Professional Documents
Culture Documents
Mga Uri NG Teksto
Mga Uri NG Teksto
Cruto
Stem 11-1
Mga uri ng Teksto
Tekstong impormatibo/ekspositori
- ang tekstong ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano, kailan,saan, sino at paano.Pangunahing layunin nito ang
magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad ito ng mga
kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari,
Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang
kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye at pagpapakahulugan
ng impormasyon.
May iba't ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito:
ri ng Teksto
a) Sanhi at Bunga - ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkaka-ugnay ng mga pangyayari at kung
paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa urng ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang
malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano
ang resulta nito (bunga)
b) Paghahambing - ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,konsepto o pangyayari.
c)Pagbibigay-depinisyon - ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino at konsepto.
Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng hayop, puno o kaya naman ay mas
abstraktong mga bagay gaya ng katarugan o pag-ibig.
d) paglilista ng Klasipikasyon - ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa
iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay
sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o
grupo sa ilalim nito.
1. Informatibo- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong
paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong
linaw at kaisahan
Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita
2. Argumentatibo- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa
tanong na bakit.
Halimbawa: mga editoryal
3. Persweysiv- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.
Halimbawa: mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga advertisment
4. Naratibo- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay
Halimbawa: mga akdang pampanitikan
5. Deskriptibp- ang isang teksto kung ito ay nagtaaglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng
isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan
6. Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng hakbang ng
malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng
hakbang sa paggawa ng isang bagay.
7. Nareysyon-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tumutugon sa mga tanong na paano at
kailan.
8. Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol sa pag-aanalays ng mga tiyak na
konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.
9. Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad na
kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak at inilalahad.