Duyan NG Kristyanismo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Vitorillo, Aaron Gabriel E.

11-Kepler

Duyan ng Kristyanismo, Duyan ng Banal na Bata


Ang Pilipinas ay kilala bilang isa sa mga bansang may malalim na
pananampalataya. Noon pa man, sinasayaw na natin ang ating mga anito at dinarasal
upang sila ay maisamba at mabigyang pugay. Ang tradisyon ng pagsasayaw sa mga
diyos at diyosa ng ating mga ninuno ay patuloy pa ring nangangasiwa sa diwa ng ating
kultura hanggang ngayon. Nang nabighani ang Rajah Humabon at ang kanyang asawa
na si Juana sa mga inosenteng mata ng banal na bata, ang Senyor Santo Niño, ang
batang ito ay kanilang isinayaw, ngayon ay patuloy na ating sinasayaw, at sasayawin
ng susunod na henerasyon.
Ang kapistahan ni Senyor Santo Niño ay isang pestibong pagdiriwang ng
kanyang pagkarating sa mga puso ng ating mga ninuno na siyang nagbago sa kurso ng
pananampalataya. Ang paghandog ng mga Kastila sa banal na bata ay nakaakit sa
ating mga ninuno tungo sa Kristyanong pamumuhay na syang ating kinaugali-an
ngayon. Kaya naman walang duda na ito ay isa sa pinakamahalaga at pinakatanyag na
pista sa Pilipinas.
Maraming deboto rin ang dumadalo mula sa iba't ibang panig ng Cebu at maging
sa mga karatig na probinsya nito upang masilayan ang pista at makibahagi sa
pagdarasal sa 9 na araw na nobena para sa mahal na bata. Karamihan sa mga deboto
ay naniniwala sa milagrosong kapangyarihan ng imahe ng Santo Niño. Halimbawa nito
ay ang mabilis na pagtiwala ng mga animistikong katutubong Pilipino sa Kristyanong
pananampalataya sa pamamagitan ng imahe ng banal na bata, at ang himalang
pagkakaligtas nito sa sa kabila ng pagkasunog ng ilang mga pagkasunog ng simbahan
kung saan inilalagay ang imahe. Dahil dito, napapanatiling matatag ang debosyon ng
mga tao sa banal na bata dahil sa mataimtim na pananalig sa Diyos at sa mga kwento
tungkol sa milagrosong imahe.
Kaya naman ang Fiesta Señor ay isang malaking bagay para sa nakararami, ito
ay isa sa pinakaugat ng Kristyanismo sa ating bansa. Ito ang milagrosong imahe na
syang pundasyon ng ating kasalukuyang pananampalataya kay Kristo na ating Diyos.
Ang pagdiriwang natin sa kanyang kapistahan ay simbolo ng ating pasasalamat
sapagkat ito ang nagbukas ng pintu-an tungo sa ating malalim na paniniwala't
pananampalataya sa Diyos na halos limang daang taong nakaraan hanggang sa
kasalukuyan.

You might also like