Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga salitang magkasing kahulugan at nagagamit ito sa
pangungusap.
2. Natutukoy ang damdamin o pananaw sa akdang binasa.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Florante at Laura- O’Laura (saknong 105-125)


b. Sanggunian: Badua, Zenaida S. 2001. Florante at Laura ni Francisco
“Balagtas” Baltazar.Quezon City. Vibal Publishing House Inc., pahina 54-59.

III.Pamamaraan

A. Panalangin
Pagbati
Pagkuha ng tala ng lumiban sa klase
B. Pagbabalik-aral

Ano ang pamagat ng tula na huli nating tinalakay?


Tungkol saan ang tulang “Ang Morong Nakikinig”?

C. Pagganyak

Ano ang naiisip ninyo kapag narinig niyo ang salitang “leon”? Nakakita na
ba kayo ng leon sa personal? Ano ang gagawin ninyo kapag nakakita kayo ng
leon na akmang lalapain o kakainin kayo?

D. Paglinang sa Gawain

Ipapabasa ang akda sa mga mag-aaral.

Aktibiti
Talasalitaan: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan.
1. Hindi dapat kasuklaman ang sinuman manapaý unawain siya.
(kagalitan, kaawayin, nababakas, kainggitan)
2. Mahirap mapaknit sa isipan ang paghamak ng iba.
(mawala, magtagal, manatili. makintal)
3. Maaawa ang sinumang makakikita ng marawal niyang kalagayan.
(malungkot, madilim, kaawa-awa, marumi)
4. Ipinagtatanggol ng mga abugado ang mga taong naaamis.
(nagkasala, pinabayaan, sinusubok, inaapi)
5. Tigib ng pagdurusa ang mga batang naulila.
(larawan, puno, halimbawa, saksi)
Analisis

1. Ilarawan ang tagpo sa simula ng binasang tula. Bakit kaya lumala ang
kalagayan ni Florante.

2. Bakit kaya nagbago ang kilos ng mababangis na leon noong una?

3. Bakit napakalaki ng paghihinayang ni Florante sa kalagayan ng Albanya?

Panuto: Basahin nang tahimik ang mga sumusunod na mga bahagi ng tula.

Mula kay Balagtas:

110

“Anong loob kaya nitong nakagapos


ngayong nasa harap ng dalawang hayop,
na ang baling ngipi’t kukoý naghahandog,
isang kamatayang kakila-kilabot. ”

Ano-ano ang damdamin ni Balagtas sa taludturang ito?

112

“Sinong di mahahapis na may karamdaman


sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay,
lipos ng pighati saka tinutunghan,
sa laman at buto niya ang hinihimay.”

Ano-ano ang damdaming madarama sa taludturang ito?

Abstraksyon

Panuto: Punan ang mga patlang ng salita/parirala na bubuo ng kaisipan.

Nahaharap sa tiyak na kamatayan si Florante sa harap ng mg a l .


Tila nawalan ng b_____ ang mga halimaw dahil sa a___ kay Florante.

Nagpapaalam si Florante sa A______ na lubos niyang


pinaghihinayangan. Siya ay kinilalang t______ ng bansa ay biktima ng
kataksilan. K______ na lamang ang maaaring tumapos ng paghihirap ng
binata ngunit lubos niyang inaalala si L_____. Labis siyang nainibugho kay
A_____. Mapait sa lahat ng d____ ang pagtataksil ni Laura. Iniluluha niya ang
kinasapitan ng p_____ nila ng prinsesa.
Aplikasyon:

1) Kung kayo si Florante at nasa harapan ninyo ang mababangis na hayop na


akmang sisilain o lalapain kayo, ano ang inyong madarama?

2) Paano naman kung kayo ang nakakita kay Florante na akmang lalapain
siya ng mabangis na hayop, ano ang gagawin ninyo?

IV. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang damdaming napapaloob sa piling bahagi ng tula.

1. “siya’y tinutungo’t pagsil-in ang hangad


ngunit nangatigil pagdating sa harap.”

2. “akong tanggulan moý kusa mong pinatay


sa iyo’y malaki ang paghihinayang.”

3. “bayang walang-loob, sintang alibugha,


Adolfong malupit, Laurang magdaraya.”

Matinding galit nalulungkot

Labis na awa naninisi

V. Kasunduan

Basahin ang susunod na bahagi ng Florante at Laura na pinamagatang


“Bagong Marte” (saknong 126-142).

You might also like