Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MODYUL 1.

2: PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN BAITANG 12

IKALAWANG ARAW

ARALIN 1.2 MAPANURING PAGBASA SA AKADEMIYA: PAGBUO NG TALA-BASA O READER- RESPONSE


JOURNAL

LAYUNIN: Naipaliliwanag ang kahulugan, katangian, at propeso ng mapanuring pagbasa sa akademiya.

PAGTATALAKAY:

MAPANURING PAGBASA, MAPANURING PAG-IISIP, MAPANURING MAMBABASA

Isa sa mga hindi maiiwasang gawain sa lob ng akademiya ang pagbasa. Sa bawat asignaturang
kinukuha at pinapasukan ng mag-aaral, may mga libro, manwal, artikulo, report, at iba’t-ibang anyo ng
sulatin at gawain na kailangang basahin at gawin upang mapalawak at mapalalim ang kaalam mila sa
mga konsepto, ideya, at impormasyon. Ito rin ay upang mapaunlad ang kakayahan nila sa mapanuring
pag-iisip.

Hindi ito nangangahulugang hindi nagbabasa ang mga taong nasal abas ng akademiya. Iba-iba
lamang ang mga binabasa, layunin sa pagbasa, at paraan ng pag-alam at pag unawa sa binabasa, Ang
mga akademiko ay yaong mga nasa akademiya man ay nagbabasa rin ng mga iba’t-ibang tekstong di-
akademiko. Samantala, hindi naman nabibigyan ng pagkakataon ang mga nasal abas ng akademiya
upang makapagbasa ng mga binabasa sa loob nito, maliban na lamang kung napagdaanan na nila sa pag-
aaral sa hayskul at kolehiyo, o kaya’y bahagi ito ng kanilang trabaho.

Lilinawin dito na ang tekstong binabanggit ay hindi lamang yaong nababasa gaya ng libro, artikulo,
manwal, pamanahong papel, mapa, polyeto , at iba pa. Teksto rin ang napapanood na pangyayari,
sitwasyon, programa sa tebisyon, pelikula, at pintura. Teksto rin ang napapakinggang talumpati ng isang
politico, debate sa telebisyon at eskuwelahan, diskusyon sa loob ng silid-aralan, at iba pa. Anomang
binabasa, binibigyang-interpretasyon, inaanalisa, at gingawan ng ebalwasyon ay isang teksto sa
modernong pakahulugan nito.

Gayunpaman, higit na bibigyang-diin ang pagbasa ng tekstong nakasulat sa aralin bunga ng ilang
limitasyon.

Maraming tekstong binabasa pagdating sa kolehiyo. Ang uri, anyo, estruktura, layunin at pinal na
outpot nito, gayunman, ay nakabatay sa kurso. Narito ang ilang halimbawa.

PANITIKAN
-Tekstong pampanitikan (tula, dula, nobela, sanaysay, maikling kuwento, telenobela, pelikula, at iba pa.
-Artikulo ng panunuring pampanitikan

PAMAMAHAYAG O KUMONIKASYONG PANG-BROADCAST


-Artikulo
-Balita, report sa radio, telebisyon, Internet, Tabloid
-Interbyu
-Programa
-Editoryal
-Datois sa social media
-Programa sa radio at telebisyon

PISIKA
-Resulta ng eksperimento
-Siyentipikong report

SINING
-Akdang pansining
-Rebyu ng akdang pansining
ANTROPOLOHIYA
-Case study sa isang komunidad
-Artikulo/libro ng pag-aaral sa isang pangkat-etniko
-Interbyu sa isang komunidad

SIKOLOHIYA
-Eksperimento sa laboratory
-Case study
-Siyentipikong report

LINGGUWISTIKA
-Analisis mg grammar ng isang wika
-Pag-aaral ng diksiyonaryo at bokabularyo ng isang wika.

PAGPAPAYAMAN:

Gawain 1.1 : Alin sa mga sumusunod ang minsanan lamang na tingnan o basahin? Alin naman ang
binabalikbalikan, matagal at paulit-ulit tinitingnan, matamang pinag-iisipan, at pinagkukulubatan pa ng
noo kung minsan? Bakit mo ipinapalagay na minsanan lang na dapat tingnan ang ibang aytem at bakit
kailangag busisiin at tingnan nang maigi ang iba? Isulat ang sagot sa katapat na aytem. Lagyan
ng tsek( ) ang sa iyong palagay ay angkop batay sa iyong karanasan, obserbasyon, o pag-aaral.
Sagutin ang mga tanong at sumusunod na gawain.

BINABASA MINSANAN BINABALIKAN DAHILAN


1. Komersiyal sa telebisyon
2. Komersiyal sa tarpaulin sa
tabi ng lansangan
3. Menu sa restawran
4. Manwal ng biniling tebisyon,
DVD player, refrigerator,
washing machine, o kompyuter
5. Nobelangf romansa
6. Sarbey ng National
Statistiucs Office
7. Polyeto o leaflet ng protesta
ng isang grupo o organinsasyon
8. Librong pambata
9. Poster ng pagtatanghal ng
isang dula
10. Teksbuk

PAGTATAYA : TUGON MO…..MAHALAGANG ALAMIN


Sa bahaging ito, nais kong malaman ang antas ng iyong pag-unawa sa aralin na ating pinag-
aralan.Subukan mong sagutin ito.

1. Ipaliwanag ang kahulugan, katangian, at proseso ng mapanuring pagbabasa sa akademiya. Isulat ito sa
buong papel. (30 puntos.)

Pamantayan/Rubrics

Introduksyon - 10
Katawan - 10
Konklusyon - 10
30 Puntos

You might also like