Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NAIVEN JAY G.

EDPALINA
BSA- II

1. Gumawa ng isang pangungusap na nagpapakilala sa sarili. Gawing kaakit akit at


tumpak.

 Naiven Jay Galarion Edpalina ang aking pangalan, sa lovelife wala ako dyan.

2. Magsaliksik tungkol sa mga batayan sa konsepto sa pag-aaral sa Wikang Filipino at


sagutin ang mga sumusunod.

A.) Ano ang Wikang Pambansa?


 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ang pambansang wika ay ang
wika o diyalekto na kumakatawan sa bansa. Ito ang opisyal na wika na ginagamit
ng isang bansa.
 Dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, nag-uugnay at magtatatguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pananatili.
 Filipino ang ginagamit bilang wikang pambansa dahil ito ay ang katutubong wika
na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso
ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at
sa di-katutubong wika at sa evolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika para sa iba’t
ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal at
para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

B.) Paano ito nabuo?


 Disyembre 30, 1937- iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan
ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon
matapos itong mapagtibay.
 1940 – ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa
lahat ng pampubliko at pribadong paaralan at sa mga pribadong institusyong
pasanayang pangguro sa buong bansa.
 Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng
Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang wikang
Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang
opisyal.
 1959 – ibinaba ng kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging
Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang
Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog.
 1987 – Filipino na ang ngalan ng Wikang Pambansa, alinsunod sa Konstitusyong
na nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi
pinaghalu-halong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y
may nucleus, ang Pilipino o Tagalog.

C.) Ano ang kaugnayan ng wika, kultura sa pagbuo/pagtatag ng mapayapang lipunan?


 Ang wika at kultura ay naging instrumento o tulay para makabuo ng mapayapang
lipunan sapagkat ang wika ay ginagamit ng isang bayan sa paraang binibigkas o
isinusulat upang maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ay siyang
nagbibigay pagkakataon para sa mga tao sa ibat’t ibang lugar upang makapag-
usap, upang magkaintindihan at upang makabuo ng pagkakaisa. Ang kultura
naman ay ang mga bagay na tumutukoy sa pangkalahatang Gawain o aktibidad
sa isang lugar.
 Kung walang wika, walang lipunan dahil walang ugnayan sa isa’t-isa kung
walang komunikasyon na magaganap. Dahil dito, mahirap magkaroon ng kultura
at higit sa lahat walang pagkakaisa na siyang dahilan upang makabuo
mapayapang lipunan.
 Ang simpleng pagamit at paggalang sa wika at kultura ay isang pagpapakita
pagpapahalaga. Ating gamitin ang sarili nating wika at bumuo ng isang kultura na
kagalang-galang o ginagalang ng lahat at tayo’y makakabuo ng isang bansang
may pagkakaisa at higit sa lahat may tiwala sa isa’t-isa.

You might also like