Draft 3.1 Gawain 3 Alamat NG Gubat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Gawain 3 – Unang Pangkatang Gawain

Panunuring Pampanitikan

UNANG PANGKAT

Maikling Kwento – Russell and Princess

ALAMAT NG GUBAT NI BOB ONG

ALAMAT NG GUBAT May akda: Roberto “Bob” Ong


January 17, 2013 at 11:17 PMPublic
Pagsusuri..........
Ang nobelang Alamat ng Gubat ay isang simpleng kwentong gustong gumising sa ating
natutulog na lipunan. Ang librong mukhang pambata at may makulay na larawan ay nagsisilbing
salamin sa ating bansa. Ang bawat hayop sa gubat ay sumisimbolo sa bawat karakter sa lipunan
gaya ng crab mentality, ang panlalamang at pagsasamantala sa mga ibang di gaanong
nakakaintindi, ang di lubos na pagtuturo sa mga mang-mang upang habang buhay silang umaasa
at maloko ng mga taong mas nakakaintindi, ang pagnanais na makamit ang kapangyarihan at
impluwensya. Maraming nakapaloob na mensahe at simbolo sa nobela na maihahambing natin sa
ating lipunan ngayon.
            Ang paggamit at pananamantala sa kakayahan at kahinaan ng iba ay makikita sa Alamat
ng Gubat. Ito ay matatanaw nang inutusan si Tong ni Aso na dalhin ang itlog kina Manok at
Pagong. Dito ipinakita ang pagiging mautak ng iba upang makamit sa huli ang kanilang totoong
pakay. Sinamantala nila ang pagka-inosente ni Tong upang makalamang. Nanlilinllang sila
upang makamit ang pansariling kagustuhan. Ang pakitang-tao nina Aso, Kuneho, at Pagong sa
pagtulong kay Tong sa pagpitas ng puso ng saging ay isang paraan upang malamangan ang isa’t
isa. Kung tutuusin, hindi pa ng puno ng saging ang ipinakita nila Aso kay Tong; hindi man lang
nila naisip ang kapakanan ng kanilang kapwa. Gaya sa kasalukuyan, marami sa atin ang
nanlalamang para sa ating pansariling kapakanan.
            Ang Crab Mentality na isang di makaka-ilang katangiang Pilipino ay makikita rin sa
nobela. Ito ay ang hindi pagpapatalo sa ibang tao; ito ay maipapaliwanag sa mga salitang ito:
“Kung hindi ko makukuha ang isang bagay, hindi mo rin ito makukuha.” Ito rin ay nagpapakita
ng kakitiran ng isip at ninanais ang ibang taong bumagsak kaysa sa maabot nito ang kanilang
gustong makamit. Ito ay makikita noong nag-aaway at nagkakagulo ang mga hayop dahil sila ay
nag-aagawan kung sino ang dapat makakuha ng puso ng saging. Hindi nagpapatalo ang hayop sa
kapwa nila hayop. Kung anong meron ang iba, ginagwan nila ng paraan upang hindi makuha ng
iba ang isang bagay. Ito’y nagagawa nila sa pamamagitan ng panlilinlang at panloloko. Sa
ngayon, ito’y lagi nating nakikita sa ating mga opisyal na laging nagsisiraan na tila nag-aagawan
sa isang kapangyarihan.         
            Isa pang sakit ng lipunan na makikita sa nobela ay ang pagtingin nila ng mababa sa
“maliliit”. Ito ay nakita noong nagbobotohan ng hari ang mga hayop at di nila tinuturing hayop
ang mga insekto. Nang manalo si Langgam sa paligsahan, maraming di naniniwala sa kakayahan
niya dahil lang siya’y maliit. Ang mga insekto ay hindi nagpapatalo sa mga ibang hayop sa loob
ng kagubatan. Ang pagbabalak nilang paghihimagsik ay isang paraan upang magkaroon sila ng
maayos na papel at pagkakakilanlan sa gubat. Nais nilang makamit at maipakita na may taglay
silang kakayahan at abilidad. Kaya din nilang gawin ang mga bagay na nagagawa ng ibang
hayop. Ang kanilang hubog at struktura ay hindi naging hadlang upang mamuhay ng mamayapa.
Nangyayari rin ito sa ating bansa, kung saan ang mga makapangyarihan ay minamaliit ang ibang
tao. Naiiba ang tingin natin sa tao dahil sila ay mahirap, hindi matalino, pangit o may
kapansanan. Hindi sila nabibigyan ng pagkakataon maipakita ang kanilang kakayahan dahil sa
panghuhusga ng iba.
            Naipakita rin sa nobela ang maruming politika na umiikot rito. Nandito na ang mga
paninira sa ibang mga opisyal at pambibili ng boto sa panahon ng eleksyon at pangangampanya.
Ito ay makikita noong binili ni Kuneho ang boto ng mga langaw sa pamamagitan ng pagbibigay
sa mga ito ng dumi na gustong-gusto nila. Ito ay nakikita sa Pilipinas ngayon sa paraan ng
pagdagdag-bawas sa mga boto. Punong-puno ng kontrobersiya ang eleksyon sa atin dahil
maraming pandarayang nangyayari dito.
            Ang nobela ay nagpakita sa kasalukuyang estado ng ating lipunan. Gaya ng gubat sa
kwento ni Bob Ong, ako, ikaw, tayo, ay isa sa mga hayop na naninirahan dito. Si Tong, ang
talangka, ay sunisimbolo sa mga kabataan na masasabing pag-asa ng ating bayan. Inaasahan sila
na, gaya ni Tong, ay mamulat sa kung anumang mga maling sistemang gumagalaw sa ating
pamahalaan at bansa. Sila dapat ay handing magsakripisyo para sa minimithing pagbabago.
            Ang mga insekto ay sumisimbolo sa mga taong may paninindigan ngunit hindi naririnig
ang kanilang mga boses. Sila ay maaring mga aktibista na pilit ipinaglalaban ang kanilang sari-
sariling paninindigan. Datapwa’t sila ay matapang, hindi pa rin maiiwasan na sila ay maliitin ng
mga taong may mas makapangyarihan.
            Sina Leon, Buwaya, Kuneho, Aso at Pagong ay sumisimbolo sa mga taong sakam sa
kapangyarihan. Masasabing sila ang mga opisyal sa ating gobyerno na, gaya sa kwento, ay
mapagsamantala at mapanlinlang upang makamit ang pansariling hangarin.   
            Si Maya naman ay sumisimbolo sa mga taong walang boses sa lipunan. Sila ay sunud-
sunuran sa mga taong makapangyarihan. Ang mga nagtatakip sa mga kasalanan ng mga opisyal
ay pwedeng maihambing kay Maya dahil kahit hindi sila sang-ayon sa desisyon o gonawa ng
opisyal, pinagtatakpan nila ito sapagkat maraming pera ang naghihintay sa kanila.
            Si Ulang naman ay ang mga taong tamad at walang paki sa mundong kanilang
ginagalawan.
            Si Matsing ay sumisimbolo sa isang matapat na Pilipino na walang ibang hangarin kundi
maisaayos ang ating bansa. Sila ay mulat sa katotohanan at walang-takot magmulat ng tao. Siya
ay handang magbigay-hamon sa mga kabataan para gumawa ng aksyon para makamit ang
minimithing pagbabago. Ito ay ang minimithing kalayaan laban sa mabababangis na naghahari sa
gubat. Higit sa lahat, ang minimithing pagkakapantay-pantay.
 
Halagang Pangkatauhan  
 
            Marami tayong makukuhang aral sa nobelang Alamat ng Gubat. Una-una, hinahakayat
tayo ng manunulat na imulat ang ating mga mata sa mga maling sistemang nasa ating lipunan. Sa
pagmulat ng ating mga mata, kailangan din natin manindigan at matutong umaksyon para sa
ating pinaglalaban. Hindi dapat tayo lagi magpa-api sa mga ibang tao dahil sila ay mas
makapangyarihan. Gaya ni Tong, na mas piniling ipaglaban ang karapatan ng bawat hayop sa
gubat.
            Ang pagiging hindi makasarili ni Tong ay kitang-kita sa nobela. Una, walang alinlangan
niyang tinanggap ang misyon ng paghanap ng puso ng saging na magpapagaling sa kanyang
ama, si Haring Talangka. Siya rin ay nagpakita ng ganoong katangian noong mas iniisip niya nag
hangad nina Aso, Kuneho at Pagong.
            Sa pagbasa ng nobelang ito, kitang-kita ang pagiging maalalahanin ni Tong sa kapwa
niyang hayop. Sabi nga ni Tong, “Hindi kailangan lahat ng gagawin natin ay para sa ating
lamang, dapat ay isaalang-alang rin natin ang susunod na henerasyon.”  Kailangan tayong mag-
ingat sa lahat ng ating gagawing mga bagay at desisyon. Dapat lagi natin isipin ang mga taong
maapektuhan at huwag maging sarili sa mga gagawing desisyon.
            Ang pagiging matapat at mapagmalasakit ay ipinamalas ni Matsing. Walang siyang ibang
hangad kundi tulungan at imulat si Tong sa mga nangyayari sa gubat. Hindi niya kalianman
inisip na lamangan at pagsamantalahan ang pagka-inosente ni Tong.
 
Buod
            Ang Alamat ng Gubat ay umiikot kay Tong, anak ni Haring Talangka, at sa kanyang
pakikipagsapalaran sa paghahanap ng puso ng saging sa gubat. Ang puso ng saging ang katangi-
tanging gamot na makakapagpagaling sa kanyang may sakit na ama.
            Sa simula ng kanyang paglalakbay, una niyang nakita si Buwaya. Mabilis niyang
tinanong ito kung nasaan ang puso ng saging ngunit sa bawat tanong ni Tong ay ipinagbabayad
siya ng tatlong perlas. Si Maya, ang kanang-kamay ni Buwaya ay ganon din ang gusto. At nang
wala ng mabigay si Tong, biglang umatake si Buwaya at gusto siyang kainin kaya dali-dali
siyang tumakbo.
            Kasunod niyang nakita si Leon na inutusan siyang magbigay ng mga itlog na inagaw ni
Buwaya kina Manok at Pagong kapalit ng pagturo sa kanya kung nasaan ang puso ng saging.
            Habang naglalakbay, di na mapigilan ni Tong ang tawag ng kalikasan. May nakita siyang
pulang bato at nalaman ito pala ay si Ulang. Si Ulang ay nasa tabing dagat abala sa paggawa ng
wala. Hindi siya gumagalaw at walang balak gumalaw anumang oras.
            Papunta na si Tong kina Manok at Pagong nang may marinig siyang nagpupulong. Ito
ang mga insekto na nag-aaway dahil sa planong paghihimagsik ni Tipaklong. Ang paninindigan
ni Tipaklong ay dapat sila rin ay matanggap bilang hayop. Sila ay minamaliit ng ibang hayop
dahil sa kanilang laki. Si Langgam naman ay di sang-ayon dito dahil marami raw maapektuhan
sa paghihimagsik ni Tipaklong Gugulo lang raw ang maayos niyang mga negosyo at pagmamay-
ari. Idiniin niya na kaya ni Tipaklong maghimagsik dahil walang mawawala sa kanya.
            Nakarating na rin siya kina Manok at Pagong. Mabilis niyang binigay ang mga itlog sa
kanila at itinanong kung saan makikita ang puso ng saging. Si Aso daw ang makakapagturo kay
Tong kung nasaan ang puso ng saging.  Sinamahan ni Pagong si Tong papunta kay Aso.
            Nang makarating kay Aso, na kinakaiin at isinusuka ang suka niya, itunuro agad nito ang
puno kung nasaan ang puso ng saging. Maibibigay lang daw ni Aso ito kung magkakaroon sila
ng kasunduan. Ibibigay ni Aso ang puso ng saging kay Tong para mapagaling nito ang kanyang
Amang Hari at ang kahilingan na nakapaloob sa puso ng saging ay mapupunta kay Aso. Narinig
ito lahat ni Kuneho na tutol sa mga sinasabi ni Aso. Gusto ni Kuneho na sa kanya mapunta ang
kahilingan. Maya-maya ay nagkagulo na at naisipan kung sino ang magiging hari siya ang
makakapagdesisyon kung kanino mapupunta ang kahilingan.
            Nagkabotohan kung sino ang gusto nilang maging hari ng kagubatan. Nauna si Aso na
marami ang bumoto. Sumunod naman si Langgam na binoto ng mga insekto. Siya na dapat ang
hari ngunit dumating si Tipaklong kasama ang kanyang mga libo-libong alagad na mga langaw.
Mabilis niyang naungusan si Langgam dahil sa dami ng langaw na bumoto sa kanya. Hindi
nagpatalo si Kuneho at binili ang boto ng mga langaw at ni Aso sa pamamagitan ng pagbibigay
ng dumi para sa langaw at suka para kay Aso.
            Sa pag-iisip na hindi matatapos ang botohang ito, naisipan ni Langgam na magpaligsahan
na lang sila para matapos ang gulo. Ang nanalo sa paligsahan ay si Langgam na agad na
tinanghal na hari ng gubat. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, may nakatapak kay Langgam at
ito ay namatay. Hindi malaman kung ito ay maruming pulitka o aksidente.
            Hindi nagtagal pumunta na sina Aso, Pagong, Kuneho at Tong sa puno ng puso ng
saging. Doon nag-isip sila kung paano maaabot ang puso ng saging. Hindi na nila inisip kung
sino ang makakakuha ng kahilingan. At nagsimula na ang kanilang pagkuha sa puso ng saging na
laging nauudlot dahil lahat ay gusto sila ang makakuha nito. Nakuha na nila ang puso ng saging
ngunit hindi namalayan na nandiyan na sina Buwaya at Leon kasama ang kapatid ni Tong. Ang
kanyang kapatid ay matagal ng may galit kay Tong dahil laging siya ang panapaboran ng
kanyang magulang. Pinagsamantalahan ng kanyang kapatid ang nobya ni Tong na lubos niyang
ikinalungkot. Dali-daling humiling si Kuneho na maayos at mailigtas ang lahat ng hayop ngunit
inagaw ito ni Aso at humiling ito ng suka. Sabay-sabay ang mga gulong nangyayari bigla na lang
nandilim ang paningin ni Tong.
            Pagmulat niya ng kanyang mata, napadpad siya sa pampang ng isang tabing-dagat. Doon
meron siyang namumukhaan na pula na nilalang sa may tabing-dagat. Lumapit siya at
natukalasan na ito ay si Ulang. Ginising niya ito ngunit ayaw sumagot ni Ulang. Doon lang niya
nahinuha na si Ulang ay pumanaw dahil sa hindi paggalaw at paggawa ng wala. Siya ay nabilad
sa araw at di nakayanan ang init nito.
            Sa pagdadalamhati niya, siya ay nagisip-isip sa kanyang mga nagawang pagkakamali at
nagdesisyon kailangan niyang magpatuloy sa paglalakbay niya. Sa knayang paglalakad ay may
nagtapon sa kanya ng saging. Ito ay si Matsing, tinanong niya ito kung ano ang kailangan nito.
Sinabi ni Tong na hinahanap niya ang puso ng saging. Si Matsing ay dali-saling tumulong sa
kanya. Ibinigay niya ang puso ng saging kay Tong pero sinabi niya na wala naman karamdaman
ang kanyang ama. Ginagawa lang niya ito para mapagtakpan ang kanyang kamalian. Ang puso
ng saging ay nagsisilbing pampamanhid sa mga nararamdaman ng Amang Hari. Sinabi rin ni
Matsing na dapat di siya basta naniwala kahit kanino. Hindi dapat siya magpagamit sa mga tao at
matuto siyang manindigan.
            Namulat si Tong sa mga pangaral ni Matsing at gusto niya ipaglaban ang karapatan ng
mga hayop sa gubat.   Hindi siya natatakot sa kahit anuman ang mangyari, basta ang mahalaga
lang ay maipaglaban niya ang knaiyang pinaniniwalaan.

https://www.facebook.com/notes/nad-manjares/alamat-ng-gubat-may-akda-roberto-bob-
ong/467876189938177/
--
Buod
Paglalarawan sa kalagayan ng lipunan na iyong ginagalawan ang makulay na aklat na ito ni
Uncle Bob. Isang buhay ng isang tipikal na Pilipino na naghahanap na tunay na kahulugan ng
lipunang kanyang ginagalawan na nasa katauhan ng ating bidang talangka na si Tong.
Pagkakasakit ng hari ang siyang magiging malalim na dahilan ng paghahanap ni Tong ng puso
ng saging na sinasabing makapagpapagaling raw sa malubhang sakit ng hari.

Sa kanyang paglalakbay sa gubat mula sa karagatang kaniyang pinagmulan ay makikilala


niya ang mga naghahari harian sa gubat na sina Buwaya, Leon, Palaka, at Tipaklong. Lahat sila'y
may iisang pakilala na sila ang Hari ng kagubatan kaya naman nananatiling magulo at baha-
bahagi ang mga hayop sa Kagubatan.

Sa bandang huli ay makikita rin ni Tong ang nasabing puso ng saging na siyang inaasam
asam ng maraming hayop sa kagubatan. Si matsing ang tutulong sa ating bida para makilalang
lubos ni Tong ang tunay na kahulugan ng buhay at ng lipunang kaniyang ginagalawan.
Posted by Pinoy Awtor at 5:47 PM
Labels: Alamat ng Gubat

http://pinoyawtor-alamatnggubat.blogspot.com/2011/11/buod.html
--
Buod:
Ang kwentong ito ay tungkol sa mga paglalakbay ni Tong, isang talanka, (ano kamo yung
talangka? Para itong alimango na masarap din kainin) na naatasang hanapin ang puso nang
saging sa kagubatan dahil ito lang ang makakapagpagaling sa kanyang amang hari. Sa kanyang
paglalakbay ay nakasalubong niya ang iba’t ibang hayop sa gubat na may kanya kanyang
pananaw at ugali.
Una niyang nasalubong si Buwaya na kapalit ng impormasyon na maibibigay niya tunkol
sa puso nang saging ay humingi ng perlas. May sidekick pala ang buwaya isang maya, at ng
hinihingi na ni Tong ang impormasyong kanyang hinahanap ay bigla siyang pinagtangkaang
kainin ni Buwaya. Sunod niyang nakilala ay si Bibe na kumakapit kay Palaka dahil marami
itong perlas at sinasabing hari nang kagubatan. Ngunit biglang sumipot si Leon at ang kanang
kamay na si daga, at sa utos nito ay biglang kinain sina Bibe at Palak ni Buwaya. Kakainin na
sana ni Buwaya si Tong kundi siya pinigilan ni Leon. Mabait naman pala si Leon at tinulungan
pa niya si Tong, sinabihan niyang hanapin si Aso dahil ito ang marunong kung nasaan ang puso
nang saging. Naabutan din niya ang mga insekto na nagtatangkang maghimagsikan laban sa mga
hayop sa gubat. Sa dalampasigan ay si ulang na walang ginagawa.
Nahanap din niya si Pagong na siyang nagturo kung nasaan si Aso. Sinabi ni Aso na ang
puso ng saging ay pinag-aagawan nang lahat ng hayop sa gubat ngunit di ito makukuha dahil
guguho ang gubat pag mahiwalay ang bunga sa puno. Pero kung gagamitin ito sa paggamot ay
maari itong makuha at may kasama pa itong kahilingan. Nakipagkasundo si Aso na kapalit ng
paggamot ng ama ni Tong ay sa kanya mapupunta ang kahilingan. Ayos na sana ang lahat ngunit
biglang nagprotesta si Kuneho, ang makakapitas lang daw ay ang karapat dapat at siya iyon.
Sumali na rin ang ibang hayop at napagkasunduang magka-eleksyon kung sino ang tunay na
hari. Sa gitna nang botohan ay napansin nila na nasundan pala sila ni Leon. Nakapagsunduan
nila na pitasin na lang ang puso nang saging at hilingin ang kaligtasan ng lahat nang hayop sa
gubat. Ngunit kahit sa pagpitas na nito ay hindi sila magkasundo kung sino dapat pipitas at sa
huli ay dumating na si Leon kasama ang kapatid ni Tong na si Katang na siya palang nagtaksil sa
kanya kapalit ang tatlumpong pirasong pilak. Nakuha pala ni Aso ang puso ng saging ngunit sa
halip na hilingin ang kaligtasan ng lahat ay kanyang sariling interes ang inuna. Dahil dun, lahat
nang hayop ay napasakamay ni Leon, daga, at buwaya. Si Tong lang ang nakaligtas sa
nangyaring masaker. Di nagtagal ay nagkita sila ni Matsing na nagsabing nasa kanya ang Puso
nang saging. Sa proseso ng pagbigay ni Matsing kay Tong ng puso ng saging ay ipinaliwanag
niya lahat ng nangyari at itinanong kay Tong kung kontento ba siya sa kalagayan nang gubat
ngayon. Biglang nagkaroon ng panibagong mithiin si Tong, ito ay ibahin ang pamamalakad sa
gubat. Magkarooon ng pagbabago para sa ikakaunlad ng lahat. Ibinigay ni Matsing ang puso ng
saging at kaagad itong kinagat ni Tong, lumiwanag ang paligid at nabuhay nang maligaya ang
lahat sa gubat.

Ganda ng kuwento, puno ng simbolismo. Ang kwentong Alamat ng Gubat ay isang


librong pambata na para sa matatanda. Sa unang tingin ay para lang itong isang kwento na
nagbibigay ng “moral lesson” sa mga bata ngunit ito ay higit pa dyan. Ito ay nagpapakita sa
kalagayan nang kommunidad at politika ng ating bansa. Ang kwento ay puno nang simbolismo
at gustong iparating ng may-akda ang kalagayan at kung ano ang nangyayari sa ating bansa
ngayon. Ang Pilipinas ay isang malaking gubat. Malaking gubat na kung saan ang mga
naglalakihang hayop ang siyang may kapangyarihan. Sila ang kumukontrol sa halos lahat ng
pangyayari sa kagubatan. Naiisip kung i-post ito dahil sa kanyang mensahe na ipinararating, na
tayo ang mga hayop sa gubat, di magka-isa, watak watak, at pansariling kapakanan ang iniisip.
Kailan pa ba natin makikita ang malaking larawan at hindi lang pansariling kapakanan ang ating
ipinipinta?

http://juandelacruz013.blogspot.com/2012/11/lahat-tayo-sa-kabutihan-o-sa.html

--

Isang Sintesis sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong (Sintesis) September 29, 2017

Ipinapakita sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong na taliwas sa pagiging “aklat


pambata” ng libro ay nagpapakita ito ng iba’t ibang isyu na sumasalamin sa realidad ng politika
sa Pilipinas.

Kilala si Bob Ong bilang isang manunulat na bibibigyang depiksyon ang mga isyu ng
bansa gamit ang mga gawa nito. Sa kwentong alamat ng gubat na nailimbag sa taong 2003, hindi
makakailang nais ng awtor na ipamulat ang mga mambabasa hindi lamang sa sitwasyong
panlipunan at iba’t ibang klase ng Pilipinong mamamayan ngunit binibigyang diin din ang mga
isyung politikal ng bansa na talamak sa nagdaang panunungkulan kung kailan nailimbag ang
aklat na makikita pa din hanggang sa kasalukuyan.

Sa unang pagsalaysay ng kwento, ipinapapakilala ang karakter na si “buwaya” na


nakilala ni Tong sa unang tapak pa lamang nito sa gubat na ang ugaling isinasabuhay ay pagiging
“kurakot” dahil sa bawat mga salitang binibitawan nito ay may kaakibat na kapalit. Kung i-
uugnay sa totoong pangyayari, makikita dito na tila ba pinagbabasehan ng awtor ang isyung
nangyari noong nagdaang panunungkulan ng isang kilalang presidente ng bansa sa taong 1998
kung saan ani nito, “sa aking administrasyon, walang kamag-anak, walang kumpadre, walang
kaibigan.” Isang pangakong pinaniwalaan ng lahat na nagresulta sa pagkapanalo nito sa halalan
kung saan ay humantong sa pagkawasak matapos lumabas ang mga isyung pagtataksil nito sa
sambayanan: isyu ng korapsyon, pagsusugal, pagnanakaw, panunuhol, jueteng at paglabag sa
konstitusyon. (Capulong., “Nature of Complaint”)

Kung iisipin, kapansin-pansin sa bansa na minsan ang mga plataporma at mabulaklaking


salita sa mga tatakbong opisyal ay madalas na napapako na nagbubunga sa pagkawala ng tiwala
ng mga mamamayan. Gaya lamang ng ugali ni “buwaya”, na walang isang salita at paninindigan
na kung saan ay nagdulot ng pagkatakot at pagkadismaya sa pangunahing tauhan.

Sa pangalawang senaryo sa kuwento ay nakakapukaw ng atensiyon ang pagkalito ni


Tong. Sa kadahilanang, bawat pagtapak nito paloob ay ang unti-unting pagdami din ng mga
hayop na umaangkin sa titulong “Hari ng Gubat”. Una, ang pagkilala ni Tong kay “Buwaya”
bilang isang hari ng gubat. Sumunod naman si Leon, na buong tapang na ipinangalandakan ang
kilalan bilang isa ring “Hari ng gubat” na nagtulak sa bida na magtanong na “Sino ba ang
totoong hari?”.

Sa pagpapakilala sa mga tauhan at pagsalaysay sa mga pangyayari sa loob ng gubat,


mahihinuha ang isyung pagka-uhaw at pag-aagawan ng ‘kapangyarihan’ ng mga karakter sa
kwento na maaaring maiihalintulad sa iba pang mga opisyal sa bansa. Upang lubos na
maipaliwanag, maihahalintulad ang eksenang ito noong nagdaang senaryo noong taong 2000,
kung saan ang “kapangyarihan ng isang pangulo” ay lubos na nagdulot ng pagkalito sa mga
mamayan sapagkat may nangyaring pag-aagawan sa pagitan ng kasalukuyang presidente at ng
bise-presidente nito. Ang ugat ay nagsimula sa pagkabisto ng kasalukuyang presidente sa mga
illegal na gawain nito kaya inutos agad ng Suprema ang pagtanggal nito sa pagkakaluoklok sa
pwesto kung saan automatikong papalit ang bise-presidente.

Gayunpaman, mahahalata sa bawat linya ng binitawang talumpati ng kasalukuyang


presidente noon ang pagdududa nito sa ginawang pagtanggal sa kaniyang kapangyarihan bilang
pangulo ng bansa. (J. Puno.,”Office of the Supreme Court”)

“…kasama ko ang maraming iba pang legal na

proseso sa ating bansa, mayroon akong malakas at

seryosong mga pagdududa tungkol sa legalidad at

konstitusyunalidad ng kaniyang pagpapahayag bilang Pangulo,

ngunit hindi ko nais na maging isang rason na

maghahatid ng lubhang pagkabigo sa bansa

sapagkat nais kong maipanumbalik ang

kapayapaan at tamang hanay ng sibilisadong lipunan.”


Dahil dito, nagkaroon ng kagulohan sa pagitan ng mga ka-alyansa ng kasalukuyang
presidente at sa mga tagahanga ng bise-presidente. Isang pagtatalo kung saan umiikot sa
dalawang opisyal ng bansa na kapagkuwan ay inulan ng debate kung sino sa dalawa ang karapat-
dapat na umupo sa pwesto.Sa pagdagdag, ang isyung ito ay naging sentro ng pagtatalo sa Korte
Suprema at nagdulot ng rebolusyon sa iba’t ibang panig sapagkat taliwas na utos ng korte sa
pagtatalaga sa bise-presidente na pumalit sa pwesto ay lubos naman na pinoprotektahan ng
kasalukuyang presidente ang posisyon nito. (Cruz, p1 “Estrada v. Arroyo: Some Reflections”)

Noong isinalaysay ng may-akda ang botohan ng mga insekto at hayop sa gubat, tila ba
sinisimbolo ang pagkapanalo ni Tipaklong sa pagkapanalo ng tumatakbong kandidato para
pagka-Pangulo sa taong 1998 kung saan intinalagang “landslide” ang resulta ng botohan at
pangunahing kandidatong nakatanggap ng maraming boto mula sa mamamayan.

Masasabing magkapareho ang sitwasyon ng pagkapanalo ng dalawa na kung saan ay


parehong ibinoto ng mga “langaw” na binubuo ng mga ordinaryong mamamayan o “masa” kung
ibabatay sa realidad, may tiwalang ang “kandidatong” yaon ay lubos na makakaintindi sa
sitwasyong pinagmulan at makakawasak sa matinding paghihirap na kinalulugmokan.
(Dizon.“Condition in the Philippines”.p3)

Ito namang senaryo sa kwento ay isang kabaligtaran sa nangyaring botohan ng mga


insekto, sapagkat ipinapakilala si “aso” bilang isang hayop na kumakain sa sarili nitong suka na
kung iba-base sa isang politikal na isyu, ito ay laganap noong termino ng bansa sa panahong
2001-2004.

Ang pagkakaluklok ng isang kandidato sa terminong 2001-2004 na tinaguriang “pagkain


sa sarili nitong suka” sa kadahilanang pandarayang anomalya na naganap at sa pagbilang ng
boto, lumabas sa resulta na ang pinanggalingan sa mga konsisteng boto ay nagmula sa mga
“taong may mataas ang antas sa estado ng lipunan” na kung lapatan ng pag-aanalisa ay, parehong
ang kandidato at mga maboboto nito ay “nagkakainan ng suka”.(Linantud p3-p10)

Sa madaling salita, mga taong nagsasabwatan sa likod ng mga sambayanan na ang


pagkaganid sa kapangyarihan ay nagtulak ng pandaraya na umabot sa puntong pagkakainan ng
suka ng isa’t isa.

Sa senaryo naman ng pagtitipon ng mga insekto para sa “Eleksiyon” sa pagpili ng hari sa


gubat, mabibigyang pansin ang agarang paglipat ng mga langaw na noon pa man ay kasangga ni
tipaklong, matapos bigyan ng suhol ni kuneho na maihahalintulad sa kaganapang pandaraya ng
administrasyon noong 2004 o mas kilala bilang “Hello Garci Scandal”. Ito ay isang “tape” na
mabilisang kumalat noong panahon ng eleksiyon ng taong 2004 na kung saan ang nilalaman ay;
nagpapahiwatig ng pagsasabwatan ng kasalukuyang tumatakbong presidente at ng pinuno
COMELEC upang i-manipula ang halalan noong 2004 upang manalo ng hindi bababa sa 1
milyong boto laban sa malapit na karibal nito na si FPJ kung saan may “suhol” na naganap.
(Bernas, Fr. Joaquin G., Commentary: “Playing the Tapes”).
Ang krisis na patungkol sa politika ay hindi na bago sa madlang Pilipino. Kung susuriin,
ang pandaraya ay isang malaking isyu maging ang abuso sa kapangyarihan at pagbibili ng boto.
Nakakalungkot lamang na ito ay limitang nabibigyan ng pansin na laganap hanggang ngayon.
(Remonde, Cerge, “Snap Elections?” Manila Bulletin., p.11)

Sa pagsalaysay sa nalalapit na pagtatapos ng kwento, ang pagkapanalo ni langgam ngunit


ang mabilisang pagkamatay nito ay isinalaysay maging ang pagkamatay ng iba’t ibang mga
insekto pagkadating ng tinaguriang mga hayop na hari sa gubat. Ito ay hinahalintulad sa eleksyon
na nangyari noong eleksiyon sa taong 2001 kung saan pinipilit na ipabalik sa puwesto ang dating
Pangulo na kung saan ay nakapagdulot ng maraming sugatan at nasawi. Naagaw din maging nito
ang atensyon ng parehong lokal at internasiyonal medya.

Ang halalan sa Pilipinas ay nananatiling hindi ligtas: halos 1,000 katao ang pinatay o
nasugatan tuwing may nagyayaring argumento,vendetta, at mga pag-atake sa mga partisano,
kandidato, at mga canvasser.(Linantud.,p84“The 2004 Philippine Elections:Political Change in
an Illiberal Democracy”)

Sa iba, pinaniniwalaan na ang kasaysayan ng pagiging “korap” ng isang politiko sa bansa


ay kadahilanang gutom at uhaw sa kayamananan ngunit kung susuriin ang kasaysayan ng
Pilipinas kung kailan naganap ang kauna-unahang kilalang ‘korapsiyon’ ay sa taong 1898, na
pinaniniwalaang iba ang dahilan; Ang korapsyon ay hindi pilit na ginagawa upang makamit ang
kaban ng bayan ngunit ito ay nangyayari dahil sa ”pagka-uhaw ng kapangyarihan” ng kandidato.

Ang ugat na ito ang nag-impluwensiya ng masamang hangarin sa iba pa na sa bawat


takbo ng panahon ay ito rin naman ang unti-uting nagbigay daan sa mga iba’t ibang anomalyang
laganap noon maging hanggang sa ngayon. (J. S. Asian Stud. 01 (03) 2013. p55-61)

Kahit na naisulat at nailimbag ang “Alamat ng Gubat” sa kontemporaryo/modernong


panahon, ang mga isyung binibigyang diin nito ay sakop maging ang mga pangyayari sa
kasaysayan ng bansa hanggang sa mga terminong nagdaan. Ayon kay George Santayana, “Silang
hindi natatandaan ang nakaraan, ay hinahatulang uulitin ito.” Na nangagahulugang ang
kasalukuyan ay isa lamang produkto ng kasasaysayan.

Lahat ng pangyayari sa bansa; sa panlipunan man o politikal na aspeto ay parehong may


ugat na pinagmumulan. Sa muling pagpapaliwanag, ang akdang “Alamat ng gubat” ay hindi
lamang nakapokus sa pagiging “satire” na nagbibigay aliw sa mga mambabasa ngunit kung
uusisain ng may malalimang pag-unawa, ay makikita ang iba’t ibang politikal na isyung matagal
ng laganap noon pa man na masasalamin maging hanggang ngayong modernong kapanahonan.

Ang paglimbag ni Bob Ong ng mga ganitong klase ng libro ang pumupukaw sa natutulog
na isip ng karamihan sa mga Pilipino upang talakayin ang mga problemang hindi nabibigyan ng
pansin. Katawa-tawa man na maituturing ang mga linyang binitawan ng bawat karakter, hindi
maitatanging sa kaibuturan ng argumento ay may mga isyung nais ipabatid ang may-akda.
Sa huli, ang pagka-uhaw ni Bob Ong na mabuksan ang isip ng mga mambabasa sa mga
politikal na pangyayari ay makikita kahit sa unang basa pa lamang ng talata sa kwento, na lubos
na pinagdidiinan ang ideyang lahat ay kasangkot at lahat ay may panangutan sa kung ano mang
kahihinatnan ng makapilipinong lipunan.

https://5sulatinparakayquilantang.wordpress.com/2017/09/29/isang-sintesis-sa-kwentong-alamat-
ng-gubat-ni-bob-ongsintesis/

You might also like