Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang Araw! Ako po si Jamiel M. Berganos, mas kilala sa tawag na Jams.

Ako po
ay naglilingkod sa Centro Pastoral de San Antonio de Padua – Bucal bilang isang choir,
coordinator ng PYM at Lay Minister sa edad na 20 years old. At sa ngayon po ay
kasalukuyang youth coordinator ng Vicariate of Our Lady of the Assumption. Minsan,
tinatanong ako ng iba na bakit daw patuloy pa rin akong naglilingkod sa Diyos sa
kabila ng maraming problema at mapapait na nagyari sa aking buhay. At ito ang aking
nasabi “Wala akong ibang malalapitan kundi si Kristo dahil naniniwala akong kaya ko
ang lahat ng ito basta kasama ko si Kristo”. Patuloy akong maglilingkod sa Diyos bilang
tanda ng aking pagmamahal sa kanya at pasasalamat sa ibinigay niyang biyaya at
grasya sa aking buhay. Hanggang sa huling hininga ko ay iaalay ko ang buhay ko kay
Kristo!
Mabuhay! Ako nga pala si Jomar Montallana Ablay o Joms kung tawagin ako ng aking
mga kaibigan. At ako ang 17th year old coordinator ng Diocesan Shrine and Parish of
the Immaculate Conception na sakop ng Vicariate of the Assumption. Maraming beses
na akong na naging dahilan ng pagtanong ko sa aking sarili, "Kaya ko ba ito?" Ngunit
hindi ito sapat para sumuko. Sa pamamagitan ng mga talentong at mga taong
ipinagkaloob ng Diyos sa akin, ako ay maglilingkod sa Kaniya magpakailanman. Sa
tulong at gabay ng Banal na Espiritu.

You might also like