Filipino 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

SOUTH LA UNION CCAMPUS


KOLEHIYO NG EDUKASYON
AGOO, LA UNION

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

Pag-ibig sa Tinubuang lupa


Ni: Andres Bonifacio

Inihanda ni:
Jomar C. Salvador
BSE II-I, FILIPINO
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
SOUTH LA UNION CCAMPUS
KOLEHIYO NG EDUKASYON
AGOO, LA UNION

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino


Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

I. Layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang nilalamang mensahe ng binasang tula,
b. Nakapaglalahad ng opinyon sa binasang tula na naiuugnay sa kasalukuyang
panahon, at
c. Nakasusulat ng sariling tula na maipapahayag ang emosyon o damdamin.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Tula: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Sanggunian: K-12 Modyul sa Filipino Baitang 8, www.filipino8/modyul.com
Kagamitan: Sipi ng Akda
Pagpapahalaga: “Nalalaman ang kahalagahan ng pag-aalay sa pagmamahal sa
sariling bayan.”

III. Pamamaraan.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


I. Tuklasin/Alamin
A. Panimulang Gawain
Magandang umaga klase? Magandang umaga rin po aming guro.
Maari bang tumayo muna kayong lahat
para sa ating panalangin sa araw na ito (Tahimik na nananalangin)

Pwede na kayong umupo.

Meron bang lumiban sa klase? Wala po aming guro.

Mabuti kung ganoon.

B. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating talakayan sa
araw na ito, magkakaroon tayo ng laro na
papamagatang “Bunot mo, Drama mo” na
kung saan ay bubunot kayo ng isang
kapirasong papel sa kahon at mayroong
nakasulat sa papel na tungkol sa mga
gawain na nagpapakita sa pagmamahal sa
bayan at inyo itong gagawan ng drama na
may angkop na ekpresyon at damdamin.
Maliwanag ba klase ? Opo Sir

II. Linangin
Bago natin simulan ang ating paksa ngayong Siya po ay isang bayani at ang utak ng
araw. Sino dito ang nakakakilala kay Andres himagsikan.
Bonifacio ?

A. Paglalahad
Napakahusay! Ngayong umagang ito ay
ating tatalakayin ang isa sa isinulat ni
Andres Bonifacio na pinamagatang ” Pag-
ibig sa Tinubuang Lupa”.

Handa na ba kayo? Opo Sir

Pero bago ‘yan, atin munang hanapin ang


kahulugan ng mga talasalitaang mababasa
ninyo sa pisara.

Talasalitaan
Hanapin natin ang kahulugan ng
nasalungguhitang salita ayon sa inyong
pagkakaintindi sa pangungusap. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
1. Isang kahig, isang tuka ang pamumuhay
ng mga dukha sa probinsya. a.tatalikuran c. mahirap
2. Isiniwalat niya ang sekreto ni Juan. d.mapang-abuso d. pinagsabi
3. Ang mga pulitikong ganid ay hindi dapat e. kasama
nirerespeto.
4. Huwag nating tatalikdan ang ating
reponsibilidad.
5. May kalakip na responsibilidad ang iyong
tatahaking buhay.

B. Talakayan
Hatiin natin ang klase sa tatlong grupo
grupo dahil babasahin natin ang tula na
ginawa ni Andres Bonifacio, ang unang
grupo ay babasahin ang unang saknong, ang
pangalawang grupo ay sa pangalawang
saknong at ang pangatlong grupo ay sa
pangatlong saknong at pagkatapos ito’y
babalik sa unang grupo.

III. Pagnilayan at Unawain


1. Sa inyong palagay, bakit ito isinulat ni Sa aking palagay, isinulat ito ni Andres
Andres Bonifacio ? Bonifacio upang himukin ang mga Pilipino sa
pagiging makabayan.

2. Sa panahon ngayon, may mga alam ka ba Oo, ang ating magigiting na mga sundalo na
o kilalang nagbuwis ng buhay para sa silang nakikipaglaban upang makamit natin
bayan ? ang kapayapaan kapalit man ang buhay nila.

3.Ano ang unang pumasok sa iyong isipan Ang unang pumasok sa aking isipan ay ang
pagkatapos mabasa ang tula ? pagiging makabayan, dapat nating tangkilikin
ang sariling atin. Minsan kailangan din nating
magbuwis ng buhay para sa sariling bayan.

4. Ano ang kalagahan ng pagiging Napakahalaga kapag mahal mo ng iyong bayan


nasyonalismo ? dahil dito ka nahubog bilang isang tao at dito
ka rin ipinanganak at naninirahan.

5. Kaya mo bang ipaglaban ang iyong bayan Handa akong magbuwis ng aking buhay para
kung sakaling may digmaan ? makamit natin ang katahimikan. Bilang isang
mamamayan responsibilidad nating
IV. PAGLALAPAT pagsilbihan at protektahan ang ating inang
bayan.

Paano mo maipapakita ang pagmamahal Maipapakita ko ang pagmamahal ko sa aking


mo sa iyong bayan ? bayan sa pamamagitan ng,pagtangkilik sa
aming prudokto, pagsunod sa batas at dapat
nating pasilbihan ang ating bayan sa tamang
paraan.

EBALWASYON
Gawain: (Indibidwal na gawain)
Gumawa ng sariling tula na patungkol sa
pag-ibig mo sa iyong bayan na mayroon
lamang na apatna saknong at maaring
gumamit ng malayang taludturan. Isulat ito
sa kalahating papel.

Pamantayan sa
paggawa ng Tula Puntos

Nilalaman 20
Pagkamalikhain 15
Orihinalidad 15
Kabuaan 50
PAGLALAHAT
Sa kabuuan ng ating tulang tinalakay ay
aking nakita ang husay niyo sa pagsagot sa
aking mga katanungan. Ang aking
maipapayo sa inyo ay dapat nating mahalin
an gating sariling bayan gumawa tayo ng
mga bagay na ikabubuti ng ating bayan.

May nais ba kayong itanong klase ?


Wala po Sir
V. Takdang Aralin
Maghanap ng litrato o gumuhit ng isang
larawan na nagpapakita sa pagmamahal sa
bayan at gumawa kayo ng tula na naangkop
sa inyong napiling larawan.

Pamantayan sa
paggawa ng Tula Puntos

Nilalaman 15
Pagkamalikhain 10
Orihinalidad 5
Kabuaan 30
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip


at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal


sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad


sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog


ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki


na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,


siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol


ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan


ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,


ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga


na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog


bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!


gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan


waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib


at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan


ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis


ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay


sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos


sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay


na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap


ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,


nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay


sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit


ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)


ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)


kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig


hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

You might also like