Telegrama Ni Aguinaldo para Kay - Ang Supremo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Supremo

Enero 7, 2019  · 

Telegrama ni Aguinaldo para kay Luna


Natagpuan kamakailan ang telegrama na hinahanap ng mga istoryador na posibleng
maging susi sa pagkamatay ni Heneral Antonio Luna. Ang telegrama ay nasa pag-iingat
dati ng manugang na babae ni Antonio Luna na si Grace Luna de San Pedro at nasa
magandang kundisyon parin ito hanggang ngayon.

Ayon sa istoryador na si Teodoro Agoncillo sa kanyang librong “Malolos: The Crisis of


the Republic” (1960), laman ng telegram ang ebidensya na pinapunta talaga ni dating
Pangulong Emilio Aguinaldo sa Cabanatuan ang heneral. Kung saan hindi pagpupulong
ang naghihintay sa heneral, kundi kamatayan.

May petsa itong June 4, 1899, isang araw bago ang pagkamatay ni Luna, at may sulat
kamay sa wikang Espanyol na ang ibig sabihin ay:

“PRESIDENTE ng REPUBLIKA para sa KALIHIM ng DIGMAAN, Dagupan:


Pinapatawag para sa isang mahalagang pagpupulong, dahil dito ikaw ay inuutusan na
tumungo dito kaagad. Ito ay bilang tugon sa iyong nakaraang telegrama patungkol sa
mga kagyat na usapin upang talakayin. Ito ay kaagarang kailangan."

Ayon kay Lisa Guerrero Nakpil na siyang auction curator, dumating ang telegrama sa
San Fernando, Pampanga Station alas-8:35 ng umaga. Natanggap ng Heneral ang
telegrama sa pagitang ng alas-6 hanggang alas-7 ng gabi habang sila ay
naghahapunan sa Tarlac. Patunay na natanggap ni Luna ang telegrama ay ang tapyas
sa may itaas-na-kanang bahagi ng telegrama.

Sinagot ni Luna ang telegrama at sinabing: “Si Felipe Buencamino ay hindi pa


nakakulong base sa aking mga sakdal.”

Ang nasabing telegrama ay isa lamang sa limang telegramang ipinadala ni Aguinaldo


kay Luna, indikasyon na gustong matiyak ni Aguinaldo na matatanggap ni Luna ang
mensahe.

Ang telegrama ay naipasubasta noong nakaraang Disyembre, 2018 sa paunang halaga


na P500,000.

You might also like