Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Kasarian at Kaukulan ng Pangngalan

Pangngalan- tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at lunan.


Kasarian ng Pangngalan
Ang mga pangngalan ay may apat na kasarian: panlalaki, pambabae, di-tiyak at walang kasarian.
1. Ang kasariang Panlalaki ay nauukol sa lalaki.
Halimbawa:
Amain tatay Enrique
lolo Ginoong Hernandez
2. Ang kasariang pambabae ay nauukol sa babae.
Halimbawa:
Pasing Bb. Jimenez Tiya
Nanay Ate Lola
3. Kung ang pangngalan ay maaring panlalaki o pambabae, ang salita ay masasabing kasariang di-tiyak.
Halimbawa:
Manggamot Sanggol Guro
4. Ang mga bagay na hindi masasabing panlalaki o pambabae ay walang kasarian.
Halimbawa:
Aklat Dahon Lapis
Kaukulan ng Pangngalan
1. Palagyo- pangngalang ginagamit bilang paksa, pantawag, pamuno ng paksa, kaganapang pansimuno.
2. Palayon- ginagamit bilang layon ng pandiwa o pang-ukol.
3. Paari- kapag may inaaring anuman.

Panghalip na Panao
Ang Panghalip na Panao ay salitang ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
Sila, siya, ako, kami, tayo, ikaw, inyo, natin, kanila

Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao
2. Panghalip na Pamatlig
3. Panghalip na Pamaklaw
4. Panghalip na Patulad
5. Panhalip na Pananong
6. Panghalip na Pamanggit

Panghalip na Pamatlig- inihahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan n pangngalan.


Inihahalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa pagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
 Malapit sa Nagsasalita
a. Ito ay masarap na prutas.
b. Heto na ang pasalubong ko sa inyo.
c. Dito ka maghiwa ng mga gulay.

 Malapit sa kausap
a. Iyan ang libro mo.
b. Hayan/Ayan na sa likod mo ang aso.
c. Diyan mo ilapag ang mga bayong.

 Malayo sa Nag-uusap
a. Iyon ang bahay nila Paolo.
b. Hayun/Ayun ang magnanakaw.
c. Doon tayo kumain.

Panghalip na Panaklaw- (mula sa salitang “saklaw”, kaya’t may pahiwatig na pangsaklaw o


pangsakop) ay tinatawag na literal na panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak.
Mga Halimbawa:
lahat, madla, sinuman, alinman, anuman at pawang.
 Nagsasaad ng kaisahan
a. Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.
b. Iba ang bahay sa tahanan.
c. Bawat isa ay mayroong tungkulin sa bayan.
* Nagsasaad ng dami o kalahatan
a. Lipunin ang lahat ng peste.
b. Magandang halimbaa ang ipinakita niya sa lahat.
c. Mananagot siya sa madla dahil sa kanyang kabuktutan.
Panghalip na Pananong- (mula sa salitang “tanong” kaya’t may pakahuugang “pantanong”)
Mga Halimbawa:
A. Pangtao ( Sino, kanino)
Halimbawa:
- Sino ang kumuha ng bolpen ko?
- Kanino kaya mapupunta ang gantimpala?
B. Bagay, hayop, lugar (Ano, alin)
- Ano ang tamang kahon?
- Alin dito ang sa iyo?
C. Bagay, hayop, lugar, tao ( Ilan)
- Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?
- Ilang halaman an gating dadalhin?
SAWIKAIN
Ang Sawikain ay mga salita o pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa araw-araw.

Halimbawa:
“Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.”
“Kung may isinuksok, may madudukot.”
“Kung hangin ang itinanim, bagyo ang aanihin.”

IDYOMA
Ang Idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyonal.

Halimbawa:
“Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak-dalita.
(mahirap)

“Mag-ingat sa mga taong balik-harap.


(mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.)
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.
( Taos puso)

SALAWIKAIN

Ang Salawikain mga salawikain, kawikaan,kasabihan, wikain o sawikain ay may maiksing pangungusap
na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Naglalaman ito ng mga karunungan.

Halimbawa:
 Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.
 Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
 Pag makitid ang kumot magtiis kang mamaluktot.
 Magkulang kana sa iyong mga magulang, huwag lang sa iyong biyanan.
 Magandang pamintana, masamang kusina.
 Kadalasan ang kariktaý ginagawa upang ipanghuli noong ibig ipahamak.
 Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay.
 Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
 Kahit sa gubat, mayroong ahas.
 Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.
 Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
 Kung hindi ukol, hindi bubukol.
 Kung may isinuksok, may madudukot.
 Kung sinong pumutsk, siyang nanganak.
 May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

MGA PATNUBAY SA PAGBIGKAS NG TULA AT TALUMPATI

1. Layunin. Ano ang layunin ng tula o talumpati ?


Narito ang ilang karaniwang layunin ng tula o talumpati:
a. Magpakilos tungo sa isang pagsasagawa
b. Manghikayat
c. Magbigay ng impormasyon
d. Magbigay-aliw, at iba pa.
Mahalagang maunawaan ng bibigkas ang tunay na layunin ng tula at talumpati. Hindi kalianman
mabibigyang buhay ang pyesa kung hindi malinaw sa bibigkas ang layunin nito.

2. Pagkakaugnay ng Mambibigkas at Madla. Paano masasabing epektibo ang isang bumibigkas?


Masasabing epektibo ang bumibigkas kung natitinag niya ang nanonood. May malakas siyang hikayat sa
madla kung nagagawa niya itong patawanin o paiyakin sang-ayon na rin sa diwang isinasaad ng tula.

3. Tikas o Tindig. Paano ba ang tamang tindig sa tanghalan?


Sa pagtindig, ang bigat ng katawan ay nasa nauunang paa. Kadalasang kanan ang nauunang paq. Ngunit
kung patag ang tayo, ang bigat ng katawan ay nasa dalawang paa.

4. Tinig. Paano ba ang tamang tinig sa tanghalan ?


Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang isinasaalang-alang ay ang diwa ng tula. Kaya’t ang tinig ay
maaaring magbagu-bago ayon na rin sa diwang isinasaad nito. Maaari rin naming pabulong o paanas.
Ang mahalaga ay alam ng bumibigkas kung kalian niya hihinaan o lalakasan ang tinig ayon sa diwang
ipinaaabot ng tula.

5. Panuunan ng Paningin. Mailalarawan mob a ang tamang panuunan ng paningin?


Isang kahinaan ng bumibigkas ang pagiging mailap ng kanyang mga mata. Dapat itong maiwasan.
Nagiging mabisa ang bumibigkas kung alam niya ang pagtutuunan ng kanyang paningin. Karaniwang ang
paningin ay nagsisimula sa gitna sag awing likuran. Maaari itong igawi sa kanan o kaliwa, ngunit hindi
dapat laktawan ang gitna.

6. Himig. Anong uri ng himig ang kailangan sa pagbigkas?


Ang isang dapat maiwasan sa pagbigkas ay ang himig na parang ibong umaawit o parang pusang
naglalampong. Kung minsan naman, ang tono o himig ng bumibigkas ay naroong lumakas-humina;
humina-lumakas. Ito ang tinatawag na monotone. Hindi ito kahali-halina sa nakikinig. Ang mahalaga ay
ang pagsasaalang-alang sa diwa ng tula o talumpati.

7. Pagbigkas. Paano ba ang wastong pagbigkas?


Dapat maging malinaw ang pagbigkas o pagbitaw ng mga salita ayon sa wastong diin at pagkakapantig
nito. Ang mga pantig ay dapat na ipukol nang malinaw lalo na ang mga salitang may impit na tunog.

8. Pagkumpas. Paano ba ang mahusay na pagkumpas?


Higit na maganda kung sa pagkumpas ay isinusunod natin ang ating mata. Para bang hinahagod natin ng
tingin ang direksyong itinuturo. Dapat iwasan ang pabigla-bigla o pasulput-sulpot na kumpas. Tandaan
na ang bawat pagkumpas ay may layunin. Damhin kung ano ang nais ipahayag ng tula o talumpati.

PANG-URI

Ang Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan o tumuturing sa tao, bagay, pook, hayop at
pangyayari. Ang pang-uri ang nagbibigay katangian sa mga pangngalan at panghalip.

KAYARIAN NG PANG-URI

Payak
Ito ay binubuo ng salitang ugat

Halimbawa
Payapa
Sagana
Hinog

Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawang salitang magkaiba ang kahulugan ngunit nang pinagsama ay bagong salita
ang nabuo.

Halimbawa
balat-sibuyas
kapit-tuko
tulog-mantika
anak-pawis
abot-kamay
Inuulit
Ito ay ang pinagulit-ulit na mga salita.

Halimbawa
Araw-araw
Gabi-gabi
Lima-lima

Halimbawa sa pangungusap: Araw-araw siya nag-aaral.

Kaantasan ng Pang-uri
Lantay
Tumutukoy sa tanging katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa
Ang bawat pook ay tahimik.
Siya ay maagap.

Pahambing
Nagpapahayag ng magkatulad o magkaiba ang kalagayan ng isang pangngalan o panghalip. Ang
pahambing na pang-uri ay may dalawang kalagayan: magkatulad at di-magkatulad.

Halimbawa
Magkatulad
Kasinghusay ni Lito ang kapatid niya pagdating sa paglililok.
Magkahusay lang ang Kathniel at Lizquen.

Di-magkatulad
Si Mario ay di-gasinong matangkad kaysa kay Pablo.

Pasukdol
Nagpapakilala ng nangingibabaw o namumukod na katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa
Si Kobe ang pinakaguwapo sa kanilang lahat.
Si Carlo ang Hari ng kabaitan.
Ang anak niya ay ubod ng sipag.
Ang EXO ang pinakasikat at pinakamagaling na Kpop Boygroup sa buong Korea.
PANDIWA AT ASPEKTO NITO | AT MGA HALIMBAWA
Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay
binubuo ng salitangugat at panlapi. Maaaring gumagamit ng isda o higit pang panlapi sa pagbuo ng
salitang kilos na ito. Ang panlaping ginagamit sa mga pandiwa at tinatawag na panlaping makadiwa.

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nagyari, nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.

1. Aspektong Naganap o Perpekto – ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
Halimbawa:
Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang negosyante.

Pawatas Perpektibo
Umalis umalis
Magnegosyo nagnegosyo
Bigyan binigyan

Aspektong Katatapos – nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at paguulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim
din ng aspektong perpektibo.
Halimbawa:

Pawatas Katatapos
Magbigay kabibigay
Mag-ayos kaaayos
Mag-usap kauusap

2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – ito ay nagsasaad ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa


ring ginagawa at hindi pa tapos.
Halimbawa:
Pawatas Imperpektibo

Magpasalamat nagpapasalamat
Ipaalam ipinapaaalam
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa
lamang.

Halimbawa:

Pawatas Kontemplatibo
Mabunga magbubunga
Kumita kikita
Kumilos kikilos

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT

Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong kaisipan o diwa.

APAT NA URI AYON SA GAMIT

1. Pasalaysay o Paturol
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi tiong nagtatapos sa tuldok.
Mga Halimbawa
Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.
Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.

2. Patanong
Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa
hulihan nito.
Mga Halimbawa
Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas?
Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester?
Kanino makukuha ang mga klas kards?

3. Padamdam
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang
at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring gamitin ang tandang
pananong.
Mga Halimbawa
Ay! Tama pala ang sagot ko.
Ano? Hindi mo pa natatapos ang proyekto natin?
Yehey! Wala na namang pasok.
4. Pautos o Pakiusap
Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag
ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.
Mga Halimbawa
Pautos
Mag-aral kang mabuti.
Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-aaral ng seminary sa patakaran ng Bible School.

Pakiusap
Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.
Maari bang iabot mo ang aklat na iyan?

MGA URI NG PANG-ABAY

1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa.

May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

Halimbawa
Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan

Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.

Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan.

Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.

Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang
kalusugan.
2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.
Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay

Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.


Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.

Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan.

3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.

Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Tumawa siyang parang sira ang isip.

4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.

Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb.

Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.

Halimbawa:
Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na


gaano o magkano.

Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8. Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang.


Halimbawa:
Kailan po kayo uuwi?
Opo, aakyat na po ako

9. Ingklitik o paningit – mga katagang lagging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan

- Mayroong 16 anim na ingklitik sa Filipino


ba daw/raw pala man
kasi din/rin tuloy muna
kaya naman nga pa
na yata lamang/lang
sana

10. Pang-abay na kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa

-Pinangungunahan ng kung, kapag o pag at pagka

11. Pang-abay na kusatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng


pandiwa

- Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa

12. Pang-abay na benepaktibo – tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao
dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa.

13. Pang-abay na pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol.

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA PAGKAKABUO O KAYARIAN

1) Payak – pangungusap na nagpapahayag ng isang diwa o kaispian lamang. Ito’y maaaring magtaglay
ng payak o tambalang simuno o panaguri
2) Tambalan – pangunugasap na nagpapahayag ng dalawang kaispian at pinag-uuganay ng mga
pangatnig na magkatimbang tulad ng at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit.
3) Hugnayan – pangungusap na binubuo ng isang punong kaisipan (sugnay na makapag-iisa) at isa
pang katulong na kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa). Pinag-uugnay ito ng pangatnig na di
magkatimbang tulad ng kung, nang, bago, upang, kapag, sapagkat. Kakikitaan ito ng relasyong sanhi at
bunga.
4) Langkapan – pangungusap na binubuo ng dalawang punong kaisipan (sugnay na makapg-iisa) at isa
pang katulong na kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa).
MGA PANG-ANGKOP
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang
maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-
ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.

May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita

1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.

2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o
u).
Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos
sa titik i na isang patinig.

Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang naunang
salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan
ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit.
Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.

3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n.


Halimbawa: Isang masunuring bata si Nonoy.

ANG PANG-UGNAY

Pang-ugnay- ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring


salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay

b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan

c. Pang-ukol ( preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
May tatlong pang-ugnay sa Wikang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa at salitang tinuturingan. Ito ay


nagpapaganap lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.

a. Ang pang-angkop na – na ay ginagamit kapag a ng unang salita ay natatapos s katinig maliban sa n.


Hindi ito isinusulat ng nakadkit sa unang salita. Inihihwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita ng panuring.
b. Ang pang-angkop ng –ng ay ginagamit kung ang unang salita at nagtatapos sa mga patinig.
Ikinakabit ito sa unang salita.

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapossa n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng

2. Pang-ukol – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kuagnayan ng pangngalan o panghalip


sa ibang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/ kina

3. Pangtanig – ito ay bahagi ng salitang nag-uuganay ng isang salita o kaispan sa isa pang salita o
kaisipan sa isang pangungusap.

a. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.


b. Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng pagsalungat
Halimbawa:
Subalit, datapwat, bagama’t
c. Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali.
d. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad kadakilaan
Halimbawa:
Sapagkat, dahil sa, palibahasa

ANG SINING NG SABAYANG PAGBIGKAS


Katuturan ng Sabayang Pagbigkas
~masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan sa pamamagitan ng
sabayang pagbabasa nang malakas ng isang koro o pangkat.

~Ayon naman kay Abad (1996), ang Sabayang Pagbigkas ay isang kawili-wiling pamaraan ng
pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa wasto
nilang tunog, puwersa at lakas.

Mga Kasanayang Malilinang sa Pagsali sa Sabayang Pagbigkas


1. ito ay mabisang pamaraan ng pagkatuto ng wika.
2. mabisa itong pamaraan sa paglinang at isang panghikayat sa pagkakaroon ng kabatiran at lugod sa
pagpapaunlad ng panitikan
3. ito’y isang pangunahing pagsasanay sa pagtatalumpati, pagbigkas nang isahan, pagpapakahulugan
at pag-arte sa tanghalan.
4. naglalaan ito ng malawak na kakayahan sa pagkalugod sa sining.
5. nakatutulong ito sa ikapagtatamo ng pang-unawa sa lipunan bunga ng isang gawaing pangkatan,
pakikiisa at pakikibagay.
6. isa itong panimulang kasanayan sa mahusay at mabisang paraan ng pakikipagtalastasan.
Mga Uri ng Pagsasaayos para sa Panabayang Pagbigkas
1. Antiponal – Ang pangkat sa uring antiponal ay hinahati sa dalawa ayon sa tinig; mataas at mababa o
malaki at maliit o lalaki at babae. Angkop ang uring ito sa akdang may usapan. Ang usapan ay maaring
anyong tanong-sagot o pakiusap. Ang unang pangkat ang nagtatanong o nakikiusap at ang ikalawa ang
sumasagot.
2. Refrain – Pinakapayak ang uring refrain sa pagsasaayos at angkop para sa mga nagsisimulang
bumigkas nang panabayan. Ang akda ay pinaghati-hati. May mga taludtod o pahayag para sa isa o
mahigit pang soloista at mayroon ding para sa koro. Kadalasan, ang taludtod/pahayag para sa koro ay
inuulit na taludtod/pahayag.
3. Line-A-Child – Gumagamit ang uring line-a-child ng maraming soloista na ang bawat isa ay may
kanya-kanyang bibigkasin. Kadalasan, ang paraang ito ay itinatambal sa unison.
4. Part Arrangement – ang uring part arrangement ang pinakamahirap isaayos ngunit ito ang
pinakakawili-wiling pakinggan. Asng bawat tinig ng korista ay inuuri ayon sa taas o baba (pitch) at laki o
liit (timbre) gaya ng halimbawa ng sumusunod: lalaki – tenor, baho; babae – soprano, alto. Kadalasan
ang mga taludtod/pahayag na katatagpuan ng maraming patinig I ay para sa mga soprano at yaong may
a at o ay para sa may mababa o malaking tinig. Isinasaalang-alang din ang kalagayan (mood) at
pinapaksa ng akda. Ang masayang bahagi ng akda ay ipinabibigkas sa mga babae. Ang tungkol sa lagim,
kapangyarihan, karahasan, ay ibinibigya sa may malalaki o malalakas na tinig.
5. Unison – Sabayang bigkas ng buong pangkat ang akda. Angkop itong gamitin sa mga tulang hindi na
kailangang pagbaha-bahaginin para sa iba’t ibang mambibigkas, tulad ng mga tula o akdang wala
namang usapan o diyalogo. Ang uring ito ay nangangailangan ng maingat at maselang pagmamatnubay.
Ang buong pangkat ay dapat bumigkas na parang isang tao.
Apat na Anyo ng Sabayang Pagbigkas

1. Ang Pagbabasang may Madamdaming Pagpapakahulugan


Isang uri ito ng madamdaming pagbabasa ng isang pangkat sa isang piyesa. Imunumungkahing idikit ang
piyesa sa isang polder na matigas at may iisang sukat. Isulat nang malinaw at pare-pareho pamagat ng
piyesa sa labas na bahagi ng polder na mababasa ng manonood/ nakikinig.
Maaring bumuo ng dula buhat sa tula; may pangkat na nagbabasa bilang tagapagsalaysay habang may
tauhang nagsasadula na gumagamit ng diyalogo o usapang patula.

2. Ang Sabayang Bigkas na Walang Kilos


Dito ay saulado ang piyesa. Sa ganitong pagtatanghal limitado lamang ang gawain/kilos ng koro maliban
sa pagbibigay damdamin sa pamamagitan ng angkop na tinig, ekspresyon ng mukha, mga kibit ng
balikat, payak na kumpas ng kamay, mga iling at tango ng ulo. Malaki ang maitutulong sa pagbibigay ng
mensahe sa piyesa sa manonood ng mga nabanggit na payak na mga kilos. Higit na magiging mabisa
kung gagamit ng riser o tuntungan ang koro lalo na’t kung ito ay binubuo ng tatlong hanay.

3. Ang Sabayang Bigkas na may Maliliit na Angkop na Kilos


Hindi angkop dito ang paggamit ng riser sapagkat ang koro ay gagawa na ng maliliit na kilos. Sa uring ito
ng gawain, ang piyesa ay magkakaroon na ng higit na pagkamasining na pagpapakahulugan sapagkat
bukod sa mahusay at madamdaming pagbigkas ay may kaangkop na kilos at galaw na maaring isahan o
pangkatan (blaking) upang lalong mabigyang diin at kulay ang mensahe ng mga salita, linya o taludturan.
Itinatagubiling iwasan ang napakaraming galaw na maaring makasira lamang sa pagpapakahulugan.
4. Ang Madulang Sabayang Pagbigkas o ang tinatawag na mga PETA Tula-Dula.
Tinatawag din itong ganap na dulaan o total theatre. Ito ay isang uri ng madulang bigkasang pangkoro na
gumagamit ng panlahatang pagtatanghal teatro – isang tulang isinadula; may tauhang gumaganap, may
korong tagapagsalaysay, nilalapatan ng angkop na kasuotan, angkop na tunog, musika, awitin, sayaw,
pag-iilaw, mga tanawin, kagamitan o props, atbp.
Pinakamataas ang uri ng gawing ito. May kaselanan, kahirapan, at ngangailangan ng puspusan at
mahabang panahon ng pagsasanay sa wastong bigkas, blaking, pagpapakahulugan, panuunan ng tingin,
atbp. Nangangailangan ng kaalaman at kasanayan panteatro ang isang tagapagsanay rito. Kung baguhan
pa lamang ang kalahok rito, iminumungkahing magsimula muna sa pinakapayak na anyo tulad ng
binanggit na sa unahan hanggang sa makamit ang pataas na pataas na karanasan.
Sa apat na anyo ng Sabayang Bigkas, tandaang ang uri ng ng pagkakabigkas ang pinakamahalaga. Anmg
kilos na isahan o pangkatan man, ang makukulay na kasuotan, props, tunog, musika, atbp. Ay
tumutulong lamang sa pagbibigay diin at pagpapalutang ng damdamin at paghahatid ng mensahe ng
tula.
Ang gawaing ito na may iba’t ibang anyo ay napatotohanang mabisa at kawili-wili sa mga mag-aaral
maging ito ay ginagamit sa silid-aralan bilang pagpapahalaga sa isang tula at buhat sa mga gawaing ito,
sa pamamagitan ng isang puspusang pagsasanay at pagpipino ay maari na itong ihandog bilang sa isang
palatuntunan o sa isang bukod tanging pagtatanghal.

Ang Piyesa
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Piyesa
1. Ang piyesa ay kailangang angkop sa kakayahan, karanasan, at kawilihan ng mga mag-aaral na
bibigkas.
2. Kailangan ang piyesa ay mauunawaan ng bibigkas. Higit na mabibigyan ng lakas, diin, bisa, at
damdamin ang isang piyesa kapag ito ay abot sa kanilang kaalaman at ito’y magiging isang makulay na
bahagi ng kanilang karanasan.
3. Kailangan ang piyesa ay may katangiang maitatanghal at makatwirang pag-ukulan ng mahabang
panahon, pagod, at pananalapi.
4. Kailangan din ang piyesa ay angkop sa kaalaman at kawilihan ng namamahala o tagapagsanay ng
Sabayang Bigkas.
5. Sa pamimili ng piyesa, ibatay ito sa uri ng gagawing pagtatanghal. Halimbawa;: ang piyesa ay
nangangailangan ng 20 o 30 tinig , kailangang magkahalong mabuti ang 20 o 30 tinig na ito at maging
iisang tinig na lamang.

Katangian ng isang Mahusay na Piyesa


1. May sapat na katanyagan; may pagpapahalaga at kamalayang panlipunan at kasaysayan.
2. Nagtuturo ng kahalagahang moral at nagdudulot ng inspirasyon.
3. Nagbibigay ng pag-asa sa buhay, ng kabutihan at kamaharlikahan ng pangkatauhan ng wika at
kabanalan. Iwasan ang piyesang nagpapakita ng kabangisan, ng kahayupan, ng pagmamalupit at ng di-
makatao.
4. Lumilinang sa paniniwala ng kagandahan ng ating bayan na ang ating uri ng pamumuhay ay may
tatak ng pagkamaginoo at katapangan, na tayong mga Pilipino ay may mataas at matatag na adhikaing
bumuo at tumuklas ng kanyang sariling patutunguhang bukas.

Ang Pagbabagong Anyo ng Piyesa


1. Maaring ang piyesa ay:
a. Orihinal
b. Akda ng iba
c. Isang paghahalaw
d. Isang pagsasalin buhat sa isang wika at wikain
2. Buhat sa nabanggit sa itaas, maari ring ang piyesa ang magbagong anyo tulad ng:
a. Hinango mula sa isang dula
b. Hinango mula sa isang kwento
c. Hinango sa isang epiko, mitolohiya, pabula, parabula, alamat, atbp.
d. Hinalaw buhat sa maraming tula, atbp.
3. Tayahin at sukatin ang kahusayan ng piyesa sa maraming paraan. Maraming dahilan kung bakit
kailangan ang pagbabagong-anyo ng isang piyesa. Maaring bawasan o dagdagan ang linya o mga linya.
Maaring ulitin ang salita o mga salita. Maraming dahilan sa pagsasagawa nito,

Mga Pananda at Sagisag na Mungkahing Gamitin sa Piyesa


a. Pangkat
I – Unang pangkat. Ang mga tinig ay may uring matinis o mataas
II – Ikalawang Pangkat. Yaong may karaniwang tinig.
III – Pangatlong Pangkat. Yaong may malagom na tinig.
Lahat – lahat ng tinig na magkasabay (I-III)
Solo – isang babae o lalaki, ayon sa itinakda ng pagsasanay.
b. Bilis
Mbagl – mabagal
N – Normal
Mbls – Mabilis
Mblss – mabilis na mabilis
Pbls – Pabilis
Madiin – madiin
Pgl – Pabagal
c. Lakas
B – bulong
Mh - mahina
K – katamtaman
Mlks – malakas
Mlkss – malakas na malakas
Palaks – palakas – maaring magsimula sa pabulong o sa mahinang tinig papalakas, maari ring magsimula
sa katamtamang tinig papalakas na parang isinisigaw.
Pahna – Pahina – magsisimula sa malakas na tinig papahina na halos mapunta na lamang sa normal na
paghina, hanggang sa pabulog na pagbigkas.
Pbl – pabulong
Pans – Paanas
Pa-echo – umaalingawngaw na tinig, gumaganti at nagbabalik
d. Iba pang sagisag
/ - Hati sa normal na paghinto ng tinig ang paghinga. Hindi gaanong mabagal ang hinto o tigil.
// - Hati sa normal na paghinto ng tinig ng paghinga. Matagal nang kaunti ang hinto o tigil, katumbas ng
dalawang pitik.

Ang Pamimili ng Kalahok


1. Mga bagay na Dapat Tandaan sa Pagsusuri sa mga Kalahok
a. Magsimula sa 15 hanggang sa 20 tinig. Hindi dapat gawing batayan ang bilang ng kalahok sa
tagumpay ng pagtatanghal. Ang may-uring tinig ay yaong may mataas na uri ng tinig, sabay-sabay at may
mahusay na pagkakahalu-halo ang mga ito, magandang tono, taas o baba. Ang ganito ay may mabisang
orkestrasyon ng tinig.
b. Kailangan bigyan pansin ang katangian ng mga kalahok: ang kanyang tikas, tindig, kalusugan,
personalidad (kakanyahang pangtanghalan), uri ng tinig at higit sa lahat ay ang kanyang kakayahan at
kasanayan sa pagbigkas.
c. Kailangan ang kalahok ay mapaniwalaan ng mga manonood. Halimbawa’y kung ang binibigkas ay
kalungkutan at pamimighati, nararapat na magkaroon ang kalahok ng kakanyahang makahikayat at
makaantig ng damdamin ng manonood na maging malungkot din, manimdim, at lumuha sa
pamamagitan ng kanyang galaw, kilos, tinig, ekspresyon ng mukha at kumpas ng kamay, kibit ng balikat,
galaw ng ulo atbp.
d. Kailangang ibagay sa kalahok ang papel na gagampanan.
e. Kailangan ang kalahok ay nagtataglay ng katauhang pangtanghalan. Ito ay agad makikilala sa
kanyang tikas – pagtindig, pagkilos, at pagkumpas. Sa pagtindig, ang bigat ng katawan ay kailangan nasa
sa nauunang paa. Kung pantay ang tindig, ang bigat ay nasa dalawang paa.

Pagsusuri sa Tinig ng mga Kalahok


Napakahalagang sangkap sa sabayang bigkas ang tinig ng kalahok, kung kaya napakahalaga ng pagsusuri
nito. Nasa maayos na na pagkakaayaw-ayaw ng uri ng tinig ang tagumpay ng Sabayang Pagbigkas. Ang
ikinaririkit at ang pagiging pagkamabisa ng orkestrasyon ng tinig ay ang mainam na magkaroon ng
kaisahan at ang pagsasanib ng mga magkakauri at magkakatugmang tinig ayon sa lagom at tinig, bilis at
lakas. Napatitindi ang pagsusuyuan ng kaisipan at damdamin ng isang tula sa pamamagitan ng maayos
na pagsasama o paghihiwalay ng mga uri ng tinig na ito.
Sinasabing may tatlong uri ng tinig:
a. Matinis o mataas
b. Karaniwan - di matinis at di-malagom
c. Malagom
Kung nais buwagin pa sa maliliit na pangkat na tulad nito :
a. Matinis o mataas
b. Di-gaanong matinis o mataas

Himig
Nararapat ding masusing pag-ukulan ang wastong paglalapat ng himig sa tula. Madalas marinig ang
himig na umiiyak o nagpapalahaw o dili kaya’y himig na pagalit gayong ang diwa ng tula ay dapat
bigkasin ng masaya. Kung minsan naman, ang pagbigkas ay parang pusang naglalampong at kung
minsa’y bumabasa ng pasyon o parang ibong umaawit. Dahil dito, ang diwang naihahatid ng piyesang
binibigkas ay kaiba sa tunay na diwa ng tula.
Mababanggit na rito na may mambibigkas na halos iisa ang himig ng pagbigkas .. lumalakas ….humina…
lumakas….humina…walang pagbabago, buhat sa simula hanggang sa matapos ang tula. Ito’y palasak
noong unang panahon. Sa kasalukuya’y isiinasaalang-alang ang mga diwang napaloob sa tuila at ang
pabagu-bago ng pagbigkas, malakas-mahina, mabagal, mabilis, tuloy-tuloy at madiin. Ito’y naaayon sa
kaisipan ng tula.

Pagpapalutang ng Tinig
Tulad ng isang koro ng musika, kailangan ang bokalisasyon – ang pagpapalabas ng tinig, bago
umawit. Kailangan din ito sa isang korong pambigkasan upang makatiyak na ang tinig ay naipupukol
nang buong-buo at ubod ng linaw sa bawat isang manonood. Narito ang isang pagsasanay.
Huminga nang malalim na ang tinig ay nanggagaling sa dayapram (ang malambot na bahagi sa ilalim ng
huling tadyang sa dibdib at tiyan). Mamaywang na ang hintuturo ay nasasalat, huminga sa bibig at
punuin ng hangin sa dayapram. Matatanto na ang kalamnang ito o ay lalabas at uusli. Mamimintog ito
pahinga nang papasok dahil sa mapupuno ng hangin at iimpis o huhupa kapag huminga nang papalabas.
Kapag ang balikat ay tumaas, nangangahulugang di mo ginamit ang iyong dayapram at mali ang iyong
pagsasanay.
Ang paghinga sa pamamagitan ng dayapram ay nagbibigay ng maraming laang hangin, tiwala sa sarili at
lakas ng katawan, maganda at buong tinig, sa dahilang ang iyong dibdib na puno ng hangin ay
nagsisilbing resonador.

Pagpapangkat-pangkat
1. Isang tuwid na hanay
2. Dalawang maigsing hanay (maaring gumamit ng riser)
3. Ayos na tatsulok
4. Pabaligtad na tatsulok
5. Dalawang hanay sa kalahating-bilog (semi-circle)
6. Tatsulok na masinsin at datig (ang solo ay nasa gitna)
7. Dalawang tatsulok na datig na datig at masinsinan

Panuunan ng Paningin
Magkakaroon ng mabisang pakikipag-ugnayan sa kanyang madla/manonood ang mambibigkas/koro
kung alam nila ang pagtutuunan ng kanilang mga paningin. Kailangang maging malawak ang masaklaw
nito. Karaniwan ang panuunan ng paningin ng isang mambibigkas ay nagsisimula sa gitna at sa gawing
likuran. Kung nais niyang baguhin ang panuunan ng paningin, maililipat niya ito sa gawing likuran, sa
kanan o sa kaliwa, ngunit hindi niya dapat laktawan ang dakong gitna. Kailangan sa may dakong likuran
ang paglilipat ng panuunan ng paningin. Isa sa kahinaan ng mambibigkas ay ang pagiging mailap ng mata
at ang pagiging magalaw ng kartawan o ng ulo nang walang motibo / sanhi o dahilan kaya, May ilan na
magalaw ang paa na tila nagsasayaw, at ang iba’y malilikot ang kamay. Nagbubunga ito ng pagkalito ng
madla at ang pagkawala ng kawilihan sa pakikinig sa bumibigkas o koro.

Ang Pagkumpas
Ang kumpas ay anumang galaw o kilos ng alinmang bahagi ng katawan na may laying maghatid sa
manonood ng damdamin ng tula at mailarawan ng buong linaw ang kaisipan, mensahe/diwa nito.
Ginagamit din ito sa pagbibigay-diin sa pagpapahayag.
Itinuturing ang kumpas na isa sa napakahalagang sangkap ng masining na pagbigkas.
1. May dalawang uri ang kumpas
a. Ang kumpas ng kaugalian na tumutukoy sa kaugalian ng mga tao.
b. Ang pagkumpas na paglalarawan na tumutukoy sa pagkumpas ng panggagaya o paghuhuwad.
2. Kahulugan ng mga Kumpas
Ang mga kumpas na pangkaugalian:
a. Kumpas na paturo
Ginagamit ito sa panghahamak, pagkagalit, pagkapoot, at pagtawag ng pansin sa bagay na itinuturo.
Halimbawa:
Ikaw! Sila….! Kayo ….!
Kayong lahat …..!
Mapanghamak na Lipunan ….!
b. Dalawang kamay
Nakalahad na dalawang kamay at unti-unting itinataas
Halimbawa
Bangon….Bangon na Bidasari….
c. Kumpas na pasubaybay
Ginagamit kung nais bigyan ng diin ang pagkakaugnay ng diwa.
Halimbawa
Sa lahat ng dako, ng bayan kong sawi,
Laganap ang sama’t mga gawaing mali…
(kuha sa Florante at Laura ni F. Balagtas)
d. Kumpas ng kamay na mabilis na ibababa, pabagsak at matalim
Halimbawa:
Ngunit pagkatapos…ng daang taong alipin….
Lahing kayumanggi’y namulat nagising
Siniil na laya’t, hangaring pinigil
Biglang sumilakbo … di kaya’y awatin
e. Dalawang nakabukas na bisig pantay balikat at nagpapahiwatig ng kalawakan
Halimbawa:
At sa kalawakay biglang naulinig….
Yaong hinaing …. Napaos na tinig..
f. Dalawang kamay na marahang ibinababa (nagpapahiwatig ng panlulupaypay at pagkabigo)

Kumpas ng Paglalarawan
a. Palad na nakataob – nagpapahiwatig ng galit, lalo na’t kung ito ay biglang ibababa.
Halimbawa
Kahubdan at gutom!
Isipang salanta;
Ito ba ang aking
Manang mapapala
Na labi ng iyong
Taniman at sumpa?
(kuha sa Tinig ng Darating ni T. Baylen)

b. Bukas na palad na marahang ibinababa – nagsasaad ng mababang uri ng damdamin o kaisipan.


Halimbawa
Di gayon nga, awtoridad ay naiba
Napalitan ang balangkas
Nangabago ang sistema
Nguni’t yon din:
Ang dayuha’y panginoon
Pilipino ang busabos
Nakayuko, tagasunod
Walang tutol …..
(kuha sa Pilipino: Isang Depinisyon ni P. Pineda)
c. Kuyom na palad – nagsasaad ng pagkapoot at nagpupuyos na damdamin.
Halimbawa
Ang naamis ay nagbangon, lumaban at naghimagsik
Kamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib…!
(kuha sa Pilipino: Isang Depinisyon ni P. Pineda)

d. Bukas na palad na paharap na nagsasalita. Ginagamit ito na pantawag-pansin ang alinmang bahagi
ng katawan ng nagsasalita.
Halimbawa
Ako’y guro, isang gurong tungkulin ay taimtim
Maputi na ang buhok kong dati rati’y maitim
Ang tudling ng katandaan sa noo ko’y mapapansin
At ang ilaw ng mata ko’y malapit nang mangulimlim
Ang pisngi kong kulay rosas ay maputla na at laing
Pati puso’t kaluluwa’y sa langit nakatingin
(kuha sa Ako’y guro ni B. Del Valle)
e. Palad na nakabukas na magkalayo ang mga daliri na unti-unting tumitikom. Nagsasaad ito ng
matindi, ngunit matimping damdamin.
Halimbawa:
Ngunit gumabi na …..
At saka nagdilim ….
Na sa gawing laot ay nagpapalagim;

Katangian ng isang Mabuting Kumpas


a. Ang mabuting kumpas ay maluwag at maganda, iyong natural. Hindi yaong tuwid na tuwid ang
katawan, naninigas ang bisig, leeg, nanggigigil o dili naman kaya’y malikot at animo’y nagsasayaw. Ang
anyo o ekspresyon ng mukha ay kailangang iangkop sa kaisipan at damdaming ibig bigyang-diin ng
kumpas at nais ilarawan. Ang wastong pagkumpas ay nakatutulong sa pagpapataas ng damdamin
hanggang sa marating ang pinakarurok at pinakamaigting na damdaming nais ihatid sa madla.
b. Puno ng buhay at kailanma’y hindi matamlay ang isang mabuting kumpas. Sikaping maging iba-iba
ang antas ng siglang taglay ng bawat kumpas.
c. Ang isang kumpas ay dapat maging tiyak at hindi alanganin. Kung may ibig ituro, tiyakin na iyon nga
ang ituturo. Nakawawala ng bisa at kabuluhan ang kumpas na alanganin at urong-sulong o kaya’y
patumpik-tumpik.
d. Nasa panahon ang mabuting kumpas, iyong hindi huli at hindi rin naman una. Nasa mabuting pag-
ooras, wika nga timing.
e. Kailangan ang kumpas ay angkop sa nakikinig. Ang saklaw ng kumpas ng braso ay dapat ibagay sa
dami ng nagsisipakinig.
f. Kung sa pagtatapos nauuna ang kanang paa, ang kanang kamay ang dapat gamitin sa pagkumpas.
Kung ang kaliwang paa naman ang nauuna sa pagtayo, ang kaliwang kamay ang dapat gamitin sa
pagkumpas. Kung kailangang gumamit ng dalawang kamay, ang dalawang paa ay magkapantay sa
pagkakatayo. Sa pagkumpas, ang paggalaw ng kamay ay may hangganan. Ang kamay sa pagkumpas ay di
dapat sumakop sa kabilang hati ng katawan. Ito ay pinapayagan lamang kung ang ituturo ng kamay ay
ang puso ng bumibigkas.

Ang Pag-ooras o Peysing


Ang pag-ooras o peysing ay isang paraan sa isang masining na pagdidisiplina sa oras, sapagkat lahat ng
gawain ay may kaukulang oras o panahon. Dito nakasalalay ang bisang idinudulot nito sa mga
manonood. Halimbawa’y kailan bibigkasin sa gayon at ganitong paraan ang gayon at ganitong linya.
Kailan gagalaw ang koro? Kailan sinasabing may nangingibabaw na tinig o kaya nama’y humihiwalay,
nahuhuli o nauunang tinig? Kailan naman sinasabing ang tinig ay sabog at iba pa? Nasa maselan at tiyak
na paglalaan ng hudyat, nakasalalay ang tagumpay ng pag-ooras. Hindi ito madaling gawin. Kailangan
lamang ng puspusan at tapat na pagsasanay, pagtitiwala, ang bawat kalahok kung nais magtagumpay sa
gawaing ito.

Paglalapat ng kasuotan
Sa sabayang bigkas, ang pagkakaisa ng pangkat/koro ay sadyang mahalaga. Higit na mabisa at kaaya-aya
kung pati kasuotan ng koro ay pag-uukulan ng pansin. Kung hindi madula ang gagawing pagtatanghal,
maari nang gamitin ang uniporme sa paaralan. Kailangang isama sa paghahanda sa simula pa lamang
ang kasuotan. Kailangan ang pananaliksik sa pagbabalak sa kasuotan lalo na’t kung ang piyesa ay
pamanahong piyesa.
Lapatan ng angkop na kasuotan ang piyesa. Pakatandaan na ang tumpak na kasuotan ay tumutulong
lamang sa pagbibigay diin sa pagpapahayag ng mensahe, kaisipan, atbp. Ng tula. Ang bigkas ang siyang
dapat maging pangunahing konsiderasyon sa paghatol.

Pagkakaugnay ng Mambibigkas at ng Madla/Manonood


Nakikilala ang kahusayan/tagumpay ng koro sa lakas ng kanyang hikayat sa madla. Ito’y malinaw na
makikita sa reaksyon o gantring-galaw ng manonood sa pamamagitan ng kanilang pagtawa,
pagpalakpak, pagtayo, pagluha o ng kanilang mkatahimik na pakikinig o pagmamasid. Nakikiisa ang
madla sa damdaming ipinahahayag ng koro. Matatamo ang layunin ng piyesa sa pamamagitan ng tindi
ng hikayat nito.

ANUNSYO AT BABALA

Ang babala ay ang mga sinyas para sa isang bagay o lugar. Ito ay nakikita kahit saan, isa rin itong abiso o
paunawa, patalastas. Naririnig din ito sa radio at napapanood sa TV.

Ang Panuto ay isang alituntunin o batas na dapat sundin. Ito ay pinakamahalagang sundin upang
malaman mo ang susunod na pangyayari o ano ang kalalabasan nito.

Halimbawa:
 Isulat ang tamang sagot sa mga sumusunod.
 Gamitin ang pangungusap ang mga salitang nasa kahon.
 Gumuhit ng isang puno ng saging.
 Ibigay ang kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan.

PAGSULAT NG BUOD
Pagbubuod ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga
kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha. Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging
sariling komposisyon.
Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento
ang binubuod o nilalagom, kailangan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat
padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag.
Kung ang teksto naman ay isang ekspositori , maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang ginamit
upang maayos at mabisa ang paglalahad.

Pamantayan sa Pagsulat ng Buod

-          Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
-          Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng talata.
-          Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
-          Gumamit ng sariling pananalita.
-          Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

ANO ANG KAHULUGAN NG TAGUMPAY?


Lahat Tayo ay Patungo sa Kaganapan ng Ating Pagkatao
Madalas kong naririning ang katanungang ito, subalit bihira ang nakakatugon ng tuwiran at karamihan
ay pahapyaw lamang. Na tila isang pangkaraniwan itong bagay na tanging mga masisipag at matinding
nagtitiyaga lamang ang tuwirang makakasagot. Iilan lamang ang nakakaalam na napakahalaga nito sa
ating buhay, sapagkat dito nakasalalay ang ating magiging kapighatian at minimithing kaligayahan.
“Ang kabaligtaran ng Tagumpay ay Kabiguan. Kawangis ito ng Liwanag at Karimlan. Nagiging
Kaligayahan o Kapighatian. Na humantong sa Buhay at Kamatayan.”
Mamili ka: Panalo o Talunan?
Pakiramdaman mo: Tagumpay na magpapaligaya sa iyo, o Kabiguan na magpapamighati sa iyo? At
ito’y magaganap sa buong buhay mo.
Ano nga ba ang nagagawa ng tagumpay sa isang tao?
Magkakaiba ang pananaw at kahulugan nito sa iba’t-ibang tao. Sa maraming matatagumpay at tanyag
na mga tao; ito ay nakapaloob sa kanilang mga pangarap, adhikain, at mga lunggati na tumutugon sa
pangunahing simbuyo: ang pagnanais na magkaroon ng kaganapan. Ito ay ang marating mo at
magampanan ang iyong dakilang adhikain sa buhay. Ito ang dahilang kung bakit narito ka sa daigdig.
Hangga’t hindi mo nararating ito, maraming bagabag at alalahanin ang iyong mararanasan. At madalas
may kasama pa itong mga bangungot sa iyong mga panag-inip upang lubos na magising ka.
Marami at kanya-kanyang pagkilatis o diskarte kung ano ang tunay na tagumpay para sa kanila. Kahit
na ang mga iba’y nangangarap ng kayamanan, ang iba naman ay katanyagan, sa mga pagdamay o
pagtulong sa kapwa, at mga iba sa kanilang paggawa ng kaibahan sa kanilang pamayanan, lahat sila ay
nagkakaisa na ang pagkakaroon ng kaganapan ay siyang pinakamatayog na sukatan ng tagumpay. Iisa
ang kanilang itinuturo, na ang kasiyahan ay siyang mahalagang susi upang maisakatuparan ang tunay na
tagumpay.
Mayroon naman na ang ‘tagumpay’ para sa kanila ay ang huwag makialam. Maging makasarili at
pansinin lamang ang mga bagay na nauukol para sa kanilang sariling kapakinabangan. May iba naman na
nagtagumpay at ginawa ng pag-uugali o bisyo ang katamaran, huntahan, tsismisan, at kaisipang
talangka. Huwaran sila upang huwag pamarisan ang kanilang ‘tagumpay’ sa kanilang kinahuhumalingan.
Marami naman ang ‘tagumpay’ ay kapag nakakapinsala at gumagawa ng mga kabuktutan sa kanilang
kapwa. Dito nila naipapakita ang kanilang mga katusuhan at pagkagahaman. Ngunit patungo lamang
lahat ang mga ito sa kasawian at tiyak na kamatayan.
Maaari namang pumili, at piliin ang higit na makakabuti sa sarili, sa pamilya, at sa pamayanan. Ito ang
buod at tinutungo ng tagumpay.
Marami ang nagtatanong kung ano ang kaibahan ng tagumpay at kaganapan. Ang tagumpay ay
nakakamit mula sa labas. Ito’y bunga ng mga gawaing isinagawa at natapos, napatunayan ang sariling
kakayahan, at nagkamit ng papuri o kaukulang halaga. Samatalang ang kaganapan ay nagmumula naman
sa iyong kalooban. Sa sariling-paggalang, sa sariling-pagtitiwala, at sa sariling pananalig sa iyong buong
pagkatao. Walang makakagawa nito maliban sa iyo para sa iyong sarili.
Ang lipunan sa lahat ng dako ay makamundo, mayroong sinusunod na pamantayan , at may kaukulang
paghatol. Ito ang nagpapahayag mula sa mga batayang ito kung ikaw at matagumpay o hindi. Kung
sakaliman, na kinilala ka, pinuri at pinalakpakan, nangangahulugan lamang na ikaw ay nagtagumpay.
Nakamit mo ang iyong mga lunggati at inaasahan mula sa iyo, o maaari namang nalagpasan mo pa ang
karaniwang nagagawa ng ibang marami sa atin.
Ang makatapos o malampasan mo ang mga paghamon o katungkulan na iniatang sa iyo ay siyang
ginagamit na barometro ng daigdig upang masukat ang tagumpay: nakapagtala ng bagong antas,
nagawang yumaman, nakatuklas ng mabisang panglunas sa karamdaman, nakaimbento ng bagong
kagamitan, kauna-unahang gumawa ng pagbabago sa isang pamayanan, o maging isang tanyag sa
piniling larangan. Ang maging mahusay sa isang bagay, nanalo sa paligsahan o palaro, nakapasa sa
pagsusulit, nakialaman at nagawang lunasan ang isang mabigat na pangyayari o pagtatalo, sumuong sa
panganib at nakamit ang hangarin, at marami pang mga bagay na humahadlang o balakid na nalagpasan
ay mabunying karapatan na mapabilang sa mga matagumpay na tao.
Ang kaganapan naman ay isang bagay na lubhang kakaiba. Ito’y isang damdamin na nagmumula sa
kaibuturan ng iyong puso at kaluluwa na naglalantad at nagpapakislap sa iyong pagkatao. Ito ang
malalim na pakiramdam ng ganap na kasiyahan at katiwasayan, na iyong nararanasan matapos ang
maghapong paggawa. Bago matulog sa gabi, batid ng iyong puso at sa kasigiran ng iyong mga buto na
nagawa mo ang iyong katungkulan, o higit pang nalampasan mo ito tulad ng inaasahan mo sa iyong
sarili.
Kung ang iyong sariling pakiramdam ng katiwasayan sa sarili, at mga hangaring nakuha mula sa labas
ay nakapagdulot ng kasiyahan; ang mga ito kapag nagkasama, ay nakamit mo na ang “tagumpay.” Kapag
nawala ang isa sa dalawa, ay kawangis ng kandila na walang pansinding posporo. Bawa’t isa ay
nangyayari na magkahiwalay at pamamaraan, subalit kapag ginamit nang magkasanib, ang resultang
ningas ay lumilikha ng makapangyarihang liwanag.
Kung nais na magtagumpay sa buhay at makamit ang minimithing kaligayahan, kailangan lamang; at ito
ang pinakasusi, sundan ang landas na tinahak at mga yapak na naiwan ng mga matatagumpay na tao.
Napatunayan na nila ang tagumpay, at sa pagtalunton sa iniwan nilang mga bakas matatagpuan mo ang
iyong pangunahing katotohanan upang ikaw ay makapag-iwan din ng bakas sa buhanginan, na kung saan
natagpuan mo ang tunay na kahulugan ng iyong personal na karanasan ng tagumpay.
Nawa’y matuklasan mo ang iyong katotohanan na nakapaloob sa kahulugan ng iyong tagumpay.
Sapagkat ito ang sandigan na kakailanganin mo sa pagtahak sa landas upang matagpuan mo ang iyong
tunay na kaganapan.
Nawa’y matutuhan mo ang mga leksiyon ng buhay na nagdudumilat sa iyong harapan at malagpasan
ang lahat ng mga balakid at paghamong ipinupukol sa iyo ng tadhana.
Nawa’y maging matagumpay ka sa lahat ng iyong mga gawain at magkaroon ng matiwasay, malalim,
malinaw, at wagas na kaganapan at patuloy na kaligayahan
Tamasahin ang iyong mabunying paglalakbay sa araw na ito!
Mga pagpapala,
Wagas Malaya, AKO, tunay na Pilipino
Lungsod ng Balanga, Bataan

SANAYSAY

Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw. Ito
rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o
pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan
upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid
sa kapwa tao.

Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa ng mainam na
sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paggawa
ng pormal at di-pormal na sanaysay.

Mga Uri ng Sanaysay

Sulating Pormal o Maanyo

Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay
naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos
na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng
pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at
kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng
pananaliksik.

Sulating Di-pormal o Impormal

Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at
paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang
kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang
pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan
tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.

SANGKAP NG SANAYSAY
Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin
sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.

Anyo at Istruktura - ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o
pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.

Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa
ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
BAHAGI NG SANAYSAY
Panimula - ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unag titingnan ng mga
mambabasa, dapat nakapupukaw ng atansyon ang panimula upangipagpatuloy ng mamababasa ang
pagbasa sa akda.
Katawan - Sa bahaging ito ang sanaysaya makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa
tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito
ng maigi ng mambabasa.

Wakas - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang
pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.

ANO ANG EPIKO?


Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at
pakikidigma.

Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang 'awit' ngunit ngayon ito'y
tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.

HUDHUD HI ALIGUYON
Introduksyon:

Ang Hudhud ng Ifugao ay itinuturing na isa sa ilan na mahahalagang kayamanan ng panitikan ng


Pilipinas. Ito ay inaawit ng mga kababaihan sa mga importanteng pagdiriwang tulad ng panahon ng pag-
aani at kasal o kaya naman, tuwing gabi sa burol ng isang mahalagang lider ng komunidad. Ang mga
inaawit na hudhud ay binubuo ng dalawa at kalahating berso.
Maliban sa tema nito na ukol sa kayamanan, ang katapangan o kagitingan at kagandahan ng mga
kababaihan ay nangingibabaw din sa lahat ng mga hudhud.
Maraming bersyon ang hudhud, kabilang na dito ang kabayanihan ni Aliguyon. Ang kwento ay umiikot sa
paghahanap niya sa mga kalaban ng kanyang angkan upang magkaroon ng dangal para sa kanyang sarili,
sa kanyang mga kasama at para sa kanyang tribo. Ang lahat ng mga bersyon ng hudhud ay sumasalamin
sa simpleng buhay ng mga taong naninirahan sa bundok at pinatotohanan ang tema ng pagpapanatili ng
sarili at pagpapatuloy ng lahi ng tribo.

ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa
mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto
ng iba’t ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at
pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at
paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala
na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.

Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa
nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan.
Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, si Pumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa
rin sa bakbakan tulad ni Aliguyon.

Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si
Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang kamay!
Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon.
Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din
niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.

Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Pumbakhayon hanggang


umabot ng 3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa
bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at
pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa’t isa.

Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at
nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na
sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.

Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at
Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang
kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Bugan hanggang lumaki itong napaka-
gandang dalaga.

Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya. Ang 2
familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.

PALABAYBAYANG FILIPINO

Dati-rati, walang pamantayang palabaybayan ang Filipino. Dulot ito ng kawalan ng pansin ng
pamahalaan sa direksiyong nais tunguhin ng wikang ito. Hanggang sa ngayon, kapansin-pansin ang
maliliit ngunit lubhang maraming pagkakaiba sa baybay ng mga salitang Filipino ng mga tagapaglathala
at mga pamantasan.

Paglalarawan at mga layunin[baguhin | baguhin ang batayan]

Bagaman sinasabing hindi pa maaaring ganap na sipiin, ang ortograpiyang ito ay ginawa alinsunod sa
prinsipyo ng makabagong lingguwistika. Subalit ginawa rin ito upang tugunan ang praktikal na
pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang pambansa — mga nagsisimulang bumasa’t sumulat, at
mga bihasa nang sumusulat at nagbabasa sa wikang pambansa; mga Pilipinong ang unang wika ay
Tagalog, at ang mas maraming Pilipino na ang unang wika ay di Tagalog; mga dayuhang gustong matuto
ng Filipino bilang wikang dayuhan, at ang mga Pilipinong gustong gawing tulay ang kanilang wikang sarili
upang matuto ng wikang dayuhan. Hindi sapat na maging siyentipiko ang isang ortograpiya. Kailangan
din itong matanggap ng publiko. Sa puntong ito, kailangang linawin na walang ganap na bagong
kalakaran at kumbensiyon sa patnubay na ito. Ang marami rito ay dati nang mga kaalaman at tuntunin
na naipahayag, naimungkahi o naiharap na sa nakaraan, subalit sa di malamang dahilan ay naiwaksi at
nakalimutan. Sa ganang amin, ang muling pagpapahayag ng mga subok na at nakagawian nang tuntunin
ay hindi masama kundi mabuting bagay.

Bilang patnubay

Ang patnubay na ito ay binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino pagkatapos ng serye ng mga konsultasyon
sa buong bansa noong 2006 hanggang 2007 para rebyuhin ang ortograpiyang Filipino. Hiniling dati na
"maaaring magpadala ng komentaryo, katanungan, pusisyon at mungkahi tungkol sa patnubay na ito."
Sinikap ng KWF na ilabas ang pinal na bersiyon ng patnubay bago matapos ang 2007. May bahagi ng
proyektong ito na pinondohan ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (NCCA). May mga espesyal
na simbolong ginagamit sa patnubay na ito: [ ] representasyong ponetiko; “ “ representasyong
grapemiko; ( ) diin; ( ) haba; ( ) impit na tunog; ( .) hati ng pantig, (~) alomorpo o baryant, at (*) di
gramatikal o di katanggap-tanggap.

Mga payo

Ipinapayong ituro muna ang baybay ponetiko lalo na sa panimulang pagbasa at pagsulat, at isunod na
ituro ang baybay Ingles.

Tinalakay din sa mga konsultasyon ang mungkahi na baybayin nang pasalita kahit ang mga tuldik.
Halimbawa, ang “baít” ay babaybayin na “bi” “ey” pahilis na “ay” – “ti”. Tumanggap ito ng maraming
puna, kung kayat minarapat ng KWF na ang pagbabaybay ng mga tuldik ay huwag isama sa mga
tuntunin.

Mga katwiranMay mga katwiran sa pagtuturo ng dalawang paraan ng pagbabaybay:

Ang mga kalakasan ng dalawang pagbabaybay ay ang sumusunod:

a. Pagsasarili. Maipapakita na magkaiba ang wikang sarili at ang wikang Ingles sa pamamagitan ng
magkaibang paraan ng pasalitang pagbabaybay.

b. Madaling matutuhan. Kumpara sa tawag Ingles, ang tawag abaseda ay higit na malapit sa aktuwal na
tunog na kinakatawan ng mga letra. Inaasahang makapagpapadali ito sa pagkakatuto ng mga
nagsisimulang bumasa’t sumulat sa wikang pambansa.

c. Episyente. Sa ortograpiyang ito ay nababaybay hindi lamang ang katutubong mga salita sa wikang
pambansa at sa iba pang mga wika sa Pilipinas kundi pati ang mga hiram na salita buhat sa mga
banyagang wika.
d. Tumpak. Ang pagsusulat ng mga letra at di letra gaya ng mga tuldik at ng gitling ay nagpapatingkad sa
pangangailangan na maging eksakto at tumpak, lalo pa’t ang mga tuldik at gitling ay kumakatawan sa
mga makahulugang tunog sa wikang pambansa.

e. Madaling ituro. Kabisado pa rin ng mga guro ang tawag abakada, kung kaya’t inaasahang hindi na
mahihirapan ang mga ito kapag bumalik sa pagbabaybay ponetiko. Kapag walang mga tuldik,
nahihirapan kapwa ang guro at mag aaral sa pag alam kung ano ang tamang bigkas at tamang ibig
sabihin ng mga nakasulat na salita.

f. Maililipat sa ibang mga wika. Makatutulong ang ortograpiyang ito para mas madaling maunawaan at
matutuhan hindi lamang ang mga lokal na wika kundi pati ang mga wika para sa mas malawak na
komunikasyon (i.e. Ingles).

g. Para sa lahat. Ang pagtuturo ng pagbabaybay ay para sa kapakinabangan ng mga nagsisimulang


bumasa’t sumulat at ng mga hindi katutubong tagapagsalita ng Tagalog. Tandaan na karamihan ng mga
Pilipino ay nagsasalita ng wikang pambansa (at ng Ingles) bilang pangalawang wika.

Mga pagtutol

Tutol ang iba sa dalawang paraan ng pagbabaybay sapagkat "nakasanayan na raw ng mga tao ang
baybay Ingles." Kahit totoo ito, dapat tandaan na ang kasanayan sa baybay Ingles ay nakamtan sa
eskuwelahan. Ibig sabihin, maaari ring ituro at makasanayan ang baybay abaseda.

Mga grapema

Ang mga grapema o pasulat na simbolo sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng
letra at di letra.

Ang letra, na kung tawagi’y ang alpabeto, ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) simbolo:

ANO ANG TULA

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay
binubuo ng mga taludtud.

Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod.


Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, gamit ng marikit na salita.


Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan
ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.

Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga pangungusap at mga talata,
ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong.

PAGSULAT NG DULANG PAMPELIKULA

Sa pagtuturo ng dulang pampelikula at pangtelebisyon, ibabahagi dito ang mga pamamaraan sa


paglalahad ng mga nilalaman nito, pagbabalangkas ng anyong teknikal at ang pag-aalam ng kanilang mga
sinematikong sangkap. Sa panimula, kailangang malaman ng manunulat kung ano ang kwentong
gustong nyang ipaparating. Mahalaga dito ang pag-aalam na ang kwentong binubuo ay maaaring
makapag-ambag sa kaalaman (knowledge), kahulugan (meaning) at kahalagahan (values) ng mga
manonood. Sinusulat ang mga dulang pampelikula at pangtelebisyon na may layuning magsalarawan ng
mga sinematikong katangian ng mga dula na binubuo naman ng mga odyo-biswal na mga elemento
tulad ng disenyo, sinematograpiya at tunog.

Ang Pagtuturo ng Dulang Pantelebisyon at Pampelikula

I. Pag-uunawa sa Anyo at Kahalagahan ng Dulang Pantelebisyon at Pampelikula

ang iskrip ay isang mapa o roadmap na naglalaman ng mga elemento sa ikabubuo ng dulang
pantelebisyon or pampelikula
ang sinematikong midyum ng dulang pantelebisyon o ng pelikula batay sa kanyang sangkap na audio-
visual
Ang mga sinematikong sangkap ng dulang pantelebisyon o ng pelikula:

(O ang mga elementong dapat isipin ng manunulat ng dulang pantelebisyon or pampelikula)

Istorya (o Iskrip)
Direksyon
Disenyo
Sinematograpiya
Editing
Tunog
Musika
Pag-arte (Performance)

II. Mga Panimula sa pagsulat at pag-unawa ng Dulang Pantelebisyon at Pampelikula


Ang Kwentong Ideya (Story Concept o Storyline)
Ang Sinopsis
Ang Treatment
Ang Iskrip
Ang Iskrip ay naglalaman ng kwento:

Ano ang kwento? Kwento = Tauhan + Aksyon

Nabubuo ang kwento sa pamamagitan ng mga aksyon na gawa ng mga tauhan.

III. Ang Pagbuo ng Dulang Pantelebisyon at Pampelikula

Ang Tatlong Yugto ng Iskrip:

Yugto I: Paglalahad (Exposition)


Yugto II: Tunggalian (Conflict)
Yugto III: Resolusyon (Resolution)

IV. Teknikal na Anyo ng Iskrip

V. Ang Pagbuo ng Karakter

VI. Ang Pagbigay ng Kaalaman (Knowledge), Kahulugan (Meaning) at Kahalagahan (Values) sa Iskrip, O
Ang Paggamit ng Dulang Pantelebisyon at Pampelikula sa Pagkakaroon ng Kaalaman (Production of
Knowledge)

TRADISYON
Ang kaugalian o tradisyon ay mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong naisalin mula sa
mga magulang papunta sa mga anak nila. Sa Pilipinas, isang halimbawa ng kaugalian ang paghalik sa
kamay ng mga matatanda. Kaugnay ito ng mga salitang tradisyunal, pinagkaugalian o kinaugalian,
simula, at pinamulihanan. Katumbas din ito ng diwang "pagsasalin ng ari-arian sa ibang tao". Ayon kay
Jose Abriol, katumbas ang tradisyon ng pariralang sali't saling aral.

Mga Tradisyon o Kaugalian ng mga Pilipino

Ano nga ba ang “tradisyon o kaugalian”?

Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa
mga anak nila.

Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga


tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin. 
Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipino
 Piyesta

 Mahal na araw/ Senakulo


 Mamanhikan

 Harana

 Simbang gabi

 Flores De mayo
Madalas na Kaugalian

Pagmamano – ito’y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga
nakatatanda sa kanila.
Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.

Madalas na Paniniwala

Sa Kusina:

Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.


Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.

Sa Kasal:

Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.

Kapag may sumakabilang-buhay

Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
 – upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.
Iba pang pamahiin:

Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .


“Friday the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta
ibaon lang ang kanyang damit sa lupa)

KASAYSAYAN NG PAMBANSANG AWIT


•Hunyo 5, 1898 kinomisyon ni Emilio Aguinaldo sa si Julian Felipe, isang kilalang pyanista at kompositor
na taga-Cavite na lumikha ng isang martsa upang mapagkaisa ang damdamin ng mga Pilipino sa
paglaban sa mga mananakop na Kastila.

•Pinamagatan ni Julian Felipe ang kanyang nalikhang martsa na Marcha Filipino Magdalo.

•Hunyo 11, 1898 – itinanghal ni Felipe ang musika sa harap ni Aguinaldo at sa mga tinyente nito.

•Hunyo 12, 1898, unang tinugtog sa saliw ng bandang San Francisco de Malabon

•Jose Palma- isang kawal na naglapat ng titik sa martsa na hango sa kanyang tula na Filipinas

•1920 – isinalin nina Camilo Osias at Mary A. Lane sa wikang Ingles.

•1940 – nagkaroon ng maraming salin sa Filipino/Tagalog ngunit ang pinakapopular ay ang salin nina
Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo (“O Sintang Lupa”)

•1943 -Sa ilalim ni dating Presidente Jose P. Laurel, isinalin ng Surian ng Wikang Pambansang titik ng
pambansang awit sa salitang Ingles at Pilipino. “National Ideal” ang naging pamagat nito sa Ingles at
“Diwang Bayan” naman sa Pilipino.

•Noong Mayo 26, 1956 unang inawit sa katutubong wika na Tagalog ang pambansang awit ng Pilipinas,
ang Lupang Hinirang

•1962 – pagbabago sa liriko at ang bersyong ginagamit hanggang sa kasalukuyan

KASAYSAYAN NG WATAWAT NG PILIPINAS


Emilio Aguinaldo – nagdesinyo ng watawat ng Pilipinas
Hongkong – sa bansang ito ginawa nina Marcela at Lorenza Agoncillo, at
Delfina Herbosa de Natividad (pamangkin ni Jose Rizal)
May 28 1898 – unang ginamit ang pambansang watawat ng Pilipinas
Hunyo 12, 1898 – iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite
Puting tatsulok - sagisag ng Katipunan na sa pamamagitan ng pagsasanib
ng dugo ay nakapanghikayat sa mga Pilipino na sumama sa rebolusyon.
-pagkakapantay-pantay at kapatiran
Asul - kalayaan, katotohanan, at katarungan;
Pula - kabayanihan at kagitingan
Tatlong bituin – Luzon, Visayas (Panay) at Mindanao
Walong sinag ng araw - sumasagisag sa walong probinsyang unang nag-alsa sa Kastila: Maynila, Cavite,
Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, at Batangas.

Mga Ipinagbabawal na paggamit sa Watawat

•Ang pagbababa sa watawat sa pagbibigay ng papuri o parangal sa isang tao o bagay.

•Ang paggamit sa watawat bilang kurtina, palamuti, mantel, panakip sa dingding, istatwa at iba pang
bagay; bilang banderitas sa tabi, likod, o taas ng anu mang motor na sasakyan; bilang tatak o marka; at
paggamit nito sa industriyal, komersyal at agrikultural na disenyo o tatak.

•Ang paglalagay ng watawat sa ilalim ng anumang pintura o larawan, o sa mga sayawan, sabungan, club,
casino at ibang lugar ng pasugalan.

•Ang pagsusuot sa watawat, buo man o parte lamang bilang damit o uniporme.

•Ang paglalagay ng anumang salita, pigura, marka, larawan, disenyo, dibuho o anunsyo sa watawat.

•Ang paggawa at paglalagay ng representasyon ng watawat sa panyo, kutson at iba pang uri ng paninda.

•Ang paglagay ng watawat sa harap ng gusali kung saan namamalagi ang mga hindi Filipino.

You might also like