Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

​INTERVIEWER:

RESPONDENT:

RESPONDENT:​sisikat ba ako jan...


INTERVIEWER:​depende ma'am. um ma'am kamusta po, how was your day naman
RESPONDENT:​(laugh) pinaka basic naman yan. I'm okay. If your building rapport with me, I'm
okay. Always okay kahit marami akong problema.
INTERVIEWER:​umm..pang ilan na pong kay...
RESPONDENT:​pang ilan na 'yung asawa ko?
INTERVIEWER:​(laugh) No. uhmm ma'am parang uhh, tawag dito. Na-interview na po ba kayo
before?
RESPONDENT:​sa engineering atsaka architectural students pero 'yung ibang estudyante kasi
ng mga psych dito sila na 'yung iniinterview, hindi na ako.
INTERVIEWER:​about saan po 'yung mga iniinterview nila sainyo
RESPONDENT:​uh about dito lang naman sa work. work-related
INTERVIEWER:​ah okay po.
RESPONDENT:​personal ba 'yan?
INTERVIEWER:​uhmm di naman po
RESPONDENT:​O sige, start.
INTERVIEWER:​okay na po?
RESPONDENT:​sige
INTERVIEWER:​actually po uh gusto lang po naming malaman kung ano ung mga experiences
na uhm mga experiences po ng mga professionals uhmm
RESPONDENT:
professional ba ako? ..o sige
INTERVIEWER:​professional po kayo.. uhmm
RESPONDENT:​sa?
INTERVIEWER:​uhm na may tattoo po
RESPONDENT:​okay sige, wala naman akong experience na masama.
INTERVIEWER:​(laugh) puro magaganda?
RESPONDENT:​i guess nasa how you paano mo dinadala 'yung sarili mo e kahit pa nga mukha
mo may tattoo, kung sinungaling ka talagang masama di'ba. Pero it's how you carry yourself,
how you talk to other persons di ba
INTERVIEWER:​uh ung..uh nung wala po kayong tattoo, ay uhm an.. how old po kayo nung....
RESPONDENT:​uhmm i had my tattoo when I was 16 years old. So, imagine hindi pa ako
professional, unprofessional pa ako, may tattoo na ako. And I'm planning to have one bigger
this March 4. I'm planning to have a bigger tattoo by March 4 so hindi yan hindrance naman eh.
If you're planning to have a professional career, I went to abroad. I...I.. worked abroad may
tattoo ako, nakikita nila pero hindi naman naging reason 'yon na hindi ka nila tanggapin. It's
never an issue with me ah I just don't know with the others. Nagbibigay naman ako ng dugo.
Oo.
INTERVIEWER:​mmm, ah kasi parang may myth about bawal daw mag donate ng dugo pag
may...​02:28
RESPONDENT:​hinde, pag siguro kung bagong tattoo lang, yun. pero pag medyo matagal na
'yung tattoo, okay naman na eh.0​ 2:34
INTERVIEWER:​uhmm ma'am okay lang matanong ko kung bakit ang aga n'yo pong parang
nagpa tattoo po. 16 years old po 0​ 2:42
RESPONDENT:​kase, noon, 'di ba uso si metallica oh, uso si.. nung kapanahunan namin kasi
90's kami. Uso si metallica. Uso si wangheyle. Mga ganun, so pag tinignan mo oops may tattoo
un. Oh, eh idol ko nga eh. Rakista nga ako eh, parang ganun​03:03
INTERVIEWER:​kaya po parang na-influence po kayo ​03:04
RESPONDENT:​oo, rakista ako. Kailangan mayron din ako n'yan para talagang rakista talaga
ako. parang ganun. And then, I come to love it until ngayun. Actually, ung tattoo ko dito,
patched up na 'yun. 'Yung old na tattoo ko pinalitan ko na s'ya. Tas nagpalagay ako dito eh
parang addict 'yung tattoo ko di'ba na owl. Kaya magpapalagay ako ng iba. ​03:27
INTERVIEWER:​mm.​03:27
RESPONDENT:​ng March​03:29
INTERVIEWER:​uhmm.. Ma'am nung before kayo nagpa tattoo, anong parang perception n'yo
about tattoo?​03:36
RESPONDENT:​maganda!​03:37
INTERVIEWER:​Maganda? (laugh)​03:38
RESPONDENT:​Oo, hindi.. wala naman akong, actually..​03:42
INTERVIEWER:​ung tingin n'yo po sa tattoo or sa..​03:44
RESPONDENT:​oo

INTERVIEWER:​or sa tao na may tattoo ​03:45


RESPONDENT:​wala.. wala. I find it nice. Actually. uhmm... I.. I admire people with tattoo.
Hanggang ngayon, 'pag may nakikita akong may tattoo, tinitignan ko....'ang ganda naman nun'
03:58
INTERVIEWER:​naa-appreciate n'yo po0​ 3:59
RESPONDENT:​Tapos, oo. Ah un ung tatoo na galing sa kulungan, parang ganun. Un ung
tattoo na galing sa ganto. Uy! un ung tattoo na artistic, parang ganun.​04:07
INTERVIEWER:​uhmm. Paano n'yo po naa-identify​04:09
RESPONDENT:​Pa'no ba kasi.. Basta mayrong.. pag kame na gustong-gusto namin ng tattoo,
mayrong style ng art na makikita mong art sya. Talagang ganun. May mga ganun. May mga
tattoo na makkikita mong galing talaga sa kulungan lang ganun. Makikita mo sa
pagkalagay​04:26
INTERVIEWER:​Ah okay po..uhmm ung tattoo n'yo po sa right​04:31
RESPONDENT:​dito lang​04:32
INTERVIEWER:​Ma'am uh pwed..uh okay lang pong...​04:34
RESPONDENT:​Magbo-bold ako eh wala akong T-shirt ngayon ah, hindi ko maitaas
(laughes)0​ 4:37
INTERVIEWER:​uhhh I'll just correct the ano po.. uhh ano po 'yung deisgn n'ya0​ 4:39
RESPONDENT:​ahh, ung design n'ya kasi dito marami s'yang leaves tas may tatlong rose.
'Yung old kasi isang rose lang tas may stem lang s'ya tas isang leaf, pero ngayon maraming
leaves tapos parang ..... parang ganyan s'ya oh. May mga linya-linya na ganyan pero may
leaves leaves s'ya0​ 4:58
INTERVIEWER:​So, 'yung original po na tattoo talaga 'yung parang flower na may stem lang
po.​05:04
RESPONDENT:​Oo​05:04
INTERVIEWER:​Bakit po ganun 'yung first tattoo n'yo?0​ 5:06
RESPONDENT:​Bakit ganun 'yung first na tattoo? Kasi 'un 'yung dinesign nung kwan eh, nung
kaibigan ko. Oh edi sige, oo, okay lang. Basta magkaron lang ng tattoo. Pero nung tumatanda
ako, sabi ko ang pangit naman. Kaya pinapalitan ko​05:21
INTERVIEWER:​uhhh so hindi po kayo ung nagdecide nung tattoo n'yo0​ 5:24
RESPONDENT:​hindi, basta kung ano 'yung ginawa na. Actually 'yung ...'yung nag paint n'yan,
'un ang nag tattoo sa akin. 'Ung bago, 'yung patch up. Pero 'ung old na tattoo ko, 'ung younger
brother n'ya ang nag tattoo sa akin0​ 5:40
INTERVIEWER:​ahhh. ung.. ung..'di ba eto po ung nadagdagan ng mga leaves leaves​05:45
RESPONDENT:​oo​05:46
INTERVIEWER:​wala po bang parang symbol 'yung..​05:48
RESPONDENT:​wala pa naman, 'yung ginawa namin. Parang, ginawa lang namin 'yung design
na 'yun to cover up 'yung ​05:54
INTERVIEWER:​'yung​05:56
RESPONDENT:isang​05:56
INTERVIEWER:para hindi sya dull tignan? ​05:57
RESPONDENT:oo, yes​05:57
INTERVIEWER:parang its for aes...​05:58
RESPONDENT:kung gusto mo March 4 kasi ako magpapalagay, after two weeks balikan
mo'ko.'Yung isa, 'yun medyo may symbol 'yon. Talagang pinag isipan namin ng matagal
'yon​06:08
INTERVIEWER:uhmm dun sa​ first tattoo.. ay 'yung sa first tattoo n'yo po, anong ... nung
pagkalagay po, bakit uhhh ano po 'ung na-feel n'yo? Like, satisfied po ba kayo or?0​ 6:19
RESPONDENT:​oo. satisfied ako.Kasi may tattoo ako. 'yun lang naman 'yung parang reason
noon eh. Parang oy nagpapa- nagpapalagay ako kasi gusto ko lng magkaro'n ng tattoo. Nung
natapos ooops uy may tattoo na ako. So, proud na ako kasi may tattoo ako. Parang ganun​06:36
INTERVIEWER:​mm.. parang fina-flaunt n'yo pa po.. po ba yan?​06:39
RESPONDENT:​yes! Pwera lang sa nanay ko kasi binato ako ng nanay ko 'nun eh.Nung nakita
n'ya0​ 6:43
INTERVIEWER:​speaking of your mother po, okay lang po ba sa family n'yo na​06:47
RESPONDENT:​ngayon?lahat kaming magkakapatid, may tattoo0​ 6:49
INTERVIEWER:​ahhhhh. okay​06:50
RESPONDENT:​sinimulan ko tas sumunod 'ung susunod. Tapos 'ung.. 'ung pang-anim na
kapatid ko atsaka 'yung pangatlo, last year lang sila nagpa-tattoo. Oo. Pero lahat kaming
magkakapatid, may tattoo na. Ngayon.0​ 7:05
INTERVIEWER:​uhmm nung nakita n'ya po 'yung tattoo n'yo, hindi n'ya kayo pinagbawal
before or0​ 7:10
RESPONDENT:​nanay ko?0​ 7:12
INTERVIEWER:​opo​07:12
RESPONDENT:​actually ayaw ng mama ko. Nakita lang niya nung mayron na.​07:15
uh, ano pong sabi n'ya0​ 7:16
RESPONDENT:​binato n'ya ako ng tsinelas.'ung dalawang tsinelas n'ya, binato n'ya sa
akin0​ 7:20
INTERVIEWER:​pero natanggap n'ya naman po?0​ 7:22
RESPONDENT:​wala na silang magagawa, mm mmm. Eventually, nasanay naman na sila. Oh
ngayon, lahat kami, mayron. Sinasabi ng namin sa mama namin, magpa tattoo narin e
(laughes). Binibiro namin. ​07:35
INTERVIEWER:​uhmm, since okay po s'ya sa family n'yo tapos feeling nyo po uhm kapag
may..di ba po may husband po ba kayo?​07:43
RESPONDENT:​ummm mayron, nandyan.​07:44
INTERVIEWER:​ay ok, uhm.. okay lang po ba na na.. na.. magkagusto kayo or.. magkaron din
sya ng tattoo na..​07:54
RESPONDENT:​okay lang. Actually, iniivite ko nga s'ya magpa tattoo din e. After ko, ngayong
March sabi ko, oh, pumili.. Kasi architect s'ya, sabi ko, gusto mong magpa tattoo? Oo, gusto ko.
Pero parang natatakot s'ya. Parang nai impluwensyahan ko lang kaya umo-oo s'ya. Pero bahala
s'ya kung gusto nya. Basta ako naka schedule ako.0​ 8:13
INTERVIEWER:​ahh. okay lang po ba, ah.. para po sa mga anak n'yo, okay lang po ba na
magkaron?0​ 8:19
RESPONDENT:​oo, okay lang yan. Walang problema yan. Basta gusto nila​08:22
INTERVIEWER:​ahh okay, mm 'ung tattoo n'yo po nasa right di ba?0​ 8:27
RESPONDENT:​eto, right,oo0​ 8:27
INTERVIEWER:​bakit po dito sa right, hindi left or bakit a braso hindi sa paa or​08:32
RESPONDENT:​kasi eto ang masarap lagyan eh. Hindi mo s'ya, hindi s'ya masyadong masakit
tapos kwan.. nakikita. Ba't ka magpapa tattoo sa suso mo eh hindi naman nakikita ng tao 'yun.
Dito, maganda nakikita. Hindi ka pwedeng.. ibig kong sabihin, parang paint di ba. parang
paintings. Nagpe-paint ka tas hindi mo pinapakita, parang tattoo. Kasi art nga di ba. Nagkaka
art ka tas hindi mo pinapakita. Dapat pinapakita 'yan​09:01
INTERVIEWER:​uh tapos ano uh, dun sa first tattoo n'yo po uhm how did you decide to have a
tattoo po. parang the design.. preparations​09:10
RESPONDENT:​prepara... wala nang preparation preparation. Basta ohh tattoo na ako
ngayon, oh tattoo. 'Yun na.​09:17
INTERVIEWER:​ganun na lang po, parang one day nalang po0​ 9:19
RESPONDENT:​mm..mm, yes. Hindi although marami. 'Yung mga kaibigan ko kase may mga
tattoo na sila lahat. Kasi mga lalake ang mga kaibigan ko. So, may mga tattoo na sila. Tuwing
nakikita ko, gusto ko rin magpalagay. Lagi kong sinasabi, ako din, ako din, ako din. So.. nung
may time na, sinabihan ko na oh magpapatattoo na ako ngayon na.. So, ngayon na.Ganun..mm
mmm. Mga college student kami nu'n. First year. 0​ 9:46
INTERVIEWER:​ahh first year po kayo.. Dun sa nung uhmm moment po na nagpatattoo kayo,
ano po 'yung parang nafeel n'yo? more on nung..0​ 9:57
RESPONDENT:​excited!0​ 9:57
INTERVIEWER:​excited po kayo.. nung nandun na po kayo sa loob ng ano.. nung tinatattoo po
na.. 1​ 0:03
RESPONDENT:​kwarto lang 'yun1​ 0:04
INTERVIEWER:​kwarto (laughes)1​ 0:05
RESPONDENT:​kwarto la.. kumbaga tambayan naming lahat. Bahay.1​ 0:08
INTERVIEWER:​so parang1​ 0:10
RESPONDENT:​may gamit na doon. Nandun na lahat. 1​ 0:12
INTERVIEWER:​ahhh. hindi po ung kagaya ng mga.. ​10:14
RESPONDENT:​ay. hindi.. hinde. Pero nagta-tattoo talaga 'yung kaibigan namin. Siya ang
nagtattoo sa kanilang lahat​10:21
INTERVIEWER:​ano po 'yun, mag-isa n'yo pong pumunta dun or.. may mga..​10:24
RESPONDENT:​may mga kaibigan kami. Nanonood sila. Labas pasok sila habang tinatattoo-an
ako.. ohh tapos na??ganun. ganun lang 1​ 0:33
INTERVIEWER:​(laughes) uhmmm moving up po sa ano n'yo. Di ba po manager kayo, parang
professional may tingin, uh paano po naapektuhan 'yun..
wala namang ape
INTERVIEWER:work n'yo
actually, hindi sya
INTERVIEWER:​big
RESPONDENT:​hindi sya big deal. Hindi talaga sya big deal. Naging president ako ng Rotary
Club of Baguio South. Nakikita nila yan. 'di naman sya big deal. Walang kwan.. no questions
asked. Nakiki-meeting ako ngayon, nakikita nila, wala naman. Nagwo-workout din ako sa gym
nakikita, wala naman. Wala naman. As in, its no big deal. Its a normal thing na nga eh. Madami
kang makikitang matatanda, andaming tattoo, anlalaki​11:22
INTERVIEWER:ano po di ba umm, before naging head kayo parang may mas lower positions
po kayo? or diretso na po kayong..​11:30
RESPONDENT:​umm kasi I. We put up the business​11:33
INTERVIEWER:ahhhhh​11:34
RESPONDENT:oo, so amin yung business. ​11:37
INTERVIEWER:ahhhh okay po. uh since you're the head po, okay lang ba sa inyo na yung mga
empleyado n'yo​11:42
RESPONDENT:oo, okay lang​11:43
INTERVIEWER:okay lang? (laughes)
RESPONDENT:​okay lang yan. buti nalang..
INTERVIEWER:sa tingin n'yo bakit​11:48
RESPONDENT:​hindi ko nakikita
INTERVIEWER:sa tingin nyo po bakit ganun, bakit parang okay lang​11:52
RESPONDENT:​siguro open-minded lang ako. medyo yung pananaw ko sa buhay hindi
conservative. Gets mo? uhh hindi ako ganun ka conservative sa mga bagay-bagay. Hindi ko
masyadong sineseryoso ang buhay. May mga time syempre na kailangang.. may mga ginagawa
tayo na kailangan seryosohin, pero yung mga iba, masarap gawin. Bakit ipagkakait mo kung
masarap namang gawin. Tsaka sa iba, masakit, sa amin, masarap. parang ganun. Iba-iba kasi eh.
Di kasi kwan.. peroo gusto nila yun eh, gusto namin yun eh bakit ko ipagkakait sa kanila yun.
Karapatan.. that's their body eh, its our body. Now, its up to us how are we going to do uhh
how are we going to use the body..mm.mmAnd hindi naman sila, hindi naman sila nakakasakit
ng tao di ba. Di ibig sabihin na.. ako basta yung mga taong nagsisimba, mas makasalanan sila sa
amin (laughes) ..na maraming tattoo. Totoo lang. Ey tignan mo yang may tattoo na yan, ohh
siguro galing yan sa .. magnanakaw siguro yan. Eh hindi nila alam yung kausap nila eh mas mas
lalong nagbibigay sa ibang tao. Parang ganun. Oh sila 5 pesos lang nga itatago pa nila. Aawayin
pa nila yung hindi nagbigay ng change. Yung ganun ba​13:19
INTERVIEWER:uhmm tapos ano, uhmm may experience po ba kayo na parang pinaka worse na
naexperience nyo because of your tattoo?​13:29
RESPONDENT:Wala. Wala talaga​13:31
INTERVIEWER:wala po talaga?​13:32
RESPONDENT:Wala talaga!​13:33
INTERVIEWER:uhmm so puro po sya..​13:35
RESPONDENT:saa.. probinsya ng nanay ko, lagi nilang sinasabi sa amin. Kasi taga Kalinga di
ba andun si Whang-Od​13:41
INTERVIEWER:ahhh ohh opo​13:42
RESPONDENT:sinasabihan pa nga kami eh. Bakit kayong magkakapatid lahat kayo may tattoo.
Bakit ayaw nyong umakyat kay Whang-Od magpa tattoo.. Oh di ba.. yun..​13:51
INTERVIEWER:bakit.. bakit nga po... ​13:53
RESPONDENT:mahal si Whang-Od eh ang liit lang eh. Mahal. Tapos kwan.. malayo.. Malayo
kasi yung kwan nila.. pero wala.. wala akong bad experiences ​14:07
INTERVIEWER: so more ..more of a good one po?​14:11
RESPONDENT:​halos.. oo. Wala talaga eh. Parang tanggap nila ako. Iguess it goes with the
personality kasi.If you have a tattoo and you're a bad person, definitely, aayawan ka di ba.
You're going to have bad experiences but if you have a tattoo. I'm not saying I'm good, okay, ​I'm
not saying I'm good pero alam ko na yung ginagawa ko, tama, syempre bakit hihindian ka, hindi
naman yung tattoo mo ang gugustuhin lang sayo eh. Its you as a person. Its not your tattoo. Oo.
Parang ganun.​14:46
INTERVIEWER: so, parang.. sa experiences​ nyo po, more on a positive side po yung
na-experience nyo​14:51
RESPONDENT:​oo, lahat​14:53
INTERVIEWER: ano.. ay​14:54
actually, kung sa tattoo ang pag-uusapan, never akong nagkaroon ng bad experiences on my
tattoo na.. dahil sa tattoo ko. Walang ganun, walang rason. Pero for bad experiences, I have bad
experiences but not in connection with my tattoo​15:13
INTERVIEWER: what about ano po.. the best experience nyo po just because of your tattoo
nalang​15:23
RESPONDENT:wala rin akong best ​15:24
INTERVIEWER: (laughes )
actually, sabi ko nga. Wala rin akong best experience because of my tattoo. I have a lot of best
experiences and nice experiences because of my personality not because of my tattoo. Gets
mo?​15:42
INTERVIEWER: yes po​15:42
RESPONDENT:oo, yun yon. pero yung best experience na tungkol sa tattoo, wala lang parang
happy lang ako kasi may tattoo ako siguro that's the best. Im happy, Im okay with what I have
and I'm planning to have one more. Parang yun​15:59
INTERVIEWER: speaking of the one po, umm baki.. yung..date po ba napagplanuhan nyo pong
March 4 talaga?​16:06
RESPONDENT:Actually, ngayong February nga eh, pinaparush ko yun. January po ako dapat.
Pero yung mag ta-tattoo kasi, walang schedule so buong February, filled out..filled out na yung
schedule nya. Ganun karami ang nagpapatattoo. Buong January, hindi pa ako nakakuha. Buong
February, hindi ako nakakuha. Ang sinet nya sa aking na schedule is March 4 , so March 4,
oo.16:27

INTERVIEWER: mmm.. mga ilang---16:29


three hours to five hours siguro yung kwan. Three to five hours daw yung ilalagay sa akin, kasi nga dito
eh 'to. Itong buong forearm ko16:38
INTERVIEWER: mga ilang months or years n'yo po s'ya napag-isipan bagong.. na sabi sa sarili
n'yo na "ay!.. gustong kong..."16:45
RESPONDENT:​plano ko na talagang buong braso ko. Matagal na 'to. Oo. Since, nagpapatch-up ako ng
tattoo dito, matagal ko nang plinaplanong maglagay ng tattoo dito sa arm ko. Right arm. Pero uhmm
wala kasi akong mahanap na magaling na artist. Ngayon lang. Ngayon lang ako nakahanap ng bagong
artist na magaling. Kaya magpapalagay talaga ako. Tsaka mahirap kumuha ng schedule sa kanya.
Iga-grab ko na yung schedule17:18
INTERVIEWER: 'yung next tattoo n'yo po parang may design na po ba?17:21
RESPONDENT:oo, meron na. Uhmm actually its a.. Yung feather ng peacock. Yung feather ng
peacock.17:29
INTERVIEWER: yes po ung ano n'ya..17:30 17:30
RESPONDENT:​di ba may mata-mata 'yun. And then sabi ko, "lagyan n'yo ng-- lagyan n'ya ng.. ng art
about life" because life, we have our good and bad di ba? Pero it's all about life yan as a whole. It will
never be a life kung walang bad side atsaka walang good side but its colorful. Its nice and parang uhmm..
'pangalan nito'--- masaya! masarap! parang ganun. Masaya, masarap and buhay kahit may mga
problema, parang ganun. Life as a whole. Yun ung kwan pero peacock. Peacock s'ya. Feather ng peacock
and then mayron s'yang mga design sa loob, yun18:13
INTERVIEWER: yung first tattoo n'yo po uhmm may color po ba?18:15
RESPONDENT:​colored. Colored s'ya. May red, may yellow, may orange, green .. ganun18:21
INTERVIEWER: ahh since18:22
RESPONDENT:​'di kasi ako naka t-shirt eh. 18:23 18:23
INTERVIEWER: okay lang po (laughes)18:24
RESPONDENT:​makikita mo, mai-inlove ka sa dede ko kawawa ka (laughes)18:31
INTERVIEWER: yung next na tattoo n'yo po may color din?18:33
RESPONDENT:​yuuung eto, yung owl ko. Kase parang addict yung owl ko eh kaya ipapa patch up ko
to. Oo, di ba magpapalagay ako ng March 4. Tapos magpapa redesign ako dito para hindi naman s'ya
obvious kasi pangit yung tattoo ko. Hindi ko kasi maipakita... bukas.. ipapa patch up ko sya18:51 18:39
INTERVIEWER: ok. kung--- parang may--- sa--- culture ninyo po na ahh as person with tattoo,
may parang pinagsisihan po ba kayo or..19:05
RESPONDENT:​As a person, marami akong regret. Pero, as a person with a tattoo, and because of
my tattoo. Wala akong regret.19:13

INTERVIEWER: uhmm.. kung.. bibigyan ay kung​ bibigyan man po kayo ng chance na ipatanggal
yung tattoo n'yo, ano po yung mga possible na dahilan?19:22
RESPONDENT:​na ipapatanggal?19:23

INTERVIEWER: opo19:25
RESPONDENT:​paano ba.. (pause) ano bang possible chances na dahilan...Na hindi ako yayaman! di
ba19:37
(laughes) yun. papatanggal ko kung sasabihin nila sa akin, "Jen, tanggaling mo yang tattoo mo kasi baka
hindi ka yumaman dahil sa tattoo mo" oh, eh tatanggalin yan. Syempre ah, sino ba naman ang may ayaw
yumaman. Pero impossible eh. Basta masipag ka, may initiative ka sa buhay, yayaman ka parin. May
tattoo ka o wala. Di ba, so un20:00
INTERVIEWER: uhmm ma'am what makes a good tattoo po?20:06
RESPONDENT:​That depends on the person having it kasi. Ok. Now, we have uhmm.. Iwas telling you
di ba magkakaiba yung mga tattoos. Yung mga galing sa preso.. they feel its.. they're very proud because
they have their own tattoos from... na galing sila sa kulungan, ganun. Depende kasi 'yan eh. That
depends on the person having their tattoo. Okay. Maraming tumitingin ng tattoo na sasabihin nila sa'yo
"maganda", sa iba naman, pangit. So that depends on the person seeing it20:39
INTERVIEWER: ​Mhmm. For you po, what make.. make20:42
RESPONDENT:​It's colorful.20:43
INTERVIEWER: It's colorful20:44
RESPONDENT:​Yes, its colorful. For me, tattoo-- kasi yung design, iba-iba talaga and design. Oo,
marami. Lahat ng mga design sa tattoo, magaganda. Okay. The mere fact na nilalagyan ka ng art sa
katawan mo, maganda na s'ya. Mahirap kaya gawin 'yun. Di ba? Isang mali lang eh pangit na ang
kalalabasan. So its all...all tattoos are very nice. Pero one quality of a good tattoo for me is colorful. Its
very colorful. 21:19
INTERVIEWER: colorful. uhmm ma'am yung sa may-- anong tawag dito (pause) so (laughes)
uhmm21:38
RESPONDENT:​ba't di ka nagsasalita Carl (laughes), bawal? 21:41
INTERVIEWER: (laughes) hindi, ako lang po talag yung ano...21:44
ahhh..
INTERVIEWER: (pause)uhmm ano po yung masasabi n'yo sa mga companies na ayaw po ng
may tattoo?22:02
RESPONDENT:​well, that's their own rule no. Uh, rule kasi nila yun eh. We don't, I don't have anything
against the companies na ganun. If they see it that way. If they see it na hindi malinis, well, that's their
own perception, okay. We don't have, I don't have anything against them kasi that's their right eh. That's
their right. Every companies have thier own rights or policies naman. Like for example for us, marami rin
kaming policies na hindi pwede sa ibang company. Parang ganun, oo. That's their right. Absolutely, I
don't have anything to say regarding sa mga companies na ganyan. It's thier policy eh and they have--
all employees needs to adhere with the policies of the company. (coughs)22:52
INTERVIEWER: mmm uhm so ma'am uh ano pong maa-advice n'yo-- last last question. Ano
pong maa-advice n'yo sa mga yung professionals na gusto pong magpa-tattoo?23:02
RESPONDENT:If they're happy with it and they're willing to do it, and they have the means to
do it, go for it! Yun lang ako. Yun lang. No more para no regrets when you die at least
naka-smile ka kasi you've done everything eh. You enjoy life to the fullest. Do things that you
know will give you happiness, parang ganun. If you think you will be happy with what you're
doing, with having a tattoo, go! Yes, yun lang23:31
INTERVIEWER: yun lang ma'am. Thank you so much po23:32
RESPONDENT:​oo, Okaay23:33
INTERVIEWER: uh mhmm may question ..23:36
RESPONDENT:​bakit mo... anong subject n'yo yan?23:39
INTERVIEWER: uhmm field methods po23:42 23:42
RESPONDENT:​para saan?23:42 field methods?23:43
INTERVIEWER: yes po. Parang research po23:45
RESPONDENT:​bakit?23:46
INTERVIEWER: ​ahh uhmm gusto nam--23:51
RESPONDENT:​maaay issue ba kayo sa mga taong may tattoo?23:52
INTERVIEWER: ay, wala po. Kasi, we just wanna break. Parang.. common na po kasi--23:56
IN UNISON: the stigma?23:56 23:56
RESPONDENT:​yes, the stigma23:58
INTERVIEWER: yun nga 'pag professional ka--24:00
RESPONDENT:​pero I think its no more24:00
INTERVIEWER: opo, oo nga di--24:02
RESPONDENT:​now, no more24:02, oo. No more, kasi I see a lot of people especially-- uhmm I see
older women pa nga eh mas malalaki pa yung tattoo nila sa akin but you see them wearing Gucci. Naka-
Prada. It's.. it's not anymore a stigma for me eh. I just don't know. Siguro hindi ako ganun
ka-conservative siguro. Pero-- wala na yan. Oo, it's not. For me, it's not a stigma anymore eh. It's how
people see it already. Kunyari kung yung personality ng tao siguro in the workkplace is parang-- for
example yung mga HR mo. That depends on the HR din eh. The HR can see-- can-- sasabihin naman ng
mga HR n'yo or sasabihin ng HR "ma'am, may tattoo s'ya but she's performing very well". Bakit
ipagpapalit mo ba yung tattoo sa performance? Oo, parang ganun.Noon siguro, mga early 2000 pwede
pa. Pero ngayon hindi na. Hindi na. Mayron a\nga akong kasama pastor eh. Nagpapatattoo. Oh "Glory to
God in the highest!",sinasabi n'ya pero may mga tattoo s'ya. Nagpapalagay pa s'ya ngayon. Di ba? See?
Even uhmm even--- mga religious leaders, they have their tattoos and they keep on having their tattoos.
Parang ganun25:33
INTERVIEWER: uhmm so what you think happened for tattoo change po?25:42
RESPONDENT:​It's ex.. It's-- siguro the... yung age natin ngayon or the way people live today na
parang everything shall be- Its automatic na eh. Nand'yan na s'ya eh, di ba. Parang gusto ko n'yan..Oops
nand'yan na kaagad. Like for example, yung mga igo-google mo lang maganda. "uy, maganda yata sa
akin 'to" Its so--affected din sila eh. Sabihin nating hindi, dun sa mga nakikita nila online. Nakikita ko--
medyo isang epekto 'yun eh yung mga nakikita nila online, magaganda. Pag io-open mo talaga
magaganda s'ya. Parang "uy! gusto ko 'to", kasi nakikita n'ya doon sa.. sa picture magaganda. Noon,
wala kamming access sa ganyan. Talagang kailangan, "bro, bigyan mo ako kahit ano na basta lagyan mo
lang", ngayon andami kasing access. Makikita mo andaaami mong pagpipillian. May 3-D pa, may mga
ganun. Ngayon--noon, wala. Wala na. Tapos I guess yung mga old na tao na conservative, 'chugi na'
(laughes) di ba. Mga natitira na yung mga nanay atsaka tatay na may mga tattoo na. Yung mga teachers
na may mga tattoo na. Yung mga old-- resigned na! or kaya mgaa kwan. 'Chugi' na nga eh! Mga
conservative na tao. Mga nanay na nga nagyon eh, medyo kwan. Modern na yung mga nanay ngayon.
Noon, ang nanay dapat nasa loob lang ng bahay naglalaba, napapadede ng nanay ay ng tatay ay ng anak
pala (laughes), sorry. Papadede pala ng anak, naglalaba, naghuhugas. Ngayon, hindi na. Ang nanay dapat
lumalabas, nagpapa pedicure, napapa-spa, di ba. Nagbo- ballroom dancing 'pag matanda. Oh, di ba.
Ganun, noon, hindi. Hindi pwede. 'Chugi' na yung mga 'yun ngayon. Mga cool na ang mga nanay atsaka
tatay ngayon. Oo, marunong na sila ngayon. Oh, nagfa-facebook pa nga sila eh27:46
INTERVIEWER: opo, (laughes)
RESPONDENT:Oo, pati pagkain nila, fine-facebook (laughes). Oo, OOTD oh mga ganun pa
sila. Actually, marami kaming kasama sa-- marami akong kilala na matatanda, mas matanda sa
akin. Mga 54 , mga 60. May mga ganun sila eh, OTW na ako (laughes) OOTD 28:06
INTERVIEWER: 64? (laughes)28:07
RESPONDENT:yes! marami akong kasama na ganun. Mmm mm, alam pa nila yung mga
bagong sneakers. Updated sila "'to maganda, maganda". Updated sila sa mga ganun. So hindi na
yun kwan.

INTERVIEWER: well, yung lang naman po. Thank you po sa time28:25


RESPONDENT:Thank you!28:26
INTERVIEWER: Thank you so much po sa time28:27
RESPONDENT:oo, sabihin mo sa teacher mo ah, wala ng stigmang ganyan ngayon. Oo. Yan
yung mga kwan, oldies. Hindi na--ang oldies noon, katulad na namin 'oldies but goodies'. Oo,
'chugi' na yung mga conservative. 'chuging-chugi' (laughes).

You might also like