Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Universidad de Sta.

Isabel Pili Campus


San Agustin, Pili Camarines Sur
Departamento ng Filipino
Ikalawang Semestre, TP 2019 - 2020

PINAL NA EKSAMINASYON SA PAGSULAT SA PILING LARANGAN: AKADEMIK

PANGALAN:_________________________________________ SEKSIYON:________________

I. PAGTUKOY
Panuto: Tukuyin ang mga uri ng talumpati batay sa kung paano ibinibigkas sa harap ng mga tagapakinig, ayon
sa layunin, at kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng talumpati. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
mga salitang nasa loob ng kahon.

A.Biglaang Talumpati (Impromptu) H. Talumpating Panghikayat


B. Maluwag (Extemporaneous) I. Talumpati ng Pagbibigay-galang
C. Manuskrito J. Talumpati ng Papuri
D. Isinaulong Talumpati K. Introduksiyon
E. Talumpating Nagbibigay Kabatiran L. Haba ng Talumpati
F. Talumpating Panlibang M. Katapusan o Kongklusyon
G. Talumpating Pampasigla N. Diskusyon o Katawan

_____________1. Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan.
_____________2. Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon.
_____________3. Pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang
paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
_____________4. Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig.
_____________5. Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.
_____________6. Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa,
isyu, o pangyayari.
_____________7. Ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.
_____________8. Sa talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan
batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag.
_____________9. Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang
maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
_____________10. Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa
pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
_____________11. Ito ang pinakapanimula ng talumpati. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman
ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati.
_____________12. Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang
mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig.
_____________13. Dito nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon
nito.
_____________14. Dito nakasaad ang pinakakongklusyon ng talumpati.

II. PATUKOY
Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng panukalang proyekto ang bawat pangungusap.
_____________15. Ang kalkulasyon ng mga guguguling gamit sa pagpapagawa ng proyekto ay nakatala sa
bahaging ito.
______________16. Ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad ang mga taong
makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.
______________17.Dito makikita ang tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
______________18. Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto.
______________19. Ito ay mas madalas na hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa
suliranin.
_______________20. Sa bahaging ito makikita ang mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang
panukala.
PAGSULAT SA PILING LARANGAN PAHINA 1
III. TAMA O MALI

Panuto: Lagyan ng dalawang puso (♥♥) ang linya sa kaliwa ng pahayag kung ito’y tumutukoy sa mga bagay na
dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay at pictorial essay at isang puso (♥) naman kung hindi..

_____________21. Ang pagsulat nito ay dapat nasa ikalawang panauhan.


_____________22. Hindi na mahalagang itala ang petsa at lugar kung saan isinagawa ang paglalakbay kung
gagamitin sa pictorial essay.
_____________23. Mahalagang mailahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa pagsulat.
_____________24. Hindi kailangang maging organisado, malinaw, at obhetibo sa pagsulat ng ganitong uri ng
sulatin.
_____________25. Maaari ding gumamit ng mga tayutay at idyoma sa pagsulat.
_____________26. Kailangang may isang pokus ang bubuuing sulatin.
_____________27. Kailangang mailagay o maisama sa sanaysay na bubuuin ang lahat ng larawang kinunan sa
paglalakbay.
_____________28. Sa lakbay-sanaysay, makatutulong nang malaki kung makukunan ng litrato ang lugar, tao, o
pangyayari upang maisama sa bubuuing sulatin.
_____________29. Lahat ng larawan sa pictorial essay ay dapat na may kasamang mahabang caption o
paliwanag.
_____________30. Kailangang maisaalang-alang ang layunin o dahilan kung bakit at para saan ang gagawing
lakbay-sanaysay.
_____________31. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.
_____________32. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
_____________33. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.
_____________34. Ilagay ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
_____________35. Ang wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalagang lugar na nakita, nabisita o
napuntahan ang magbibigay ng kredibilidad sa sanaysay.

A. Panuto: Isulat sa nakalaang linya sa kaliwa ng bilang ang  kung ang pahayag hinggil sa pagsulat ng
posisyong papel at replektibong sanaysay ay wasto at ♥ kung mali ito.

_____________36. Mahalagang gumawa ng balangkas bago pormal na isulat ang posisyong papel.
_____________37. Ang pagpapakilala ng paksa at pagkuha ng interes ng mambabasa ang pangunahing layunin
sa pagsulat ng pagsisimula.
_____________38. Ang pagbibigay ng opinion at katotohanan ay kapwa mahalagang ebidensya magagamit sa
pagsulat.
_____________39. Ang pangangalap ng impormasyon o pananaliksik ay hindi na gaanong kailangan sa pagbuo
ng sulatin.
_____________40. Kailangang mapatunayang mali o walang katotohanan ang mga counter argument na
nakalahad sa sulatin.
_____________41. Makapagbibigay na ng matibay na ebidensiya ang pagbibigay ng isang sanggunian.
_____________42. Ang pagbibigay ng plano para sa gawain ay dapat ding isaalang-alang sa pagbibigay ng
kongklusyon.
_____________43. Ang pagbibigay ng opinion ng isang taong may awtoridad o kaalaman hinggil sa paksa ay
nakapagpapatatag ng pangangatwiran.
_____________44. Nakabatay sa pananaw at paniniwala ang isang tao ang mga katunayan o facts.
_____________45. Ang thesis statement ay naglalahad ng pangunahing ideya ng isang posisyong papel.
_____________46. Ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay,
pook, o ideya.
_____________47. Ang paglalahad ay nagpapahayag ng isang paninindigan.
_____________48. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman
nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
_____________49. Ang sanaysay ay maaaring maging pormal at di-pormal.
_____________50. Ang posisyong papel ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari.

PAGSULAT SA PILING LARANGAN PAHINA 2

You might also like