Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Filipino 8

I. Mga Layunin
Sa pamamagitan ng larawan, 80% ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ay inaasahang:
a) Nakapagbibigay-kahulugan sa mga mahihirap na salita;
b) Nakapagtutukoy ng teoryang panliteratura na ginamit sa akda;
c) Nakapagpapahayag ng mga sariling paraan ng mga sariling paraan ng pagpapadama ng
pag-ibig; at
d) Nakapagsisipi ng mga pahayag mula sa sanaysay

II. Paksang-Aralin
Paksa : “Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto
Sanggunian : Badayos, Paquito B. Yaman ng Pamana III. Pp. 162-169
Kagamitan : larawan, hugis pusong cartolina, graphic organizer (positive-negative chart)
Pagpapahalagang Moral : Paggalang sa damdamin ng iba
Kasanayan : pagsang-ayon at pagsalungat

III. Pamamaraan

A. Pangganyak
Sa araw-araw nating pamumuhay, hangad natin ay kapayapaan at katahimikan. Ngunit
hindi talaga maiiwasan ang mga masasamang pangyayari, pag-uugali at kilos. Magpapaskil ng
dalawang larawan ang guro sa pisara.
Pansinin ang dalawang larawang pinaskil ko sa pisara.
 Ano ang makikita sa unang larawan? Sa ikalawang larawan?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng larawan?

B. Paglalahad
Ang kapayapaan ay nakakamit dahil sa pagmamahal na namamayani sa bawat isa. Kung
nagmamahal ka, igagalang mo ang iyong mga magulang, tutulungan ang iyong kapwa at lilinisin
ang iyong kapaligiran. Kasamaan naman ang dulot ng kawalan ng pagmamahal. Naiinggit ka sa
iyong kapwa, sinusuway ang mga magulang at kaligayahan mo ang kapahamakan ng
sangkatauhan. Nagkakaiba an gating palagay sa kahulugan ng tunay na pagmamahal. Tunghayan
natin ang pagpapakahulugan at pagpapahalaga ni Emilio Jacinto sa pagmamahal sa kanyang
sanaysay na pinamagatang “Ang Pag-ibig.”
C. Pagbibigay ng Pangganyak na Tanong
Alam kong may ideya na kayo tungkol sa sanaysay pero sa kabilang banda may mga
katanungan din kayong gusting mabigyang-linaw. Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga
tanong ukol sa sanaysay na “Ang Pag-ibig”.
 Bakit pinamagatang “Ang Pag-ibig” ang sanaysay ni Emilio Jacinto?
 Paano inilarawan ng may-akda ang pag-ibig?
 Ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?
 Ano ang maaring mamayani kung walang pag-ibig

D. Pag-alis ng Sagabal
Bibigyan ko ang bawat isa ng mga papel na hugis puso. Nakasulat sa mga puso ang mga
mahihirap na salitang kailangan niyong itapat sa mga kahulugang ipapaskil sa pisara.

NANGANGATAL panginginig ng katawan o tinig kapag nagagalit natatakot o nagiginaw


NALIPOS ganap na natakpan
PITA ibig; matinding pag-asam
ABA dukha
MANAMBITAN pagsusumamo; pagmamakaawa

E. Pagtatalakay
Sa mga hugis pusong ibinigay ng guro kanina, ipapangkat ang klase sa tatlo. Ang
nakakuha ng malalaking puso ang kabilang sa unang pangkat. Ang may maliliit na puso ang
kabilang sa unang pangkat. Ang may maliit na puso ang ikalawang pangkat. Ang nakakuha
naman ng mga pusong may hugis tao sa loob ay ang ikatlong pangkat.

Unang Pangkat
Sumipi ng mga pahayag na naglalarawan o kakikitaan ng mga positibong dulot ng pag-
ibig. Isulat sa cartolina.
 Bakit napili ninyo ang mga pahayag na ito?
 Anu-ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?
 Sumasang-ayon ba kayo sa magagandang dulot ng pag-ibig ayon kay Emilio Jacinto?
Bakit?

Pangalawang Pangkat
Sumipi ng mga pahayag na naglalarawan ng mga negatibong pangyayari dahil sa kawalan
ng pagibig. Isulat sa cartolina.
 Bakit napili ninyo ang mga pahayag na ito?
 Anu-ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?
 Sumasang-ayon ba kayo sa magagandang dulot ng pag-ibig ayon kay Emilio Jacinto?
Bakit?

Pangatlong Pangkat
Sumipi ng mga pahayag na nasasangkot ng mga taong may magagandang dulot o may
masasamang dulot ng kawalan ng pag-ibig. Pangalanan ang bawat isa. Isulat ang pahayag at ang
mga tao sa cartolina.
 Ano ang maaaring mangyari sa kanila kapag namayani ang pag-ibig?
 Ano ang maaaring mangyari sa kanila kapag walang pag-ibig?

Bibigyan lamang ng 10 minuto ang mga mag-aaral upang magawa ang mga iniatas sa
kanila. Magbabahaginan ang bawat grupo sa harap ng klase.

F. Pagsagot sa Pangganyak na Tanong


Mula sa binahagi ng bawat pangkat sa klase, ilahad muli ang inyong tanong kanina at
sagutin ninyo pagkatapos.
Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong at sagot.

G. Pagpapalawak
Mananatili ang mga mag-aaral sa kanilang mga pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng
angkop na awit na naglalarawan sa pag-ibig ng Poong Maykapal (Pangkat 1), pag-ibig sa
Magulang (Pangkat 2), at pag-ibig sa kapwa at bayan (Pangkat 3). Aawitin ito ng bawat pangkat
sa harap ng klase. Bawat sa ay kailangang maglahad ng mga paraan paano ipapadama ang pag-
ibig sa Poong Maykapal, magulang, kapwa at bayan.

H. Paglalapat
Pansinin ang pahayag na ito.
“Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa
mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak
kaya naman ay walang pagibig sa magulang, sino ang maging alalay at tungkod sa katandaan?
Ang kamatayan ay lalo pangn matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at
nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakayat at makaaaliw sa
kanyang kahinaan.”
 Sinu-sino ang pinag-uusapan sa pahayag na ito mula sa sanaysay?
 Paano umikot sa mga taong ito ang Pag-ibig?
Ang mga taong ito na binanggit sa sanaysay ang sentro ng pag-ibig. Samakatuwid
nakatuon ang pagibig sa mga taong binanggit. Kung gayon anong teoryang pampanitikan ang
ginamit sa sanaysay na ito?
Teoryang Humanismo
Ano ang teoryang Humanismo?
Ang tao ang sentro ng pagsusuri sa akda.

I. Paglagom ng Seleksyon
Ang mga siniping pahayag ng bawat pangkat ay ilalagay sa loob ng graphic organizer
(positivenegative chart) na ipapaskil sa pisara.
NEGATIBO Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto POSITIBO
MGA PANGALAN
Anu-ano ang mga magagandang dulot ng pag-ibig?
Ano-ano ang maaring ibunga ng kawalan ngn pag-ibig?
Sinu-sino ang nakadama ng pag-ibig?

J.Ebalwasyon
Sa isang kalahating papel sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Ibahagi ang iyong karanasan sa pag-ibig.
Paano mo ito pananatilihin?
Ibahagi ang iyong karanasan sa mga bunga ng kawalan ng pag-ibig.
Paano mo ito maiiwasan?

IV. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang sanaysay na may kaugnayan sa pag-ibig. Ang sanaysay na gagawin ay
dapat sumunod sa mga pamantayan.
May 3 talata (simula, katawan, wakas)
May 5 pangungusap bawat talata
May organisado at malikhaing ideya/kaisipan
Dapat malinis at maganda ang sulat kamay
Isulat sa short bond paper

MARY ANN D. SALGADO


Guro sa Filipino

You might also like