Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sisimulan ko ang aking pambungad na pananalita tungkol sa sining at

kultura mula sa isang akda na ganito ang isinasaad: “Bayan ko kahit munti,
dayuha’y namalagi, kastila’t Hapon pati Puti, sa kultura’y nakihati. Pati Intsik at iba
pa, sa sining ko’y nanghawa, kayumangging pinoy ano na? May batik na ng kulay
niya. Bayan ko kahit munti, sining at kultura’y sari-sari, anumang gawi’y isang pag-
aari, para sa lahat di dapat isauli”.
Sa mga giliw na mag-aaral, sa mga magulang na walang sawang gumabay
sa sa kanilang mga anak, sa mga nagpipitagang mga guro, at higit sa lahat sa
namiminuno ng ating sintang paaralan. Mapagpalang araw po… Mabuhay po kayo…
Oo, maraming dugong nananalaytay sa ating ugat. Hindi maitatatwang ako,
ikaw, tayong lahat ay produkto ng iba’t-ibang lahi. Lahing nag-ambag ng sining at
kulturang may iba’t-ibang pananampalataya, paniniwala, pananamit, at maging sa
gawi at kaugalian. Sino ang makapagsasabi kung ilan taon tayong sinakop ng mga
dayuhan? Napakaraming taon na, di ba? Nailalarawan sa sining ng awit, tula, dula,
at sayaw ang ganda at kariktan ng ating kultura. Kulturang lalong naging mayaman
at makulay hindi lamang sa pakikipag-ugnayan natin ibang lupain kundi pati na rin
sa mga tradisyon, kaugalian at paniniwalang kinamulatan nating lahat na siyang
nagpatanyag at nagpaangat sa lahing kayumanggi.
Ngunit ilan na ba ang nagnais tumalikod sa kanyang kinagisnan? Marami na
ba? Dahil ba ito ay baduy? Cheap o may kakornihan daw? Hindi na daw
napapanahon? Marahil ay di natin maitatangging ilang beses na ngang nasaksihan
natin ang pagkupas ng kariktan at pagpapahalaga sa sining at kultura ng Pilipinas.
Ikaw ba ay masisiyahan kung lagyan ng ibang kulay ang iwinawagayway na
bandila? Matutuwa ka ba kung sa himpapawid ay sa halip na lamyos at tamis ang
awiting “Lupang Hinirang” ang pumailanlang ay nakatutulig na ingay? Magagalak ka
ba kung ang tinuhog na bulaklak ng lahi’y maging tuyot na’t wala ng kabanguhan?
Papayag ka bang ikaw mismong Juan dela Cruz, na maginoo’t matapang ay maging
isang manhid at walang pakialam?
Ah… ang panahon nga ba’y hadlang sa pagbabago ng lahat ng ito? Hindi,
hindi tayo dapat pumayag. Panahon lamang ang lumilipas ngunit tayo mismong
nabubuhay sa panahong ito ay di dapat magbago. Sa palad natin nakasalalay ang
sining at kultura para sa lahat ng Pilipino.
Kaya sa ating gagawing “Fiestura o Fiesta ng Kultura 2019” muli nating
buhayin ang tila nga bang nalilimot nang kultura at tradisyon. Tara! Halina’t
tunghayan ang nimiminsang nawaglit na sa ating ala-ala na tunay na yaman at
kariktan ng bansang Pilipinas.
Muli, isang mapagpalang araw po sa inyong lahat… mabuhay po tayo!
Kasihan nawa ng Poong maykapal ang bawat isa sa atin.

You might also like