Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Lipa
Pangao Integrated School

Banghay – Aralin 9

( Unang Araw)
I. Layunin

A. Pamanatayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa dula gamit ang teknolohiya at
paglalapi upang mailarawan ang karaniwang pamumuhay ng mamamayan ng bansang
pinagmulan nito.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naitatanghal ang isang dula na naglalarawan ng karaniwang pamumuhay ng
mamamayan.
C. Kasanayan sa Pagkatuto
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IIg-h-48)
 Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan.
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIg-h-48)
 Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito.
 Naiuugnay ang sariling karanasan o karanasan ng iba sa dulang “ Dahil sa
Anak ni Julian Cruz Balmaceda.”
 Nakalalahok ng aktibo sa talakayan at pangkatang gawain.
II. Nilalaman
A. Sanggunian
Mga Pahina sa Gabay ng Guro: 70
Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral: 155-15160
Mga Pahina sa Teksbuk (Iba pang hanguan):
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources:
www.google.com
B. Iba pang kagamitang Panturo: Biswal, Laptop, Telebisyon

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Pang- araw – araw na Gawain
1. Panalangin
( Pagpapanood ng video )
B. Bago kayo maupo ay magkaroon
muna tayo ng DULA TSEK
D – amputin ang mga kalat sa
inyong paligid.
U– puan ay ayusin
L-aging ngumiti
A – t bumati ng Magandang Araw at
Mabuhay!!
C. Pagtatala ng liban.
Humarap sa kanan, humarap sa
kaliwa. Itaas ang kamay ng ang katabi
ay nawawala.

A. Paghahabi sa Layunin:
Ngayon ay mayroon akong isang
kaibigan na nag-iwan ng mensahe sa
aking messenger.
Alamin natin kung ano ang kanyang
mensahe.
Inaanyayahan tayong maglaro sa
Family Feud.

Gusto ba ninyong maglaro?


Opo.
Kung gayon ay pauunlakan natin ang
kanyang imbitasyon

Ngayon ay naririto na tayo sa studio


ng “ Family Feud”.
Matapos nating makarating sa studio,
Ipapangkat ko kayo sa dalawa, ang
unang pangkat ay limang kinatawan
mula sa kalalakihan at ang ikalawang
pangkat ay mula naman sa kababaihan.
Sino – sino ang kinatawan ng una at
ikalawang pangkat?
Ito ang mga mekaniks ng laro.
 Ang unang makaagtatas ng
flaglets ang may pagkakataong
sumagot at kapag tama ang
sagot ay may kakayahan siyang
magdesisyon kung “play” o
“pass”
 Maari lamang kayong
magkamali ng dalawa, sa
ikatlong pagkakamali ay maaring
agawin ng kalabang grupo ang
nalikom na puntos sa
pamamagitan ng pagsagot ng
tama ng isang miyembro ng
kalabang grupo.
Handa na ba kayo?
Opo.
Nagsarbey tayo ng isang daang
mamamayan at may limang posibleng
kasagutan sa tanong na:
Ano-ano ang kadalasang katangian
ng isang ama?

1. mapagmamahal - 50
2. masipag– 25
3. maunawain – 15
4. mapagpatawad – 8
5. mabait - 2
Ano-ano ang kadalasang dahilan ng
pagkagalit ng ama sa kaniyang anak?
1. pagiging pasaway- 50
2. hindi pagrespeto – 35
3. pagiging tamad– 15
( pagkilala sa nanalo. )
B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin:

Matapos isagawa ang larong


“Family Feud “, ano ang inyong
napansin sa mga tanong na aking
inilahad?
Tungkol po sa katangian ng isang ama.

Mahusay!

Sino pang may ibang kasagutan ?


( Ang mga mag-aaral ay may iba pang
kasagutan. )
C. Pagtalakay sa bagong konsepto
at paglalahad ng bagong
kaisipan:

Unang pagsubok
( Salita sa Salita, Larawa’y
Makukuha )
Ang kailangan lamang ninyong
gawin ay hanapin ang kasingkahulugan
ng mga salitang nasa kanang bahagi
mula sa mga salitang nasa kaliwang
bahagi at gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap.

1. Naglalagablab
2. Kapangahasan
3. Pintasan
4. Antik
5. Pagbuhatan
1. Nagliliyab
2. Kawalang- pakundangan
3. Laitin
4. Sinauna
5. Saktan

(Ang mga mag-aaral ay bubuo ng


pangungusap gamit ang mga salita.

Ikalawang Pagsubok.
( Sa Tulong Mo, Mapag-uugnay
Ako! )
Gamit ang mga larawan ay pag-
ugnay-ugnayin ang mga pangyayaring
naganap sa dulang “Dahil sa Anak”

Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang


bahay mayaman. Makikita sa loob ng
bahay ang kasangkapang antik o sinauna.

Kinakausap ni Don Cristobal si Don


Arkimedes hinggil sa nagging pasya nito sa
maling ginawa ng anak, pinipilit ni Don
Cristobal na patawarin ni Don Arkimedes
ang kaniyang anak na Si Manuel sapagkat
walang unang uunawa sa kaniyang anak
kundi siya mismong ama.
Mula sa sinabi ni Florante na pahayag ay
naibaling ni Don Cristobal ang pagpapalaki
ni Don Arkimedes, pinalaki niya kasing
sunod sa layaw kung kaya’t iyon ang
nagging kahinatnan ni Manuel na dahilan
naman ng pagkagalit ni Don Arkimedes kay
Don Cristobal.

Nabaling ang usapan tungkol sa isang


sanggol na kung saan ang nais manyari ay
ipangalan kay Don Arkimedes ngunit ayaw
niyang pumayag.

Napapunta ang usapan ng dalawa tungkol


kay Rita, hindi matnggap ni Don Arkimedes
na ang kaniyang anak ay umibig kay Rita
na isang anak ng labandera.
Hindi mapabinyagan ang anak ni Manuel sa
kadahilang gusto muna ni Manuel at Rita
ang makasal kung pahihintulutan ng
kaniyang amang si Don Arkimedes, labis
ang nagging pagtatalo ni Don Cristobal sa
usaping iyon.

Sa huling bahagi ng dula ay nais makausap


ni on Arkimedes ang kaniyang anak nang
sa gayon ay malaman ang dahilan kung
bakit nagawa niya ang bagay na ikinagalit
niya.

Don Arkimedes – ang ama ni Manuel, hindi


niya matanggap ang pag-aasawa ni
Manuel.

( Ang mga mag-aaral ay may iba pang


kasagutan. )

Nabuntis niya si Rita na isang anak ng


labandera.
Hindi po, dahil lahat ng tao ay nagkakamali
at bilang isang ama dapat siya ang unang
tatanggap sa pagkakamali ng kaniyang
anak.

( Ang mga mag-aaral ay may iba pang


kasagutan. )

Matuto pong magpatawad, huwag hayaang


kainin ang sarili ng pagiging ganid.

( Ang mga mag-aaral ay may iba pang


kasagutan. )
Ikatlong Pagsubok.
( Sa Tulong Mo, Malalaman ko! )
Ang ikatlong pagsubok ay kailangan
nating masagot ang mga katanungang
may kinalaman sa dulang tinalakay.

Mga gabay na tanong:

1. Sino-sino ng mga tauhan sa


dulang “Dahil sa Anak?”
Ilarawan.

May iba pang kasagutan?

2. Ano ang kasalanang nagawa ni


Manuel kay Don Arkimedes?
3. Tama ba ang ginawang aksyon ni
Don Arkimedes sa pagkakamali
ni Manuel?

May iba pang kasagutan?

4. Ano ang mensaheng nais


iparating ng dula?

May iba pang kasagutan?

Matapos nating matalakay ang ( Ang mga mag-aaral ay magpapakita ng


isang halimbawa ng dula na Dahil sa kanilang presentasyon )
Anak”
Ngayon naman ay alamin natin ang
mga elemento ng isang dula.
1. Iskrip
Pinakakaluluwa ng isang dula.

2. Gumaganap o Aktor
Sila ang nagsasabuhay sa mga
tauhang nasa iskrip.
3. Tanghalan Iskrip – pinakakaluluwa ng isang dula.
Anumang pook na
pinagpasyahang pagdausan ng
isang dula. ( Ang mga mag-aaral ay may mga
4. Direktor kasagutan)
Ang namamahala at
nagpapakahulugan sa isang
iskrip ng dula.
5. Manonood
Sa kanila inilalaan ang isang
dula.

D. Paglinang sa Kabihasaan
Ikaapat na Pagsubok
( Isang Sulat, Isang Misyon )
Upang malaman ko kung lubusan
ninyong naunawaan ang ating tinalakay
ay magkakaroon tayo ng pangkatang
paglalapat.
Ngunit bago ko ipamahagi ang
larawang hawak ko na naglalaman ng May mga pagkakataon na nakagagawa po
mga gawain ay magkaroon muna tayo tayo ng mali, pero bilang mga anak
ng AKTOR TSEK kalianman ay hindi tayo kayang pabayaan
ng magulang kahit sa una’y nagagalit sila
A- ng nakalaang 10 minuto ay gamitin sa ating ginawa.
ng maayos.
K - ailangang unawain ang ( Ang mga mag-aaral ay may iba pang
nakaatang na gawain kasagutan. )
T – iyakin na magiging maayos
ang presentasyon.
O – ras na para maghanda
R - esponsableng miyembro ay
dapat linangin.

Nais ko ring linawin ang aking


pamantayan sa pagmamarka.

Pamantayan sa Pagmamarka

Presentasyon 5 puntos
Nilalaman 8 puntos
Partisipasyon 2 puntos
Kabuuan 15 puntos
Unang Pangkat (Ibong Adarna)
GOIN’ BULILIT - SINECH ITEY?
EPISODE
Pagkilala at paglalarawan sa mga
tauhan batay sa mga katangian at
diyalogong binitiwan nito sa dula.
Ikalawang Pangkat (Florante at Laura)
Sine Mo ‘To!
Bumuo ng isang maikling dula na
may kaugnayan sa akdang binasa. Isadula
ito sa harap ng klase.

Ikatlong Pangkat (Noli Me


Tangere) Magandang Buhay
Suriin ang binasang dula batay sa
pagkakabuo at mga elemento nito.

Ikaapat na Pangkat (El


Filibusterismo) The Voice
Lumikha ng isang awitin na may
kinalaman sa aral ng dulang tinalakay.

( Ang guro ay magbibigay ng


kanyang hatol)

E. Paglalahat sa Aralin:
Ikalimang Pagsubok
( Subukan Mo Ako! )

Ano – ano ang mga elemento ng


isang dula? Ilarawan.

Sino pa ang may ibang kasagutan?


F. Paglalapat ng aralin sa pang-
araw-araw na buhay:
Ika-anim na Pagsubok
( Salamin! Salamin ! )

Ipaliwanag ang pahayag na:


“Kayang tiisin ng isang anak
ang kaniyang magulang,
ngunit ang magulang
kailanma’y hindi kayang tiisin
ang mga anak.”

May iba bang kasagutan?

G. Pagtataya ng Aralin:
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung anong elemento ng
dula ang isinasaad ng bawat pangungusap.

1. Si Manuel ay isang anak ni Don Arkimedes.


2. Ang dula ay naganap sa loob ng isang bahay-mayaman.
3. Don Cristobal: Oo, isang buwan at labintatlong araw…….
4. Dahil sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda.
5. Si Rita ay isang anak ng isang labandera.
Susi sa Pagwawasto
1. Gumaganap o Aktor
2. Tanghalan
3. Iskrip
4. Direktor
5. Gumaganap o Aktor
H. Karagdagang gawain para sa Takdang – aralin o remediation:
Sumulat ng isang maikling iskrip na taglay ang iba’t ibang elemento ng dula

Inihanda ni:
___________________
ARNELIO V. LOZADA
Gurong sa Filipino

Binigyang pansin ni:


____________________
LORNA B. MARASIGAN
Punong-guro II

You might also like