Professional Documents
Culture Documents
Final Na Pasulat Na Pagsasaliksik.... Pagbasa Prosesong Interaktibo
Final Na Pasulat Na Pagsasaliksik.... Pagbasa Prosesong Interaktibo
Ang ating mga mata ang pinakamahalagang kailangan sa pagbabasa. Nagsisilbi itong
kamera na kung saan ang imahe o simbolo ay kinukuhanan, matapos ay babaybay ito sa utak
upang kilalanin at bigyang- kahulugan. Sa proseso ng pagtutok sa simbolo o teksto ay nagaganap
ang bahagyang pagtigil upang kilalanin at intindihin ang teksto. Ang pagtigil na ito ay tinatawag
na fixation. Ang isang magaling na mambabasa ay nagkakaroon lamang ng tatlo hanggang
limang fixation kada linya, samantala ang mabagal magbasa ay mayroong sampu at mahigit pang
fixation.
Bakit nga ba kailangan nating magbasa? Pinaniniwalaang ang pagbabasa ay siyang susi
sa daigdig ng kaalaman at kasiyahan. Binubuksan ng pagbabasa ang lahat ng daan tungo sa
kaalaman sa iba’t ibang disiplina o larangan. Walang hangganan ang kakayahang napauunlad ng
pagbabasa. Nakakukuha tayo ng sapat na kaalaman. Ang ating nakukuha sa pagbabasa ay
pinaniniwalaang siyamnapung bahagdan na nagagamit natin sa pagpapaunlad ng ating mga sarili,
pamilya, kaibigan, buong lipunan, bansa at maging sa pagpapaunlad ng buong daigdig man.
Maitutulad sa isang teleskopyo ang pagbabasa na magagamit upang maabot ng tingin ang
pinakamalayong bituin o planeta at mikroskopyo ring magagamit upang makita maging ang
pinakamaliit na mikrobyo. Sa makatuwid, sa pagbabasa ang lahat ay abot lamang ng iyong
kamay, nakikita, nahahawakan, napag-aaralan na siyang daan tungo sa pagkakaroon ng malalim
na kaalaman. Maaaring libutin ang buong daigdig sa pamamagitan lamang ng pagbabasa,
matatarok natin ang kaalaman sa pamamagitan nito. Sa kaganapan ng pagbabasa nakikita ng
bumabasa ang buhay o malinaw na simbolo na binibigyang interpretasyon matapos ang pag-
unawa. Ang mga titik na sumasagisag bilang simbolo ay paraan lamang ng kaisipang maihahatid
ng teksto.
“Malaman” daw ang isip ng isang taong mahilig magbasa. Mula sa pinakapayak na
panuto hanggang sa pinakateknikal na artikulo ay makakukuha ang tao kahit pa na kaunting
karagdagang kaalaman kaya nararapat na pag-ukulan ng pansin ang mga bagay na may
kinalaman sa mabisang pagbasa. Tiyaking nasa kundisyon ang mga paningin. Ang mga matang
nanlalabo ay sagabal sa mabisang pagbasa. kailangan ding walang dinaramdam sa kalusugan ng
katawan katulad halimbawa ng mga bahagi ng katawang sumasakit kagaya ng ulo, ngipin, tainga,
dibdib at iba pa.
Nararapat na iwasan ang maingay na kapaligiran katulad ng mga ingay ng mga sasakyan,
malakas na tunog ng radyo, telebisyon, mga ingay na likha ng mga tao, at iba pang makasisira sa
konsentrasyon ng isang bumabasa. Kailangan ang isang tahimik, mahangin/malamig, at
maliwanag na kapaligiran.
Isang malaking tulong din sa isang babasa ang malawak na talasalitaan. Kung hindi
malawak ang talasalitaan ay kakailanganin pa maya’t maya ang isang diksyunaryo na
nakaaaksaya ng panahon ng pagbabasa. Kailangan ding makuha ang mga pahiwatig at
talinhagang nasa pagitan ng mga salita o pangungusap. Dapat magkaroon ng hustong sikolohiya.
Mahalaga rin sa isang babasa ang lubos na kaalaman sa mga bantas upang malaman niya kung
anong uri ng mga pangungusap ang kanyang binabasa, kung kailan hihinga at kung kailan
hihinto. Ang kaalaman sa wastong bantas ay mahalaga sa pagbasa nang tahimik at pagbasa nang
malakas.
Maraming dalubhasa na ang nagbigay ng kahulugan kung ano ang pagbasa. Ang
kahulugang ito ay hindi nagkakaiba-iba sa ideya, magkakaiba lamang sila sa pinopokus na
sangkap sa proseso ng pagbabasa at mayroon namang makapagbibigay diin gamit ang ating utak
sa proseso ng pagbasa at mayroon namang makapagbibigay diin sa ating pag-uugali. Sa mga ito,
may isang kahulugang hindi nagbabago: ang pagbasa ay kinasasangkutan ng paggamit ng mga
simbolong nakalimbag na kinakailangang bigyan ng interpretasyon upang malaman ang nais
nitong ipakahulugan. Sina Lapp at Flood (1978) ang nagpahayag na lahat ng kahulugan ng
pagbasa ay nasasakop lamang ng dalawang kategorya: Una, may mga nag-iisip na ang pagbabasa
ay prosesong pangwika lamang na sumasakop sa pag-aaral kung paano bumigkas at sumasakop
sa wastong gamit ng mga salita. Ang ikalawa naman ay nagpapalagay na ang pagbabasa ay para
sa pagpapakahulugan na siyang tunay na binibigyang diin sa pagtuturo. Sa pananaw na ito, ang
binibigyan ng diin ay ang proseso ng komprehensyon o pag-unawa. Ang pagbasa ay isa sa apat
na kasanayang pangwika. Kasama nito ang pakikinig, pagsasalita at pagsulat.
Ayon naman kay Badayos (2002) ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-
yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto bago pa man bago pa
man ang pagpapakahulugan ng teksto. Ang kakayahan sa pagbasa ay isa sa mga
pinakamahalagang kasanayang dapat matamo ng isang bata sa uang taon pa lamang ng kanyang
pag-aaral. Dito nakasalalay ang kanyang tagumpay at kaunlaran sa hinaharap.
Sa isang mag-aaral, kailangang linangin niya ang kanyang interes sa pagbasa ng mga
aklat sa kanyang mga asignatura at sa iba pang larangang kaugnay ng mga ito ngunit sa pag-
usbong nga ng mga hadlang na nabanggit, dagdag pa ang mga hadlang dulot ng modernisasyon
ay unti-unting nababago ang kanilang pamamaraan o pagpoproseso sa kanilang binabasa
gayundin ang pagbaba ng kanilang mismong interes sa pagbabasa. Sa kasalukuyang panahon,
hindi maitatanggi ang ilang mga pangyayari at datos tungkol sa kawalang interes o katamaran ng
mga mag-aaral sa pagbabasa lalo na kung babasahing pampanitikan na ang pag-uusapan. May
mga pagkakataong hindi lamang maling pagpoproseso ang nagaganap ngunit ang malala pa ay
wala na talagang prosesong nangyayari kaya bilang isang guro lalo na sa nagtuturo ng panitikan,
isang malaking hamon itong hindi maitatanggi, hamon sa kung paanong magaganyak ang mga
mag-aaral hindi lamang magbasa ngunit maunawan ang binasa upang magamit at maibahagi sa
iba ang nakuhang kaalaman lalo na sa magaganap na talakayan sa klase. Mapagganyak na
estratehiya ay makatutulong upang maitulak ang interes ng mga mag-aaral upang iproseso ang
binabasa ng kanilang mga mata na kung saan ay tutuklasin, bibigyang-katwiran at diin ng
pananaliksik na ito.
Paano nga ba maisasakatuparan ang mga prosesong sa pagbabasa kung una pa lamang ay
kawalang interes na sa pagbabasa ang magiging pangunahing hadlang? lalo na sa kalagayan ng
mga mag-aaral sa kasalukuyan na pangunahing suliranin ng mga gurong nagtuturo ng panitikan
tulad ko. Ang mga guro hindi lamang ng panitikan ay kinakailangang humanap at mag-isip ng
mga pamamaraan o estratehiya upang mapukaw ang interes ng mga mag-aaral hindi lamang
upang magbasa ngunit maintindihan, maaliw at kumintal sa kanilang isipan ang mensahe maging
pagpapahalaga ng tektong binasa.
Bigyang-laya natin ang ating diwa at papasukin natin sa ating isipan ang isang tipikal na
klasse sa pagbasa. Obserbahan natin ito. Tahimik na nagbabasa ang buong klase. Nakabibingi
ang katahimikan. Tahimik ding nakamasid ang guro sa mga gawi at kilos ng bawat mag-aaral.
Bawal ang mag-ingay. Pagkatapos ng itinakdang oras sa pagbabasa, ipinasasara ang aklat.
Ipasasagot ang mga inihandang tanong, magkakaroon ng maikling talakayan at tatapusin ang
klase sa isang maikling pagsusulit at ibibigay pagkatapos ang takda sa susunod na araw. Ano ang
ipinahihiwatig ng ganitong Sistema ng pagkaklase sa pagbasa? Anong impresyon ang mabubuo
mo sa ganitong uri ng pagtuturo. Isa sa maaaring tugon ay ang pagbasa ay isang posibong
gawain (passive) at walang interaksyonng nagaganap sa pagitan ng mag-aaral at teksto, o sa guro
at kapwa mag-aaral. Ikalawa, nakatuon lamang ang pansin sap ag-alam kung may natatandaan
ang mga mag-aaral sa mga detalyeng tinalakay sa akda. Sa mga mag-aaral nama’y maaaring
mabuo sa kanilang isipan na ang pagbasa ay pagsasaulo ng mga tauhan, tagpuan, banghay at iba
pang elemento ng akda.
Ayon kay Goodman (1967, 1971, 1973), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing
game na kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa
tekstong binabasa. Kay Goodman, ang gawaing ito ng pagbibigay kahulugan ay patuloy na
prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghula, pagtataya, pagpapatunay,
pagrerebisa at ibayo pang pagpapakahulugan. Ang pagpapakahulugang ito ay binigyang
elaborasyon naman ni Coady, ayon sa kanya, para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto,
kailangang ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo
ng mga konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa
teksto. Ayon kay Coady, ang kakayahang pangkaisipan ay ang panlahat na kakayahang
intelektwal ng isang tagabasa. Tulad ng makikita sa Modelo Ng Isang Tagabasa ni Coady.
Mga kabatirang Dapat Isaalang-alang Pagdating Sa Pagbasa
1. Mahalaga sa pagbasa ang pag-alam sa ilang mga tiyak na kalakaran o hindi kaya’y
kombensyon sa pagsulat. Ang hagod ng mata sa pagbasa ay magkakaiba sa iba’t ibang
wika. Halimbawa, ang mga teksto sa Filipino ay binabasa mula sa kaliwa pakanan,
samantalang ang tekstong Intsik ay binabasa mula sa itaas pababa mula sa gawing kanan
ng pahina. Ang mga tekstong Arabic naman ay binabasa mula kanan-pakaliwa. Kaya nga,
hindi dapat pagtakhan kung may batang nagbabasa na kaiba sa hagod ng iyong mata kung
ikaw ay nagbabasa. Nagkakaiba-iba rin ang paraan ng paglalaad ng ideya o kaisipa sa
iba’t ibang wika. Ang Filipino at Ingles ay may alpabeto kung saan ang bawat letra at
kumbinasyon ng mga letra ay may tunog at ang isang salita ay maaaring buuin sa
pagsasama ng mga letra na sa pagbasa ay nakabubuo g tunog ng salita. Sa kabilang dako,
sa wikang Intsik, ang bawat ideograph ay kumakatawan sa kahuluga ng salita hindi ng
tunog nito
2. Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe na nakapaloob sa isang teksto.
Ang pagpapatunog ng mga salita ay isang bahagi lamang ng proseso sa pagbasa. Ang
pagbasa ng may komprehensyon ay pagbuo ng mga tulay na nag-uugnay sa dating
kaalaman tungo sa bagong kaalaman., (Pearson at Johnson, 1978).
5. Bahagi ng Pag-unawa ng teksto ang pag-unawa sa wika kung saan ito nasusulat.
6. Bahagi rin ng pagbasa ang paggamit sa dating alam (tungkol sa daigdig, sa kultura,
sa paksang tinatalakay, mga kalakaran at iba pa).
Bottom-up o pag-unawa sa teksto batay sa mga nakikita rito tulad ng mga salita,
pangungusap, larawan, dayagram at iba pang simbolo. Tinatawag ito ni Smith (1983) na text-
based, ouside-in o data-driven sa dahilang ang impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa
kung hindi sa teksto.
TEORYANG TOP-DOWN
TEORYANG ISKIMA
TEORYANG INTERAKTIBO
4. Tulungan ang mga mag-aaral na magbasa nang may angkop na bilis at bilib sa sarili.