Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa mga Kababaihang Taga-Malolos

(Liham sa mga Babaeng taga-Malolos)

ni Jose Rizal

 Noong ika-12 ng Disyembre 1888, isang pangkat ng kababaihan na binubuo ng 21


dalagang taga-Malolos ang nagpetisyon kay Gobernador-Heneral Weyler sa paghingi ng
permisong magbukas ng panggabing paraalan sa kanilang hangaring makapag-aral.
 Nais nila magkaroon ng kaalaman sa wikang Kastila sa patnubay ni Ginoong Teodoro
Sandiko.
 Ang kanilang petisyon ay agad na tinutulan ng kura ng Malolos noon na si Padre Felipe
Garcia.
 Ipinagpatuloy nila ang paghingi ng permiso kahit na ito ay hindi pinagbigyan noong una,
pinahintulutan ang kanilang petisyon at naging guro si Senora Guadalupe Reyes.
 Nakarating ang balita kay Marcelo H. Del Pilar na noo’y nasa Barcelona at nagsulat ng
liham kay Jose Rizal upang makahingi ng mensahe paukol dito.
 Natanggap ni Rizal ang liham ni Del Pilar noong ika-17 ng Pebrero, 1889 at agad siyang
nagsulat ng mensahe para sa mga matatapang na kababaihan noong ika-22 ng Pebrero,
1889 sa London habang ginagawa ang anotasyon sa aklat na Sucesos de las Islas Filipinas
ni Morga.
 Sa liham ay ipinahahayag ni Rizal ang kanyang papuri sa katapangan ng mga dalaga
upang makamit ang kanilang karapatan sa edukasyon.
 Binigyang diin ni Rizal ang pagiging ina sa pamilya na pinakamalaking papel na
ginagampanan ng kababaihan na siyang humuhubog sa kanyang anak.
 Naikumpara rin ang mga kababaihan ng Malolos sa mga babae ng Sparta. Kung ang mga
kababaihan sa ibang bansa ay nakatuon ang atensyon at pagmamahal sa bansa, ang sa
Pilipinas ay para sa pamilya.
 Bahagi rin ng liham ang pitong pagpapaalala ni Rizal na habilin na para sa kanya ay
nararapat maging panata ng bawat Pilipina.

http://malacanang.gov.ph/7981-sa-mga-kababaihang-taga-malolos-ni-jose-rizal/

https://bangkanixiao.files.wordpress.com/2012/10/rizal-liham-sa-kababaihan-ng-malolos.pdf

http://dajboredom.weebly.com/pagsusuring-basa-sa-filipino.html

https://prezi.com/s2wpsp14jg9j/ang-liham-ni-dr-jose-rizal-sa-mga-kadalagahan-sa-malolos/?
fallback=1

You might also like