Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Paglalakbay ni Nanay Auring sa Banal na Lupa”

ni Charmaine Dela Cruz

Nananatili pa ring buhay sa bayan ng Dasmarinas ang tradisyunal na panggagamot. Katulad na


lamang ng paghihilot, pagtatawas, pagsusuob at iba pa. Marahil moderno na ating panahon at
may mga bago na naiimbentong teknolohiya at medisina, marami pa rin ang naniniwala sa
kakahayan ng mga makalumang panggagamot.

Sinuyod ko ang barangay ng Paliparan II sa Dasmarinas upang mas makakalap pa ng mga


impormasyon. Sa totoong lang ay maraming tumanggi dahil ito ay pribado at ayaw magpaabala
sapagkat may mas mahalaga pa silang gagawin. Nguinit sa kabilang banda, ako ay pinalad
sapagkat nataon na kailangang magpatawas ng aking ina dahil may nangyaring hindi maganda sa
kanya at wari may kababalaghang nagaganap sa aming bahay. Pinaunlakan ako ni Nanay Auring
kung kaya’t dali dali akong nagtungo sa kanilang bahay. Pinayagan niya akong interbyuhin siya
ngunit ayaw niyang magpakuha ng litrato sapagkat baka may ibang imaheng lumabas at ako ay
matakot.

Si Nanay Auring ay tubong Pampanga na naninirahan ngayon sa Dasmarinas, Cavite, animnapu’t


walong gulang, kilalang manghihilot at nagtatawas sa kanilang lugar. Kanyang naibahagi na ang
pag tatawas ay may iba’t ibang uri. Maaari itong gumamit ng langis, sinunog na palay at bao, at
kandila. Si Nanay Auring ay itinadhana na gumamit ng kandila sa pagtatawas. Nakakakita siya
ng mga masasama at mabubuting kaluluwa, mga maligno. At may kakayahan siyang paalisin ito
maliban na lamang kung malakas talaga ang pwersa at higit na masama ang kaluluwa. Hindi
naman siya ginagambala ng mga nakakatapat at nakakausap niyang kaluluwa at ni minsan hindi
pa siya nabigo na manggamot pero kanyang inamin na may pagkakataong tinatanggihan niya ang
mga pasyente utos na rin ng matandang ermitanyo dahil kapag hindi niya ito kinaya ay maaaring
magdulot ito sa kanyang kamatayan.

Mismong araw bago siya manganak sa kanyang panganay na anak o labor, biniyayaan siya ng
kakahayan ng espiritung may mahabang buhok at balbas na tila matandang ermitanyong
nakatayo sa kanyang tiyan, hindi niya matukoy kung ito ba ay babae at lalaki dahil hindi rin
nagkaroon ng pagkakataon na magpakilala ito sakanya. Ito ay nakatadhana dapat sa kanyang
panganay na anak bagkus ito ay kanyang inako sapagkat alam niyang magiging komplikado ang
buhay nito lalo na’t ito ay isisilang pa lamang. Ang kanyang kaluluwa ay lumibot sa Banal na
Lupa o Bundok kasama ang matandang ermitanyo, dito matutukoy kung magpapatuloy pa siyang
manggamot. Kapag siya ay nagkasala at napunta siya sa Banal na Bundok o Lupa, hindi na siya
makakabalik sa katawang lupa niya at tuluyan ng mamamatay. Imposible mang isipin ngunit
simulat sapul ay wala siyang kaalam-alam sa pagtatawas sapagkat isa lamang siyang simpleng
mamayan sa Angeles, Pampanga na nakapagtapos ng kursong BS Commerce sa Far Eastern
University. Pero sa katapangan at lakas ng loob na taglay ni Nanay Auring ay nakaya niya ito.

Nagsimula siyang manggamot noong 1984, una niyang ginamot ang isang batang napilay. Nang
dahil doon, sunod sunod na ang mga taong nagpapatawas at nagpapahilot sakanya. Ginagabayan
siya ng matandang ermitanyo tuwing siya ay manggagamot. Ngunit hindi niya rin masabi kung
may kontribusyong gabay ba ang ating Panginoon. Wala rin siyang mga gamit sa kanyang bahay
dahil hindi iyon pinapayagan ng matandang ermitanyo tanging kamay lamang ang kanyang
mahiwagang instrumento sa paggagamot. Samantala sinubukan niyang bumili ng langis sa
Quiapo ngunit pinatapon lamang ito sakanya, dapat ay galing sa magpapagamot ang mga
kagamitan.

May pagkakataon na siya ay tumigil sa paggagamot at pagpunta sa Banal na Lupa o Bundok


dahil pinagbabawalan na siya ng kanyang mga anak. Dahil doon bumigat ang kanyang
pakiramdam sapagkat sumama ang loob ng matandang ermitanyo at hindi rin ito nagpapakita
sakanya. Noong dumating ang panahon ng kanilang pagkikita, sinabi niyang mas mabuting
mamatay na lang siya at kunin ang kanyang kaluluwa, dahil para sakanya maayos nanaman ang
buhay ng kanyang mga anak at lahat ito ay napatapos niya ng kolehiyo. Ang tanging hiling
lamang niya ay huwag gagalawin ang kanyang pamilya ngunit siya ay nagbalik sa Banal na Lupa
o Bundok at patuloy pa ring nanggagamot hanggang ngayon.

Ang kapagyarihang biyaya ng matandang ermitanyo ay nagpabago sa pamumuhay ni Nanay


Auring. Ngunit handa pa rin siyang tumulong sa mga nangangailangan. Walang mang syensya
ang makakapagpaliwawnag nito ngunit hangga’t may naniniwala ay magtatawas at maghihilot
siya. Hindi nga lang niya ito maipapamana sa kanyang mga anak dahil tanging ang matandang
ermitanyo lamang ang makakapagpasa nito.

You might also like