Professional Documents
Culture Documents
Pagatpat - Gawain 2
Pagatpat - Gawain 2
BSA 1-1
Gawain 2
A.1
Sa pagdating ng mga Kastila ay namulat sa iba’t ibang kaisipan ang mga Pilipino. Maraming pagbabago
sa lipunan ang kanilang hiniling at isa na rito ay ang sa kaparian. Hindi pinapayagan ang mga Pilipino na
mapabilang sa mga hanay ng pari at orden. Sa kadahilanang ito, noong 1841, nag-aklas si Apolinario Dela
Cruz, ngunit siya ay natalo at napatay ng mga Kastila. Sa kabila nito, nagpumilit pa rin ang mga katutubo
ng pagbabago at kalaunan ay pinagbigyan ito ng mga Kastila. Bagaman sa maikling panahon lang, ay
nabigyan ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes o ang batasan ng mga Kastila.
Nang maluklok si Heneral Carlos Maria de la Torre ay binigyan niya ang mga Pilipino ng karapatan at
kalayaan na magpahayag at magtipon nang naaayos sa 1869 Konstitusyon ng Espanya. Tinanggal niya rin
ang sponsorship noong panahon niya, ngunit agad siyang pinaltan noong 1871 ng isang bagong heneral
na binawi lahat ng pagbabagong ginawa niya. Dahil dito ay nag-aklas ang nasa 200 Pilipinong sundalo sa
Cavite noong sumunod na taon. Ngunit ang pag-aalsang ito ay ibinintang sa GomBurZa at sila ay napatay
noong parehong taon. Ito ang dahilan ng pagkamulat ng maraming Pilipino gaya ni Jose Rizal na
naglimbag ng kilalang nobela niya na Noli Me Tangere at El FIlibusterismo kahit na ito ay mahigpit na
ipinagbabawal ng mga Espanyol.
Noong 1889, itinatag ni Graciano Lopez-Jaena ang La Solidaridad na bahagi ng Propaganda. Noong 1892
naman, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina ngunit ito ay hindi nagtagal nang siya ay inaresto at ikinulong
sa Dapitan. Sa kadahilanang ito, itinatag naman ni Bonifacio ang Katipunan na may layong ibalik ang
kalayaan ng Pilipinas. Ngunit kalaunan ay napag-alaman ng mga Espanyol ang tungkol dito at
pinagdadakip ang mga kasapi nito. Bilang tugon, ay nagdeklara ng pakikipaglaban si Bonifacio sa mga
Espanyol sa pamamagitan ng pagpunit ng kanilang cedula sa Sigaw sa Pugad Lawin.
Ang mga rebolusyon na tulad nito para sa kalayaan ng Pilipinas ay hindi nagtatapos noong panahong
iyon bagkus ito ay simula pa lamang. Ayon kay Guerrero, ang mga kabataan ang tagapagmana ng
rebolusyong Pilipino na sinimulan nila noon.
A.2
PANLIPUNAN PANG-EKONOMIYA
• Ang pagkakaroon ng clase media na binubuo • Ang pagsasara ng Kalakalang Galyon at Real
ang ito ng mga Kastilang at Intsik na mestizo at Compañia de Filipinas na nagbigay daan sa
mga dayuhan na kumita nang malaki sa pagtuon ng Kastila Pilipinas ng kanilang
kanilang pagiging inquilino at pagsali sa atensyon sa pandaigdigang kalakalan.
pandaigdigang kalakalan.
• Ang pagpapatupad ng monocropping o ang
• Ang paglabas ng kautusang Educational pagtatakda ng isang produkto sa partikular na
Decree of 1863 na naglalayong magtatag ng lupain.
Sistema ng pampublikong paaralan.
• Ang malawakang pagpapatupad ng
• Ang paghahati ng mga Kastila sa Pilipinas sa monopolyo sa mga produkto na naglalayong
Pampolitika
mga encomienda. Ang encomienda ay higpitan ang control ng pamahalaan sa
malalaking lupain na ibinibigay sa mga naturang produkto
namumuno at prayle bilang pabuya sa
pagpapasunod sa mga Pilipino. • Ang pagbubukas ng Compañia de los Tranvías
de Filipinas na bumabaybay sa iba’t ibang
bahagi ng maynila
Ang Pilipinas na inilarawan sa pelikula ay ang panahon ng transisyon mula Kastila tungong Amerikano. Sa
parehong taon nangyari ang pagbabagong ito, kaya naman makikita ang hirap nila sa pag-aadjust dahil
sa bilis ng transisyon. Isa sa mga eksenang nagpapatunay nito ay noong iligtas ng Amerikanong sundalo
si Kulas. Nang magising siya ay nakita niya ang mga Amerikano na nagsasalita ng wikang hindi niya
maintindihan. Ibang iba ang mga Amerikano sa mga Espanyol. Iba ang kanilang kilos at pananalita, at
hindi lamang mga Pilipino ang nahirapan na makipag-usap kundi pati na rin ang mga Amerikano. Isa
pang eksena nagpapakita nito ay nang bumalik si Kulas sa kanyang bahay at ayaw siyang papasukin ng
mga Amerikano. Makikita ang kaniyang suliranin sa pagpapatunay sa mga Amerikano na siya ng may-ari
ng bahay.
May pagbabago rin na makikita sa sistema ng edukasyon sa eksenang kinakausap ni Kulas ang guro sa
paaralan na pinag-aaralan ni Bindoy at sinabi nitong “Iba na ang pamamalakad ngayon”. Habang sila ay
nag-uusap naglilipat ng mga gamit ang mga kawal na Amerikano. Sa kabila ng paghihirap sa pag-adjust
sa mga pagbabago ay pinilit pa rin ng mga Pilipino na mamuhay nang normal sa gitna ng kaguluhan.
Maaari itong makita sa mga eksena na si Kulas ay nagising sa tunog ng putok ng bala at kanyon. Sa ibang
eksena naman, ikinekwento ni Tibor ang mga kaguluhan na nangyari mula pa nang dumating ang mga
Amerikano. At si Bindoy naman ay nagrereklamo kay Kulas na ayaw niyang manatili sa paaralan dahil
ang ibang bahagi niyo ay binomba. Mahirap man ang mga pagbabago ay sinusubukkan pa rin nilang
magpatuloy sa kanilang buhay sa pamamagitan ng paggawa ng mga aktibidad tulad ng pagkain sa labas,
at panonood ng mga zarzuelas.
Sino ang mga Pilipino? Ito ang pinakamalaking katanungan na nais sagutin ng pelikula. Sa panahon ng
Espanyol, ang tinatawag na mga Pilipino ay ang mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas at ang mga
katutubo naman ay tinatawag na Indio. Sa pagdating ng mga Amerikano ay mas lalong lumaki ang
kalituhan kung sino nga ba ang mga Pilipino. Madaling sabihin na “Ako ay Pilipino”, sa pelikula ay sinabi
rin ito ni Kulas kahit na hindi naman niya talaga naiintindihan kung ano ito. Nang tanungin niya si Don
Tibor kung may karapatan ba na tawagin ang sarili niya na isang Pilipino ay sinagot siya nito na kailangan
niya munang maging marangal at kapakipakinabang. Sa kanyang pananatili sa Maynila ay marami siyang
pinagdaanan. Naranasan niyang maging mayaman, irespeto, mahusgahan, masaktan sa pag-ibig at
traydorin ng mga tao sa paligid niya. Sa huli ay unti-unti niya ring naintindihan kung ano nga ba ang
Pilipino. Hindi sapat na ikaw ay ipinangak sa Pilipinas upang tawaging isang Pilipino, dahil hindi ito
nakatali lamang sa kung saan ka ipinanganak, anong tradisyon mo, o kung sino ang pamilya mo.