Wastong Gamit NG Salita

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

Ang kawastuang pambalarila ay 2. KUNG at KONG


kaalaman sa wastong gamit ng mga salita
gaya ng mga katha,pasulat man o KUNG
pasalita.Upang maging malinaw at tama Ang ‘KUNG’ ay pangatnig na panubali
ang isang pagpapahayag ito ay ginagamitan at ginagamit sa karaniwan sa hugnayang
ng wastong gamit ng mga salita pangungusap,kung kaya’t ito’y matatawag
ding pangatnig na panghugnayan.
Sa pakikipagtalastasan, di Halimbawa:
mapapasubalian na madalas na Kung tayong lahat ay magmamahal sa
nagkakamali ang maraming tao sa paggamit wikang Filipino ay lalong uunlad ang
ng mga salita. Pilipinas.

Mga sinusunod na tuntunin sa paggamit KONG


ng wastong salita Ang kong ay nanggaling sa panghalip
na panaong ‘ko’ at inaangkupan lamang ng
1. NANG AT NG ‘ng’.
Halimbawa:
NANG Ibig kong makatulong sa pag-unlad ng
Ang ‘NANG’ ay siyang ginagamit sa Pilipinas.
panimula ng sugnay na di makapag’iisa at
pangatnig sa hugnayang pangungusap na 3. MAY AT MAYROON
katumbas ng salitang “when’ sa ingles. Ito ay mga pandiwang walang
Halimbawa: banghay.Ang mga ito’y may kahulugan
Nang ako’y dumating sa bahay,nagising ngunit ang dalawa ay may pagkakaiba ng
ang mga bata. paggamit sa mga pangungusap.

Ang ‘nang’ na nagbuhat sa inangkupan MAY-


ng ‘ng’ ang siyang ginagamit na pang-abay Kapag ito’y sinusundan ng pangngalan,
na pamanahon.Ito’y katumbas ng salitang pang-uri, pandiwa, pang-abay at katagang
‘already sa Ingles. mga.
Halimbawa: Halimbawa:
Marami nang (na+ang) panauhin sa May inaasaaahang bukas ang mga taong
bulwagan. masipag.

NG MAYROON-
Ang ‘NG’ ay isang bahagi ng pananalita Kapag ito’y sinusundan ng kataga o
na gumaganap bilang pantukoy at panghalip na panao sa kaukulang palagyo.
pang-ukol ayon sa gamit sa loob ng Halimbawa:
pangungusap. Mayroon pa sanang ibig sabihin si Andrew
Halimbawa: kay Lolo Tomas.
Ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa.
4. SUBUKIN/SUBUKAN
Bilang pantukoy na palayon ng mga Ang subukin ay nangangahuluganng
tagaganap ng pandiwang balintiyak.Ito’y isang pagsasagawa ng isang bagay sa ayos
katumbas ng ‘by’ sa Ingles. na kalagayan At ito ay inuuri sa tao,anyo,at
Halimbawa: bagay.
Ang silid-aralan ay nililinis ng mga Halimbawa:
mag-aaral. Subukin nating mamili sa bagong bukas na
Department Store.

Ang subukan ay nangangahulugan ng


pag-espiya sa isang tao kung ano ba ang
kinikilos nito.
Halimbawa: Walisin mo nga ang kalat sa paligid ng
Subukan mong sumunod sa kanila at halaman.
tingnan mo kung ano ang kanilang
ginagawa doon. 9. KATA/KITA
Ang kata at kita ay mga panghalip na
5. PAHIRIN/PAHIRAN panao na kadalasang pinagpapalit ang
Ang pahirin ay nangangahulugan ng gamit kahit na may sari-sariling wastong
pagbubura o paglilinis sa isang bagay ng gamit.
nakapahid, samantalang ang pahiran ay
paglalapat o pagpapairal sa isang bagay sa Ang kita ay ginagamit kung ang isa sa
tamang lugar. dalawang nag-uusap ang siyang gagawa ng
Halimbawa: gawain para sa kausap.
Pahirin mo nga ng basang basahan ang Halimbawa:
pisara. Ibibili kita ng paborito mong pabango.

Pahiran mo ng alcohol ang sugat ni Elvie. Ang kata naman ang ginagamit kung
ang dalawang nag-uusap ay parehong
6. SUNDIN/SUNDAN gagawang gawain.
Ang sundin ay nagsasaad ng Halimbawa:
pagsunod o pag-unawa sa isang utos o Kata ay pupunta sa pamilihang bayan.
kagustuhan at maaaring batas o panuto.
Halimbawa: 10. DAW at DIN/RAW at RIN
Sundin mo ng maluwag sa puso ang mga Ginagamit ang salitang raw/rin kung
panuntunan ng paaralan. ang nauunang salita ay nagtatapos sa
patinig. Ang W at Y ay malapatinig kaya raw
Ang sundan naman ay panggagaya sa at rin ang ginagamit kung nagtatapos sa alin
ginawa o kinikilos ng isa o maraming tao. man sa dalawang titik na ito.
Halimbawa:
Sundan mo ang mga tamang gawa upang Ang daw at din ang ginagamit kung ang
ikaw ay hindi mapariwara. sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa W at Y.
7. NAMATAY/NAPATAY Halimbawa:
Ang ‘namatay’ ay nangangahulugan ng Wala rin mangyayari kung tatakasaan mo
paglisan sa mundo alinsunod sa natural na ang problema.
pagkawala ng buhay dahilan gaya ng sakit,
bangungot, atake, atb. Samantalang ang Takot daw siya sa multo.
‘napatay’ ay ang pagkawala ng buhay na
hindi inaasahan na may kadahilanan tulad Courtesy of:
ng aksidente. Evelyn S. Makadados
Halimbawa:
Si Mario ay namatay noong isang linggo
dahil sa sakit sa puso.

Ang mag-ina na naglalakad sa kalsada ay


napatay ng salaring di nakikilala.

8. WALISIN/WALISAN
Ang walisan ay uri ng pandiwang
ginagamit sa pag-alis ng kalat o dumi sa
maluwang o malawak na lugar. Habang ang
walisin ay tumutukoy naman sa iisang
bahagi lamang ng isang malaking lugar.
Halimbawa:
Walisan mo nga ang kalat sa ating bakuran.

You might also like