Binabasa Ang Mga Teksto Rito Batay Sa Mga Sumusunod

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Binabasa ang mga teksto rito batay sa mga sumusunod:

1. Mahalagang matiyak ng babasa ang mahahalagang termino na nakakonteksto sa


kasaysayan o panahon ng paksang tinatalakay.
2. Ang mga pangyayari o stiwasyong nakalahad sa mga ganitong anyo ng teksto ay
nakabatay sa kasaysayan at mga naunang talakay. Mahalagang mabuo sa isip ng babas o
gumagawa ng review ang paghahanap ng mga kaugnay sa teksto.
3. Nakaangklasa pagsusuri ng sining ang maraming babasahin. Angkop na maunawaan din
ng bumabasa ang mga disiplinang nagbibigay-hugis sa mga teorya sa sining na
tinatalakay. Kinabibilangan ito ng produksyon ng sining, kritisismong pansining,
kasaysayang pansining at estetika (De la Paz at Flores, 2014).
4. Gawing obhetibo ang gawi sa pag-unawa ng nilalaman. Alalahing marami sa teksto ay
nakasulat sa wikang banyaga, kaya, mahalagang isagawa ang angkop na pag unawa at
pagsasalin.
5. Makatutulong sa lalong pag-nawa ng nilalaman ang mga pigura at larawan na kaugnay ng
teksto.
6. Maari ding isagawa ang dagdag na pagbasa at pagdaragdag ng maraming batis, kasama
ang tuwirang pagdalaw sa mga museo o tanggapan, at paghahanap ng iba pang anyo ng
babasahin-represensiya na kaugnay ng paksa.
7. Ang mga talinong Pilipino na mababakas sa larang na ito ay dapat na unawain sa
konteksto ng panahon ng pagkatuklas. Mahalagang hanapin ang iba pang babasahin na
sinulat ng awtor upang mapaigting pa ang pag-unawa. Maaring sumangguni sa mga
eksperto sa larang upang papagtibayin at maisagawa ang balidasyon ng mga nabasa,
Kung elektroniko ang sanggunian, may mga link na nakatala sa teksto na maaring sundan
upang basahin.
8. Mahalagang tukuran ng pagsisiyasat ang ginagawang pagbasa. Tiyakin ang katutubo o
banyagang konsepto na nakatala sa teksto.
9. Tayahin din ng babasa ang kanyang pag-unawa sa sariling pag-iral lalo ang inapaksa ay
pagiging tao ng lipunan at nagtataglay ng kultura.
10. Isaalang-alang ang kontekstwal na pagbasa nang sa ganoon ay higit na maunawaan ang
talakay sa teksto.Hayaan ang sarili na lumikha ng tanong bilang pananda ng kahandaan sa
pananaliksik.Magkaroon din ng buka na pakikipagtalakayan tungkol sa binasa lalo sa
mga indibidwal na may katulad na interes.

You might also like