Ako po si MARCIAL GARCIA Y PANESA, Filipino, nasa wastong
gulang, may asawa at nakatira sa No. 317 Edang St., Brgy. 151 Zone 16, Pasay City, matapos makanumpa ng naaayon sa batas ay nagsasabi ng mga sumusunod:
1. Na noong ika-21 ng Enero, 2016, mga bandang alas-otso (8:00
P.M.) ng gabi, habang ako ay namamasada ng pedicab, ay bigla akong nilapitan ni RENATO BAGUIO, alias “Ato” at pinalo ako ng tubo. Tinamaan ang aking kaliwang braso at kaliwang bahagi ng dibdib.
2. Matapos niya akong hatawin ng tubo ay hinawakan ko ito nakipag-
agawan upang mapigilan siya sa muling paghampas sa akin ng tubo. Subalit bigla na lamang dumating itong sina REYMARK MAÑO, alias “Macmac”, at LEMUEL BAGUIO, at pinagtulungan nila akong bugbugin. Pinagsusuntok nila ako sa mukha, dibdib at iba pang bahagi ng aking katawan, dahilan upang magdugo ang aking ilong at magkaroon ako ng iba’t ibang pasa sa katawan. Bilang patunay ng mga ito ay kalakip ang mga litrato ng aking katawan na puno ng pasa at galos dahil sa kanilang pambubugbog,
3. Buti na lamang at ako ay tinulungan ni CHRISTOPHER BORAL,
at inawat sila at tuluyan silang napigilan sa pambubugbog sa akin. Matapos nito ay nagpunta ako ng Pasay City General Hospital upang magpagamot at magpacheck-up. Bilang patunay ay kalakip nito ang medico legal slip galing sa Pasay City General Hospital.
4. Na matapos akong magpagamot ay nagpunta ako sa Barangay
nitong mga taong nanakit sa akin at nagsampa ako ng reklamo.
5. Na, sa pagkatapos ng tatlong (3) beses na paghaharap namin sa
barangay ay hindi kami nagkasundo, at dahil dito ay binigyan ako ng Certificate to File Action.
6. Na kinakasuhan ko sina RENATO BAGUIO, REYMARK MAÑO
at LEMUEL BAGUIO ng Slight Physical Injuries dahil sa kanilang pambubugbog nang walang kadahilanan, at dahilan din kung bakit nagtamo ako ng mga pasa at sugat sa aking katawan.
Bilang patunay sa aking mga sinasabi ay lumagda ako sa ibaba
ngayong ika___ ng __________, 2016. MARCIAL GARCIA Y PANESA Nagsasalaysay