Task 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NAIVEN JAY G.

EDPALINA
BSA – II

1. Magsaliksik tungkol sa mga batayang konsepto sa pag-aaral ng wikang Filipino at


sagutin ang mga sumusunod:

A.) Ano ang wikang opisyal?


 Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binibigyan ng bukod tanging
istatus sa saligang batas ng mga bansa, estado at iba pang teritoryo. Ito ang
itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
Ibig sabihin, ito ang wika na maaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon,
lalo na sa anyong nakasulat, at sa anumang sangay ng gobyerno.

 Ang opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino at Ingles alinsunod sa Saligang Batas


ng 1987. Ayon sa batas na ito, binabanggit na, “Ukol sa layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hanggang walang ibang itinadhana ang batas, Ingles.” Ibig sabihin sa
kasalukuyan, mayroon tayong dalawang opisyal na wika.

 Upang magkaroon ng opisyal na wika, dumadaan din ito sa proseso ng


gobyerno. Binubusisi muna ito at sinasagawan ng maraming pag-aaral upang
malaman kung ano ang pinaka karapat-dapat na wika para sa bansa. Bago
maging opisyal ang isang wika, tinitiyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika
para sa buong kapuluan sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng iba’t ibang
salik.

B.) Paano ito nabuo?


 1936 (Nov. 13) Batas Komonweltblg. 184 - SWP (Surian ng wikang pambansa)
na may kapangyarihang gumawa ng pag-aaral tungkol sa mga wikang ginagamit
ng bansa.
1940 (Hun. 7) Batas Komonweltblg. 570 –Nagtatadhana na ang pambansang
wika ay isa na sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas sa Hulyo 4, 1940.
1968 (Ago. 6) Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 – naga atas salahat ng
kagawaran, kawanian, tanggapan at iba pa nagamitinangwikang PILIPINO.

 1971 (Mar. 16) Kautusang Tagapagpaganap blg. 30–nagpapanauli (restore) sa


SWP (surian ng wikang pambansa) at nililiwanag ang mga kapangyarihan at
tungkulin nito. (nilagdaan ni Pang. Ferdinand E. Marcos).
1987 Artikulo XIV, Sek. 7 ng Konstitusyong 1987–Ang wikang opisyal ng pilipinas
ay FILIPINO AT INGLES. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang wikang
kastila, arabik at mga wikang panrehiyon.

 1987 Artikulo XIV, Sek. 9 ng Konstitusyong 1987 – KWF (komisyon sa Wikang


Filipino) nabinubuo ng mgakinatawan ng iba’ti bang mga rehiyon at mga sisiplina
na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino
at iba pang wika para sa kanilang pagpapaunlad.
1988 (Ago. 25) Kautusang Tagapagpaganap blg. 335–nagtatagubilin salahat ng
departamento, kawanihin, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan
na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang
Filipino sa mga opisyal natransakyon, komunikasyon at korespondensya.
(nilagdaanni Pang. Corazon C. Aquino)

C.)Paano ito nakatulong sa pagbuo/pagtatag ng mapayapang lipunan?


 Lahat ng bansa ay mayroong opisyal na wika. Kinakailangan ito upang
magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa mga desisyon, patakaran, at
korespondensya ng pamahalaan. Ginagamit ang opisyal na wika sa talastasan at
mga transaksyon ng pamahalaan sa loob at labas ng mga ahensyang kabilang
nito.

 Dahil dito, nagiging instrumento ang opisyal na wika sa mga opisyales ng


pamahalaan upang magkaroon ng mas malinaw na pakikipagkomunikasyon.
Mas nagiging madali ang pagbuo ng isang bagong batas o panununtunan na
kinakailangang pag usapan kung ito’y sasang-ayonan ng lahat.

 Makakabuo o makakatatag ng mapayapang lipunan ang isang bansa dahil sa


mga batas na binuo ng pamahalaan gamit ang opisyal na wika na kailangang
sundin ng mga tao. Tulad sa panahon ngayon na nakakaranas tayo ng
pandemya na tinatatawag na COVID-19, nagiging mas mapayapa ang pag
resolba nito dahil mas madaling nakabuo ng desisyon, patakaran o batas at
mimorandom kung paano ito maiiwasan gamit ang opisyal na wika na naging
tulay sa pakikipagtalastasan. Mas napadali ang pagbalik sa normal na buhay sa
ating lipunan.

You might also like