Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pagdidisenyo ng Module sa Pagtuturo ng El Filibusterismo gamit ang Canvas.

Kabanata I

Introduksyon

Kilalang-kilala ang blended learning bilang isang makabagong dulog sa larangan ng edukasyon hindi

lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong daigdig. Ang Blended Learning ay ang paghahalo ng paggamit ng

tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo na may pagsasama-sama ng paggamit ng mga makabagong kagamitan

tulad ng cellphone, Ipad, laptop at iba pa partiukular na paggamit ng internet. Isa ang paaralan ng Far Eastern

College – Silang, Cavite ang gumagamit ng dulog na ito sa pamamagitan ng Canvas, isang Learning Management

System (LMS), a software that automates the administration, tracking, and reporting of [education] events.

Malaki ang naging ambag ng Canvas sa pagtuturo ng mga guro sa FEU- Silang, Cavite. Gamit ang

nasabing LMS, naging mas epektibo ang pagpapatupad ng blended learning sa nasabing paaralan. Binago nito

ang kinagisnang tradisyunal na pagtuturo lalo ng mga obra maestrang sa Filipino – Ibong Adarna, Florante at

Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ngunit upang mas maging epektibo ang paggamit ng Canvas,

nilalayon ng pag-aaral na ito na makapagdisenyo ng isang module na magagamit sa pagtuturo ng ikalawang

nobela ni Jose Rizal, ang El Filibusterismo. Dahil nakikita ng mananaliksik ang pangangailangan pa ng paghahasa

sa paggamit ng Canvas upang ganap na higit na maisakatuparan ang layunin ng blended learning na mapagsanib

ang kinagisnang pamamaraan ng pagtuturo at ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo gamit ang internet.

Sa pag-iimplementa ng Kagawaran ng Edukasyon ng K to 12, nagkaroon ng mga pagbabago sa larangan

ng edukasyon sa Pilipinas, hindi lamang nagkaroon ng karagdagang 2 taon sa hayskul. Kung hindi maging sa mga

metodo at pamamaraan ng pagkatuto na iniaayon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na sa ika-21 siglo:

ang pagiging mapanuri, pagkakaroon ng krtikal na pag-iisip, makapagpapaliwanag ng mga nakalap na datos mula

sa mga nabasa o nasaliksik at higit sa lahat makapaghanap at makapagbigay ng solusyon sa iba’’t ibang isyung

panlipunan na kanilang kinakaharap.

Gamit ang Canvas, isasakatuparan nito ang layunin ng blended learning na maging ganap ang pagkatuto

ng mga mag-aaral bagamat wala sa loob ng paaralan o pormal na klase. Magkakaroon sila ng kalaayan na

makapag-aral na batay sa kanilang kakayahan, lokasyon at iba pang bagay na nakakapekto sa kanilang pag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin:

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay makabuo ng isang Module na magagamit ng mga guro

na nagtuturo at magtuturo ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng paggamit ng Canvas App. Kahilingan ng pag-

aaral na masagot ang pangunahing tanong na:

Paano mapapalalalim ang pagkatuto sa pag-aaral ng nobelang El Filibusterismo gamit ng Canvas App?

Sisikapin rin ng pag-aaral na ito na mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na sekondaryang mga

katanungan.

1. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagdidisenyo ng module na gagamitin sa pagtuturo ng El

Filibusterismo gamit ang Canvas App?

2. Paano magiging epektibo ang pagdidisenyo ng module paggamit ng Canvas App sa pagtuturo ng El

Filibusterimo?

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Dahil na rin hindi mapipigilan ang paggamit ng teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa halip na

maging balakid ito, Kinasangkapan ito ng mga guro upang mas maging kawili-wili at interesante ang pagkatuto

ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng Canvas, maisasakatuparan ng mga guro ang layunin ng blended learning

naging mas makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang teknolohiya. Bagama’t walang ganap na

panuntunan sa paggamit ng face-to-face at online na mga gawain sa dulog na ito. Ang tuon pa rin nito ay ang mga

bagay na aangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa baitang 10 – ang kanilang pang-unawa, kakayahan,

kalikasan bilang mag-aaral, ang kanilang lokasyon at kanilang mga kakailanganing kagamitan sa pagproseso ng

kanilang pagkatuto.

Isa ang Far Eastern College – Silang, Cavite sa gumagamit ng Canvas, Ang Canvas ay isang Learning

Management System na kung saan ang isang LMS, ay isang software application that automates the

administration, tracking, and reporting of [education] events

Ang mga guro at mag-aaral na nasa baitang 10 ng FEU- Silang, Cavite, unang makikinabang sa pag-aaral

na ito, sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya upang maging kawili-wili at interesante ang pagtuturo ng
nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Hindi na lamang makukulong ang mga mag-aaral ng baitang 10 sa

pagtuturo ng nobelang ito sa apat na sulok ng kanilang silid-aralan kundi magbubukas din ito ng panibagong

karansan na makakatulong sa kanilang magkaroon ng interes at kawilihan sa pag-aaral at pagkatuto ng nobelang

El Filibusterismo at maging iba pang obra maestra sa Filipino.

Sa bahaging ito, mababago ang gampanin ng guro na dati’y nakukulong sa apat na sulok ng silid-aralan

lamang. Maaring sa halip na siya ang magsimula ng talakayan sa Canvas maaring niyang hayaan na isa sa

kaniyang mga mag-aaral ang magsimla ng discussion post at ang iba pang mag-aaral ay magbibigay ng kani-

kaniyang opinyon hinggil dito. Tanging gagawin ng guro ay maging tagapamahala o facilitator na lamang sa

bahaging ito.

Dahil sa paggamit ng Canvas App nagiging mas epektibo ang pagkatuto at pagtuturo hindi lamang ng El

Filibusterismo kundi ng lahat ng aralin sa baitang 10 ng Far Eastern College- Silang, Cavite kundi maging ang

lahat ng mga mag-aaral at paaralan na gumagamit ng Canvas App.

Saklaw at Limitasyon

Sinasaklaw lamang nito ang mga aralin sa ikaapat na markahan ng asignaturang Filipino, ang pag-aaral

ng nobelang El Filibusterismo at lalamanin ng pag-aaral na ito ang pagdidisenyo ng modulesa pagtuturo ng El

Filibusterismo gamit ang Canvas. Lilimitahan lamang sa pag-aaral na ito ang mga kakailangan sa pagdidisenyo

ng isang module gamit ang Canvas gaya ng mga sumusunod: Curriculum guide ng Filipino na mula sa Kagawaran

ng Edukasyon (Dep Ed) dahil sa ito ang pangunahing batayan ng mga bagay na dapat matamo at matutunan ng

mga mag-aaral sa ikasampung baitang. Isa rin sa mga sangkap sa pagbuo ng module ay ang Bisyon at Misyon ng

paaralan, maipapakita nito ang pagtatangi ng mga bagay na mayroon ang ang isang paaralan na gagamit ng

module na ito.

Gagamit ang mananaliksik ng expert evaluation, na ang magsisilbing tagapag-suri ay mga gurong

nakapagturo o maaaring nagtuturo sa ikasampung baitang. Dahil sa limitado lamang sa 2 ang nagtuturo ng

Filipino sa hayskul sa paaralan ng FEU- Silang, Cavite ang siyang mga taong magiging tagapagsuri ng bubuoing

module ay mga gurong maaring nakapagturo o nagtuturo sa ikasampung baitang sa ibang paaralan na gumagamit

rin ng Canvas o iba pang Learning Management Sytems (LMS).


Terminolohiya:

A. Pagdidisenyo –

B. Learning Management System

C. Canvas

D. Blended Learning

E. Module

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura

Mga Kaugnay na Pag-aaral

You might also like