Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Quiz No.

1 June 9, 2017

FILIPINO VI-1

I- Basahin ang talata. Sabihin kung ang mga nasalangguhitan na salita ay pangngalang pambalana o
pangngalang pantangi. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Ang Rehiyon 3 ay may malawak na kapatagan. Napaliligiran ito ng kabundukan ng Caraballo sa


hilaga, Dagat Timog Tsina sa kanluran, Look ng Maynila sa timog, at ng National Capital Region sa
timog-silangan. May dumadaloy na mga ilog sa rehiyon tulad ng Ilog Agno, Ilog Pampanga, at Ilog
Angat. May sapat na tubig ito kaya sagana ang ani ng palay. Isang mabundok na lalawigan ang Zambales
na may mahabang baybaying-dagat. Zambal ang ngalan ng mga katutubong tribung naninirahan dito. Ang
Bataan ay nasa pagitan ng Dagat Timog Tsina at Look ng Maynila. Kilalang-kilala sa buong daigdig ang
lalawigang ito. Maraming sundalong Pilipino at Amerikano ang nagbuwis ng buhay sa Corregidor noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa Nueva Ecija, matatagpuan ang Pantabangan Dam na agsisilbing
irigasyon sa malalawak na bukirin dito. Ito ang nagbibigay ng suplay ng koryente sa rehiyon.

PANGNGALAN PANTANGI PANGNGALANG PAMBALANA

II-Isulat ang P kung ito ay payak, M kung ito ay maylapi, I-kung inuulit at T-kung tambalan.
______1) lamang-dagat
______2) silid
______3) bali-balita
______4) plasa
______5) kalayaan

III- Isulat ang tamang panghalip panao sa mga sumusunod na usapan.


Isang araw, nagkasalubong sina Kambing at Aso sa gitna ng isang makitid na tulay.

Kambing: Makitid lamang ang tulay. Hindi ______ maaaring dumaan nang sabay!
Aso: Bumalik ________ sa dulo at ________ muna ang tatawid.
Kambing: Aba, hindi maari. _______ ang nauna rito. _______ ang bumalik, hindi
________.
Aso: _______? Kahit na ano ang mangyari, hindi ______ _______
mapababalik.
Kambing: Talaga bang mapilit ________?
Aso: Bakit? Ano ang ipinagmamalaki _______?
Kambing: Kayang-kaya _______ ihulog sa ilog sa pamamagitan ng sungay ______.
Aso: Kakagatin naman _________.
Kambing: Ayaw ______? Heto ang sa _______!

At biglang sinungay ni Kambing si Aso. Sa kanilang paggigitgitan ay nahulog ang dalawa sa ilog.
Nalunod ang parehong ayaw magbigayan.
Key Answer:
I- Pangngalan Pantangi Pangngalan Pambalana
Rehiyon 3 kapatagan
Dagat Timog Tsina ilog
Ilog Agno tubig
Ilog Pampanga daigdig
Zambales bukirin
Bataan irigasyon
Nueva Ecija
Zambal
Caraballo

II- 1) T 2) P 3) I 4) P 5) M

III-
Kambing: Makitid lamang ang tulay. Hindi tayo maaaring dumaan nang sabay!
Aso: Bumalik ka sa dulo at ako muna ang tatawid.
Kambing: Aba, hindi maari. ako ang nauna rito.ikaw ang bumalik, hindi ako.
Aso: Ikaw? Kahit na ano ang mangyari, hindi mo ako mapababalik.
Kambing: Talaga bang mapilit ka?
Aso: Bakit? Ano ang ipinagmamalaki mo?
Kambing: Kayang-kaya kitang ihulog sa ilog sa pamamagitan ng sungay ko.
Aso: Kakagatin naman kita.
Kambing: Ayaw ko? Heto ang sa iyo!

Quiz No. 2 June 16, 2017

FILIPINO VI-1

Paggawa ng mga bata ng isang komik strip upang ipakita ang pagkakasunod nga mga pangyayari sa
binasang kuwento.

Pamantayan:
Malinis ang Paggawa- 10 puntos
Pagkasunud-sunod ng Pangyayari- 10 puntos
Malikhaing Paggawa- 10 puntos

Kabuuan: 30 puntos

Quiz No. 3 June 30, 2017


FILIPINO VI-1

I-Tukuyin ang kasarian ng pangngalang may guhit sa sumusunod na mga pangungusap. Sabihin kung ito
ay panlalaki, pambabae, di-tiyak o walang kasarian.
1. Magkasamang nagbukod ng basura ang mag-ama.
2. Nagturo ang guro ng wastong pagreresikolo ng basura.
3. Pinagbukod-bukod ni Michelle ang mga nabubulok sa hindi nabubulok.
4. Pinarangalan ang kanilang barangay bilang pinakamalinis na barangay.
5. Tuwang- tuwa si nanay Leticia dahil sa paglilinis ng kanyang mag-ama ng likod bahay.
6. Ang mga bata ay naglalaro sa duyan.
7. Nagkamit ng unang gantimpala si Edward sa patimpalak ng pag-awit.
8. Masama ang loob ni Petra ng masira ang kanyang laruan.
9. Maganda ang damit na binili ng nanay ni Juana.
10. Masipag ang mga mag-aaral sa ikaanim na baiting.
II- Salungguhitan ang panghalip na ginamit sa pangungusap. Sabihin kung anong uri ng panghalip ito.
1) Akin ang bag na naiwan sa upuan. _____________________
2) Sino-sino ang mga dumating na bisita ng ating paaralan? ________
3) Doon ang tamamg tapunan ng mga basura. __________
4) Ang lahat ng mga mag-aaral ng Panganiban Central School ay nagsasagawa ng Clean and Green
Program.
5) Mahina raw si Pedring sa asignaturang Matematika.

III- Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1) Ito ang bahagi ng maikling kuwento kung saan ito ay kritikal dahil ito ang humihikayat sa mambabasa
upang basahin ang kuwento.
a) Panimula b) Wakas c) Gitna
2) Ito ang karaniwang kasukdulan ng kuwento.
a) Wakas b) Panimula c) Gitna
3) Dito tinatapos ng manunulat ang kabuuan ng kuwento.
a) Panimula b) Wakas c) Gitna
4) Ito ay sangkap ng maikling kuwento kung saan ito ang papataas at pababang emosyon ng mga tauhan
sa kuwento.
a) Kasukdulan b) Tagpuan c) Tunggalian
5) Ito ang suliranin ng kuwento.
a) Tauhan b) Tunggalian c) Kasukdulan

Key Answer:
I-1) panlalaki/di-tiyak
2) di-tiyak
3) pambabae
4) walang kasarian
5) pambabae
6) walang kasarian
7) panlalaki
8) pambabae
9) walang kasarian
10) di-tiyak
II-
1) Akin- Panghalip na Panao
2) Sino-sino- Panghalip na Pananong
3) Doon- Pamatlig
4) Lahat- Panaklaw
5) raw- Pamanggit

III-1)a 2) c 3) b 4) a 5) b

Quiz No. 4 July 4, 2017

FILIPINO VI-1

Salungguhitan ang mga panghalip na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Siya ang maybahay na uliran at minahal ng kaniyang mga anak.


2. Nakita niya ang kahirapan dinaranas ng pamilya.
3. Sino ang dapat sisihin sa katayuan ng pamilya? “Doon muna kayo sa aming munting tirahan”, alok ng
taong nagmamalasakit.
4. Anuman ang mangyari ay sama-sama tayong makibaka sa buhay.
5. Lahat ay nagpasalamat sa kabutihang loob ng kaibigan
6. Para sa mahihirap handa akong tumulong at paglingkuran ang mga nangangailangan.
7. Dito sa lugar ko, ligtas kayo at sana magtulungan tayo upang labanan ang kahirapan.
8. Ito ang misyon ko sa buhay, ang makatulong sa mga taong nangangailangan ng kalinga.
9. Kami po ay labis na nagpapasalamat sa kabutihang loob ninyo. Pagpapalain po kayo ng Poong
Maykapal.
10) Ano-ano ang mga dahilan ng paglusob ng mga Maute sa Marawi City?
11)” Masaya ba kayong nakakuha ng mga mataas na iskor sa pagsusulit” ang tanong ng kanilang guro.
12) Gumagamit si Pedro ng kaniyang kamay na bakal sa pakikipaglaban sa mga kriminal na kanilang
lugar.

Key Answer
1) siya, kaniyang
2) niya
3) sino, doon, kayo, aming
4) anuman, tayong
5) lahat
6) akong
7) dito, ko, kayo, tayo
8) ito, ko
9) kami, ninyo, kayo
10) ano-ano
11) kayong, kanilang
12) Kaniyang, kanilang

Quiz No. 5 July 7 , 2017

FILIPINO VI-1

I-Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may guhit sa bawat pangungusap.


1. Taimtim na panalangin ang iniuukol ni Maria sa Diyos.
a. iniisip na mabuti c. tahimik
b. buong-puso d. wala sa alinman

2. Gumagamit siya ng kamay na bakal para sumunod ang kaniyang nasasakupan


a. yari sa bakal ang kamay c. pinapalo ng bakal
b. malupit at marahas d. pamatay na bakal

3. Nang hindi na makatiis, sinabi na niya ang kaniyang saloobin.


a. makapagtimpi c. makaiwas
b. makayanan d. makatagal

4. Agad na sinadya ni Carlo ang hari at ibinalita ang mahiwagang pangyayaring nasaksihan sa asawa.
a. kagilas-gilas c. kataka-taka
b. kahambal-hambal d.kasiya-siya

5. Tumalima ang mga kawal sa utos ng hari.


a. sumunod c. sumailalim
b. sumuway d. sumakabila

II-Bumuo ng mga pahayag na nagbibigay hinuha sa kalalabasan ng mga sumusunod na pangyayari

Halimbawa:
Si Carlo ay lubhang malupit sa kanyang asawa.

Paghihinuha :
Marahil isa siyang lasinggero, sugarol, tamad o
may masamang kaasalan.

1. Kumain ng nakalalasong gulay si Mario.


Paghihinuha: ___________________________________________

2. Hindi nag-aaral ng mabuti si Edward.


Paghihinuha: ___________________________________________

3. Batang-bata at kaakit-akit si Maria.


Paghihinuha: ___________________________________________

4. Nagtanim ng mga bungangkahoy ang mga mag-aaral sa kanilang paaralan.


Paghihinuha: ___________________________________________

5. Nakasimangot si Juan.
Paghihinuha: ___________________________________________

III- Ayusin ang sumusunod na datos para makabuo ng kard ng may-akda, pamagat, at paksa.

1) Rex Bookstore Publishing House, Inc.


2) c 2000
3) G82 Basilio, Gloria B.
4) 371. 5 Mathematics Beyond 2000
5) IX, 255 p. ill

Key Answer:
I-1) b 2) b 3) a 4) c 5) a

II- Teachers Discretion

III-
371.5 Mathematics Beyond 2000
G82 Basilio, Gloria B.
Rex Bookstore Publishing House, Inc.
C 2000
IX, 255 p. ill

Quiz No. 6 July 14, 2017

I-A-Punan ang bawat patlang ng angkop na salita upang mabuo ang kaisipang nakakapaloob sa bawat
saknong. Pillin ang sagot sa loob ng panaklong.

ORASAN
Ikaw at _________ (ako, kami)
magkasama _________ (sila, tayo)
sa lahat ng oras
ako’y maaasahan _________ (mo, doon)
Tik! Tak! Tik! Tak!
(Iyon, Ito)_________ ang maririnig mo.
At sa bawat pag-ikot ng _________mga kamay (aking, aming)
oras ay matagal kapag _________ hinihintay. (ito’y, sila’y)

B- Basahin ang maikling usapan. Bilugan ang mga panghalip na ginamit sa pangungusap.

Joyce : Nakita mo ba Karen si Gng. Magpantay?


Karen : Nakita ko siya kanina sa kantina.
Joyce : Ganoon ba? Galing kasi ako kanina roon pero hindi ko naman siya nakita.
Karen : Bakit mo ba siya hinahanap? Anong kailangan mo sa kaniya?
Joyce : Ipapasa ko lang kasi sa kaniya itong proyekto natin sa Agham.

II- Isipin mo na ikaw si Dr. Jose Rizal, ano ang iyong nais sabihin sa mga kabataan ngayon? (6 points)
Key Answer:
I-A
ORASAN
Ikaw at _________ (ako, kami)
magkasama _________ (sila, tayo)
sa lahat ng oras
ako’y maaasahan _________ (mo, doon)
Tik! Tak! Tik! Tak!
(Iyon, Ito)_________ ang maririnig mo.
At sa bawat pag-ikot ng _________mga kamay (aking, aming)
oras ay matagal kapag _________ hinihintay. (ito’y, sila’y)

B-Joyce : Nakita mo ba Karen si Gng. Magpantay?


Karen : Nakita ko siya kanina sa kantina.
Joyce : Ganoon ba? Galing kasi ako kanina roon pero hindi ko naman siya nakita.
Karen : Bakit mo ba siya hinahanap? Anong kailangan mo sa kaniya?
Joyce : Ipapasa ko lang kasi sa kaniya itong proyekto natin sa Agham.

Quiz No. 7 July 21 , 2017

FILIPINO VI-1

Hahatiin ang mga bata sa limang pangkat. Magkakaroon sila ng isang munting dula-dulaan. Ipapakita nila
kung paano ginagawa ang isang sine o palabas sa isang sinehan.

Pamantayan:
Kaisahan ng pangkat - 10
Kawastuhan - 10
Kasiningan - 10
30 puntos

Quiz No. 8 July 28 , 2017

FILIPINO VI-1

Ang mga bata ay manonood ng isang kuwentong pambata na may pamagat na “Ang Lobo at ang Pitong
Kambing” at muli nila itong isasalaysay sa klase.
Pamantayan:
Pagkakasunud-sunod ng pangyayari - 10
Kawastuhan sa Pagbigkas ng mga salita -10

Kabuuan: 20 points

Quiz No. 9 August 4, 2017

FILIPINO VI-1

I-Piliin ang angkop na kahulugan o katumbas na mga pahayag sa salitang may salungguhit.
1) Siya raw ay listo at masigla.
a) tagasulat c) mabilis
b) hindi mahiyain d) hindi patatalo
2) Smart at makabago ang ate ko.
a) magilas ang tindig c) matalim magsalita
b) malakas ang tinig d) magalang magsalita
3) “Oh my God!” ang naibulalas ko.
a) Aba! Panginoon ko! c) Diyos na maawain!
b) Por Diyos por Santo! d) O Diyos ko!
4) Iba-ibang grupo ng mang-aawit ang dumalo.
a) yunit c) pangkat
b) angkan d) kombo
5) “I don’t care!” ang sabi niya sabay kibit ng balikat.
a) Hindi ako nag-aalala. c) Balewala sa akin.
b)Wala akong gusto. d) Hindi ko ito ginusto.
6) Dating kawani si Mang Ramon sa isang bahay-kalakal.
a) Tindahan
b) Kalakalan
c) Kinakalakal na bahay
7) Natatakot sila sa mga engkantada, duwende, at lamang-lupa.
a) Mahiwagang bunga mula sa lupa
b) Mahiwagang nuno na nakatira sa ilalim ng lupa
c) Malaman ang lupa
8) Dapit-hapon na ay wala pa ang mag-asawa.
a) Bago maghapon
b) Malapit nang maghapon
c) Kahapunan
9) Kapit-bisig sa paggawa ang mga taganayon kaya madali nilang natatapos ang gawain.
a) Tulung-tulong
b) Watak-watak
c) Magkadikit ang mga bisig
10) Tumugtog ang orasyon sa kalapit na simbahan at napansin ko ang malungkot na takipsilim.
a) Dakong ikaanim ng gabi
b) Malapit nang sumikat ang araw
c) Katanghalian
11) Ako’y kabataang lalang sa panahon.
a) namumukod c) nabuhay
b) nakasama d) nilikha
12) Ng pakikisangkot tungo sa pagsulong.
a) pag-unlad c) pagsikat
b) pagyaman d) pagbabago
13) May malayang isip, diwa’y nakatuon.
a) nakatutok c) nakalimot
b) nakabaon d) nakadiin

14) Sa pagsasagawa ng mabuting layon.


a) proyekto b) isip c) gawa d) hangad
15) Sa mga paggawa at pakikibaka.
a) pagkilos b)pakikipaglaban c) pakikisamad) pagsisikap

II- Gamitin ang angkop na panghalip upang mabuo ang bawat pangungusap. Bilugan ang tamang sagot sa
loob ng panaklong.
1) Binilhan ko _____ ng bagong damit at sapatos para sa pagtatapos. (siya, amin)
2) Nagluto ang nanay ng adobo para sa ________. (tayo, doon, akin)
3) Ang bagong biling bahay ay _________. (kanila, sila)
4) ____________ ay may kalayaang bumuto at pumili ng kandidatong nais natin. (Daw, Tayo)
5) Ang karapatan ng iba ay iginagalang __________. (natin, kanila)

III- Basahin at magbigay ng sariling wakas ng kuwento.

JUAN TAMAD
Isang araw, nagtungo sa ilog si Juan Tamad at ang kanyang mga kaibigan. Ang ilog ay umaagos
pababa. Karaniwang naglalaro ng mga bangkang papel ang mga bata sa mababaw na bahagi ng ilog.
Tuwang-tuwa sila sa pagbabantay kung kaninong bangka ang pinakamabilis. Nakatuwaan ng mga bata na
gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa pinagtabi-tabing katawan ng puno ng saging. Nagtungo sila sa
malalim na bahagi ng ilog at doon nagsimulang magkarerahan. Ang iba ay gumamit ng tukod bilang
sagwan. Lahat sila ay gustong manalo. Si Juan Tamad? Naku, nahiga siya sa balsa. Tinawanan niya ang
mga kaibigan nang makita silang nagpapakahirap sa pagsagwan. At si Juan ay nagsimulang matulog.
Tinulungan ng tatlong bata
ang kanilang balsa upang mabilis na makarating sa takdang lugar. Ang balsa naman ni Juan ay umayon
lamang sa agos ng ilog. Hindi namalayan ni Juan na ang balsa niya ay naharang ng mga sanga ng
kawayan at natigil sa gilid. Alam ng mga kaibigan na mahuhuli si Juan ng dating sa kanilang tagpuan
pagkat di ito gumamit ng sagwan. Hindi nila inalam kung nakarating ito o hindi. Umalis na sila.
Sa kabilang dako, si Juan Tamad ay tulog pa rin sa natigil na balsa. Inabutan siya ng gabi. Nang
nagising siya, wala siyang makita kundi puro kadiliman. At nakarinig siya ng mga nakakakilabot na mga
huni. Natakot siya. Nagsisisi siya kung bakit siya natulog. Bumalikwas siya at kumalas sa makapal na
mga sanga ng kawayan. Pagdating niya sa bungad ng palayan, kumaripas siya ng takbo sa abot ng bilis ng
kanyang mga paa. Kawawang Juan, tayo ang mga buhok sa laki ng takot.

Answer Key:
I- -1) c
2) a
3) d
4) c
5) c
6) b
7)b
8) b
9) a
10) a
11) d
12) a
13) a
14)d
15) b

II-1) siya
2)akin
3) kanila
4) Tayo
5) natin

Quiz No. 10 August 9, 2017

FILIPINO VI-1

Ang mga bata ay manonood ng isang balita at magbibigay sila ng kanilang opinion tungkol ditto.
Pamantayan:
Pagkakasunud-sunod ng pangyayari - 10
Kawastuhan sa Pagbigkas ng mga salita -10

Kabuuan: 20 points

You might also like