lumingon sa kung sinong umatake sa
kin sa likod.. Unting-unti na ako naging abo.
Sinakal ko naman kaagad yung taong gumawa nun sa kin hanggang sa namatay na ito.
"Vivien.. tayo na!" may narinig akong nagsalita at napalingon kay Vivien. Hinihila
siya ngayon ni Ethan, kaklase niya.
"Gerard!!" narinig kong sumisigaw siya.
Ngumiti lang ako. I hope she will be safe.
Pinagbabaril ulit ako ng mga taong sundalo hanggang sa nakahandusay na ako sa lupa
na duguan.
Pero.. may lumapit sa kin na lalake..
"Tutulungan kitang mabuhay ulit, Gerard."
Si Matthew..
*END OF FLASHBACK*
Nasa kwarto ako ngayon, nakaupo sa kama habang tinitignan yung picture namin nuon
ni Vivien.
Napansin ko naman na biglang bumukas yung pinto at tumambad sa paningin ko si
Ciera.
Bumuntong hininga ako, "Masakit mabuhay." sabi ko.
Lumapit naman siya sa kin at tumabi sa pagkakaupo.
"Oo, masakit pero.. kung wala kang mararamdaman na sakit, hindi mo malalaman ang
totoong ibig sabihin ng buhay." sagot naman nito sa kin.
Napatingin naman ako sa kanya, "Wag mo nga akong ipakunsensya sa gagawin ko sayo.
Baka hindi pa matuloy."
Tumayo naman ako. "Saka ano bang nakita mo sa Maiven na yun na hindi mo magawang
iwanan?"
"Ha?? Ewan ko nga kung bakit hindi ko siya maiwan, kahit inaasar ako ng mokong na
yun o pinagtritripan ako. Pero alam ko namang may kabaitan siya."
"Nababaliw ka na." sabi ko sa kanya.
"Hoy, hindi ako baliw. Ikaw nga jan ang baliw e. Kinidnap mo ko na mahirap din
naman ako, wala akong pangransom." =__=
"Hmm.. Ciera, pwede magtanong?"
"Oo, ano?"
"Kamusta na si Vivien?"
"Ha? Okay lang naman siya."
"Ganun ba? Buti naman." napangiti na lang ako.
_________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 19
CIERA SANCHEZ
"Ganun ba? Buti naman." sagot sa kin ni Gerard matapos niya akong tanungin tungkol
kay Vivien.
Ano kaya meron sa kanila? Pero kung magtatanong naman ako, magagalit siya.
=___=
"Ahhh.." wala na akong masabi pa. Wala na akong maitopic! Anubeyen! Kaya nga akong
umaacting lang na hindi takot at nakikiepal sa meditation niya para hindi niya
maalala ang pangkay niya sa kin eh--ang patayin ako.
(__ ___'')
"Sige, maliligo lang ako Mahigit isang araw din kasi tayong bumyahe papunta sa
bahay. Diyan ka lang, hindi pa ako tapos sayo." nagsalita ulit si Gerard.
"H-ha?" O__o Ano raw?
"Diyan ka lang dahil papatayin pa kita mamaya, maliligo na muna ako."'
"Ah.. Haha! Ang joker mo talaga, Gerard! Kaya crush kita eh." XD tumawa pa ako nang
sabihin iyon. Pinipilit kong maging masaya kahit ang totoo, takot na takot talaga
ako. >__<
Sino ba naman kasing hindi matatakot sa sitwasyon kong ito?
Papatayin ako. Pero okay lang naman kung sana ginawa ko na lahat ng gusto kong
mangyari sa buhay ko before ako mamatay. Yung magnakaw, pumatay at mangrape ng mga
crush ko. =_=
Kung alam ko lang na mamamatay ako ngayon, nirape ko na sana si Matthew noong isang
araw pa. =______________=
"Hindi ako nagjojoke. Seryoso ako." he said with a cold voice. Totoo nga. >__<
Bigla namang may tumunog, cellphone ata.
"Teka." sabi ni Gerard sa kin at kinuha kaagad ang cp sa bulsa niya.
"Hello?" panimula nito.
"Ganun ba?"
"O, sige. Ako na lang ang bahala. Basta wag kayong padalos-dalos sa mga ikinikilos
niyo. Maghintay lang kayo sa i-uutos ko. Geh, salamat." pagkatapos niyang kausapin
sa kung sino mang tumawag sa kanya, kaagad niyang binaba ang kabilang linya at
nilagay ang cp ulit sa bulsa niya
"Nga pala, darating na maya-maya ang knight in shining armor mo kaya wag na wag
kang tumangkang tumakas."
O__o Knight in shining armor? Sino kaya?
"Opo." sagot ko na lang pagkatapos pumasok na siya sa CR. May CR kasi ang kwarto
niya.
Lord, kayo na po bahala kung yan po ang desisyon niyo.
Pero sana totoo yung sinasabi ni Gerard na meron kang ipinadalang knight in shining
armor ko.
TT__TT
***
VIVIEN WALKER
"O, Vivien, nandito ka pala." nakangiting tugon sa kin ni Matthew nang bumisita ako
sa bahay niya. Actually, nasa academy lang naman matatagpuan ang bahay nito.
"Gusto kong makipag-usap sayo, Matthew. Privately." seryoso kong pagkasabi sa
kanya. Gusto kong malaman kung bakit may ugnayan sila ni Gerard, especially when he
invited him to do a concert in the academy. Imposible naman kasing hindi niya
kilala yung Gerard na pinag-uusapan namin with the humans.
Wala kasing nakakikilala kay Gerard nuon, bukod sa min ni Matthew at mga kaklase
din ni Gerard sa academy pero namatay silang lahat dahil sa digmaan.
"O, sige. Let's go." reply naman nito.
*
Nakapasok na nga ako sa kwarto niya and as usual, wala pa ring pagbabago. Gaya pa
rin nuong mga bata pa kami.
Nakita ko naman ang picture namin ni Gerard nuong pagkabata sa table nito. Hindi
niya pa rin inaalis.
Ang totoo kasi niyan, close na close kami ni Matthew nuon. But when Gerard was
gone, nag-iba na ang pakikitungo ko sa kanya.
Siguro kasi, masakit pa rin sa kin ang nangyari sa min ni Gerard.
"Hindi mo pa rin pala inaalis ang picture natin nuon." nagsalita na ako.
"Well, kasi.. isa ka sa pinaka-importanteng babae sa buhay ko.. Bago pa man
dumating si Nicole. Parang na kitang kapatid." sabi naman nito sa kin saka ngumiti.
"Have a sit." puno nito sabay turo dun sa upuan sa mini sala niya. May mini sala
kasi siya sa kwarto.
"Hindi na." sagot ko.
"Hmm? Ano nga pala gusto mong pag-usapan natin?" halatang naguguluhan siya.
"Si Gerard." direchong sabi ko sa kanya.
"Huh? What about him? You mean, yung vocalist ng BlackStrings?"
"Just tell me the truth, Matthew. Alam kong may alam ka na nuon pa man dito. You
knew already that Gerard Blanco is just Gerard Spencer."
"Kilala mo talaga ako, Vivien." naglakad naman siya papalapit sa kin kaya naman
napaatras ako.
"Yes, he is Gerard Spencer." he smiled with just a few meters away from me.
"Then, bakit di mo sinabi sa kin?!" naiiyak kong tanong sa kanya. Araw-araw akong
naging malungkot nuon.. dahil sa pag-aakalang patay na si Gerard, tapos bigla-bigla
na lang siyang babalik?
"Because if I'll tell you, you'll ruin all my plan, Vivien. And I don't want you to
get involved with this."
"Ano ba, Matthew? Ano ba talagang pinaplano mo?!" mas tinaasan ko pa ang boses ko.
"Lahat ng plano ko ay makakabuti sa lahat but.. one thing for sure.."
".. I promise that you'll not get hurt. Because you're like a little sister to me."
puno niya.
"Aalis na ako, Vivien. May aasikasuhin pa ako." he smiled and immediately went out.
Napaupo na lang ako sa sahig at napayakap sa mga tuhod ko. "Matthew, why are you
doing this?"
***
CIERA SANCHEZ
Nandito na kami ngayon sa living room ng bahay ni Gerard. Tapos na kasi siyang
maligo at sabi niya, dito raw muna kaming dalawa sa sala.
Saka paano ba naman ako makakatakas dito eh may nakapaligid ding mga alagad niya.
Saka yung superstrength na nakuha ko sa pendant dahil kay Stephen ay naexpire na.
Malay ko bang for one day lang magagamit yun. Saka hindi ko rin alam kung paano
ginawa ni Stephen sa pendant ko yun. Oo, take note, hindi pa kinukuha ni Gerard
ang pendant ko. Diba isa rin ito sa pakay niya?
"Just stand there. May kukunin lang ako." sabi ni Gerard sa kin.
Kukuha na ba siya ng baril? Babarilin na niya ako? O_O
"Babarilin mo na ba ako Gerard??" kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Haha, excited ka ata mamatay eh. Pero if that's what you want, okay." he gave me
an evil grin at saka lumapit sa kin.
Napaatras naman ako hanggang sa napasandal na naman ako sa pader.
"O-oie! Gerard!" natatakot na ako. >___<
"I'm sorry, Ciera. Alam kong naging mabait ka sa kin, naging kaibigan kita pero I
have to do this." kinorner naman niya kaagad ako sa dalawang kamay nito sa pader.
Ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang hininga.
Bigla naman siyang pumikit at nang idilat nito muli ang mga mata niya, naging pula
na ito.
And when he smiled, I saw his sharp fangs.
Oh no.. >___<
"But first.. I'll get the pendant.." hinawakan niya yung pendant ko at kaagad
hinablot sa leeg ko.
"HOY!" ang katagang nasambit ko. Kinorner pa rin niya ako.
Nakuha na niya yung pendant ko. TT____TT
"Then..." he suddenly touched my neck.
"That scent." sabi nito na parang takam-takam na makagat yung leeg ko.
TT____TT
Nagulat naman ako nang may biglang pumasok sa sala na may dalang baril at may
nakasulat sa uniform na SWAT.
"Gerard!!" tinulak ko si Gerard bago pa man siya barilin ng lalakeng iyon at ako
ang natamaan.
Natamaan ako sa balikat kaya naman napaupo ako.
"Ciera!!" sigaw niya.
Nakita ko namang babarilin sana ulit nung lalake si Gerard pero mabilis itong
nakapunta sa kanya at sinakal.
Pagkatapos kinagat ni Gerard ang leeg nito at sinipsip ang dugo hanggang sa namatay
na ang lalake..
"Ciera.." kaagad siyang lumapit sa kin.
"Bakit mo yun ginawa??" tanong nito sa kin at hinawakan ang sugatan kong balikat.
"P-patuloy pa rin ang pagdudugo ng balikat mo!" natataranta nitong tanong sa kin.
Napangiti na lang ako bigla, naiisip ko kasi na nag-aalala rin pala siya.
"Kung gusto mo Gerard, pwede mong inumin ang dugo ko." nakangiti kong tugon sa
kanya.
"Baliw ka ba? Yan pa rin ang iniisip mo? Paano na lang kung natamaan ka sa puso?
Ha?!"
"Kung hindi ko gagawin yun, ikaw naman ang matatamaan." sabat ko naman.
"Baliw ka talaga. Bakit mo ba ginawa yun?"
Bumuntong hininga naman ako, "Kasi.. kaibigan kita. Kahit minsan, weirdo ka..
naging kaibigan pa rin kita.. At naniniwala naman akong mabait ka. Kasi..
nagmamahal ka."
Natahimik naman siya sa sinabi ko at napayuko, "I'm sorry."
"Ano ba okay lang yun. Haha." tumawa pa ako. XD Pero oo, masakit talaga balikat ko.
"Gagamutin natin yan." sabi niya at hinawakan ang balikat kong dumudugo pa rin.
May kung anu-anong salita siyang sinabi at nawala na yung sakit na nararamdaman ko
sa balikat ko.
Nakakagamot siya??
"Hindi na masakit yung balikat ko." tanging naibulalas ko lang.
"Boss, marami ng mga taong armado sa labas. Anong gagawin natin??" bigla namang may
pumasok na nakaitim na lalake at kinausap si Gerard.
Tumayo naman si Gerard, "Sige, Ciera." inabot niya ang kamay nito sa kin. "Tayo
na."
"Ah.. oo!" inabot ko rin ang kamay ko sa kanya at tumayo.
"Kayo na muna bahala, wag kayong mag-alala, tutulungan ko kayo." seryosong
pagkasabi ni Gerard sa kasamahan niya.
"Ciera, suotin mo ito ulit." sabi niya sa kin at inabot ang pendant.
Kaagad ko naman itong isinuot.
Magkahawak kamay kaming lumabas sa bahay niya pero hindi kami dumaan sa main
entrance, sa backdoor ng bahay niya kami dumaan.
"Ciera, sige na. Umalis ka na. Ako na rito." sabi ni Gerard sa akin nang makalabas
na kami.
Nasa likod na kami ng bahay niya ngayon. Parang forest ang meron dito sa likod.
"Pero paano ka??" pag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Wag kang mag-alala, kaya ko na rito. Dumaan ka sa gubat, shorcut yun para
makarating ka sa daan papuntang city."
"Ciera.."
Napalingon naman kaming dalawa nang may nagsalita, si Stephen..
"Stephen.." nabigla ako sa presensya niya.
Papalapit ng papalapit naman siya sa min ni Gerard.
"Teka, Stephen!" humarang ako sa pagitan nilang dalawa at nakabuka pa ang mga braso
ko. "Wag mong sasaktan si Gerard!" react ko. Wala naman talaga siyang ginawang
masama sa kin eh.
"Ciera, step aside." he said seriously.
"Stephen, please. Maniwala ka, wala siyang ginawang masama sa kin. Wag mo siyang
saktan." naiiyak kong sabi sa kanya.
"Ciera, okay lang sa kin. Umalis ka na." sumabat naman si Gerard.
"Stephen.. please." puno ko.
Kumalma naman si Stephen. "Sige, lika na. Aalis na tayo." sabi lang nito sa kin.
"Oo." lumapit na ako kay Stephen.
Nagsimula na nga kaming naglakad na dalawa papaalis kina Gerard.
Patungo na kami ngayon sa gubat.
"Salamat, Ciera." napalingon naman ako sa likod at nakita si Gerard na ngumingiti.
Ngumiti lang din ako pabalik sa kanya.
***
GERARD BLANCO
Tuluyan na ngang nawala sa paningin ko sina Ciera.
Napakabait niya, mali ang panghuhusga ko sa mga tao. Dahil sa kanya, nag-iba ang
pananaw ko sa buhay. Dahil sa isang kaibigan.
Umupo naman ako at napahiga.
Nagsimula na namang umulan, "Matagal na rin nang mangyari ito." sabi ko sa sarili.
Naalala ko pa nuon na kung saan, nakahiga rin ako sa lupa na umuulan, isa sa mga
araw kung saan may magandang nangyari.
At ngayon, may nangyari na namang maganda.
Umidlip na lang ako.
"Gerard."
Naimulat ko naman kaagad ang mga mata ko nang may biglang sumambit sa pangalan ko.
Si Vivien.
"Vivien??" kaagad akong napaupo.
Bigla naman niya akong niyakap kaya yumakap na rin ako pabalik sa kanya.
"Maraming salamat, Ciera."
___________________________________________________
Vampire Academy
F A C T S
O N E
---Facts about Vampires [In the story ONLY]
1. They drink blood. [Of course? LOL] And their most favorite is the human's blood
but the government of the humans and the vampires agreed to prohibit it, otherwise
there will be a war between the two races.
2. All vampires have superstrength but humans have technologies. That's why from
the last war, the humans won. It ended up that the vampires must never interfere
with the humans and vice versa.
3. All vampires have supernatural beauty. [Haha, para astig. lol]
4. Vampires cannot see their own reflections or we should say, they don't have
reflections. That's why it was mentioned in one of Ciera's POV from the previous
chapters, their comfort rooms have no mirrors. What's the use of having it anyway?
5. If the humans have government, then the vampires have it too. They have
Vampires' Association and the head is Mrs. Penelope Maiven, Stephen's Mom.
6. The most powerful families of the vampires are the Maivens and the Spencers. But
it is said that the Maivens are the most superior.
7. They can sense a being if it is a human or a vampire.
8. They can change the color of their eyes from the normal one into the red one.
Only the Maivens and Spencers can change its color to anything.
9. They have fangs. [Common Sense? lol] But it's up to them when they want to come
it out.
9. There are also vampires who have special abilities. [Some can control fire,
water, etc.]
10. They cannot stand with the heat of the sun for hours or they'll burn.
11. Their weaknesses? Well, the heat of the sun and weapons which are mae in
SILVER. (e.g. guns with silver bullets, etc.) They don't die because of onions,
garlic, salt, and other spices. [Only in my story, XD] If you want to kill them,
hit them in their heart.
12. They are immortals and they don't grow old.
13. Their wounds will easily be cured unless if the weapon used to wound it out is
from the Spencers.
14. If they die, they'll turn into ashes.
15. Vampires don't sleep.
--Facts about Spencer Academy
1. The only school for vampires.
2. Just like the other normal schools, they also hold different school activities.
3. The academy is owned by the Spencers but Matthew Spencer was left alone to
manage it.
4. They also have a Student Council.
4. They have a Special Section and the students there have special abilities which
normal vampires don't have. That's why they were grouped differently from the
others. Most of them are Student Council Officers.
5. The whole school is roof-covered--to avoid the heat of the sun. They also have a
garden and the roof used is a special transparent glass.
6. The school also has complete facilities for the students just like the other
normal schools.
7. Matthew's house is just inside the school campus.
8. The school is prohibiting humans to enter in. If they will found it such, there
will be a severe punishment.
--Facts about the Maiven Family
1. Maivens are the most influential and powerful family of all the vampires along
with the Spencers.
2. They can control and read minds but they cannot control the mind of a human.
They also have other special abilities and you'll find it out in the next chapters.
That's the reason why some said that the Maivens are more superior than the
Spencers.
3. The head of the family is Mrs. Penelope Maiven and her husband will be featured
out sooner. XD
4. Penelope's son, Stephen Luris Maiven was being cursed by Kendra Spencer, the
head of the Spencer family, when Stephen was out of control and started killing his
own species--including her. Stephen killed Kendra.
5. Stephen fell in love to a human named Gaile and brought her to the academy. The
phenomenon created a commotion between the Maivens and the Spencers. Until the
humans interrupted and it worsened. That's the reason why the war between the
humans and the vampires occurred.
6. Kendra's curse to Stephen -- if the white rose petals in the jar started to fall
down until the last petal worn out, he will die. He will not have an immortal life.
7. Gaile gave a white rose in a jar to Stephen as a gift before she died.
8. The Maiven family has a two mortal servants, Eliza and Herbert Sanchez, Ciera's
parents. They're the only ones who were allowed to stay with them.
9. Stephen is the Student Council president of the Spencer Academy.
10. Stephen close friends are Ace, Yna, Ethan and Elle.
--Facts about the Spencer family
1. Spencers are also one of the most powerful family of the vampires, together with
the Maivens but less superior to them.
2. The head of family is Kendra Spencer but because of the war, only Matthew
Spencer, Kendra's son, survived. All the responsibilites of the family as well as
managing their academy was left to him.
3. Spencers are into witchcrafts. They do spells, curse, etc. They also create
pendants which are used for protection and other purposes. (e.g. protection from
the heat of the sun, etc.)
4. Matthew Spencer is said to be the most powerful among the Spencers.
5. Matthew is the head of Spencer Academy as well as the Student Council vice
president.
6. Matthew's close friends are Vivien, Nicole and Gerard.
7. Gerard Blanco and Matthew Spencer are cousins.
8. Matthew has a pendant called Crescent Moon.
9. Spencers' other power has an ability to heal and cure wounds to any species.
________________________________________
Vampire Academy
Chapter 20
STEPHEN LURIS MAIVEN
Nakalabas na nga kami sa gubat kung saan kami dumaan para makaalis sa kinaroroonan
ni Gerard. Shortcut kasi 'to papuntang city.
Napalingon naman ako sa likod para tignan kung ano ng nangyayari kay Ciera.
Napansin ko naman na nakayuko lang siya na parang malungkot na malungkot.
"Hoy, sigurado ka bang wala siyang ginawa sayo?" tanong ko.
"Tss. Paano naman makakagawa ng masama sa kin si Gerard eh hindi naman siya kagaya
mo." sagot naman nito na halatang naiirita.
"Ano?" tama ba yung narinig ko? Kinukumpara ako dun sa gagung yun?
"H-ha? Hehe, wala." palusot naman nito.
Bigla namang umulan.
"Naku, umulan na." sabat niya. "Hoy, Stephen, wala ka bang payong jan??"
"Meron pero good for one lang. Manigas ka." sabi ko naman at kaagad kinuha ang
payong sa bulsa ng jacket na suot ko. Actually, malaki kasi ang bulsa nito eh kaya
nagkasya saka hindi naman ganun kalaki ang payong. Nagdala ako kasi napapansin kong
kanina pa na uulan.
"Bwisit ka naman eh! Hanggang ngayon, masungit ka pa rin??" T^T
"Hindi ka ba naaawa sa kin? Yung damit ko, nuong masquerade ball pa to tas wala pa
akong sapin sa paa!" reklamo naman niya kaya naman napatingin din ako sa mga paa
nito.
Totoo ngang wala siyang suot na sapatos, sandals o maski tsinelas lang.
"Kasalanan ko ba yun??" =_= sagot ko naman at ngayon, nakapayong na ako.
"Nakakainis ka talaga!" sigaw niya sa kin at saka umalis. Yung mga taong dumadaan
lang ay napatingin naman sa min.
"Grabe naman ang lalakeng yun."
"Oo nga, walang respeto."
"Hinayaan lang mabasa ng ulan ang babae?"
"Walang modo."
As expected, pinag-uusapan na nila kami ngayon.Tss. =__=
Hindi naman masyadong nakalayo si Ciera kaya madali ko lang siya naabutan.
Hinablot ko kaagad ang kamay niya.
"O? Anong ginagawa mo rito??" naiinis niyang sabi sa kin.
"Wag ka ng magdrama, lika na." lumuhod ako as a sign that I'm giving her a ride on
my back. Nilagay ko muna ang payong sa daan.
"Bakit ka naman nakaganyan?" tanong nito.
"Stupid. Obvious ngang pinapasakay kita sa likod ko. Sumakay ka na."
"Sungit nito. Wag na lang. Ako na lang uuwi mag-isa."
"I'm the boss. I'm your master. So you must follow my command." seryoso kong
pagkasabi sa kanya.
"Oo na po. Tsk." napilitan naman siyang sumakay sa likod ko. "Kunin mo yung
payong." sabi ko naman sa kanya saka kinuha ang payong.
Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad habang nakasakay naman siya sa likod ko.
"S-salamat." >///> sabi nito sa kin.
"Hmm.. Pupunta tayo sa mall, bibilhan kita ng damit at sapatos para maisuot mo."
sabi ko na lang . Tutal, marami naman akong nakikita ritong mga malls at botique
eh.
***
CIERA SANCHEZ
Lumabas na ako sa dressing room matapos sukatin yung damit.
[See the dress. =========>]
Honestly, maganda ang damit na pinili ni Stephen kaso ang mahal. >___<
"O yan, mukha ka ng desente." kaagad namang sumabat ang mokong na 'to.
"Heh, tumahimik ka." sabi ko naman sa kanya.
"O, sige, bilhin na natin yan."
"HA?" tama ba yung narinig ko? Ito ang bibilhin namin? Eh ang mahal-mahal. Tas wala
akong dalang pera noh.
"Oie! Wala akong dalang pera. Tae ka naman eh." >_< sumabat kaagad ako.
"Miss, kukunin namin yung suot niyang damit." sabi ni Stephen dun sa babae at
binigay ang credit card nito. "Just charge it with that."
"Yes, sir." sagot naman nung babae saka umalis.
"H-hoy! Wala akong sinabing bibilhin mo yun ha!" react ko naman.
Napatigil naman ako nang may napansin akong babaeng dumaan sa botique. Pamilyar
yung mukha niya.
"Teka.." lumabas kaagad ako sa botique at timing naman hindi pa nakalayo-layo yung
babae.
Si Wendy.
"Wendy!!" sigaw ko kaya naman napalingon siya. Tama nga hinala ko, si Wendy nga!
Ang kaklase ko nuon before ako nagtransfer sa Spencer Academy. Bago pa man ako
makapasok sa lungga ng mga bampira.
Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya, "Wendy! Kamusta ka na?" masaya kong
tugon sa kanya.
"Ciera, ikaw pala. Okay lang ako! Matagal na rin tayong hindi nagkikita ah. Ba't
hindi ka na bumibisita sa school natin?" sagot naman nito. Siya nga. XD
Before ako magtransfer, magbest friends talaga kami ni Wendy, kasama si Pauline.
Silang dalawa lang ang naging close friends ko nuon sa school namin.
"Haha.. Ehh.. kasi.." napakamot pa ako sa ulo ko. Mahirap i-explain eh. Puro kasi
mga supernaturals ang mga kasama ko dun sa bago kong school.
"Sino siya?" napalingon naman ako sa likod ko nang may nagsalita. Si Stephen.
Eepal na naman siya. =__=
"Ahh.. Si Wendy, kaklase ko nuon." sagot ko naman.
"Wendy, si Stephen." puno ko.
"Ah. Nice to meet you, Stephen." sabi naman ni Wendy sa kanya. "Kaanu-ano mo pala,
si Ciera, Stephen??"
"She's my slave."
Ano raw? Slave?!
"Anong sinasabi mong slave??" nagsalita kaagad ako. Kahit kelan, ang kapal talaga
ng mukha ng mokong na ito.
"Haha! Kaw Ciera ha, lumalove life ka na! Ayieee!" sumabat naman si Wendy.
"Baliw, itong mokong na 'to? May iba kaya akong crush." tanggi ko. Oo, si Matthew
kaya crush ko.
"Hehe, Ciera! Papunta ako ng school natin ngayon, hindi ka ba bibisita? Isama mo na
lang si Stephen. Sobrang miss ka na namin ng mga kabatch mo eh!" >3<
"Sige ba!" walang pagdadalawang-isip na sagot ko. Ang tagal ko na kasing hindi
nakabisita sa kanila. Miss na miss ko na rin ang mga best friends ko.
"Ehem." umuubo-ubo pa 'tong lalakeng 'to.
"Hehe, sige na, Stephen, sumama ka na lang." ^O^> sabi naman sa kanya ni Wendy.
*
Napasama naman namin ni Wendy si Stephen papuntang school. And as expected,
pagkapasok ng pagkapasok namin, pinagtitinginan kaagad kami ng mga estudyante.
Siyempre, may kasama kaming gwapong nilalang, sino ba naman ang hindi mapapamangha
nun?
"Wow! Wala pa ring pinagbago ang school natin ah." panimula ko. Gaya pa rin nung
dati.
Haisstt. Nakakamiss. Nakakamiss ang mga panahon nung nag-aaral pa ko dito. Yung mga
normal na nilalang lang ang nasa paligid mo.
Ngayon, sa sitwasyon ko, iba na. Tapos nanganganib pa ang buhay ko.
"Teka, Wendy, nasaan na si Pauline?" tanong ko.
"Si Pauline? Nasa room ata. Hindi kasi siya sumama sa kin na bumili ng mga costumes
sa mall eh." dumating na nga kaming tatlo sa sinasabi niyang room nila.
Nakita ko naman si Pauline na parang may inaayos sa desk niya.
"Pauline!!" kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Namiss kita!"
"Ciera?? Ikaw nga!" niyakap niya rin ako. Ang saya-saya ko, kasama ko ngayon ang
mga best friends ko.
"Kamusta ka na? Astig ba dun sa bagong school mo??" tanong niya sa kin.
"Marami bang papables??" puno naman ni Wendy kaya naman binatukan ko siya.
"Baliw! Pero mwuahaha! Oo, maraming papables dun! Maiingit talaga kayo!" XD
Natatawang sabi ko sa kanila.
"Nga pala, si Stephen, kaklase ko sa bagong school ko." puno ko at lumingon kay
Stephen sa likod.
"Hi Stephen!" nakangiting tugon sa kanya ni Pauline.
Napansin ko namang parang gulat na gulat siyang makita si Pauline.
"U-uy! Stephen? Okay ka lang??" sabat ko.
"Ciera, tayo na!" kaagad nitong hinigit ang kamay ko. Papalayo na kami sa kanila
ngayon.
"H-hoy! Teka! Bakit ba??" sabi ko naman.
"Teka, Ciera!!" kaagad namang sumunod sa min si Wendy. "Bibigyan ko kayo ng tickets
para sa school play namin next week, sana makapunta kayo." inabot sa kin ni Wendy
ang dalawang ticket.
Tinanggap ko naman kaagad ito, "Sige, Wendy, sorry talaga. Hindi na kami magtatagal
dito eh. Babye! Susubukan kong bumisita ulit sa inyo." kumaway ako sa kanya habang
hinihila pa rin ako ni Stephen papalabas ng school.
Ano na naman ba ang problema ng lalakeng ito??
"Hoy!"
"Hoy!!" sigaw ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kin. "Ano na naman ba
ang problema mo?!"
Umuulan pa rin pero ngayon, hindi kami nakapayong kaya pareho na kaming basang-basa
sa ulan.
Napahinto naman siya.
"Stephen, ano ba talaga?!"
Nagulat naman ako nang lumingon siya sa kin, naging pula na ang mga mata nito.
Papalapit ng papalapit na siya sa kin kaya naman napaatras ako.
Ngumiti siya at kitang-kita ko ngayon ang mga matatalas niyang pangil. Tapos, wala
pang katao-tao sa labas. Umuulan kasi.
"Stephen.. A-anong gagawin mo??" natatakot na ako. >___< Bakit siya nagkaganyan?
Ano bang meron kay Pauline? >_____<!! Ano bang ginawa ko? Kakainin niya ba ako?
Mabilis naman siyang nakalapit sa kin at hinaplos niya ang leeg ko.
"I wonder what its taste like.." he gave me an evil grin.
Nababaliw na ba siya?!
Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko.
I can now feel his sharp fangs into my neck.
"Stephen!!" naitulak ko kaagad si Stephen at napaupo siya.
"Nasisiraan ka na ng bait Stephen! Ano bang nangyayari sayo?!" naiiyak kong sabi sa
kanya.
"C-Ciera.. I-I'm sorry.."
"Ayoko na Stephen! Suko na ako." naiiyak kong sabi sa kanya at kaagad tumakbo.
Susuko na ako. Ayoko na. Ayoko ng masali sa mundo nila. Aalis na ako. Hindi ko na
kayang makisama sa mga kalahi niya.
Ayoko ng sumama sa kanya. Ayoko ng mag-aral sa academy nila.
***
MATTHEW SPENCER
"I'm sorry, Matthew pero.. hindi na kita matutulungan sa mga plano mo." sabi ni
Gerard sa kin sa kabilang linya. Tumawag kasi siya.
Expected na yun ang sasabihin ni Gerard, alam ko kasi ang ugali niya.
"Well, okay. Sabi mo eh. Saka salamat din for your efforts sa pagtulong sa kin
nuon. Sige bye, kitakits na lang pinsan." sabi ko naman at binaba na ang cp ko.
"Mukhang hindi na matutuloy ang plano mo ah." sabi sa kin ni Nero na inimbita kong
magdinner sa labas.
"Oo nga eh. Pero may plan B pa naman ako. Saka marami pang letters sa alphabet.
Haha." reply ko naman.
"So, kailan ka ba susulpot??"
"Bukas, sa academy niyo. Saka, I had already met her and what you're saying about
her is real." direchong sagot niya sa kin.
"Sige, basta sisiguraduhin mong hindi malambot ang puso mo."
"That will never happen." he replied.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Si Ciera??" tanong ko kay Herbert nang masalubong ko siya sa bahay. Nakauwi na
kasi ako.
"Ah.. Nasa kwarto niya po, sir. Umiiyak eh. May nangyari ba??" sagot naman nito sa
kin.
"Basta, sige." kaagad akong umalis at naglakad papunta sa kwarto niya.
Pagkarating ko, sinubukan kong buksan ang pinto nito pero lock..
"Ciera, open the door." sabi ko sabay katok. Rinig na rinig ko pa rin ang pag-iyak
niya sa loob.
Pero..
This can't be...
Nang makita ko ang kaibigan ni Ciera na si Pauline kanina, magkamukha sila...
Buhay siya??
____________________________________________
Vampire Academy
Chapter 21
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Ciera, I'm sorry.." sabi ko at kumatok sa pinto ng kwarto niya. Hanggang ngayon
kasi, hindi pa rin niya binubuksan ang pinto. Mahigit kalahating oras na ako ritong
kumakatok.
"C'mon Ciera, open the door. Let's talk." mahinahong sabi ko pero hindi pa rin niya
binubuksan ang pinto. Hindi ko na rin naririnig ang pag-iyak niya.
Napasandal naman ako sa pinto at unti-unting umupo sa sahig.
False move kasi ang ginawa ko. Ewan ko kung bakit ko yun ginawa. Hindi kasi ako
makapaniwala na kamukha ni Gaile ang kaibigan ni Ciera.
O baka, nagkataon lang. Saka, matagal na panahon na rin yun kaya imposible. At kung
buhay man si Gaile, dapat matanda na yung itsura niya.
Isinandal ko naman ang ulo ko sa pinto ng kwarto ni Ciera at tumingin sa taas,
"Hindi ko talaga alam."
Maghihintay na lang ako rito hanggang buksan niya yung pintuan.
***
CIERA SANCHEZ
Napansin ko namang tumigil na si Stephen sa kakakatok. Nandito lang ako sa kama ko,
nakaupo habang kayakap ang mga tuhod ko.
Nasasaktan ako kasi ang isa sa pinagkakatiwalaang kong lalake ay makakagawa nun sa
kin.
Pero bakit nga ba ako magiging kampante? Eh lahat na mga nilalang sa paligid ko ay
bampira.
Napatayo naman ako nang wala na talaga akong marinig na katok o boses man lang ni
Stephen.
Siguro, umalis na siya.
Bumuntong hininga ako at pinahid kaagad ang mga luha ko.
Lumapit ako sa may pintuan at binuksan ito.
Nagulat naman ako nang makita si Stephen na nakaupo lang.
Pero hindi ko na siya pinansin pa at nilagpasan lang siya.
"Teka, Ciera." nahawakan naman niya kaagad ang kamay ko kaya naman humarap ako sa
kanya.
"Look, I'm so sorry. Sorry sa ginawa ko sayo kanina. Hindi ko lang talaga alam..
Hindi ko mapigilan ang sarili ko.." puno nito pero hindi ako kumikibo.
"Bitawan mo ko." mga katagang tanging nasambit ko at winaksi ang kamay niyang
nakahawak sa kin. Tumalikod kaagad ako.
"Please, wag kang umalis. Don't leave.. me." nagsalita na naman siya.
"Susubukan ko.. Susubukan kong magbago.. para sayo.. para hindi mo ko iiwan.
Gagawin ko lahat.. para 'di ka lang umalis.."
Humarap naman ako ulit sa kanya with my arms crossed. "Hindi ako aalis. Pero hindi
dahil sayo, kundi para kay Mrs. Maiven. Malaki ang utang na loob nain sa kanya, ang
pamilya ko." sabi ko naman.
He sighed then gave me a pat on my head. "Pinakaba mo ko dun ah." ngumiti siya at
saka tumawa.
Napatigil naman ako. Ngumiti siya, nakita ko siyang ngumiti.. yung totoo.
"Pero.. h-hindi pa kita pinapatawad noh." bakit ba nauutal ako? >__< May naramdaman
akong kakaiba.
"Okay lang." bigla naman niya akong niyakap. "Basta, hindi ka aalis.. sa tabi ko.
But gusto ko pa ring humingi ng tawad sayo. I'm sorry Ciera and thank you."
Naguguluhan talaga ako sa lalakeng 'to. Minsan ang sungit, minsan ang bait.
"Baliw." sabi ko sa kanya.
"Sayo."
"HA?" ano raw? O__o
"Haha, joke. Tara, manuod ulit tayo ng movies. Nagpabili na naman kasi ako." sabi
nito sa kin at hinila ako.
***
LUKE SMITH
"Mukhang nakakalimutan mo na ata ang pinagagawa ko sayo." sabi sa kin ni Mr. L nang
bigla niya akong ipinatawag dito sa opisina niya. Inutusan niya kasi akong bantayan
sina Stephen at Matthew sa pinaggagawa nila.
Natatakot kasi siyang malamangan nung dalawa ang kapangyarihan niya.
"Dahil jan, kinidnap namin kanina lang ang pinakamamahal mong si Yna Schultz." he
smirked and lit the cigarette he was holding.
"A-ano?!" tinaasan ko ang boses ko.
"I'm kidding. Well, ganyan ang mangyayari kung hindi mo susundin ang inuutos ko.
Mapipilitan akong gumawa ng masama sa shota mo." tumayo naman siya sa pagkakaupo
nito.
Hinithit niya muna ang sigarilyo niya at lumabas naman ang usok nito sa bibig.
Lumapit naman siya sa kin at inakbayan ako, "Diba, ayaw mong mangyari yun??"
Tumango lang ako.
"Kung ganun, gawin mo ang inuutos ko. Wag kang mag-alala, makikinabang ka rin
dito."
"Tandaan mo, sa trabaho, walang kakaibi-kaibigan." puno niya at saka bumitaw sa
pagkakaakbay sa kin.
"Na sayo pa rin ang huling desisyon, Luke. Pero, ito lang ang tatandaan mo..
Nakasalalay dito ang buhay ni Yna." he devilishly smiled.
"Simple lang naman pinagagawa ko sayo eh."
"Kaya mag-isip-isip ka bago pa mahuli ang lahat." puno niya.
"At wag na wag kang tumangkang kalabanin ako."
"Dahil sa huli, sa kin ka pa rin tatakbo." sabi niya at humithit na naman ng
sigarilyo.
I have no choice but to follow his command.
***
CIERA SANCHEZ
"Ciera!!!" kaagad akong sinalubong ni Yna nang makapasok na kaming dalawa ni
Stephen sa room.
"Namiss kita! Buti maayos ka lang! Wala bang ginawang masama sayo yung Gerard na
yun?" pag-aalalang tanong nito sa kin.
"Morning." bati naman nung iba sa min.
"Wala naman. Okay lang ako Yna. Haha." natatawa kong sagot sa kanya. Ang adik.
"Pinag-alala mo talaga ako. Ewan ko na lang kung hindi ka nila nasagip. Wala na
akong kasama rito na baliw din." >3<
"Grabe ka naman saka ikaw? Kamusta? Okay na ba kayo ni Luke? Eh, diba, siya kasayaw
mo nung masquerade ball?" tanong ko naman sa kanya at umupo na sa seat ko.
"Well, okay lang. Pero ewan ko ba dun sa lalakeng yun. Nang dumating dito sa room
kanina, nakasimangot tas bigla na lang umalis. Ayoko namang pigilan siya kasi
mukhang bad mood eh." sagot naman nito sa kin.
"Hala, baka nambababae na naman yun." sabat ko naman.
"Haha, hindi noh. Binalaan ko na ang mokong na yun. Gigilitan ko siya kapag malaman
kong may babae na naman siya." she then gave me an evil grin.
"Ang brutal mo talaga."
"Hey guys." napatigil naman kaming lahat nang biglang pumasok sina Matthew at
Nicole sa room.
"Uy, Ciera. Nandito ka na pala. Mabuti dahil ayos ka lang." sabi naman sa kin ni
Matthew.
"Hehe. Oo." napakamot pa ako sa ulo ko.
"Oo nga pala. May bago tayong magiging kaklase. He's the same with us. He's also a
vampire. Good friends ang pamilya niya sa pamilya ko. At saka may kamag-anak din
siya rito sa room. Ngayon lang niya napag-isipan na pumasok sa academy natin dahil
nasa lugar siya ng mga tao nakatira. Before, my family, the Spencers, help them to
live like the humans. Nicole." sabi ni Matthew at tumingin kay Nicole.
Ngumiti naman si Nicole sabay bukas nung pinto, "Guys, meet Nero Lance Peters, our
new classmate."
Sumulpot naman sa paningin naman ang isang lalake. Parang siyang foreigner.
Teka..
Pamilyar siya sa kin ah. O__o
Parang nakita ko na siya nuon pa at nakilala..
"Salamat talaga. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran." sabi ko dun sa
lalakeng foreigner na nanlibre sa kin para bilhin yung dress para sa ball.
"Don't be. Sige, I have to go. Nice to meet you." pagkasabi niya nun sa kin,
tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad.
"Waa!! Ikaw! Ikaw yung foreigner na bumili sa cocktail dress ko!" react ko. Siya
nga. Parehas na parehas sila. O_O!!
"Yna! Diba siya yun?" niyugyog ko rin ang braso ni Yna.
Napansin ko naman na gulat na gulat din si Yna.
Napatingin naman ako sa seat ni Stephen pero parang wala siyang pakielam sa
nangyayari.
"I'm Nero. I am pleased to be here." he smiled. That british accent! T^T
"Ikaw yung gwapong nilalang sa mall na bumili ng cocktail dress ni Ciera!"
nagsalita na si Yna sabay turo dun sa transferee.
"Nero? Ikaw ba yan?" bigla namang lumapit si Ace sa kanya.
"Yes, I am. Ace." ngumiti naman sa kanya yung foreigner. That killer smile. *O*
May panibagong crush na naman ako nito. Umaandar na naman ang kalandian hormones
ko.
"Ikaw nga! Haha!" inakbayan kaagad ni Ace ang sinasabi nilang si Nero. Bakit ba?
Kaanu-ano ba niya ang transferee?
"Insan, matagal na panahon na rin tayo hindi nagkita ah!" sabi ni Ace dito.
Insan? As in pinsan? O_O
Magpinsan sila??
"Oo nga eh. Thanks to this ring." sabay pakita ni Nero sa suot niyang singsing.
"This ring is made by the Spencers, to give me protection and lived like the
humans."
Ah.. kaya pala, binigyan siya ng singsing ng mga Spencers. Naririnig ko kasi na for
witchcrafts daw sila eh.
"Saka ang tagal na nating hindi nagkita, mahigit dalawampong taon na rin matapos
ang digmaan. Lumipat kasi kayo." puno pa ni Ace.
"Haha, oo pero okay na rin kasi ayos na ang lahat." sagot naman ni Nero. Ang astig
din ng accent niya sa pagtatagalog.
"Uhh.. Miss??"
"Miss??"
"HA?!" react ko at saka tumawa naman yung iba.
Grabe, namesmerize ako sa kanya. 0///0
"Ah.. Ikaw yung babae sa botique ah. Dito ka pala nag-aaral??" tanong naman ni Nero
sa kin.
Buti naalala na niya ko. xD "Oo! Ako. Hehe. Salamat ulit ha."
"Magkakilala na pala kayo?" pagtatakang tanong ni Ace sa min.
"Oo. Sa mall kami nagkakilala." sagot naman ni Nero sa kanya.
"Ayiee.. May partner ka na Ciera!" pang-aasar sa kin ni Yna. Grabe naman. Bulgaran
sya eh. Kakakilala nga lang namin.
"Baliw--"
"Ehem." napahinto naman kami nang biglang umubo si Stephen.
Ano na naman kaya ang problema ng lalake 'to?
"O, sige. Maya-maya, magsisimula na ang klase. Please feel at home, Nero."
nakangiting tugon sa kanya ni Matthew.
"Sure. I will."
*
"Hmm..Humm..hmmm.." nanghilamos ako sa mukha ko sa CR while humming. Inaantok na
naman kasi ako kanina sa klase kaya nag-excuse muna ako para pumunta sa CR.
"Fresh na fresh na naman ako. Haha." tumawa pa ako na parang timang. Okay lang,
tutal, ako lang naman tao rito sa CR eh.
Pagkatapos kong manghilamos, kaagad akong umalis.
Sa di-sinasadyang may nakabangga ako at nagkasalpukan yung ulo namin.
"Aray, grabe ka naman." sabi ko sabay himas ng ulo ko.
"HUH? Luke??" nabigla ako nang makita si Luke. Siya pala ang nakabanggaan ko??
Saka hindi siya pumasok kanina ah. Bakit kaya??
"Luke, bakit ka hind pumasok? May problema ka ba??" tanong ko.
Tinalikuran lang niya ako at nagsimula nang maglakad.
"Ciera, wag mong pababayaan si Yna." huminto siya para sabihinlang iyon at umalis.
HUH? Bakit kaya?
_______________________________________________
Vampire Academy
Chapter 22
CIERA SANCHEZ
"O, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko kay Yna nang naglalakad kami papunta sa
cafeteria ng school. Tapos na kasi klase namin.
"Si Luke kasi, hindi pa rin siya nagpapakita. Ni hindi nga sya pumasok sa room eh."
sagot naman sa kin ni Yna na halatang nag-aalala siya.
Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Luke sa kin nung nag-CR ako.
"Ciera, wag mong pababayaan si Yna."
Naguguluhan talaga ako sa lalakeng yun.
Naghanap naman kaagad kami ng table para umupo, "Uhmm, Yna??" panimula ko.
"Hmm??"
"Gaano na kayo katagal ni Luke?"
"Hmm.." ngumiti siya matapos kung tanungin iyon. "Nakilala ko siya nung digmaan ng
mga tao at bampira. Parehas kasing namatay ang mga magulang namin nuon. Nagkacrush
ako sa kanya. Hanggang sa we have the same feelings din pala. Kaya ayun.. Mga 17
years na rin.. Buti na lang talaga na ipinanganak kaming mga imortal kasi
magtatagal pa kami.." sagot naman sa kin ni Yna. Halatang masaya siya.
Napangiti na rin ako sa sinabi niya. Minsan lang kasi akong makarinig na may isang
nilalang na nagmamahal gaya rin nila.
Sana nga lang, hindi sila maghihiwalay at magtatagal pa sila ni Luke.
"Ikaw ba Ciera, wala ka bbang boyfriend??" nagulat naman ako sa tinanong ni Yna sa
kin.
Boyfriend? Eh.. Puro crush lang naman ang meron sa kin eh. Saka, wala namang
nanliligaw. XD
"Wala eh.. Hehe, hindi kaya ako maganda tulad mo." sagot ko naman.
"Ikaw naman, maganda ka. Mas maganda ka pa nga sa kin eh. Saka akala ko ba, may
something na sa inyo ni Stephen??" Ouo
"HA?" O__o Sa min? Siguro, yung pagiging alipin ko sa mokong na yun. Tss. =__=
"HUH? Bakit wala ba??"
"Haha! Wala noh! Imposible, saka ayoko rin. Ang sungit kaya nun." sarakastikong
reply ko with my arms crossed. Nakakairita kaya ang lalakeng yun. Kung
magkakaboyfriend man ako, wag lang sa kanya.
"Grabe ka naman." react nito.
"Totoo naman eh, saka, matanong ko lang, wala ba talagang napupusuan na babae si
Stephen.. o.. may minahal ba siya?" O__o halata sa mukha ko na curious na curious
akong malaman ang lovelife ng master ko.
Wag niyo ring sabihin na ganun na talaga katigas ang puso nung lalakeng yun??
"Well.. Meron.."
"Sino?" O.o
"Si Gaile.. Isa siyang tao.."
***
ACE MARCUS FRITZGERALD
Nandito ako ngayon sa garden ng school. Open kasi yung transparent glass pag hapon
kaya ramdam na ramdam mo talaga ang simoy ng hangin.
Dito kasi ako minsan nagpapalipas ng oras.. Nakakarelax kasi.
"Ace.."
Napalingon naman ako sa likod nang may sumambit sa pangalan ko.
Si Elle.
Nandito siya.
Lumapit naman siya sa kin at tumayo lang katabi ko habang pinagmamasdan ang langit.
"Sana.. hindi na maulit yung nangyari sa tin nung masquerade.. Nakakalungkot." sabi
niya.
Tumango naman ako at napatingin na rin sa langit, "Oo.. Sana nga."
"Saka nga pala, nakalimutan kong magpasalamat sayo.. nung sinagip mo ko dun sa mga
bampirang nakaitim." puno nito.
"Hindi ko alam.. ikaw pala yung kasayaw ko nun."
"Wala yun sa kin Elle.. I will do anything just for you.." I smiled.
"Hmm.. Ace.. Mapapatawad mo pa ba ako??" napalingon naman ako sa kanya matapos
niyang sabihin yun.
"Bakit naman hindi?"
"Kahit hindi mo ko magawang mahalin Elle, kahit ipagtabuyan mo man ako.. Nandito
lang ako lagi sa tabi mo. Tandaan mo yan." puno ko at hinawakan ang mukha niya ng
dalawang palad ko.
Bigla naman niya akong niyakap."Salamat Ace.. Susubukan ko.. Susubukan kong mahalin
kita."
***
CIERA SANCHEZ
"Sigurado ka bang nandito lang sa library si Stephen?" tanong sa kin ni Yna nang
makarating na kami sa library. Pagkatapos kasi ng cafeteria, pumunta kaagad kaming
dalawa rito. Sinabihan kasi ako ng magaling ko master na papupuntahin daw ako sa
library. May kukuning lang daw siya na libro.
As usual, may i-uutos na naman yun sa kin. O di kaya'y mang-aasar na naman.
Baka uutusan ako nun na dalhin yung mga libro na kinuha niya. Tss. =___=
"Oo. Sabi niya kasi sa kin na puntahan ko raw siya rito eh." sagot ko naman.
Saka, kinuwento sa kin lahat ni Yna tungkol sa babaeng minamahal ni Stephen, si
Gaile.
Oo, nanghihinayang ako kasi hinuhusgahan ko kaagad si Stephen sa mga ikinikilos
niya. Ni hindi ko man lang sinubukan na alamin ang nakaraan niya kung bakit siya
nagkaganun.
May pinagdadaanan din pala siya.
"Wala naman atang katao-tao eh." reklamo ng babaeng ito.
"Hanapin na nga lang natin." sabi ko naman at nagsimula nang maghanap sa library.
"Uy, Ciera! Yung novel o! Yun yung novel na gusto ko sanang bilhin sa labas,
nandito na pala?" sabi niya sabay punta dun sa isang bookshelf kung saan niya
nakita yung sinasabi nitong novel.
"Uy, teka!" sinundan ko naman kaagad siya.
Nang mapuntahan ko na kung saang bookshelf siya, napansin ko naman na parang
matutumba yung bookshelf na kinuhanan niya ng novel.
"Aha! Ito nga yun!" masayang tugon ni Yna.
"Uy, Yna! Tumabi ka!" kaagad ko siyang tinulak nang biglang natumba yung bookshelf
kaya naman ako yung natamaan.
Ngayon, nakahiga ako na padapa habang natatabunan na ako nung mga libro pati na rin
ng bookshelf na kalaki-laki.
"Aray.." >___< Ang sakit ng likod ko.
Nang mapatingin ako sa harap, nakita ko naman na natanggal yung pendant ko sa leeg.
"Yung pendant ko..." Naku patay. >_< Malalaman ni Yna ang sikreto ko.. na tao ako.
"Ciera!" kaagad naman niya akong tinulungan hanggang sa makalabas na nga ako sa
pagkakatabon ko sa mga libro.
"S-salamat." kinakabahan na ako. >O<
"Ciera..."
"Tao ka??" halatang gulat na gulat ang expression ni Yna matapos akong tinulungan.
Ommo! >___< Anong ilulusot ko nito?
"Eh.. kasi..." (>___< '')
"Yna." parehas naman kaming dalawa napalingon nang may nagsalita.
Si Stephen.
Sana tulungan niya ako.
Lumapit naman siya sa min at napansin kong nag-iba ang kulay ng mata niya, blue na
naman ito.
Ito yung naalala ko na naging ganito rin ang kulay ng mata ni Stephen nang
kinontrol nito ang isipan nung mga estudyanteng bampira na umatake sa kin.
"Yna, kalimutan mo lahat na nalalaman at nakikita mo ngayon.. at saka umuwi ka na."
direchong sabi ni Stephen habang tinititigan si Yna sa mga mata nito.
"Opo." nabigla naman ako nang sabihin iyon ni Yna at kaagad umalis.
Kinuha naman ni Stephen yung pendant sa sahig at inabot sa kin, "Suotin mo na. Yan
kasi.. Diba sabi ko, mag-ingat ka lagi?"
Papagalitan na naman niya ako.
"S-sorry.. H-hindi ko.. sinasadya." nakayukong sabi ko. Oo, kasalanan ko rin kasi.
Kung naging maingat lang kami, hindi ganito ang mangyayari.
"Hmm.. O, sige tayo na."
*
"O? Antahimik mo ata??" biglang nagsalita si Stephen nang mapansin niyang hindi ako
nag-iingay. Papunta na kami ngayon sa parking lot ng school. Uuwi na.
Eh kasi.. kinakabahan na ako.. paano kung maalala pa ni Yna yung tungkol kanina sa
library? Na tao ako.. Baka lalayo ang loob niya sa kin. Tapos magkakaroon ng
kaguluhan. Diba, bawal makapasok ang isang tao rito sa academy?
"T-talaga bang.. hindi na maaalala ni Yna yung nangyari kanina?" huminto ako ng
sabihin yun.
Lumingon naman sa kin si Stephen, "Hindi na. Diba, sabi ko sayo, proprotekhan
kita??"
Napabuntong hininga naman ako saka napangiti. "Salamat, Stephen."
Dahil sa mga sinabi niya.. kampante na ako. Unti-unting nawawala na yung mga takot
ko.
Lalo na rito sa academy.
"Saka nga pala, dog."
"Hmm?" ayan na naman ang dog niya pero bahala na. Tinulungan niya rin kasi ako.
"I want you.."
"A-ano?" Anong I want you? O__o Gagahasain niya ako??
"I want you to go out with me.. tomorrow."
...
..loading..
"HA?! Nababaliw ka na ba?? A-anong ibig mong s-sabihin?" react ko. Tama ba yung
naririnig ko? As in going out o date? O nababaliw lang talaga ako?
"Well..."
"A date??" puno nito.
O__o
"Baliw ka ba??" O_O
"Saka.. marami kayang date.. petsa, yung taon, buwan, araw--"
"I mean it. Yung date na tayong dalawa lang."
"H-ha?" naguguluhan talaga ako sa lalakeng 'to.
"Tara na nga." naiinis na sabi nito sa kin at sumakay na sa kotse niya.
Naguguluhan talaga ako sa kanya. >_____<
*
[3RD PERSON POV]
Binabasa ngayon ni lola Marissa ang libro ng propesiya ng mga bampira. Bigay kasi
ito ng kaibigan niya nuon na namatay na.
"Ang magiging katapusan ng mga lahi ng bampira ay.." binabasa ng matanda ang mga
nakasulat doon.
".. dahil sa isang babaeng tao na darating sa lugar ng mga bampira kung saan, ang
taong ito ay magiging tagapaslang nila. Ang taong ito ay may dugong Spencer.
Mapapaibig niya ang pinakamalakas na bmpira na magiging hudyat ng kaguluhan.
Magkakaroon ng sigalot sa pagitan ng mga Maiven at ng mga Spencer na siyang
magiging katapusan ng lahat. Magkakaroon ulit ng digmaan pero sa tatlong grupo; ang
mga tao, ang mga Maiven at ang mga Spencer. Pagkatapos ng pagkaubos ng mga lahi ng
mga bampira, mamamatay din ang mortal na tagapaslang."
Nabitawan naman ni Lola Marissa ang libro at naiyak.
"Ciera.. Apo.."
_________________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 23
CIERA SANCHEZ
Katatapos ko lang magbihis ng school uniform at ngayon, nagtotoothbrush na ako.
School na naman. Katamad. =___=
Ibinuga ko na yung tubig sa bibig ko sa sink. Nasa kusina lang kasi ako ng
totoothbrush. Pagkatapos ko kasing kumain, nagtoothbrush agad ako.
"Haisstt. Kakatamad." sabi ko at inistretch kaagad ang dalawang braso ko.
"O, bakit naka-school uniform ka?"
"AY KABAYO!" nagulat ako nang may nagsalita kaya naman napalingon ako sa likod.
Nanjan na naman ang hinayupak kong master.
"B-bakit??" nanginginig ako. Eh kasi yung mga mata niya, nanlilisik eh. >___>
"Bakit ka naka-school uniform?" seryosong tanong niya sa kin. Galit ba siya? Bakit?
Ano ba ginawa ko? >___<
"Ah.. eh.. Siyempre! May pasok tayo ngayon, diba?" natatarantang sagot ko.
"Hmm.. Diba, sabi ko sayo, we will go out?"
"Ah.." +___+ "Oo! Lalabas naman talaga tayo para sumakay sa kotse papuntang
academy." Nakakatakot siyang tumitig.
"Don't be stupid, Ciera. Magbihis ka ng iba. Lalabas tayong dalawa. Hindi tayo
papasok ngayon." puno niya saka tumalikod at umalis sa kinaroroonan ko.
=__________=
Bumuntong hininga na lang ako, "Hayys, bakit ba siya ganun? Saka bakit gusto niyang
lumabas kami? Kung may bibilhin naman siya, pwede namang sila Mama na ang bahala
dun o sila na lang ang sasama sa kanya. Baliw ka talaga Stephen."
***
YNA STEFANIE SCHULTZ
"Sabi sa kin ni Stephen, hindi raw sila makakapasok ngayon ni Ciera, may gagawin
daw silang importante." sabi ni Ace na kakapasok pa lang sa room. Kaya pala wala
rito ang dalawa eh.
"Haha, umaasenso na ang dalawang yun o." natatawang sabi ko. Napapansin ko kasing
these past few days, parang may kakaiba na sa dalawa. Saka, they look cute
together. A good sign din kasi manunumbalik na yung dating Stephen. Alam ko kasi na
si Ciera lang ang makakagawa nun. Ciera has it all.
Pero saan na ba yung asawa ko? Nasaan na ba ang mokong na Luke na yun? Kahapon pa
yun di pumasok ah. Sana walang nangyaring masama sa kanya.
O di kaya..
Nambababae na naman siya. Grrrr.. >___<
Sa oras na malaman kong nambababae na naman siya, ilelechon ko talaga silang
dalawa.
Baka nandun na naman yun sa ibang year level. Nakikipagharutan na naman siguro sa
ibang mga estudyante.
"Ah, Ace, aalis na muna ako. Hahanapin ko lang ang hinayupak na Luke na yun,
babalik kaagad ako, bye!" sabi ko kay Ace at kaagad tumakbo papunta sa labas.
Patay talaga sa kin ang Luke na yun sa oras na makita ko siyang nakikipaglandian.
*
Kung saan-saang parte ng academy ko hinahanap si Luke pero hangganng ngayon, hindi
ko pa rin siya makita. Nag-aalala na ako. Baka may nangyaring masama o may
bampirang nakaitim ang umatake sa kanya. Sana naman wala.
Hanggang sa makarating ako sa gym ng academy. Wala man lang katao-tao.
Tumalikod naman kaagad ako pero napatigil nang may narinig akong ingay.
Napatingin naman ako sa gilid ko at nagulat nang makita si Luke...
... kissing with another girl.
Parang nadurog ang puso ko ng makita yun. Parang namanhid ang buong katawan ko.
Okay lang sana kung nakikipag-usap lang si Luke sa iba kasi ito naman talaga ang
casual habit niya. Pero ngayon, sobra na.. Masakit na siya.
Tas napapansin kong gusto niya ang nangyayari sa kanilang dalawa ngayon, he was not
resisting.
>________<
"You bitch!!!" kaagad akong lumapit sa kanila at sinabunutan ang babaeng kahalikan
ni Luke. Well, mali ang binangga niya.
"Bitch! Get lost! Whore! Slut!" sigaw ko sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang
buhok ng babaeng haliparut na 'to.
I dragged her from Luke at pinagsasampal. "Kapal ng mukha mo!"
"Yna! Stop!" biglang sumigaw si Luke at ngayon nakaharap sa min.
Nagulat naman ako sa inasta niya. Kinakampihan ba niya yung babae?
"Sheryl, I'm sorry for her rude act. Umalis ka muna. Mamaya na lang." puno niya at
tumango naman yung babae at umalis.
Nilapitan ko naman si Luke at sinampal. "Luke, why are you doing this?" naiiyak na
ako pero hindi pwede. Kailangan kong maging matapang.
Napansin ko naman na iniiwasan akong tignan ni Luke.
"Magsalita ka Luke! Magsalita ka!" sigaw ko at ngayon, pinagsusuntok ang dibdib
niya. "Bakit mo ginawa yun?? Bakit??" tuluyan na ngang nagbagsakan ang mga luha ko.
Hinawakan naman niya ang dalawang kamay ko at ibinaba.
"I'm sorry, Yna.. Ayoko na. We're over."
O_O
Parang biglang tumigil ang oras nang sabihin niya yun..
"M-makikipaghiwalay ka sa kin?" I was stammering.
"Oo, kaya.. tumigil ka na Yna. Sawa na ako sayo. Ayoko na." binitawan na niya ang
pagkakahawak sa kamay ko at tumalikod. Kaagad siyang nagsimulang maglakad.
"Teka, Luke!!" nahawakan ko naman kaagad ang braso niya. Umiiyak na naman ako.
"I'm sorry kung--"
Hindi na niya ako pinatapos at agad siyang nagsalita, "Just stop it, Yna. Get
lost." malamig na sabi niya sa kin kaya naman napabitaw ako sa paghawak ko sa braso
niya.
Umalis na siya at iniwan lang ako.
Napaupo naman ako sa sahig at gulat na gulat pa rin sa nangyari.
Ang sakit.
"Luke.. Bakit??" umiiyak ako.
***
CIERA SANCHEZ
"Uyy! Mainit ngayon o! Paano tayo makakalabas, aber?" sabi ko kay Stephen na may
halong pang-aasar sabay turo dun sa bintana nila. Tapos na kasi kaming magbihis at
mag-ayos kaya ngayon, nandito kami sa may pintuan para lumabas. Saka, ayokong
makipagdate sa kanya. >__< Nakakatakot eh. Kahit gwapo siya, ayoko pa rin. Mas
mabuti na lang kung si Matthew yun o si Mr. Transferee.
Ipinakita naman niya sa kin ang singsing na kulay silver na suot niya. "I have
this, protection ito saka minsan ko na rin 'to nagamit nuong lumabas ako sa lugar
ng mga tao. Tara na." hinawakan niya kaagad ang kamay ko at lumabas na sa bahay
nila.
Binuksan niya yung pinto ng kotse, "O, sakay na."
"Opo." =__= sumakay naman kaagad ako. Nasa front seat ako ngayon.
Sumakay din naman siya at kaagad nagmaneho.
"S-saan pala tayo pupunta?" tanong ko. >__< Kinakabahan ako sa lalakeng ito.
"Sa amusement park." tipid na sagot nito. >///> AWKWARD.
"Ahh..." tanging nasambit ko. Ano ba naman 'to. Nakakailang. >///<
"Saka nga pala.." panimula ko ulit. "B-bakit ako ang naisipan mong i-d-date? Eh..
n-nanjan naman si Elle.. Mas bagay kayo.." hindi ko alam kung bakit ganun ang
lumabas sa bibig ko basta ngayon, pulang-pula na ang mukha ko dahil sa awkwardness.
"Kasi.. mas gusto kita.." sagot naman nito.
Nagulat naman ako sa sagot niya. "HA?"
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o hindi. Halu-halong emosyon kasi ang
nararamdaman ko. Ewan ko.. kapag kasama ko si Stephen, naguguluhan ako sa
nararamdaman ko. >_<
Napansin ko namang ngumiti siya, "Basta.. Ikaw ang gusto kong kasama."
Bakit ba niya laging ginugulo ang nararamdaman ko? Wala naman akong gusto sa kanya
ah. Saka hindi ko naman siya crush eh. =____=
*
Dumating na nga kami sa amusement park kung saan kami mamamasyal. Pinark naman niya
yung kotse sa may parking lot.
"Waa.. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta rito." sabi ko. Matagal na
panahon na rin yun, siguro mga bata pa ako nun. Malapit na nga ako mag-18 eh. XD
Seventeen ako ngayon at ilang buwan na lang, birthday ko na. Hohoho! ^O^
"Lika na." sabi niya at kaagad hinawakan ang kamay ko.
Magkahawak-kamay kaming pumasok sa amusement parh. Sheyt. Bakit parang may kuryente
akong nararamdaman? >_______<!!
"A-ano pala gagawin natin dito, Stephen.. ay este Master??" tanong ko. >__< Bakit
nauutal na naman ako?
"Sasakay tayo sa iba't-ibang mga rides para masaya." sagot naman nito.
Sasakay kami? Eh.. wala nga akong dalang pera eh. (_ ___ '')
"Ah.. eh.. Wala akong dalang pera.." nakayukong sabi ko sa kanya.
"Okay lang. Ako naman ang umalok sayo na lumabas kaya ako bahala sa gastos dito.
Halika na." ngumiti na naman siya.
Saka napapansin ko, ngumingiti na siya this past few days ah? May nakain ba siya?
O____o
At bakit ang bait-bait na niya sa kin?
Siguro, nahulugan ng vase sa ulo itong mokong na 'to o kaya'y nagka-amnesia. O.o
O..
Niloloko lang ako ng lalakeng 'to? Tinitrip lang yata ako eh. =____=
Pwes, hindi ako mahuhulog sa patibong niya. >:P
*
At ayon nga sa sinabi niya, sumakay kami sa iba't-ibang mga rides at siya rin ang
gumastos sa lahat. Siyempre, siya umalok. XD Kaya lubus-lubusan mo na. Minsan lang
kaya maging mabait itong master ko.
"Ayun o! May gwapo!" napatingin naman ako nang may nnagsalita. Kaagad lumapit sa
min ang isang grupo ng kababaihan.
"Papicture tayo sa kanya! Para remembrance dito!"
"Oo!"
"O-oie!" itulak ba naman ako? Hoy, heller?! Kadate ko yang pinipicture niyo.
>__________<
"Sorry miss! Kami yung nakauna eh. Kung gusto mo rin magpapicture, pumila ka." sabi
nung isa sa kin. Aba... aba.. Ang kakapal ng mukha! Eh sila nga yung epal dito!
Makaalis na nga! =___=
Padabog akong umalis papalayo sa kanila.
"W-wait.. Teka, Ciera!" narinig kong sumigaw siya pero hindi na ako lumingon pa.
Nahawakan naman niya kaagad ang balikat ko. "Ambilis mo namang nakaalis." sabi
niya.
"Tanungin mo yang mga fans mo. Kainis. Itulak ba naman ako." =__=
"Uy! Teka! Papapicture lang naman kami eh." sumigaw pa yung isa niyang fans sa min.
Sarap talaga ipalapa sa buwaya.
"I'm sorry. Aalis na kasi kami ng girlfriend ko. Sige, next time na lang."
nagsalita kaagad ang hinayupak nito.
At nang mapalayo-layo na kami sa kanila ay kaagad ko siyang binatukan. "Bakit yun
ang sinabi mo kanina ha?" =__= sabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman, ayaw mo?" he gave me an evil grinned.
Ayan na naman ang mapang-asar na mukha niya. Tss!
"Bahala ka nga! Mag-ccr lang ako. Tss!" sabi ko sa kanya at nagwalkout. Ayoko
talagang maging girlfriend niya. >__<
*
Pagkatapos kong mag-cr, hindi ko na alam kung saang lupalok na akong napunta. Saka
hindi ko pa masyadong kabisado ang amusement park na 'to. Magtanong-tanong na lang
ako sa iba. >__<
"Uy, Ciera!" nabigla ako nang may biglang tumawag sa kin at sa paglingon ko, nakita
ko si Gerard.
"Ikaw pala." buti naman okay na siya.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Ang tagal naman ng babaeng yun." sabi ko na halos kalahating oras na ritong
naghihintay. Saang lupalok na kaya yun napunta?
Nagsimula na akong maglakad para hanapin ang babaeng yun. At sa di sinasadyang may
nabangga ako.
"Sorry." sabi ko dun sa babae at tinulungan siyang tumayo.
Laking gulat ko na ito yung kaibigan ni Ciera.. Yung kamukha ni Gaile.. si Pauline.
"Uy, ikaw pala yan." sabi nito sa kin.
Kamukhang-kamukha talaga niya si Gaile. Pero imposible kung siya yun.
Nagkataon lang siguro ang lahat, I'm just overthinking. "A-ah.. Sige, alis na ako,
sorry ulit."
Iniwan ko lang siya at umalis. Dapat Stephen, kalimutan mo na si Gaile.
Nagpatuloy lang ako sa paghahanap kay Ciera hanggang sa makita ko siyang nakaupo sa
isang bench na may kausap na lalake.
At nang nilapitan ko sila, yung lalakeng pala yun ay walang iba kundi si Gerard
Blanco.
"Ciera." nagsalita ako kaya naman napatigil sila.
"Ahh.. S-Stephen, ikaw pala." halatang nagulat si Ciera nang makita ako at
napatayo.
"Ikaw pala pre, sorry ha. Hiniram ko lang Ciera, nagkwentuhan lang naman kami saka,
binibigyan ko kayo ng free tickets para sa concert ko rito mamaya." sabat naman ng
Gerard na 'to.
"Tayo na Ciera." kaagad kung hinigit ang kamay ni Ciera at umalis palayo dun sa
lalakeng yun.
"Uy, Stephen! Teka lang, sayang yung tickets o. Saka hindi man lang tayo
nagpaalam."
Hindi ko na siya pinansin pa at dire-direcho lang naglakad hanggang sa dumating na
nga kami sa parking lot kaya naman binitawan ko na siya.
"Uy, Stephen, galit ka ba?" tanong nito sa kin.
Bakit ba ang manhid niya? =______=
"Ang manhid mo talaga. Sige na, sumakay ka na." sabi ko na lang sa kanya at sumakay
na rin.
***
CIERA SANCHEZ
Sumakay naman kaagad ako sa kotse niya pagkatapos nagmaneho kaagad siya.
Kani-kanina lang, ang bait tapos ngayon, nagsusungit na naman. T___T
Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga sasakyan na dumadaan sa
min. Ilang oras din pala kami dun sa park, hapon na kasi.
"Ciera.." nagsalita si Stephen.
Kaya naman napatingin ako sa kanya. "HUH?"
"Nang-iinit ako." he said with a husky voice. A-ano bang pinagsasabi ng lalakeng
'to?
"E-ewan ko sayo." tumingin ulit ako sa may bintana.
"Ciera.. Nang-iinit ako.. Please.. make love to me."
Sira bang lalakeng 'to? Ambastos niya! >__<
"Baliw ka! Naririnig mo ba yang pinagsasabi mo?!" sabi ko sa kanya at halatang
naiinis. Ang manyak niya. >__<
"Haha, joke lang! Nakakatawa talaga ang reaksyon mo!" XD
"Kaya nga.. importante ka sa kin."
_________________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 24
[3RD PERSON POV]
Kinaladkad ng mga tauhan ni Mr. L si Pauline papasok sa opisina niya. Palihim kasi
nila itong kinidnap nang matiyempuhang naglalakad lang sa daan si Pauline
pagkatapos ng klase. Bibili sana kasi ang dalaga ng gamot para sa nanay niyang may
sakit.
"Bitawan niyo ko!! Ano ba!!" sigaw nung dalaga at pilit na kumawala sa mga
nakahawak sa kanyang mga tauhan ni Mr. L.
Sumenyas naman si Mr. L sa mga tauhan nito na pakawalan na si Pauline at sinunod
nman nila kaagad ito.
Lumapit naman si Mr. L kay Pauline at hinawakan ang baba nito. "Magkamukhang-
magkamukha talaga kayo." he smiled.
"S-sino ka??" halatang kinakabahan si Pauline habang kinakausap siya.
"Well, call me, Mr. L. Saka you two are really the same, Ms. Pauline Villanueva.
Parehas talaga kayo ni Abigail Jiminez. Kumbaga parang kakambal ka niya. Pero
imposible namang ikaw si Gaile, diba? Dahil patay na siya." sabi ni Mr. L rito at
umupo na sa table niya.
Naguguluhan pa rin ang dalaga sa pinagsasabi nito. Abigail Jimenez? Eh ni hindi
niya nga ito kilala.
"Pauline Villanueva, balita ko na may sakit daw ang nanay mo at walang-wala na
kayo." he gave her an evil grin.
Naiyak na lang si Pauline sa sinabi nito sa kanya. Oo, lugmok na talaga sila pero
siya pa ang kinidnap? Kailangan siya ng nanay niya ngayon sa mga oras na ito.
"Pakawalan na ho ninyo ako. Kailangan po ako ng nanay ko."
"Kaya nga tutulungan kitang gamutin ang nanay mo. Ako ang gagastos ng operasyon
niya."
Napatingin naman si Pauline kay Mr. L.
"Pero sa isang kundisyon, ito." tumayo si Mr. L sa pagkakaupo niya at binigay kay
Pauline ang folder.
Binuksan naman ni Pauline ang folder. Nagulat siya nang makita ang picture ng babae
na sinasabing si Abigail Jimenez. Kamukhang-kamukha niya talaga.
"Kailangan mo lang maging si Abigail Jimenez. Nasa loob ng folder na yan ang lahat
ng impormasyon tungkol sa kanya. Basahan mo lang lahat so you could act effectively
the same way as hers. Ang kailangan mo lang gawin is to lure Stephen Luris Maiven,
made him fall in love with you and destroy him. Siya yang lalake sa picture sa
gilid ng picture Gaile. At dahil jan, matratransfer ka sa Spencer Academy. A school
for vampires."
Nanlaki naman ang mata ni Pauline nang marinig ang "Vampires". Anong nais niyang
sabihin sa kanya?
"If you'll not do my condition, we will kill your beloved mother because we're not
just any ordinary creatures, we're vampires whether you believe it or not." naging
kulay pula na ang mga mata ni Mr. L para maipakita kay Pauline na totoo ang
sinasabi niya.
"Luke." tinawag ni Mr. L si Luke na ngayon, tahimik lang nakatayo sa isang sulok.
"Ikaw na bahalang magsabi sa kanya lahat."
"Yes, Mr. L."
***
CIERA SANCHEZ
"Since malapit na ang holiday break natin, napag-isipan kong magkakaroon tayo ng
one-to-one talk with your assigned partners. For the whole day, kayo ang
magkakasama, pag-uusapan niyo ang mga future plans niyo and etc. Yan lang naman ang
gagawin niyo for this day." sabi sa min ng isa naming teacher dito.
"Okay so, ako ang mag-aassign ng magiging partners niyo. Okay, Ciera, you'll be
paired up with Nero."
Napatingin naman ako sa transferee na si Nero. Buti na lang talaga na hindi ang
hinayupak na master ko ang magiging partner ko. Nandidiri na ako sa kanya. =__=
"Stephen and Yna."
"ANO?! Bakit sa hinayupak na 'to?!" halatang ayaw ni Yna na mapartner si Stephen.
Sa tingin ko, noon pa magkaaway itong dalawang 'to e.
"Nicole and Ethan."
"Luke and Matthe."
"Vivien and Ace."
"And Elle, ako muna ang magiging partner mo since we're an odd numbers. So, is it
clear?"
"Yes, sir." sabi naman naming lahat.
"O, sige maiiwan ko muna kayo. And Elle, let's go." sabi naman ni Sir at kaagad
sumunod sa kanya si Elle.
"Ah.. Kung ganun magsimula na tayo." masayang tugon ko at ako na ang unang tumayo.
"Sige kami rin." sabi naman nung iba at nagsitayuan na. Nagsimula na silang magsi-
alisan sa room.
Aalis na sana ako nang may biglang humawak sa kamay ko.
Napalingon naman ako kay Stephen. =__=
Ano na naman kaya ang problema ng lalakeng 'to?
"O?" naiirita kong tanong sa kanya. Ano na naman kayang birung gagawin niya sa kin?
"Mag-ingat ka." he said gently. O__o Ambait na naman niya ata??
"Ah.. eh.. oo." >__< ang awkward naman. Nang mapatingin ako sa mga mata niya,
kaagad akong umiwas. Anubeyen! Bakit naiilang ako.
"Ehem." napahinto naman kaming dalawa nang may umubo, si Nero.
"Mr. Stephen, can I please borrow some of Ms. Ciera's time? Wag kang mag-alala,
hindi ko naman aagawin girlfriend mo." yumuko pa 'tong mokong na 'to kay Stephen as
a sign of respect. Baliw siya. Paano naman niya nasabi na girlfriend ako ng
hinayupak na 'to? =_____=
Stephen just smiled creepily. O_o Ano bang nangyayari?
"Aasahan kong wala kang gagawin sa kanya ng masama kasi hindi mo alam kung sino
ako." sabi naman sa kanya ni Stephen.
"Well, certainly. O sige, alis na kami. Ms. Ciera, let's go." umuna ng naglakad si
Nero kesa sa kin.
"Ah.. Sige." kaagad naman akong sumunod sa kanya.
Bakit ba may nararamdaman akong iba sa kanila? >__<
May papatay na naman kaya sa kin?
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Simula nung lumipat yang transferee sa min, may kutob na akong may kakaiba sa
kanya.
Nang sinubukan ko namang basahin ang pag-iisip niya, wala naman siyang masamang
intensyon.
Siguro, kailangan lang namin maging maingat para sigurado kami.
Napalingon naman ako sa kinauupuan ni Yna at napansing tulala siya. Saka napapansin
kong hindi na sila masyadong nagkakasama ni Luke, may problema siguro.
Kaming dalawa na lang ni Yna ang nandito ngayon sa room.
Bumalik naman ako sa seat ko at umupo. Wala naman 'tong patutunguhan ang mga pag-
uusap namin. Matagal na kaming nagkakasama rito kaya it's no use. Ewan ko ba kung
bakit naisip yun nung teacher namin.
"Yna, may nangyari sa inyo ni Luke?" panimula ko.
"H-ha? W-wala naman." sagot naman nito.
Bumuntong-hininga naman ako. "Don't fool me Yna, nakakabasa ako ng isip."
"Haistt. Walangya ka talaga kahit kelan Maiven, bakit ba ganyan kayong mga lalake?"
napapansin ko sa boses niya na parang iiyak na siya.
Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko at lumapit sa kanya sabay abot ng kamay ko.
"Naalala mo pa ba ang tawag ko sayo nuon? Giraffe? Kasi nung mga bata pa tayo,
gustong-gusto mo ang mga giraffe. Ikaw nga lang ang pinakaweirdo na nakilala ko eh.
Saka ang daldal pa."
Oo, hindi ako sanay na makita si Yna na tahimik at malungkot. Masayahin kasi 'to
lagi at kahit minsan lang kami nagkakasundo, she is one of my loyal comrades.
Silang apat lang nina Ace, Ethan at Elle ang nakakaalam kay Gaile.
Inabot din naman nito sa kin ang kamay niya saka tumayo. "Baliw ka kahit talaga
Maiven. Ikaw lang tumatawag sa kin nun." natatawa niyang sabi sa kin kahit alam
kong nasasaktan pa rin siya.
I gave her a pat on her head. "Wag kag mag-alala, palalampasin ko muna ang mga oras
na 'to para sayo, cry."
Bigla naman niya akong niyakap at umiyak na rin siya, "Ang sakit.. Maiven.. Iniwan
na rin niya ako.. Iniwan na rin ako ni Luke.. Ano bang problema sa kin? Bakit nila
ako iniiwanan?"
"Walang problema sayo, Yna. Tandaan mo.. Nandito pa kami, ng mga kaibigan mo.
Everything has a reason."
***
CIERA SANCHEZ
Ang air of awkwardness.. =___=
Nakakailang naman 'tong kasama si Nero. Walang kibuan. Nandito lang kami ngayon sa
isa sa mga table ng mga cafeteria na umupo.
Paano ko ba masisimulan 'tong pag-uusap namin? O.o
"Ah... Nero, salamat nga pala nuon ha? Nung ikaw bumili ng damit ko para sa ball
namin? Sorry talaga, hindi pa kasi kita mababayaran ngayon saka don't worry,
babayaran naman kita!" ^___^V panimula ko. Sana magreply siya para may maitopic
kami. XD
"Okay lang naman, it's my pleasure. Ang swerte ko nga kasi to tell you honestly,
ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko." reply naman niya.
Mambobola naman 'to pero kinikilig ako. xD >///<
"Grabe ka naman, hindi noh. Haha!" tumawa pa ako.
"It's true. Nasayo yan kung maniniwala ka o hindi, in fact that it is just my
opinion."
"Let's get serious, Ciera. I have many things to know about you." he smiled
creepily. Ano yun? Para may naramdaman na naman akong iba sa kanya? >__<
"S-sige."
***
MATTHEW SPENCER
"Tulala ka naman ata jan, Luke?" sabi ko kay Luke nang mapansin kong parang wala
siya sa sarili niya.
Dinala ko kasi siya rito sa bahay ko na nasa loob lang ng academy. I invited him to
play billiards.
"W-wala." sagot nito at sakto namang pagtira ko sa bola, pumasok ito sa butas.
"Really? Saka napapansin kong you're acting differently these past few days. Is
there something bothering you?" tanong ko. May kutob akong may iba talaga sa kanya.
"W-wala naman." nakayuko niyang sagot sa kin habang nakasandal sa pader hawak yung
billiard stick while waiting for his turn.
"Are you sure, Luke Smith, that you're honest with us? Meron ka bang tinatago sa
min?" direchong tanong ko kaya naman napaangat ang ulo niya at napatingin siya sa
kin.
As what I've expected.
***
CIERA SANCHEZ
Grabe kung mag-interview ang lalakeng yun. Parang kang mag-aapply ng trabaho. Isang
salita lang ata eh baka madulas ako at malaman pa niyang tao ako. Tanungin ba naman
ako saan ako nakatira, sino mga magulang ko, bakit ako nandito sa academy at kung
ano pa. =__=
Kinakabahan talaga ako ng husto sa kanya. >___<
Buti na lang talaga na pinayagan niya akong magbreak muna. Siyempre, ang pagpunta
sa CR para juminggle. XD
Paglabas ko sa isa sa mga cubicle sa CR, may nakasalubong akong isang pamilyar na
babae at nilagpasan lang ako.
Teka..
Parang kilala ko siya..
"Pauline?!" nahawakan ko kaagad ang braso nung babae at napatingin naman siya sa
kin.
Si Pauline nga! Pero.. paano siya nakapunta rito?
At bakit??
Napansin ko namang halatang gulat-gulat siya nang makita ako.
"P-Pauline.. Paano?--"
Hinawakan naman niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at ibinaba. "Ciera..
Hindi na ako ang Pauline na nakilala mo nuon."
"At saka, hindi lang naman ikaw ang pwedeng makapasok dito, diba? Akala ko ba
magkaibigan tayo? Di mo ba ako susuportahan?? Don't worry, Ciera, alam ko na
lahat." nagulat ako sa inasal niya. Ibang-iba na siya. Saka mahigit dalawang linggo
lang naman yung huli namaing pagkikita ah. Bakit nag-iba na siya ngayon?
"Pero Pauline.. Bakit?"
"Simple lang naman, ang magkaroon ng magandang buhay."
_______________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 25
PAULINE VILLANUEVA
Alam kong hindi pa rin makapaniwala si Ciera sa sinabi ko sa kanya pero kailangan
ko. Kailangan kong gawin 'to para kay Mama.
"Saka Ciera, hindi na ako isang ordinaryong tao, isa na rin akong bampira." I
smiled at her devilishly. I'm so sorry Ciera.
"P-Pauline.." alam kong naguguluhan ka pa rin pero Ciera, para sa Mama ko 'to. Alam
kong alam mo ang sitwasyon namin ni Mama noon pa. Maiintindihan mo ko.
"And yeah, diba, lagi kayong magkasama ni Stephen? Hmm.. I just want to say, good
luck to both of you. Bye." yun na ang mga huling katagang sinabi ko sa kanya at
iniwan lang siyang nakatayo sa CR.
Napilitan lang naman akong gawin ang lahat ng 'to. Kung kinakailangan, kakalimutan
ko ang pagkakaibigan namin ni Ciera para lang kay Mama. Kaming dalawa na lang ang
natitira sa pamilya namin. Hindi siya dapat mamatay.
Saka sabi nung lalake sa kin, pareho lang din kaming naiipit sa sitwasyon namin...
***FLASHBACK***
"Alam ko mahirap pero.. parehas lang din tayong naiipit sa sitwasyong ito. Gagawin
mo ba?" sabi sa kin nitong lalake na nagpakilala bilang Luke. Sa tingin ko, siya
ang kanang kamay ng sinasabi nilang si Mr. L.
Pareho kaming nasa isang kwarto ngayon na nakatayo.
Tapos na rin kasi niyang pinaintindi sa kin kung ano dapat kong gawin. Kung ano
sila, mga bampirra dito at doon saka ang maging si Abigail Jimenez. Saka, wala rin
naman akong pagpipilian kundi sundin ito.
"Hmm.. Basta.. Ipapangako niyo sa kin na magagamot si Mama." sabi ko naman sa
kanya. Kahit anong gawin ko para gumaling lang sa sakit si Mama.
"Oo, huwag kang mag-alala, tutuparin namin ang pangako namin sayo. Bukas na bukas
din, pupuntahan namin ang nanay mo at maglalaan ng pera para sa operasyon niya."
nakangiting tugon nito sa kin. Nagtataka lang ako, hindi kasi ganun nakakatakot ang
boses niya, hindi gaya nung boss nila na sa unang tingin pa lang ay kakabahan ka na
talaga. Siya.. para may konting kabaitan pa rin. Kumbaga, parang napipilitan lang
din siya.
"Aasahan ko yan." seryoso kong pagkasabi sa kanya.
"And like I had said earlier, I'll turn you into a vampire." bigla namang naging
pula ang kulay ng mga mata niya.
Sinabi rin niya yun sa kin kanina. Gagawin daw niya akong bampira para makapasok
ako sa academy.
As as sign of agreement, I get off some of the strands of my hair carressing my
neck where he will bite me.
Kaagad naman siyang lumapit sa kin at kinagat ang leeg ko while his left hand is
supporting my back.
"Ahhh!!" napasigaw ako sa sakit at nasabunot ko siya.
Ganito pala.. ang makagat ng isang bampira..
"Ahhhh---"
Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan. Ramdam na ramdam ko ngayon na parang may
umagos sa loob.. dugo.. dugo ko.. nalalasahan ko ngayon ang dugo ko..
Parang may nararamdaman na akong kakaiba sa kin...
***END OF FLASHBACK***
Patawarin niyo ako pero kailangan ko lang gawin ang lahat ng ito.
***
CIERA SANCHEZ
Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon, si Pauline, nandito
siya tapos sabi niya isa na raw siyang bampira, ito namang si Nero, parang nasa NBI
kung makapag-interview eh about holiday break lang naman ang dapat pag-usapan..
tapos itong mokong na master ko.. paiba-iba ng ugali.. haisstt.. =____=
Bakit ba kasi akong nandidito sa mundo nila? Kung noon pa sana ako nagbackout eh
hindi sana ganito ang mangyayari. Tss. T____T
Pagbalik ko naman sa cafeteria, napansin kong wala na yong hinayupak na si Nero.
Ganun lang? Iiwanan lang niya ako? Tsk. Napakaweirdo talaga nila.
Mas mabuti pang bumalik na lang ulit ako sa classroom. =__=
Naglakad naman kaagad ako papunta sa room at dun na magpalipas ng oras.
At nang dumating na ako, sa pagbukas ko ng pinto, nakita ko sina Stephen at Yna..
O__o
Nagyayakapan sila tapos si Yna, umiiyak.
Nuon, sobrang magkaaway yung dalawa ah. Tas ngayon, nakikita ko ang sweet na nila
sa isa't-isa.
Hindi kaya may secret affair silang dalawa? O.O
Ewan ko na talaga. Anggulo nila! >______<
Hindi na lang ako pumasok at sinirado na lang pinto. =__________=
Sinasabihan pa ako ng mokong na Stephen na yun na ang landi ko tapos siya naman
talaga ay malandi rin. Nakakainis. >_<!!
Kung siya makapanglait sa kin.. Kaasar..
Naiinis ako sa kanya! =__=
***
[3RD PERSON POV]
Tinitignan ngayon ni Lola Marissa ang picture ni Ciera nuong bata pa ito. Naalala
pa niya kung paano siya dumating sa buhay nilang mag-anak.
"Ma." napatingin naman agad siya sa may pintuan at nakita ang anak niyang si Eliza.
"Anak.. Nandito ka pala.."
*
"Kamusta si Ciera? Kasama mo ba?" tanong ni Lola Marissa sa anak niya habang
nakaupo sila sa sofa ng sala. Inutusan kasi si Eliza ni Mrs. Maiven na pumunta sa
bayan kasi may ipapabili ito kaya naisipan na rin niyang dumaan na lang din sa
kanila.
"Okay lang naman siya. Nandun, sa academy ng mga bampira. May klase kasi siya kaya
hindi siya nakasama sa kin." sagot naman nito. "Kayo Ma, kamusta na?"
"Ayos lang ako, si Ciera, malapit ng mag-diseotso, nasabi mo na ba?" bakas sa mukha
ang pag-aalala sa apo si Lola Marissa. Kapag diseotso na kasi ang dalaga, lalabas
na ang totoo niyang katauhan.
Bumuntong hininga naman si Eliza sa sinabi ng matanda, "Hindi pa. Hindi pa sa
ngayon.."
"May mga sintomas na ba?"
"Sa awa ng Diyos, wala pa naman. Wala rin siyang sinasabi sa kin tungkol dito."
Hinawakan naman ni Lola Marissa ang mga kamay ng anak, "Natatakot ako Eliza.. sa
mangyayari.."
"Ganun din naman ho ako.. pero.. yun na ang nasa propesiya.."
"Sana hindi ganun ang mangyayari... Sana magiging maayos ang lahat." Iniisip ngayon
ni Lola Marissa na sana hindi matuloy ang propesiya, napakabait na bata si Ciera,
napakainosente pa nito para malaman ang lahat.
***
CIERA SANCHEZ
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita o masalubong man lang itong partner ko.
Haisstt. Iniwan lang talaga ako ng hinayupak na yun at hindi man lang ako
sinabihan. =_____=
Kung saan-saan na ako napunta. Amboring kasi. Saka ayokong mang-istorbo sa kanila.
May kanya-kanyang partners kasi kami kaya bakit ako manggugulo. -___-
"DOG."
"Ay kabayo!" nagulat ako nang may biglang tumapik sa balikat ko at napatingin kung
sinong gumawa nun. Walang iba kundi ang magaling kong master. Tss. Ano na naman
kaya ang kailangan nito? =_____________=
"O? Ano naman ang kailangan mo? Ba't hindi ka na lumalandi? May secret affair ka
pala.." naiirita kong sabi sa kanya. Talaga lang. Nakakainis siya.
"Huh?" nagpapahalatang hindi niya pa alam ang ibig kong sabihin. Tsk. =___=
"Huh ka jan. Eh.. ano pala ginagawa niyo ni Yna dun sa room, aber? Wag mong
sabihing nagswiswimming kayo? Asus." =__=
"Kaw naman. Wag ka na ngang magselos." nang-aasar na naman siya. Selos? Baliw ba
siya? Bakit naman ako magseselos? Kaanu-ano ko ba siya? =_=
"Asa, mukha mo! Tss!" padabog akong naglakad at umuna sa kanya. Badtrip talaga ako!
Bigla ko namang naalala ang mga sinabi sa kin ni Pauline.
"And yeah, diba, lagi kayong magkasama ni Stephen? Hmm.. I just want to say, good
luck to both of you. Bye."
Lumingon naman ako kay Stephen, "Hoy, Stephen.. Gusto kong mangako ka rin sa kin..
Mag-iingat ka rin lagi."
"Aray.." napahawak naman ako sa ulo ko. Biglang sumakit parang nahati. >___<! Ano
bang nangyayari sa kin?
________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 26
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Aray..." napatigil naman ako ng biglang umaray si Ciera. Nakahawak siya ngayon sa
ulo niya.
Nilapitan ko naman kaagad siya. "Hoy, anong nangyayari?"
"S-Stephen.. t-tulungan mo ko.. a-ang.. sakit ng ulo k-ko..." sabi nito sa kin na
parang iiyak na. Nahawakan ko naman kaagad ang balikat nito.
"Ciera? A-anong nangyayari??" natataranta kong sabi sa kanya.
"Stephen." nanlaki ang mga mata ko nang naging seryoso ang mukha ni Ciera na
nakatingin sa kin tas naging kulay pula ang mga mata nito. "Umalis ka na!" sigaw
nito sa kin.
"C-Ciera!" kaagad naman siyang nawalan ng malay matapos sabihin iyon pagkatapos,
binuhat ko siya. "Ano bang nangyayari sayo??"
Mabilis akong pumunta sa parking lot at isinakay sa kotse at nang mahawakan ko ulit
siya, naging mainit na ang katawan nito. "Ciera, bakit ka nagkaganyan?" pag-aalala
ko at kaagad namang sumakay sa kotse at nagmaneho.
Dumirecho kaagad ako sa amin at binuhat ulit siya papasok sa loob.
Sinalubong naman ako ng mga magulang ni Ciera.
"Ano pong nangyari?" pag-aalalang tanong nina Eliza sa kin nang makapasok na ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at ang mag-asawa naman ay sumunod lang sa kin.
Nang dumating na ako sa kwarto ni Ciera ay dahan-dahan ko siyang nilagay sa kama
niya. Tinakpan ko kaagad siya ng kumot at hinaplos ang mukha nito. Mainit pa rin
siya.
"Mainit siya. Wala bang basang tuwalya jan?" tanong ko sa mag-asawa na nasa likod
ko lang ngayon.
"Ah.. meron. Sige, kukuha ako." lumabas naman kaagad si Herbert sa kwarto para
kumuha nito.
Ngayon, kami na lang ni Eliza ang naiwan sa kwarto.
Bumuntong hininga ako at lumingon kay Eliza, "May tinatago ba kayo sa kin?" seryoso
kong pagkasabi sa kanya.
"H-ha?" halatang nabigla rin siya sa inanong ko.
"Biglang naging pula ang mga mata ni Ciera, hindi naman ito kagagawan ng pendant na
suot niya. At tanging mga bampira lang ang nakakapalit ng kulay ng mga mata." puno
ko.
Hindi naman nakasagot kaagad si Eliza at nakayuko lang.
"Sabihin mo sa kin ang totoo.. Bakit nagkaganun si Ciera?"
"S-sir Stephen..."
"Sino si Ciera?!" mas tinaasan ko pa ang boses ko.
"Sir Stephen.. si Ciera.. Hindi siya tao.."
Parang napahinto ang oras nang marinig ko iyon..
Si Ciera..
.. Hindi siya tao??
"Si Ciera... May dugong Spencer siya.. Anak siya ng yumaong Magnus Spencer.." puno
naman ni Eliza.
Magnus Spencer??
Naaalala ko siya. Bago pa man magsimula ang digmaan, pinatay siya ng kapwa-Spencer
niya. May nilabag daw itong batas. Siya pa yung unang namuno ng mga Spencer pero
nang namatay na siya, pinalitan na siya ni Kendra Spencer.
"Itinakas ni Magnus ang anak niya.. Si Ciera kasi ang sinasabi sa propesiya.."
"Propesiya??" lalo pa akong naguguluhan. "Anong propesiya??"
"Si.. Ciera.. Siya ang magiging dahilan ng pagkakawala ng lahi ng mga bampira."
***
NERO LANCE PETERS
"Kamusta si Matthew?" tanong sa kin ni Mr. L nang inimbita akong magkaroon ng
dinner sa labas. We have protections anyway.
"Ayun, as what we had planned. Gumagawa rin siya ng paraan para mahigitan ang
lahat." sagot ko naman.
Hindi kasi alam ni Matthew na nagtratrabaho rin pala ako kay Mr. L. Well, nobody
knows. Hindi naman talaga ako nagpapagamit sa kanya. Siya, ang ginagamit namin.
"As I expected. Hmm.. Pero ito namang anak ko, wala pa ring ginagawa. Gusto lang
ata na mahina lang siya." Mr. L smirked.
"Pero Mr. L, kakayanin mo kayang patayin ang anak mo? Paano na lang kung malaman
'to ng asawa mo?" katwiran ko naman. Malalakas kasi silang mag-anak at sa oras na
malaman nila ito, magkakaroon ng kaguluhan sa pamilya niya.
"Oo, kakayanin ko yun. Hindi naman siya kawalan."
"Grabe. Basta, sinabihan na kita."
***
NICOLE FRANCEZ WILSON
Narinig ko lahat ng pinag-uusapan nung lalake at ng transferee na yun.
He's deceiving Matthew. Ginagamit niya ito samantalang si Matthew ay walang kaalam-
alam at pinagkakatiwalaan pa siya ng husto.
Sinundan ko kasi si Nero nang di ko sinasadyang marinig siyang may kinakausap sa cp
nito sa garden ng academy nun. And..
Tama nga hinala ko.
Nakikinig lang ako sa dalawa na nakaupo sa table ng likod ko.
Sinasabihan at pinapaalam kasi sa kin ni Matthew ang lahat ng ginagawa niya.
Oo, kahit masama ito, sinusuportahan ko pa rin siya kasi...
... mahal ko siya.
Matapos akong masatisfy sa narinig ko sa kanila. Napag-isipan kong tumayo na at
umalis sa restaurant.
I will tell this to Matthew.
Ayokong mapahamak siya.
***
CIERA SANCHEZ
"A-aray.. Ano bang nangyari?" hinihimas ko ngayon ang ulo ko nang magising na ako.
Nasa kwarto na ako ngayon ah. O_o
"Ciera, gising ka na pala." kaagad lumapit sa kin si Stephen at bakas sa mukha nito
ang pag-aalala.
O_O
Anong nakain ng mokong na 'to?
Pero..
Kinikilig ako. XD
May malasakit din pala sa kin ang master ko eh. Hohoho! ^O^
"Okay ka na ba? Masakit pa ang katawan mo?" puno nito sa kin.
Nilagay ko naman sa noo ni Stephen ang kamay ko. "Di ka naman siguro nilalagnat
noh? Saka, nagdrudrugs ka ba? Bakit ganyan ka sa kin?"
Natahimik naman siya sa sinabi ko. O?
Magsusungit na naman kaya 'to?
Umupo naman siya sa kama at bumuntong hininga.
"Ciera.. gusto kong.. dito ka lang lagi sa tabi ko.."
"Ewan ko talaga sayo Stephen, bigla ka na lang magiging mabait tapos bigla namang
magseseryoso." sabi ko naman sa kanya.
"Natatakot ako..."
"Natatakot akong may mawala sa kin ulit Ciera.. Ayokong mawala ka." tumingin siya
sa kin ng direcho kaya naman nailang ako.
>///<
Ano bang pinagsasabi ng mokong na 'to??
"Kaya, I will do all the means to protect you.."
Kinakabahan naman ako sa pinagsasabi nito.
Parang may papatay na naman sa kin. >___<
Tumayo naman siya at tumalikod, "Sige, iiwan muna kita para makapagpahinga ka
ulit."
Nagsimula na rin siyang maglakad papunta sa may pintuan.
"T-teka!" tumayo rin ako at sumunod sa kanya.
Bago pa man niya mabuksan ang pinto ay nahawakan ko kaagad ang kamay niya.
Napatigil siya.
"Stephen.." ningitian ko siya. "Di naman pwedeng ako lagi ang mangako.. Gusto ko
ring ikaw din, mag-ingat ka rin. Kasi.. kahit ang sama mo, mahalaga ka sa kin."
***
LUKE SMITH
Bigla namang tumunog ang doorbell ng bahay ko kaya naman tumayo kaagad ako galing
sa pagkakaupo ko sa sofa ng sala habang nagbabasa ng magazine.
Nang binuksan ko yung pinto, nagulat ako..
Si Yna...
"Luke.. Gusto kong malaman ang buong rason mo.. kung bakit ayaw mo na sa kin.."
nakayuko niyang sabi sa kin at halatang umiiyak siya.
"Sawa na ako, Yna. Ayoko na sayo. Boring ka. Kaya please, tigilan mo na 'to. Get
lost." sinirado ko kaagad ang pinto.
Napasandal naman ako rito. "Ayoko lang mapahamak sa ginagawa ko, Yna.. Mahal na
mahal kita."
____________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 27
MATTHEW SPENCER
Pabalik-balik akong naglakad dito sa bahay ko at hindi mapakali. Hindi pa kasi
umuuwi si Nicole. Nag-aalala ako sa kanya. Baka mapano siya. Alam ko kasi maraming
mga bampira jan ang galit sa kin.
"Hahanapin ko na lang siya." sabi ko na lang at umakmang lumabas.
Pero napatigil ako nang biglang bumukas yung pinto at tumambad sa paningin ko si
Nicole.
"Matthew.." panimula nito.
"Nicole, saan ka ba nagpupupunta--"
'Matthew, may kailangan kang malaman si Nero.. He's deceiving--"
Ngumiti naman ako sa kanya at nilapitan siya."Oo, alam ko. Wag kang mag-alala, I
will not fall unto his trap. May ibang plano pa rin ako." sabi ko sa kanya at
hinaplos ang mukha nito.
"Thank you for that but.. I'm a Spencer kaya imposible niya akong maloko. Wag kang
mag-alala, hindi ako magpapaloko sa kanya." by that, I immediately hugged her.
Pagkatapos, bumitaw na ako sa kanya at ginulo ang buhok nito, "Saka, diba, ikaw ang
laging organizer ng birthday party ko? 3 days na lang birthday ko na. My 75th
birthday."
Tumango naman siya.
"Hmm.. Sa birthday ko na magsisimula ang lahat. I already knew that Gerard and Nero
will fail me.. I was just triggering the others. Ako na mismo ang gagawa ng
lahat..." tumingin ako kay Nicole ng direcho.
"I want you to invite all of them as usual. Especially Ciera.. Kukunin ko na ang
pendant ni Uncle Magnus. Ito kasi ang pinakamalakas sa lahat ng witchcraft items na
ginawa ni lolo as well as the prophecy.. Kahit wala sa kin ang libro, I remembered
some details."
This will be the beginning of the end.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Uy, Stephen, okay ka lang?" nabigla ako nang magsalita si Ciera. Magkatabi kami
ngayon sa kotse habang si Herbert naman ang nagmamaneho nito. Papunta na kami
ngayon sa academy.
"H-ha? Oo, okay ka lang ako." sagot ko naman.
Masyado kong iniisip yung mga sinabi sa kin ni Eliza. Yung tungkol sa propesiya.
Pero hindi yun maaari. Hindi yun pwedeng mangyari..
*FLASHSBACK*
"Si Ciera... ang papatay sa inyo." sabi sa kin ni Eliza habang hindi pa rin ako
makapaniwala sa mga sinasabi niya.
Pero paano?
Oo, may narinig akong libro ng propesiya pero matagal na itong sinunog. Kaya
maaaring hindi totoo ang lahat ng sinasabi niya.
"Hindi namin anak ni Herbert si Ciera.. Binigay siya sa min ni Magnus pati na rin
yung libro kung saan nakasulat ang propesiya. Nasa amin ang libro, ang katibayan."
puno naman nito.
Nilapitan na ako ni Eliza sabay hawak sa magkabilang balikat ko. "Kaya sir
Stephen.. Maawa kayo, wag niyong sasabihin kay Mrs. Maiven ang lahat ng nalalaman
mo.. Dahil sa oras na malaman niya ito, papatayin niya si Ciera.. Ayokong mapahamak
ang anak ko."
*END OF FLASHBACK*
Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam..
"Uy, Stephen, nandito na tayo!" sabi sa kin ni Ciera at nauna pa siyang lumabas sa
kotse.
"Ah.. Sige.." sabi ko na lang at kaagad din akong lumabas sa kotse.
Masyado ko na yatang iniisip iyon.
***
NICOLE FRANCEZ WILSON
"Oh, Matthew's princess is here. Glad to see you." bumungad sa harap ko itong
manloloko na transferee. Kalalabas ko lang kasi sa bahay. Pormal naman siyang
yumuko sa kin.
Dumating ba ang mokong na 'to to ruin my day? Well, he succeed. I'm now totally
disgusted.
"Don't make us fools, Nero. We're not stupid as you think." I threatened him. Sana
maintindihan niya ang nais kong iparating na bistado na siya sa lahat ng ginagawa
niya, especially deceiving Matthew.
"Fools? How?" painosenteng tanong pa niya.
Lumakad naman ako papalapit sa kanya, "I already knew your secret, Nero... That
you're deceiving Matthew." seryoso kong sabi sa kanya. Pero hindi ko muna sasabihin
na alam na rin ni Matthew ang tungkol dito. Gusto kong maghirap muna siya.
Natahimik naman siya sa sinabi ko pagkatapos ay bummuntong hininga, "Well,
princess. That's good. You're clever to know it." mas lalo akong nairita dahil
sinabi niya yun sa kin ng nakangiti. Mukhang hindi pa siya yata natakot na baka
malaman ni Matthew ito.
Is he not threatened?
"Hindi ka ba natatakot na baka malaman ni Matthew 'to? You know he could do
everything. Even if killing is own specie."
Umiiling-iling pa siya. "No. Kasi bago pa niya malaman ang lahat ng pinaplano ko,
papatayin muna kita, princess." naging kulay pula na ang kulay ng mga mata nito
kaya naman napaatras ako.
"Sino ang papatayin mo, Nero?" napatigil naman kaming dalawa nang may nagsalita.
Si Matthew, tapos na pala siyang magbihis.
Nero suddenly laughed.
"You're girlfriend or I must say, your princess Nicole told me that may kinagalitan
siyang estudyante sa academy, she was asking me na tulungan ko siyang turuan ng
leksyon yun, so I offered her of killing this student instead." Nero confidently
replied.
Napatingin naman ako sa lalakeng ito at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"I see." Inakbayan naman ako ni Matthew. "Don't worry, ako na lang ang bahala dun.
Would you mind Nero, mauna na kami. Kung may problema ka sa dorm na tinitirhan mo
rito sa academy, just approach me." puno naman nito at nilagpasan na namin si Nero.
Bigla namang huminto si Matthew at napalingon kay Nero.
"But I tell you.. Be careful with your actions."
Pagkatapos, umalis na rin kami at iniwan siya.
***
CIERA SANCHEZ
Buti, dismissal na. Bigla na namang kasing sumakit ang ulo ko.
Parang mababaliw na ako nito sa sakit eh. =____=
Nagsialisan na rin ang iba, maliban na lang sa min ni Stephen.
"Uy, Stephen, mag-ccr lang muna ako ha?" sabi ko sa kanya. Parang kasing masusuka
ako sa sakit.
"Sige, bumalik ka kaagad. Pero, are you okay? Are you feeling well? Masakit pa ba
katawan mo?" sunod-sunod na tanong ang binitawan sa kin ni Stephen. Anubeyen. Sobra
naman siya. Parang cancer na yung sakit ko. Pero.. XD Kinikilig ako sa kanya.
Minsan lang kasi maging mabait at concern itong hinayupak kong master.
"Okay lang ako." sabi ko naman na nakapeace-sign sa kanya. ^__^V "Don't worry, sige
na. Punta na ako sa CR."
*
Pagkatapos kong mag-cr, hinihimas-himas ko ngayon ang noo ko. Ang sakit-sakit na
talaga ng ulo ko eh.
Parang mabibiyak na. >____<
Sa di sinasadyang dahil sa malikot kong kamay, nahulog yung pendant na suot ko.
"Uy, ang pendant!" dali-dali ko naman itong kinuha sa sahig.
"Arayy." sumasakit na naman ang ulo ko kaya napaupo na lang ako.
Nabitawan ko ulit ang pendant.
"Arayyy..." ang sakit.. parang mababasag na yung ulo ko. >______<
"Ciera?" napatingin ako sa kung sinong nagsalita.. Si Ace pero..
...
.. ang sakit talaga ng ulo ko! >____<
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Lumabas na lang ako sa room kasi nainip na akong maghintay dun. Saka baka napano na
yun si Ciera.
Pagkarating ko sa may CR, nagulat ako nang makita si Ciera na namimilipit sa sakit
at si Ace.
Kaagad ko siyang pinuntahan, "Ciera, Ciera!" hinawakan ko ang magkabilang-balikat
nito.
"AHHHHH!" sumisigaw siya at naging pula na naman ang mga mata nito.
"Stephen.. Tao si Ciera?!" bigla naman nagsalita si Ace kaya napatingin ako sa
kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat.
Wala na, malalaman na nila.
"Yes, Ace. But in Ciera's condition now, kailangan muna natin siyang tulungan."
sabi ko naman at hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ni Ciera. "Ciera.. It's
me.. Stephen.." sabi ko rito.
"Matagal mo na palang alam 'to Stephen.. Yung pendant na suot niya, yun ang ginamit
niyang proteksyon. You fooled us! Nilabag mo ang batas ng academy! We trusted both
of you!" nilabas ni Ace ang kapangyarihan nito, which is fire.
Nagwawala pa rin si Ciera hanggang ngayon.
Tumayo naman ako and the color of my eyes, turned to blue. "Ako ang makakalaban mo
Ace sa oras na may gagawin ka sa kanya." I seriously said.
"What's happening?" dumating din si Raven na halatang nagtataka sa nangyayari.
Now, the situation became more complicated.
"Si Ciera, tao siya." direchong sabi ni Ace sa kanya at kaagad naman pinakiramdaman
ni Raven ang paligid.
"Ciera.. this can't be." sabi nito.
"We need to kill her." sabat naman ni Ace.
"No, you don't need 'to." napatigil kaming lahat nang may nagsalita. Si Matthew at
kasa-kasama si Nicole.
"Ace, I feel grateful for your loyalty towards the academy para rito pero ako ng
bahala. You can go, both of you with Elle." puno pa nito at kumalma naman si Ace.
"Hmm.. Let's go Elle." tuluyan na nga silang umalis na dalawa.
Kami na lang nina Matthew ang nandidito.
"Ciera.." bumalik na ulit sa normal ang kaanyuan ko.
"AAHHHH!" she was still screaming because of the pain. Niyakap ko na lang siya.
"Ciera.. nandito ako.. Wag kang mag-alala." I assured.
Mas hinigpitan ang pagkayakap ko sa kanya kahit pilit niya akong tinataboy.
"Alam ko na noon pa na tao si Ciera, I could sense it." nagsalita si Matthew.
"But what's happening to her now? Bakit siya nagwawala?" tanong nito.
Bigla namang nawalan ng malay si Ciera habang kayakap ako. Pagkatapos, kaagad ko
siyang binuhat.
"It's none of your business." sabi ko sa kanya na nakatalikod habang buhat-buhat si
Ciera.
"Your stubborn personality somehow amuses me, Luris. But take note, lumabag ka."
"I know, but I'll protect her as long as I could."
"Stephen, did you hear what you said?" sumabat naman si Nicole.
"Yes." tipid na sagot ko na nanatiling nakatayo pa rin. "I have to go now--"
"I'll let you pass about this matter, Luris. Wag kang mag-alala, di namin sasaktan
si Ciera." napalingon naman ako sa kanila. "Mauna na kami." puno nito at nagsimula
ng maglakad papalayo.
"I will not do anything to her because it's not her time yet." huminto siya para
sabihin iyon pagkatapos naglakad ulit.
_____________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 28
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Anong nangyari??" pag-aalalang tanong sa kin ni Eliza matapos kong ilagay sa kama
si Ciera. Pagkatapos kasi ng insidenteng yun, umuwi kaagad ako sa min.
Hindi pa rin alam ni Mama ang tungkol dito, she is always busy with the Vampire's
Association.
"Inatake na naman siya." tipid na sagot ko habang nakatingin sa walang malay na
katawan ni Ciera.
Ngayon, mas naging komplikado pa ang lahat. Alam na nila na tao si Ciera.
"Kasalanan ko 'to. Bakit ko pa kasi siyang pinayagan na pumunta rito at mag-aral.
Hindi sana ganito ang mangyayari sa kanya." puno naman ni Eliza at bakas sa mukha
nito ang pagsisisi.
"Ganun pa rin ang mangyayari. Spencer si Ciera, magiging bampira pa rin siya."
sumabat ako.
Kahit hindi pumunta rito si Ciera sa Maiven Household o kahit hindi siya mag-aral
sa Spencer Academy, nakatadhana na iyon. Magiging bampira siya balang araw.
"Alam na ba niya na hindi siya isang ordinaryong tao lang?" nagsalita na naman ako
at tinignan si Eliza ng seryoso.
Napatigil siya sa sinabi ko at hindi kaagad nakapagsalita.
Halatang hindi pa niya sinabi kay Ciera ang totoong pagkatao nito.
"H-hindi ko pa nasabi sa kanya.." tanging naibulalas nito. Mas lalo pa tuloy naging
komplikado.
Bumuntong hininga na lang ako at pinilit na maging kalmado. "Kailan pa? Mas
magiging komplikado ang lahat kung di niyo sasabihan sakanya."
Maguguluhan si Ciera at mas lalo magiging mahirap ang lahat.
"Sasabihin ko rin sa kanya pero hindi pa sa ngayon.."
***
PAULINE VILLANUEVA
Pinagmamasdan ko lang ang pendant na nakuha ko sa may CR. Ito yung pendant na
laging suot ni Ciera pero..
.. bakit iniwan niya lang ito sa daan?
"Kamusta?"
Napahinto naman kaagad ako nang biglang bumukas ang pinto at may nagsalita.
Si Luke.
Nandito kasi ako ngayon sa isang apartment na pinaupahan sa kin ni Mr. L. Hindi ko
aakalain na ibibigay na niya sa kin lahat ng kailangan ko rito.
"Okay lang. Naninibago pa rin." sagot ko naman at tumayo.
Pagkatapos, binuksan ko yung ref at kumuha ng tubig.
"Masasanay ka rin sa pagdating ng panahon." puno nito.
"Sana nga." napangiti ako. Nasimulan ko na ito kaya kailangan ko ring tapusin. Alam
kong hindi ako mapapatawad ni Ciera sa mga gagawin ko sa kanila pero..
.. umaasa pa rin akong maintindihan niya ako.
"Nga pala." ipinasa ko kay Luke ang pendant ni Ciera at nasalo naman niya ito.
"Kay Ciera yan. Yan ang pendant na laging suot niya. Nakita ko sa daan, sa may cr."
puno ko. Aanhin ko naman yan kung hindi ko isasauli kay Ciera. Saka, magkaibigan pa
rin kami, siguro, kaya isasauli ko na lang.
Saka, sinabi ko na rin lahat kay Luke, ang tungkol sa min ni Ciera bago pa man ako
pumasok sa academy.
"Kay Ciera?? Bakit naman niya ito iniwan sa daan?" tanong nito sa kin.
"Hindi ko rin alam.. Pero pakibigay na lang sa kanya, ayokong mas kamuhian pa niya
ako pag ako ang nagbigay niyan."
[Ciera's pendant ======================>]
"Hmm.. Sige. Parehas lang naman din tayo ng sitwasyon.. Nagiging masama na tayo sa
paningin ng mga mahal natin sa buhay."
".. Pero may dahilan kung bakit tayo nagkakaganito.. Ayaw lang natin sila
mapahamak." dagdag ko.
Oo, parehas kaming naiipit na dalawa sa sitwasyon namin.
Pero isa lang ang masasabi ko..
Walang puso si Mr. L.
***
MATTHEW SPENCER
"Nalaman na nila na tao si Ciera.. Mas lalong magiging magulo ang lahat." biglang
nagsalita si Nicole at lumapit sa kin.
Nasa terrace ako ng bahay, nagpapahangin as usual.
"I know. But it's not a hindrance to me." I gave her an evil grin. "Afterall,
they're like spices to my plans."
"Anong gagawin mo? Magkakagulo ngayon ang mga Student Council."
"Sina Ace at Elle lang naman ang nakakaalam. Makakausap ko sila."
Masyado naman ata silang excited sa mga mangyayari.
Hindi pa naman sa ngayon mangyayari lahat. In my birthday, dun na magsisimula. It's
a big party for everyone anyway.
***
CIERA SANCHEZ
"Arayyy.. Saan na ba ako?" nagising na ako at bumangon habang hinihimas-himas ang
ulo ko.
Pagtingin ko sa paligid, nasa kwarto na naman ako. Nawalan na naman ata siguro ako
ng malay.
Bigla namang lumabas sa CR ng kwarto si Stephen na nakatapis lang at basang-basa pa
yung katawan.
"HOY!" >__< Ano bang ginagawa niya rito? Wag niyong sabihin, sa harap ko siya
magbibihis? Grabe naman ata yun. Hindi na magiging virgin ang mga mata ko. Joke
lang.
"Gising ka na pala." tipid na sagot nito at naglakad papalapit sa kin.
"O-oy! Diyan ka lang!" sigaw ko.
"H-ha? Baliw ka ba? Titignan ko lang kung okay ka na." =___= nakapokerface nitong
sabi sa kin.
"Ayos ka rin noh? Ayoko nga. Baka malaglag pa sa harapan ko yang tuwalyang
nakatapis sayo. Tss." >___> reply ko naman with my arms crossed at iniiwasan na
masulyapan ang katawan niya. Baka hindi ako makapagpigil sa oras na makita ko yun.
XD
I heard him sighed.
"Ciera, be serious." napatingin naman kaagad ako sa kanya nang sabihin niya iyon.
Seryosong-seryoso na siya.
Nakakatakot tignan ang mga nanlilisik niyang mga mata. Ano na naman kaya ang ginawa
ko? >__< >O<''
"Ah.. eh.. Magbihis ka muna." naiilang pa ako ng sabihin yun. Kaagad akong humiga
ulit sa kama at tinakpan ang buong katawan ko ng kumot. Ayokong makita siyang
hubad. >__< =___=
Higit sa lahat, ayokong magkaroon ng rason na magkakacrush ako sa kanya dahil lang
sa katawan na yan.
Ilang minuto na rin ang lumipas pero wala pa rin akong narinig kay Stephen.
"U-uy, Stephen! Nandyan ka pa ba?" tanong ko at tinatakpan ko pa rin ang sarili ko
ng kumot. Sana tapos na siyang magbihis. Ayoko munang alisin ang kumot kasi baka
hindi pa siya tapos.
Napatigil naman ako nang may biglang yumakap sa kin sa likod.
Parang nakuryente ako. >___<
Kaagad kong inalis ang kumot sa mukha ko at napalingon sa likod, sa kung sino man
yung yumakap sa kin.
O__O
"Stephen??" pangalan lang niya ang tanging naisambit ko nang makita ko siyang
nakayakap sa kin. Tapos na rin siyang magbihis kasi nakaitim na pants at white long
polo sleeves na siya.
0///0
"Ciera.. Kahit ilang minuto lang, hayaan mong ganito tayo.." sabi nito.
>///<
"Ah... eh.." nakakailang talaga! Sa halip na humarap ako sa kanya ay di ko na
tinuloy iyon.
Nakayakap pa rin siya sa likod ko.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.." panimula niya.
Ha?? Di ko talaga siya magets. =___=
Tahimik na tahimik lang ako na nakikinig sa kanya.
"Naguguluhan ako.. Natatakot.. Halo-halung emosyon ang nararamdaman ko ngayon,
Ciera. Hindi ko alam kung kaya ba kitang protektahan.."
Ako? Proprotektahan niya?
May nagtatangka na naman kaya sa buhay ko?
"Ciera.. alam na nila.. pero hindi ko sila hahayaang saktan ka nila.. Ayoko may
mawala na naman sa kin dahil sa kapabayaan ko."
Anu ba 'tong pinagsasabi niya? >__<
May topak ba 'to? Bakit ang sobrang concern nito sa kin? Samantalang nuon, ang
sobrang sungit at ang sama ng turing sa kin. Iniinsulto at inaalipusta pa ako.
"I love you.. Ciera. Kung hindi ko maprotektahan si Gaile nuon, ngayon, I'll do
evertyhing to protect you.. even if it will cost my life."
***
MATTHEW SPENCER
"O, nandito ka na pala, Vivien." sabi ko nang pagpasok ko sa classroom, nakita ko
si Vivien na nakatayo na may parang tinitignan sa may bintana.
Maaga kasi akong dumating rito. Kakausapin ko sina Ace tungkol sa nangyari kahapon.
And unfortunately, kami pa lang ni Vivien ang nandito.
Tumingin naman sa kin si Vivien, "Ngayon ka pa lang ata naging maaga sa pagpunta ng
academy, Matthew."
"Well, susubukan ko ng magbago." I smirked.
"You're not the Matthew I used to know anymore, you've changed."
"Change? Kailan?"
Ningitian ko lang si Vivien matapos niyang sabihin iyon.
Change? Nagbago nga ba ako?
_____________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 29
MATTHEW SPENCER
"Parang hindi ko na kilala ang Matthew na nasa harapan ko ngayon." puno pa ni
Vivien.
Ako nagbago?
Ni hindi ko nga maramdaman kung nagbago nga ako.
"I don't think so, Vivien. Siguro, yan lang ang sinasabi mo ngayon sa kin kasi,
we're not the same as what we used to be. Nagkalayo ang loob natin sa isa't-isa
matapos ang digmaan. I don't know why." sabi ko naman sa kanya at napasandal sa
pader na malapit lang sa may pintuan habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa
bulsa.
"No, Matthew." sabat nito at ngayon, nakatingin na siya sa kin ng napakaseryoso.
"And what?" binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti.
"Oo, nakangiti ka nga. You always have that lively attitude towards the others but
deep inside, you're sad and lonely. I can see it through your eyes. We had been
friends kaya kilala kita Matthew."
Hindi naman kaagad ako nakapagsalita matapos niyang sabihin iyon.
Nananatili pa rin akong nakatingin sa kanya.
"Hindi totoo ang mga ngiti at tawa ang ipinapakita mo sa min, Matthew. Not like
before, your smiles and laughters are real."
"Matthew.. Sana maramdaman mo pa rin na nandito lang ako.. kasi, magkaibigan tayo,
we're like brothers and sisters.. Kung may dinaramdam ka, I'm here." sabi ni Vivien
sa kin habang papalapit siya ng papalapit sa kin.
"STOP." tinaasan ko ang boses ko na nakayuko.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya. "You're crazy, Vivien." I smirked.
Ngayon, ako naman ang lumapit sa kanya.
Nang mapalapit na ako sa kanya, hinawakan ng kanang palad ko ang mukha niya at
pumikit.
"I miss that good side of yours." inimulat ko na rin ang mga mata ko matapos
sabihin yun. "But I'm sorry, hindi ako matatablan niyan." ngumiti ako.
Binitawan ko na siya at naglakad papalayo.
"Thanks for your care, Vivien but I don't need it."
"But you're still my friend and sister." pagkatapos ay lumabas na ako sa room.
Ayoko ng magtagal dun.
Puro mababait at concerned na salita lang ang maririnig ko, nakakasuka. =__=
Napag-isipan ko na lang na pumunta sa council room at dun muna magpalipas ng oras.
Nang makapasok na ako sa council room, pumunta kaagad ako dun sa mini office ko at
napaupo.
"Mamaya ko na lang sila kakausapin." sabi ko.
Napatingin naman ako sa picture na nasa table ko.
Picture ng pamilya ko. Kasama ko rito sina Mama't Papa saka si Lyn. Parehas pa
kaming lahat na nakangiti.
An old picture of ours.
".... You always have that lively attitude towards the others but deep inside,
you're sad and lonely..."
Bigla kong naalala ang mga sinabi sa kin ni Vivien kanina..
At unting-unti ring bumabalik ang mga alaala sa kin nuon..
***FLASHBACK***
[Play the music for background.. ====>]
*20 YEARS AGO*
"Yan kasi ang problema sayo, 'tol, hindi mo iniisip ang kapakanan ng pamilya mo at
ng sarili mo. Mas inuuna mo pa yung kapakanan ng iba. Mapatao o mapalahi man
natin." reklamo na naman nitong pinsan kong si Yuno. Eh kasi, tinutulungan ko na
naman ang mga bata rito sa academy, sa pag-aaral nila.
Nandito kami ngayon sa garden ng academy.
"Wala lang, masaya kasi ako na nakakatulong sa iba. Kesa naman magbulakbol ako gaya
mo." pang-aasar ko sa kanya. Wala kasi ibang ginawa itong pinsan ko, lakwatsa lang
ng lakwatsa. Maswerte nga 'to kasi pinapahiram ko sa mga witchcraft items namin
kaya nakakagala at nakakababad sa init ng matagal.
"Siyempre, amboring naman kung makikinig ako dun sa professor nating ulol." tumawa
pa siya.
"Saka, ayokong maging martir katulad mo noh." puno pa nito.
"Hindi ito kamartiran, Yuno. Saka, wala naman akong inaalala. Nasa akin na lahat
kaya mas mabuting tumulong na lang sa mga hindi pinalad." nakangiting tugon ko sa
kanya.
*
"Kuyaa!!!" sinalubong kaagad ako ng kapatid ko nang makarating na ako sa bahay.
Natagalan kasi ako sa council room, may meeting pa kasi kami. Malapit na kasi yung
School Festival.
Kaagad akong niyakap ni Lyn.
"Oy, Lyn." natatawa kong sabi rito.
"Buti dumating ka na kuya." masayang tugon nito sa kin at biglang hinablot ang
kamay ko.
"Kuya, may ipapakita ako sayo! Yung painting ko kanina." hinila pa niya ako matapos
sabihin yun. Papunta na kami ngayon sa kwarto niya.
Nakakabatang kapatid kong babae si Lyn. 12 years old pa lang siya at elementary
palang.
Ipinakita naman niya sa kin yung painting niya na scenery.
Makikita rito kung gaano ka tahimik at mapayapa ang painting niya.
Aaminin ko, sa murang edad pa lang ni Lyn ay magaling na siyang magpainting.
"O, diba, kuya? Pwede na bang pangcontest?" ^O^
"Aba.. Ang galing ah." sabi ko naman at ginulo ang buhok niya. "Saka, anong
contest?" tanong ko.
"Akala ko ba alam mo na kuya? Sasali ako sa isang international contest! Ako ang
irerepresentative ng school natin.." nagpout pa siya.
"Yan kasi, Matthew. Palagi kasing iba ang inaatupag mo. Tuloy, parang nakakalimutan
mo na kami." napalingon naman ako nang biglang nagsalita si Mama.
"Ito naman si Mama. Hindi naman. Saka, parehas lang din naman tayo, diba?" katwiran
ko naman.
Lumapit naman siya sa min ni Lyn at parehas kaming inakbayan.
"Oo na. Tayo na nga. Namimiss ko na kayo eh." pinisil pa ni Mama ang pisngi ko.
"Aray! Grabe ka naman ma!" natatawang sabi ko.
"Si papa po Mama?" tanong naman ni Lyn.
"Nandun sa may sala. Halina kayo." nakangiting tugon sa min ni Mama.
Masayang-masaya ang pamilya namin nuon. Pero nag-iba ang lahat ng biglang nawala si
Uncle Magnus, nakakatandang kapatid ni Mama. Si Uncle Magnus kasi ang head ng
Spencer Family kaso nung mawala siya, binigay kay Mama ang lahat ng responsibilidad
ng pamilya. Siya kasi ang pangalawang nakatatanda.
Nasa amin ngayon ang lahat ng responsibilidad.
Pero nag-iba ang ihip ng hangin nang biglang dumating si Luris na may kasamang tao.
At may bali-balita pang may pinatay din siyang anim na kalahi nila.
Dahil dun, nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga bampira at mga tao.
At ang masaklap..
Sa academy pa namin nangyari ang digmaan, yun pang kakasimula pa lang ng School
Festival namin.
"Dali, bilisan niyo!" sigaw ko habang tinutulungang makalabas sa classroom ang mga
bata.
Rinig na rinig namin ngayon ang pagputok ng mga baril at ang paghahagisan ng mga
bomba.
Marami ng napuruhan na mga kalahi namin dahil sa malalakas na sandata ng mga tao.
Marami ng namatay na bampira dahil sa digmaan.
Nakalabas na nga ang lahat ng mga bata sa room at kaagad naman akong sumunod sa
kanila.
"Bilisan niyo!" sigaw ko at nang mapansin kong may papalapit sa min na bala ay
kaagad akong nakagawa ng proteksyon.
"Kuya Matthew!"
"Natatakot kami!" Sigaw nung mga bata.
"Wag kayong mag-alala. Yuno!" tawag ko kay Yuno na kasama ko ngayon sa pagliligtas
sa mga bata.
"Samahan mo sila papunta sa safe room. Ililigtas ko pa yung iba." sabi ko at
tumango naman siya.
Kaagad naman silang nagsialisan.
Babalikan ko pa yung ibang classrooms baka may naiwan pa.
"Kuya!!!"
"Kuya Matthew!!"
Napalingon naman ako nang may sumigaw.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Lyn.
"Lyn!" kaagad akong pumunta sa kanya.
"Kuya!!" sigaw pa rin siya ng sigaw habang tumatakbo papunta sa kin.
Inabot niya sa kin ang kamay niya at inabot ko rin ang akin sa kanya.
"Lyn!" sigaw ko at malapit ko na ngang maabot ang kamay niya.
Pero may biglang sumulpot na taong sundalo sa likod ng kapatid ko at kaagad siyang
tinutukan ng baril.
"Lyn.. hindi!" hindi ko nahawakan ang kamay niya dahil bumagsak na siya.
Nabaril na siya nung tao.
Bigla namang inatake ni Yuno ang taong iyon hanggang sa namatay ito.
"Lyn.." kaagad kong nilapitan ang kapatid ko.
Unting-unti ng bumuhos ng kusa ang mga luha ko.
"Kuya.." tanging nasambit ng kapatid ko na nakangiti pa habang punong-puno na ng
dugo ang buo niyang katawan. Unting-unti na rin siyang naging abo.
Natamaan siya sa puso.
"Lyn.. patawarin mo ko..." naiiyak kong sabi sa kanya.
"Mahal na mahal kita kuya.." matapos niyang sabihin yun, naging abo na siya. Nawala
ng parang isang bula ang kapatid ko.
"'Tol..." lumapit sa kin si Yuno at tinapik ang balikat ko.
"Si Mama." kaagad akong tumayo nang maalala ko si Mama. Baka mapano siya.
Di ko na kayang mawalan pa ng isang mahal sa buhay pag nagkataon.
Kaagad akong umalis at iniwan lang dun si Yuno.
Hinanap ko kahit saang lugar ng academy si Mama hanggang sa mapadpad ako kung saan
nakita ko si Luris na nagwawala at kinakalaban niya ngayon si Mama.
"Ma!!" sumigaw ako at kaagad lumapit sa kanya.
"Matthew, anak." sabi pa nito sa kin at lumingon.
"Umalis ka na rito!" sigaw ni Mama sa kin saka tinulak ako.
Nagulat ako nang biglang tinusok ni Luris gamit ang isang espada si Mama.
"Ma!!" napasigaw na naman ako.
May kung anu-anong sinambit si Mama at tinitigan ang mga mata ni Luris hanggang sa
kumalma na ito at nawalan ng malay. Nagiging abo na siya.
Parang spell iyon.
Matapos ginawa ni Mama iyon ay kaagad siyang naging abo.
"Ma..." napaluhod na lang ako sa lahat na nangyari.
Namatay lahat ng pamilya ko.
Lahat ng mahal ko sa buhay..
Si Mama.. si Lyn.. Si Papa.. pati na rin si Yuno..
Wala man lang akong nagawa para protektahan sila..
Wala akong silbi.
"Yan kasi ang problema sayo, 'tol, hindi mo iniisip ang kapakanan ng pamilya mo at
ng sarili mo. Mas inuuna mo pa yung kapakanan ng iba. Mapatao o mapalahi man
natin."
***END OF FLASHBACK***
Hindi ko namalayan na habang inaalala ko yung mga nangyari sa kin nuon, may
namumuong luha sa mga mata ko.
Pinahid ko iyon gamit ang mga kamay ko.
"HAHAHA!" tumawa ako ng kalakas-lakas.
Those stupid things will not hinder me from doing all of my plans.
"I'm Matthew Spencer and I will be the new lord of the vampires." nakangiting tugon
ko.
__________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 30
CIERA SANCHEZ
Bumuntong hininga ako matapos magbihis ng aking school uniform, "Hooo.. Kaya ko
'to." sabi ko.
Saka ang sobrang awkward talaga nung nangyari sa min ni Stephen kagabi. >__<
Nababaliw na talaga siya.
***FLASHBACK***
"I love you.. Ciera. Kung hindi ko maprotektahan si Gaile nuon, ngayon, I'll do
evertyhing to protect you.. even if it will cost my life." bulong sa kin ng Stephen
na 'to.
A-ano raw?
Bumangon naman kaaad ako matapos niyang sabihin iyon at tumayo. "S-Stephen,
nababaliw ka na. Nasisiraan ka na ng bait." >///< sabi ko naman sa kanya na
nakatalikod.
Ayokong tumingin. Baka bigla na lang siya magiging crush ko. =__=
"Kahit kelan talaga, napakamanhid mo." matabang na reply naman nito.
Siyempre. Ang gulo mo eh! Paiba-iba ka kasi ng ugali.
Nuon, ang sungit at ang sama mo sa kin tapos ngayon, bigla-bigla ka na lang
magiging mabait?
"E-ewan ko sayo!" >__<! Padabog akong naglakad papaalis ng kwarto.
Naguguluhan talaga ako sayo, Stephen.
Palagi mong ginugulo ang nararamdaman ko.
Bago ko pa man buksan ang pinto ay lumingon muna ako sa mokong na 'to at nagsalita,
"Sa ngayon.. Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko sayo, Stephen.. Pero wag kang
mag-alala, sasabihin ko rin sayo kung parehas tayo ng nararamdaman."
Matapos kong sabihin yun ay kaagad akong lumabas ng kwarto at sinirado ang pinto.
"Hanggang ngayon.. Di ko pa rin alam Stephen."
***END OF FLASHBACK***
Nakakainis talaga minsan itong hinayupak kong master eh.
Palagi niyang ginugulo ang damdamin ko.
Nalilito na ako.
At gusto pa niya atang dumagdag sa mga crushes ko pero yak! Ayokong magkacrush sa
lalakeng yun. Oo, gwapo siya pero.. >____< Mas gusto kong mabuhay ng matagal eh.
Aalis na sana ako ng kwarto ko nang bigla akong mapahawak sa leeg ko.
"Yung... pendant ko!!" napasigaw ako.
Oo nga, yung pendant ko. Nahulog yun tapos nang kinuha ko ulit tapos..
.. hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari. Basta, paggising ko, nandito na
ako sa kwarto.
Baka naiwan sa daan yung pendant. Naku, pano na 'to?
Hindi ako makakapasok ngayon sa academy tapos malalaman pa nila na tao ako. >__<
"Yung pendant ko.. panu na yan.. ay!" napahimas naman kaagad ako sa ulo ko nang may
bumangga sa kin. Lalabas na sana ako ng kwarto.
"Ciera.."
Si Stephen.
"Stephen.. Yung pendant ko.." natatarantang sabi ko sa kanya.
"Hmm.. I know kaya ibibigay ko sana itong singsing ko sayo para pamproteksyon. I
made it into a pendant." ipinakita naman sa kin ni Stephen yung singsing niya na
ginawan niya ng kwintas.
"P-pero sayo yan--"
Hindi na ako natapos sa pinagsasabi ko nang isinuot niya kaagad sa kin ito.
Hinawakan naman niya ang pisngi ko. "Wag kang mag-alala, proprotektahan kita."
bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Pagkatapos ay kaagad siyang tumalikod. "Saka, alam na nila.. na tao ka.. na kaya ka
nakakalusot sa academy ay dahil sa pendant mo."
...
Napatigil naman ako sa sinabi sa kin ni Stephen..
Alam na nila..
"P-paano?" ang katagang tanging naisambit ko.
Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari.
"Manganganib ang buhay mo pagpapasok kaya iniutusan kitang hindi na papasok sa
academy simula ngayon." seryoso niyang pagkasabi sa kin.
Pero..
"Pero, Stephen!" napasigaw ako. Ewan ko pero napamahal na ako sa academing iyon.
Nagkaroon ako ng mga kaibigan, mga masayang pangyayari kasama ang mga classmates ko
at kung ano pang mga aral na napulot ko dahil sa Spencer Academy.
Saka yung pendant ko.. hindi ko pa yun nahahanap.
"Ciera, that's an order. Ako pa rin ang masusunod dito." lumingon na siya sa kin at
ngayon, nanlilisik na ang mga mata niya.
"Pero.. Stephen.. Paano yung mga kaibigan ko.. Sina Yna... Saka yung pendant ko.."
naiiyak kong tanong sa kanya.
"I'm sorry, Ciera." yumuko siya at iniwasan akong tignan.
"Please Stephen.." naiyak na nga ako.
He suddenly gave me a pat on my head and sighed. "Sige, papayagan kitang pumasok
ngayon pero wag na wag kang lalayo sa kin." ngumiti siya.
"Tayo na." puno pa nito at hinawakan ang kamay ko. Magkaholding hands kaming
lumabas sa kwarto.
***
MATTHEW SPENCER
"Tamang-tama ang dating niyo." nakangiting tugon ko kina Ace at Elle.
Pinatawag ko kasi sila na pumunta sa administration office, to discuss what
happened yesterday.
"Ano ba kailangan mo, Matthew?" tanong kaagad sa kin ni Ace, na ngayon, katabing
nakatayo kay Elle.
"Tungkol ito kahapon." tumayo ako sa pagkakaupo ko at nagpalakad-lakad. "Kay
Ciera."
"Hmm.. Sa tingin ko, hindi na siya papasok ngayon. Kung papasok siya, manganganib
ang buhay niya." seryosong sagot naman sa kin ni Ace.
"And that's exactly what I want to clarify." sumabat ako.
"Wala naman talagang ginawang masama sa 'tin si Ciera, diba?" tanong ko at tumingin
sa kanilang dalawa.
"Mabait si Ciera." sabi ko at tumingin naman kay Elle. Napayuko naman si Elle
pagkatapos nun.
"And Ciera somehow uses a proteksyon. And I don't know where she got that item pero
siguro, kay Stephen yun at pinahiram lang siya kaya hindi pa rin malalaman ng iba
ang tunay niyang pagkatao." puno ko.
Natahimik naman sina Ace sa sinabi ko.
Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Kaya, I'm asking you two a favor. Wag
niyo sanang ipaalam sa iba ang tungkol dito. I assure you that I will resolve this
thing as soon as possible because it's not yet the time to argue with this. The
vampires are at peace right now, I don't want to spoil it just because of what
happened." seryoso kong sabi sa kanila habang nasa likod ko naman ang dalawang
kamay ko.
"Simple lang naman ang favor ko sa inyo. At sana, hindi pa rin magbabago ang
pakikitungo niyo sa kanila. Maaasahan ko ba yan?"
Tumango naman si Ace. "Hmm.. I'll try." pagkatapos nun, umuna ng lumabas si Ace sa
office.
"Sana walang mangyayaring masama kay Ciera, Matthew. Sige." sabi naman sa kin ni
Elle na halatang nag-aalala saka lumabas.
Syempre, hindi pa ngayon ang tamang oras para magkagulo ang lahat pero malapit na.
***
CIERA SANCHEZ
Papasok na sana kami ni Stephen sa room nang masalubong namin sina Ace at Elle.
Magkahawak kamay pa rin kaming pumasok sa academy.
"Tss. Pasalamat kayo." naiiritang sabi sa min ni Ace at pumasok na sa room. Sumunod
lang si Elle sa kanya.
"Stephen.." kinakabahan na ako. Sana walang gulong mangyayari.
Hinigpitan naman ni Stephen ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Don't worry." he assured at sabay nga kaming pumasok sa room.
"Ciera!!" sinalubong naman ako ni Yna at niyakap kaagad. "Akala ko hindi ka na
papasok ngayon." >O<" puno pa nito.
Natawa naman ako sa inasal niya. "Grabe ka naman."
Pero parang di pa alam ni Yna ang tungkol sa totoo kong pagkatao kaya I was
relieved.
*
Dismissal.
Dismissal na rin at wala namang kaguluhan na nangyari pero sabi nga ni Stephen,
dapat hindi ako maging kampante.
"Teka, Stephen. Mag-c-cr lang ako." sabi ko naman kay Stephen nang dumating na kami
sa may cafeteria.
Sorry naman. XD Kailangan ko na talagang jumingle eh.
"O, sige. Basta, bilisan mo."
"Sige." umalis na kaagad ako.
Sana naman ngayon, mahanap ko na yung pendant ko. Kanina pa namin yun hinahanap eh.
=___=
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Ilang minuto akong naghintay kay Ciera rito sa cafeteria pero hanggang ngayon, di
pa rin dumarating ang babaeng yun. Baka ano na ang nangyari.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa isang table at nagsimulang maglakad.
"Stephen.."
Napatigil naman ako nang may sumambit sa pangalan ko.
Si..
Si.. Gaile..
"G-Gaile??" tanging naibulalas ko. Pero imposible. Matagal ng patay si Gaile at
yung presensiya niya..
Hindi siya isang tao.. Isa siyang bampira.
"Oo, Stephen ako nga." bigla naman siyang lumapit sa kin kaya naman napaatras ako.
"No!" napasigaw ako. "You're not Gaile. Matagal na siyang patay at saka, ang
presensya mo, isa kang bampira. Tao si Gaile. Don't fool me." katwiran ko naman.
No, this is not true. I'm just hallucinating. Baka ito ang resulta sa masyado kong
pag-iisip sa mga nangyayari sa buhay ko.
"Stephen.. Bakit ayaw mong maniwala?!" umiyak na siya at hinawakan ang magkabilang
balikat ko.
"Oo, bampira na ako! Alam mo bang muntik na akong mamatay dahil sa digmaan nuon?
Nag-aagaw buhay ako at may tumulong sa kin na kalahi niyo.. at para masalba ako..
ginawa niya akong bampira.." sabi niya.
"Stephen.. alam mo rin ba kung gaano kahirap sa kin ang mga nangyayari? Ngayon lang
ako nabigyan ng tyansa na makapasok sa academy niyo.. Ilang taon din akong namuhay
na mag-isa.. Pero mahal kita kaya--"
Hindi ko na siya pinatapos pa at kaagad ko siyang niyakap.
Ang alam ko lang..
I miss her.
"I miss you.. so much."
***
CIERA SANCHEZ
Hindi ko alam pero matapos marinig ang lahat ng iyon.. kina Stephen at Pauline..
Parang nasakktan ako.. Parang may tumusok na maraming karayom sa puso ko..
Si Pauline.. Siya si Gaile..
"I love you.. Ciera. Kung hindi ko maprotektahan si Gaile nuon, ngayon, I'll do
evertyhing to protect you.. even if it will cost my life."
Pero bakit ganun??
Akala ko ba...
"Bakit, Stephen??" naiiyak kong tanong at nagpasyang umalis na lang. Ayoko ko ng
saksihan pa ang mga ginagawa nila.
*
Naisipan ko naman na pumunta na lang sa may parking lot. Papunta sa kotse niya.
Ewan ko..
Pero nasasaktan ako..
"Aaray.." bigla na namang sumakit ang ulo ko.
Hanggang sa bigla na lang ako nawalan ng malay.
"Ciera, oy.. Ciera!"
Pamilyar sa kin ang boses na yun..
Si.. Luke.
___________________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 31
CIERA SANCHEZ
"U-uhmm.. M-Ma?" nagulat na lang ako ng paggising ko, tumambad sa paningin ko si
Mama habang hinaplos-haplos ang buhok ko. Nandito na naman ako sa kwarto at alam ko
na naman kung anong dahilan. Malamang, nawalan na naman ako ng malay.
May sakit ba ako? O__o
Saka, hindi naman ako sinisipon o inuubo man lang ah.
"Hija, okay ka na ba?" biglang nagtanong sa kin si Mama saka naman ako bumangon.
"O-okay lang ako, Mama." nakangiting sagot ko naman sa kanya. Hindi kasi ako sanay
na malungkot si Mama eh. Lalo't pang dahil sa kin.
Bumuntong hininga naman siya at ipinakita sa kin ang pendant kong nawala.
"Y-yung pendant!" sabi ko. Nahanap na rin sa wakas yung pendant.
"Hinatid ka rito ng isang lalake. Naka-Spencer Academy uniform siya at nagpakilala
sa kin na Luke. Siya ang nagbigay nitong pendant sayo."
Si Luke?? Pero..
"Anak.. Alam na ba nila?? Na tao ka??" bakas sa mukha nito ang takot.
"H-hindi pa naman siguro.. W-wala kasi akong napapansin na kakaiba sa pakikitungo
nila sa kin eh.." nagdadalawang-isip akong sagutin siya.
Hindi rin ako sigurado kung alam ba nila o hindi at wala rin naman akong napapansin
sa mga ikinikilos nila.
"Mabuti naman." napangiti na rin sa Mama.
Bigla ko na lang naalala ang mga nakita ko kina Pauline at Stephen kanina..
Ewan ko pero nasasaktan ako.
At ngayon, mas lalo pa akong naguguluhan dahil si Pauline ay si Gaile..
Ang dating babaeng minahal ni Stephen. Naikwento na kasi ni Yna sa kin ang tungkol
dun.
Tungkol sa nakaraan ni Stephen. Pero hindi ko alam.. Bakit parang masakit sa kin?
"Ma.. Si Stephen??" tinanong ko si Mama na ngayon katabi ko pa rin.
"Hindi pa siya dumarating." kaagad naman niya itong naisagot.
Natahimik naman ako.
Oo. Bakit ba ako aasa na totoo yung lahat na sinasabi sa kin ni Stephen?
Na mahal niya ako?
Eh simula nung dumating ako sa buhay niya, puro insulto, kasungitan, pangungutya,
pang-aasar at kung ano pang masasamang bagay ang ginagawa niya sa kin?
Palagi niya akong pinaglalaruan. Lalo na ang damdamin ko.
Masama siya at hindi na yun magbabago sa paningin ko.
Hindi na dapat ako kailanman umasa na magiging mabait siya o concern sa kin..
Dahil sa huli..
Nilalaruan niya lang ako.
*
"Ma, mauna na po ako." matabang na sabi ko kay Mama nang matapos na akong mag-ayos.
Pupunta na kasi ako sa academy.
"Ganun ba? Hindi ka na lang ba sasabay kay Sir Stephen?" tanong nito sa kin.
Umiling lang ako saka ngumiti, "Di na Ma. Baka masasakal lang yun sa kin. Saka,
hindi na niya ako kailangan." pagkatapos nun, lumabas na ako sa Maiven Household.
*
"Oy, Ciera. Siguradong okay ka lang?" tanong ng tanong sa kin si Yna simula pa nung
dumating ako rito sa room. Napapansin niya kasing nakatulala na naman ako. Saka
malapit na ring magsimula ang klase at hanggang ngayon, hindi pa rin dumarating si
Stephen.
"Oo. Okay lang ako noh!" masayang tugon ko sa kanya. Ayokong mag-alala siya sa kin
lalo't pa na may dinaramdam din ito. Saka, bakit ba ako nagkakaganito? XD
Wala naman akong crush kay Stephen eh. Diba? XD Saka hindi ko rin naman siya mahal
o di ako in love sa kanya. Malabo yun! XD
Napatigil naman kaming lahat sa pinaggagawa namin nang biglang bumukas sa pinto at
bumungad sa harapan namin si Stephen..
Kasama si Gaile...
"O, Luris--Sino siya?" halatang nagulat din si Matthew sa biglang pagsulpot nilang
dalawa.
"She's Gaile.. my .." panimula ni Stephen.
"... girlfriend.."
Natahimik ang lahat nang sabihin iyon.
Pati rin sina Yna ay hindi nakaimik.
"W-what? Maiven, are you kidding? Kelan pa naging bampira si Gaile?" halatang
naiirita si Yna sa sinabi nito.
Pero narinig ko lahat ng pag-uusap nila kahapon... kung bakit naging bampira si
Pauline o si Gaile na dating kasintahan pala ni Stephen.
"That's why.. We're here. We will talk about it." seryosong sagot ni Stephen sa
kanila.
Naramdaman ko na naman ang kirot sa puso ko. Bakit ganun?
"T-teka.. Punta lang ako sa CR." sumabat ako. Ayokong makita pa ang eksenang ito.
Parang nasasaktan ako.
Kaagad naman akong umalis sa room at iniwan lang sila.
*
MATTHEW SPENCER
Break.
Sinabi sa min lahat ni Luris tungkol sa kanila ni Gaile. Kung ganun pala, ito yung
taong kasintahan niya nuon na naging dahilan ng digmaan. Kung bakit siya naging
bampira ay dahil meron daw tumulong dito na kapwa naming bampira.
At hanggang ngayon, hindi pa rin pumasok si Ciera sa room.
May kutob akong tungkol iyon sa pag-amin ni Stephen. Na girlfriend nito si Gaile.
May napansin ako kay Ciera. Parang nasaktan siya.
Pagkalabas ko naman sa CR ay nasalubong ko ang kasintahan ni Luris na si Gaile.
At bago pa man siyang lumagpas sa kin ay nagsalita kaagad ako. "You're doing a
great job." nakatalikod kong sabi sa kanya.
Sakto namang paglingon ko, nakatingin din siya sa kin.
"Ano?" painosenteng tanong pa nito.
Humarap ako sa kanya na nakapamulsa. I smirked.
"You're not Gaile.. I already know that." nakangiting sabi ko sa kanya.
Walang makakalusot sa kin.
"P-paano mo--"
Hindi ko na siya pinatapos pa at sumabat, "I'm Matthew Spencer. Walang makakalusot
sa kin na kahit ano. But anyway, sang-ayon ako sa pagdradrama mo. You're now making
my plans easier. Thanks. Adios!" pagkatapos nun ay kaagad akong tumalikod at iniwan
siya.
Iniwan siyang nakatulala.
*
As I expected, nakita ko si Ciera na nakaupo ngayon sa may garden ng academy habang
kayakap niya ang mga tuhod nito.
I know that this garden is very a peaceful place. Dito minsan nagpapalipas ng oras
kaming mga taga-council pag may dinaramdam.
Lumapit naman ako sa kanya.
"May I?" I asked her a permission. Tumango lang siya at umusog ng konti.
Tumabi naman kaagad ako at hanggang ngayon, tahimik pa rin siya.
"It's Luris, right?" panimula ko kaya naman napatingin siya sa kin.
Hindi siya sumagot.
"I guess I'm right."
I heard her sighed. "Bakit ba ang sama niya?" tanong nito na pinagmamasdan lang ang
langit sa transparent glass.
Tumawa naman ako. "Masanay ka na. Simula't sapul, ganyan na talaga si Luris. He has
always that stubborn personality." sagot ko naman.
"Hmm.. Nakakainis eh.. Pero hindi ko alam.. Nasasaktan ako, Matthew." this time,
tumingin na siya sa kin na parang naluluha.
"Cry it.. Hindi ibig sabihin na pag-umiyak ka, mahina ka. Cause crying is the only
way to ease the pain." I comforted.
"Hindi ako iiyak." masigla niyang sabi sa kin. "Hindi ako kailanman iiyak dahil
lang sa mokong na yun.."
"Good." napangiti ako.
"Wala siyang kasing sama.. Palagi na lang niya akong pinaglalaruan at kinakawawa..
Ang tingin niya sa kin parang robot na pwedeng utus-utusan at paglaruan." puno pa
nito.
Tumawa naman ako.
"Malaki talaga ng galit mo sa kanya noh?" sabi ko sa kanya.
"Noon pa. Mabuti ka pa Matthew, ang bait mo. Kailanman, hindi ka naging masungit sa
mga estudyante rito. Parati kang approachable." sabat naman nito sa kin.
Napangiti naman ako. But deep inside, yes, I'm happy..
.. with what will going to happen this time by the both f them.
"Bolera ka." tipid na sagot ko sa kanya.
"Di kaya! Mabait ka. Nasayo na lahat. Kaya crush ka kita eh!" XD
"Ano?" tanong ko.
"H-ha??" halatang hindi nito alam na nasabi niyang crush niya ako.
"W-wala." sabi ko na lang. I don't know but my plan is really working.
"Would you mind, Ciera.. Sumama ka sa kin.. Kung kay Luris lang naman.. Puro sakit
lang ang mararamdaman mo.. How about a friendly date, tonight??" alok ko rito.
"Ah.. Sige ba!" masayang sagot nito.
***
CIERA SANCHEZ
"Hoy, babae. San ka na naman pupunta?" biglang may nagsalita nang lumabas na ako sa
kwarto ko na bihis na bihis. Siyempre, date namin ni Matthew, ang crush ko kaya
grab the chance.
As what I expected, kay Stephen ang boses na yun.
"Pakielam mo." naiinis kong sabi sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
Sa hindi inaasahang nahawakan niya ang braso ko.
"Ciera." seryosong tawag nito sa kin.
Winaksi ko naman yung braso ko kaya nabitawan niya ito pero hindi ako tumingin sa
kanya.
"Sawa na ako Stephen.. Ayoko na." matabang na sabi ko saka naglakad ulit. Lumabas
na nga ako sa bahay nila.
Ayoko na..
Higit sa lahat.. Sawa na ako .. dahil sa kanya.
*
"Salamat talaga, Matthew. Sa pagpapagaan mo ng loob ko." nakangiting tugon ko kay
Matthew. Nandito kasi kami ngayon sa may terrace ng bahay niya. Actually, hindi
naman talaga kami lumabas. Dito kami nagdinner sa bahay nito. Saka friendly date
lang naman kaya walang malisya.
Kaming dalawa lang ngayon sa bahay niya. Si Nicole raw kasi, may ibang ginagawa.
Nagseselos nga ako eh kasi ang swerte ni Nicole kay Matthew. At napapansin ko
namang mahal siya ni Matthew.
"Ciera.. I already know the truth. You're a human."
Napahinto ako sa sinabi ni Matthew..
Alam niyang tao ako..
"H-ha?--"
"Tao ka Ciera.. Pero wag kang mag-alala. Hindi pa rin magbabago ang pakikitungo ko
sayo. Alam na rin ni Ace at Elle ang tungkol sa tunay mong pagkatao pero.. alam
kong mabait ka kaya pinakiusapan ko silang huwag itong ikalat. Alam ko namang wala
kang gagawin na masama sa min, right, Ciera?" puno pa nito.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko.. Naguguluhan na naman ako.
"C'mon Ciera. Don't worry." nakangiting sabi nito sa kin saka tumayo. Inabot naman
nito ang kamay ko.
Dahil sa pagkakabalisa ko, inabot ko na lang kamay ko rito at tumayo rin.
"But.. if you want.. I can turn you into a vampire.. para wala ng problema."
Nagulat na naman ako sa mga sinabi nito.
Gagawin niya akong bampira?? Pero..
"Ciera??" sambit ulit nito sa pangalan ko.
Gagawin niya akong bampira??
Pero.. oo.. ayoko ng masaktan pa..
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
I bend my neck as a sign that I agreed with what he said.
His sharp fangs suddenly appeared and his eyes turned to red.
"I'm sorry, Ciera.." narinig kong sabi niya at ramdam ko na nga ang mga pangil niya
sa leeg ko.
Unting-unti na niyang naipasok ang mga pangil nito sa leeg ko.
"Matthew!!" napasigaw na lang ako nang biglang natapon si Matthew sa may railings
ng terrace. Dumudugo ngayon ang bigbig niya.
Nakita ko naman si Stephen na galit na galit ang mukha nito na nakakuyom ang kamay.
Sinuntok niya ng malakas si Matthew.
Kaagad nilapitan ni Stephen si Matthew at kinwelyuhan. "Get lost, Matthew!" sigaw
niya rito at kaagad binitawan.
Bigla naman akong hinila ni Stephen papalabas sa bahay ni Matthew.
"Teka, Stephen!!" sigaw ko at nagpupumilit na pumiglas pero wala pa rin.
*
"Stephen, ano ba!" nakawala na nga ako sa mahigpit nitong pagkakahawak sa braso ko.
Pagkarating ba naman dito sa bahay ay kinaladkad pa ako.
Tumingin naman siya sa kin na parang nag-aapoy sa galit. "Ciera, are you insane?!
Bakit ka nagpapauto sa gagung yun?!" sigaw nito sa kin.
"Ano bang pakielam mo?!" sumigaw din ako at ngayon, parang may tumutulo ng luha sa
mga mata ko.
"Wala ka namang pakielam sa kin, diba? Para sayo, parang robot lang ako. Na pwede
mong laruan at utus-utusan! Wala kang puso, Stephen! Masama ka!" naiiyak na sigaw
ko.
"Palagi mo kong.. sinasaktan... kaya mas mabuti pang maging bampira na lang!" puno
ko.
"Magiging bampira ka rin balang araw! Hindi ka tao, Ciera. Isa kang Spencer! Hindi
ka tunay na anak nina Eliza at Herbert!"
Nabigla ako sa sinabi niya..
Hindi ako tao.. at.. hindi ko tunay na mga magulang sina Mama??
Natahimik ako.
"Ciera.. I'm sorry pero.. totoo ang mga sinasabi ko.. Isa kang Spencer.. Magiging
bampira ka.. Hindi mo tunay na mga magulang sina Eliza.." ngayon naging mahinahon
na ang boses ni Stephen.
Naguguluhan pa rin ako..
Bakit ba lagi nilang ginugulo ang isipan ko?
"Ciera.." aakmang lalapit siya sa kin pero umatras ako.
"Umalis ka!" sigaw ko. Ayoko na.. Ang gulo-gulo na..
"Pero Ciera--"
"Umalis ka sabi eh! Kinamumuhian kita Stephen!" galit kong sigaw sa kanya kaya
naman umalis siya. Napaupo na lang ako sa sahig.
Naguguluhan na ako.
Hindi ko na alam kung sino paniniwalaan ko.
***
MATTHEW SPENCER
"Hello? O insan!" bati sa kin ni Gerard nang tinawagan ko siya sa cell phone ko,
matapos akong masuntok ni Luris at matapos din silang umalis ni Ciera rito kaya
tumayo kaagad ako at tinawagan siya.
"May ipapagawa ako sayo." sabi ko.
"Hmm.. Sorry, Matthew. Kung papatayin na naman si Ciera, ayoko na--"
Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita agad, "It's not about killing her. It's
about the book of prophecy of the vampires."
"Ano naman dun?"
"Diba, nang mawala si Uncle Magnus at nagpunta sa lugar ng mga tao, dala nito ang
libro ng propesiya?"
"Oo."
"Then.. I need you to find it.. Alam kong marami kang contact diyan kaya
mapapabilis ang paghahanap mo. Please do it, Gerard."
"O, sige. Anything for you, Matthew."
Pagkatapos nun ay ibinaba ko na ang kabilang linya.
It's impossible.
Nang matikman ko ang dugo ni Ciera..
Dugong Spencer iyon..
Don't tell me..
She's a Spencer??
________________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 32
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Patawarin mo ko Stephen.." sabi sa kin ni Pauline habang pinagmamasdan ang ina
niyang may sakit. Nandito kami ngayon sa isang ward. Kinonfine namin ang ina niya
sa ospital para sa operasyon nito.
"Hmm.. Don't anymore take big risks, Pauline." kaswal kong sabi naman dito kaya
naman tumango siya.
Yes, all we did before was just an act.
Honestly, muntik na akong mahulog sa patibong niya pero naisipan kong basahin ang
isipan niya at timing namang wala siyang suot na proteksyon kaya kaagad ko itong
nabasa.
And she was not Gaile afterall. She's Pauline Villanueva, Ciera's human best friend
who turned to a vampire because of her mission--to let me fall in love again with
Gaile whom she is potraying right now at ang sinasabing magiging kapalit nito ay
ang operasyon ng nanay niya. Si Mr. L ang mastermind nito at ang masaklap, hindi
tinupad nito ang pangako niya kay Pauline.
That's why I agreed to help her with her situation because of pity. Pumayag akong
umasta na nakita ko ulit si Gaile at ipakilala siyang girlfriend ko sa kanila para
hindi magduda si Luke. Nalaman kong pareho silang ginigipit ngayon ng Mr. L na yun.
"Sorry kung kailangan mong isakripisyo ang nararamdaman mo para kay Ciera.."
Bumuntong hininga naman ako. "Sinaktan ko siya.. Kinamumuhian na niya ako ngayon."
Pero kahit bumalik si Gaile sa buhay ko..
Matagal ng nawala ang pagmamahal ko rito..
Siguro, nung nagpakita si Pauline, nadala lang ako sa kaguluhan ng damdamin at
isipan ko.
Pero kahit anong nangyari..
I love Ciera.
Kahit hindi ko alam kung paano ito iparamdam sa kanya..
Mahalaga siya sa kin.
***
CIERA SANCHEZ
"Anak.. Patawarin mo kami ng Papa mo kung naglihim kami sayo.." sabi sa kin ni Mama
na ngayon, kasama ko sa kwarto.
Nakaupo ako sa kama ko habang sinasabi nila sa kin ang mapait na katotohanan.
Na hindi nila ako tunay na anak.. Na hindi ako tao kundi isang bampira. Ang tunay
kong ama na nagbigay sa kin kay Lola pati na rin itong pendant ay si Magnus na
isang Spencer. At kapag nagdise-otso na ako, magiging ganap na
bampira na ako. Yung mga pagkawala ng malay ko, pagkasakit ng ulo ko at kung ano pa
ay senyales daw na malapit na.
Naguguluhan na ako.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Masyado na akong nasaktan.
Ayoko na..
"Anak--"
"Ma.. Iwan niyo muna ako." sumabat kaagad ako.
"Pero.."
"Ma.. Please??" naiiyak kong sabi sa kanya. Ang sakit-sakit na..
"O, sige." pagkatapos ay lumabas na sina Mama sa kwarto ko.
Gusto ko munang mapag-isa.
***
GERARD BLANCO
"Tao po." sabi ko matapos kong kumatok sa isang bahay ng pagmamay-ari ng mga
Sanchez.
Ayon kasi sa paghahanap ko, may bali-balitang ang mga Sanchez daw ay may mga
kaibigan na bampira kaya sinubukan ko ng puntahan at magtanong dito tungkol sa
libro ng propesiya.
And I also know that this is Ciera's house.
Bigla namang may bbumukas sa pinto at sumalubong sa kin ang isang matandang ale.
"Bakit hijo? Sino ka?"
Sa tingin ko, ito yung sinasabi nilang matandang babae. Marissa ang pangalan.
"Mawalang galang na po, ako po si Gerard Blanco, vocalist ng BlackStrings." pormal
na sabi ko at inabot ang aking kamay.
"Gerard? BlackStrings?" halatang naguguluhan ang matanda.
Ngumiti naman ako. "Oho. Diba po, ito po yung bahay ni Ciera Sanchez? Kaibigan niya
ho ako."
Kumunot naman ang noo ng matanda. "Kaibigan ka ng apo ko??"
Tumango lang ako.
"Ah, oo! Ikaw yung lalakeng laging bukambibig niya nuon lalo na sa larangan ng
musika. Diba, singer ka hijo?" tanong nito ng makuha na ang nais kong ipahiwatig.
"Ah.. Hehe.. Opo." napakamot naman ako sa buhok ko. Natawa na lang ako sa narinig
ko. Talagang idol na idol pala sa kin si Ciera non.
"Pasok ka hijo." nakangiting tugon sa kin nung matanda at pinapasok ako.
Okay lang naman ang bahay nila, tamang-tama lang.
"Bakit ka pala napunta rito hijo?" tanong nito.
"Gusto ko po sanang itanong ang tungkol sa libro ng propesiya." direchong sabi ko
sa kanya kaya naman natahimik siya.
Nabigla siguro siya sa sinabi ko.
Na may alam ako tungkol dito.
"Bakit may alam ka sa librong yun??" halatang gulat na gulat siya.
I suddenly changed the color of my eyes into red. "It's because..."
"I'm a vampire too." I smirked.
Napaatras naman siya sa sinabi ko pero tumawa ako. "Wag po kayong mag-alala lola,
hindi ko kayo sasaktan. Diba ho, kaibigan po ako ni Ciera? Kaya kaibigan ko na rin
ang mga mahal niya sa buhay."
Nanatiling tahimik pa rin ang matanda.
"Hmm.. Gusto ko lang naman pong matignan sana yung libro.." seryosong pagkasabi ko.
"Pero..."
"Huwag ho kayong mag-alala, mga importanteng detalye lang ang gusto ko pong
malaman." puno ko. Narinig ko namang bumuntong hininga ang matanda at umalis sa
kinaroroonan namin ngayon.
Ilang minuto naman ang lumipas ay bumalik na siya dala-dala yung libro.
"Ito ang libro ng propesiya at sana nagsasabi ka ng totoo." sabi nito sa kin.
"Maiwan muna kita." puno nito saka umalis.
Pagkatapos ay kaagad kung binuksan ang libro at binasa ang nilalaman nito.
Kinunan ko ng mga litrato ang laman nito para maibigay ko kay Matthew.
***
MATTHEW SPENCER
"Nahanap ko na yung libro at nandito na sa kin ang mga detalye na hinahanap mo."
sabi sa kin ni Gerard sa cp ko. Nandito ako ngayon sa bahay ko at kinakausap siya.
"Mabuti. Sige, magkita na lang tayo sa mall." sabi ko naman at ibinaba na.
Dito ko na malalaman ang totoo..
Kung bakit may dugong Spencer si Ciera..
At baka.. may kaugnayan siya kay Uncle Magnus.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Pagkatapos kong sinamahan si Pauline sa ospital ay kaagad akong umuwi sa min.
Nangako na rin sa kin si Pauline na titigilan na niya ang pakikipag-ugnayan sa Mr.
L na yun. Yun lang ang hiningi kong kapalit sa pagtulong sa pagpapagamot ng nanay
niya na hindi nagawa ni Mr. L sa kanya.
Gusto kong humingi ng tawad kay Ciera.
"Sir Stephen! Sir Stephen!" sinalubong ako ni Eliza na parang natataranta.
"Bakit??"
"Si Ciera, nawawala!"
"Ano?!" napasigaw ako.
"Wala na siya sa kwarto niya.. Sinabihan niya kasi kaming gusto niya munang mapag-
isa matapos namin sabihin sa kanya ang totoo niyang pagkatao.." sagot naman nito sa
kin at naglakad kami papunta sa kwarto ni Ciera.
At nang binuksan ko ang pinto, wala nga siya.
"Hahanapin ko siya." direchong sabi ko sa kanila at kaagad lumabas.
Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to..
Kung bakit siya nasasaktan..
"I'm very sorry, Ciera."
***
CIERA SANCHEZ
[Play the music =========>]
"I love you.. Ciera. Kung hindi ko maprotektahan si Gaile nuon, ngayon, I'll do
everything to protect you.. even if it will cost my life."
"Magiging bampira ka rin balang araw! Hindi ka tao, Ciera. Isa kang Spencer! Hindi
ka tunay na anak nina Eliza at Herbert!"
"Anak.. Patawarin mo kami ng Papa mo kung naglihim kami sayo.."
Naniwala ako sa kanila.
Pero lagi na lang nila ako sinasaktan at pinaglalaruan..
Sinusubukan ko namang maging mabait sa kanila..
Pero bakit ganito pa yung matatanggap ko?
Gabing-gabi na. Nandito ako sa isang amusement park. May nakita akong isang bench
at umupo rito.
Natatawa nga ako eh kasi ito yung lugar kung saan kami unang lumabas ni Stephen
pero sinaktan lang ako ng hinayupak na yun.
May maraming tao ring dumadaan sa harap ko. Masayang-masaya silang lumalabas kasama
ang mga mahal nila sa buhay.
Nakakainggit nga eh.
"Para sa kanila, isa lang kasi akong laruan." ngumiti ako ng mapait.
Naiiyak na naman ako. Ewan ko ba kung bakit sila ganun sa kin.
"Ciera.."
Napalingon ako nang may sumambit sa pangalan ko. Pamilyar ang boses na yun.
"Matthew??" sabi ko saka napatayo sa pagkakaupo ko.
Nandito siya??
Hindi ko na alam ang gagawin ko at saka umiyak na lang. Tumakbo na lang ako papunta
kay Matthew at niyakap siya.
Mabuti pa si Matthew. Ang bait niya.
"Ang sakit-sakit na Matthew." sabi ko.
Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko. "Alam ko.. Kaya ako na lang ang
humihingi ng tawad sayo, Ciera.."
"Ayoko na.. Matthew.. Bakit ba ganun sila sa kin? Naging mabait naman ako ah."
dagdag ko.
"Oo, Ciera. Mabait ka.. Kaya kung gusto mo, sumama ka na lang sa kin."
Napatingin naman ako sa kanya.
Sasama ako sa kanya?
Bigla naman niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Oo. Sumama ka sa kin,
Ciera. Kailanman, hinding-hindi ka masasaktan. Wala kang sakit na mararamdaman.
Hindi mo na mararanasan pa ulit ang mga mapapait na pangyayaring napala mo sa mga
Maiven."
"Sumama ka na lang sa kin Ciera.."
"Sa kin ka na lang.."
Nabigla ako sa mga sinasabi sa kin ni Matthew.
Pero oo, alam ko kung sasama ako sa kanya, hindi na ako masasaktan.
Hindi ko na mararanasan ang sakit na ibinigay nila sa kin.
Tumango naman ako. "Oo, Matthew. Sasama ako sayo."
Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay. "Kung ganun, tayo na."
Tumalikod na siya at umuna ng maglakad. Nakahawak ang kamay niya sa kin kaya
sumunod na lang ako.
Ayoko ng masaktan.
"Ciera!"
Parehas kaming dalawang napalingon ni Matthew nang may sumigaw.
Si Stephen..
"Ciera.." lumapit siya sa kin at niyakap kaagad ako.
Ayoko ng magpauto sayo Stephen.
Hindi ako yumakap pabalik sa kanya at nanatili lang nakatayo.
"Patawarin mo ko.. Ciera." puno pa nito.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap nito sa kin.
Ngayon, wala ng emosyon ang makikita sa mukha ko.
"Sorry Stephen.. Ayoko na. Suko na ako. Tayo na, Matthew." malamig na sabi ko sa
kanya at tumalikod na. Nagsimula na kaming maglakad papalayo ni Matthew sa kanya.
"Ciera! Mahal kita.. Mahal na mahal kita Ciera.."
Narinig ko ang pagsigaw niya pero..
.. huli na Stephen.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Ciera! Mahal kita.. Mahal na mahal kita Ciera.." pagkatapos kong sabihin iyon,
napaluhod na lang ako.
Kasalanan ko..
Kasalanan ko kung bakit kami nagkaganito..
"I'm so sorry, Ciera.." hindi ko alam pero parang naluluha na ako.
Ang sakit..
______________________________________________
Vampire Academy
Chapter 33
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Si Ciera?" bumungad kaagad sa harapan ko si Eliza at bakas sa mukha nito ang pag-
aalala.
Umiling-iling ako.
Isa lang kasi ang masasabi ko..
Wala na..
Napansin ko namang parag naiiyak na siya kaya naman ay kaagad ko siyang niyakap.
"Wala na po.." naiiyak ko ring sabi sa kanya.
Ang alam ko lang..
.. nasasaktan ako..
***
CIERA SANCHEZ
"Coffee?" napalingon ako nang may nagsalita, si Matthew lang pala, may dala-dalang
coffee.
Nandito na kasi ako sa bahay niya na nasa loob lang ng academy. Sinabi niya kasi na
dito na lang daw muna ako sa kanila habang nililinaw ko pa ang lahat.
Saka sinabi sa kin ni mama nuon na, isa akong Spencer at may pag-asa na baka
magkapatid o magpinsan kami ni Matthew pero hindi ko pa sinasabi sa kanya ang
nalalaman ko sa pagkatao ko.
Ngumiti lang ako sa kanya at tinanggap ang coffee. "Salamat."
Bigla naman siyang tumabi sa kin sa pagkakaupo sa may terrace. Nagpapahangin kasi
ako.
"Hmm.. If you want, pwede kang umabsent bukas para naman makapagrelax ka sa lahat
ng nangyayari." sabi ni Matthew na may halong sinseridad.
Umiling naman ako, "Hindi na. Kakayanin ko 'to."
Oo, dapat simula ngayon, hindi na ako magiging mahina.
Hindi ko na sila hahayaan na saktan ako, maliitin at paglaruan ng ganun-ganun na
lang.
*
"O, nasaan na si Gaile pare?" napatingin ako nang magsalita si Luke.
Kararating lang pala ni Stephen sa room. Siya na lang kasi ang hindi pa dumarating.
Bigla namang nagtama ang mga mata namin pero umiwas kaagad ako. Ayoko ng magmukhang
tanga sa harapan niya.
"Hmm.. Wala na. Wala na kami." napaangat naman ako sa ulo ko at napatingin sa
kanya. Ngayon, nakatingin lang siya kay Luke at gaya ng dati, walang makikitang
expresyon sa mukha niya. Kumbaga, blangko ito.
Pero..
.. wala na sila? Wala na sila ni Pauline?
Akala ko ba..
"Buti naman kung ganun, Maiven. Hindi pa naman ako boto sa babaeng yun." sumabat
naman si Yna.
Hindi ko na lang sila pinansin at ibinaling na lang ang atensyon ko sa pagbabasa ng
libro na hiniram ko mula sa library.
Napansin ko namang nilagpasan lang ako ni Stephen at umupo lang sa likuran ko.
Patawarin mo ko Stephen pero.. mas pipiliin kong huwag ng masaktan.
***
YNA STEFANIE SCHULTZ
Break.
"Ciera!" kaagad akong lumapit sa seat ni Ciera at hinawakan ang kamay niya. Yayain
ko kasi siyang magboboyhunting para naman makamove-on na talaga ako sa kutonglupang
si Luke. Hanggang ngayon kasi parang bitter pa ako saka hindi pa rin kami
nagpapansinan. Well, manigas siya! T_T
Nagulat ako ng biglang kumalas si Ciera mula sa pagkakahawak ko sa kamay niya at
nang tumingin siya sa kin, parang nagagalit ito.
"Sorry, Yna pero.. hindi ako pwede ngayon." matabang na sabi nito sa kin at biglang
tumayo. "Ayoko na." puno niya na siya namang ikinatigil ko at nauna na siyang
umalis papalabas ng room.
Bakit parang ang lamig ng pakikitungo niya sa kin?
"Hmm.. That's unusual." napalingon ako sa likod ko nang may nagsalita, si Ethan
lang pala.
Oo. Napaka-unusual. Eh palagi namang masayahin at makulit ang Cierang nakilala ko
nuon.
Hindi gaya ngayon na parang binalutan ng malamig na aura.
Napatingin naman ako sa kinauupuan ngayon ni Maiven.
Nakatingin lang siya sa may bintana, sa kawalan.
Siguro, may problema ang dalawang 'to kasi kanina ko pa itong napapansin na hindi
sila nagkikibuan ni Ciera saka hindi sila magkasabay na dumating ng school ngayon.
Nilapitan ko kaagad si Stephen at kinwelyuhan. Naisandal ko tuloy siya sa pader.
"Hoy, Maiven. Sabihin mo nga sa kin kung may nangyari sa inyo ni Ciera. Bakit siya
ganun?" seryoso kong pagkasabi sa kanya. Ayokong maging ganun ang pakikitungo ni
Ciera sa kin. Siya lang ang tanging kaibigan ko na nabubuntungan ko ng mga
hinanakit ko. Ang kaibigan na nagpapasaya at nagbibigay pag-asa sa kin.
Napayuko na lang siya pero nananatiling tahimik pa rin.
"You're stubborn as always, Maiven." binitawan ko na lang siya at nagpasyang
tumalikod para umalis. Mag-aaksaya lang ako ng oras kung tatanungin ko pa 'tong
hinayupak na ito.
"Pero alam kong mabait ka pa rin.." puno ko at nagsimula nang maglakad papalabas ng
room.
*
"Hindi na ako magtratrabaho kay Mr. L, Luke."
"Sigurado ka na ba?"
"Oo.. Sigurado na ako. Marami akong natutunan dito." nakangiting tugon ni Gaile kay
Luke.
Nandito ako ngayon sa garden ng academy. Naisipan ko kasing dito na lang muna
magpalipas ng oras pero laking gulat ko ng madatnan ko sila rito.
Sina Luke at Gaile.
Pero bakit parang magkakilala na sila? Ano bang ugnayan nila?
"Salamat kay Stephen kundi dahil sa kanya, hindi ko marerealize ang lahat ng 'to...
We don't need to take big risks, Luke lalo't pa kung alam nating may masasaktan.."
Tinapik nung babae si Luke sa balikat nito, "Get your freedom.. Kumawala ka sa mga
kamay ng Mr. L na yun para naman masabi mo na kay Yna ang totoo mong nararamdaman
at para hindi na kayo masasaktan pang dalawa.."
"Dapat matuto ka ng lumaban, Luke.. Huwag mong hahayaan na manipulahin ka ng taong
iyon.. Fight for her."
Pagkatapos nun ay iniwan na niya si Luke at papalabas na sa garden. Kaagad naman
akong nagtago sa isa sa mga halaman dito para hindi nila ako mapansin.
Hanggang sa tuluyan na nga nakaalis si Gaile sa garden pero..
.. naalala ko pa rin ang pinag-uusapan nila..
... Kaya siguro nakapaghiwalay sa kin si Luke dahil sa Mr. L na yun?
Pero..
"Luke."
Tanging ang pangalan lang niya ang nasambit at ngayon, nakatayo na ako sa likod
niya.
"Yna.."
"Luke.. Bakit?"
Hindi ko alam pero naiiyak na ako. Hindi ako magawang labanan ni Luke dahil sa Mr.
L na yun.. na pumayag lang siyang paghiwalayin kami..
"Yna.. I'm sorry.." hahawakan sana niya ang kamay ko pero kaagad kong tinabig ito.
"You said you love me?!" napasigaw ako at tumulo na nga ang mga luha ko. Akala ko
ba handa siyang gawin lahat para lang sa kin pero maski ang ipagpatuloy kung anong
meron kami ay hindi niya magawa kasi takot siya.
Akala ko ba, pareho kaming lalaban??
Natahimik naman siya.
"Ewan ko talaga sayo Luke.. Hindi ko alam kung minahal mo nga ako o hindi.. Marami
ka palang tinatago sa kin nuon pa." sumbat ko sa kanya.
"Hindi ko kayo maintindihan." dagdag ko at tumalikod na. Aalis na ako rito, mas
lalo lang akong masasaktan.
"Yna.. Mahal kita pero.. ayokong mapahamak ka kaya ginagawa ko 'to.."
Napahinto ako nang sabihin niya iyon. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng mapait.
"Then if you really love me, hindi ka na magtratrabaho sa lalakeng yun. You'll
fight for me. Hindi ka susuko." sabi ko at tuluyan na ngang iniwan ang garden.
***
CIERA SANCHEZ
"Ciera."
Napatigil ako nang may biglang nagsalita. Nakita ko si Stephen na ngayon, nakatayo
lang at nakasandal sa pader ng nakapamulsa.
Papunta kasi ako ngayon sa CR.
Hindi ko lang siya pinansin at nilagpasan lang. Nahawakan naman niya kaagad ang
braso ko.
"Please Ciera.. Don't do this to me." sabi nito at sa tono ng boses nito ay parang
inuutusan ka. Pwes, hindi na ako yung Ciera na lagi mong pinaglalaruan Stephen.
Kinuha ko lang yung kamay niyang nakahawak sa braso ko at ibinaba. "Stephen.. Hindi
na ako tanga." matabang na sabi ko sa kanya at tinignan siya sa mga mata nito.
Nakatingin lang din siya sa kin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero tumalikod
na ako.
Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya pero laking gulat ko ng hinawakan
niya ulit ang braso ko at bigla akong hinalikan.. sa labi.
"Stephen! Ano ba?!" nasampal ko siya. Hindi ko aakalain na gagawin niya yun.
"I'm sorry.." tanging naisambit lang nito na nakayuko.
"Kinamumuhian talaga kita." pagkatapos nun ay naglakad ako ulit papalayo sa kanya.
"Mahal na mahal kita Ciera.. Patawarin mo ko.. And as I promised, kahit
kinamumuhian mo ko, I'll do all the means to protect you." nagsalita siya at ramdam
kong sa mga yapak niya ay umalis na rin siya.
Napasandal na lang ako sa pader. Naiiyak ako. "Mahal din kita.. pero.. ayoko ng
masaktan, Stephen."
***
MATTHEW SPENCER
"Tomorrow's the big event." biglang sumulpot si Nero dito sa swimming pool area ng
academy. Wala lang. Napag-isipan ko kasing magswimming na lang pampalipas ng oras.
"Yep. Kaya nga I'm preparing myself." pagkatapos ay nagdive na ako sa swimming pool
at lumangoy.
Bukas na mangyayari ang lahat ng pinaplano ko.
My 75th birthday.
Bukas, I will surprise Ciera that she's my long lost cousin.. And I will persuade
her to come with me.. because she can't be that girl who will end our species..
And most of all..
.. bukas..
.. Iiwanan ko na ang academy.. to start my new journey.
_____________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 34
Part 1
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Anak." napatayo na lang ako sa pagbabasa ko ng magazine ng dumating si Mama.
Kaagad niya akong niyakap.
Mahigit isang linggo rin kasi kaming di nagkita dahil sa sobrang busy niya sa
Vampire's Association.
"Kamusta?" panimula nito.
Natahimik naman ako nang magtanong siya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Nagiging magulo na kasi ang mga nangyayari.
Yumuko na lang ako at napagpasyahang hindi na lang ito sasagutin.
"O, ang lulungkot ata ng mukha ninyo?" pareho naman kaming napatingin ni Mama sa
kung sinong nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang walangyang kong ama.
Mga ilang buwan din siyang nawawala at kung babalik man, saglit lang. Hindi nga
namin alam kung anong pinaggagawa nito.
At para sa kin, matagal na itong patay.
"At ano na naman bang ginagawa mo rito?" seryoso kong tanong sa kanya. I always
hated his presence.
"Ikaw naman anak, ganyan ka pa rin sa kin?" sabat naman sa kin nito.
Pati rin si Mama ay hindi makapaniwala sa pagbalik nito.
"Leo.. Bakit??" halatang naguguluhan si Mama.
"Fvck. Bullshit." naiirita kong sabi sa kanya at umalis na napakamulsa saka
iniwanan sila.
Nababadtrip na nga ako sa nangyayari ngayon.
Dumagdag pa itong magaling kong ama na si Leon Maiven.
Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.
***
MATTHEW SPENCER
"Hihiramin ko sana ang mga tauhan mo, Gerard.. for my big event tomorrow." sabi ko
kay Gerard na kausap ko ngayon sa isang restaurant. Nakipagkita kasi ako sa kanya
ngayong gabi.. para humingi ng pabor para sa mangyayari bukas ng kaarawan ko.
"At bakit mo naman sila kakailanganin?" tanong nito na halatang nalilito.
"As what happened before, they'll attack the academy. Don't worry, may mga tauhan
din ako kaso, I need a full force." rason ko naman.
Oo, bukas na bukas, ako mismo ang sisira ng academy. Aalis na ako doon para
makapagsimula ng panibagong kabanata ng buhay ko.. na naaayon sa pinaplano ko.
"But you'll be facing your special section.. They have special abilities.. At saka,
ayokong mapahamak si Vivien, Matthew." seryosong sagot naman nito sa kin.
I just gave him an evil grin and drank the wine we have ordered. "Okay as you wish.
Basta, aasahan ko ang tulong mo."
Tumango na lang si Gerard sa pinagsasabi ko
Wala naman talaga siyang magagawa si Gerard kundi sundin ako.
Kasi kung hindi ko siya tinulungan dun sa digmaan..
Matagal na siyang wala sa mundo.
***
YNA STEFANIE SCHULTZ
"Ang dami naman niyang bisita.." nabigla ako nang dumating na ako sa malamansyon na
bahay ni Matthew sa academy, ang daming bisita.
Birthday party kasi niya ngayon, this night.
Ngayon lang din kasi siyang nagpaparty sa birthday niya. Nuon kasi, kaming mga nasa
special section lang ang iniimbita, simpleng salu-salo lang ang nangyayari.
Siguro, inimbita niya lahat ng estudyante ngayon sa academy with their beautiful
gowns and tuxedos.
"Ay, sorry!" sambit ko nang may nabangga ako rito sa loob, si Maiven.
And as usual, he's with his serious expression.
And yeah, I admit, his white tuxedo suits him.
"Sa susunod, tumitingin-tingin ka sa dinadaanan mo." malamig na sabi nito at saka
umalis.
O__o
Bumalik na naman ata ito sa totoong sarili nito. Eh simula nung dumating si Ciera,
naging mabait na ito at masayahin.
Sa tingin ko, hindi pa nagkakaayos yung dalawa.
Sa paglalakad ko ng paglalakad sa bahay ni Matthew, hindi ko na alam kung saan ako
papunta. Punong-puno kasi ng bisita. Yung iba nga eh parang ngayon ko lang nakita.
Hanggang sa masagip sa paningin ko si Luke na parang nagmamadaling umalis.
Hindi pa nga nagsisimula ang party, umalis na siya. May kutob talaga akong may
itinatago sa min si Luke.
Napagpasyahan kong sundan na lang siya.
***
MATTHEW SPENCER
"Matthew.." napatigil ako sa meditation ko nang may nagsalita. Nandito kasi ako sa
balcony ng bahay ko, nagpapahangin.
Mamaya pa naman kasi magsisimula ang lahat ng pinaplano ko. Gabing-gabi na rin.
I see Ciera with her elegant red gown.
Aaminin kong nagandahan ako sa kanya. Siguro, kung hindi ko lang siya pinsan, maybe
I've fall for her.
"Nandiyan ka na pala. Kanina pa kita hinihintay." sabi ko sa kanya sabay abot ng
kamay ko.
Hinawakan din naman niya ito at lumapit sa kin.
"Shall we dance??" With my gentle voice, she nodded.
Pagkatapos ay hinawakan na ng mga kamay ko ang bewang niya habang ang dalawang
kamay din nito ay nasa magkabilang balikat ko.
Nagsimula na nga kaming sumayaw.
"You know, you're beautiful." panimula ko and as a sign of respinse, ngumiti lang
siya sa kin.
"Ewan ko nga kung bakit ka palaging sinasaktan ng Luris na yun. He didn't
appreciate everything that you did to him. Nasayo na lahat." puno ko.
Tumawa naman siya. "Haha, Matthew.. Bolero ka talaga kahit kelan. Simula nung
magkakilala tayo, puro papuri na lang ang naririnig ko sayo." sabi naman nito sa
kin.
Pinaikot ko naman siya sa braso ko at pagkatapos, niyakap siya habang ang bibig ko
ay malapit na malapit na sa tenga niya.
"Of course, you're my cousin." I whispered and gave her an evil grin.
Bigla naman siyang napaatras matapos kong sabihin iyon. Bakas sa mukha nito ang
pagkagulat.
And I can sense it, she already know her true identity.
"Paano--"
Hindi ko na siya pinatapos pa at kaagad nagsalita, "Yes, Ciera Sanchez or shall I
say, Ciera Spencer. You're my long lost cousin as well as the long lost daughter of
Magnus Spencer, my uncle. We're blood related and you're not a human, you're a
vampire."
"Alam mo na ang tungkol sa kin nuon pa?" bakas sa mukha nitong naguguluhan siya.
I sighed. "Apparently no. Noong isang araw ko lang nalaman because of Gerard."
Binigay sa kin lahat ng impormasyong nakuha ni Gerard sa libro ng propesiya.
"And.. you're destined to kill our species." seryoso ko siyang tinitigan at yun ang
hinding-hindi mangyayari.
"Ako? Hindi ko magagawa yun!" sumbat nito.
"Oo, hindi pa sa ngayon, pero mangyayari at mangyayari pa rin kung ano ang nakasaad
sa propesiya. Nobody could changed it."
"But don't worry Ciera. I will not kill you. Diba, sabi ko sayo, hinding-hindi ka
masasaktan sa piling ko? Then come with me. I'll turn you into vampire bago pa man
sumapit ang kaarawan mo." inabot ko sa kanya ulit ang kamay ko.
Dahan-dahan naman siyang lumapit sa kin at nang makalapit na siya, inabot niya rin
sa kin ang kamay nito.
"I'll make it gentle." I whispered to her ears. Pagkatapos ay kaagad ko siyang
kinagat sa leeg niya.
"AHH!" sigaw nito sa sakit at napasabunot pa sa buhok ko.
After that, I kissed her to let her blood flow on her.
Kumalma na siya at biglang nawalan ng malay. Well, maya-maya, babalik na ulit siya
sa sarili niya--into a vampire.
Maingat ko siyang nilapag sa sahig at hinaplos ang pisngi nito. "I'm sorry, Ciera."
"Matthew." napalingon ako nang may sumambit sa pangalan ko. Nakita ko ngayon si
Luris at nanlilisik ang mga mata nito.
Mabilis siyang nakalapit sa kin at kaagad akong sinuntok.
Napahiga ako sa sahig at pumatong naman siya sa kin habang nakahawak siya sa kwelyo
ko.
"Anong ginawa mo?!" galit na sigaw nito sa kin.
I just smiled. "Huli na ang dating mo, Luris."
Tinulak ko siya at mabilis na nakatayo sa ibabaw ng railings. "Ilang minuto na
lang, gigising na si Ciera, with her true self, a vampire. But correction, at
first, she'll be a fierceful one." pagkatapos kong sabihin iyon, nagpahulog ako.
And when I landed on the ground, I immediately got up and called them. "Sige na.
Magsimula na kayo."
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Nang makita ko ang walang malay na katawan ni Ciera ay kaagad ko siyang nilapitan.
"Ciera, please wake up.. Ciera." sabi ko rito habang hinahaplos-haplos ang buhok
niya. This can't be. Hindi ito pwede mangyari.
Unting-unti ring naimulat ni Ciera ang mata niya pero..
... pula na ang kulay ng mga 'to.
Bigla niya akong tinulak ng kalakas-lakas at nawala siya ng parang bula. Totoo
ngang naging bampira na siya.
"Ciera!! Wait!" napasigaw ako.
"Tulong!!"
"Tulungan ninyo kami!"
"AHHH!!"
May narinig akong mga estudyanteng nagsisigawan at nang bumalik na ako sa loob..
Nagakagulo na.
There were some men in black attacking the students. Gaya rin ito nung nangyari sa
masquerade ball.
Pinagpapapatay nila ngayon ang ilan at ang gumagawa pa nito ay mismo ang mga kalahi
pa namin.
Nakita ko naman sina Ace at Elle na nilalaban ang mga nakaitim na mga lalake.
Aatakihin sana nung isang lalake si Ace sa likod pero kaagad akong nakalapit dito
at sinakal ito hanggang sa nabawian na ito ng buhay at naging abo. I can kill
anyone with this.
"Stephen.." napalingon sa kin si Ace.
"Sige na. Ako na rito. Tulungan na ninyo ang iba." sabi ko at kaagad tumango ang
dalawa. Nagsialisan na sila.
***
VIVIEN WALKER
"Matthew!!" sigaw ko nang makita ko si Matthew na parang aalis sa academy. Kasama
niya ngayon si Nicole na tila tatakas sa nangyayari ngayon sa loob. Mukhang may
alam sila sa nangyayari.
Napalingon naman sa kin silang dalawa at ngumiti si Matthew sa kin. "Oh, ikaw pala
yan, Vivien." lumapit siya sa kin matapos sabihin iyon. Tinapik niya ako sa
balikat."Sayo ko iiwan ang academy because I trust you."
Anong sinabi niya?
Iiwan ba niya ang academy?
"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
"Vivien."
Parehas kaming napatingin nina Matthew sa kung sino ang nagsalita, si Gerard.
"Gerard??" a-anong ginagawa niya rito??
"Nandito ka na pala, Gerard. Ikaw na muna ang bahala." matapos niyang sinabi iyon,
tumalikod na siya at naglakad papalayo sa min. "Babalik lang ako mamaya, because
I'll be the end." puno pa nito.
Anong nangyayari?
***
NERO LANCE PETERS
"Wala na pala akong gagawin dito, he already proved it." nakapamulsa kong sabi
habang papaalis na sa academy.
Pinanunuod ko lang sila habang nilalabanan yung mga tauhan ni Matthew.
I'll just let Mr. L decide the last.
***
YNA STEFANIE SCHULTZ
"Saan ka pupunta, Miss??" biglang humarang sa harapan ko ang isang nakaitim na
lalake at kitang-kita rito ang mga pula niyang matang nanlilisik.
Napaatras naman ako hanggang sa napasandal na ako sa pader.
"AHHH!!" biglang may tumusok na espada sa may dibdib ng lalake at naging abo na
ito. Tumambad sa paningin ko ngayon si Luke na kanina ko pa hinahanap.
Nanlaki ang mga mata ko nang may lalake na tinutukan ng baril sa likod si Luke at
pinutukan ito.
Natamaan siya sa puso. "Luke!!"
At sa hindi pagdadalawang-isip, kahit nagdudugo pa ang dibdib nito, pinatay ni Luke
ang lalake.
Napahiga na lang siya. Nagiging abo na si Luke. "Luke.. Patawarin mo ko.." naiiyak
kong sabi sa kanya nang malapitan ko na siya.
"Yna.. Mahal na mahal kita.. Please.. umalis ka na!!" bigla niya akong tinulak at
nang mapatingin ako sa likod, nakita ko si Maiven.
Kaagad niya akong binuhat at mabilis na umalis sa kinaroroonan namin ngayon ni
Luke.
"Diyan ka muna." seryosong sabi nito sa kin habang maingat akong pinaupo. Nandito
kami ngayon sa isang lugar ng academy na hindi pa pinagkakaguluhan ng iba. Kumbaga,
kaming dalawa lang ang nandito.
"Pero.. Si Luke.." naiiyak kong tanong sa kanya.
"I'm sorry, Yna.."
Pagkatapos ay nawala na siya.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
Pagkatapos kong iniwinan si Yna dun, sakto namang nakita ko si Ciera.
Parang nawawala siya sa isip niya habang pinapatay ang iba pang mga bampira.
"Ciera!!" sumigaw ako pero kahit anong tawag ko sa kanya, hindi pa rin ito
tumitigil.
Lalapitan ko na sana si Ciera nang biglang humarang sa harapan ko si Ethan.
"Ethan.." napahinto ako.
"Patawarin mo ko Stephen pero kailangan ko siyang patayin." seryosong tugon nito sa
kin at kaagad inilabas ang kapangyarihan niya. The lightning. Lahat kaming nasa
special section ay may mga special abilities.
Nakita kong napansin ni Ciera na papalapit sa kanya si Ethan pagkatapos ay mabilis
din siyang lumapit dito.
"Ciera!"
Mabilis din akong nakalapit sa kanya at niyakap siya.
Sa halip na si Ciera ang matamaan ni Ethan, ako ang natamaan at tumagos ito sa
dibdib ko.
[Note: Thunderbolt po ang ginamit ni Ethan. Example: Yung thunderbolt ng ginagamit
ni Zeus. XD]
***
CIERA SANCHEZ
"S-Stephen.." nagulat ako nang biglang yumakap si Stephen sa kin.
A-ano bang nangyayari??
Oo, naaalala ko na ginawa akong bampira ni Matthew pero pagkatapos nun, wala na
akong alam sa mga sumunod na nangyari.
Napansin kong dumudugo ang dibdib ni Stephen.
Napatingin-tingin ako sa paligid namin ngayon, may nakikita akong mga abo.
Naririnig ko rin yung mga pagsigaw ng mga bisita sa loob.
May nakita rin akong mga dugo sa paligid namin.. at si Ethan na nakatayo lang.
Ako..
Ako ba ang may kagagawan nito??
Naalala ko..
Papatayin sana ako ni Ethan pero..
Pinrotektahan ako ni Stephen..
"Stephen! Stephen.." naiiyak kong sabi sa kanya at patuloy pa rin ang pagdurugo ng
dibdib nito.
Natamaan siya sa puso.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko ng mga palad niya saka ngumiti.
"I'm sorry.. Ciera.." sambit nito.
"Stephen.. wag muna.. please Stephen.. Mahal na mahal kita Stephen.." naluluha kong
sabi rito.
Ayokong mawala ka sa kin Stephen.
***
[3RD PERSON POV]
Binisita ni Penelope Maiven ang kwarto ng anak niya. And as expected, nawala ng
parang bula na naman ang asawa niyang si Leon.
Namimiss na niya ang anak niya. Mahigit isang linggo rin kasi silang hindi nagkita
ni Stephen.
Napaupo na lang siya sa kama nito. "Sana okay ka na, anak."
"HUH?"
Napatayo na lang siya nang may napansin siya kakaiba sa white rose na nasa loob ng
jar na pagmamay-ari ng anak niya.
"Hindi.."
May nalaglag ng isang petal dito.
Nagsimula na ang sumpa.
_________________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 35
Part 2
CIERA SANCHEZ
"Stephen.." umiiyak na ako habang nakaupo kaming magkayakap ni Stephen. Nagiging
abo na siya.
Kasalanan ko ang lahat ng ito.
"Stephen.. Wag muna.." sabi ko sa kanya.
"Ciera.. I promised to protect you.. Kahit ipagtabuyan mo ko, hindi pa rin kita
iiwan.." mahinang sabi nito sa kin at biglang hinawakan ng kamay niya ang pisngi
ko.
"Kaya kahit mamatay ako, okay lang.. kasi naprotektahan ko ang babaeng mahal ko."
puno nito na parang namamaalam na.
"Stephen.. Please.. Wag mo kong iwan.. Mahal kita Stephen.." naiiyak ko pa ring
sabi sa kanya. Pinahid naman niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko saka
ngumiti.
"Take care." pagkatapos nun, niyakap niya ako ulit.
Nawalan siya ng malay habang unting-unti na naging abo ang katawan niya.
"Hindi.. Stephen.." hindi siya pwede mawala.
"Ciera!"
Napalingon ako sa kung sino ang sumigaw at nakita sina Vivien at Gerard. Hanggang
ngayon, nandito pa rin si Ethan na tinitignan lang kami at bakas sa mukha nito ang
pagkagulat.
Kaagad lumapit sa min si Gerard.
"Anong nangyari??" natatarantang tanong nito sa kin nang mapansing nagiging abo na
si Stephen.
Umiling-iling lang ako habang naiiyak. Mawawala na si Stephen at kasalanan ko.
"Sige, gagamutin ko siya." sabi naman nito sa kin at tumango ako. Dahan-dahan kong
inilapag sa lupa ang duguang katawan ni Stephen. Sana magamot pa siya ni Gerard.
Nilagay ni Gerard ang kamay niya sa dumudugong dibdib ni Stephen. May kung anu-ano
siyang sinambit gaya nung ginawa niya nuon sa kin nang mabaril ako sa balikat ko.
Stephen.. Please.. Sana mabuhay ka.. Wag mo kong iwan..
"Ciera.." tumingin sa kin si Gerard at napailing.
"Hindi!! Stephen!! Wag mo kong iwan! Stephen!" Hindi siya pwedeng mawala. Hindi ko
kakayanin yun.
Kung hindi lang sana ako naging makasarili..
"Stephen.. please.. mahal kita, Stephen.." naiiyak kong sabi at saka inilapit ang
mukha sa dibdib niya pagkatapos, hinawakan ko rin ang kamay niya.
"Stephen, mahal na mahal kita.." umiiyak na ako habang yung ulo ko ay nakapatong sa
dibdib niya.
Hindi niya akong pwedeng iwan.
Nagsidatingan na rin yung iba naming kasama sa council, sina Yna, Ace at Elle.
"Stephen.." umiiyak parin ako.
Nanatili ang katahimikan sa paligid namin..
Ang tanging naririnig lang ay ang mga iyak at kalungkutang bumalot dito.
"Ciera.." nagulat ako nang may humaplos sa buhok ko at nang ma-i-angat ko ang ulo
ko, nakita kong gising na gising si Stephen.
Bumangon naman siya at ngumiti. "Salamat." sambit nito.
Kaagad ko siyang niyakap. Naiiyak na naman ako pero dahil ito sa saya. "Stephen..
Okay ka na.." sabi ko. Yumakap din siya ng pabalik sa kin.
Akala ko huli na ang lahat pero mmasaya ako kasi nabuhay ulit si Stephen.
"Well, I'm gonna interrupt what's going on." parehas kaming napahinto ni Stephen
nang may nagsalita.
Tumayo kaming dalawa at bumungad sa min sina Matthew at Nicole.
Matthew's smiles were evil.
"Matthew, bakit mo ginawa sa min 'to??" nagsalita kaagad si Stephen at nakakuyom na
ang mga kamay nito.
"A very long story pero malalaman at malalaman niyo pa rin. I just wanted to clear
out things, aalis na ako sa academy. Kayo na ang bahala. Sumama na ang gustong
sumama sa kin." nakangiting sabi nito sa min saka tumalikod.
Napansin ko namang kasama rin nila si Luke.. pero papaano??
"Luke, tayo na." narinig kong sabi ni Matthew kay Luke na nakayuko lang habang
nakikinig sa usapan nina Matthew.
Tumango lang ito at saka sumunod sa kanila. Napalingon naman ako sa kinatatayuan
ngayon ni Yna at halata sa mukha nito ang pagkagulat.
"Pero, ito lang tandaan niyo Luris, hindi pa rito magtatapos ang kaguluhan."
pagkatapos niyang sabihin iyon, nagsimula na silang maglakad.
"Luke!!" biglang tumakbo si Yna papalapit kay Luke at nahawakan naman kaagad niya
ang kamay nito.
"I'm sorry, Yna.." tanging sinabi lang nito sa kanya at binitawan siya hanggang sa
makalabas na nga sina Matthew sa academy.
Napaluhod naman si Yna sa nangyari at napaiyak. She was devastated.
*
"Maraming estudyanteng namatay.." sabi ko kay Stephen na kararating lang habang
kayakap ko ang mga tuhod ko. Nagpapahangin kasi ako sa may rooftop ng building sa
academy. Pampalipas oras sa lahat ng mga nangyari.
Tapos na rin yung nangyaring delubyo sa academy. Inaayos na lang namin ang lahat.
"Oo, sa kasawiang palad." tipid na sagot naman nito sa kin.
"Umalis na rin sina Matthew.." puno ko.
"Hmm.. Isa kang Spencer.. Aasahan kang ikaw ang mamamahala ng academy."
Nabalot ng katahimikan ang paligid.
Bumuntong hininga naman ako saka tumayo.
"Kung ganun.. Bubuksan ko ang academy.. para sa mga tao."
***
LUKE SMITH
"Magpahinga muna tayo bago simulan ang susunod nating plano." sabi ni Matthew nang
makarating kami sa bahay. May bahay-baksyunan kasi sila sa lugar ng mga tao.
"O, Luke? Ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong nito sa kin nang mapansin akong
nakatunganga lang.
Hindi naman talaga ako susunod sa kanya.. pero may utang na loob ako..
Dahil sa kanya, pwede pa akong mabuhay ng matagal.
***FLASHBACK***
Nakahiga lang ako ngayon habang hinihintay na mawala na ako sa mundo. Dumurugo pa
rin yung dibdib ko pero okay lang, panatag na ang kalooban ko kasi nasa maayos na
kamay si Yna.
"Luke."
May biglang sumambit sa pangalan ko at sumulpot sa paningin ko si Matthew.
"Tutulungan kita." sabi nito sa kin at hinawakan ang dibdib ko.
May kung anu-ano siyang sinabi hanggang sa maramdaman ko na lang na gumaling na
yung mga sugat na natamo ko.
***END OF FLASHBACK***
"Si Yna pa rin ba ang iniisip mo?" tanong nito ulit sa kin nang mabalik na ako sa
sarili ko.
Marahan akong tumango.
"Hmm.. Okay, hindi pa naman tayo ngayon kikilos, pwede ka munang makipagkita sa
kanya ngayon." sabi nito sa kin.
***
YNA STEFANIE SCHULTZ
Gabing-gabi na.
Tapos na rin yung malaking bangungot na nangyari sa academy.
At hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ang lahat ng iyon.
Maraming nasaktan..
At isa na ako dun.
Naglalakad lang ako sa daan ng mag-isa. Hindi ko na alam kung saan ako papunta.
Pero.. gusto ko ito.. Gusto kong mapag-isa.
"Luke??" sambit ko nang may napansin akong lalakeng nakatayo sa isang puno.
Lumingon naman ito sa kin.
Si Luke nga.
"Luke!" kaagad akong tumakbo papalapit sa kanya habang umiiyak at nang makalapit na
ako, niyakap ko siya.
"Luke.. Wag mo na akong iwan ulit." naiiyak kong sabi rito.
Pinahid naman niya ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya saka hinalikan ako sa
noo. "Patawarin mo ko sa mga ginawa ko Yna.."
"Please Luke, wag ka na lang umalis.. Mahal kita.."
"I'm sorry.. pero kailangan.. Hindi ako pwedeng habang buhay nasa tabi mo, Yna..
Gustuhin ko man pero hindi talaga pwede."
"Luke.. Please.." mas lalo pa akong naiiyak sa mga sinasabi niya.
"I'm sorry, Yna.. I love you. Please take care.." pagkatapos niyang sabihin yun,
umalis na siya.
"Luke! Please..." naiiyak kong sabi pero huli na ang lahat. Napaluhod na lang ako.
Kailan ba kami pwedeng maging masaya?
______________________________________________
Vampire Academy
Chapter 36
CIERA SANCHEZ
�Sigurado ka bang hindi tayo makakaistorbo?� tanong ko kay Stephen na kasama ko
ngayon habang pinagmamasdan ang meeting ng Vampire�s Association. Nasa may pintuan
kami ng headquarters nila.
Napag-isipan kasi namin ni Stephen na kausapin sila tungkol sa nangyari sa academy,
ang pagpapabukas nito sa ma tao at higit sa lahat ang pagiging Spencer ko.
Yes, I�m already a vampire nevertheless, I already accepted my fate as a Spencer,
the daughter of the late Magnus Spencer.
Tumango naman siya sa kin saka ngumiti. �We�re not disturbing them. Dito ka lang sa
likod ko. Ako ang bahala.� Paninigurado nito sa kin at binuksan yung pinto.
Pumasok na siya sa loob at sumunod na lang ako.
Napatigil silang lahat ng bigla kaming pumasok. Nagsitayuan sila.
�Stephen, anak? Anong ginagawa mo rito??� nagtataka si Mrs. Maiven nang makita si
Stephen. Halata rin dito na siya ang nangunguna sa meeting nila.
Pinagtitinginan na nila kaming dalawa ni Stephen ngayon.
�Tungkol po ito sa nangyari sa academy.� Seryosong tugon ni Stephen sa kanila.
Biglang namang bumuntong hininga ang Mama niya at nagsalita, �Yes, that�s what we
are talking about. Nagkagulo na naman sa academy. Marami na namang namatay na mga
kalahi natin.. and the sad part is.. Matthew Spencer is behind all of these.� Bakas
sa mukha nito ang pagkadismaya.
�Sorry, kung wala man lang kaming nagawa.� Nakayukong sabi sa kanila ni Stephen.
�No. Dapat mahanap natin ang anak ni Kendra. Dapat managot ang anak niya sa ginawa
nito. Dapat natin higpitan ang seguridad ng mga estudyante.� Sumabat naman yung
isang lalake na miyembro rin ng association.
�Kaya nga po ay nandito kami. May gusto po kaming sabihin sa inyo, tungkol ito sa
academy.� Sumabat din naman si Stephen at matapos sabihin iyon, lumingon siya sa
kin.
Tumango lang ako at kaagad naglakad sa harap niya.
Bigla silang naging maingay nang makita ako.
�Ciera, what are you doing here?� hindi makapaniwalang tanong ni Mrs. Maiven sa
kin.
�Bakit may tao?�
�Paano nakapasok ang isang tao rito?�
Halatang naguguluhan sila nang makita ako.
Tinanggal ko naman ang pendant na suot ko. �Hindi po ako tao.� Seryosong tugon ko
rin sa kanila.
�Ciera?? P-paano?� mas lalo pang naguluhan si Mrs. Maiven sa nangyayari. Tinanggal
ko kasi ang proteksyong nakabalot sa kin.
�She�s the long lost daughter of Magnus Spencer, Ms. Ciera Sanchez.� Sabi naman ni
Stephen sa kanila.
�Ikaw ang anak ni Magnus?� pagtatakang tanong ng Mama ni Stephen sa kin. Hindi rin
makapaniwala ang ilan sa narinig nila.
Bahagyan akong tumango.
�Oo, may narinig kami nuon na may anak si Magnus pero.. matagal nang patay ang anak
nito.� Nagsalita naman yung lalake kanina.
�Mrs. Penelope, ikaw po ang pinakamakapangyarihan dito. Kaya mong malaman kung
totoo ang sinasabi nila.� Sabi naman nung isang babaeng naka-eyeglass na katabi
lang nung lalake.
Tumango naman si Mrs. Maiven sa mga sinasabi nila at hinawakan ang kamay ko.
Napansin kong nag-iba ang kulay ng mga nito at naging blue.
At pagkatapos ng ilang segundo, bumalik na ulit sa normal ang mga kulay nito.
�T-totoo.. Totoo ang mga sinasabi nila.� Nagsalita na rin siya.
Naging tahimik silang lahat.
�Pero.. paanong nangyari��
Hindi ko na pinatapos si Mrs. Maiven sa sasabihin niya at kaagad nagsalita. �Hindi
na po yan mahalaga. Ang gusto po namin sanamaging maayos na ang lahat.� Panimula
ko.
�Anong ibig mong sabihin?� sabat nung isa na miyembro rin ng association.
�Isa rin po akong Spencer at nasa pamilya po namin ang rensponsibilidad ng academy.
Gusto ko po sanang buksan ito sa mga tao.� Sagot ko.
�Nababaliw na ba kayo? Anong bubuksan ninyo para sa mga tao?!� tinaasan nung lalake
ang boses niya nang marinig iyon.
Umiling lang ako. �Kaya ko nga po bubuksan para maging maayos na ang relasyon ng
mga tao pati na rin ang mga kalahi natin. Para rin mabilis natin mahanap si
Matthew.�
�At ano naman ang kaugnayan nito sa sitwasyon?!� mas lalo pa nitong tinaasan ang
boses niya.
�Gregory! Please stop!� nasa awtoridad na tono ang boses ni Mrs. Maiven nang
sabihin iyon kaya naman natahimik na ang lalakeng sinasabi nitong si Gregory.
�Kung bubuksan po natin ang academy sa kanila, ang ibig sabihin nun, pumapayag
tayong magkaroon ng maayos at mapayapang relasyon sa mga kalahi nila. Ipapakita po
natin sa mga tao na kaya nila tayong pagkatiwalaan at wala tayong gagawing masama
sa kanila. Kapag naging maayos na po ang relasyon natin sa mga tao, hindi na
mauulit yung nangyaring digmaan sa mga lahi natin.� Sabi ko at napansin kong
tumango naman yung ilan.
�Makukuha po natin ang tiwala nila at pwede na po tayong makihalubilo sa kanila na
walang problema. Kung ganun po ang mangyayari, pwede po tayong makahingi ng tulong
sa mga tao. Lalo na sa paghahanap kay Matthew.� Dagdag ko.
�Yes, you have a point.� Nakangiting tugon sa min ni Mrs. Maiven.
�Who else will agree with what she said?� puno pa nito.
Tinaas nilang lahat ang kanilang mga kanang kamay na ang ibig sabihin ay sumang-
ayon sila rito.
Napangiti rin ako.
�Then.. We will settle a meeting with the human�s government.� Sabi ni Mrs. Maiven.
***
MATTHEW SPENCER
�Sigurado ka bang okay ka lang, Luke?� sabi ko sa kanya at tinira na yung bola
gamit ang billiard stick ko.
Naglalaro kasi kami ng billards ngayon sa bahay bakasyunan ko. Parehas na parehas
lang kasi ang bahay ko dun sa academy dito.
Noon kasi, nagpagawa sina Mama ng bahay-bakasyunan dito sa lugar ng mga tao para
raw kung saka-sakaling mamasyal kami sa lugar nila, may matutuluyan kami.
But unfortunately, ako lang ang nakapunta at makikitira rito.
Sakto namang pumasok ang bola sa butas.
Lumingon ako kay Luke na ngayon, nakasandal lang sa pader habang hinihintay ang
turno niya.
�Kamusta? Anong nangyari sa pag-uusap niyo?� tanong ko.
Umling lang siya habang nakayuko.
�Hmm.. Wag kang mag-aalala.� Sabi ko naman at saka kinuha yung puting bola sa
billard pool at pinusisyon ito.
�Hindi siya masasaktan sa mga plano ko.� Tinira ko na naman yung bola.
�Dahil ang masasaktan lang.. Yung mga taong nag-agribyado sa pamilya ko nuon.� By
that, I devilishly smiled.
Dapat din kasi nilang maranasan ang masaktan at maghirap gaya ng dinanas ko sa
kanila nuon.
Lalung-lalo na ang mga Maivens.
***
CIERA SANCHEZ
�Sana maging successful ang mga plano natin, Stephen.� Sabi ko sa kanya at sumakay
na sa kotse nito sa may frontseat. Siya naman ay sumakay na rin at pinaandar na
yung kotse.
Katatapos lang kasi naming kausapin ang gobyerno ng mga tao at naging maayos naman
ang kalabasan ng pag-uusap namin. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin sa Association
sa umaga, kaagad nagpaschedule ng meeting si Mrs. Maiven sa gobyerno.
***FLASHBACK***
�Are you sure that we can really trust you?� sabi sa kin ni Mr. Reyes na isa sa may
pinakamataas na posisyon sa gobyerno. Nakaupo lang siya ngayon sa may office table
niya. Kami na kasi mismo ni Stephen ang pumunta sa opisina nito. Sinabihan na rin
siya namin tungkol sa nangyari sa academy pati na rin yung plano.
Nasa may pintuan lang si Stephen ng opisina at nakikinig lang sa min.
Tumango naman ako. �Opo, mapagtitiwalaan po kami. Kung gusto niyo po masigurado ang
seguridad ng mga taong mag-aaral dun, kami na po ang bahala. Kung may mangyayari
man, tatanggapin po namin ang kahit anong parusang ipapataw niyo.�
�Pero.. sinabi mo, hindi pa nakikita si Matthew Spencer na siyang may kagagawan ng
lahat.� Seryosong tugon nito sa kin pero nanatiling kalmado pa rin.
�Opo, kaya nga po, magtulungan po tayo. Magtulungan po ang mga kalahi natin dahil
parehas lang tayong manganganib.� Sagot ko naman.
Bumuntong hininga siya at tumayo, �Kung ganun, magpapadala ako ng limang taong
estudyante sa academy ninyo.�
Napangiti na lang ako sa pagsang-ayon nito sa kin.
***End of Flashback***
�Oo, sigurado akong magiging successful yun.� Sabi naman sa kin ni Stephen na
ngayon, nagmamaneho na.
Gabi na rin kaming natapos.
�Nga pala, Ciera.�
�Hmm??�
�Ano nga yung sinabi mo sa kin nuon.. yung..�
�Huh?� naguguluhan ako sa sinasabi ng lalakeng �to.
�Yung.. muntik na akong mamatay.. yung.. sabi mo sa kin na.. maha��
�Ahhh! Haha! XD Wala yun! Wala ka ng pakielam dun!� XD nagreact kaagad ako at
parang namula na. Isiniksik ko na lang ang katawan ko sa may pinto ng kotse at
pilit na iwasang matignan siya.
>///<
Nabubwisit din ako sa lalakeng �to. Pati ba naman ang mga sinabi ko nun ay
kinalimutan niya?
Nakakainis talaga. =___=
�Hmm.. Sayang naman.. Kasi akala ko� ewan. Basta, mahal kita Ciera.� Sabi naman
nito habang nagmamaneho at bakas boses niya ang pagkadismaya.
=_____=
Mas lalo ko pang isiniksik ang katawan ko sa gilid.
Bahala siya.
�Pero.. Ciera.. may sinabi ka talaga eh.�
�Wala noh!� tanggi ko. =__=
�Meron nga.�
�Bwisit ka rin eh. Wala nga!� =_______=
Bigla niyang pinark sa gilid ang kotse at parang hindi ko na alam kung nasaan kami.
Wala man lang katao-tao.
�H-hoy! Bakit tayo huminto??� natatarantang sabi ko.
�Alam mo bang nanggagahasa ako??� he said with a creepy voice.
(=____________=�)
�Tss. Wag ka nga magbiro ng ganyan. Kahit kelan, ang manyak mo talaga.� Sabi ko
naman habang iniiwasang magkasabulong ang mga mata namin.
Kinakabahan ako.
�Yes, I am a pervert towards the person I love.� Mas lalo pa naging creepy ang
boses nito.
�Tae ka!� sigaw ko at pilit na binuksan ang pinto ng kotse pero kahit anong gawin
ko, hindi yun nabuksan.
Akala ko ba may superstrength na ako kasi bampira na ako? TT___TT
�Hmm.. You know, my car is specially built na kahit malakas ka, hindi mo ito
mabubuksan agad.�
�Hoy! Stephen Luris Maiven! Wag kang magbiro ng ganyan.� >___<!! Kinakabahan na
talaga ako.
�Sabihin mo na kasi kung anong sinabi mo nun.�
�Ayoko nga!� sabat ko naman.
�Kung hindi mo sasabihin, I�ll strip off your clothes in ten seconds.�
�H-hoy!�
�Isa.�
�Hoy, Stephen!!� >___<
�Dalawa. Tatlo.�
�Apat.�
Sinubukan ko na lahat ng makakaya ko pero di ko pa rin mabuksan ang pinto.
�Lima. Anim.�
�Pito.�
�H-hoy! Stephen!!� sumigaw ako.
�Walo.�
�Siyam��
�Bwisit ka! Leche! Oo, mahal kita kahit bwisit ka!� sigaw ko at pulang-pula na
talaga ang mukha ko.
Naiiyak na ako. Tae naman eh! =_____=
Binalutan ng katahimikan ang paligid namin matapos kong sabihin iyon.
�Hmm.. Mahal din kita, Ciera.� ^___^
O__o
�H-ha??� ano raw??
Pinaandar niya kaagad yung kotse at nagmaneho.
�Kung ganung mahal na natin ang isa�t-isa, eh di tayo na.�
HA? Anong sabi niya??
�A-anong tayo na?�
�Like boyfriend and girlfriend? Diba yan yung tawag nila?�
Tumango naman ako. Pero�
.. kaagad? Hindi ba niya ako liligawan? FYI, gusto ko rin makaexperience na ligawan
noh.
�Hindi mo man lang ako liligawan??� tanong ko.
�Bakit pa? Eh, alam naman nating mahal natin ang isa�t-isa.� Sagot naman nito.
Ano ba naman �to.
Wala man lang karomantic bones itong hinayupak na �to. =____=
_________________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 37
MATTHEW SPENCER
Nagtutugtog na naman ako ng piano rito sa bahay. May room kasing ipinatyo rin dito
sina Mama na for music. Alam kasi nilang mahilig ako sa musika, lalo na sa
pagtutugtog ng piano.
Naging sandigan ko na ang pagpiapiano. Ito ang nagpapakalma sa kin at nagpaparelax
sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.
It is in playing piano that my mind would be at peace.
Napatigil na lang ako nang may mapansin akong nakatayo sa may pintuan.
Lumingon ako at nakita si Nicole. "Nicole?"
"S-sorry, naistorbo ata kita." sabi naman nito.
Umiling lang ako saka ngumiti. "No, don't worry. You're here. Is there any
problem?" tumayo ako mula upuang pinag-uupo ko at lumapit sa kanya.
"May problema ba?" I sincerely said while cupping her face with my hands. Yes, she
is very important to me, indeed. Mahal ko siya at siya lang ang natatanging pamilya
ko na hindi ako iniiwan.
Umiling naman siya. "Nothing. It's just that nag-aalala ako sayo. You've been
through many things. You've suffered enough."
Ngumiti naman ako sa kanya saka ginulo ang buhok nito. "Hmm.. You're being too
much. But thanks."
"Hmm.. Matthew, okay lang ba sayo na iwanan ng ganun-ganun na lang ang academy?
Pinaghirapan mong palaguin yun." puno pa nito.
"Hmm.. Not yet. Babalikan ko pa sila dun. Naghahanda lang ako." sagot ko naman.
"Well.. Matthew, gusto ko sanang sabihin sayo na.. nandito lang ako palagi sa tabi
mo. Hinding-hindi kita iiwan. I love you."
"I know." I replied.
Napahinto na lang kaming dalawa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko
kaagad ito sa bulsa at naghinayang kung bakit may tumatawag sa kin na unknown
caller.
Sinagot ko naman ito. "Hello? Sino 'to?" seryosong panimula ko.
"Ikaw na pala yan, Matthew Spencer. Ako 'to, I'm Mr. L."
***
CIERA SANCHEZ
=///=
�O, ba�t ang layo-layo mo ata sa kin, girlfriend?� biglang nagsalita si Stephen
nang mapansin niya akong isiniksik ang katawan ko sa may pinto ng kotse. Parehas
kasi kaming nakaupo sa may frontseat ng kotse niya. Siya yung nagmamaneho papuntang
academy. Iniiwasan kong magkasalubong yung tingin namin.
Hindi pa rin kasi ako makaget-over sa mga nangyayari. Lalo na yung nangyari sa min
kagabi. =___=
Sabi niya, kami na raw. =///=
Eh hindi nga siya nanligaw sa kin eh tapos hindi rin naman ako sumang-ayon.
�A-anong girlfriend..� >///> naiilang talaga ako.
�Akala ko ba tayo na?? Ayaw mo?�
�Ah.. eh.. Hindi naman sa ganun..� kung alam niya lang na pulang-pula na ako rito!
>_< Siya naman kasi eh. Hindi ko alam kung ano sasagutin ko. Hindi naman sa ayaw ko
pero kasi naman.. Gusto ko rin makaexperience yung nililigawan ka. Atat na atat
naman ata itong mokong na ito eh.
Dumating na nga kami sa Academy.
Ako na yung nagbukas ng pinto ko para bumaba at ganun din naman si Stephen.
�Oy, sabay tayong maglulunch mamaya ha.� Sabi nito sa kin kaya naguluhan ako.
�H-ha? B-bakit parang aalis ka??� tanong ko naman. O__o
�No, hindi ako aalis. Ito ang unang araw ko na girlfriend ko ang aso ko ngayon kaya
wag kang malate. May aasikasuhin lang ako sa administration office at mukhang
matatagalan ako. Siyempre, ako pa rin ang president ng council natin. Sige, mag-
ingat ka, girlfriend.� ^__^ nakangiting tugon nito sa kin saka naunang umalis.
O_O
Nakakagulat. Naging palangiti at mabait na ang hinayupak na ito.
Hayss. Sana ganito siya lagi sa kin.
Pagkatapos nun ay kaagad akong dumirecho sa room namin.
Pagkabukas ko ng pagkabukas ng pinto, bumungad sa harapan ko ang mga malulungkot ng
expression ng mga kaklase ko. Ang lulungkot nila at ang tahimik. Nuon naman kapag
pumapasok kami, ang ingay-ingay namin.
Siguro kasi nga, nabawasan kami ng ibang kasamahan. Sina Matthew, Nicole at Luke.
And I knew, the one who was really devastated was Yna.
�Uy.. Guys, ang lulungkot niyo ata.� Panimula ko at halata sa boses ko ang pagiging
lively. Ayokong maging ganito kami araw-araw. At siguro, kahit naman wala sila ay
maibabalik pa naming ang dating sigla.
Tinignan lang nila ako matapos sabihin iyon at hindi na pinansin.
�Hmm.. Okay.� Sabi ko na lang at pumunta na sa seat ko at bago pa man ako makaupo
rito ay biglang umalis si Yna.
�Yna. Saan ka pupunta?� napatanong ako nang mahawakan ko kaagad ang kamay niya.
�I�m sorry, Ciera.� Sabi lang nito na parang naiiyak at kaagad tumakbo papalabas ng
room.
�Teka, Yna!� sabi ko at sinundan siya. Baka ano na naman ang gawin niya. >__<
Bakit ba kasi nangyari ang lahat ng ito kung saan masaya na kami?
*
�HOY YNA! HUWAGGG!!� sigaw ko nang masundan ko siya rito sa rooftop. Magpapakamatay
ang gaga.
Bago pa man siya makatalon ay kaagad ko siyang nahablot at dahil sa pagkalakas ng
hablot ko, parehas kaming napaupo sa sahig.
Sinapak ko siya.
�A-aray.. Ciera.. Bakit mo ginawa yun??� naiiyak nitong sabi sa kin habang
hinihimas-himas ang batok niya.
�Aba�t kung magpapakamatay ka lang din naman, ang tumalon pa sa building ang
naisipan mo. Shunga lang? Hoy, vampire ka. Hindi ka basta-basta namamatay ng ganun.
Mas mabuti pa kung sinunog mo na lang sarili mo, tigok ka kaagad.� Sarkastiko kong
sabi sa kanya.. =___= Ayoko kayang mawalan ng kaibigan.
Bigla naman siyang natawa.
�Baliw ka talaga, Ciera. S-salamat.� Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naiyak na
naman siya.
�Uyy.. Wag ka ngang umiyak.� Sabi ko at niyakap siya habang hinahagod ang likod
nito.
�Bakit palaging hindi pwede? Bakit kung kelan maayos na ang lahat, hindi na pwede?
Bakit, Ciera??� naiiyak na sabi nito sa kin.
Nagsalita naman ako habang hinahagod pa rin ang likod niya. �May dahilan kung bakit
nangyari iyon, Yna. Kailangan kasi nating tanggapin na hindi lahat ay pwedeng
maaayon sa kagustuhan natin.� Nakangiting sabi ko.
Oo, hindi lahat ay pwede.
Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Yna. Alam kong siya kasi ang pinakanasaktan
sa nangyari. Lalo na ang pag-alis ni Luke. Mahal na mahal niya ito. Ito na ang
buhay niya.
Kumalas na ako mula sa pagkakayakap kay Yna at hinawakan na lang ang magkabilang
balikat niya. �Mamasyal tayo, Yna. Pumunta tayo sa mall. Tutal, maulap naman ang
panahon ngayon.� ^___^ nakangiting tugon ko naman sa kanya at tumango siya.
Mabuti na rin �to para makapag-relax at maging at peace ang pag-iisip niya kahit
ilang oras lang.
***
MATTHEW SPENCER
�Good day, Mr. Matthew Spencer??� sinalubong ako ng isa sa mga service crew ng
isang restaurant. Tumango lang ako.
�There�s someone waiting for you in table 4. Please proceed that way.� Puno naman
nito sabay turo kung saan ang table 4.
Ningitian ko lang ito at nagtungo na sa table 4. May nakikipagkita kasi sa kin.
Nakikipagkita sa kin dito yung unknown caller, si Mr. L. Sabi raw niya, tutulungan
niya raw ako. But of course, hindi ako yung tipong taong nagtitiwala agad.
Pinaunlakan ko lang imbitasyon niya kasi wala rin naman akong ginagawa sa bahay.
Nang makita ko na kung saan naghihintay yung Mr. L na yun, nanlaki ang mga mata ko.
That man is familiar,
This can�t be..
He�s.. Luris� father?
Nang dumating na ako sa table ay kaagad akong umupo at hindi pa rin makapaniwala sa
nakita ko.
�You looked a little bit surprised, Matthew. Nagulat ka ba dahil ako si Mr. L?�
sabi nito.
It�s confirmed. Leon Maiven is really Mr. L.
Umiling lang ako saka ngumiti. �No, not really. Ang gumugulo lang sa isip ko, ikaw?
Tutulungan ako? Well.. Ang isa sa mga plano ko lang naman ay ang kalabanin ang anak
mong si Luris.� Nanatiling kalmado ang boses ko.
�Haha. I don�t bother. Tutulungan kita kahit ang anak ko pa mismo ang magiging
kapalit saka, we just have the same desires anyway, to be the strongest of all.�
Sabi naman nito.
�And having a unity is a better way.� Puno pa nito at tinitigan ako.
�You can�t read my mind, Mr. L. You know that.� I gave him an evil grin.
�Good guess. Well, will you accept the offer?� sabi nito.
Tumingin-tingin lang ako sa paligid saka ngumiti. �You chose a very elegant
restaurant for this.� Pagkatapos ay binaling ko kaagad ang tingin ko sa kanya.
�Kung magkakaisa tayo, mas lalo tayong magiging malakas, Matthew.�
Tumayo na lang akong nakapamulsa. �No, thanks. Kaya ko ang sarili. That�s an insult
for me kung hihingi ako ng tulong sayo. I want to be on my own. Well, bye, Mr. L or
I should say, Mr. Leon Maiven, the other secret enemy.� Pagkatapos nun ay iniwanan
ko na siya.
Wala lang pala akong gagawin dun. Nasayang lang ang oras ko pero at least, nakilala
o siya. Makakatulong siya sa lahat ng binabalak ko.
***
CIERA SANCHEZ
�Ma!!� sigaw ko nang makarating na ako sa loob ng bahay ng mga Maiven at nasalubong
si Mama. Gabi na rin. Mga 8pm na kaming nakauwi ni Yna galing sa pagshoshopping.
Medyo natagalan kasi eh. Ang dami kasing ginawa ni Yna dun sa mall, ako naman ay
sunod ng sunod lang sa kanya. Gusto ko kasi siyang makapag-relax muna tutal,
magkaibigan kami. Ayokong magkaganun ang mga kaibigan ko.
�O, anak, bakit ngayon ka lang?� nasa tonong pag-aalala ang boses ni Mama.
�Si Stephen po, nakauwi na ba?� tanong ko. Patay. Nakalimutan ko na sabay pala kami
dapat maglulunch kanina. Nakalimutan ko. >__< Namasyal kasi kami ni Yna sa mall eh.
�Oo, nakauwi na. Nandun ata sa kwarto niya��
�Sige po.� Hindi ko na siya pinatapos at kaagad umalis. Lagot na naman ako nit okay
Stephen, TT___TT
Pinuntahan ko kaagad si Stephen sa kwarto nito at nang buksan ko ang pinto,
maswerte namang hindi ito lock.
Nakita ko siya sa kama nito na nakahiga at nakatakip pa ang buong katawan niya ng
kumot.
�Yuhoo! Stephen??� sambit ko pero hindi ata ako pinapansin ng mokong. Hindi gaya
nuon pag maingay ako eh nangangalati na siya sa galit.
Lumapit naman ako mula sa pagkakahiga nito at tinusok-tusok ang tagiliran niya.
Nakatakip pa rin siya ng kumot. �Uy.. Bumangon ka na nga jan. Wag mo kong lokohin.
Hindi ka natutulog. Vampires don�t sleep.� Sabi ko. Akala niya siguro ay maloloko
niya ako? Behlat niya. :P
Hindi pa rin siya umimik at dahil napikon ako, kinuha ko ang takip ng kumot niya.
�Hoy, wag ka ngang magtulug-tulugan jan!� sabi ko nang makita ko siyang nakapikit
ang mga mata niya. Wala na siyang takip na kumot.
Tinusok ko ulit ang tagiliran niya.�Uy.. Wag ka na ngang magtampo� Sorry na oh.
Tinulungan ko lang naman si Yna para makarecover sa lahat ng nangyari. Namasyal
kami kanina sa mall.� Sabi ko. =///=
�Uy.. Sorry na.� sabi ko na lang at tumabi sa pagkakahiga nito. Niyakap ko siya sa
likod.
�Sorry, na.. b-b-boyfriend.� =///= sabi ko.
�Ulitin mo.� Tila na nasa awtoridad ang boses nito. Aba�t napaka.. =____=
�O sige. B-boyfriend, sorry na.�
�Again.�
�Sorry, boyfriend.� Sabi ko. Nakakailang talaga! =///=
Humarap na siya sa kin at parehas pa rin kaming nakahiga.
�Sorry accepted.� Nakangiting sabi nito kaya naman bumuntong hininga ako. Buti,
bumigay na.
�But..�
�A-anong but?� react ko. Ano na naman kaya gusto nito?
�I�ll gonna rape you first because of what you did.� Sabi nito sa kin saka tumayo.
Kaagad niyang binutones ang uniform niya. Nakauniform pa pala ito.
�H-hoy! Stephen!!� napasigaw ako sa gulat at napaupo sa kama nito. >__< Seryoso ba
siya?!
He was already half naked. Wala na siyang saplot sa itaas. Tanging suot na lang
nito ay ang pants niya. Tae! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang naging
statwa ako rito sa kama niya.
Papalapit na siya ng papalapit sa kin at bigla akong tinulak sa kama. Napahiga ako
at siya naman ay nakapatong na sa kin.
Kinakabahan na ako at pinapawisan. �S-Stephen..� ramdam ko na ang mainit niyang
hininga. >__<
Bigla naman siyang tumawa. �Kahit kelan talaga, nakakatawa talaga expression mo,
girlfriend.�
=____=
Tinulak ko kaagad siya. �Manyak! Bastos!� sumbat ko at aakmang susuntukin siya pero
kaagad niyang nahawakan ang kamao ko.
�Haha.. Calm down.. Hindi ko naman talaga gagawin yun. I respect the person I love
so much.. pero kung gusto mo, okay lang sa kin.� Sabi naman nito at nagbigay ng
mapang-asar na ngiti.
�Nakakainis��
�Sayang. Liligawan sana kita kung nagkasabay tayong maglunch kanina. Alam kong
gusto mong maranasan ang ligawan kaso di ka sumipot eh.� Hindi ako pinatapos ng
mokong na ito at nagsalita agad.
Natahimik naman ako sa sinabi niya. Medyo.. kinilig ako. =///=
�Kaya ngayon na lang kita liligawan.. Will you be my girlfriend, Ciera?� puno nito.
�Ah.. eh.. A-akala ko ba.. tayo na??� naiilang na sabi ko. =///=
Ngumiti lang siya ng kaloko-loko.
May binabalak na naman yata ito.
_________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 38
CIERA SANCHEZ
"Hoy.. B-boyfriend, kanina ka pa ata dyan ngumingiti ng mag-isa. Nababaliw ka na?
Kagabi ka pa ha." =__= sabi ko rito kay Stephen na katabing kong nakaupo sa
backseat ng kotse, habang si Papa naman ang nagmamaneho, papunta na kasi kami
ngayon sa academy.
Kagabi pa itong mokong na ngumingiti. Ewan ko ba pero alam kong may binabalak na
naman itong masama.
"W-wala." sagot naman nito sa kin na nakangiti. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Pero
naman eh! =///= Nakakailang talaga.
There was silence afterwards. =__=
"Ahh.. Nga pala.. bo-boyfriend, yung.. white rose na nasa jar, napansin kong may
nalaglag ng petals.. para saan ba yun?" tanong ko para mabasag ang katahimikan.
Nuon pa kasi ako curious na curious tungkol dito. Hindi ko nga alam kung para saan
yun eh.
Bigla naman siyang natigilan matapos kong itanong iyon.
Lumingon siya sa kin.
"Nevermind it." seryosong sabi niya sa kin at bigla na namang ngumiti. Ang weird
niya talaga ngayon! =_= Tss!
Hanggang sa dumating na nga kami sa academy at nakababa na sa kotse.
Tahimik na tahimik lang kaming dalawang naglalakad papunta sa building. Nauna pa
siyang naglakad sa kin. Awkward.
=___=
Kung alam ko lang na ganito pala ang isang relasyon, eh di sana, umayaw na ako.
Bipolar kasi itong lalakeng ito eh.
"Girlfriend."
Napahinto naman ako sa paglalakad ng magsalita siya. "U-uhmm?" nanginginig kong
tanong.
Nakakapangilabot kasi ang boses niya eh.
"Pumunta ka sa library ngayong hapon, duon tayo magkita. Baka hindi ako makakapasok
sa klase ngayon araw. May marami pang papeles na dapat kong ayusin duon sa
administration. And I will also settle your position here. The fact that your a
Spencer. Get it?" nasa awtoridad ang tono ng boses nito.
Tumango na ako. "Ah.. Opo."
"Or else, I gonna rape you." he smirked pagakatapos ay iniwan na lang ako.
Kahit kelan talaga, nakakaasar ang lalakeng 'to. =__=
***
YNA STEFANIE SCHULTZ
Nandito na naman ako sa rooftop ng building ng academy namin.
Nakatayo habang pinagmamasdan ang kawalan.
Ewan ko, wala ng saysay ang buhay.
Tanging si Luke lang ang naging dahilan ko para mabuhay ng matagal. Tutal, wala rin
naman akong pamilya. Nag-iisa lang ako.
Humakbang ako ng ilang beses hanggang sa nandito na nga ako sa pinakadulo ng
rooftop at kung hahakbang pa ako ay tiyak, mahuhulog na ako.
Pero okay lang. Ano pa ba ang rason ko para mabuhay? Wala na.
Dadagdag din lang ako ng problema kina Ciera. May mundong ginagalawan din sila kaya
hindi habang buhay, nasa akin ang atensyon nila.
Pero I admit it, Ciera is a very good friend. I love her. I love the friendship
that we built.
Pumikit na ako. "Isa.. Dalawa.. Tatlo.." bulong ko sa sarili ko.
"Apat. Lima. Anim."
Naimulat ko ang mga mata ko nang may nagsalita.
Nagulat ako nang may nakahawak na sa bewang ko at nang tumingin ako sa ibaba, tanaw
na tanaw ko ang sementandong daan.
Aba't di na ako nakaapak sa building ah? Patay na agad ako? Bilis naman.
Pero mali. Parang may bumubuhat sa kin.
Teka..
Lumingon ako sa likod ko at nakita ang pagmumukha ng isang lalakeng nakangiti na
kulay gold pa yung buhok at may pierce pa sa tenga nito.
"H-hoy! Bitawan mo ko!!" react ko at pili na nagpupumiglas sa lalakeng 'to.
"Teka!!!" napasigaw ako ng binitawan niya ako at muntik ng mahulog ng tuluyan. Buti
na lang nahawakan niya kaagad ang kamay ko.
Nakakainis siya! Bakit niya ako binitawan ng ganun?! =_____=
"H-hoy!! Tulungan mo ko!" >O< sigaw ko at kaagad din naman niya akong tinulungang
makabalik sa rooftop.
Pagkatapos ay napaupo na lang kaming dalawa.
"Baliw ka ba?! Ba't mo ko tinulungan? Eh di patay na sana ako ngayon! Hindi na ako
maghihirap pa uli!" sumbat ko sa kanya na may halong pagkairita. Kakainis!
Tumawa naman siya ng malakas at nakahawak pa talaga sa tiyan niya.
"Kanina nga eh, takot na takot ka. Nakakapit ka pa sa kin." sagot naman nito at
binigyan ako ng mapang-asar na ngiti.
"Ewan ko sayo!" sinigawan ko siya saka tumayo.
"O-oy, teka. Magpapakamatay ka pa rin ba? Tatalon ka ulit?" tumayo na rin siya.
"Well, hindi magiging effective yun. You're a vampire. Hindi ka ganun basta-basta
namamatay." sabi naman nito.
"Kung ganun, ano bang gusto mong gawin ko?" I replied while my arms are crossed.
"Eto, lighter." bigla niyang pinasa sa kin ang lighter niya.
"Sunugin mo na lang ang sarili mo para siguradong patay ka." he gave me an evil
grin.
"Kung ikaw kaya sunugin ko." nakakaasar na talaga ang lalakeng ito!
"Haha, bakit ako? Ikaw naman yung magpapakamatay?" sagot naman nito sa kin.
"IKAW!!" nakakairita na talaga. Linapitan ko siya at nanlilisik na nga ang mga mata
ko sa galit.
"H-hey!" napaatras naman siya nang papalapit na ako sa kanya.. Susuntukin ko talaga
ng todo-todo ang pagmumukha ng lalakeng 'to. Timing ding badtrip ako, dito ko
ibubuhos sa kanya lahat ng hinanakit ko. =___=
"T-teka, ano bang ginawa ko? Tinulungan lang naman kita. Saka, wala akong kalaban-
laban sayo." katwiran naman nito.
"Tumahimik ka!" sigaw ko at ibinigay sa kanya ang kamao ko.
Pero hininto ko lang malapit sa ilong niya ang kamao ko at hindi ko na sinuntok.
Pagkatapos ay yumuko na lang ako at ibinaba na lang ang braso ko.
Naiiyak na naman ako.
"Bakit ganyan kayong mga lalake? Bakit parang wala kayong pakielam sa nararamdam
namin??" naiiyak kong tanong sa kanya pero nanatiling nakayuko pa rin.
Bakit ganyan ka Luke? Bakit?
"O, eto."
Napatingin naman ako sa kanya nang inabot niya sa kin ang panyo nito.
"Gamitin mo yan. Pagtiyagaan mo na kahit may konting sipon na 'to." seryosong
pagkasabi nito sa kin.
At imbis na humagulhol ako rito, natawa na lang ako.
Ang adik din ng lalakeng 'to.
"Baliw." natatawang sabi ko sa kanya. "Ang adik mo. Galing ka mental noh?" sabi ko
naman.
Napakamot naman siya sa ulo niya. "Oo eh. Nawala kasi ako at hindi ko na alam kung
saan ako papunta."
"Baliw ka. Mas may topak ka pa kesa sa kin eh. Saka parang ngayon lang kita nakita
rito ah?" natatawang sabi ko. Grabe.
"Yep. So, what can you say? As an exchange for helping you, samahan mo kong
mamasyal sa academy niyo." nakangiting tugon nito sa kin at inabot ang kamay nito
para sa isang handshake.
"Sige ba." sabi ko naman.
"I'm Eli, you?"
"I'm Yna."
***
CIERA SANCHEZ
Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako kaagad sa library. Baka papagalitan na naman
ako ng mokong na Stephen na yun pag hindi ako sumipot.
Saka tumawag sa min si Mr. Reyes, may dumating ng isang estudyanteng tao rito sa
academy kanina pang umaga pero wala naman akong nakita eh. Yung iba raw, bukas pa
darating.
Sa paglalakad ko papunta sa library, parang nakikita ko si Yna na papalapit ngayon
dito.
Nandito pala siya? Pero bakit wala siya sa classroom??
"Yna!!" tinawag ko siya nang malapit na malapit na siya sa kin.
"Uy, Ciera, ikaw pala yan!" kaagad din siyang pumunta sa kin at niyakap ako.
"Nandito ka pala? Saan ka ba nagpupupunta?" tanong ko pero napahinto ako nang may
napansin akong lalakeng nakatayo sa likod niya.
Teka..
Parang pamilyar ang pagmumukha nito ah..
Oo nga!
"Ikaw?!" sigaw ko nang maalala ko na kung sino ang lalakeng ito at tinuro.
"Ciera??" halatang naguguluhan si Yna sa naging reaksyon ko.
"Oo, ikaw nga! Ikaw yung schoolmate ko sa public high school na manyak na lider ng
isang fraternity!" sigaw ko. Kung hindi ako nagkakamali, siya nga. Si Eli Herrera.
"Ahh oo.. So, ikaw pala yung classmate ni Michelle na nakitaan ng panty? What a
coincidence." reply naman nito na parang namangha.
Ibig sabihin..
Siya ang ipinadala ni Mr. Reyes?!
_______________________________________________
Vampire Academy
Chapter 39
CIERA SANCHEZ
"Ahh oo.. So, ikaw pala yung classmate ni Michelle na nakitaan ng panty? What a
coincidence."
Sa dinami-dami ba naman na dapat maalala, yun pa ang sinabi niya? Napakawalangya
talaga ng lalakeng ito.
At hanggang ngayon, manyak pa rin.
"Hey.. guys. I don't know what you're talking about." biglang sumingit si Yna na
bakas sa mukha nito ang naguguluhan.
"Yna, diba, alam mo yung may mga taong itratransfer dito sa academy?" tanong ko kay
Yna at tumango naman siya.
"Siya. Isa siya sa mga taong yun." =___= puno ko at nakaduro pa rin sa kanya. Imbis
na good vibes ang mararamdaman ko ngayon eh puro kamalasan lang aabutin ko.
"Ha? Tao siya?" napatingin naman si Yna kay Eli na katabi lang nitong nakatayo.
"Well, I am. I have this pierce of mine, ito ang proteksyon ko." ipinakita naman
nito ang pierce nya sa tenga.
"HOY." tawag ko ulit sa kanya. Nasisiraan ba talaga ng bait si Mr. Reyes? Bakit
siya ang ipinadala nito? Talagang gusto niyang balutan ng kamanyakan ang buong
academy? No way!
"O?" painosenteng tugon pa ng hinayupak na 'to.
"At ano naman ang pumasok sa utak mo na dito ka mag-aaral? Para maghasik na naman
ng kamanyakan sa buong campus??" mas tinaasan ko pa ang tuno ng boses ko.
Masisiraan talaga ako ng bait nito.
"Haha. Grabe ka naman. Ganyan na ba talaga ako kasama sa tingin mo?" tumawa pa ito.
Inirapan ko lang siya. "Bakit? Talaga namang manyak ka. Naninilip ka pa nga minsan
nun sa Girl's CR." sabi ko while sticking my tongue out.
"Pati yun, alam mo? Siguro, stalker kita noh?" nagbigay ito ng ngiting mapang-asar.
Ang lakas talaga ng tiwala sa sarili ang lalakeng ito. Mas malala pa ata ito kesa
kay Stephen.
"Heh! Sasabihin ko kay Mr. Reyes na ipapabackout ka sa listahan na papasok dito.
Hindi ka pwede rito!" sigaw ko naman at nagsimula nang maglakad.
Nilampasan ko lang silang dalawa na nakatulala. Baka ano pa magawa ko sa mokong na
iyon. Ayoko pa naman ng gulo. Tss! =____=
Nang makalayo-layo na ako sa kanila, bumuntong hininga ako. Hayys. Kakausapin ko
talaga si Mr. Reyes tungkol dito. Ayokong si Eli ang ipapadala nila rito.
"Pumunta ka sa library ngayong hapon, duon tayo magkita. Baka hindi ako makakapasok
sa klase ngayon araw. May marami pang papeles na dapat kong ayusin duon sa
administration. And I will also settle your position here. The fact that your a
Spencer. Get it?"
O__O
Oo nga pala!
Makikipagkita ako ngayon kay Stephen! >_____<
Nakalimutan ko. Yung Eli kasing yun eh. =____=
Patay ako nito kay Stephen.
Napatingin naman ako sa paligid ko at tama nga ang hinala ko. Lumagpas na ako sa
library. Saka malapit na ring kumagat ang dilim.
Patay.
*
Humihingal ako nang marating ko na ang library.
Tumakbo na lang kasi ako papunta rito. Baka maabutan ko pa si Stephen.
Pagdating ko sa library, wala ng katao-tao roon. Nakabukas na rin ang ilaw kasi
madilim na.
Hindi na niya siguro ako hinintay.
Tumalikod na lang ako para umalis. Ano naman ang gagawin ko rito? Wala na siya.
Magtatampo na naman yun sa kin. Kasalanan ko kasi. =__=
Hindi. Kasalanan ng Eli na yun. =___=
Hahawakan ko na sana yung doorknob nang may nagsalita.
"HOY."
Napalingon ako sa kung sino yung nagHOY sa kin.
O_O
Si Stephen. Nakasandal siya sa isang pader na nakapamulsa at nakasimangot. Parang
gusto atang lumapa ng kahit sinong buhay.
"Ikaw pala.. Stephen." nakayuko kong sabi sa kanya. Kinakabahan na rin ako. >___<
Mukhang sasabog na kasi siya sa galit eh.
"S-sorry.." sabi ko na lang.
Napansin kong papalapit na siya sa kin kaya napatigil ako.
Nagulat ako when he gave me a pat on my head.
"No. Don't be sorry. Ako lang naman ang nagpipilit sa relasyon nating ito." sabi
nito.
Napaangat naman ang ulo ko sa kanya at nakitang nakangiti siya..
.. ng mapait.
"I'm sorry. Alam kong hindi ka pa handa kaya pakakawalan kita." pagkatapos nun ay
nilagpasan niya lang ako at umalis.
Napatulala ako.
Bakit ganun ang sinabi niya?
Tumakbo ako papalabas sa library para maabutan pa siya.
Sakto namang hindi pa siya nakalayo-layo kaya naman tinanggal ko yung isang sapatos
ko at ibinato sa kanya.
Bullseye! Natamaan siya sa ulo. Hohohoho. ^O^
Napahinto naman siya at napatingin sa kin. "What the--"
"Hep!" singit ko. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.
"Hoy, supladong bipolar na hinayupak! At bakit mo naman naisip iyon? Ano bang
pumasok sa utak mo at nagkaganun ka? Nalate lang kung makapagdrama wagas?" sabi ko.
=___= Ang OA naman niya. Pakawalan niya ako ng ganun-ganun lang?
"HUH?" huh lang reply ha.
"Batuhin kita ulit nitong sapatos ko eh. Hindi pa nga tayo nag-wa-one month, break
agad?" sabi ko.
"Just go straight to the point." malamig na sabi nito.
Naiinis na talaga ako sa lalakeng 'to. Parang babaeng nagtatampo.
Huminahon muna ako bago magsalita. "Sorry. I'm so sorry. Oo. Pangalawang beses na
kitng hindi sinipot. Sinusubukan ko naman talaga pero may nangyayari eh kaya
nakakaligtaan ko. I'm very sorry, Stephen." I sincerely apologized. "Wala ka naman
talagang kasalanan. Ako ang meron."
"Nasaktan ako nang sabihin mong papakawalan mo ko.. dahil akala mo, napipilitan
lang ako sayo. Pero hindi.. Gusto ko ito Stephen. Mahal kita kaya ayokong
magkaganito tayo." puno ko at naiiyak na rin. "Pero kung yan ang gusto mo, sige."
Pagkatapos ay tumalikod na ako.
Bigla naman siyang tumawa kaya napalingon ako.
"Dapat ba akong kiligin diyan o hindi? Haha, o sige. Tara na girlfriend. Kumain
tayo sa isang restaurant sa labas." sabi niya sabay bato pabalik sa kina ang
sapatos ko.
"Suotin mo na yan. By the way, thanks."
Napangiti na lang ako.
***
ELLE RAVEN ASHTON
Narinig ko ang buong pag-uusap nina Stephen at Ciera rito sa may hallway ng
library.
Nakikinig ako ng patago rito sa may isang sulok sa kanila.
Oo, nasasaktan pa rin ako. Siguro kasi hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Stephen.
Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin magawang kalimutan ang pagmamahal ko rito.
Nagseselos ako kay Ciera kasi nagawa niyang mahalin si Stephen.
"Mahal din kita Stephen.." mahinang bulong ko at may namumuong luha na sa mga mata
ko.
"Well.. you want me to help you?"
Napatigil ako nang may nagsalita.
"Matthew?"
***
NICOLE FRANCEZ WILSON
Nandito ako ngayon sa isang restaurant kung saan kasama ko si Mr. L na nagdidinner.
Walang alam dito si Matthew but I'm not betraying him anyway.
"Alam kong gusto mong makatulong kay Matthew, hindi ba?" tanong nito sa kin saka
ngumiti.
"Yes. I will do everything for him. Even if it will cost my life. I just love him
that much." casual na sagot ko.
Bigla niya kasi akong tinawagan. He will give me an offer para mapadali raw ang
lahat ng pinaplano namin.
"Then.. I'm quite pleasured to help you."
Tinignan ko lang siya matapos sabihin iyon.
Oo, si Mr. L or let's say si Mr. Leon Maiven ang pinakamalakas sa lahat ng Maiven
family na akala ko ay patay na.
Hindi ko nga maisip na isa rin pala siyang patagong kalaban.
Malakas siya at makakatulong siya sa mga binabalak namin ni Matthew kaya nga lang..
"What's your answer?" usisa pa nito.
Call me a desperate but I really want to help Matthew. Ayoko ng palaging maging
pabigat sa mga plano niya. Wala man lang ang ginagawa para matulungan siya.
Nuon ko pa alam ang buong pinagdadaanan niya. Ang mga paghihirap na dinanas niya
lalo na ang pagkawala ng pamilya niya. I want him to be happy again.. for real.
At kung ito ang magpapakasaya niya, then I'll go for it. Anything for him, just for
him to be happy.
"Okay.. I'll accept the help pero wag mo itong ipaalam kay Matthew. And don't even
try to harm him."
"Then that's a deal." nakangiting sabi nito sa kin.
______________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 40
ELLE RAVEN ASHTON
"Nakakainggit sila." napalingon ako sa gilid ko nang may nagsalita.
Si Yna lang pala.
Nandito kasi kami sa Council Room. Mamaya pa kasi darating ang mga taong
transferees sa school.
Tumango lang ako as a sign of response kay Yna. Pinagmamasdan kasi namin sina Ciera
at Stephen na parang aso't pusa. Parang inaasar kasi ng mokong na Stephen na yun si
Ciera kaya pinaghahampas siya nito.
Natatawa ako kasi alam kong hanggang sulyap lang ako.
***FLASHBACK***
"Matthew??" napaatras ako nang biglang sumulpot si Matthew. Papaanong napunta siya
rito? Akala ko bang nilisan na niya ang academy?
"Well, I heard you. Kaya naman nagsuggest akong baka gusto mo ng tulong galing sa
kin. Para makuha mo si Luris kay Ciera." nakangiting tugon nito habang naglalakad
papalapit sa kin.
Mas lalo akong napaatras sa ginawa niya. "A-ayokong kamuhian nila ako." nakayuko
kong sabi sa kanya.
Oo, kaya ko namang pigilin ang sarili ko. Mas mahalaga para sa akin ang
pagkakaibigan namin, lalo na ang mga kasama ko sa council.
"I'm just giving you an option. Saka hindi ka naman nila kamumuhian. Because I'll
be the one who will split them off. Pagnakaganun, makukuha mo na si Stephen. But
this will happen if you'll cooperate." he gave me an evil grin.
"If you want me to help you, let's meet at the *** restaurant." puno nito.
Pagkatapos ay bigla na lang siya naglaho.
***END OF FLASHBACK***
Hindi ko alam..
Pero I'm very sorry, Ciera.
***
MATTHEW SPENCER
"Ang laki na talaga ng pinagbago mo Matthew, pati ako ay naguguluhan na sayo."
napailing-iling pa si Gerard na sabihin iyon sa akin. Nandito lang kaming dalawa sa
bahay ko.
We're playing billiards.
"Talaga?" sabi ko pagkatapos ay tinira na ang bola gamit ang billiard stick at
sakto namang pumasok ito sa butas.
"Hindi ko na alam kung sino kakampihan ko sa inyo Matthew." puno pa nito.
Kinuha ko naman yung puting bola at pinusisyon na sa billiard pool. "Wala ka namang
kailangang kampihan Gerard. Saka, okay lang sa kin kahit hindi ka na tumulong. Alam
ko namang may pusong mamon ka." ningitian ko siya.
"Sorry, Matthew."
"Hmm.. Isa lang naman ang sasabihin ko, wag ka lang tumangkang banggain ako. Alam
mong ano ang magagawa ko sa iyo, diba? Pinsan?"
Tumango naman siya.
Binalutan ng katahimikan ang buong paligid.
Now, we're just concentrating in playing the game.
"Your turn--"
Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ko.
Kaagad kong kinuha ito sa bulsa.
Calling.. Unknown Number..
Sino naman kaya ito?
"Hello?" sabi ko ng sinagot ko na ang tawag.
"Matthew Spencer."
"M-Mr. L?" nagulat ako na siya ang nagsalita. Ano na naman kaya kailangan niya?
Saka, I already declined his offer.
"Hmm.. Buti nakilala mo pa ako." sabi nito sa kabilang linya.
"Anong kailangan mo?" seryoso kong tugon sa kanya at napatigil kami pareho ni
Gerard sa paglalaro.
"Nasa amin pala si Nicole.. Ang pinakamamahal mong si Nicole."
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon. Nasa kanila si Nicole?
"You're kidding me. Bakit naman siya mapupunta diyan?" sabi ko. Nandito lang si
Nicole sa bahay. Nasa kwarto niya, probably reading books.
"Well.." puno nito.
"M-Matthew!! Help me! M-Matthew!"
Nagulat ako sa narinig ko. Boses iyon ni Nicole.
"Kung gusto mo siyang sagipin, alam mo kung saan mo kami hahanapin. But be ready
with the consequences." pagkatapos nun ay ibinaba na niya ang kabilang linya.
"Sh*t." napamura ako. Totoo ngang nasa kanila si Nicole.
"Pare, anong problema?" halatang naguguluhan si Gerard sa inasta ko.
"Si Nicole.." kaagad akong umalis sa kinatatayuan namin at pinuntahan ang kwarto ni
Nicole.
I have to make sure they're telling the truth.
Nang dumating na ako sa may pintuan ng kwarto niya, sinubukan kong buksan ito pero
lock.
"Nicole! Open the door!" sigaw ko. No. Sana walang nangyaring masama sa kanya.
Hindi ko pa rin mabuksan ang pinto kaya I used my superstrength at nang mabuksan na
ang pinto..
Wala nga siya sa kwarto nito.
Napahilamos ako sa mukha ko.
"This can't be real." dali-dali akong umalis dito.
Kaagad akong lumabas sa bahay at sumakay na sa kotse ko. Iniwan ko na lang si
Gerard dun. Ayokong masali pa siya sa gulo.
Pinaandar ko na ang kotse ko at nagmaneho.
Hinding-hindi ako papayag na may gagawin kayong masama sa kanya, Mr. L.
*
"Mr. L!! Mr. L!!" sigaw ko habang tinatawag si Mr. L. Natunton ko na kung saan sila
nagtatago. I can sense his aura here. Nandito ako ngayon sa isang lumang building.
Umaambon pa. The perfect timing for war.
"T-teka!" nagulat ako nang may humawak sa magkabilang braso ko. Dalawang
nakamaskara na mga bampira.
"As I expected, susugod ka kaagad dito, Matthew." bumungad sa paningin ko si Mr. L
habang hinihithit pa ang dala nitong sigarilyo.
"Nasaan si Nicole?!" sigaw ko at pilit na makawala mula sa pagkakahawak ng dalawang
lalakeng ito pero hindi ko magawa.
They are not just any ordinary vampire.
"Hahaha! Fool! Walang Nicole dito. All you hear from the phone was just a mimic of
her voice." he smiled devilishly.
Napatigil ako sa sinabi niya.
All that he said was just an act?
Para lang mahulog ako sa patibong niya?
"Ano, Matthew? Hahaha. Hindi ko alam na madali ka lang pala linlangin." puno pa
nito.
"Si Nicole.. Nasaan siya?" ulit ko. Wala siya sa bahay.
"I don't know. Definitely, tinutulungan ka sa mga plano mo. She was desperate to
help you. Ayaw niyang maging pabigat sayo kaya tinulungan ko."
"Fvck!" napamura ako habang nakawahak pa rin sa braso ko ang dalawang lalakeng ito.
"Well, Matthew Spencer, you'll suffer first." pagkatapos ay tumalikod na siya at
umalis.
May lumitaw namang iba pang bampira papalapit sa kin.
Bigla akong sinuntok ng napakalakas sa tiyan ko kaya naman napaluhod ako.
Napaubo ako ng dugo. Ang lalakas nila.
Nang iangat ko ang ulo ko, napansin kong puro silver ang mga sandata nila.
Hanggang sa sabay-sabay nila akong inatake.
***
NICOLE FRANCEZ WILSON
"Hello, sino 'to?" panimula ko ng sinagot ko ang unknown caller ko sa cellphone.
Nasa isang restaurant kasi ako, makiikipagkita raw ulit sa kin si Mr. L.
"Nicole, this is Mr. L."
"Mr. L?" naguluhan ako. Bakit naman siya napatawag? Hindi ba siya makakarating?
"I need to tell you. Si Matthew, may nangyari sa kanya. Nasa kamay na siya ng mga
Maiven, natunton na ng mga awtoridad si Matthew."
Napahinto naman ako sa narinig ko. Si Matthew? Nahanap na nila?
"P-pero paano?" tanong ko.
"Sabi ng isa kong tauhan, kanina, nahanap na nila ito at nasa kamay na ng mga
Maiven. Probably, nasa academy ninyo, under probation area. We need to rescue him."
Naihulog ko ang cellphone ko matapos marinig ang lahat ng iyon.
Hindi pwedeng mapahamak si Matthew.
__________________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 41
MATTHEW SPENCER
"Wag na wag niyong sasaktan si Nicole!!" sigaw ko habang pinipilit na kumawala sa
mga nakatali sa king mga silver na kadena. Nasa isang madilim na bodega ako ngayon.
"AHHHH!!!" napasigaw na naman ako sa sakit. Habang pinipilit ko kasing makawala sa
kadenang nakakabit sa dalawang kamay ko, napapaso ang balat ko rito.
"Hindi naman namin siya sasaktan." biglang sumulpot sa harapan ko si Mr. L at
ngumiti.
"Kasi hindi kami ang gagawa nun kundi ang mga estudyante mo mismo sa academy mo..
Diba, hinahanap nila kayo ngayon? Dahil sa pagtratraydor niyo?" puno pa nito.
Naguluhan ako sa sinabi niya.
Ang academy?
Bakit naman sila masasali?
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko rito.
"Well.. sinabi ko sa kanya na nahuli ka ng Vampire's Association.. Nahuli ka na ng
pinakaiisa mong pinsan na si Ciera pati na rin ang pinakamamahal kong anak na si
Stephen. Mag-isa niyang susugurin ang academy niyo." sagot naman nito sabay lapit
sa kin.
Kinuha nito ang sigarilyo sa bulsa at sinindihan ito. "Ano? Kakampi ka na ba sa
min?"
Binuga naman nito sa kin ang usok na galing sa bibig nito.
"Think wisely." pagkatapos nun ay umalis na siya at iniwan lang ako.
"Teka!!" sumigaw ako.
"AHHHH!!" napaso na naman ako nang nagpumilit na naman akong makawala sa kadena.
Nicole..
Patawarin mo ako..
***
CIERA SANCHEZ
Lumabas muna ako sa council room para magpahangin.
Nakakainis kasi ang baliw na Stephen na yun. Inaasar na naman ako. =__=
Minsan, nabubwisit na ako eh. Pasalamat siya, mahal ko siya. =///=
Hanggang sa nakalabas na rin ako sa building.
"Hayss. Kailan ba dadating yung mga estudyanteng sinasabi ni Mr. Reyes?" reklamo
ko. Ang tagal eh.
"Ciera."
Napatingin ako sa gilid ko nang may nagsalita.
Si Nicole..
"N-Nicole??" napaatras ako. Anong ginagawa niya rito?
At kung nandito siya..
Nandito rin si Matthew..
Naglakad naman siya papalapit sa kin.
"Ciera.."
Mas lalo naman akong napaatras sa ginagawa niya.
"T-teka.." naguguluhan ako sa expression niya. Parang galit na galit ito.
"Ciera, nasaan si Matthew?!" nagulat ako nang sumigaw siya.
Si Matthew?
Bakit niya hinahanap dito si Matthew?
"W-wala akong alam diyan, Nicole! Hindi ko nga alam kung saa--"
Bago pa man matapos ang sasabihin ko, bigla niya akong sinampal.
"LIAR!!" galit na sumbat nito sa kin. Napahawak naman ako sa nasampal kong pisngi.
Biglang nag-iba ang kulay ng mata niya at naging pula ito.
May lumabas naman na kulay asul na apoy sa kanang kamay niya at naging espada.
Oo, naaalala ko. Lahat ng mga estudyanteng napabilang sa special section ay may mga
special abilities. Kung pula ang apoy ni Ace, asul naman sa kanya.
"Papatayin ko kayo!!" sumigaw ito ulit at mablis na nakasugod sa kin.
Tatamaan na sana ako nung espada niya sa mukha ko pero nakailag ako.
"Nicole, tama na! Wala kaming ginawa sa kanya! Hindi naman alam kung nasaan siya!"
sabi ko naman at pilit na iniiwasan ang bawat pag-atake niya.
Walang estudyanteng nakapansin sa amin dahil nagsimula na siguro yung klase at saka
ilang metro pa ang layo ng bawat building dito.
"Kung hindi dahil sa inyo, hindi kami magkakaganito ni Matthew! Hindi siya
nasasaktan, hindi siya nagdudusa!" sumbat na naman nito.
"Kasalanan niyo ito!" puno pa nito.
Nagulat ako nang bigla siyang nawala sa harapan ko.
"Dapat kayong mamatay, Ciera!!" naiangat ko ang ulo ko at napatingin sa likod.
Tatamaan ako nung espada ni Nicole.
Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari basta ngayon, nakapatong na ako sa
ibabaw niya habang hawak-hawak ko ang kwelyo nito. Nakahiga na siya ngayon sa lupa.
Sinampal ko siya.
"Ano bang nangyayari sayo, Nicole? Ano bang nangyari sa inyo ni Matthew?!" sigaw
ko.
"Hindi na kayo yung Nicole at Matthew na nakilala ko nung bago pa ako sa academy.."
puno ko at tila huminahon na ang boses ko.
Napansin ko namang may parang tumulong luha sa mga mata niya.
"Wala ka ng pakialam.. Ang gusto ko lang ang matulungan si Matthew.. kasi.. mahal
ko siya.." sabi naman nito at tumingin sa gilid.
Binitawan ko naman ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at napabuntong hininga.
"Anong nangyayari??" parehas kaming napatingin ni Nicole ng may nagsalita.
Si Stephen.
"Stephen.." pati rin ako ay hindi alam kung anong gagawin.
Bigla naman akong tinulak ni Nicole at nakawala siya.
"Nicole!" napasigaw ako.
"Papatayin ko kayong lahat! At ikaw ang uunahin ko, Ciera!" sabi nito pero bago pa
man siya makalapit sa kin ay nahawakan na ni Stephen ang braso niya ng mahigpit.
She was now desperate.
"Bitawan mo ko!!" sigaw nito kay Stephen at nagpupumilit na makawala mula sa
pagkakahawak nito sa braso niya.
"Nicole, don't do this. Wag mo kong hahayaang pumatay ng kapwa ko, na isang
kaibigan ko." seryosong tugon naman ni Stephen sa kanya.
"Never!"
"Stephen!!" napasigaw ako.
Biglang tinusok ni Nicole at espada niya sa gilid ng tiyan ni Stephen.
Pagkatapos nun ay nakawala siya kay Stephen at kaagad napunta sa harapan ko.
Tumawa siya. "Goodbye--"
Bago pa man niya matapos iyon ay laking gulat ko nang may nakita akong nakatusok
ding espada sa puso niya..
.. at si Stephen ang may hawak nito.
"Stephen.." sambit ko.
Pagkatapos ng ginawa nito ay kaagad natumba si Nicole at bago pa man siyang
bumagsak sa lupa ay nahawakan ni Stephen ang likod niya.
Napaupo silang dalawa.
"Patawarin mo ako Nicole.." nakayukong sabi ni Stephen kay Nicole.
Umling naman ito at nagsalita. "Ako ang dapat humingi ng tawad sa inyo, Stephen.."
Ngumiti si Nicole kahit may dugo pang umaagos sa mga labi niya.
"Alam kong marami akong nagawa sa inyo.. I betrayed you all.. kahit ang turing niyo
sa kin ay kaibigan.." naiiyak na tugon nito.
"It's nothing Nicole, I"m very sorry kasi alam kong ako ang dahilan kung bakit kayo
nagkakaganito ni Matthew.." sagot naman ni Stephen sa kanya.
"Mahal na mahal ko si Matthew, Stephen.. Wag niyo siyang sasaktan.."
Tumango lang si Stephen dito.
Nagsisimula na siyang naging abo.
"Nicole!!"
Parehas kaming napalingon ni Stephen nang may sumigaw..
Si Matthew..
Napansin ko ring may pasa siya sa dalawang pulso niya sa kamay.
Napatayo naman si Stephen at umatras.
"Nicole.." naiiyak na lumapit si Matthew sa katawan ni Nicole na unting-unti na
naging abo.
***
MATTHEW SPENCER
[Play the music on the right side ===================>]
Pinilit kong makatakas mula sa pagkakadena ng mga kamay ko at nagawa ko naman.
Nakalabas ako sa bodegang iyon at kaagad pinuntahan ang academy kung saan sinasabi
ng tarantadong L na yun kung nasaan si Nicole.
Pero laking gulat ko nang dumating na ako sa academy, nakahandusay na duguan si
Nicole at unting-unti ng naging abo habang kasama sina Luris.
Nilapitan ko si Nicole.
"Nicole.."
Hinawakan ko ang pisngi niya. Nakapikit na siya.
Napayuko na lang ako at naikuyom ang mga kamay ko.
"Matthew.." aakmang lalapit sa kin si Ciera.
"Wag na wag kayong lumapit sa kin." sabi ko kaya napahinto siya.
Dahan-dahan kong binuhat ang katawan ni Nicole at naglakad papalayo sa kanila.
Hindi ko na alam kung saan kami papunta hanggang sa namalayan ko na lang na nasa
garden kami ng academy.
Nagiging abo na siya.
Napaluhod ako at hinawakan ang pisngi ni Nicole.
"Nicole.. patawarin mo ko.. hindi kita na protektahan.." naiiyak na sabi ko sa
kanya.
Wala na naman akong nagawa para protektahan ang mga mahal ko sa buhay..
..ang pamilya ko.. at ngayon pati si Nicole..
"Nicole.. I'm very sorry.." may mga luha ng tumulo sa mga mata ko.
"Matthew.."
"Nicole.." nagulat ako nang magsalita si Nicole. Inabot niya ang kamay niya sa kin
at hinawakan ko ito kaagad.
"Buti okay ka lang.." mahinang-mahina na siya.
"Hindi Nicole.. Gagaling ka pa.. Gagaling ka." kaagad kong ginamit ang kakayahan
kong manggamot.
Pero kahit anong gawin ko, hindi gumaling ang sugat ni Nicole. Ginamit ni Luris ang
espada niya.
"Hindi pwede.. Nicole.." mas lalo akong naiyak.
"Okay lang Matthew.. Ang mahalaga.. okay ka.." sabi naman nito.
"Nicole.. please.. don't leave me.."
"Mangako ka sa kin, Matthew.. Magiging masaya ka.."
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Nicole. "Oo, pangako iyan." pinilit kong
ngumiti.
"Mahal na mahal kita.. Matthew.."
"Mahal din kita, Nicole. I always love you." sabi ko sa kanya at hinalikan siya.
"Salamat.." huling sambit nito at tuluyan ng naging abo.
Naglaho na siya.
"Nicole!!" sigaw ko.
Kasalanan ko 'to..
Nangako akong proprotekhan ko siya pero hindi ko nagawa..
Mas iniisip ko ang sariling kapakanan ko kaysa sa kanya..
"Nicole.. patawarin mo ko.."
"AHHH!!" pinagsusuntok ko ngayon ang lupa.
Hindi sana ganito ang mangyayari kung hindi ako nagpabaya..
But no.. may magagawa pa ako.
I promised..
I'll kill anyone for her.
__________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 42
STEPHEN LURIS MAIVEN
"I'm very sorry, Nicole." sabi ko habang nakaupo sa kama ng kwarto ko. Nakayuko
ako. Nagsisisi pa rin ako sa ginawa ko kay Nicole pero kung hindi ko ginawa iyon,
si Ciera naman ang kapalit. Mas lalong hindi ko kakayanin yun.
Ako lang mag-isa sa kwarto at gabing-gabi na rin. Kanina lang nangyari ang
insidenteng yun at hanggang ngayon, preskong-presko pa rin sa kin. Buti na lang ay
napostpone yung pagpunta ng mga bagong estudyante kundi masasali sila sa gulo.
Pagkatapos ay tumayo na ako at lumapit sa isang table na malapit lang sa kama ko.
Kinuha ko yung jar na bigay sa kin ni Gaile nuon. May ilang petals na ng white rose
ang nalaglag.
Senyales na malapit na akong maglaho sa mundo.
"Kelan mo sasabihin kay Ciera ang totoo?" napalingon ako sa may pintuan nang may
nagsalita. Si Mama lang pala.
"Hmm.. Hindi ko alam pero hindi pa sa ngayon." sagot ko naman na nakatingin pa rin
sa jar.
Lumapit naman sa kin si Mama saka hinawakan ang mukha ko ng dalawang palad niya.
"Anak.. alam kong mahirap pero kailangan mong sabihin sa kanya.. kahit.. masasaktan
siya.. Kung may magagawa lang sana ako para pahabain pa buhay mo." sabi naman nito
sa kin at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Napangiti ako. "Thanks, Ma.. pero.. hindi muna ngayon. Ayokong madagdagan ang mga
iniisip niya sa buhay."
Sasabihin ko rin kay Ciera ang totoo pero hindi pa sa ngayon..
Masaya na siya..
Ayokong ito ang maging dahilan para mawala ang lahat.
***
CIERA SANCHEZ
O__o
Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming kulay pula sa academy.
May mga heart na balloons, kulay red, mga chocolates na ang cover ay kulay red, mga
cards na kulay red, mga bulaklak na kulay red..
Ano bang okasyon ngayon? =__=
Red Blood Day? O__o
Siniko ko naman si Stephen na kasama ko ngayong naglalakad. Nakaheadset pa ang
mokong. Nagsasoundtrip ata. Tatanungin ko siya tungkol dito.
Ilang ulit ko na siyang siniko pero hindi pa rin niya ako pinansin kaya naman
kinuha ko kaagad ang headset nito.
"H-hoy! Bakit mo kinuha?" naiiritang sabi nito. =___=
Kahit kailan talaga, nakakainis ang lalakeng ito.
"Siniko-siko kita rito tapos hindi mo ko pinapansin. Tss! Alam mo, nakakaasar ka
kahit kelan!" naiinis na sabi ko sa kanya at saka inirapan siya. Umuna na akong
maglakad sa kanya. Nakakabadtrip siya eh. =___=
Pinuntahan ko kaagad ang council room para duon na tumambay tutal, nandito rin
naman silang lahat. Tuwing klase lang kasi kami pumupunta sa room.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang puro kulay pula rin ang buong paligid ng council
room. Nandun na rin sina Yna, Elle, Ace, Vivien at Ethan.
At parehas silang may mga kulay pula na bagay sa mga table nila.
Pero bakit sa kin wala ata?
Ano ba talaga ang meron? >__<
"Uy, Yna." nilapitan ko si Yna sa kinauupuan nito habang panay ang ngiti na may
binabasa yatang isang letter.
"Uhmm?" nakangiting tugon nito sa kin.
Napakamot naman ako sa batok ko, "Anong meron?" >__< tanong ko. Ano ba kasing
okasyon ngayon? Bakit ganun sila makakilos?
"Ha? Ah eto.. Bigay sa kin ni Eli, yung transferee, nakakatawa kasi yung message
niya." sagot naman sa kin ni Yna.
"Aba't gumagawa pala ng loveletter ang manyakis na yun?" O.O may sweet bones din
pala ang hinayupak na yun kahit kinatatakutan nuon sa school namin kasi leader ng
isang fraternity tapos napakamanyakis pa.
Natawa naman bigla si Yna. "O, ikaw? Wala ka bang natanggap kahit isang regalo?"
tanong nito.
Regalo?
"Regalo? Ha? Bakit naman ako makakatanggap ng regalo?" O_o
"Baliw! Valentines day ata ngayon."
O_O
Kaya pala kulay pula ang buong paligid.
"Ha?! Valentines day?" gulat na gulat na tanong ko.
Tumango-tango naman ito sa kin. "Bakit? Wala bang binigay sayo yung hinayupak na si
Maiven??"
Umiling naman ako.
Saka, mag-eexpect ba ako na bibigyan ako ng regalo o kahit flowers ng lalakeng yun?
Eh wala naman yung karomantic bones.
"Pero.. andami mong admirers! Astig mo Yna!" XD nakakamangha talaga siya. Ang dami
kasi nakapatong sa table niya, mga flowers, teddy bears, chocolates at marami pa.
"Hmm.. Sanay na ako sa ganyan." naging malungkot na ang tono ng boses nito.
Siguro, bigla nitong naalala si Luke.
"Ano ka ba, Yna! Hahaha! Buti ka nga eh maraming admirers, ako nga, walang
natanggap." masayang tugon ko naman dito.
Pero oo nga..
Favoritism ata ang peg ng mga estudyante rito.
Porket hindi good-looking, hindi na makakatanggap ng mga regalong pangvalentines?
=__=
Tiwala lang, Ciera.
Siguro may konting fan ka rin naman. XD
"Thanks for cheering me up, Ciera. Saka, ngayon darating ang mga taong transferees
diba?" tanong nito sa kin at biglang sumagip sa isip ko iyon.
Oo nga pala, ngayon sila darating. Napostpone kasi kahapon.
Pero mas mabuti na lang yun kesa masali sila sa nangyaring kaguluhan.
"Oo nga pala. Ngayong umaga sila darating. Sige, Yna! Babalik lang ako dun sa may
gate ng academy para salubungin sila." pagkatapos ay kaagad akong tumayo at lumabas
na sa council room.
Nakakamangha talaga. Punong-puno ng mga lovers ang academy. Nakakainggit.
Hanggang sa makarating na ako sa may gate at duon na lang napag-isipan na
maghintay.
Nagbigay ako ng isang buntong hininga.
Saan na kaya nagpunta ang Stephen na yun? Sana nalapa na ng buwaya. Nakakabwisit
eh.
Ewan ko nga kung bakit ako nainlab sa lalakeng iyon. Ginayuma ata ako.
May napansin akong isang lalakeng estudyanta na papunta sa kin ngayon na may dalang
bouquet.
O.O
May magbibigay ata sa akin? XD
May fan ako? OvO
"Sala--"
Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang lumagpas ang magaling na lalakeng ito at
yung babaeng estudyante na kararating pa lamang pala ang bibigyan nito. =__=
Awkward,
Masyado ata akong nag-assume. Naexcite pa naman ako. (__ ____'')
May kumuha naman sa atensyon ko nang may pumasok na isang kotseng puti.
O.O
May bumaba na tatlong babae at base sa aura nito, mga tao sila. So, ito na ang
sinasabi ni Mr. Reyes na transferees? Mukhang mayayaman ata eh.
Kaagad ko silang nilapitan.
"Hello, good morning. Kayo ba yung mga transferees na pinadala ni Mr. Reyes?"
nakangiting tugon ko.
Tumangon naman sila.
"Are you, Ms. Ciera Sanchez?" sabi nung isa na nakashades pa. Mukhang maldita ata.
Tumangon din ako. "Oo, ako nga. Halina na kayo, ipapasyal ko na kayo sa academy."
sabi ko naman.
Sumunod naman sila sa kin.
"I see. Pinaalam na ni Mr. Reyes ang tungkol sa inyo. You're all vampires but are
you sure na hindi niyo kami kakainin ng buhay dito?" nagsalita ulit yung mukhang
malditang transferee.
Nilingon ko naman sila at ningitian. "Wag kayong mag-alala. We've already
instructed the students here to do proper decorum saka bawal sa min ang pumutay na
isang tao. Nasa batas na yun sa min at sa pagitan ng gobyerno ng mga tao saka
sinanay na rin naman ang aming sikmura na hindi kailanman magkaroon ng pagnanasa sa
dugo ng mga tao." katwiran ko naman at napansin kong napatango siya.
"Don't worry, kapag may problema, puntahan niyo kaagad ako." puno ko saka
nagpatuloy sa paglalakad.
Napansin ko namang papalapit namin si Stephen.
"Sila na ba ang mga transferees?" tanong sa kin ni Stephen ng makalapit na ito.
"Oo." tipid na sagot ko. Naiinis pa rin ako sa mokong na 'to.
"Oh. By the way, I'm Stephen Luris Maiven, student council president of Spencer
Academy. Feel at home." pormal na sabi nito sa kanila at nilahad ang kamay dito.
Kinamayan naman siya nung mukhang maldita. "Thanks. I'm Anna and these two are
Rhonida ang Jazmine."
Aba't nagpakilala ang tatlong 'to sa kanya tapos sa kin hindi? =__=
"Sige, sasamahan ko na lang kayo sa tour niyo." nakangiting tugon nito sa kanila at
sinamahan nga sila.
Aba't hindi ako pinansin ng mokong? =___=
Sumunod na lang ako sa kanila.
*
"Ito pala yung library namin.." sabi ni Stephen nang makapasok na kami sa library.
Nakakainis talaga. Parang multo lang ako sunod ng sunod dito.
"Wow, awesome." malanding sabi nung malditang haliparot na si Anna sabay kapit pa
dun sa braso ni Stephen at itong lalake namang 'to, enjoy na enjoy sa pinaggagawa
nila.
Bwisit!
"Tss!" padabog akong umalis at iniwan sila. Ni hindi nga nila napansin ang pag-alis
ko.
Walanjo ka talaga, Stephen. =___=
***
YNA STEFANIE SCHULTZ
Naiiyak kong pinagmamasdan ang mga regalong natanggap ko ngayong Valentines.
Ewan ko nuon, naappreciate ko naman lahat pero ngayon, parang wala ng saysay.
Siguro kasi nga, binibigyan din ako ni Luke ng mga regalo. Kahit may pagkamalandi
yung mokong, lagi niya akong sinusorpresa kapag may okasyon.
Napagpasyahan kong tumayo na lang at aalis sa council room.
"O, saan ka pupunta, Yna?" napahinto ako nang magsalita si Vivien.
Ngumiti ako. "Magpapahangin lang." pagkatapos ay nakalabas na ako sa council room.
Kung saan-saang lupalok ako napunta hanggang sa nagdesisyon akong dito na lang muna
sa rooftop ng building.
Umupo na ako habang kayakap ang mga tuhod ko.
Naiiyak na naman ako.
May napansin akong may naglagay na isang bouquet ng flowers sa gilid ko at nang
iangat ko ang ulo ko, hindi ko inaasahan na nandito siya.
"Luke.." tanging naisambit ko lang.
Ngumiti ito. "Happy Valentines, honeybunch."
"Luke!" naiiyak akong niyakap siya. Pero totoo, hindi ito panaginip. Nandito nga
siya.
"Luke.. bumalik ka.. Wag mo na akong ulit iwan.." naiiyak na sabi ko.
Bigla niya akong inihiwalay mula sa pagkakayakap niya at hinawakan ang mukha ko ng
dalawang palad nito saka pinahid ang aking mga luha. "I'm afraid pero hindi ako
magtatagal.. I'm very sorry."
"Luke.. please.. gusto kong sumama sayo. Mahal na mahal kita Luke."
Umiling lang ito. "I'm sorry Yna. Hindi pwede.. mapapahamak ka lang. Mahal na mahal
din kita." tumayo na ito.
"Luke!!" mas lalo akong naiyak.
"Mahal na mahal kita Yna.. Kung hindi tayo magkakasama ngayon.. balang araw,
sisiguraduhin kong wala ng hadlang." iyon lang ang huling katagang sinabi niya sa
kin at bigla siyang naglaho.
Napaluhod ako at napaiyak na naman.
Bakit palagi na lang ganito..
May napansin naman akong lalakeng nakatayo lang sa gilid.
Si Eli..
***
CIERA SANCHEZ
Hindi na ako sumabay umuwi sa mokong na Stephen na iyon. Naiinis talaga ako sa
kanya! >_<!!
Kung pwede lang sana pumatay eh kanina ko na ginawa. Ilang beses ko ng pinatay siya
sa utak ko kasama yung haliparot na si Anna. Tss! =____=
Ni hindi nga ako nakatanggap ng gift sa Valentines ngayon.
Binuksan ko na yung pinto sa kwarto ko at nang nakapasok na ako, sinirado ko ito ng
malakas.
Nakakaasar.
Sinwitch on ko na yung ilaw at kinuha yung tuwalya sa gilid para makapaghalf-bath
na ako.
"AAHH!!" napatili ako ng biglang namatay ang ilaw. Brownout?!
"Kainis naman, oo! Ngayon pa nagbrownout." bulalas ko. Nanatiling nakatayo pa rin
ako dito sa may sulok na parang statwa. =__=
Paano nga ako makakakilos eh ang dilim ng paligid ko?? =____=
Pero.. natatakot ako. >___< Takot ako sa dilim!
Pinapawisan na talaga ako. Kelan ba iilaw ulit?!
Nagsign of the cross na ako. "L-lord--"
Hindi ako napatapos sa sinabi ko ng biglang umilaw.
O__o
Anong nangyari? Bakit parang nasa isang candle light dinner ako?
Nakita ko ngayon si Stephen na papalapit sa kin ngayon sabay abot ng isang bouquet.
Si Stephen ang may pakana nito?
"Happy Valentines, girlfriend." nakangiting tugon nito sa kin.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pero medyo kinilig ako sa ginawa ng mokong na
'to. May matino rin palang magagawa ito sa kin.
"Napatunganga ka ata dyan, girlfriend. Oo, alam kong gwapo ako for pete's sake,
nakakatunaw yang mga titig mo." sabat naman nito.
Hinampas ko naman ito sa braso. "Sira! Yabang nito." natatawang sabi ko.
"Haha. O lika na. Sorry ha? Hindi kita nabigyan ng gift eh pero mas mabuting
magdinner date na lang tayo sa bahay, diba?" puno niya.
Kahit papaano, naibsan ang tampo ko rito.
"Okay lang po. Happy Valentines din." sabi ko naman. "Mahal kita."
_________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 43
LUKE SMITH
"Matthew." sambit ko sa pangalan niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin
pero hindi pa rin siya kumikibo. Nanatiling nakatunganga lang siya habang
pinagmamasdan ang kawalan. Nakaupo lang kasi siya sa kama niya sa kwarto nito.
Malapit sa may bintana.
Tatlong araw na ang lumipas matapos ang insidenteng iyon--ang pagkamatay ni Nicole.
Simula nung mangyari iyon, laging tulala na si Matthew. Hindi na siya kumikibo.
Naging tahimik siya.
Labis siyang nasaktan sa pagkawala ni Nicole at kung ako man ay nandun sa
kinatatayuan niya, ganun din ang mararamdaman ko. Wala man lang ako nagawang
protektahan ang babaeng mahal ko.
Parang nakalimutan na rin ni Matthew ang lahat. Maski ang mga plano niya, hindi na
niya binabanggit.
Tinapik ko ang balikat niya. "I'm sorry." mga katagang tanging nasambit ko.
Nakikisimpatya ako sa kanya.
"Hmm.. Hahahaha!"
Napatigil ako nang bigla siyang tumawa at tumayo.
"Matthew?" naguguluhan ako sa inasal niya.
"Hahahaha! Hmm.." huminahon na siya pagkatapos ay nagpakawala ng isang demonyong
ngiti.
"Anong nangyayari sayo, Matthew??" napatayo rin naman ako.
"Well.. Masaya lang ako kasi.. wala ng isang sagabal sa mga plano ko, si Nicole
pero at least may nagawa siya. She triggered Maiven's group. Sapat na siguro iyon
para bigyan sila ng isang babala." wala kaemosyong-emosyon na sabi niya.
But I though.. he was grieving hardly for Nicole's unfortunate death.
"Akala ko ba--"
"Yes. I am not grieving for her death. I will not let her death sabotage all my
plans. Malapit na ako sa sukdulan." sagot naman nito at hindi ako pinatapos. He s
acting weird.
"Pare." nabalik naman kaagad ako sa sarili ko ng bigla niya akong tinapik sa
balikat.
He gave me an evil grin. "I am Matthew Spencer, the lord of the vampires. I will
never be defeated."
Pagkatapos nun ay kaagad siyang lumabas sa kwarto niya.
Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan siyang umalis.
Mas lalo akong naguluhan sa mga inaasal mo, Matthew.
***
MATTHEW SPENCER
"I will be in the same restaurant. Let's meet." direchong sabi ko sa tinatawagan ko
sa cellphone ko habang nagmamaneho. Lumabas kasi ako sa bahay at iniwan si Luke na
halatang naguluhan.
Pagkatapos nun ay kaagad kong binaba ang kabilang linya at hindi na naghintay pa sa
susunod na sabihin nito. Ang gusto ko lang, maging mabilis ang transaksyon namin.
*
Dumating na rin ako sa restaurant kung saan ko siya niyayang makipag-usap.
Dumirecho ako sa isang table na nakareserve na para sa amin.
"I wasn't expecting you na ikaw kakausap sa kin." he started.
Umupo naman ako sa upuan sa harapan niya. "Well.. You're lucky, Mr. L." nakangiting
sabi ko.
Kinuha niya naman ang menu book sa table at binasa. "So, did you change your mind?"
"Will you be working with me??" puno pa nito.
Natahimik ang buong paligid namin matapos niyang sabihin iyon.
Ilang minuto pa ay mula akong nagsalita. "No."
Natigilan siya sa sinabi ko at napaangat ang ulo niya. Tinitigan niya ako ng
masama.
"Hmm.. I heard Nicole died." dagdag pa nito.
"Yeah.. But it's not a loss. Gusto ko lang sabihin sayo na, tutal, parehas lang din
naman tayo ng layunin. Ang maging makapangyarihan sa buong mundo.. then I'll tell
you. I have better plans." sagot ko naman.
Marahan siyang ngumiti dahil sa sinabi ko. "Then what's your plan, gentleman?"
"Ayoko namang magtrabaho sayo habang ikaw ang magtatamasa sa lahat ng pinaghirapan
ko. Gusto kong.." tinignan ko siya ng direcho sa mga mata niya.
".. Ako mismo ang makikinabang nito o tayo mismo. But we'll be acting
independently. Pwede rin maging backup kita kung may mangyayaring di-kanais-nais."
I devilishly smiled.
"Magsasarili tayong pabagsakin sila pero sa huli, tayong dalawa lang ang
makikinabang." puno ko.
Tumango naman siya. "You're brilliant, Matthew. I'll agree."
"Then that's a deal." sagot ko naman.
And the first thing I will do is to kill their precious loved ones.
***
[3RD PERSON POV]
"... May mamamatay na isang importanteng nilalang sa mga Spencer na magiging
dahilan ng mas magulong pag-aaway. Mas lalo titindi ang galit ng mga Spencer sa mga
Maiven. Isa itong senyales na malapit na ang digmaan ng tatlong panig.. ang mga
Spencer, ang mga Maiven at higit sa lahat ang mga tao.."
Hindi pa rin maatim sa isip ni Lola Marissa ang mga nakasulat sa libro ng
propesiya.
Para kasing unting-unti itong naging totoo. Halu-halong emosyon ang nararamdaman
niya.
Napupunton na ang isang napakalaking delubyo sa pagitan ng mga tao at mga bampira.
At higit sa lahat, nag-aalala na siya ng husto para sa apo. Ayaw niyang mapahamak
ito sa mga mangyayari.
"Magandang araw, Ginang Marissa."
Nagulat si Lola Marissa nang may biglang nagsalita.
Lumingon siya rito at nakita ang isang lalaking nakatayo habang nakasandal sa pader
na malapit sa pintuan nila.
Pamilyar ang mukha ng lalaking ito.
"Wow.. I didn't thought that Ciera's grandmotther is a fortune teller. Naalala
kita, minsan ka ng nakapunta sa academy. You're a close friend of Uncle Magnus, am
I right?" tanong nito at nilapitan ang matanda.
Napaatras naman ang lola ni Ciera nang lumapit ito. Kinabahan siya sa presensya
nito. Galit na galit ang aura nito. Kahit napakaamo ng mukha kung titignan mo, ang
kaloob-looban pala nito ay galit at pagkamuhi.
"Matthew Spencer." bigkas ng matanda sa pangalan ng lalake. Kung hindi siya
nagkakamali, ito ang anak ng yumaong si Kendra Spencer, ang nakakabatang kapatid ni
Magnus Spencer.
"Good that you remembered." nakangiting tugon niya.
"A-anong kailangan mo?" nanginginig ang boses ng matanda. Nararamdaman niyang may
masamang mangyayari. May masamang pakay ito.
"Well.. kukunin ko lang naman ang libro ng propesiya." malamig na sabi nito kay
Lola Marissa.
"Hmm.. Ako ang sinabihan ni Magnus na mangangalaga nito at hindi ibibigay sa kung
sino ang libro, maliban sa anak niya, kay Ciera." pagmamatigas ng matanda at kaagad
kinuha ang aklat sa mesa.
Niyakap niya ito habang paatras ng paatras sa kinaroroonan ngayon nila ni Matthew.
"I'm giving you a second chance, Marissa. You know, you've grown old." nakangiti pa
rin ang ekspresyon nito na mas lalong nagpakaba kay Lola Marissa.
"Hindi ko ito ibibigay sayo." tutol niya at mas lalong niyakap ang libro.
"Then you want it really hard, huh? So be it."
Nabigla siya nang mabilis na nawala ang lalake sa harapan niya. Napalinga-linga
siya pero wala maski isang anino ang naiwan nito.
"I'm sorry." nanlaki ang mga mata niya nang narinig niya mismo ang boses nito sa
may tenga niya.
Laking gulat niya nang bigla siyang sinaksak sa puso gamit ang espada nito.
Nabitawan ng matanda ang libro at napahawak sa duguang dibdib.
"Sorry.. pero tabla lang tayo. They've killed Nicole and I'll kill you. They
provoke me kaya vice versa lang." sabi naman ni Matthew sa matanda hanggang sa
tuluyan na nga itong bumagsak sa sahig na duguan.. at patay na.
Kinuha ni Matthew sa sahig ang nahulog na libro.
"Kung pinatay niyo si Nicole, doble pa ang gagawin ko sa inyo."
"Now.."
"You're lucky.. You'll be the next one, Mrs. Penelope Maiven."
________________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 44
YNA STEFANIE SCHULTZ
"Wag ka na ngang umiyak. Valentines na valentines pa naman ngayon. Haisstt."
biglang lumapit sa kin si Eli at inabot sa kin ang panyo niya. Kanina pa siguro
siya rito sa rooftop. Nanunuod sa kin, sa pag-iwan sa kin ni Luke.
Kaagad ko naman pinahid ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko. Hindi ko tinanggap
ang panyo niya. Ayokong kaawaan nila ako. "No, thanks." matabang na sabi ko at saka
tumayo.
"Huh? Nilabhan ko na 'to pero sabi mo eh, sige." sabat naman nito sabay ngiti.
"Could you just leave me alone?!" sinigawan ko siya. Ewan ko pero mas lalo akong
nairita nang ngumiti siya. Bakit ba ang saya-saya nung iba sa buhay nila
samantalang ako, puro pasakit na lang? Hindi ba pwedeng ako naman?
Binawi naman niya yung panyo at nilagay na lang sa bulsa niya, "Hmm.. O, sige.
Masyado ka pa atang heartbroken. Saka, minsan lang ako mabaliw sa isang babae..
Maswerte ka." pagkatapos nun ay kaagad siyang tumalikod papaalis sa akin.
Napatigil naman ako sa sinabi niya.
"Sorry.. Eli." mahinang sambit ko.
*
Gulong-gulo na ang isipan ko. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Hindi ko alam
kung anong gagawin ko. Kung iiyak na naman ba ako o tatawa na lang na parang isang
baliw sa isang sulok dahil sa mga nangyayari.
"Yna!"
Napalingon ako nang may tumawag sa kin. Si Ciera.
Ningitian ko lang siya ng mapait. "Bakit?"
Nagulat ako nang bigla niya akong sinapak. O_O
"Gaga! Bakit? Oo. Bakit ganyan ang ikinikilos mo? Si Luke na naman ba?" sabi niya
at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
Ewan ko ba. Hindi ko magawang mainis sa babaeng 'to.
"I'm very sorry, Ciera.. I.. I just need space." sabi ko naman at pinipigilang
tumulo ang mga luha ko.
Binitawan naman niya ako mula sa pagkakahawak niya saka ngumiti. "Okay. Basta, take
your time, Yna. At kung kailangan mo ng kausap o karamay, nandito lang ako."
Ngumiti naman ako. "Thanks, Ciera." pagkatapos ay kaagad ng umalis.
Mabuti pa sila, nagagawa pa nilang ngumiti.
Madali silang nakapagmove-on.
*
Hanggang sa mapunta ako sa likod ng isang building dito sa academy. Hindi ko na
alam kung saan ako napunta. Siguro, magpapakamatay na lang ulit ako. -____-
O_O
"What the hell!" napasigaw ako.
What's this fvcking bitch doing here?
Walang iba kundi yung babaeng nakita ko duon sa gym na nakikipaghalikan nuon kay
Luke.
At ngayon, makikita ko siyang may hinaharot na naman?
God!
They're having sex in here! With this cheap guy. Malamang. Nakikipagmake-out sa
isang inggrata pa. Hindi man lang marunong pumili.
Mas lalo akong naiinis dahil sa pinaggagawa ng babaeng ito!
"You bitch!!" kaagad ko siyang sinugod dun sa pakikipagsex niya sa lalakeng walang
taste at sinabunutan. Wow, nakabukas pa blouse niya.
"A-aray! Ano ba?!" pinipilit niyang kunin yung kamay kong nakasabunot sa buhok niya
pero sadyang malakas lang talaga ako.
Halatang gulat na gulat din yung lalake sa ginawa ko.
"Wala kang kwenta! Nilalandi mo si Luke nuon tapos ngayon, ibang lalake na naman?!"
sinasabunutan ko pa rin siya at pinagsasampal din. "You're so cheap! Mumurahing
babae!" puno ko.
"H-hey! Wag mo saktang girlfriend ko!" pinigilan naman ako nitong cheap na lalakeng
hinarot niya kanina.
"I don't care!! Duh!" mataray na sabi ko naman at ipinagpatuloy ang pananakit ko sa
cheap na babaeng ito.
Nabigla ako nang bigla akong tinulak nung lalake kaya naman napaupo ako sa damuhan.
"What the--"
"Wala kang karapatan para saktan siya, kami! Porket nasa isang special section
kayo, ganun na lang ang pagtrato niyo sa ming mga ordinaryong estudyante lang?"
sabi naman ng lalakeng ito at ngayon, kayakap ang malading girlfriend niya.
"Babe.." hagulhol naman ng girlfriend niyang malandi sa kanya. Sarap talaga sunugin
ang dalawa.
"Hell with you!" galit na sigaw ko naman at tumayo. "I don't care! Pwes, lubus-
lubusin ko na ang pagiging parte ko sa isang special section! You're annoying
assholes!"
Lumapit ako sa kanila.
"Sige, try to hurt her, ako ang makakalaban mo." banta sa kin ng lalakeng ito at
ito namang inggratang 'to, nagtago lang sa likod ng knight-in-shining-armor na bf
niya.
Imbis na mainggit ako sa kanila dahil ang swerte nung bruha sa lalakeng ito, mas
lalo akong nainis.
"So be it." I dared him.
"Babe, step aside. Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng 'tong nanakit sayo."
sabi naman nitong mayabang na lalakeng ito. Like duh, matatalo ba niya ako?
"Sige, babe. Talunin mo siya." malanding tugon naman nitong impakta na 'to.
"Aba't--"
"Oh, really? Sige ba. Tayo rin, babe. Talunin natin sila."
=___=
Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang sumulpot itong si Eli. Makababe itong
lalakeng 'to.
"Anong ginagawa mo rito?!" naiiritang tanong ko sa kanya. Sayang! Moment ko na yun
eh!
"Don't worry babe. Matatalo natin sila. Tignan mo nga ang pagmumukha nila, no
comment na nga lang." sabat naman nito.
"Anong sabi mo?!" react naman nung malandi na haliparot na yun.
"Oy. No comment lang sinabi ko. I'm not responsible for what you're thinking."
depensa naman ni Eli.
"Sumusobra na kayo!" galit na sigaw sa min nung lalake at mabilis kaming nilapitan.
Pero bago pa mang may nangyari, kaagad siya nasuntok ni Eli sa mukha.
"Dafuq!" mura nung lalakeng cheap.
"Fvck you too!" sabi naman ni Eli.
=_____=
Ewan ko ba kung anong reaksyon ko sa pinaggagawa ng lalakeng ito. Matatawa ba o
maiinis lalo.
"HOY, ELI." sabat ko.
"Yes, babe?" tumingin naman ito sa kin at ngumiti ng kaloko-loko.
=__=
"Tumigil ka sa kabebabe mo. Ikaw susunugin ko eh!" sabi ko naman.
"Haha!" nagulat naman ako nang bigla niya akong inakbayan.
"O, sige na. Pagbibigyan ko na kayong dalawa. Magsex na kayo. Tayo na babe.
Pabayaan na natin sila." sabi naman ni Eli at nagsimula nang maglakad habang
kaakbay pa rin ako.
"T-teka! Hindi pa ako tapos sa kanila!" reklamo ko pero hindi sumagot itong mokong
na 'to.
Hanggang sa makalayo-layo na nga kami sa kanila.
Bumitaw kaagad ako at tinulak siya. "Ano ba?! Diba sabi ko, iwan mo kong mag-isa? O
hindi ka nakakaintindi ng english?!" naiiritang tugon ko.
"Oh. Grabe ka. Hindi naman ako bobo. Sige ka, pag hindi ako nakapagpigil baka
gagahasain kita." sabi naman nito.
Kinilabutan naman ako sa sinabi ng lalakeng ito. May naalala ako.
Sabi pala ni Ciera nuon na manyakis ito at naging schoolmate niya bago siya
matransfer dito sa academy.
"Che! Fine! Makaalis na nga." sabi ko na lang.
"Pare-parehas lang naman kayong mga lalake, mga insensitive!" sumbat ko.
Padabog akong naglakad papaalis sa kinaroroonan niya.
Nagulat na naman ako nang biglang hinigit niya ang kamay ko at nagmamadaling
umalis.
"H-hoy!"
"Tara. Labas tayo!" sabi naman nito. "Tamang-tama ang panahon." puno pa nito.
Pinabayaan ko na lang siya at sumunod na lang sa kanya.
Siguro, kailangan ko na ring magrelax kahit konti.
*
"Haha! Ako yung nanalo! Talo ka!" sabi ko rito kay Eli while sticking my tongue
out. Paano, pumunta kasi kami sa isang mall at naglaro ng mga arcade games. First
time ko pa ngang makalaro nito eh. Puro shopping lang kasi ang ginagawa ko pag
nagmamall ako. Shooting game ang nilalaro namin.
"Pinagbigyan lang kita." sagot naman nito.
"Aminin mo na kasi. Lumusot ka pa." sabi ko naman.
"Kami naman diyan kanina pa kayo eh." reklamo nung lalake na kanina pa atang nag-
aantay dito sa likod.
"Anong problema?" biglang kinwelyuhan ni Eli yung lalake.
"Hoy, pabayaan mo na nga. Tayo na." sabi ko naman at umalis na duon. Binitawan
naman niya kaagad yung lalake at sumunod na lang sa kin.
"Naging mabait ka na ata." nagsalita agad siya.
"Mabait ako. Di lang halata." sagot ko naman na nakapameywang pa.
"Sige, sabi mo eh."
"Eli. Bakit ang bait mo sa kin?" naitanong ko.
"Akala ko ba, isa kang notorious fraternity leader?" puno ko.
"Mabait din ako. Di lang halata."
"Adik ka rin noh? Pero salamat." ngumiti ako.
Halata namang nabigla siya sa sinabi ko.
Pero.. kung mas nauna ko pa siyang nakilala kesa kay Luke..
Baka mainlove ako sa kanya.
___________________________________________________
Chapter 45
Vampire Academy
STEPHEN LURIS MAIVEN
"I can't believe this. We've trusted all of you! We have an agreement na hindi
natin pakikielaman ang isa't-isa! Pero ano 'to?! Limang katao ang patay! Dahil sa
mga lahi ninyo!" sumbat sa min ni Mr. Reyes. Bigla siyang nagpatawag ng meeting sa
ming mga nasa Vampire's Association.
Galit na nilapag niya sa mesa ang mga pictures ng mga biktima na pinatay ng mga
kalahi raw namin.
"Anong sasabihin namin sa mga tao? Na nandito ulit kayo at maghahasik ng lagim?
Matatakot na naman sila! Magkakagulo na naman!" puno pa nito.
Kasama ko ngayon sina Mama at Ciera. Kaming tatlo lang dumalo sa meeting.
Kinuha ko namang yung mga pictures at tinignan.
May bakas ng mga kagat namin ang leeg nila. Pero..
"Bakit may nakamarkang M sa gilid ng bawat bakas ng kagat?" biglang sumabat si
Ciera.
Oo. May nakamarkang letrang M nga sa gilid ng mga leeg nila.
Si Matthew..
"Ciera.. May kinalaman dito si Matthew." direchong sabi ko sa kanya.
"Si.. Matthew??" hindi makapaniwalang sabi ni Ciera.
Tumango lang ako at nagsalita. "Hindi po pwedeng kami po ang gumawa niyan, Mr.
Reyes nor the students in the academy. Mahigpit po naming ipinagbabawalan ang
makielam sa mga tao. May parusa po kung may lalabag." seryoso kong tugon sa kanya.
"Kung ganun, sino?!" galit na sigaw niya sa min.
"Si Matthew.. Si Matthew Spencer. Siya po ang may kagagawan. Umalis na sa academy
si Matthew. He want revenge." sagot ko naman.
Si Matthew lang ang alam kong makakagawa nun. And we triggered his anger more nang
mamatay si Nicole.
***
MATTHEW SPENCER
"Limang katao ang pinatay mo." panimula sa kin ni Mr. L nang magkita ulit kami sa
restaurant hqbang binabasa niya ang isang newspaper.
Ningitian ko lang siya. "Wala lang. Trip. Besides, it's also a warning for them."
"Hmm.. Ok lang naman sa kin ang magkaganun pero.. wag kang magpadalos-dalos,
Matthew Spencer. I don't want that you'll sabotage all my plans." dagdag nito at
ininom ang kapeng inorder niya.
"Of course, I won't. May sarili tayong plano. Pero sana rin, walang magtratraydor
sa tin."
Kung sa tingin niya ay madali niya akong mauto, pwes hindi. Maingat din ako gaya
niya.
I can't be fooled by this man.
"Nga pala, sa susunod na plano ko, papatayin ko ang asawa mo. Si Mrs. Penelope
Maiven." sabi ko sa kanya at natigilan naman siya.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"And why would you do that?"
"Well, they've killed Nicole so, papatayin ko rin ang mahahalaga sa kanila." sagot
ko naman at binigyan siya ng ngiting mapang-asar.
"You're really getting into my nerves, young Spencer. Masyado kang padalos-dalos.
Okay lang sana kung ang anak ko ang papatayin mo." nasapo nito ang noo at
napailing-iling matapos kong sabihin iyon.
"Like you said, walang pakielaman sa mga plano natin." tumayo na ako at kaagad
tumalikod.
"Yun lang, paalam." sabi ko at nagsimula nang maglakad.
"Try it Matthew, if you really can o it. But I won't assure you."
Ngumisi lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Yes, I'll be sure and this will going to be a big chaos.
***
CIERA SPENCER
"Tahimik ka yata." biglang nagsalita si Stephen habang naglalakad kami papunta sa
room namin.
Namumublema kasi ako dahil sa nangyari.
Magkakagulo na naman ang mga tao at ang mga bampira.
Baka magkakaroon na naman ng digmaan.
Ayokong may marami na namang mamamatay. Lalo na yung mga inosente.
Bumuntong hininga na lang ako.
Bigla naman niyang ginulo ang buhok ko at inakbayan.
"Wag kang mag-alala, malalampasan din natin ito." he assured and smiled.
Aba't naging palangiti na itong mokong na ito.
Hindi yata nagsusungit sa kin.
Nagpout na lang ako. "Hindi ako sanay na nagiging ganyan ka sa kin Stephen. Di ko
keri pagiging mabait mo. Magsungit ka nga."
Pinisil niya na lang ang ilong ko. "Minsan lang ako maging sweet, baka hanap-
hanapin mo."
"Heh." I sticked my tongue out.
=///=
Pero honestly, kinikilig ako sa pinaggagawa ng mokong na ito.
"Stephen!!"
Parehas kaming napatingin sa kung sinong tumawag sa pangalan ng hinayupak na 'to.
And there she is, ang transfereeng malandi. =____=
"Samahan mo naman ako." kaagad hinila ni Anna si Stephen papalayo sa kin.
"T-teka.." aba't hindi man lang kumalas ang mokong na 'to. Tsk! Bahala nga sila sa
buhay nila.
Panira ng kilig moment namin ang bruhang iyon.
Nilagpasan ko na lang silang dalawa at nauna nang maglakad.
Ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin ako sa room namin.
"O, Ciera, hindi mo yata kasama si Stephen." sabi sa kin ni Yna nang dumating na
ako sa room at kaagad umupo sa seat ko.
"Ayun, lumalandi." matamlay kong sagot. =___=
"Nakakainis talaga yang mga haliparot na mga babaeng yan. Alam na nga nilang taken
na yung lalake, lalandiin pa nila." puno naman nito. Haisstt. Parehas talaga kaming
iniisip ni Yna.
Nakakainis talaga.
Bigla namang pumasok si Ace sa room na kasa-kasama yung tatlong transferees.
"Nga pala, sabi ni Mrs. Maiven, dito sila sa section natin mag-aaral." panimula
nito at parehas naman kaming lahat na napatingin sa kanila.
Dumagdag pa ang mukha ng isang kumag na manyakis na yan.
Hindi na ako nakinig sa pag-iintroduce nila at isinubsob na lang ang mukha ko sa
desk ko.
"Nakakaasar ka talaga Stephen."
*
"O?" panimula ko nang lumapit sa kin si Stephen. Break na kasi namin at nandito na
ako ngayon sa may cafeteria.
Nagpakita pa siya, mas lalo akong naiinis eh.
"Nasaan na yung kabet mo??" tanong ko sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim. "Si lola Marissa mo." seryosong tugon nito sa kin.
"Ha? B-bakit? A-anong nangyari kay Lola??" kinabahan ako sa sinabi niya. Para
kasing may masamang nangyari.
Nawala yung inis ko dahil sa sinabi niya.
Umiling muna siya bago nagsalita. "Tinawagan ako ni Eliza kanina, pinatay siya."
"Ano?!!" react ko sa sinabi niya. Hindi pwede mangyari iyon!
"Hindi totoo yan!" sigaw ko at napatingin ang ibang estudyante sa amin.
"I'm sorry pero.. I'm telling the truth."
"Wag kang ganyan, Stephen! Wag ka ngang magbiro! Hindi ka na nakakatawa." naiiyak
kong sabi sa kanya.
Hindi pwede iyon. Mabait na tao si lola. Walang gagawa nun sa kanya.
"Ciera.." hahawakan sana ako ni Stephen pero tinabig ko kamay niya.
"I hate you." naiiyak kong sabi sa kanya at tumakbo papalayo.
Kailangan kong puntahan sina Mama.
Hindi pwedeng namatay si lola.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
"Ciera, wait!" sabi ko nang bigla siyang tumakbo.
Susundan ko sana siya nang biglang sumakit ang dibdib kaya naman napahinto ako.
Napahawak naman ako rito. "Hindi.. nagsisimula na ang sintomas ng sumpa ko." sabi
ko sa sarili ko.
My time is now running.
***
VIVIEN WALKER
Play the video and imagine Gerard singing it. ===========>
Nandito ako ngayon sa isang concert hall kung saan nagcoconcert ang banda ni Gerard
na BlackStrings.
Marami ring tao ang dumalo sa concert niya.
At nang mapatingin siya sa kin habang kumakanta, napahinto siya.
Unting-unti siyang bumaba galing sa stage at nagtungo sa kin.
Napatigil siya sa pagkanta at siya naman ang ikinagulat ng lahat.
Kaya naman halos lahat ng mata ay napunta sa amin.
"Vivien?" hindi makapaniwalang sabi sa kin ni Gerard.
"Gerard.. ikaw lang ang nakakaalam kung nasaan si Matthew. Sabihin mo sa kin kung
nasaan siya."
__________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 46
GERARD BLANCO
"Pumunta ka lang ba rito para malaman ang address niya?" dismayado kong tanong kay
Vivien na kaharap ko ngayong nakaupo sa table. Nasa isang restaurant kasi kami.
Napagpasyahan kong dito na lang kami mag-uusap.
Iniwan kong nakatulala yung mga audience ko sa concert ko. Bigla-bigla kasi akong
huminto nang dumating siya. Di ko natuloy yung kinakanta ko.
At dahil akala ko ay ako ang pinuntahan niya roon..
.. hindi pala.
"Yes." she was so civilized.
"Ahh.." napakamot na lang ako sa batok ko at tumingin sa ibang direksyon.
Aba't lahat ng mata ay nasa amin.
Napatingin na lang ako uli sa kanya at napapansin kong walang kaemo-emosyon ang
mukha niya.
Ang laki pa siguro ng galit niya sa kin. I can't blame her.
"At bakit mo naman natanong kung nasaan siya?" seryoso kong tanong sa kanya.
"It's none of your business, Gerard. Kailangan ko siyang makausap. Alam kong ikaw
lang ang nakakaalam kung nasaan siya." walang emosyong sagot naman nito sa kin.
Hindi ko alam pero naiinis ako. Mas gusto pa niyang makita si Matthew kesa sa kin.
Walang kamodo-modong pinatong ko ang dalawang binti ko sa mesa na parang nasa bahay
lang with my arms crossed.
"At paano kung sasabihin kong ayoko?"
"Just go straight to the point. Will you tell me or not?" seryosong tugon nito sa
kin at halata sa boses nito ang iritasyon.
"I don't know.." binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti.
I heard her sighed. "Wala talagang patutunguhan itong pag-uusap natin, Gerard. I'm
disappointed."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya. "Hindi ko alam kung bakit nag-abala
pa ako sayong magtanong. Bye." nagsimula na siyang maglakad.
Pero bago pa man siya makaalis ay nahawakan ko ang mga braso niya.
"What?" naiinis na tanong nito sa kin.
Tumayo na rin ako habang nakahawak sa braso niya. "Hayys. Di ko alam kung bakit ka
nagkakaganyan sa kin pero tara, umalis muna tayo rito. Mamasyal tayo." nakangiting
tugon ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niya.
Magkahawak kamay kaming umalis mula sa restaurant na iyon.
"Ano bang ginagawa mo, Gerard??" tanong nito sa kin habang hilang-hila ko pa rin.
"Ipapasyal kita rito." nakangiti pa rin ako.
Dapat sulitin ko ang mga oras o araw na magkasama kami.
Kahit ang totoo, kinamumuhian na niya ako ngayon.
"What for?" bigla siyang kumalas mula sa pagkahahawak ko sa kamay niya.
Napakagat-labi na lang ako at ginulo ang buhok niya. "Wag kang mag-alala,
pagkatapos nating mamasyal, sasabihin ko sayo kung saan siya matatagpuan. Basta't
bang hahayaan mo kong ipasyal kita rito.. deal?"
Napatigil naman siya sa sinabi ko saka tumango. "Okay."
"Hmm.. Then let's go." yaya ko sa kanya. "The weather is good."
*
"Salamat talaga Gerard!! Idol na idol talaga namin ang BlackStrings, lalo ka na!"
hindi tumitigil sa pagtitili ang mga babae habang nagpapapicture sila sa kin,
minsan nakakairita na eh.
Oo nga't namasyal kami pero hindi ko naman akalain na dudumugin ako ng mga fans ng
banda ko.
"You're welcome." nakangiting tugon ko sa kanila at nagsialisan na rin yung
dalawang babae. Yung iba namang tao sa mall ay panay ang tingin sa min. Siyempre,
ang sikat na lead vocalist ng BlackString ay nandito sa mall.
"Strange."
Napalingon ako kay Vivien na magsalita ito habang nakatingin sa papaalis na
dalawang babaeng nagpapicture sa kanya. "Hindi ko alam na ganito ka na pala
kasikat. Ang dami ng nangyari." sabi naman nito.
"Haha." napatawa siya. "Ewan ko ba. Ni hindi ko nga alam kung anong nagustuhan nila
sa min. Hindi naman siguro ganun kaastig ang boses ko."
"You've changed. You all have changed." dugtong nito.
"At bakit mo naman nasabi iyan?" tanong ko.
Umiling siya. "Di ko alam pero nararamdaman kong nagbabago na kayo."
"Hindi naman siguro. Naalala mo ba??"
"Ang alin??" lumingon siya sa kin.
"Yung una tayong namasyal sa isang mall ng mga tao. Hindi ko ppa masyadong kabisado
ang lugar nila, takot ako nun pero dahil sayo, nawala yung takot ko." sabi ko na
nakatingin sa mga mata niya.
Nang magkasalubong ang mga mata namin, umiwas agad siya.
"Hmm.." inakbayan ko na lang siya. "Pasensya na. Namiss ko lang ang mga araw na
iyon." Lalo ka na.
"Tara."
Kung saan-saan kami namasyal at ganun pa rin, lahat ng atensyon ng madla ay
nakapukol sa amin.
Hanggang sa napadaan kami sa isang guitar shop kung saang maraming nakadisplay na
naggagandahang guitar.
Nahagip sa paningin ko ang isang medyo kulay brown na guitar at kinuha ito sa
display.
I started strumming it.
"What are you doing??" narinig kong tanong niya.
Play the video ========> Imagine that it is sung in an acoustic version.
After that, I started singing..
Napatingin na rin lahat ng tao sa min.
Shooting Star (Hale)
So many times you've hurt me So many times you've fooled me But you'll be doing it
again So many times we've spent in Too many lives we've been in But you're doing it
again To me the nights have fallen The lights are on and off again Is there a
chance that you won't die Won't die, with me tonight? Like a shooting star to where
you are Are we too late am I too soon? You'll make it through you've gone too far
Will you ever be my star? I'm holding on to nothing No reason worth for living I'm
calling out to you If it's the only way to keep you Then I don't want to break you
I'm losing grip again With you the nights have fallen The lights are on and off
again Is there a chance that you wont die Won't die, with me tonight? Like a
shooting star to where you are Are we too late am I too soon You'll make it through
you've gone too far Will you ever be my star? You're a shooting star to where you
are Are we too late am I too soon You'll make it through you've gone too far
Will you ever be my star? Will you ever be my star? You're walking away I'll be
seeing you through a satellite If you go Then I'm walking away
Pagkatapos nun ay narinig kong nagpalakan ang iba.
Nanatiling nakatayo pa rin si Vivien.
Hayyss. Kahit masakit, kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang kami.
Nilapitan ko siya. "Sorry for that."
"Lika na." sabi ko na lang at kaagad hinawakan ang kamay niya. Umalis kami duon sa
shop habang nakapukol sa min ang mga mata ng iba.
At nang makalayo-layo na kami, binitawan ko na siya.
"Siguro, hanggang dito na lang tayo." sabi ko nang mapahinto kami.
"Gerard.." sambit nito.
"Haha, hayyss. Mamimiss kita. Alam kong matagal na naman tayong hindi magkikita
ulit pero.. sige, heto na. As I promised, sasabihin ko sayo ang address ni
Matthew." sabi ko na lang habang pinipilit na maging masaya.
"Pero.. oo na! Payakap nga muna bago ko iyon sabihin sayo." niyakap ko kaagad siya
ng mahigpit.
"I'll always love you." bulong ko pagkatapos ay kumawala na.
"Sa (***insert place here*****) mo siya matatagpuan. Sige, alam kung nababagot ka
ng kasama ako. Bye. Ingat ka." nakangiting tugon ko sa kanya at tumalikod na.
"Gerard.." nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.
Napalingon naman ako sa kanya.
"Ewan ko.. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga nangyayari ngayon.. pero..
Gerard.. gusto kong maging maayos muna ang lahat bago tayo muling magsama.." sabi
niya na may halong senseridad sa boses nito.
Hinalikan ko naman ang noo niya. "I know.. pero alam kong magiging maayos rin ang
lahat na kung saan, wala ng gulo.. malaya na.. at wala ng hadlang." sabi ko naman.
Ngumiti siya. "Gerard, you're still that man that I known before.."
"Yeah. Sige, ingat ka ha." tumalikod na ulit ako at nagsimula nang maglakad
papalayo sa kanya.
".. and you're still that man that I love until now."
Napatigil ako.
Napatingin ako ulit sa kanya nang sinabi niya iyon pero nakalayo-layo na rin siya
sa kin.
"I know, we'll be together..."
"... someday."
____________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 47
STEPHEN LURIS MAIVEN
Napatayo na lang ako mula sa pagkakaupo ko nang dumating si Ciera. Nasa bahay na
kasi ako at dito ko na lang napag-isipang maghintay. Ayokong makigulo sa nangyari
sa lola niya.
"Ciera.." nilapitan ko siya.
Iniangat naman niya ang ulo niya sa kin. Naiiyak sing umiling sa kin.
Totoo ngang patay na ang lola niya.
Niyakap ko na lang siya habang hinihimas-himas ang likod niya. "I'm sorry." mga
katagang tanging lumabas sa bibig ko.
"Stephen.. Hindi ko na siya naabutan pa.." naiiyak na tugon nito sa kin.
"Sshh.. Wag kang umiyak.. Malalampasan mo rin 'to." sabi ko na lang.
"Mabait naman si lola eh.. Wala naman siyang ginawang masama."
"I know.."
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. I want to assure her na
nandito lang ako palagi sa tabi niya..
... sana.
*
"Si Ciera??" tanong sa kin ni Mama nang pumasok siya sa kwarto ko. Nandito na naman
kasi ako sa loob, habang pinagmamasdan ang kawalan.
"Na kay Eliza. Mas mabuting kasama niya ang nanay niya para mahihismasan siya."
sagot ko.
"Hmm.. Hindi ko aakalain na ganun hahantong ang buhay ni Marissa.. Napakabait
niyang tao." tumingin ako kay Mama at umupo naman siya sa kama ko.
Oo, isang fortune teller si Marissa, ang lola ni Ciera. Sa pagkakaalala ko, malapit
na malapit ang mga Spencer sa lola niya.
"Oo. Alam ko."
"Hmm.. anak?" tinitigan niya ako sa mga mata ko. Ang mga titig niya, punong-puno ng
emosyon.
"Kailan mo sasabihin kay Ciera..." panimula nito.
".. kailan mo sasabihin sa kanya ang totoo? Ang tungkol sa sumpa mo?"
Umiling lang ako. "Sa tamang panahon.. Ayokong mahirapan siya lalo."
Ayoko munang sabihin sa kanya ngayon.
Ayokog dumagdag pa.
Pero hindi ko alam..
.. hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako mabubuhay,
***
ETHAN LEE
"May problema na naman ba Vivien?" tanong ko kay Vivien nang mapansin ko siyang
kanina pang tulala. Sa classroom tulala siya at hanggang ngayon na break na, nasa
cafeteria kami ay tulala pa rin siya.
Parang ang lalim ng iniisip niya.
"Vivien.. anong problema?" pag-uulit ko.
"H-ha?" halatang hindi ito nakikinig sa kin.
"Siya pa rin ba?"
Natahimik naman siya sa sinabi ko at napayuko. Tama nga ako, si Gerard na naman.
"Nakita ko kayong magkasama.. sa mall." puno ko at marahang naman siyang napatingin
sa kin,
Nagkasalubong kami ng tingin pero kaagad siyang yumuko.
"Anong pinag-usapan ninyo?" napatanong ako.
"Hmm.. Wag na nating pag-usapan iyon, Ethan." nakayukong sabi pa rin nito sa kin.
"Mahal mo pa rin siya." seryoso kong pagkasabi sa kanya.
Bigla namang binalutan ng katahimikan ang buong paligid matapos kung sabihin iyon.
"Tinanong ko lang siya kung saan ko matatagpuan si Matthew." nagsalita si Vivien
habang iniiwasang tumingin sa kin.
Ngumiti na lang ako. "Wag kang mag-alala, nandito pa rin ako para sayo."
"Salamat, Ethan."
"Ahh.. S-sige. Mauna na ako. May kukunin lang ako sa council room." tumayo na siya.
"Sige, ingat ka."
Pagkatapos nun ay kaagad siyang umalis.
Siguro kahit palihim lang..
Walang bawal na mahalin kita, Vivien.
Matanggal ko ng tanggap na hindi magiging tayo.
At kahit ganito lang..
.. hanggang sa makakaya ko..
.. proprotekhan kita.
Kahit kaibigan lang ang turing mo sa kin.
***
MATTHEW SPENCER
Kumatok ako ng tatlong beses para pumasok sa opisina niya.
"Pasok." sabi nito. As usual, she still got her soothing voice.
Binuksan ko yung pinto at kaagad pumasok.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.
"M-Matthew Spencer??"
Gulat na gulat na makita si Mrs. Penelope Maiven nang makita ako. Napatayo ito mula
sa pagkakaupo niya.
"Gulat na gulat yata kayo ng makita ako. Why? Aren't you happy?" tanong ko rito at
sumandal sa pader.
"You TRAITOR!" galit na sigaw nito sa kin at mabilis na nag-iba ang kulay ng mga
mata niya.
"Hey.. wait. m I? O yung magaling mong anak? Alam mong siya ang unang trumaydor at
kung hindi dahil sa kanya, hindi sana magkakaroon ng digmaan nuon sa pagitan ng mga
tao at mga lahi natin." katwiran ko.
Napatigil naman siya.
Nilapitan ko siya sa puwesto niya pagkatapos ay umupo sa mesa sa harap niya.
"Paano kung sasabihin ko rin sayo na, tinatraydor ka rin ng pinakamamahal mong
asawa?" I said creepily kaya napaatras siya.
"Hindi yan pwede! Hindi yan magagawa ni Leo sa min!" sigaw niya.
"Who knows.. Diba, malimit lang naman siyang umuwi sa inyo?" tumayo ako.
"He can't do that to us.. he promised."
"Hmm.. Let's see."
Sumenyas ako at pumasok kaagad yung ibang mga kasamahan ko. Kaagad nilang tinakpan
ang bibig ni Mrs. Penelope Maiven at mabilis silang nakawala sa opisina nito.
Kikidnapin namin siya.
Hindi kasi alam ni Mrs. Maiven na kaya nakapasok ako sa headquarters nila dahil
inatake ko ang ibang kasamahan niya.
Kaya mabilis naming nagawa ang mga plano namin.
Pagkalabas ko sa headquarters nila ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko.
"O, Matthew Spencer, napatawag ka?" si Mr. L ang tinawagan ko.
"Nasa akin ang pinakaiingatan mong asawa, si Mrs. Penelope Maiven. Kung gusto mo
siyang makita ng buhay pa, pumunta ka sa may lumang building, malapit lang sa
restaurant na lagi nating pinupuntahan." pagkatapos nun ay kaagad kong ibinaba ang
kabilang linya.
Tatawagin ko rin si Luris tungkol sa nangyari ng ina niya.
Pagkatapos nun ay magkikita-kita silang mag-ama at ang pinakamaganda..
.. malalaman ni Luris ang pinaggagagawa ng magaling niyang ama.
"Malapit na rin tayong magtagumpay sa mga plano natin, Nicole. Sooner, I'll have
your revenge."
_________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 48
MATTHEW SPENCER
"Luris, kamusta??" panimula ko nang tinawagan ko ang cellphone ni Luris. Siyempre,
ipapaalam ko kasi sa kanya ang sinapit ng kanyang pinakamamahal na ina.
Nandito ako ngayon sa isang lumang building na malapit lang sa restaurant na palagi
naming pinupuntahan ni Mr. L. And yeah, any minutes now, pupunta siya rito.
Para sagipin ang pinakaiingatan niyang asawa na siya namang kahinaan niya.
"M-Matthew?"
Halatang gulat na gulat siyang marinig ang boses ko sa kabilang linya. This will be
interesting.
"Buti, naalala mo pa ako. Kamusta ang academy?"
"Nasaan ka?!" galit na sigaw nito sa kin. Aba't hindi man lang sinagot ang tanong
ko.
Nakangiti akong sumagot sa kanya, "Wag kang mag-alala, nasa mundo pa rin ako. Ang
academy ang kinakamusta ko, uminit kaagad ulo mo."
"Hindi ako nagbibiro, Matthew. Nasaan ka?" naging seryoso ulit ang tono ng boses
nito.
"Well, nandito ako sa may isang lumang building, malapit sa **** restaurant. Nga
pala, kasama ko rin si Mrs. Penelope Maiven."
"Anong sabi mo?!" tinaasan naman nito ang boses niya.
"Calm down. Wala akong gagawing masama sa kanya. Well, wala pa."
"Nasisiraan ka na talaga ng bait, Matthew!--"
"Sige, yun lang. Paalam." pinindot ko na yung end call button at kaagad nilagay sa
bulsa ko ang cellphone ko.
Pagkatapos ko siyang kausapin ay bumalik na ako sa loob ng lumang building at
nilapitan si Mrs. Maiven.
Nakaupo lang siya habang nakatali ang silver chains sa dalawa niyang kamay sa likod
ng upuan.
"Kamusta na kayo, Mrs. Maiven?" nakangiting tanong ko sa kanya. Kaming dalawa lang
ngayon ang nandidito.
"Tumigil ka na Matthew!" galit na sigaw nito sa kin habang pilit na nagpupumiglas
mula sa pagkakadena ng dalawang kamay niya.
"AAHHHH!!" napasigaw ito sa sakit.
"Hmm.. Wag po kasi tayong padalos-dalos. Ang kadenang nakatali sayo, pilak iyan.
Alam mo naman sigurong napapaso tayo sa pilak." sabi ko.
"Well, except for Spencers. We have witchcrafts, protections." nakangiti kong tugon
sa kanya.
Huminahon naman si Mrs. Maiven nang sabihin ko iyon.
"Wag kayong mag-alala, maya-maya, darating ang dalawang taong importante sayo."
[Play the song on the right side for background music =====>]
"Nababaliw ka na Matthew!" sigaw nito sa kin.
Natahimik naman ako sa sinabi niya at tumalikod na lang.
Nagsimula na akong naglakad.
Pero..
.. napahinto ako at nakapamulsang lumingon sa kanya.
"Oo, siguro nga, nababaliw na ako. Wala na ako sa matino kong pag-iisip. But you
all provoked me to do it. Tawagin niyo man akong baliw, hindi pa rin magbabago ang
mga plano ko. Masama na kung masama. Lahat naman siguro tayo ay may tinatagong
kasamaan diba? Siguro, yung sa akin, grabe lang." I smiled at her weakly saka
nagpatuloy sa paglalakad.
Lumabas muna ako at dito na lang siguro maghihintay para sa pagdating nila.
***
[3RD PERSON POV]
"L-Leo?" nagulat si Penelope nang bumungad sa harapan niya si Leon Maiven, ang
asawa niya at ang tanging lalakeng minahal niya bukod kay Stephen.
"Ssshh." sabat nito kaya natahimik siya.
Pumunta ito sa likod niya para tanggalin ang kadenang nakatali sa dalawa niyang
kamay.
"Leo.. wag.. masasaktan ka. Yari sa pilak ang kadenang iyan." sabi niya sa asawa.
"Wag kang mag-alala, ilalabas kita rito." sabi naman ni Leo at hinawakan ang
kadenang nakatali sa kamay ng asawa niya. Tiniis niya ang nararamdamang sakit nang
hawakan niya ang kadenang iyon at kaagad tinanggal ang pagkakadena nito sa dalawang
kamay ni Penelope.
Natanggal na nga ang pagkakatali ng kadena kay Penelope at nang mabaling ang tingin
niya sa dalawang kamay ni Leo ay pulang-pula ang dalawang palad nito.
"Ang mga kamay mo.."
"O, hindi mo man lang ako sinabihan na dumating ka na pala, Mr. L."
Napatigil silang dalawa nang may nagsalita, nakita nila si Matthew na nakatayo sa
may pintuan papalabas ng building.
"And as I expected, your wife is your weakness." puno nito.
*
MATTHEW SPENCER
"Matthew, traydor ka!" galit na sigaw sa kin ni Mr. L.
Buti na lang pala ay nakapasok kaagad ako rito sa loob kundi kanina pa nakatakas
itong dalawang 'to.
"A-anong ibig sabihin nito? Sinong traydor??" parehas kaming napatigil lahat nang
may nagsalita.
Sumulpot si Luris sa mga paningin namin.
Halata sa expression ng mukha niya na gulat na gulat siya at naguguluhan.
"Oo. Mabuti pa nga itong nagkaharap-harap na tayo." I devilishly smiled at Mr. L.
Alam kong sinusubukan niyang alamin ang iniisip ko pero that will never happen.
"Stephen.. anak." sambit ni Mrs. Maiven nang makita si Luris.
"Mr. L, ano na?" nagtanong ako ulit at tinignan siya.
Natahimik naman si Mr. L.
"Mr. L??" hindi pa rin makapaniwala si Luris sa sinabi ko.
Halatang napaisip si Luris at biglang kumunot ang noo nito.
Don't tell me..
.. may narinig na siyang tungkol kay Mr. L??
"Leo.. may tinatago ka ba sa amin?" tanong ni Mrs. Maiven sa kanya.
Naitaas ko ang kilay ko nang mapansing may gumuhit na ngiti sa labi ni Mr. L.
Bigla hinawakan ng palad niya ang mukha ni Mrs. Maiven. "Patawarin mo ko, Penelope.
Pero ito lang ang tanging paraan na naiisip ko." nakangiting sabi niya rito.
Binaling niya ang atensyon niya sa kin.
"Expected na ang galing mong mag-isip Matthew. Siguro, tama nga yung nasa
propesiya, isa ka sa pinakamalakas ng lahi natin."
"Alam ko. Hindi ako magiging ganito kung hindi ako malakas." I confidently replied
while my arms crossed.
"Hindi ko kayo maintindihan." sumabat si Mrs. Maiven.
"Kayo.." napatingin naman kaming lahat kay Luris nang magsalita siya.
"Kayong dalawa ang may pakana.. kung bakit nagkakagulo ngayon!" medyo tinaasan niya
ang boses niya nang sabihin iyon.
Napansin naming naging kulay pula na ang mga mata ni Luris.
May nararamdaman na akong tensyon sa paligid.
"Noon pang may kaguluhan Luris, at hindi iyon matatapos basta-basta." sabat ko
naman.
"Mabuti na rin iyon na alam niyo ng ang lahat para naman hindi na ako mahihirapang
magtago sa inyo." sumabat din naman si Mr. L.
"Leo.. Anong ibig sabihin nito??" hindi pa rin makapaniwala si Mrs. Maiven sa
naririnig niya.
"Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan, Penelope. Hindi ko magagawa iyon."
Nagsimula nang maglakad si Mr. L at nang napadaan siya sa gilid ni Luris ay tinapik
niya ito sa balikat. "Ikaw na bahala sa Mama mo. Magkikita pa tayo, anak. Maghanda
ka." pagkatapos nun ay mabilis siyang nawala.
Nang mawala si Mr. L ay galit na tumingin sa kin si Luris.
Mabilis siyang nakalapit sa kin at sinakal ako.
"Hindi mo ko mapapatay dahil diyan, Luris. Alam mo yan." nakangiting tugon ko sa
kanya na mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ko.
Nagwawala na si Luris.
May naalala ako..
Ito rin yung expression niya nang magwala siya nuon sa digmaan.
"Stephen!!"
Napasigaw si Mrs. Maiven nang makita ang reaksyon ng anak.
Napatigil naman ito at binitawan ako. Naging normal ulit ang kulay ng mga mata
nito.
Lumapit sa kanya si Mrs. Maiven at hinawakan ang kamay niya.
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Tayo na." ngumiti ito sa kanya at mahinahong
lumabas sila sa building.
Naiwan na lang ako mag-isa rito sa lumang building na ito. Napasandal ako sa pader
at napabuntong hininga.
"Bakit ganun?" tanong ko sa sarili ko.
"Bakit masaya pa rin sila?" dagdag ko.
Napahawak ako sa pisngi ko.
Hindi ko namalayan, may tumulong luha pala sa mata ko.
"Matthew."
Naiangat ko ang ulo ko nang may nagsalita, si Vivien..
"Vivien??" anong ginagawa niya rito? At paano niya nalamang nandito ako??
Bigla niya akong nilapitan at niyakap.
"Ibuhos mo lahat ng hinanakit mo, Matthew. Nandito lang ako."
"Nandito lang ako lagi sa tabi mo." dagdag niya.
Hindi ko alam pero niyakap ko na rin siya.
Masakit.
Nandun pa rin yung sakit na nararamdaman ko.
_______________________________________________
Vampire Academy
Chapter 49
MATTHEW SPENCER
"AHHHHHHHH!!!" hinagis ko yung mga gamit na nasa mesa kaya nagkabasag-basag ito sa
sahig. Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay.
Nagwawala.
"ARGHHHH!!" kinuha ko yung lampshade sa gilid at hinagis sa pader.
Magulong-magulo na ngayon ang kwarto ko.
Hindi ko na alam..
Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa sarili ko ngayon..
.. galit.. pagkamuhi.. kasamaan..
"AHHH!!" sinuntok ko ang salamin sa harapan ko ng kalakas-lakas kaya nabasag din
ito.
Nasugatan ang kamay ko pero kaagad rin itong naghilom.
***FLASHBACK***
"Anong ginagawa mo rito, Vivien?" halatang naguguluhan ako nang sumulpot siya at
niyakap ako.
"Hmm.." bumuntong hininga siya. "Matthew, please... tigilan mo na 'to."
Kumunot ang noo ko nang sabihin niya iyon.
Pumunta siya para sabihin lang ang mga katagang yun?
Parehas lang pala silang lahat.
"I thought you were different. Pero parehas lang pala kayo. Hindi niyo ako
naiintindihan." nakayuko kong sabi sa kanya at iniiwisan na magtama ang mga mata
namin.
Looks like I expected too much.
Akala ko may kakampi na ako.
"Matthew.. Bakit ka ba nagkaganyan?" medyo tinaasan niya ang boses niya.
"Nagbago ka na.. Hindi na ikaw yung Matthew na masayahin at mabait.. Simula nung
namata sina Tita Kendra, nawala ka na sarili mo. Unting-unti ka ng nilalamon ng
galit sa puso mo, Matthew!" puno niya.
"Nababaliw ka na, Matthew!"
Naikuyom ko ang mga kamay ko at tumingin sa kanya ng direcho.
"TUMIGIL KA!" singhal ko na ikinagulat naman niya.
"Hindi mo alam kung ano pinagdadaanan ko.. lahat ng mahal ko sa buhay, namatay..
ang pamilya ko.. si Yuno.. si.. Nicole.. pati ba naman ikaw Vivien?! I treated you
all as my friend! I treated you as if you are my little sister!" sinigawan ko siya.
Hindi ko alam pero mas lalo akong naiinis sa sinasabi niya.
Natahimik siya sa sinabi ko.
"Sa tingin mo ba, sinong hindi mababaliw sa kalagayan ko ha?! Naging mabait ako sa
inyo lahat.. Tinuring ko kayong mga kaibigan ko.. Tinutulungan ko kayo pero ano..
ito! Ito ang naging kapalit! Ang pagkawala ng mga mahal ko!" may namumuong luha na
sa mata ko.
I can still feel the pain.
Bumuntong hininga ako para mapigilan ang sarili kong magwala.
"Tutal, wala na akong rason para mabuhay pa ng matagal.. maghihigante ako sa
kanila." sabi ko at tumalikod.
Lumingon ako sa kanya at ningitian siya.
"Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan."
Pagkatapos nun ay iniwan ko na siya.
***END OF FLASHBACK***
Napaupo na lang ako sa sahig.
"Matthew, anong nangyari?"
Napalingon ako sa may pintuan nang may nagsalita, si Luke.
"Umalis ka muna Luke. Wala ako sa tamang pag-iisip para makipag-usap sayo." sabi ko
na nakayuko lang.
"Sige, kung yan ang gusto mo." umalis naman agad siya at sinara ang pinto.
May kung anong bagay na nahulog sa kama kaya napatingin ako rito.
Ang libro ng propesiya.
Tumayo ako at kinuha iyon.
May naalala ako..
Naalala ko yung mga nabasa kong documents tungkol kay Ciera.
Malapit na pala siyang magdidiseotso.
"Hmm... HAHAHAHA!" I devilishly laughed.
***
CIERA SANCHEZ
"Pinaiimbestiga na kung anong kabuuang nangyari sa lola, anak." sabi sa kin ni Mama
habang tinutulungan ko siyang inaayos ang kwarto ni Stephen.
Kami lang kasi nina Mama at Papa ang nandito. Ewan ko, kanina pa umalis si Stephen
eh, hindi man lang kami sinabihan saka parang galit.
Siguro, may nangyari kaya siya nagkaganun.
Ayoko namang makielam kasi baka mas lalo siyang magalit.
Yung ugali pa naman ng mokong na iyon. =__=
"Hmm.. Gusto ko nga po humingi ng tulong kina Mrs. Maiven eh kaso parang busy
siya." sagot ko naman habang inaayos ang bedsheet ng kama ni Stephen.
"Nabalitaan pang nawawala ang libro ng propesiya." dagdag naman ni Mama.
"Libro ng propesiya?"
"Oo, nasabi ko na sayo iyon. Dala-dala iyon ng ama mong si Magnus nang itakas ka
niya. Kasamang binigay ang libro sa lola mo." sagot naman nito.
Natahimik ako at napaisip sa sinabi ni Mama.
Libro ng Propesiya.
Narinig kong duon nakasulat lahat na mangyayari sa hinaharap.
"Nagsimula na pala.." napalingon ako nang magsalita ulit si Mama.
"Anong nagsimula?" pagtataka ko. Napapansin kong tinitignan niya yung jar na may
white rose sa loob sa mesa.
Naaalala ko, ito yung binigay ni Gaile kay Stephen noon. Importanteng-importante
iyon sa kanya kaya hindi niya ito matapon-tapon. Kahit naman siguro ako, itatago ko
talaga iyon.
"Ang sumpa.."
"Ang sumpa??"
"Anak, si sir Stephen.. sinumpa siya. Noong araw ng digmaan, nang mamatay ang
babaeng taong minahal niya, nagwala siya. Napatay niya ang kapatid ng ama mong si
Kendra na siyang pinuno ng mga Spencer.. pero bago iyon, sinumpa niya itong
mamatay.."
".. kapag nagsimula ng maglagasan ang mga petals ng rose, senyales iyon na malapit
na siyang mawala.. hanggang sa isang piraso na lang ang matitira at kapag nalaglag
na iyon, wala na siya."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
B-bakit hindi ito sinabi ni Stephen sa kin?
"Ma.. hindi pwede yan. Nangako sa kin si Stephen, walang iwanan." naiiyak kong sabi
sa kanya.
Ako itong palaging ipinagtatanggol niya tapos siya pala, may ibang dinadanas?
"H-hindi ka pa sinabihan ni sir Stephen?"
Umiling ako.
Bigla naman akong niyakap ni Mama sabay himas ng likod ko.
"Ma.. may magagawa pa ako diba??"
"Mababago ko pa iyon.. kasi.. isa rin akong Spencer." puno ko.
***
MATTHEW SPENCER
"Kapag nagdiseotso na ang itinakdang papatay sa mga lahi ng bampira, magkakaroon ng
malaking kaguluhan. Magiging madugo ang araw ng kanyang kaarawan.." mga katagang
nakasulat sa libro ng propesiya habang binabasa ko ito.
Hindi pa ganap na nakuha ni Ciera ang buong kapangyarihan niya.
And I bet that she cannot handle it.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at lumabas sa kwarto.
I will be her surprise guest in her birthday.
__________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 50
LEON MAIVEN (POV NI MR. L)
"INIBA NINYO ANG MGA NAKASULAT SA PROPESIYA." sabi sa kin ni Terry, isang fortune
teller at isang matandang dalaga. Sa kanya kasi ako pumupunta kung may kailangan
akong malaman.
Nag-iba ang kulay ng mga mata niya. Naging kulay gold na ibig sabihin ay may iba pa
siyang nakikita.
Nandito kami ngayon sa bahay niya, nakaupo kaming dalawa sa sahig na magkaharap
habang may mesa sa gitna namin.
Napayuko ako at tumingin sa kanya ng seryoso. "Alam ko." tipid na sagot ko.
"Kaya nga ako ay nandidito para malaman kung anong gagawin ko para maiwasan ang
nalalapit na kaguluhan na iyon." puno ko.
Napatayo siya. "Iniba niyo ang nakatakda! Naging bampira ang tagapaslang ng mga
lahi niyo bago pa man siya magdiseotso!" mas nilakasan niya ang boses niya nang
sabihin iyon. Mas nakakasindak tignan ngayon mukha niya.
"Ang kaarawan niya..." sambit pa nito at lumapit sa nakakabit na kalendaryo sa
pader niya. Binuklat-buklat niya iyon.
"Sa susunod na linggo... kaarawan na niya. Mas naging maaga ang digmaan ninyo!
Hindi na iyon mapipiilan!"
Kaagad siyang lumapit sa kin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Mamamatay
kayong lahat! Lahat ng mga bampira."
Bigla naman naging normal ulit ang mga kulay ng mga mata niya. "Patayin niyo..
Patayin niyo ang tagapaslang bago pa man ang kaarawan niya... Patayin mo rin.. ang
anak... MO."
Napabuntong hininga ako. "Kung iyan ang magiging solusyon ng lahat, gagawin ko."
***
CIERA SANCHEZ
Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa sa may sala nang dumating na sina
Mrs. Maiven at si Stephen.
At napapansin kong ang lulungkot ng expression nila. May problema kaya??
"Ah.. Stephen.." panimula ko.
Lumingon lang siya sa kin at binigyan ako ng masamang tingin, pagkatapos ay
nagpatuloy na lang sa paglalakad at hindi ako pinansin.
Napalingon din naman sa kin si Mrs. Maiven saka ngumiti. Pagkatapos at bigla niya
akong niyakap.
"Maraming salamat talaga sa lahat Ciera.. Maraming salamat.. Lalung-lalo na para
kay Stephen." sambit niya at pagkatapos ay kumawala na siya mula sa pagkakayakap sa
kin at sumunod kay Stephen.
Naguguluhan ako sa mga ikinikilos nila. May masamang nangyari ba?
May panibago na namang problema?
Sana naman wala.
*
Ilang oras ang lumipas, napag-isipan kong puntahan si Stephen sa kwarto niya. Hindi
kasi siya lumabas kaya nag-aalala ako.
Nandito ako ngayon sa harap ng may pintuan sa kwarto ni Stephen. Gusto ko rin kasi
siyang kausapin. Mukhang may problema na naman kasi sila at gusto ko rin malaman
ang buong detalye sa sumpa niya.
Bumuntong hininga muna ako bago kumatok sa pinto.
Nakatatlong beses na akong kumakok pero walang sumasagot kaya napag-isipan ko na
lang buksan ang pinto nito. At sakto, hindi niya nilock ito.
"Stephen??" pumasok na nga ako sa kwarto niya at sa pagpasok ko, walang katao-tao.
"Nasaan kaya siya??"
"HOY. Anong ginagawa mo?" nagulat ako nang may nagsalita at nakitang lumabas sa CR
si Stephen na nakatapis lang. Halatang naligo siya tapos may basang-basa pa rin ang
buhok niya.
"Ah..eh... M-magbihis ka muna." natatarantang sabi ko saka tumalikod. Ano ba yan.
Bakit ako kinabahan? =___=
Eh kasi naman! Yung katawan niya! Ano ba naman itong naiisip ko. >___<
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalita na rin siya. "Tapos na ako. Anong kailangan
mo?" malamig na sabi niya sa kin. Aba't nagsusungit na naman. Inaatake na naman sa
sakit niya ang mokong na 'to. Ano bang problema?
Ningitian ko lang siya. "Stephen.. Kamusta na?"
Biglang nagdilim ang mukha niya. "The hell, Ciera. Pumunta ka lang rito para
kamustahin ako? Very pathetic." halata sa boses niya na naiirita siya.
Aba't ano bang problema ng lalakeng ito?
"Hindi ko kailangan ng iba pang salita. Sagutin mo na lang ang tanong ko."
seryosong tugon ko naman sa kanya. Pasalamat siya e pinalalampas ko muna ngayon ang
pagsusungit niya sa kin.
"Do I look okay, Ciera? Damn! Marami akong problemang pinagdadaanan tapos pumunta
ka rito para lang sabihin iyan?!" sumigaw siya.
Imbis na maiyak ako sa sinabi niya kasi parang ipinarating niya na walang ako
silbi. Nagsalita rin ako. "Ano bang problema, Stephen?!--"
Hindi niya ako pinatapos at nagsalita agad. "May problema ako, oo, Ciera! Bakit?
Akala mo ba ganun kadali ang lahat? Hindi!" galit na sumbat nito sa kin. Nanlilisik
ngayon ang mga mata niya.
Naikuyom ko na lang ang kamay ko. "Bakit ka ba nagkakaganyan, Stephen?! Bakit ayaw
mong may magmamalasakit sayo?! Oo, nag-aalala ako sayo.. kasi.. nangako tayo sa
isa't-isa.. walang iwanan! Tapos.. malalaman kong may sumpa ka? Naiiwan mo ko?"
Natahimik naman siya nang marinig iyon. "Paano mo nalaman--"
"Hindi na importante iyon.. Pero tutal.. mukhang ayaw mo namang may magmalasakit at
mag-aalala sayo, kaya, BAHALA KA NA!" pagkatapos ay binuksan ko na yung pinto sa
likod ko at sinara ng malakas.
Kung ayaw niya e di.. bahala siya!
***
LEON MAIVEN
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang picture naming tatlo nina Penelope at
Stephen. Nakasakay sa dalawang balikat ko si Stephen habang si Penelope naman ay
nakakapit sa braso ko. Matagal-tagal na panahon na rin iyon. Mga 6 years old pa
rito si Stephen.
Hindi ako naging mabuting ama at asawa sa kanila. Hindi ko sila sinasamahan araw-
araw sa mga buhay nila.
Mahal na mahal ko ang mag-ina ko.
Kung hindi lang dahil sa mga mangyayari, hindi ako mapipilitan sa mga ginagawa ko.
Hindi ako mapipilitang mawawalay sa kanila.
Kasi kung papabayaan ko lang ang lahat ng ito, magigiging kapalit naman ang
pagkawala ng mga lahi namin.
Kung kinakailangan patayin ang anak ng kaibigan kong si Magnus, gagawin ko.
Kahit mismo ang anak ko pa..
Para lang maisalba ang mga lahi namin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Nandito ako ngayon sa opisina ko kasama ang mga
tauhan ko na nagbabantay sa kin.
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tinawagan si Penelope.
"Leo.. napatawag ka." panimula niya.
"Penelope.. Kamusta kayo? Nakauwi na ba kayo ni Stephen sa bahay?" tanong ko.
"Oo.. nakauwi na kami.. Ikaw? Kamusta ka na? Okay ka lang ba diyan??"
Napangiti naman ako sa sagot niya. "Oo, maayos lang ako rito. Penelope.. mahal na
mahal ko kayo. Sige." Pagkatapos nun ay ibinaba ko no ang kabilang linya.
Tinawagan ko rin si Matthew Spencer. Alam kong may maitutulong siya.
Nang tinanggap na niya ang tawag ko ako na ang unang nagsalita. "Spencer.. I have
something to tell you.."
Patawarin niyo ako, sa gagawin ko.
***
CIERA SANCHEZ
Dumirecho ako sa kwarto ko matapos ang pangyayaring iyon.
Nakakainis talaga ang Stephen na yun eh! =___=
Nagsusungit naman. Pasalamat siya, mahal ko siya eh.
Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang kayakap ang dalawang tuhod ko.
"Ciera!" biglang may tumawag sa kin habang kinakatok ang pinto ko.
Malamang, sa tono ng boses na iyan. Ang hinayupak na Stephen iyon. =__=
"Open the door, please!"
Aba't walang modo pa rin ah? =__=
"Bahala ka sa buhay mo! Ayoko!" sabi ko naman.
"Damn. Buksan mo ang pinto Ciera. Look, I'm sorry.. sa nangyari kanina." sabi nito
at naging mahinahon na ang boses niya.
"Ayoko. Bahala ka!" =__= Akala niya siya lang pwede magsungit?
"Ciera.. Please.. Don't force me to open the door harshly!"
"Ewan ko sayo--"
Hindi ko natuloy yung pagsasalita ko at nagulat ako nang may sumulpot na tatlong
nakaitim na lalake sa kwarto at tinakpan nung isa ang bibig ko.
Pilit kong nagpupumiglas sa kanila pero saydang malakas talaga sila. Napatingin ako
sa may bintana ng kwarto. Bukas ito. Dito sila dumaan.
Kinagat ko naman yung kamay nung lalakeng katakip sa bibig ko.
"Aray!! Ikaw--"
"Stephen!! Tulungan mo ko--" tinakpan ulit ng mokong 'to ang bibig ko.
Kaagad niya akong binuhat.
"Bitawan niyo ko! Stephen!!" sabi ko habang nagwawala mula sa pagkakabuhat niya.
Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sa harapan namin si Stephen.
"Ciera!" sambit nito nang makita ako at ang tatlong lalakeng ito.
"Diba, sabi ni Mr. L, kasali siya?"
"Oo! Sige na! Kayo ng bahala sa kanya, ako ng bahala sa babaeng 'to."
"H-hoy!!" mabilis kaming nakalabas sa bintana nitong lalakeng ito at iniwan ang
dalawang kasamahan niya dun sa kwarto kasama si Stephen.
Ano bang nangyayari?
_____________________________________________
Vampire Academy
Chapter 51
CIERA SANCHEZ
"Hmm.." naimulat ko na lang ang mata ako at nagulat sa nakita ko. Nakaupo ako
ngayon sa upuan habang nakatali ang mga kamay ko ng mahigpit sa likod. Nang
mapatingin ako sa paligid namin, napansin ko puro yari sa pilak gawa ang lahat. May
napansin din akong may maitim na sulok ang kwartong kinaroroonan ko.
Nasaan ba ako?
Oo, naalala ko. May kumidnap sa kin, tatlong mga nakaitim na lalake sa kwarto ko.
"Ano ba 'to.." sinubukan kong pumiglas ako mula sa pagkakatali ng mga kamay ko.
"AHH!" napasigaw ako sa sakit. Parang yari rin sa pilak ang nakatali sa mga kamay
ko.
"O, gising ka na pala." biglang may tumambad sa kin na isang lalake. Parang bampira
rin siya.
"S-sino ka?" tanong ko. Siya ba ang may pasimuno ng lahat ng ito?
He smiled creepily. Parang nakakapangilabot. "I'm Mr. L" tipid na sagot niya sa
kin.
"Nasaan ako?!" hindi ko maiwasang mataranta. Wala akong alam baka papatayin nila
ako. Tapos si Stephen.. Narinig ko sa mga kumuha sa kin, isasali rin siya.
"Well.. Nandito ka sa isang lugar na hindi mo alam. Hahaha!" tumawwa pa siya.
Ano bang kailangan nila sa kin??
"Ano bang kailangan niyo?!" sumigaw ako.
Naglakad naman siya papalapit sa kin at hinawakan ang panga ko.
"Ikaw. Ikaw na itinakdang pumaslang sa lahat ng mga bampira. Ikaw na magiging
dahilan ng kaguluhang ito." pagkatapos ay marahas niyang binitawan ang pagkakahawak
niya sa panga ko.
Tumalikod siya sa kin habang nakalagay din sa likod niya ang dalawa niyang kamay.
"Ikaw ang magiging dahilan ng pagkawala natin.." naging mahinahon na ang boses
niya.
"At dahil dun.. kailangan kitang patayin."
".. Kahit anak ka pa ni Magnus." ngayon ay tinignan niya ako ng direcho sa mga mata
ko. Seryosong-seryoso siya.
Parang tumigil ang oras nang marinig ko iyon.
Papatayin ako..
Bigla ko namang naalala si Stephen. Oo, narinig kong isasali rin siya rito. Okay
lang sa kin na patayin ako pero si Stephen..
"Si S-Stephen! Nasaan siya?" naiiyak na sabi ko.
"Si Stephen? Ayun siya." sabi niya sabay turo dun sa isang madilim na sulok
pagkatapos ay biglang umilaw.
Nanlaki ang mga mata ko. Si Stephen.. Duguan siya habang nakatayo siya at
nakakadena sa pader ang dalawa niyang kamay. Anong ginawa nila kay Stephen?! Bakit
bugbog-sarado siya? Anong mga armas ba ang ginamit nila?!
"A-anong ginawa niyo sa kanya?!" galit na sumbat ko sa lalakeng ito na sabi niya ay
siya si Mr. L
Walang malay si Stephen.
"Kasali rin kasi siya.... kayong dalawa.. kaya kailangan din siyang patayin."
simpleng sagot niya sa kin.
"Nasa propesiya." dagdag pa nito habang nakatingin sa walang malay na duguang
katawan ni Stephen.
"Pero.. akala ko ba, ako lang kailangan ninyo?! Bakit?!" sabi ko. Hindi ko kayang
makita si Stephen na nahihirapan... lalo't pa may pinagdadaanan din siya.. ang
sumpa niya.
"Diba.. ako lang ang kailangan ninyo?" naiiyak kong tugon sa kanya.
"Hmm.. Mahirap din sa kin.. Ciera Spencer. Kasi anak ko siya." sabi niya saka
humarap sa kin. Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo at pagkatapos ay nagsimula
na siyang maglakad papunta sa may pintuan.
"Hindi pa tayo tapos." binuksan na niya ang pinto at lumabas dito.
***
MATTHEW SPENCER
"Saan ka galing?" tanong ko kay Luke nang pumasok na siya sa loob ng bahay habang
ako naman ay naglalaro ng chess ng mag-isa. Wala lang. Tapos ko na kasing ayusin
ang lahat. Ang mga tauhan kong magtratrabaho sa kin, ang mga plano ko para sa pag-
atake namin at ang kulang? Kung kailan namin ito sisimulan.
Well yeah. Noong isang araw, humingi ng tulong sa kin si Mr. L. Himala nga eh pero
I declined his offer. Gusto kong ako gagawa ng mag-isa sa pagbabago. Besides,
kasama siya sa mga paing ko.
After that, I'll be ruling the world by myself.
"H-ha? Diyan lang sa tabi-tabi." sagot naman nito at nagpatuloy sa paglalakad
patungo sa kwarto niya.
Kinuha ko yung horse piece at nilagay sa chessboard kung saan ito nararapat.
"Sigurado ka ba?" naramdaman ko ang pagtigil ng mga yapak niya.
"Hmm.. O, sige. Saka nga pala, tapos ko ng ayusin ang lahat. Ang panahon na lang ng
pag-atake ang wala pa. At dahil dun.. kakailangan ko ang tulong mo, Luke."
napatingin ako saya and I gave him an evil grin.
"A-anong klaseng tulong?"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at iniligpit na ang chessboard na nilalaro ko.
"Diba nahihinto mo ang oras na ginagalawan ng isang nilalang sa loob lang ng
dalawang minuto? Gusto kong gawin mo iyon sa oras na aatake tayo sa academy mamaya.
Sa mga nasa special section."
"A-ano? Aatakihin mo ang academy?!" hindi makapaniwalang tugon nito sa kin.
Ningitian ko lang siya. "Oo. Ang academy ang una nating aatakihin, pagkatapos ang
Vampire's Association Headquarters. Nasa kanila ang mga malalakas na bampira kaya
sila ang una nating patutumbahin. Sapat na ang mga tauhang nilaan ko para planong
ito, Luke. Saka sa academy, wala sina Luris at Ciera kaya mabilis tayong
makakapasok."
"W-wala sila Ciera??"
"Oo, you know, Mr. L. Nasa kanya ang dalawang iyon. Binihag niya saka si Ciera lang
din naman ang kakailangin ko para sa final touch ng plano ko."
"Pero, M-Matthew! Nangako ka sa kin, hindi mo siya sasaktan! Bakit mo aatakihin ang
academy?!" sumbat niya.
Nagkibit-balikat lang ako. "Kailangan Luke. Kasi magiging hadlang sila."
"Hindi ako papayag! Huwag mong isasali si Yna rito!" sigaw nito sa kin.
"Well.. As if you don't owe me your life." I suddenly changed the color of my eyes
into red. "Alam mong pwede kitang burahin sa mundong ito, Luke. Kaya sundin mo na
lang ang mga sasabihin ko. Saka kahit mawala ka pa, hindi pa rin magbabago ang
plano ko. But maybe.. there will be slight changes but the fact that I'll kill
them? Definitely no."
"Maghanda ka. Mamayang hapon, pupuntahan natin ang academy. Alam ko naman ang mga
pasikot-sikot duon kaya madali tayong makakapasok. Be ready with your farewell
words now to your love." puno ko.
"But be sure Luke Smith that you're not betraying me."
"HAHAHA!" I devilishly laughed.
***
VIVIEN WALKER
"Ilang araw ng hindi pumapasok sina Stephen at Ciera." sabi sa min ni Ace nang
pumasok siya sa council room. Kaming lima lang ang nandidito. Siya, ako, si Elle,
si Ethan at si Yna.
"Hmm.. Nakapagtataka." sumabat naman si Ethan.
"Kinakabahan ako, Ace. Feeling ko, may masamang mangyayari." sabi naman ni Yna na
bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Oo, may masamang mangyayari..
Na kahit anong oras..
.. mapapahamak kaming lahat.
***FLASHBACK***
"Buti dumating ka." nakangiting tugon sa kin ni Luke. Bigla kasi siyang tumawag sa
kin kanina na siyang ikinagulat ko. Ilang linggo na rin kasi siyang hindi
nagpapakita sa min, ng mga taga council kasi sumama siya kay Matthew.
Sabi niya sa kin, may sasabihin siyang importante, tungkol sa mga plano ni Matthew
kaya pinaunlakan ko.
"Ano bang sasabihin mo sa kin, Luke?" I was being civilized.
"Hmm.. Ikaw lang ang maasahan ko rito Vivien, lalo't pa na malapit kayo sa isa't-
isa ni Matthew." sabi niya.
"Tell it straightly, Luke."
"Si.. Matthew.. may binabalak siyang masama.. Palihim siyang naghahanda para sa
pag-atake niya sa lugar ng mga tao pati na rin ang mga bampira.. wala na siyang
sinasanto Vivien.. He's starting to get insane.. Nababaliw na siya."
Napatigil naman ako sa sinabi niya.
"Narinig kong may balak siyang unahin ang academy.. kaya binabalaan ko kayo Vivien.
Maghanda kayo."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Ihanda niyo na ang mga sarili niyo dahil.. hindi basta-basta na Matthew Spencer
ang darating." seryosong sabi niya sa kin.
"Papatayin niya kayong lahat."
***END OF FLASHBACK***
Kailangan ko silang pagsabihan.
"Ah.. Ace--"
Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang may kumatok. Lumapit naman si Ace sa pinto
at binuksan iyon.
"N-Nero.." nanlaki ang mga mata namin nang bumungad sa mga paningin namin itong..
transferee noon na pinsan ni Ace.
Akala ko ba nasawi siya nuong magkaroon ng kaguluhan sa Academy?
"A-anong ginagawa mo rito?" halatang naguguluhan na si Ace. Pati rin kami na nasa
student council, hindi alam kung ano ang susunod na sasabihin.
"Hey. Grabe. Yung mga mukha niyo, parang nakakita ng kapre." natatawang sabi nito
sa min.
Biglang nilapitan ni Yna si Nero at kinwelyuhan hanggang sa isinandal niya ito sa
pader. "Bakit ka nandito? Alam mo bang noon na akong may masamang kutob sayo bago
ka pa man pumasok rito?" ngayon ko lang nakitang nagagalit si Yna.
"Wait. Wala naman talaga akong gagawing masama eh. Besides, ako ang ipinadala ng
mga tao rito para maging parte ng academy niyo." kampanteng sagot naman nito.
Nabitawan naman siya ni Yna, "P-paano? Bampira ka!"
"Yun nga. Hindi nila alam na bampira ako." he smiled.
"Well, I'm just here to warn niyo guys. Matthew already errupted. May binabalak
siyang gawin sa inyo." he added na siyang ikinagulat ng lahat.
"A-anong ibig mong sbihin?" sumabat si Ace.
"Aatakihin ni Matthew ang academy.. kaya kailangan tayong maghanda." napatingin
silang lahat sa kin nang magsalita ako.
***
CIERA SANCHEZ
"Stephen.." ilang ulit ko na siyang tinatawag pero hindi pa rin siya nagigising.
Hindi ko maiwasang maiyak sa nakikita ko ngayon sa kanya. Marami siyang pasa.
Ilang oras na rin kaming nakababad dito sa kwartong ito.
Sana man lang, may magligtas sa amin.
Napahinto ako sa pagsesemiento ko nang bumukas ang pinto.
May tatlong nakaitim na lalake na nagsidatingan at lumapit sa kinaroroonan ko.
"A-anong gagawin niyo sa kin??" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanila nang pumunta
silang tatlo sa kinaroroonan ko.
Tinanggal nila yung pagkakatali ng mga kamay ko sa likod ng upuan.
Pagkatapos ay binuhat ako at nilagay sa balikat nitong isa habang yung ulo ko ay
pababa.
"Saan niyo ko dadalhin?!"
"Tumahimik ka kung ayaw mong patulan ka namin!" sigaw nitong lalakeng nagbubuhat sa
kin habang yung dalawa, nakasunod lang sa kanya.
"Stephen!!" nagpumilit pa rin ako sumigaw.
"Stephen!!" nagpupumiglas na ako pero mas lalo pang hinigpitan nung lalake ang
pagkakahawak niya sa kin.
Hanggang sa makalabas na kami sa kwarto, wala pa ring nangyari.
"C-Ciera.."
Napatigil kaming lahat sa paglalakad nang may nagsalita.
Si Stephen...
... nagising siya.
***
MATTHEW SPENCER
"Hmm... I miss this place." sabi ko nang makapasok na kami sa academy. Napangiti
ako. Ilang linggo na akong hindi nakakabisita sa academy. Ang academy na
pinagpaguran ko.
Kasama ko ngayon si Luke habang yung iba ko pang kasamahan ay nandiyan lang sa
tabi-tabi, waiting for my signal.
Gaya nga ng sinabi ko, alam ko ang pasikut-sikot ng academy. Kaya ngayon, matiwasay
kaming nakapasok sa gym ng school sa loob.
Napansin ko namang kanina pang hindi umiimik si Luke.
"Luke.. maghanda-handa ka na. Dahil mamaya, pupuntahan natin ang council." sabi ko.
"Like I have any other choice." narinig kong bulong nito.
"Well.. Let's just say you're not lucky." sagot ko naman saka umupo sa isa sa mga
seats ng gym.
"L-Luke? M-Matthew?"
Napatayo na lang ako nang sumulpot sa harapan namin si Yna na halatang takang-taka
na makita ang presensiya namin dito.
"O, ano na Luke? Use your powers. Patigilin mo siya. Tutal, nandito na siya, siya
na ang uunahin nating iwala sa mundo." bulong ko kay Luke.
"A-anong ibig sabihin nito?" hindi makapaniwalang sabi ni Yna sa min habang si Luke
naman ay napayuko na lang at walang maisagot dahil sa pagtratraydor niya sa kanila.
"Luke.. You know, you owe me your life. Use it now." naging mas malalim ang boses
ko nang sabihin iyon.
Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya at naglakad papalapit kay Yna.
"Luke??" halatang naguguluhan si Yna sa ginawa niya.
"I'm very sorry..."
"And.. Yna, I love you." pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla siyang humarap sa
kin kaya si Yna naman ay nasa likod na niya.
"Hindi ako papayag na gawin mo sa kanila yun, Matthew... Dahil ako ang makakalaban
mo."
Naging kulay pula na ang kanyang mga mata.
_______________________________________________
Vampire Academy
Chapter 52
Play the music on the right side.
MATTHEW SPENCER
Humarap sa kin si Luke at naging kulay pula na ang mga mata niya. Nanlilisik ito.
Oo, alam kung ganito ang mangyayari. Alam kung hindi sasang-ayon sa kin si Luke sa
mga plano ko. Well, I have to say, he has a good heart.
"Hindi ako papayag na gawin mo sa kanila yun, Matthew... Dahil ako ang makakalaban
mo." sabi nito sa kin.
I smiled while my arms were crossed. "I see. "
"Luke, a-anong ginagawa mo?" narinig kong sabi ni Yna sa kanya.
"Yna, umalis ka na. Warn the others. Ako ng bahala rito." seyosong tugon ni Luke sa
kanya.
"P-pero--"
"Yna, umalis ka na!" sinigawan niya ito. Halata namang nagulat si Yna.
"Yna, sige na! Now, go!"
Tumango na lang siya at mabilis na umalis sa gym.
"Well, Luke. What now?" tanong ko sa kanya nang makaalis na si Yna.
"Matthew, hindi ako papayag sa gagawin mo. You're killing innocent people here!"
"Bakit? Ano bang gusto mo, Luke? Walang inosente sa tin. Look around. Lahat tayo,
may tinatagong lihim." I grinned.
"Matthew.. nababaliw ka na talaga!" diin nito sa kin na nakakuyom na rin ang mga
kamay niya.
Napatawa naman ako sa mga sinasabi niya.
"Hahaha! That's what you think. I'm not responsible for it. But anyway, I'm still
giving you a second chance with your decision. Mag-isip ka kung tama ba yang
ginagawa mo Luke bago pa mahuli ang lahat. You know, I'm not just any ordinary
Matthew Spencer." sabi ko na lang at tinignan ang dalawang mga mata niya. I hope he
could get what I meant.
"Hmm.. I'm sorry but I already had enough. Ayoko ng maging sunud-sunuran. Kay Mr. L
o sayo!" biglang nag-iba ang kulay ng mga mata, before it was pure red, now, it was
gold.
He's using his power over me.
"Oh. No, no. You can't use that to me Luke. Alam mong we, Spencers, are for
witchcrafts. We create barriers in order to prevent that kind of power." Hindi niya
mahihinto ang oras na ginagalawan ko.
"Then I'll have to use the other one." sabi naman nito then the surroundings turned
to frost.
I forgot. He has another ability, the ice. Hindi basta-basta ordinaryong bampira
lang ang mga nasa special section.. and yeah, he's even part of the special
section.
"Hmm.. Then, I have no choice." Now, my eyes turn to red.
***
STEPHEN LURIS MAIVEN
"C-Ciera.."
Si Ciera ba yung naririnig ko??
"Stephen!!"
"C-C-Ciera.."
Ano bang nangyayari??
"Ciera!" napasigaw ako at naimulat ko na rin ang mga mata ko. Nasaan ba ako?
Napatingin naman ako sa paligid. Parang na isang lumang kwarto ako.
Pero naririnig ko yung boses ni Ciera, parang tinatawag niya ako.
And speaking of Ciera, kinuha siya nung tatlong nakaitim na lalakeng iyon. "Ciera?!
Nasaan ka?" sumigaw ako at pilit na kumawala mula sa pagkakadena ng mga kamay ko sa
dingding.
"Ahhh!!" napasigaw naman ako sa sakit. Napaso ako. Yari pala sa pilak ang mga
kadenang ito.
Ang tanging naaalala ko lang, dinala ako rito ng tatlong nakaitim na lalake at
pinagbubugbog.
Si Ciera, baka may nangyaring masama sa kanya.
Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na lalake. Nanlaki ang mga mata ko
nang mamukhaan ang lalakeng ito.
Ang walang kwenta kong ama. Kung ganun, siya ang may pasimuno ng lahat na ito?
"Ikaw?!" galit na sumbat ko.
"Oo, ako nga. Anak. Kamusta?" nakangiting tugon pa nito sa kin.
Kaasar. May mukha pa siyang magpakita rito para lang kamustahin ako?
"Wala ka ng pakielam! Ano bang kasalanan ko sayo?! Ano bang kasalanan namin ni
Mama?!"
"Wala kayong kasalanan pero ang nakasulat sa propesiya ay itinakdang mangyayari. At
kasama ka dun sa dapat mamatay, Stephen."
"Pero.. si Ciera.. wala siyang kinalaman dito!" sabi ko naman. Walang kinalaman si
Ciera sa lahat ng nangyayaring ito. Kung dapat ako ang mamatay, okay lang basta
huwag lang ang mga mahal ko sa buhay. Ayoko ng maulit pa ang nangyari nuon kay
Gaile.
"I'm sorry but.. I have no choice my son." pagkatapos nun ay naglakad na siya
pabalik sa may pintuan at binuksan ang pinto.
Sa pagbukas naman niya, pumasok na rin yung ibang mga tauhan niya sa loob at
lumapit sa kin.
Tinanggal nila ang mga kadenang nakatali sa kamay ko at nang natanggal na ito, agad
naman nila akong pinosasan.
"Wag kang tumangkang kumawala diyan, yari pa rin yan sa pilak." sabi nung isa at
marahas akong tinulak.
"Lakad na!" sigaw nito.
"Saan niyo ba ako dadalhin?" seryosong sagot ko naman.
Tumingin naman sa kin yun lalake at bago pa man siya makasagot, ginagamit ko na ang
kapangyarihan ko sa kanya. Sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata niya, makokontrol
ko bawat paggalaw at pag-iisip niya.
Tamang-tama, hindi sila gumagamit kahit anong panangga sa kapangyarihan ko.
Pumunta naman kaagad siya sa may likod ko at tinanggal yung posas. Halatang nagulat
ang dalawa pa niyang kasamahan sa ginawa niya.
"Hoy, anong nangyayari sayo?"
"Anong ginagawa mo?" ang mga katagang naibulalas ng dalawang ito.
Pagkatapos ay nakawala na rin ako.
Kaagad kung sinakal ang lalakeng ginamitan ko ng kapangyarihan ko hanggang sa
naging abo.
Naging kulay asul na rin ang mga mata ko.
"T-tayo na pare! Alis na tayo!" natatarantang sabi nung isa sa kasamahan niya na
nagulat dahil sa ginawa ko sa isa pa nilang kasamahan. Pero bago pa man sila
makaalis ay mabilis kong naabutan yung isa at sinakal rin hanggang sa mamatay.
Napalingon naman sa kin yung natitira pa at nanginginig na. "T-teka.. w-wag..."
Tinitigan ko lang siya at ginamit sa kanya ang kapangyarihan ko. "Umalis ka na at
kalimutan mo ang lahat ng nangyari."
Pagkatapos ay tumango lang ito at mabilis na umalis.
Hahanapin ko pa si Ciera.
***
MATTHEW SPENCER
Inilabas ko kaagad ang espada ko galing sa pendant kong creescent moon. Ngayon,
naglalakad ako papalapit kay Luke.
"Luke.. you leave me no choice. Hindi pa naman sana kita papatayin pero you
provoked me." sabi ko naman.
Lumabas na rin ang kapangyarihan niya. May lumabas na espada galing sa kamay niya
na yari sa yelo.
"Nababaliw ka na Matthew. Nababaliw ka na!" galit na sigaw nito sa kin pagkatapos
ay mabilis na sumugod sa kin para tumama ang matulis na espada niya sa kin.
Mabilis akong nakailag at ngayon, nasa likod na niya ako. Nilagay ko sa balikat ko
ang espada ko habang nakahawak rito. "That's a false move, Luke." pagkatapos ay
lumingon ako sa kanya.
Humarap na rin siya sa kin. "Matthew, please, tigilan mo na 'to."
"At bakit ako titigil? Give me one important reason para tumigil ako." I challenged
him.
"Si Lyn! Si Nicole, ang pamilya mo! Akala mo ba mapapasaya mo sila sa ginagawa mo,
Matthew? Pwes, hindi! Parang binabalewala mo ang pagkamatay nila dahil
nagkakaganyan ka!" galit na sumbat nito sa kin.
Wala siyang karapatan na isali sila rito. Hindi niya alam ang mga pinagdadaanan ko
simula nung mawala sila.
Nanlilisik na ang mga mata ko ngayon. "Wala kang karapatan na isali sila rito,
Luke!" sigaw ko naman.
"Oo, wala, Matthew. Pero kung nabubuhay lang sila ngayon, sa tingin mo ba, magiging
masaya sila sa ginagawa mo?! Nagbago ka na. Hindi na ikaw yung Matthew na masayahin
at mabait! Ngayon, galit na ang naghahari sa kalooban mo!"
"Nababaliw ka na Matthew! Wala ka na sa sarili mo!" puno pa nito.
Mabilis akong pumunta sa kanya at kinwelyuhan siya tapos ay isinandal sa pader.
"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko. Wala kang alam sa buhay ko!" galit na sabi ko
sa kanya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya.
"Hmm.. Baliw ka na Matthew. Baliw ka na!" sigaw naman nito sa kin.
Susuntukin ko na sana siya sa mukha pero mabilis siyang nakailag at nakawala mula
sa akin.
Napangiti ako. "I shouldn't have underestimated you, Luke. But, I'm sorry. Wala ka
ng kawala."
Pagkatapos nun ay naging madilim na ang paligid.
***
VIVIEN WALKER
"Ace!!!" napatigil kaming lahat nang pumasok si Yna sa council room.
"Yna? Anong nangyari?" tanong naman ni Ace rito nang makita ang expression ni Yna.
May nangyaring hindi maganda.
"Si Matthew, nandito na sila." sagot naman nito.
"A-ano??" hindi makapaniwalang sabi ni Ace.
"Oo, nandito na siya. Anong gagawin natin?" natatarantang sabi ni Yna sa min.
"Kailangan nating i-evacuate ang mga estudyante. Sige na! I already assigned you
kung saang classrooms kayo." pagkatapos nun ay mabilis kaming nagsialisan sa
council room.
Pero bago pa man ako makaalis, biglang hinawakan ni Yna ang kamay ko. "Yna?"
"Si Luke.. Vivien.. nanganganib ang buhay niya.." nakayukong tugon nito sa kin.
Hinawakan ko naman ang magkabilang balikat niya. "Wag kang mag-alala, Yna.
Hahanapin namin siya." sabi ko sa kanya ar lumabas na sa council room.
*
"Sige na! Bilisan ninyo." sabi ko sa ibang mga estudyante habang inaalalayan silang
umalis mula sa room nila.
Dapat makaalis na sila sa academy bago pa man dumating si Matthew at ang mga
kasamahan nito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakaalis na rin ang lahat ng estudyante. Sinara ko
kaagad pinto at nilock.
"Vivien."
Napatigil ako sa narinig ko. Pamilyar ang boses na yun.
"M-Matthew??" sambit ko nang lumingon ako sa likod. Tama nga ang hinala ko. Si
Matthew ang tumawag sa kin.
Napansin ko naman ang expression ng mukha niya. He was smiling creepily.
"Vivien? What's the matter? Why are you staring at me like that?" he said creepily
at naglakad papalapit sa kin. Napaatras naman ako sa ginagawa niya hanggang sa
napasandal sa pinto ng classroom.
He looked insane.
Parang takam na takam siyang pumatay.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang panga ko ng mahigpit. "M-Matthew! What
are you doing??" natatarantang sabi ko at pilit na kumawala sa kanya. Ngunit walang
nangyari, parang may harang.
"I created a barrier, Vivien. You can't escape from me." sabi nito sa kin while
smiling devilishly.
Pagkatapos ay bigla rin niya akong dinilaan sa leeg ko then he gave a peck on my
neck. "M-Matthew.. A-anong ginagawa mo??" naiiyak kong tugon sa kanya. Hindi ko
magamit ang lakas ko dahil sa harang na ginawa niya.
Tumingin siya sa kin, sa mga mata ko. I could sense the sadness and guilt from what
he feels.
"I could have loved you." sabi nito sa kin.
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang sumulpot si Ethan at kaagad na sinuntok si
Matthew ng malakas kaya napatapon ito ng di-kalayuan.
"Ethan!" tanging naibulalas ko at hindi makapaniwala sa nangyayari.
"Vivien, umalis ka na rito. Tulungan mo yung iba. Nagsisimula ng umatake ang iba
pang kasamahan ni Matthew sa academy. Ako ng bahala rito. Kailangan na nila Ace ang
tulong mo." seryosong tugon ni Ethan sa kin.
"Pero--"
"Oh, not yet." napatingin naman kami kay Matthew nang magsalita siya. Tumayo na
siya at kaagad pinahid ng kamay niya ang dugo mula sa bibig niya dahil sa pagsuntok
ni Ethan. Tapos ay naglakad siya papalapit sa kin.
Hinawakan ng isa niyang kamay ang pisngi ko. Bigla niya akong hinalikan sa noo.
"I love you, my dear sister. I'm so sorry." pagkatapos ay ngumiti siya at tinapik
ako sa balikat. Nagpatuloy agad siya sa paglalakad niya at nilagpasan lang kami.
Naramdaman kong parang totoo na ang ngiti niya.
"Matthew!" sigaw ni Ethan at aakmang sundan si Matthew pero pinigilan ko siya sa
paghawak ko sa braso niya.
"Pabayaan muna natin siya.. Naniniwala akong.. hindi na niya itutuloy ang binabalak
niya para sa academy." sabi ko.
Sana nga Matthew, sana.
***
YNA STEFANIE SCHULTZ
Pagkatapos kong tinutulungang i-evacuate ang mga estudyante, kaagad kong pinuntahan
ang gym ng academy para tignan sina Luke. Sana walang nangyaring masama sa kanya.
Binuksan ko na yung pinto papasok ng gym. Wala ng katao-tao. Nasaan na sila?
Pumasok na ako at napalinga-linga sa paligid pero parang bumagsak ang mundo ko nang
makita ko si Luke, nakahandusay na duguan sa sahig.
"Luke!!" napaiyak at kaagad nilapitan siya.
Nagiging abo na siya.
"Luke.. anong nangyari??" naiiyak kong tanong sa kanya. Dumudugo ang dibdib niya
habang walang malay na nakahiga sa sahig..
Nakaluhod akong nakaharap sa kanya. Lumingon naman siya sa kin saka ngumiti
pagkatapos ay bumangon siya at niyakap ako.
"Yna, patawarin mo ko.. sa lahat ng ginawa ko.. sa pagsasaktan ko sayo.." sabi nito
sa kin at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayap ko sa kanya. Naiiyak na ako.
Halata sa boses ni Luke na nanghihina pa siya.
"Alam kong mali ang ginawa ko pero.. ito lang ang tanging alam kong paraan Yna..
para protektahan ka. Kasi.. mahal na mahal kita. At handa akong isakripisyo ang
sarili ko sayo." humiwalay siya sa kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"I'm so sorry, Yna." he said.
"Luke.." hindi ko na mapigilan ang luha ko. "Please, wag muna.. Mahal na mahal din
kita.."
Wag muna ngayon Luke.. Di ko kaya.
He smiled once again. "I love you too, Yna.." pagkatapos ay hinalikan niya ako sa
mga labi ko.
Pumikit ako hanggang sa...
.. tuluyan na nga siyang nawala at naging abo.
"Luke!!!!" napasigaw ako.
***
[3RD PERSON POINT OF VIEW]
Tahimik na naglalakad si Matthew papalabas g academy. Naikuyom na lang niya ang
kamay niya at huminto sa mga yapak niya.
"Patawarin niyo ako.." tanging naisambit niya at kinuha agad ang cellphone niya sa
bulsa.
"Tumigil na kayo. Tapos na tayo rito. Sa Vampire Headquarters naman." he grinned.
*
"Mrs. Maiven!" napatayo si Mrs. Maiven mula sa pagkakaupo niya. Bigla kasing
natatarantang pumasok sa opisina niya sina Eliza at Herbert.
"Eliza? Herbert? Naparito kayo??" naguguluhan siya sa ikinikilos ng dalawa.
"Sina Ciera at sir Stephen.. nawawala po." sagot naman ni Eliza at bakas sa mukha
nito ang pag-aalala.
"A-ano?" hindi makapaniwalang tugon naman ni Mrs. Maiven. Naguguluhan na siya.
"Basta po.. nang matapos kaming pumunta sa bayan, pagkabalik namin, wala ng tao sa
bahay. Pinuntahan namin ang kwarto ni Ciera at bumungad sa mga paningin namin ang
basag-basag na kagamitan at nakabukas na yung bintana.."
"H-hindi ko kayo maintindihan.." nasapo ni Mrs. Maiven ang noo niya. Hindi na niya
talaga alam kung anong gagawin niya. Masyado ng maraming nangyari. May dapat pa
siyang ayusin sa association tapos.. may ganito?
"Mrs. Penelope Maiven."
Napaangat ni Mrs. Maiven ang ulo niya nang may nagsalita. Napatigil silang lahat.
"You are.. Gerard.. Spencer??"
"Oo. Ako nga po." seryosong tugon nito.
"Anong ginagawa mo rito? You're in the watch list Mr. Spencer! Traydor ka!"
tinaasan ni Mrs. Maiven ang boses niya. Hindi na niya maintindihan ang mga
nangyayari.
"I'm here for peace. Magbibigay lang ako ng babala. Matthew Spencer is already
insane. He planned an ambush for the association."
"W-what??"
________________________________________________
Chapter 53
Vampire Academy
Chapter 53
�W-what? A-anong ibig mong sabihin?� pang-uulit ni Mrs. Maiven sa sinabi ni Gerard
sa kanya. Aatakihin ni Matthew ang Headquarters?
�Papatayin niya kayong lahat kaya kumilos na kayo bago pa mahuli ang lahat.
Mayamaya, darating siya!� puno naman ni Gerard.
Napatigil silang lahat nang biglang yumanig ang opisina ni Mrs. Maiven.
�A-anong nangyayari?� natatarantang tanong ni Eliza sa kanila.
�Nandyan na sila.� Sabat naman ni Gerard.
�Eliza, Herbert! Umalis na kayo rito!� sabi naman ni Mrs. Maiven. Naririnig niyang
may mga ingay na hudyat na may kaguluhan nga.
�Gerard.� Lumingon siya sa lalake at tumango naman ito. Nahula nito ang nais niyang
iparating. Ang tulungan siyang paalisin ng matiwasay ang mga inosenteng kasamahan
niya sa headquarters pati na rin sina Eliza at Herbert.
�Tayo na!� tawag ni Gerard sa mag-asawa at sumunod naman ito sa kanya. Naiwan si
Mrs. Maiven sa opisina niya at pilit na may hinahanap na isang bagay sa mga drawers
niya.
�Nasaan na yung picture?� tanong nito sa sarili.
***
MATTHEW SPENCER
�Mr. L.�
�Matthew Spencer?? Ano na naman ba kailangan mo?� sabi sa kin ni Mr. L sa kabilang
linya nang tinawagan ko sya. Of course, I�ll be attacking our precious Vampire�s
Association Headquarters. And his beloved wife is there too.
�Aatakihin ko pala ang headquarters ng Vampire�s Association na kinabibilangan ng
asawa mo.� I grinned.
�If you know what I meant.� Dagdag ko.
�You�re insane�� di ko na siya pinatapos dahil agad akong nagsalita.
�Yeah, yeah. Yun lang sasabihin ko. Bye.� Pagkatapos ay kaagad kung pinindot ang
end call button ng cell phone ko.
Kararating ko lang sa headquarters and I already ordered my minions to attack the
headquarters.
This will be fun. At pagkatapos ng pag-atake ko sa headquarters?
Pupuntahan ko sina Ciera and then she�ll join my force.
Ang susunod na hakbang? The last but not the least, aatakihin namin ang lugar ng
mga tao.
***
Napatigil sina Gerard sa pagtakbo papaalis ng headquarters nang may humarang sa
kanila na dalawang nakaitim na mga lalake.
�Diyan lang kayo.� Seryosong tugon ni Gerard sa mag-asawa. Ikinuyom niya ang kanang
kamay niya at biglang umilaw. May lumabas na espada.
Kaagad inatake nung isang lalake si Gerard pero mabilis siyang nakailag at tinusok
ang espada sa likod nito, sa may puso. Naging abo na ito.
Inatake na naman siya nung isa pang natitira pero bago pa man siya mahawakan nito
ay mabilis niya itong sinakal at binuhat. Pagkatapos, itinusok niya sa dibdib nito
ang espada niya hanggang sa mawala ito ng parang bula.
Hindi makapaniwala ang mag-asawa sa nakikita nila. Nagsisimula na nga ang
panibagong digmaan.
�Sige na! Umalis na kayo. I�ll warn the others.� Sabi ni Gerard sa kanila at
tumango naman ang dalawa. Tumakbo kaagad sila papalabas ng headquarters at naiwan
si Gerard.
Bibigyan pa niya ng babala ang gobyerno ng mga tao. Pati na rin ang mga nasa
special section ng Spencer Academy. Makakatulong ito sa sitwasyon nila, para
maiwasan ang madugong digmaan na nuon pang pinaplano ni Matthew.
*
�Good evening, Mrs. Penelope Maiven.�
Napatigil si Mrs. Maiven sa paghahalughog niya sa mga drawers niya nang may
nagsalita. Napalingon siya sa likod niya.
And what she expected, si Matthew Spencer nga. Nakatayo habang nakasandal sa pader
at ang dalawang kamay nito ay nasa bulsa. He�s in his dark aura again.
�Ano pa bang ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pa umalis?� puno pa nito habang
nakatingin sa kanya ng direcho. Kitang-kita na puno ng galit at paghihiganti ang
mga mata ni Matthew.
"Ano bang kailangan mo?" naguguluhan na tanong sa kanya ni Mrs. Maiven.
�Well..� umayos si Matthew sa pagkakatayo niya at nagkibit-balikat. Naglakad siya
papalapit kay Mrs. Maiven.
�Papatayin ko lahat ng mga walang silbi na mga miyembro ng Vampire�s Association.�
�You�re crazy! Nababaliw ka na Matthew! Pati kalahi mo ay pinupuna mo!� galit na
sigaw ni Mrs. Maiven dito.
�Of course, ginagago niyo ko e di vice versa. Wag kang mag-alala, hindi lang ang
mga kalahi natin, pati na rin ang mga tao.� He smiled devilishly.
�Bakit mo ba ginagawa ito? Ano bang makukuha mo, ha? Matthew Spencer!� sumbat sa
kanya ni Penelope.
�Hahaha, of course. I�ll be conquering the world. Ako ang mamumuno sa inyong lahat
sa darating na panahon. I�ll be the powerful man all over the universe. HAHAHA!� he
laughed.
�Malala ka na talaga.�
�Hahahaha, hmm.. Oo naman.� Naging mahinahon na si Matthew at umupo sa mesa. �Saka,
ikaw lang naman ang malakas dito sa headquarters, ang mga kasamahan mo, mga
pipitsugi lang kaya madali ko kayong maibabagsak.�
�You wouldn�t dare to do that, Spencer.� Naging pula na ang kulay ng mga mata ni
Mrs. Maiven.
�Yes, I would. Nagawa ko ngang atakihin ang academy eh, ang headquarters mo pa
kaya?� tumayo na si Matthew mula sa pagkakaupo niya.
�All of you were very cruel to my loved ones.� Naging seryoso na ang mukha niya
And his eyes turned to red too.
�Uunahin na kita, Mrs. Penelope Maiven.� Pagkatapos ay naglakad siya papalapit kay
Mrs. Maiven kaya naman napaatras ito.
�You can�t!� sigaw nito. Pilit nitong pumasok sa isipan ni Matthew pero napatawa na
lang ang binata.
�HAHAHAHA! Akala mo ba ganun ako kadaling matalo? Hell no. Hindi na ako yung
Matthew noon na mahinang-mahina at walang magawa para maprotektahan ang mga mahal
niya sa buhay. I�m different now. �Cause I�m the most powerful of all of our
species.� Mabilis na nahawakan ni Matthew ang leeg ni Mrs. Maiven.
�MATTHEW SPENCER!!� biglang napatapon sa pader si Matthew ng malakas nang may
biglang umatake sa tagiliran niya.
�Leon!!� napasigaw si Mrs. Maiven ng makita ang asawa.
�Tamang-tama ang dating mo, Mr. L.� pinahid ng kamay ni Matthew ang dugong lumabas
sa bibig niya at tumayo mula sa pagkakatapon sa pader.
�Baliw ka na talagang lalake ka!� sabi naman ni Mr. L.
�Hahahaha. Parehas lang tayo, Mr. L. Parehas tayong baliw na baliw makuha ang gusto
natin. Diba nga, nagtraydor ka sa mga kalahi natin mismo?� nakangiting tugon ni
Matthew sa kanya while his arms crossed.
�A-anong ibig sabihin nito, Leon?� tila naguguluhan si Mrs. Maiven sa sinasabi ni
Matthew.
�Hmm.. Tell her, Mr. L or I should say, Mr. Leon Maiven. Maski anak nga mo ay
ipinapapatay mo. Diba, kinidnap mo sila?� puno pa ng binata.
�Leon??� hindi pa rin makuha ni Mrs. Maiven ang nais ipahiwatig ni Matthew sa
kanya.
Naging tahimik lang si Mr. L sa mga sinasabi ni Matthew. Oo, nagtraydor siya pero
ang ginagawa niya ay para lamang sa lahat.
�Ano na, Leon Maiven?�
�Hmm.. Patawarin mo ko, Penelope. Pero kailangan kong gawin iyon para sa ikakabuti
ng lahat.� Tinignan ni Mr. L ang asawa at hinawakan ang magkabilang pisngi nito
gamit ang dalawang palad niya.
�Hindi kita maintindihan!� naiiyak na sabi ni Mrs. Maiven sa asawa.
�Talagang hindi mo siya maiintindihan Mrs. Mai��
�Tumahimik ka!� napatigil si Matthew sa pagsigaw ni Mr. L.
Naging pula na rin ang kulay ng mga mata nito.
�Walang kang kwenta, Matthew Spencer! Nababaliw ka na! Ikaw ang dapat mamatay sa
mga kalahi natin!� sumbat ni Mr. L sa kanya.
Tuluyan naa ngang nagdilim ang mukha ni Matthew. �Hmm.. Mali ang kalabanin ako, Mr.
L. Hindi mo ba alam na akong pinakamalakas sa lahat ng Spencers?�
�Wala akong pakiealam. Malala na ang sakit mo, Matthew.�
�Pwes, dapat kayong mamatay!�
Nagulat si Penelope Maiven nang niyakap siya ni Mr. L at may espada ng nakatusok sa
dibdib nito.
�Leon!!�
Napatigil naman si Matthew sa ginawa niya nang sumigaw si Mrs. Maiven. Kaagad
nawala ang espada niyang nakatusok sa dibdib ni Mr. L pero patuloy pa rin ang pag-
agos ng dugo rito.
�Leon..� nakikita niya ngayon ang pagbuhos ng luha ni Mrs. Maiven.
Napaatras na lang siya. Hindi niya aakalain na magagawa niyang patayin si Mr. L ng
ganun kadali. Hindi ito nanlaban, sa halip, mas pinutrektahan nito ang asawa.
�B-bahala na kayo d-diyan..� mabilis siyang naglakad at dumaan sa may bintana ng
opisina ni Mrs. Maiven papaalis ng headquarters.
Hindi niya alam.. Nang makita niya si Mrs. Maiven na umiyak, parang nakunsensya
siya. Parang naalala niya ang sinapit niya nang pinatay ang kapatid niyang si Lynn
sa harapan niya mismo noon.
*
�Leon.. please, gumising ka!� tinapik-tapik ni Mrs. Maiven ang pisngi ng asawa
habang parehas silang nakaupo sa sahig. Wala ng malay ang lalake matapos atakihin
na Matthew para protektahan siya.
�P-Penelope�� biglang tinulak ni Mr. L ang asawa nang nagbagsakan ang mga bato sa
may kisame kaya siya ang natamaan. Guguho na ang headquarters building.
�Leon!!�
�Penelope, umalis ka na! Guguho na ang headquarters ilang minute na lang! Sagipin
mo na yung iba pa..� nagpumilit na tumayo si Mr. L mula sa pagkakabagsak niya.
�S-sagipin mo rin.. si Stephen.. ang anak natin..� dagdag niya sa asawa.
�Pero Leon! Di kita pwedeng iwan dito!�
Tinulak ng malakas ni Mr. L ang asawa nang lumapit ito sa kanya kaya napaupo ito sa
sahig.
�Umalis ka na Penelope! Iligtas mo ang anak natin!�
Wala ng nagawa si Mrs. Maiven at tumayo na lang. Lumabas na lang siya mula sa
malaking bintana ng opisina niya.
�Patawarin niyo ako, mahal na mahal ko kayo pareho ni Stephen.�
Napatingin naman si Mr. L sa sahig. Kinuha niya ang picture nilang tatlo, ng
pinakamamahal niya sa buhay.
Napangiti na lang siya.
*
�Ciera!� nahanap na rin ni Stephen ang kwarto kung saan nila kinulong si Ciera.
Nakita niya ngayong nakaupo sa upuan si Ciera habang nakatali ang nga kamay nito sa
likod gamit ang mga kadenang yari sa pilak.
Napalingon sa kanya ang babae. �Stephen!� halata sa mukha nito na galing pa ito sa
pag-iyak.
�Oops.�
Bago pa man makalapit si Stephen ay sumulpot sa paningin niya si Matthew.
�Wew. Buti naabutan ko pa kayo. Yung mga taga-headquarters kasi sagabal.� Dagdag pa
nito.
�Umalis ka sa harapan ko, Spencer.� Seryosong tugon ni Stephen sa kanya.
�Hey, hey. Wag na. Mayamaya, diseotso na rin si Ciera eh. Diba?� lumingon siya sa
likod at ningitian si Ciera na ngayon, nakagapos pa rin.
�P-paano mo nalaman?� sabi naman ni Ciera.
�Well, ikaw yung nasa propesiya, right? Well, magcountdown na tayo dahil malapit na
rin mag-alasdose. Ten..�
�Nine..�
�Eight..�
�Seven.. Six� Five .. Four..
�Three� Two..�
�One.�
�It�s 12am.� He smiled creepily.
_____________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 54
�12am na, Ciera Sanchez.� Matthew said creepily. Nananatiling nakatayo pa rin si
Stephen habang pinagmamasdan ang dalawa.
�You�re really crazy, Spencer!� paasik na wika ni Stephen sa lalake.
�Maghintay lang kayo, many revelations will be revealed when she turned 18.�
�A-anong ibig mong sabihi��
Napatigil silang lahat nang biglang lumiwanag ng malakas ang suot-suot na pendant
ni Ciera.
May pilit na pumupunta sa isipan ng babae.
Mga alaala tungkol sa buong pagkatao niya pati na rin ang mga alaala ng mga tunay
niyang magulang.
***
*FLASHBACK*
Magnus Spencer � Helena Figueroa
�B-bitawan niyo ako!!� napatigil si Magnus Spencer sa pag-aayos ng mga papeles niya
sa mesa nang biglang dumating ang mga tauhan niyang may bitbit na isang babae. Nasa
sala kasi siya ng mansion niya habang inaayos ang lahat. He is a very busy man.
Siya kasi ang head ng Spencer Family, one of the most powerful and influential
family of vampires aside from the Maivens.
Nasa kanya ang lahat ng responsibilidad bilang pinuno ng mga Spencer.
�Sabing bitawan niyo ko eh!� galit na sigaw nung babae sa mga tauhan ni Magnus
habang hinahawakan ang dalawang braso nito ng mahigpit.
Tao ang babaeng dinadala ngayon ng mga tauhan niya.
�Mahal na kamahalan, nakita po namin siya sa may bakuran po ng mansiyon, may mga
dala siyang armas, at sa tingin po namin, may gagawin po siyang masama. Isa po
siyang tao.�
Maingat na nilapag sa mesa ni Magnus ang hawak-hawak niyang mga folders. �Bitawan
niyo na siya.�
Binitawan naman ng mga tauhan niya ang babae at napaupo ito sa sahig. Makikita sa
expression ng mukha nito ang galit.
�Mga halimaw kayo! Pinatay ninyo ang mga magulang ko! Kaya dapat din sa inyo,
mamatay! Mga walang puso! Mga hayop na bampira!� sumbat sa kanya nung babae.
Aminado si Magnus na may umaatakeng mga bampira sa lugar ng mga tao. Nuong isang
linggo kasi, tinawagan siya ng isang taga-gobyerno ng mga tao tungkol sa nangyari.
Bawal kasi ang may lumabag sa kasunduan ng bawat lahi, ang pakielaman ang buhay ng
isa�t-isa.
May mga siraulo talagang mga bampira kaya ganun ang nangyari. Lahat kasi ng
bampira, sinanay na ang dugo lang ng mga hayop ang iinumin, pero may iba na hindi
nakakapagpigil sa sarili nila.
At siguro, itong babaeng taong kaharap niya, naging biktima ng trahedya.
Nilapitan niya ang kinaroroonan ng babae. Sinapo niya ang pisngi nito. May mga
sugat pati na rin ang kanang braso nito.
Napagtantiyahan din niya, mga nasa 25 ang edad ng babae.
�Dalhin niyo siya sa guest room.� Utos niya sa mga tauhan niya.
�Opo, kamahalan.�
*
Napahinto si Helena sa paghikbi niya nang biglang bumukas ang pinto ng guest room.
Naiiyak siya. Sirang-sira na ang buhay niya nang mawala ang mga magulang niya dahil
sa mga walang pusong bampira. Hindi na niya alam kung anong gagawin niya sa buhay.
She was totally devastated because of what happened.
Kaya nga naisipan niyang pumunta sa sinasabi ng ilan na pugad ng mga bampira at
maghiganti pero pumalya siya. Ngayon, alam na niyang bilang na lang ang mga oras
niya.
Bumungad sa paningin niya ang sinasabing �mahal na kamahalan� ng mga bampirang
dumakip sa kanya. May dala-dala itong tray ng pagkain.
Kapag titignan mo ang lalake sa malayo, napakaseryoso ng aura pero sa malapitan
pala, napakaamo ng mukha.
Nakatalukbong siya ng kumot habang nakaupo sa kama ng guest room at mabilis na
kinuha ang vase sa gilid niya at ibinato sa lalake.
Sakto namang tumama sa ulo nito ang vase.
�Hmm.. k-kulang pa yan sa kababuyan na ginawa ninyo sa pamilya ko!� sigaw niya at
naiiyak.
Napatigil ang lalake nang binato siya ng vase sa ulo ng babae, nasugatan siye pero
agad din namang nawala ang sugat na iyon.
Binalewala na lang niya ang mga akusasyon ng dalaga at nilapitan ito. �Kumain ka
muna, alam kong gutom na gutom ka na. Pasensya na sa lahat ng mga nangyari.�
Nilapag niya sa higaan ang tray at tumayo na nakatalikod sa dalaga.
�B-bakit mo �to ginagawa?� tila naguguluhan si Helena sa inaasal ng lalake sa
kanya. Mabait ito pero diba ang mga bampira ay mga walang pusong mga nilalang na
pumapatay ng mga tao?
�Sorry.. Mamaya ko na lang gagamutin ang mga sugat mo.� Yun lang ang sinabi ng
lalake sa kanya at naglakad na patungo sa may pintuan saka umalis.
Hindi niya maintindihan ang lalake. Mabait ito sa kanya.
*
�Ayon kay Marissa, isang sikat na manghuhula ng mga lahi natin, may nakikita siya,
may magtataksil sa mga kalahi natin.� Panimula nung isang miyembro ng Vampires�
Association sa meeting nila
Kasama kasi si Magnus na isa sa mga pinuno ng Vampires� Association. Gobyerno ng
mga bampira. Kasama rin dito ang malapit na kaibigan niyang si Leon na isang ring
Maiven pati na rin ang nakakatandang kapatid nitong lalake na si Levi, ang
pinakapinuno nilang lahat.
�Paano mo nasabi iyan??� sabat ni Magnus.
�May isa sa atin ang magkakaroon ng ugnayan sa isang tao.. May isang babaeng tao at
isang lalakeng bampira, magkakaanak sila.. At ang anak na iyon ang magiging sanhi
ng pagkawala ng buong lahi natin sa hinaharap.� Puno nito.
Naging maingay ang meeting. Nagsimula agad magbulung-bulungan ang iba.
�Silence!� natahimik ang lahat nang nagsalita si Levi Maiven. Tinignan niya ang
lalakeng miyembro na nagsabi sa kanila tungkol sa propesiya.
�Sa tingin, sino ba ang magtataksil sa mga kalahi natin?� tanong niya rito.
�Sabi ni Marissa, isa sa atin.. Isa sa mga taga-Vampires� Association, ang
magkakaroon ng anak sa isang tao. It will have a forbidden love affair between a
human and a vampire.�
�Hmm.. Kung sino man ang magtataksil sa atin, dapat siyang parusahan, dapat mamatay
ang anak nito pati na rin ang magiging asawa nitong tao para maiwasan ang trahedya
sa hinaharap.� Seryosong tugon ni Levi sa lahat.
*
�Sorry kung medyo natagalan ako, may meeting kasi.� Napaayos ng upo ang babae sa
higaan nang bumisita si Magnus. May dala-dala itong towel at tubig para pampunas.
Hindi na lang siya kumibo. Mugtong-mugto na ang mga mata niya.
Napatingin siya sa lalake ng tumabi ito sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.
Pumikit ito.
May kung anu-anong salitang sinabi ang lalake sa kanya habang nakapikit ito at
nagulat siya nang biglang gumaling ang lahat ng sugat niya.
Inumulat na nung lalake ang mga mata nito saka ngumiti. �Okay na ba ang pakiramdam
mo?� tanong sa kanya nito.
Tumango na lang siya.
Kinuha nito ang towel at binasa, pagkatapos ay hinawakan ang braso niya pinunasan.
Bakit ang bait niya sa kin? Mga katagang naglalaro sa isipan ni Helena.
�Sorry kung ganun ang nangyari sa pamilya mo, ako na ang humihingi ng tawad sa
ginawa ng mga kalahi ko sa inyo.� Sabi pa nito habang pinupunasan siya.
�Kung may magagawa lang sana ako para maibalik pa ang buhay ng pamilya mo.� Puno pa
nito.
Pagkatapos ay humarap ang lalake sa kanya at tinignan siya sa dalawa niyang mga
mata. �Patawarin ninyo kami sa mga nagawa namin.� Sabi nito sa kanya.
Pagkatapos ay tumayo na ito at nagtungo na sa may pintuan pero bago pa man
mahawakan ng lalake ang doorknob ay kaagad nakapagsalita si Helena.
�A-anong pangalan mo?� tanong niya.
Lumingon sa kanya ang lalake saka ngumiti. �Magnus Spencer, ikaw?�
�A-ako si.. H-Helena Figueroa.�
�Hmm.. I�m very sorry Helen, sige, magpahinga ka muna.� Tuluyan na nga siyang
umalis sa guest room.
Siguro, hindi naman lahat ng bampira ay masama. Sabin i Helena sa sarili niya.
*
�Salamat Marissa.� Sabi ni Magnus kay Marissa, isang taong fortune teller at isa
ring malapit na kaibigan niya. Nasa pamamahay niya ito ngayon para ibigay ang
isinulat nitong libro ng propesiya.
�Walang anuman, Magnus. Basta ikaw, alam mong malaki ang utang na loob ko sayo.�
Sagot naman ni Marissa sa kanya. Mga nasa mid-40�s na rin ang edad nito.
�Sige, kung kailangan mo ng tulong, alam mo kung saan mo ko hahanapin. Aalis na
ako.�
�Sige, mag-ingat ka.� Ningitian lang ni Marissa si Magnus saka umalis na sa mansion
nito.
Bumuntong hininga si Magnus saka umupo sa sofa sa may sala nito. Nasa kanya na ang
libro ng propesiya, ang libro kung saan isinulat ang lahat na magiging kapalaran ng
mga lahi ng mga bampira.
Namumublema siya. Maraming mga inosenteng mga bampira ang masasali pag nagkaganun.
Ang nakakabatang kapatid niya na babae, si Kendra. Kahit may pamilya na ito, naging
malapit sila sa isa�t-isa na magkapatid.
Mahal na mahal niya ang kapatid niya at ayaw niyang mapahamak ito sa mga
mangyayari.
Nasapo na lang ni Magnus ang noo niya.
*
Bumangon si Helena mula sa pagkakahiga niya sa kama. Tumayo siya sinubukang buksan
ang pinto, hindi ito lock. Kaya naman madali siyang nakaalis sa loob.
Napalakad-lakad siya. Napakalaki ng mansion ng lalake.
Hanggang sa mapadpad siya sa sala kung saan niya nakikita ngayon ang lalakeng
nagpakilala sa kanya na si Magnus. Problemadong-problemado ito, kumbaga parang
binagsakan ng mundo.
Nakita rin naman niya na malapit lang din ang kusina nito kaya pumunta siya doon.
Baka pwede siyang makapagtimpla ng kape. Kahit papaano, siguro makakabawi siya sa
ginawa sa kanya ni Magnus pag binigyan niya ito ng kape.
Nakukunsensya kasi siya, ang salba-salbahe niya tapos napakabait pa rin sa kanya
nung lalake.
*
�Coffee?� napatingala si Magnus sa nagsalita. Si Helena. Napansin niyang okay na
ang kondisyon nito.
Napangiti siya at tinanggap ang kape. �Thanks.�
Tumabi naman sa kanya si Helena. There was silence.
�S-salamat pala.� Si Helena na ang unang nagsalita.
�You�re welcome.� Sabat naman ni Magnus.
Napabuntong hininga naman si Helena, �Mahirap sa kin.. ang pagkawala ng mga
magulang ko.. Na wala man lang akong nagawa para protektahan sila.. Kaya nga ako
nagsisikap sa buhay nun para guminhawa ang buhay namin pero malalaman ko na lang
na.. pinatay sila ng mga walang modong mga bampira..�
Hindi naman kumibo si Magnus, nakikinig lang siya.
�Kaya malaking dagok sa buhay ko nang mangyari iyon.. Wala na kong ibang naisip
kundi ang maghiganti.. kasi sa tingin ko, yun na lang ang paraan para hindi
masayang ang pagkamatay ng mga magulang ko.�
�Mga walang puso ang mga bampira, mga nilalang na takam na takam patayin kaming mga
taong walang kalaban-laban, mga halimaw sila��
Napatingin naman si Magnus kay Helena sa sinabi nito. May galit na namumuo sa mga
mata ng babae.
�Pero.. di ko alam.. ang bait mo.. iba ka.. Kahit nakapasalbahe ko sayo, mabait ka
pa rin.. Inaalagaan mo ko.. Siguro.. mali lang ang pagkakilanlan ko sa inyo.. may
iba pa rin na mga mababait..�
Napangiti naman si Magnus. �Sorry kung ganun ang nangyari.� mga katagang tanging
nasabi niya.
Ngumiti rin naman si Helena sa kanya. �Hmm.. Ikaw ba? Alamkong may pinagdadaanan
ka..�
*
At doon nga nagsimula ang lahat. Naging malapit sina Magnus at Helena sa isa�t-isa.
Hindi aakalain ni Magnus na mahuhulog ang loob niya sa babaeng tao.. na kahit alam
niyang bawal, hindi niya maiwasan na mahalin ito.. Gayon rin naman si Helena.
Sa di inaasahan, nagbunga rin ang pagmamahalan nila.
*
�Alam ko Leon, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko nito.. kasi kabigan kita.�
Panimula ni Magnus sa kaibigang si Leon Maiven. Nakipagkita kasi siya rito,
privately.
�Ano yon?� tanong ni Leon sa kanya.
�Alam mong noon pa.. na may kinakasama ako.. tao, diba?�
Tumango naman ito.
�Hmm.. Buntis si Helena.�
Napatigil naman si Leon sa narinig niya at napaisip. �Yung propesiya..�
�Hmm.. Hindi ko alam.. kung totoo nga pero hangga�t maari, ayokong mapahamak ang
mag-ina ko. Maaasahan ba kita rito?�
Naging tahimik lang si Leon at tumango na lang.
*
�Sinabi ni Terry, isang kasamahang manghuhula ni Marissa, nagsimula na raw ang
propesiya. Winala kasi ni Marissa ang libro.� Sabi nung isang miyembro ng Vampires�
Association.
Nasa kalagitnaan kasi sila ng meeting.
�Anong ibig mong sabihin?� tanong ni Levi, ang head ng VA.
�May isa sa atin.. ang nagtataksil.. Isa sa atin ang may kinakasamang tao.. na
mahigpit na ipinagbabawal sa mga kalahi natin.� Puno nito.
�Hmm� Kung ganun, ipapaimbestiga ko lahat ng miyembro ng Vampires� Association.. At
ang kung sino man ang malalaman kong nagtataksil, walang dalawang pag-iisip,
ipapapatay ko.� Seryosong tugon ni Levi sa kanila.
Tahimik lang nakikinig si Magnus sa usapan, nanganganib sila, ng mag-ina niya.
�Walang tututol sa plano ko?� tanong ni Levi sa lahat.
�Wala.�
�Hindi ako tututol kasi wala naman akong ginagawang masama..� sagot naman ng ilan.
�O, sige. Hanggang dito muna tayo, we�re dismissed.�
Nagsialisan na nga ang lahat maliban na lang kina Leon at Levi.
Umalis na rin kaagad si Magnus, kailangan niyang pagsabihan ang mag-ina niya.
�Leon..�
�Kuya?� lumapit si Leon nang tinawag siya ni Levi.
�Wala ka bang napapansin na kakaiba sa mga kasamahan natin? Baka sakaling
napapansin mo na may nagtataksil sa kanila..� sabi naman nito.
�Hmm.. W-wala naaman siguro..� sagot na lang niya. Si Magnus lang ang tanging
naiisip niya.. pero ayaw din naman niyang mapahamak ang kaibigan.
�Ganun ba? Hmm.. Sana wala sa atin ang nagtataksil.. Nalulungkot ako kung meron
man.. Maraming mga inosenteng bampira ang mamamatay kung magkakatotoo sa lahat..
May mga pamilya tayo.. Sige, una na ako sayo, Leon.�
�K-kuya.. m-may dapat kang malaman..�
Bubuksan na sana ni Levi ang pinto pero napatigil siya nang magsalita si Leon.
�Si.. Magnus Spencer.. May tinatago siya..� dagdag ni Leon.
*
�Helena!� tinawag kaagad ni Magnus ang asawa ng dumating siya sa bahay.
�Magnus??� sumulpot naman kaagad si Helena nang sinambit ni Magnus ang pangalan
niya. Malaki na rin ang tiyan niya at ilang araw na lang ay pwede na siyang
manganak.
Niyakap kaagad ni Magnus si Helena. �Patawarin mo ko.. pero kailangan na nating
umalis dito.� Sabi niya habang hawak ang magkabilang pisngi ni Helen.
�A-anong ibig mong sabihin?� naguguluhan ang babae.
�Alam na nila.. Nanganganib tayo rito kung magtatagal tayo.� Seryosong tugon ni
Magnus at marahang tumango si Helen. Nakuha niya ang nais ipahiwatig ni Magnus sa
kanya. Kinuha rin ni Magnus ang libro ng propesiya sa mesa.
Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni Helen at nagsimula ng maglakad. Wala na
siyang naisip na paraan, pupuntahan niya ang kinaroroonan ni Marissa. Ito lang ang
tanging makakatulong sa kanila.
*
�Magnus? Naparito kayo.� Naguluhan si Marissa nang dumating sa pamamahay niya sina
Magnus at Helen. Oo, alam niyang may relasyon ang dalawa. Malapit kasi siya sa mag-
asawa.
�Marissa, alam kong ikaw lang ang makakatulong sa min.. Alam na nila.� Sabi naman
ni Magnus sa kanya.
�Sige, pumasok kayo..� sabi naman niya sa dalawa at pumasok na nga ito.
�Magnus.. Marissa�.� Tawag ni Helen sa dalawa.
�M-manganganak na yata ako..�
*
�B-babae.. Babae anak niyo..� sabi ni Marissa nang tinulangan niyang manganak si
Helen. Nasa bahay lang niya sila at siya na nagpaanak sa babae.
Kahit pawisan at puno ng dugo at hita ni Helen, napangiti siya nang makita ang anak
niya. Katabi naman nito ang asawa niyang si Magnus habang hinahaplos ang buhok
niya.
�Anong gusto niyong ipangalan niyo sa kanya?� nakangiting tinanong naman ni Marissa
ang dalawa.
�C.. Ciera.. Siya si.. Ciera.. Spencer..� sagot ni Magnus habang tinitignan ang
asawa.
�MAGNUS! LUMABAS KA! ALAM KONG NAGTATAGO KAYO DIYAN! LUMABAS KA NA! MGA TAKSIL!�
Nahinto sila sa pagsasaya nila nang may sumigaw. Natunton na nga sila ng mga taga
Vampires� Association. Alam na ng mga ito na sila ang nagtataksil.
�S-sino yun??� natatarantang tanong ni Marissa habang karga-karga ang bata.
Tinanggal naman ni Magnus ang suot niyang pendant at ipinasuot sa bagong silang na
anak niya.
�Umalis na kayo, Marissa. Hindi kayo pwedeng magtagal nina Helen dito. Nahanap na
nila tayo. Papatayin tayo.� Seryosong tugon ni Magnus sa kanila.
�P-pero Magnus.. paano ka��
Hindi na pinatapos ni Magnus si Helen. �Sige, umalis na kayo.�
Nilapitan ni Magnus ang anak niyang karga-karga ni Marissa saka hinalikan ang noo
nito, �Mahal na mahal kita, anak.. Ciera.�
"Marissa, dalhin mo 'to." puno niya saka ibinigay kay Marissa ang libro.
�Sige na Helen, Marissa, umalis na kayo!�
Tumango naman ang dalawa. Kahit medyo masakit pa ang katawan ni Helen dahil sa
panganganak, pinilit pa rin niyang tumayo.
�Mahal na mahal kita Magnus.� Sabi niya sa asawa bago sila umalis.
�Mahal din kita, Helen. Sige na. Ako ng bahala.�
Umalis na nga ang dalawa at doon dumaan sa likod ng bahay.
*
Lumabas na si Magnus sa bahay ni Marissa. Bumungad sa harapan niya ang maraming
taga- Vampires� Association.
�Nandito na ako, Levi. Ako lang naman ang kailangan niyo, diba??� sabi naman ni
Magnus sa kanila.
�Taksil ka, Magnus! Paano mo nagawa ito sa mga kalahi natin?� sumabat naman si
Levi.
Napayuko na lang si Magnus. Hindi naman niya kasalanan kung mapaibig siya sa isang
tao.
�Kung hindi pa ako sinabihan ng kapatid ko.. hindi namin malalaman ang lahat ng
kalokohan na ginagawa mo sa min!� galit na sumbat nito sa kanya.
�Leon??� napatingin si Magnus sa kaibigan, kay Leon. Nakayuko rin ito. Si Leon ang
nagsabi sa kanila?
Pero, kaibigan niya ito.. Matalik na kaibigan! Nangako rin ito sa kanya na hindi
nito sasabihin ang nalalaman tungkol sa buhay niya.
�Dakpin siya!� sigaw ni Levi at sabay turo sa kanya.
Bago pa man makakilos si Magnus ay may nakahawak na sa dalawang braso niya.
�Dapat kang parusahan Magnus.. You betrayed us.� Puno pa ni Levi.
�M-Magnus!!�
Napatigil silang lahat nang may sumigaw, si Helen.
�Ikaw, ikaw ang naging sanhi ng lahat ng ito!� biglang umilaw ang kamay ni Levi at
lumitaw ang isang espada. Mabilis na tinira ni Levi ang espada kay Helen at
natamaan ito sa may puso.
�Helen!!!� napasigaw si Magnus sa nangyari. Kaagad binawian ng buhay si Helen.
�Yan ang mangyayari sa mga taksil, Magnus.� Sabi naman ni Levi.
�AHHHHHHHH!!!!� tuluyan na ngang nagwala si Magnus. Pinatay nila si Helen.
Bakit ganun? Ano bang masama kung magmahal siya sa isang tao?
Malakas si Magnus. Siya kasi ang pinakamalakas sa mga Spencers kaya may napatay
siyang mga kasamahan niya sa Association.
Pero mabilis si Levi. Nahawakan niya kaagad ang leeg ni Magnus.
�Dapat kang mamatay!� galit na sigaw ni Levi sa kanya mabilis na tinusok ni Levi
ang espada niya sa dibdib ni Magnus.
Pero nagulat si Levi nang biglang may tumusok na espada rin sa dibdib niya.
Nabitawan niya si Magnus, parehas silang ngayon nagiging abo.
�Omnia, qu� acciderant inter Spencers et Maivens, erit recordatio cum conversus
XVIII. Donec tandem per eos omnia quae passi sumus ut nos justitia..�
[Translation: All the things that happened between the Spencers and the Maivens,
will be remembered when you turn eighteen. All the things that we suffered by their
hands until finally, we will get our justice.]
Ang mga huling katagang sinabi ni Magnus hanggang tuluyan na rin siyang naging abo.
*
Pumasok din sa isipan ni Ciera na ang mga Maiven din ang naging sanhi ng unang
digmaan. Ang pagkamatay ni Kendra Spencer, ang pagkaubos ng mga pamilya nila
hanggang si Matthew na lang ang natira.
Sa mga alaalang pumasok sa isipan niya, isa lang ang ibig sabihin..
Mga masasama ang mga Maiven.
***
�Ano na Ciera??� tinanong kaagad siya ni Matthew matapos niyang maalala ang lahat.
�Ciera.. Wag kang maniwala sa pinagsasabi ng baliw na yan.� sumabat naman si
Stephen.
Lalapitan sana ni Stephen si Ciera pero bigla itong sumigaw.
�WAG NA WAG KANG LALAPIT SA KIN!� nagulat si Stephen sa sinabi nito. Naging pula na
rin ang mga kulay ng mga mata ni Ciera. Nawawala na naman ito sa sarili niya gaya
nung naging bampira ito.
Pinilit ni Ciera na kumawala mula sa pagkakatali ng kadena sa mga kamay niya at
nakawala na nga siya.
�Sumama ka sa kin, Ciera.� Inabot naman ni Matthew ang kamay niya rito.
Inabot din naman ni Ciera ang kamay niya kay Matthew.
�C-Ciera, hindi!� sabi ni Stephen sa kanila.
�Hmm.. Hahahaha! Hanggang sa muli, Luris.�
Pagkatapos ay mabilis silang dalawa nawala sa kwarto.
Tuluyan na ngang pumanig si Ciera kay Matthew.
________________________________________
Vampire Academy
Chapter 55
�Stephen!� sigaw ni Mrs. Maiven nang makita na rin ang kinaroroonan ng anak.
Saktong pagdating niya, nawala agad sina Ciera at Matthew.
At ayon nga sa sinabi ng asawa niya si Leon, nandito nga ang dalawa. Madali lang
siya nakapasok sa building dahil wala namang nagbabantay at ang tanging nakita lang
niya ay mga abo na halatang pinatay ang mga ibang bantay nila.
Nilapitan kaagad ni Mrs. Maiven si Stephen.
�Ma..� sambit niya at napaluhod. �Hindi ko siya naligtas..�
�Anak.. Patawarin mo ko.� Kaagad niyakap ni Mrs. Maiven ang anak.
***
�Feel at home.� Nakangiting tugon ni Matthew nang dumating na sila ni Ciera sa
bahay niya.
�Hindi ko aakakalain, dahil sa mga Maiven kaya nagkakagulo ang bawat lahi natin
ngayon.� sabi naman ni Ciera.
�Well, at least, alam mo na rin ang buong katotohanan, Ciera. We, the Spencers,
suffered enough from those happenings.� Pagkatapos ay umupo na rin sa Matthew sa
sofa ng sala nila.
�Hmm.. Kailangan kong makuha ang hustisya ng pagkamatay nina Papa. Ayokong mapunta
sa wala ang pagkamatay nila. Kaya gagawin ko ang lahat na gustong ipagawa sa kin ni
Papa para sa kanila. Kahit ano pang kapalit basta maipaghiganti ko lang sila.�
Matthew grinned at what he heard from Ciera. Nasa kanya na nga ang alas ng plano
niya.
�Even if you�ll kill an innocent life, Ciera? Mapatao man o mapabampira?�
Tumango naman si Ciera. �Yes, as long as I fulfill my father�s request to me.�
�Siguro, sa pamamagitan na lang dito, hindi masasawalang bahala ang pagkamatay
nilang dalawa ni Mama.. pati na rin ang lahat ng mga Spencers.�
Bigla namang tumayo si Mattthew mula sa pagkakaupo niya, �Then.. the first step to
do is to trigger the humans, their government.. By that, magagalit ang mga taga-
gobyerno ng mga tao sa mga kalahi natin and it�ll create a chaos between our two
races.. There will be another war, Ciera.. Papayag ka ba dun?�
�Oo.. Para kina Papa, gagawin ko ang lahat.�
�Good. Then, we�re a team. For the Spencers.� He devilishly smiled.
�Pero bago iyon, Ciera. Kailangan muna nating maghanda.� Dagdag niya.
***
�Sampung katao ang patay kaninang madaling araw, kahina-hinalang ang mga marking
natagpuan sa mga leeg nito..� Mga salitang nakalagay sa newspaper na binabasa
ngayon nina Mrs. Maiven.
Nasa meeting sila ng Association kasama ang mga estudyante ng Special Section ng
Spencer Academy.
Mahigit tatlong araw na rin mula nung engkwentro nila ni Matthew at ang pagsagip ni
Mrs. Maiven kay Stephen mula sa pagkakakidnap nina Ciera.
And these past few days, violence became rampant at ang pinaghihinalaan na gumagawa
nito ay sina Matthew.
�Mamaya, makikipagkita sa tin si Mr. Reyes at malamang dahil ito sa mga
nangyayari.� Panimula ni Mrs. Maiven sa lahat.
�Isa lang naman ang gagawa nito, sina Matthew.� sumabat naman si Ace.
�Oo, at sa kasawiang palad, pumanig na rin si Ciera sa kanila. Wala na silang
sinasanto.� Dagdag naman ni Yna na halata sa boses nito na malungkot.
�Hmm.. Kung ganon, wala na tayong ibang magagawa kundi ang kalabanin din sila..
kahit naging malapit sila sa tin.� Napatingin naman lahat kay Stephen sa sinabi
niya.
�Sigurado ka ba sa gagawin mo Maiven? Ciera�s involved here.� Sabi naman ni Yna.
�Oo.� Sagot naman niya at bumuntong hininga. �Hindi ko siya, nailigtas. Ako ang may
kasalanan. At kung ito ang magiging paraan para magkaroon ng kapayapaan ng bawat
lahi natin, gagawin ko.� Seryosong tugon ni Stephen sa lahat.
"Kahit may pinagsamahan tayo sa kanila, dapat na rin natin silang harapin.
Nababaliw na sila, hindi na nila alam kung ano ang ginagawa nila.� Puno niya.
�Kaya, makikipagtulungan tayo sa gobyerno ng mga tao, sasabihin natin sa kanila na
we�re here for peace. Tutulungan natin silang sugpuin sina Matthew, alang-alang mga
lahi natin, ang lahi ng mga bampira at ang lahi ng mga tao.� He said with a tone of
authority.
Marahan namang tumango ang lahat na sumasang-ayon sa mga sinasabi ni Stephen.
�Sasali din ako.�
Napatigil silang lahat nang may nagsalita.
�Gerard Spencer?� sabi ni Stephen at halatang naguguluhan sa presensya ni Gerard.
Kakampi ito ni Matthew.
�A-anong ginagawa mo rito? Kakampi ka ni Matthew!� sumbat niya rito.
Itinaas naman ni Matthew ang dalawang kamay niya at nagsalita. �I�m here to help.
Baliw na si Matthew. Hindi na niya alam ang pinaggagagawa niya.�
�At paano mo naman kami matutulungan?� sabi naman si Ace.
�Pinsan ako ni Matthew, alam ko kung saan sila ngayon nagtatago, mga pasikut-sikot
ng iba niyang mga plano.� Sagot naman ni Gerard sa kanya.
Biglang namang lumapit si Stephen sa kanya at kinwelyuhan siya. �How can we assure
that you�re not sabotaging us? Baka patibong niyo lang ito. Minsan niyo ng ginulo
ang academy.�
�Stephen, stop. He�s here for good.� Kaagad pumagitna sa dalawa si Mrs. Maiven.
�Minsan na niya akong tinulungan, dun sa headquarters, he warned me. So, I bet we
can trust him.� .
�And why we should do that?� tanong naman ni Stephen.
�Because I�m only one who know how to stop his plan.� Seryosong tugon ni Gerard sa
lahat.
***
�Anak, sigurado ka bang kaya mo? Ang sumpa mo.. Nagiging mahina ka na.. Ayokong
mahirapan ka.� Pag-aalalang sabi ni Mrs. Maiven sa anak na si Stephen matapos ang
meeting. Sila na lang ang naiwan.
�Oo, Ma.. Kailangan.. Ako ang may kagagawan kung bakit ganito kagalit si Matthew,
nasali rin si Ciera.. Siguro, ito ang magiging kapalaran ko, ang mamatay.. pero
bago iyon, sisiguraduhing kong magiging mapayapa na rin ang lahat��
�.. kahit si Ciera pa ang magiging kalaban ko..� sagot ni Stephen habang nakatingin
ng direcho sa mga mata ni Mrs. Maiven.
***
Nagkaroon ng meeting sa panig nina Mrs. Maiven at ni Mr. Reyes. Sinabi rin ni
Gerard kung saan matatagpuan ang lungga nina Matthew at makikipagtulungan silang
ayusin ang lahat ng gusot na ginawa ng dalawa. Sinabi rin ni Gerard ang lahat ng
nalalaman niya sa plano ni Gerard pati na rin ang pagdadaos nito ng digmaan sa
magkabilang panig.
Kinabukasan kaagad, pinuntahan nila ito kasama si Gerard.
"Sigurado ka bang nandito sila?� tanong nung isang SWAT member kay Gerard nang
dumating na sila sa bahay nina Matthew. Napapansin kasi nila, ang tahimik lang.
Napapagiliran na rin ng iba pang SWAT member ang buong paligid dala-dala ang
makabagong armas nila.
�Oo, dito sila tumitira.�
Sinipa nung isang SWAT member ang pinto ng bahay at kaagad naman itong nabuksan.
Sumenyas agad siya sa iba para pumasok.
Pumasok na nga silang lahat sa loob at pinaligiran ang buong lugar pati na rin ang
second floor. Tinignan nila ang lahat ng kwarto pero maski anino, wala silang
nakitang Matthew Spencer at Ciera Sanchez.
�Wala, walang katao-tao ang loob.� Sabi nung isa.
�Ano?!� halatang nagulat si Gerard sa sinabi nito. �P-paano nangyari iyon?�
�Wala akong sinabihan na pupuntahan natin sila rito.. Saka, sigurado naman akong
dito sila nagstestay. Kakausap ko lang kay Matthew nung isang araw.� Dagdag niya.
�Hindi pwedeng nalaman niya na dadating tayo ngayon!�
�Wala talaga. Wala akong nakita maski anino niya.� Sabi naman nung isa pa.
�Halughugin niyo lahat ng parte ng bahay.� Utos niya.
�Imposibleng nakawala sila. Walang nagsabi na dadating tayo para hulihin sila.
Walang kaalam-alam si Matthew, tungkol dito.�
Hinalughog nila ang buong paligid. Pero hindi nga nila nakita ang dalawa.
�Hindi maaari ito..� sambit ni Gerard sa sarili.
***
�Alam kong magtratraydor talaga sa tin si Gerard.� Sabi ni Matthew kay Ciera na
katabi niya ngayong umuupo sa passenger�s seat ng kotse niya habang yung
nagmamaneho naman ay tauhan niya.
�Hmm.. Isa pa naman siyang Spencer.� Sabi rin naman ni Ciera.
�Hahahaha, okay lang. At least, we have Elle. Buti na lang talagang sinabihan niya
ako. And I think she�s on our side. Kumbaga dahil sa kanya, may espiya tayo sa
pinaggagagawa ng kabilang panig.� He added.
�Hmm..� napangiti na lang si Ciera sa sinabi nito.
�And yeah, the first step of our plan is a success. Dahil sa mga pinatay nating mga
tao, we triggered them.�
*FLASHBACK*
�O, Elle, buti nakapag-isip-isip ka na.� panimula ni Matthew kay Elle nang
nakikipagkita ito sa kanya sa restaurant. Hindi niya kasi aakalain na tatawag ito
para lang makikipagkita sa kanya. At natitiyak niya, papanig ito sa kanila ni
Ciera.
Nakayuko lang si Elle at sumagot. �Hmm.. Sinabi ni Gerard sa min, pati na rin ang
gobyerno ng mga tao.. lahat ng nalalaman niya tungkol sa mga plano mo, ang digmaan,
ang pagpaslang mo sa iba pang mga tao..�
�So??�
�Matthew, pupunta nila kayo bukas sa bahay ninyo para hulihin kayo.� Then she
stared at him.
Kinuha naman ni Matthew yung kape na inorder nila at ininom. �At bakit mo sinasabi
yan sa kin??�
�Kung ganun pala ay pumapayag ka ng kumampi sa min?� dagdag niya.
Tumango naman si Elle. �Hmm.. Kung hindi ko makukuha si Stephen, siguro.. ito na
lang ang dapat kong gawin.. Masyado na akong nasasaktan sa nangyayari.�
�Good. Don�t worry Elle, your sacrifices will not be in vain.� He creepily grinned.
*END OF FLASHBACK*
�Tatawagan ko mamaya si Luris, makikipagkita ako sa kanya, uunahin ko na siya. And
Ciera, samahan mo ang iba nating mga tauhang umatake sa bayan.� Seryosong sabi ni
Matthew rito.
�Lilibangin ko si Luris hanggang sa patayin ko siya. Pagkatapos, pupunta rin ako sa
ibang lugar para umatake.�
Tumango naman si Ciera para sumaang-ayon.
�Sapat na ang lakas ng mga tauhan natin para talunin ang lahat. They never knew
that we really prepared for this. Papatayin natin ang mga sagabal and together
we�ll create a new world.� He devilishly smiled.
�Wala silang kaalam-alam, habang nagpapakaabala sila sa paghahanap sa tin, tayo
naman ay sinisimulan na ang digmaan.. And this is exciting.�
�Mamaya na magsisimula ang lahat ng plano natin.� Lumingon siya kay Ciera.
�Ang madugong digmaan.. sa pagitan ng mga tao at ng mga bampira.�
***
Nasa bahay ngayon si Stephen, nagbibihis. Mamaya kasi, may meeting sila ni Mr.
Reyes.
Binutones kaagad ni Stephen ang puting polo niya.
Napatigil naman siya nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa kama.
Kinuha niya ito at tinignan.
1 message received.
From: Unknown Sender
Pumunta ka sa may lumang building, makikipagkita ako sayo.
--Matthew
____________________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 56
�Gerard, napatawag ka? Nahuli niyo na ba sina Matthew?� tinanong kaagad ni Mrs.
Maiven si Gerard nang tumawag ito sa cellphone niya. Nandito ngayon siya sa kwarto
ng bahay niya, may inaayos siyang mga papeles para sa Vampire�s Association.
�Mrs. Maiven, nakatakas po sina Matthew.� Sagot naman nito sa kabilang linya.
�A-ano? Paanong nangyari iyon?� gulat na gulat siya sa sagot nito.
�Hindi ko alam kung bakit sila nakatakas at mukhang may nagsabi sa kanila na
darating tayo duon. Ang tanging naiwan lang ay yung libro ng propesiya.�
�Libro ng propesiya?� Oo. May narinig na siya tungkol sa libro pero ang pagkakaalam
niya, na kay Magnus Spencer iyon, ang ama ni Ciera.
�Oo, ang librong isinulat ni Marissa, isang fortune teller na naging malapit na
kaibigan ni Uncle Magnus.�
�Paano yan? Malamang may gagawin na masami sina Matthew. O, sige, sasabihan ko si
Stephen. Maghahanda tayo. Alam kong may gagawing masama si Matthew sa atin kasi
alam niyang pupuntahan natin siya duon. Tatawagan na lang kita ulit mamaya, Gerard.
Bye.� Pagkatapos ay ibinaba na ni Mrs. Maiven ang kabilang linya.
Kaagad siyang lumabas mula sa kwarto niya para pagsabihan si Stephen. Dapat silang
maghanda kasi alam niyang kahit anong oras, aatake si Matthew. Gaya nung ginawa
nito sa Headquarters ng Association.. At ang pagkamatay ng asawa niyang si Leon.
Kinatok ng tatlong beses ni Mrs. Maiven ang pinto ng kwarto ni Stephen. �Anak,
nandiyan ka ba?�
�Stephen?� kumatok ulit siya.
Pero kahit anong gawin niya, wala pa ring nagsasalita kaya naman siya na lang mismo
ang nagbukas ng pinto ng kwarto nito mismo.
�Stephen??� napalinga-linga siya sa buong paligid pero maski anino ni Stephen ay
wala siya ng nakita. Wala ito sa kwarto niya. Pero paano? Hindi niya itong
napansing lumabas sa bahay.
�Huh?� napatingin naman siya sa cellphone na nakita niya sa kama ni Stephen. Kinuha
niya kaagad ito.
From: Unknown Sender
Pumunta ka sa may lumang building, makikipagkita ako sayo.
--Matthew
�Matthew Spencer..� agad naman siyang napatingin sa may bintana ng kwarto ng anak
niya. Bukas ito. Tama ang hinala niyang doon dumaan si Stephen.
�Hindi maaari..� tumalikod na siya. Hahawakan na sana niya ang doorknob ng pinto
nang mapatingin siya sa gilid. Ang white rose sa jar. Marami ng nalagas na mga
petals ng bulaklak dito.
Nilapitan naman kaagad ito ni Mrs. Maiven at kinuha. �Anak..�
Masama ang kutob niya.
Malapit ng mawala ang anak niya.
***
Nakangiting pumasok si Ciera sa public market ng bayan. Tamang-tama ang lugar.
Maraming tao at ibig sabihin, marami silang mapapatay.
Si Matthew kasi, makikipagkita pa kay Stephen.
At wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyari rito. Ang sa kanya lang,
magagawa niya ang hinihiling o gusto ng mga yumao niyang mga magulang. Masasama ang
mga Maiven at pati ang mga tao na naging sanhi nung unang digmaan sa pagitan ng
dalawang lahi nila at ang pagkaubos ng mga Spencers.
At sa pamamagitan ng gagawin niya, makakabawi siya sa mga pagkukulang niya sa
pamilya niya.
�Ah, ineng, bibili ka ba ng sariwang isda?� may isang matandang ale ang lumapit sa
kanya at kinausap siya. Natantiyahan niyang nasa 70's na ang edad nito. Ang baho-
baho pa at parang wala pang ligo.
She just devilishly smiled.
�No, thanks.� Pagkatapos ay bigla niyang sinakal ang matanda.
Napatigil naman ang lahat ng tao sa ginawa niya rito.
�Ahhh.. a-ano..g-g-ina-ggawa..� nahihirapan ng huminga ang kawawang matanda.
�HOY! ANONG GINAGAWA MO?!� biglang may sumigaw na isang lalake.
�SIGE! LUMAPIT KAYO! HAHAHAHA! MAMAMATAY DIN NAMAN KAYO EH!� sigaw niya at kaagad
kinagat ang matandang ale sa leeg nito at sinisip ang dugo. Mabilis na binawian ng
buhay ang matanda.
Binitawan agad ni Ciera ang matanda at pinahid ang natitirang dugo sa mga labi niya
gamit ang kamay niya.
�Sige, atakihin niyo na sila.� Utos niya sa mga tauhang nagtatago lang sa tabi-tabi
ng palengke.
Mabilis na lumabas ito at nagpakita sa mga tao at walang awang pinagpapapatay.
Tapos na ang trabaho niya rito, next stop, sa kabilang bayan na naman.
***
�Akala ko hindi ka na darating.� Napaayos ng tayo si Matthew mula sa pagkakasandal
niya pader nang dumating na si Stephen. Nakikipagkita kasi siya rito sa may lumang
building. At ngayon, silang dalawa lang ang nandoon.
�Ano bang kailangan mo? Bakit mo ba �to ginagawa?� sabi naman ni Stephen sa kanya
habang nakakuyom ang dalawa nitong mga kamay.
�Well, for revenge, for salvation. Gusto kong maging maayos ang lahat, gusto kong
maghiganti dahil sa pagbababoy niyo sa pamilya ko. Aayusin ko ang lahat ng ito pero
bago iyon, kailangan munang mawala ang mga bampirang walang silbi sa lipunan, gaya
ninyo.� Matthew smiled.
�Nababaliw ka na! Pati si Ciera, isinali mo rito.�
�Oh, no, Luris.� Naglalakad-lakad si Matthew sa harapan ngayon ni Stephen. �Ciera�s
a Spencer. Binaboy din ng pamilya ninyo ang mga magulang niya. Kaya natural na
maghiganti siya na ayon na rin sa huling kahilingan ng Papa niya or I should say,
ni Uncle Magnus.� Dagdag nito.
�Ano ba talagang gusto mo, Matthew, ha?� sumbat naman ni Stephen ni rito.
�Simple lang, pagkatapos kong maghiganti sa inyo, I�ll rule the world! HAHAHA!�
tumawa pa ito na parang baliw.
�Rule the world?� hindi makapaniwala si Stephen sa narinig niya.
�Oo, saka, yeah. Ciera�s useful. Ang kapangyarihan niya ang gagamitin ko. Saka
she�s stupid kaya madali ko lang siya mapapaikot Luris. Haha.�
Biglang lumiwanag ang kanang kamay ni Stephen at may lumabas na isang matalas na
bagay. Pagkatapos mabilis niyang itong tinira kay Matthew kaya natamaan ito sa may
tiyan. Dahil sa napalakas ni Stephen ang pagtira niya, tumilapon si Matthew sa
pader.
Naging kulay pula na rin ang mga mata ni Stephen.
�Wala ka na talagang puso, Matthew Spencer! Tas ngayon, sasabihin mong ginagamit mo
lang si Ciera?!� galit na sigaw niya rito.
Dahan-dahang tumayo si Matthew mula sa pagkakatapon niya at pinahid ang dugong
lumabas sa bibig nito. �Napaaga ang pag-atake mo sa kin, Luris. Wala pa nga akong
nahawakan ni isang hibla ng buhok mo.�
�Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo, Matthew. At hindi ako papayag na
gagamitin mo si Ciera para sa sarili mong interes!� sabi naman ni Stephen sa kanya.
�Mukhang baliktad, Luis. Dapat ako ang magsabi niyan.� He devilishly smiled.
�Hindi mo alam kung sino ang totoong Matthew Spencer.� Then, his eyes turned to
red.
***
�Mrs. Maiven.� Bumungad sa harapan ni Mrs. Maiven si Ace pati na ang natitirang
kasahaman nito sa council. Kalalabas pa lang niya mula kwarto ni Stephen.
�Naparito kayo.� Tanging naibulalas niya at naguguluhan sa expression ng mga mukha
nito. Ang seseryoso at mukha ngang may nangyaring masama.
�Kakatawag lang po sa min ni Mr. Reyes, may isang grupo ng mga bampirang umaatake
at pinagpapapatay ang mga tao ngayon sa may palengke ng bayan.� Sabi ni Ace sa
kanya.
�Hindi po kinaya ng mga tauhan ng gobyerno ang mga ito. At ang nasa likod pa ng
madugong pag-atake rito ay si Ciera.� Dagdag naman ni Vivien.
Napatigil naman silang lahat nang biglang pumasok si Gerard dala-dala ang libro ng
propesiya. �Mrs. Maiven, hindi ko sila nahuli.� sabi naman ito.
�Hmm.. Ace, pumunta kayo sa bayan. Tulungan niyo sina Mr. Reyes. Napagtanto ko na
nagsisimula na nga ang kinatatatakutan natin na digmaan.� Utos ni Mrs. Maiven sa
kanila.
�Vivien, Gerard.� Sabi naman niya at lumingon kina Gerard. Kinuha niya sa bulsa
niya ang cellphone ni Stephen at ibinigay sa mga �to. �Please rescue my son.�
Pagkatapos ay agad siyang naglakad papalayo sa kanila para tulungan din sina Mr.
Reyes.
Binasa naman nina Gerard ang nakakagay sa cellphone ni Stephen.
�Hindi pwede ito.� Mga katagang tanging lumabas mula sa bibig niya matapos basahin
ang mensaheng natanggap ni Stephen mula kay Matthew.
***
�Yna, dito ka. Dun kami sa kabila. Sige!� sabi naman ni Ace at iniwan nga nila sa
bahagi iyon ng bayan si Yna. Marami ng mga itim na bampirang kumakalat sa paligid,
may nasusunog na at mga wasak na bahay. Nakikita rin sa paligid ang mga bangkay ng
mga pinatay na tao.
May nakita naman si Yna na isang itim na lalakeng bampira na may sinasakal na isang
batang babae.
�HOY!� sigaw niya kaya naman napatingin ang lalake at binitawan ang bata.
�T-talagang bampira ka?� parang nandiri si Yna nang lumingon sa kanya ang lalake.
Hindi siya makapaniwala na may nakakuha ng ganun na mukha sa mga lahi nila. In
short, ang pangit ng lalake.
Hindi naman ito nagsalita at naglakad lang papalapit sa kanya.
Napatingin naman si Yna sa bata na nakaupo lang at bakas sa mukha nito ang takot.
Kinindatan niya ito at sumenyas na umalis na. Tumango naman yung bata at kaagad
tumayo saka tumakbo papalayo sa kanila.
Napatingin naman ulit si Yna sa lalake. �Eww.. Ang dapat sayo, mawala sa mundong
ito!� may lumabas na nag-aapoy na pana sa mga kamay ni Yna. Kaagad niyang tinira
ang lalake gamit ito at sakto namang natamaan ito sa dibdib. Mabilis naging abo ang
itim na bampira.
�Hmm.. Ang dali lang pala.� Sambit niya pero nang lumingon si Yna sa likod niya,
laking gulat niyang may paparating sa kanya na isa pa ring itim na bampira mula sa
ere. Aatakihin na siya!
Bigla namang may isang lalakeng pumunta sa harapan ni Yna at binaril ang itim na
bampira. Natamaan ito sa puso at kaagad naging abo.
�E-Eli?� Hindi makapaniwala si Yna na ang lalakeng nasa harapan niya ay walang iba
kundi si Eli Herrera.
Humarap naman ito sa kanya. �Haha, sorry, Yna kung nawala ako these past few days.
Saka wag kayong mag-alala, tutulong kami.�
Sumulpot din ang tatlo pang babaeng transfer student na tao sa academy nila.
�Mga Vampire Hunters kami, we�re specially trained for this.� Nakangiting sabi sa
kanya ni Eli.
***
�Ethan, dun ka sa kabila.� Utos naman ni Ace kay Ethan.
�Sige.� Sagot naman nito at mabilis na nawala si Ethan sa kinaroroonan nila.
Ngayon, sila na lang dalawa ni Elle ang magkasama.
Lumingon naman si Ace kay Elle. �Elle��
�O, saan kayo pupunta, Ace??� napahinto silang dalawa sa nagsalita. Si Ciera.
Her aura was gloomy and dark.
�Ciera..� tanging naibulalas ni Ace nang makita ito. Hindi niya aakalain na ang
mabait na si Ciera Sanchez ay magiging ganito. Naging malapit ito sa kanila, lalo
na ang mga nasa Special Section.
�Kamusta, Ace?� nakangiting tugon sa kanya ni Ciera.
�Ciera.. why? Why are you doing this? Bakit ka nagkaganyan? Ciera Sanchez that I
used to know was cheerful and kind.� Nalulungkot na sabi ni Ace kay Ciera habang si
Elle naman ay nasa likod ni Ace na nakayuko lang.
�I�m not Ciera Sanchez. I�m Ciera Spencer. Saka nga, Ace, nang malaman mong tao
ako, gusto mo nga akong patayin diba?�
Napayuko naman si Ace sa sinabi nito. Oo, tama ang sinabi nito sa kanya pero he was
just following the rules of the academy.
�Hmm.. Naging masama kayo sa kin.. sa pamilya ko kaya dapat lang ito sa inyo.�
Dagdag pa ni Ciera.
�Ciera, please, don�t do this. I�m begging you.� Sabi na lang niya rito kay Ciera.
�Wow, hindi pwede Ace. Naging unfair kayo sa pamilya ko kaya dapat ganun din ako sa
inyo.�
�Ang dapat sa inyo, mamatay.� Naging kulay pula na rin ang mga mata ni Ciera.
Biglang may lumabas na mga matutulis na crystal sa paligid niya. Pagkatapos isa-
isang tinira sina Ace.
Nailagan naman nina Ace ang mga ito at ginamit ang kapangyarihang apoy niya bilang
panangga nito.
Nang maubos na ang lahat ng crystal, kaagad tinira ni Ace si Ciera ng apoy.
Pero nanlaki ang mga mata niya nang mawala ang apoy at hindi tumama kay Ciera.
Parang may harang.
�Hahaha! Spencer ako, Ace. We create barriers.� Natatawang sabi naman ni Ciera sa
kanila.
Pagkatapos ay biglang nawala si Ciera sa harapan nila. Napalinga-linga sila sa
paligid pero hindi nila nakita si Ciera.
�Ace!!� sigaw ni Elle nang mapansin niyang nasa likod pala ni Ace si Ciera at
aakmang itutusok nito kay Ace ang espadang hawak ng babae.
Tinulak ni Elle si Ace at si Elle mismo ang natamaan. Tumagos ang espada ni Ciera
sa dibdib ni Elle.
�Elle!!� napasigaw si Ace sa nakita niya.
�E..Elle..� kaagad binawi ni Ciera ang espada niya at napaatras siya. Parang
nakunsensya siya.. Hindi niya aakalain na magagawa niya iyon.. nakapatay siya.
Bago pa man matumba si Elle ay nasalo na ito ni Ace at sabay silang napaupo sa
lupa.
Naglabasan ang maraming dugo mula sa dibdib ni Elle. May lumalabas na ring dugo sa
bibig nito.
�Elle..� naiiyak na sabi ni Ace saka hinawakan ang pisngi nito ng kanang kamay
niya.
Unting-unti na siyang naging abo.
�Patawarin mo ko.. Ace..�
�Elle.. hindi..� tuluyan na ngang nagbagsakan ang mga luha niya.
�A-ako.. ako ang nagsabi sa kanila.. nina Matthew na.. huhulihin sila ng mga tao at
ni Gerard.. Naging traydor ako.. Pinagtaksilan ko kayo..� may mga luha na ring
tumutulo sa mga mata ni Elle habang sinasabi iyon. Kahit nahihirapan siyang
magsalita, gusto niyang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya.
�Sorry.. Ace� Kung palagi kitang tinataboy.. t-that.. I never appreciated you.. L-
lagi kang nandiyan sa kin pero naging makasarili pa rin ako.. Sorry kung nasayang
yung pagmamahal mo sa kin..� dagdag niya.
�Elle.. Please.. Wag.. Wag muna.. Mahal na mahal kita..� naiiyak na sabi rin ni Ace
sa kanya.
�Gusto kong humingi ng tawad sa inyong lahat.. kay Stephen, kay.. Ciera.. kay Mrs.
Maiven.. sina Yna.. Naging makasarili ako..�
�Patawarin niyo ko.. Sorry.. I�m very sorry Ace..� pagkatapos nun ay pumikit na rin
si Elle at naging abo na nga siya.
�Elle!!� napasigaw si Ace. Tuluyan na ngang nawala si Elle.
***
�Nababaliw ka na Matthew!!� galit na sigaw ni Stephen kay Matthew. Tatamaan sana si
Matthew sa espadang hawak ni Stephen pero kaagad niya itong sinangga ng espada
niya,
Nag-aaway pa rin sila hanggang ngayon.
�Say what you want but all I know is I�ll become the Lord of all.� He smiled while
their swords were clashing.
Biglang sinipa ni Matthew si Stephen sa tiyan ng malakas kaya napatumba ito.
�Mukhang wala kang binatbat, Luris. Nakakadismaya ka.� Puno pa niya.
Nakayukong nakaluhod lang si Stephen habang dahan-dahang kinuha ang espada niyang
tumilapon din sa gilid.
�Wala ka na sa sarili mo Matthew, hindi ko aakalain na magkakaganyan ka. Kendra
Spencer was so good. You were too. Oo, aaminin kong kasalanan ko, ng pamilya namin
kaya kayo nagkawatak-watak. Pero.. parehas lang naman tayo, Matthew. Nagmahal tayo
at nawalan.. pero ako? Hindi ako naghiganti. Namatay si Gaile, oo, nagwala ako pero
pagkatapos nun, sinumpa ako at tinanggap kong hindi ako magtatagal sa mundo.�
Nagsalita siya.
Natahimik naman si Matthew sa sinabi ni Stephen.
�Hindi ako naghiganti sa mga tao.. kasi alam kong kung gagawin ko iyon, hindi
masisiyahan si Gaile. Mas lalong lalalim ang sugat na natamo ko.. at maari pang
hindi na magamot.. Mahirap pero dahil sa mga kaibigan ko.. kayo.. ng mga council..
unting-unti ko na rin natatanggap.. Naging nandiyan palagi si Ciera sa tabi.. kaya
malaki ang pasasalamat kong nakilala ko siya..� napangiti naman si Stephen at
tumayo na.
�Ikaw, Matthew, sa tingin mo ba, natutuwa ngayon angg mga magulang mo at ang
kapatid mo? Matthew, ano ba talagang makukuha mo pagkatapos nito? Oo,
nakapaghiganti ka nga pero sa tingin mo ba, mabubuhay pa rin sila?�
�TUMIGIL KA!� sigaw ni Matthew.
Hindi niya alam pero parang naiiyak siya habang nakikinig kay Stephen.
�WALA KANG ALAM SA NARARAMDAMAN KO! AHHHHH!!!� kaagad niya sinugod si Stephen pero
kaagad din itong nakaiwas sa atake niya.
Napunta kaagad si Stephen sa likod ni Matthew. Marahas niyang kinabig ang damit
nito at ipinahiga sa sahig.
Pumatong si Stephen kay Matthew at kinwelyuhan ito. �Why can�t you understand,
Matthew?!�
�Nababaliw ka na!� dagdag niya. Naging kulay pula ulit ang mga mata niya.
�Stephen! Wag!�
Papatayin na sana ni Stephen si Matthew sa pamamagitan ng pagtusok ng espada niya
sa dibdib nito pero napatigil siya at napalingon sa may pintuan nang may sumigaw.
Nakita niya sina Vivien at Gerard na may mga kasamang SWAT sa paligid nito.
�Dakpin niyo na siya.� Utos ni Gerard sa mga SWAT at kaagad itong lumapit kina
Stephen.
Binitawan naman ni Stephen si Matthew sa kwelyo nito at tumayo.
�AHHHH!!! HINDI!!! B-BITAWAN NIYO AKO!!� tuluyan na ngang nagwala si Matthew habang
pilit siyang pinuposasan sa mga kamay niya at ang posas na ginagamit ay yari pa sa
pilak.
�AHHH!!! HINDI!!!� Naposasan na nga ng mga SWAT si Matthew. Hindi pa rin ito
tumitigil sa pagwawala.
Hinawakan ng mga SWAT ang balikat ni Matthew ng mahigpit at pinatayo ito mula sa
pagkakahiga. Nagsimula na silang maglakad papaalis ng lumang building.
�H-HINDI!! AHHH!!� nagwawala pa rin si Matthew pero kahit anong gawin niya, di na
siya nakawala pa mula sa mga SWAT.
Nahuli na nga si Matthew.
Naiwan naman sina Gerard At Stephen.
�Stephen�� sinambit ni Vivien ang pangalan niya.
Ngumiti lang si Stephen sa kanila at naglakad na rin. �Salamat.. Ingat kayo.�
Pagkatapos ay nilagpasan na niya ang dalawa at iniwan.
Kailangan pa niyang hanapin si Ciera.
***
�Mrs. Maiven!!�
Napahinto si Mrs. Maiven sa pagtakbo niya nang sumulpot sa harapan niya si Nero.
Bago pa man siya atakihin ng itim na bampira ay napatay na ito ng binata.
�Nero..�
Si Nero kasi ang kanang kamay ni Leon kaya kilala niya ito.
�Mrs. Maiven, halina kayo!� kaagad hinawakan ni Nero ang kamay niya at sabay silang
tumakbo. Dala-dala rin niya ang jar kung saan nandun ang white rose.
Hahanapin pa niya ang anak niya. Nanganganib ito.
Tatlong petals na lang ng rose ang natitira.
***
Nanatiling nakatayo pa rin si Ciera habang pinagmamasdan si Ace na umiiyak dahil sa
pagkamatay ni Elle. Hindi niya naman sinadsadya iyon.
Pagkatapos, nakayukong tumayo na si Ace. Nag-aapoy na ito sa galit.
�Ciera!!!� sigaw ni Ace at ititira kay Ciera ang apoy na nasa kamay niya.
�Ace!�
Napatigil naman silang dalawa nang may nagsalita.
Si Stephen.
�Stephen, kailangan niyang mamatay! Pinatay niya si Elle!� galit na sigaw ni Ace
kay Luris.
Nagulat naman si Luris sa sinabi ni Ace. Namatay na si Elle.
Tinapik na lang niya ang balikat ng kaibigan. �I�m sorry kung wala akong nagawa..
Pero wag kang mag-alala, ako na ang bahala.. Tulungan mo yung iba.. Nangangailangan
sila ng tulong.� Nakangiting tugon niya rito.
Napayuko naman si Ace at nagsimula nang maglakad papalayo sa kanila.
Ngayon, silang dalawa na lang ni Ciera ang naiwan.
�Ciera.. Why are you doing this?� panimula niya. Ang totoo, hindi niya alam kung
kakayanin niyang kalabanin ang babaeng mahal niya.
Nakayukong sinagot ni Ciera si Stephen. �Pinatay ng pamilya mo ang mga magulang ko.
You were unfair to us.�
�But doing this? Ciera.. you�re killing innocent people!� sumbat ni Stephen sa
kanya.
Tuluyan na ngang naiyak si Ciera. �Bakit?! Sina Papa rin naman, mga mabubuti sila!
Wala silang ginawang masama sa inyo, pero tignan mo ang ginawa ng pamilya mo sa
min!� sigaw ni Ciera at tumingin sa mga mata ni Stephen ng direcho.
�Ciera.. please.. don�t do this.. I know, you have a good heart that's why I love
you.�
�Tumigil ka na!! Ahhh!!� may lumabas na namang isang matulis na crystal mula kay
Ciera at itinira ito kay Stephen. Naging kulay pula na rin ang mga mata niya.
Mabilis namang umilag ang lalake.
�Ciera.. please.. Ayokong saktan ka!� sabi ni Stephen sa kanya.
�Hahaha, wag ka na ngang magbait-baitan sa kin, Stephen. Kasi alam kong noon pa
man, pinaglalaruan mo lang ang nararamdaman ko.� Tumawa pa siya.
�Ciera.. don�t let me do this!� Ayaw talaga ni Stephen saktan si Ciera. Ayaw na
niyang maulit yung nangyari kay Gaile nuon.
�Then, ako na lang ang papatay sayo, Stephen.�
Mabilis nawala si Ciera sa paningin ni Stephen.
Napabuntong hininga na lang siya at napapikit. �Sige, Ciera. Kung yang gusto mo.
Patayin mo na lang ako kung yan ang magiging dahilan para mawala ang galit sa puso
mo.� Sabi niya.
�Tumigil ka na!!� sigaw ni Ciera at inatake si Stephen mula sa likod.
Sinaksak ni Ciera si Stephen sa dibdib nito gamit ang espada niya.
Kaagad napaluhod si Stephen at napahawak sa may dibdib niya. Maraming dugo ang
lumabas. Napasuka rin siya ng dugo.
�Wala na akong pakialam sayo, Stephen.� Tanging nasambit ni Ciera matapos ang
ginawa niya. Pagkatapos ay tumalikod na siya at humakbang na papalayo kay Stephen.
�C-Ciera..�
Laking gulat ni Ciera nang biglang hinigit ni Stephen ang kamay niya.
�S-Stephen..� napatingin siya sa dibdib niya, may nakatusok na ring espada.
Nagsilabasan na rin ang mga dugo mula rito.
�Patawarin mo ko Ciera.� Narinig niyang sinabi iyon ni Stephen pero nanghihina na
siya. Napapikit siya sa sakit na nararamdaman niya.
Nasalo naman ni Stephen si Ciera bago ito tuluyang bumagsak sa lupa. Binuhat niya
kaagad ang babae.
Parehas na silang dalawang unting-unti nagiging abo.
�Mahal na mahal kita, Ciera.�
Hindi na niya alam kung saan sila papunta ngayon. Ang tanging alam niya, tapos na.
Magiging maayos na rin ang lahat.
***
Play the music on the right side ===> (It�s a Japanese music)
�Ciera..�
�Ciera.. anak..�
�P-papa??� nagising si Ciera mula sa pagkakahiga niya. Kinukusot-kusot rin niya ang
mga mata niya. Napatingin ito sa buong paligid, puro puti lang nakikita nito. Pero
sino yung tumatawag sa kanya? Saka anong ginagawa niya rito?
May naalala siya. Oo, pinatay niya si Stephen. At gayundin ang ginawa sa kanya ng
lalake. Pero tanggap niyang mamamatay siya. Naging masama siya, naging makasarili.
�Anak..�
Napatayo si Ciera mula sa pagkakahiga niya. �Papa!!� napatakbo siya at kaagad
niyakap ang totoong ama niya, si Magnus Spencer.
�Papa.. patawarin niyo ko..� naiiyak niyang sabi rito at isinubsob ang mukha niya
sa dibdib nito.
�Sshh.. Masaya ako anak.. dahil naging mabuti ka..� sabi naman ng Papa niya habang
hinahaplos ang buhok niya.
�Pero anak.. hindi ito ang tamang paraan para maging mapayapa ang lahat.�
�Papa..� napaangat naman ng tingin si Ciera sa Papa niya. Ngumiti ito.
�Palayain mo na ang galit sa puso mo anak.. at makakamit mo rin ang totoong ibig
sabihin ng pagiging masaya.�
�Ang pendant.. humiling ka ng mabuti para sa lahat.. para makamit na rin nating ang
totoong kapayapaan..�
�Papa..�
�Mahal na mahal kita anak..� pagkatapos nun ay tuluyan na ngang naglaho sa paningin
niya ang kanyang ama.
�Papa!!�
Kaagad nagising si Ciera mula sa panaginip niya. Ngayon, nakikita niyang binubuhat
siya ni Stephen habang parehas namang duguan ang mga katawan nila.
�Stephen..� naiiyak na sabi niya. Nakayuko lang ang binata at dala-dala siya habang
naglalakad.
�Patawarin mo ko Ciera..� mga katagang lumabas sa bibig nito.
Parehas na silang nagiging abo.
Napatingin naman si Ciera sa unahan niya. Nasa baybayin na sila ng dagat.
Maingat namang pinaupo ni Stephen si Ciera sa buhangin, pagkatapos, tumalikod na
siya at nagsimula ng humakbang papalayo sa kanya.
�S-Stephn!� napatayo naman si Ciera at tumakbo para maabutan ang lalake. Niyakap
niya kaagad ito sa likod.
�Patawarin mo ko, Stephen.. naging masama ako.� Tuluyan ngang bumuhos ang mga luha
niya. Oo, tama ang sinabi ng Papa niya, dapat na niyang palayain ang galit na nasa
puso niya.
�Mahal na mahal kita Stephen.�
Humarap naman sa kanya ang binata at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
�Ciera..� pagkatapos ay niyakap din siya ng mahigpit.
�Mahal na mahal din kita.�
�Stephen.. Please.. wag mo kong iwan.� Naiiyak na sabi niya habang kayakap pa rin
si Stephen.
Bumitaw naman si Stephen mula sa pagkakayakap nito at tumango tapos hinawakan niya
ang kamay ni Ciera saka ngumiti.
Sabay silang humarap ngayon sa dagat at kitang-kita ang paghampas ng alon rito.
Malapit ng suminag ang araw. Magkahawak kamay silang tinatanaw ngayon ang malinis
na dagat.
�Stephen..� panimula ni Ciera.
�Uhmm?�
�Sa tingin mo ba.. Magiging maayos na rin ang lahat?�
Ngumiti si Stephen. �Oo.. alam kong ito na ang katapusan ng lahat ng gulo..
Magiging mapayapa na rin ang lahat.�
Napangiti rin naman si Ciera habang nakatingin sa kawalan. Magkahawak pa rin ang
dalawang kamay nila ni Stephen. �Sayang.. kung kailan na magiging maayos na.. wala
na tayo.�
�Pero.. masaya ako kasi wala ng gulong mangyayari.. Magiging masaya na ang bawat
lahi natin.� Dagdag niya.
�Oo.� tugon din ni Stephen.
Hinawakan naman ni Ciera ang pendant niya. Naalala niya ang sinabi ng papa niya
tungkol sa kahilingan.
�May hihilingin ako..� sabi niya at saka pumikit.
�Stephen.. anak!!!� napalingon naman silang dalawa nang may sumigaw. Si Mrs.
Maiven, kasama nito sina Yna at Eli. Pati si Nero.
Hawak-hawak ngayon ni Mrs. Maiven ang jar. Isang pirasong petal na lang ang
natitira mula sa white rose. Naiiyak na siya.
Ningitian lang nina Stephen at Ciera ang mga ito.
�Boyfriend..� lumingon si Ciera kay Stephen. �Mahal kita.�
�Mahal din kita, girlfriend.�
Napangiti si Ciera habang hawak pa rin ang pendant na suot niya.
Biglang lumiwanag ng malakas ang pendant ni Ciera. Humiling na siya.
Tuluyan na nga silang naglahong dalawa at naging abo.
�Hindi!! Anak..� napahagulhol si Mrs. Maiven at napaupo. Napatingin siya sa jar na
hawak-hawak niya, wala na. Nalagas na ang panghuling petal ng white rose.
Napayuko naman si Yna. Nalulungkot siya. Wala na ang dalawang pinakamalapit niyang
kaibigan.
Sakto namang suminag ang araw. Umaga na.
�Mrs. Maiven, tayo na baka mapaso ka sa sinag ng araw.� Saway ni Nero at hinawakan
ang magkabilang balikat ni Mrs. Maiven.
�Nero.. wala na.. Wala na ang anak ko.� Sabi naman nito at umiiyak pa rin.
�E-Eli!� nagulat si Yna. Tumama sa balat niya ang sinag ng araw pero hindi sila
nasunog o napaso.
Napansin din naman nina Mrs. Maiven sina Yna. Napatingin din siya sa kamay niya.
Hindi nga sila nasusunog o napapaso sa araw.
Bigla naman niyang naalala ang nabasa niya sa libro ng propesiya, ang huling pahina
nito.
�Dahil sa magiging kahilingan ng tagapaslang.. Magiging maayos na ang pamumuhay ng
lahat.�
__________________________________________________
Vampire Academy
Chapter 57 � End
YNA STEFANIE SCHULTZ
�Ano bang course na kukunin mo para sa college?� tanong ko kay Eli na kasama ko
ngayong naglalakad papunta sa student council room.
Mahigit dalawang buwan na rin ang lumipas nang mangyari ang lahat ng iyon. Ngayon,
mapayapa na ang bawat panig. Hindi ko nga rin alam kung bakit naging ganito ang
pamumuhay naming mga bampira. Matapos ang digmaan, hindi na kami napapaso o
nasusunog pag natamaan ang mga balat namin sa sinag ng araw. Nawala na rin yung
uhaw namin sa dugo. Bigla na ring nawala ang kapangyarihan naming mga bampira. Lalo
na yung sa aming mga nasa special section. Parang naging normal kami. Naging tao.
Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi ito ang naging daan para mabuhay ang dalawang
lahi � ang mga tao at ang mga bampira � ng mapayapa at pantay-pantay.
Alam kong dahil ito kina Ciera at Stephen kaya ngayon, naging maayos na ang lahat.
Sayang, di na namin sila makakasama sa college.
�Engineering. Ikaw?� sabi ni Eli sa kin.
Ngumiti naman ako. �Education.. Gusto kong magturo.�
�Mabuti yan.� Ngumiti rin siya pabalik sa kin at hinawakan ang kamay ko.
Pagkatapos, dumating na nga kami sa council room.
Hayyss. Mamimiss ko talaga ito. Sa tagal ng panahong nagstay ako rito, maraming mga
alaala akong di makakalimutan. Dahil sa mga kaibigan ko, naging malakas ako.
�Nandiyan na pala kayo, Yna.� Nakangiting tugon sa min ni Vivien habang dala-dala
ang isang box. Nandito rin sina Ace at Ethan.
Nililinis na namin ang council room. Wala na eh. Aalis na kami. Magcocollege for
good.
�Sa wakas, magcocollege na rin tayo. Haha.� nagsalita naman ni Ethan pagkatapos
inayos yung mga folders sa drawer.
�Oo nga eh. Pwede na tayong magcollege. Mabuti na lang talagang pumayag na ang mga
gobyerno ng mga tao na malaya na tayong gawin ang gusto natin sa lugar nila.� Sabat
naman ni Vivien.
�Naman saka normal na tayo, hindi na tayo bampira.� Sabi ko naman.
�Oo. Salamat kina Stephen.� Sabi sa min ni Ethan.
�Hahaha!� hindi ko alam kung bakit natawa ako. Basta alam kong masaya kami at
malaki ang utang na loob namin kina Ciera at Stephen.
Napatawa na rin kaming lahat.
Napansin ko namang tahimik na tahimik lang si Ace. Nilapitan ko naman siya at
tinapik sa balikat.
�Ace?�
Hawak-hawak niya ngayon ang picture nilang dalawa ni Elle.
�Wala akong nagawa.. para protektahan siya.� Sabi nito.
Ngumiti naman ako. �Hmm.. Ako rin naman, walang nagawa para tulungan si Luke..
pero.. Ace.. ang mahalaga, tapos na. Mapayapa na rin tayo. Maayos na tayong lahat.�
Humarap naman siya sa kin saka ngumiti. �I know. Kaya.. napag-isipan kong di na ako
magcocollege, ako na lang ang mamamahala ng academy.�
Napaatras naman ako sa sinabi niya at pati rin sila ay napatigil. �Ace? You mean,
di ka tutuloy?�
Nakangiting humarap siya sa amin. �Oo. Napag-isipan kong tulungan ang Association
sa pamamahala ng school. Siguro, sa pamamagitan nito, makakabawi ako sa kanila.
Besides, we're not anymore a Vampire Academy.�
�Hmm.. Sige, kung yan ang gusto mo, Ace. Basta, nandito pa rin kaming lahat para
sayo.� Sabi ko.
�Nga pala guys.� Biglang sumabat si Vivien. �Gerard is inviting us to attend his
concert this night. May free tickets ako rito. Punta tayo.� Puno niya.
�Sige.� Sabay-sabay naming sabi lahat.
***
�Nero, have a sit.� Sabi ni Mrs. Maiven nang dumating na si Nero sa restaurant.
Nakikipagkita kasi siya rito.
�Good day, Mrs. Maiven.� Bati nito sa kanya. �What can I do for you?�
Hinawakan naman ni Mrs. Maiven ang kape na inorder niya kanina pa. �Magpapasalamat
lang ako. For being loyal to my family.�
Si Nero kasi, nagtratrabaho rin para kay Mrs. Maiven. Si Nero ang naging mata at
tenga niya sa lahat para protektahan ang pamilya niya. Siya rin nga mismo nag-utos
nito ito magbigay ng babala sa academy ng aatakihin ito ni Matthew.. Na protektahan
silang lahay..
�Wala iyon, Mrs. Maiven. Anything just for you.�
�Hmm. Thank you so much. Kaya this is the time, Nero. Malaya ka na. Pwede mo ng
gawin ang lahat ng gusto mo.�
Marahang namang napatingin sa kanya si Nero. Napangiti ito.
Ang tanging alam lang nilang dalawa..
Everything is at peace right now.
***
�Matthew, may pasalubong kami sayo.� Nakangiting tugon ko nang binisita namin si
Matthew sa kulangan. Kasama ko sina Eli at Vivien sa pagbisita.
Simula nung mahuli siya, naging tahimik na siya at palaging nakatulala. Hinatulan
din siya ng habang buhay na pagkakulong. Pero kahit ganun, di namin kinakaligtaan
na bisitahin siya. Naging kaibigan din namin siya, ng council.
Nilagay ko sa mesa yung dala naming pagkain. �Kumain ka.� Dagdag ko.
Tumingin lang siya sa min na walang kibo pagkatapos ay tumingin kaagad sa ibang
direksyon.
�Ahh.. Sige, Matthew.. A-aalis na kami.� Sabi ko na lang saka tumayo mula sa
pagkakaupo sa harapan niya.
Tumalikod na kaming tatlo at nagsimula ng maglakad.
�Kamusta.. ang academy??�
Napahinto kami sa mga yapak namin ng magsalita siya. Lumingon ako sa kanya saka
ngumiti. �Okay lang. Naging maayos na rin.. at alam kong mas mapapabuti pa dahil si
Ace na ang namamahala.�
Napansin ko namang ngumiti siya. �Salamat.�
Pagkatapos nun ayy bigla siyang tumayo at umalis pabalik sa selda nila.
***
You�ll be safe here by Rivermaya
Nobody knows Just why we're here Could it be fate Or random circumstance At the
right place At the right time Two roads intertwine
Nandito kami ngayong lahat sa concert hall kung saan nagaganap ang concert ni
Gerard, ng BlackStrings.
Marami na ring mga tao ang nandito para umattend ng concert nila.
Napatingin naman ako sa unahan, nandun si Vivien, nakangiting nakikinig habang
kumakanta ang lalakeng pinakamamahal niya.
And if the universe conspired To meld our lives To make us Fuel and fire Then know
Where ever you will be So too shall I be
Napangiti na rin ako sa nakita ko. Alam ko kasing magiging masaya na rin kaming
lahat.
Close your eyes Dry your tears 'Coz when nothing seems clear You'll be safe here
From the sheer weight Of your doubts and fears Weary heart You'll be safe here
Ito na ang bagong simula para sa amin. Ang maging maligaya, ang maging mapayapa at
ang maging pantay-pantay.
Remember how we laughed Until we cried At the most stupid things Like we were so
high But love was all that we were on We belong
Bigla namang hinawakan ni Eli ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at napangiti.
Hindi ko aakalain na dahil sa mokong na �to, nagkakaroon ako ulit ng pag-asa sa
buhay. Binigyan ako ni Luke ng pagkakataon ng magmahal muli.. at hindi ko na ito
sasayangin pa.
And though the world would Never understand This unlikely union And why it still
stands Someday we will be set free. Pray and believe
�Mahal kita, Eli.�
Alam kong medyo nagulat siya sa narinig ko.
Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak ng kamay ko pagkagtapos kong sabihin iyon.
�Mahal din kita, Yna.�
Napangiti ulit ako at sumandal na lang sa balikat niya habang nakikinig kina
Gerard.
When the light disappears And when this world's insincere You'll be safe here When
nobody hears you scream I'll scream with you You'll be safe here Save your eyes
From your tears When everything's unclear You'll be safe here From the sheer weight
Of your doubts and fears Wounded heart When the light disappears And when this
world's insincere You'll be safe here When nobody hears you scream I'll scream with
you You'll be safe here In my arms Through the long cold night Sleep tight You'll
be safe here
Maraming salamat sa inyo.. Ciera at Stephen.
When no one understands I'll believe You'll be safe, You'll be safe You'll be safe
here Put your heart in my hands You'll be safe here
***
�Matthew Spencer! Matthew Spencer! Nandito na pagkain mo.� Sabi nung isang
jailguard at binuksan ang pinto ng selda kung saan nakakulong si Matthew. Bitbit
nito ang isang tray ng pagkain para sa binata.
Si Matthew naman ay nakaupo lang sa may sulok at tinignan lang ang pagpasok ng
jailguard.
�Hoy, kumain ka na.� pagkatapos ay nilapag ng guard ang tray sa sahig, sa may harap
ng lalake.
Lumabas kaagad ang guard at nilock ang pinto.
Bigla namang tumayo si Matthew at pagkatapos ay bigla niyang sinuntok ang pader ng
kalakas-kalakas.
Dumudugo ngayon ang kamao niya.
�HAHAHAHAHAHA!!�
Babalikan ko kayo.. balang araw.� He smiled creepily.
--End
____________________________________________________
Copyright � 2013 by xUnknownJ.
Thank you!

You might also like