Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO 9 Lesson Exemplar in _________________ Using the IDEA Instructional Process

LESSON SDO RIZAL Baitang


EXEMPL Superbisor Asignatura FILIPINO
AR Petsa AUGUST 24, 2020 Markahan Unang Markahan

I. LAYUNIN Sa araling ito,ang mga mag-aaral ay inaasahang:Masuri ang


pagkabuo ng alamat batay sa mga Elemento nito
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,Espanyol at
Hapon
B. Pamantayan sa Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
panturismo
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC
karunungang-bayan napakinggan
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN Mina ng Ginto (Alamat ng Baguio)


Elemento ng Alamat
Bahagi ng Alamat
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk 29-32
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Ang guro ay may ipaparinig ng kuwento sa mga mag-aaral.inaasahang
pakikinggan nila ito.Pagkatapos ay magtatanong ang guro kung anong
uri ba ng kuwento ang kanilang narinig.

Alamat ng
Pinya

B. Development (Pagpapaunlad) May mga pinagbabalibaliktad na mga salita ang guro,lhangarin nitong
malaman ng mga bata ang mga salitang ito upang maging introduksyon
sa magiging paksa.
MUSILA-SIMULA
NATGI-GITNA
SAWAK-WAKAS

ALAMAT- ay itinuturing na isang kwentong bayan na


nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay.
Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-
salin buhat sa ating mga ninuno.
Bahagi ng Alamat
1. Simula
Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang
mga gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang
ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng
pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.

2. Gitna
Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at
kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad
ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay
nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan.
Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung
nagtagumpay o hindi ang tauhan.

3. Wakas
Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng
kwento.Mga Elemento ng Alamat
Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga sumusunod:

1. Tauhan
Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na
ginagampanan ng bawat isa.

2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at
insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.

3. Saglit na kasiglahan
Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.

4. Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan.

5. Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan
ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

7. Katapusan-Ito ang bahaging maglalahad ng magiging


resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo
o pagkapanalo.
C. Engagement (Pagpapalihan) Hahatiin ang mga mag-aaral sa 3 pangkat,ang unang pangkat ay
tutukuyin ang bahagi ,ang pangalawang pangkat ay tutukuyin ang Gitna
at ang Ikatlong pangkat ay ang Wakas.Isusulat nila ito at bibilugan ang
mga Elementong nakapaloob dito.An alamat na kanilang susuriin ay ang
Alamat ng Baguio(Mina ng Ginto)

D. Assimilation (Paglalapat) Suriin ang Alamat ng Baguio (mina ng Ginto)na iyong


napakinggan/nabasa kanina at tuklasinkung paano ito
nabuo sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga Elemento .
1.TAUHAN
2.TAGPUAN
3.SAGLIT NG KASIGLAHAN
4.TUNGGALIAN
5.KASUKDULAN
6.KAKALASAN
7.KATAPUSAN

V. PAGNINILAY Muling basahin ang alamat na ating tinalakay at maghanda sa maaring


itanong bukas ukol dito.Takdaan ang mga bahagi nito gayundin ang mga
Elemento nito.

You might also like