Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DETAILED LESSON PLAN

CALLAO ELEMENTARY SCHOOL


GRADE – 3
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

I. Layunin
Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng mga
simpleng Gawain
- Pagdalaw, pag-aliw at pagdadala ng pagkain o anumang bagay na kailangan
ESP3P – 11a-b-14

II. Nilalaman
Mga may karamdaman: Dalawin at aliwin ang mga may karamdaman o maysakit

Sanggunian:
CG ph. 46 ng 153
TG ph. 26 - 28
LM ph 72 – 73

Kagamitan:
Kuwaderno, larawan ng taong maysakit, card

III. Pamamaraan:
A. Balik-aral
Ano ang magiging bunga sa pagtulong sa mga taong biktima ng kalamidad
tulad ng bagyo, sunog, at baha?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ano ang dapat mong gawin kung nalaman mong maysakit ang iyong kaibigan
o kamag-aral o kung sinuman sa iyong kakilala? Bakit?
Ikaw ba ay marunong gumawa ng kard na naglalaman ng tula, awit at likhang
sining para sa taong iyong dinadalaw?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Pagpapakita ng isang halimbawa ng kard na naglalaman ng tula, awit at
likhang sining at iba pang bagay para sa taong dinadalaw.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


1. Ano ang nakalagay sa loob ng iyong kard?
Maliban sa kard, ano pa ang ibang bagay na dapat ibigay sa dinadalaw?
2. Bakit ito ang napili mong gawin para sa iyon kaibigang maysakit? Bakit
kailangang pasayahin ang mga maysakit?
3. Ano-ano ang m ga paraan na maaring gawin upang mapagaan ang karamdaman ng
mga maysakit?

E. Paglinang sa kabihasaan
Pangkatin ang mga bata sa tatlo
Pangkat I – Pag-awit
Pangkat II – Pagkukuwento
Pangkat III – Pagguhit
Pag-uulat ng mga bata sa kanilang Gawain

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bilang isang bata, paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa kapwa? Ano
ang kahalagan ng pagmamalasakit sa kapwa?

G. Paglalahat ng aralin
Ano ang mabuting dulot ng pagdadalaw sa may mga karamdaman?

H. Pagtataya ng aralin
Panuto: Lagyan ng tsek ( /) kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng
pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagdalaw at pag-aliw sa may karamdaman at (x)
naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Paghahandog ng isang masayang awitin sa lolo na may karamdaman.
_____ 2. Pagbibigay ng Get-Well-Soon Card sa kaibigang may karamdaman.
_____ 3. Pagkukuwento ng mga malulugkot na pangyayari sa paaralan sa kaklaseng
may karamdaman.
_____ 4. Pagdadala ng sariwang prutas sa kapitbahay na may karamdaman.
_____ 5. Paglalaan ng oras sa pagdarasal para sa mga may karamdaman.

I. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin.


Gumawa ng card ng panalangin sa taong may sakit.

Prepared by:

ELENA C. NONAN
T–3

Noted:

MANOLITO G. MABAGOS
Head Teacher I

You might also like