Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

CONTENT Gamit ng Wika sa Lipunan: Hueristiko


Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan,
CONTENT STANDARDS
at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
PERFORMANCE Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at
STANDARDS pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapaliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan
LEARNING
sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa
COMPETENCIES
b. nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at
pagbibigay halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan
Sa katapusan ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
SPECIFIC LEARNING a. nakapagsasagawa ng isang pakikipanayam at nakasusulat
OUTCOMES ng sanaysay batay sa panayam gamit ang cohesive devices.

TIME ALLOTMENT 60 minuto

LESSON OUTLINE:

1. Introduction/review ( Activity) - Pagpapaalam sa mga pagpapalalim na gawain


at pagbibigay ng mahahalagang tanong.
2. Motivation( Activity) - Indibiduwal na Gawain. Ipapaawit ang awiting
“Hahasula” ni Kurt Fick
3. Instruction Delivery (Analysis) - Pagtalakay sa mga sumusunod:
a. Tungkulin ng Wika
b. Depinisyon ng Hueristiko
c. Kaibahan ng Hueristiko sa Impormative
na gamit ng wika.
4. Practice ( Analysis) - Indibidwal na Gawain: Pagsulat ng Dyornal
5. Enrichment ( Abstraction) - Pangkatang Gawain: Gagawa ng Story Ladder
mula sa video clip “ A Second Chance” na
ipapakita ng guro
6. Evaluation ( Application) - Pangkatang Gawain: Video presentation sa
ginawang pakikipanayam at ipresenta sa klase.

Laptop, LCD Projector, Pocket Wifi, Powerpoint


MATERIALS
Presentation, Papel at Ballpen
P. Villafuerte, C. Alcarez (2009) at Ms. Likable
RESOURCES (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino,
Quezon City, Rex Bookstore.

PROCEDURE MEETING THE


STUDENTS’ NEEDS
I- INTRODUCTION ( Activity)
Pagpapalalim na Gawain at Mahahalagang Tanong
1. Pagpapakilala sa mga kasanayang pampagkatuto. Mga layunin
ng aralin ayon sa kasanayang K hanggang 12:
a. nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibonggamit ng
wika sa lipunan ( ayon kay M.A.K Halliday)
b.

2. Pagbanggit ng mahahalagang katanungan kaugnay sa paksang


tatalakayin.
a. Bakit mahalaga ang wika?
b. Paano naggagamit ang wika sa pakikipanayam?
c. Sa papaanong paraan dapat magamit ang wika sa
pakikipanayam.
( *Student-Teacher Interaction, Lecture Method)
MOTIVATION ( Activity)
a) May mga larawan ng emosyun ang ididikit ng guro sa
pisara.
b) Ipapaawit sa buong klase ang awiting “Hahahasula”
c) Pagkatapos ng awitin ay tutungo ang mga mag-aaral sa
emosyung naidikit batay sa kanilang nararamdaman.
d) Pipili ang guro ng ilang mag-aaral na tatanungin hinggil
sa napiling emosyun.

III-Instruction Delivery (Analysis)


A. Tungkulin ng Wika
 Ano ang tungkulin ng wika sa lipunan? Paano ito
naggamit sa pang-araw-araw na Gawain? Sa
pakikipagugnayan sa mga kaklase, ano ang tungkulin
ng wika?
 Sa papaanong paraan mo ginagamit ang wika sa
pakikipagtalastasan sa mga nakapalibot sa iyo?
 Ang wika ang tanging unang nagpamulat sa tao upang
magkaroon ng mas makabuluhang pamumuhay.
Nahahanay ito upang maisakatuparan ng tao ang
pagkakaroon ng malayang pagpapahayag..
 Ayon kay Ms. Likable (2014), sa kasalukuyan ang
tungkulin ng wika ay upang magkaroon ng ugnayan
ang mga tao sa paraang mas nauunawaan ang
nararamdamdaman ng iba. Higit paman doon ang
tungkulin nitong madugtungan ang paraan ng
pakikipagugnayan sa anumang uri ng paggamit nito sa
pakikipanayam, pagsasaliksik o di kaya’y sa
pagtatanong.
B. Depinisyon ng Hueristiko
 P. Villafuerte, C. Alcarez (2009), napakahalaga s
aisang taong nag-aaral ng ibang wika ay magkaroon
ng masterisa paggamit ng wika s amga sitwasyong
nakaugnay sa Basic Interpersonal Communicative
Skills upang mas mapadali s akanya ang paggamit ng
wika sa mga sitwasyong nakaugnay sa
Cognitive/Academic Language Proficiency (CALP)
 Ang Huesristiko ay tungkulin ng wika na ginagamit sa
paghahanap o paghingi ng impormasyon. Kabaligtaran
nito ang tungkuling impormatibo na ginagamit sa
pagbibigay impormasyon.
 Ang pakikipanayam at pananaliksik ay iba pang
halimbawa ng tungkuling heuristiko.

C. Kaibahan ng Hueristiko sa Impormative na gamit ng wika.

 Ang pagtatanong ay heuristiko at ang pagsagot sa


tanong ay impormatibo (maliban kung ang tanong ay
sinasagot sa pamamagitan din ng tanong na
kinagawian na yata ng marami)
 Ang pagsasarbey ay heuristiko at ang pagsasagot sa
sarbey ay impormatibo.
 Anmg pag-uulat, pagtuturo at pagpapasa ng ulat o
pamanahong- papel naman ay mga halimbawa ng
tungkuling impormatibo.

Pagsulat ng Dyornal
Isulat sa dyornal notebook ang mga sagot sa tanong na ito:
A. Paano naiiba ang heuristiko sa impormatibo na gamit ng
wika?
B. Bakit nagkakaroon ng kaibahan ang paggamit ng heuristic sa
impormatibo?
C. Kailan masasabing ito ay heuristiko at ito ay impormatibo?
(*lecture method, focus group discussion , cooperative
learning; informal)
IV- ENRICHMENT (Abstraction)

Gagawa ng Story Ladder mula sa video clip “A Second Chance”


na ipapakita ng guro.
1. Bumuo ng mga pangkat na may tiglimang kasapi.
2. Gagawa ng Story Ladder ayon sa nakitang video clip na
ipapakita.
3. Isulat sa manila paper at ilahad sa klase.

IV- EVALUATION (Aplication)

Gagawa ng isang interbyu at nakavideo upang ipresenta sa klase.

1. Magkasintahan.
2. Mag-asawa.
3. Sawi sa pag-ibig.
4. Matagal ng matalik na magkaibigan.

 Alamin kung ano ang mga pagsubok na kanilang dinanas sa


pakikipagrelasyon. Ano ang dahilan ng pagkakahiwalayan o di
kaya’y di pagkakaintindihan? Paano nagkaroon ng
pagkakaintindihan muli? May mga naranasan ba silang dagok
sa kanilang pakikipagrelasyon? Bakit nasawi sa pag-ibig?
Bakit hindi na muling umibig? Paanong hindi napa-ibig sa
matalik na kaibigan? May hindi ba pagkakaintindihan sa
karelasyon at nang sa kaibigan?
 Isulat ang tala sa panayam at kunan ng video ang
pakikipanayam. Bigyan ng kopya ang guro. Ibahagi sa klase.

Inihanda nina:

ALEXANDER M. DUBDUBAN
JAYSON P. BILLONA
JOHN REY O. BONITE
JUANITA L. ARANAS
APPLE T. DIEZ

You might also like