Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Carlos Hilado Memorial State College

Lungsod Talisay, Negros Occidental

College of Education
nd
2 Semester, AY 2017-2018

F PAN PAM - Panunuring Pamapanitikan

Paksa/Topiko: Pagsusuri ng Pelikua “COCO” Petsa: Ika-27 ng Marso 2018


Pangalan: Catherine H. Emeterio BSED 3F Guro: Mrs. Mary Rose A. Bañas

A. Tungkol sa Pelikula
Pamagat ng Pelikula:

Direktor: Lee Unkrich Prodyuser: Darla K. Anderson

Pangunahing Tauhan:

Miguel Rivera
 Batang nahilig kumanta at gumitara, nangarap na maging isang mang-aawit katulad ni
Ernesto De la Cruz.
Héctor
 Isang mehikanong mang-aawit, lolo ni Miguel, ama ni mama Coco at asawa ni Imelda.
Nais na mahanap ang kanyang sarili at naging kaibigan ni Ernesto.

Ernesto de la Cruz
 Tanyag na mang-aawit noong unang panahon sa Mexico, napagkamalang ama ni Miguel
at kanyang hinahangaan sa pag-awit at pag-gitara.

Imelda
 Ina ni mama Coco, tinalikuran ang pag-awit at sinumpang walang musikang maririnig
na ganoon din naidala ng kanyang mga pamilya.

Abuelita (Elena Rivera)


 Anak ni mama Coco, lola ni Miguel na mahigpit na ipinagbabawal ang
musika/instrumeto at pagkanta.
Mamá Coco
 Mapagmahal na lola ni Miguel tanging hiling na makita muli ang kanyang ama at siya ay
medyo makalimutin ngunit hindi naging hadlang upang maalala niya ang kanyang
mahal na ama.

Enrique Rivera
 Mapagmahal na ama na tanging nais sa kanyang anak na si Miguel ay makasama sa
kanilang negosyo sa paggawa na sapatos.

Luisa Rivera
 Mapagmahal na ina ni Miguel, hinihikayat ang kanyang anak na manahin ang tradisyon
ng kanilang pamilya.

Tema ng Pelikula:
 Ang pagmamahal, pag-alala at pagpapahalaga sa ating mga namayapang pamilya, kung
ano at gaano ka importante ang tinatawag na tunay na pamilya.
B. Buod ng Pelikula
 Sa kabila ng tradisyon ng kanilang pamilya sa pagbabawal sa musika o kahit anong
instrument sa pagtugtog, ang batang si Miguel ay nangarap na maging isang mahusay
na musikero tulad ng kanyang hinahangaan na si Ernesto De la Cruz. Desperadong
patunayan ang kanyang talento sap ag-awit at pag-gitara. Nahanap ni Miguel ang
kanyang sarili sa nakamamangha at makulay na mundo ng mga namayapa sa buhay.
Nakilala niya ang lalaking ubod ng kalokohan na si Hector na kanyang na katuwang.
Ang dalawang magbagong kaibigan ay pumasok sa isang pambihirang paglalakbay
upang matunghayan ang tunay na kasaysayan ng pamilya ni Miguel.

C. Pangkalahatang Impresyon sa pelikula

Musika
 Ang musikang inilapat ay malaindayog, tumatak sa ng mga manonood at karamihan
dito ay awit mahikano ngunit sa tunog pa lamang angkop ay tunay na makabago at
nagdadala ng kasiyahan.

Sinematograpiya
 Ang bawat eksena ng pelikula ay malinaw dahil nakikita ng maayos ang mga
nagsisipagganap, ang bawat anggulo at kulay ay nakamamangha dahil makaagaw
atensyon sa manonood.

Banghay ng mga pangyayari


 Tunay na maganda ang pagkasunod-sunod ng bawat pangyayari sa pelikula mula
simula ay maayos at makapukaw pansin hanggang matapos ay higit na kapanapanabik.
Lubos na naunawaan dahil sa malinaw na pagbabaliktanaw sa nakaraan.
Dayalogo
 Dalawa ang ginamit na wika sa pelikula ang ingles at sadyang makabago ang pelikula
dahil ginamit rin ang wikang mehiko ganoon pa man napakalinaw ng mga binitawang
salita ng mga karakter at tumatak sa isip ng manonood.

Special Effects
 Gamit ang inilapat na kamanghamanghang special effects nagging dahilan ng pelikula
upang maging makatotohanan ang pangyayari. Lubos na nakitaan ang pelikula ng
kahusayan at eksperto sa paggamit nito.

D. Pagsusuri gamit ang dulog Reyalismo

 Ang pelikula ay makikitaan ng Dulog Reyalismo sapagkat sa kabila ng hadlang na


tradisyan ang batang si Miguel ay nangarap na maging isang mahusay na musikero
katulad ng kanyang hinangaan at inspirasyon sa pag-awit at pag-gitara na si Ernesto De
la Cruz, ginawa niya ang lahat upang mapatunayan at makamit lamang ang kanyang
pangarap. Katulad sa tunay na buhay karamihan sa atin ay may mga pangarap sa
buhay at mayroon tayong pinaghuhugatan ng inspirasyon upang makamit ang ating
mga pangarap. Hindi hadlang ang mga balakid o estado sa buhay upang maabot ang
mga pangarap.
E. Iba pang dulog (Dulog Kultural)

 Ang pelikula ay nakitaan rin ng dulog kultural, tradisyon ng kanilang pamilya ang
pagdalaw at paghanda tuwing araw ng patay. Paglagay ng litrato ng kanilang na
mayapang pamilya sa kanilang tahanan kasabay ang pag-alay ng pagkain at bulaklak
at pagsindi ng kandila. Mga tradisyon tulad ng pagbabawal sa musika na kanilang
namana at pagawaan ng sapatos na nakagawiang kultura na maipasa sa susunod na
henerasyon ng kanilang pamilya.

F. Ang mga aral na nais ipabatid

Pagmamahal sa Pamilya
 Sa lahat na dinanas ng pamilyang Rivera sa huli sila pa rin ay nagkaayos, naging mas
metatag at mapagmahal kahit sa kabila ng kanilang buhay.

Pagkamit ng pangarap
 Sa kabila ng lahat kahit tutol ang pamilya ni Miguel hindi ito naging hadlang sap ag-abot
kay Miguel na maging isang mahusay na musikero at kanya itong pinatunayan.
Bilang isang kaibigan
 Ang pagiging isang sakim at makasarili ni Ernesto kay Hector upang makuha lamang
ang sariling komposo ni Hector upang siya ay maging tanyag na musikero.

Pagpapatawad
 Sa paglisan at pag-iwan ni Hector sa kanayang pamilya bunga ng pagtaboy ni Imelda sa
musika bukas sa loob niyang tinanggap at pinatawd sa likod na mapait na karanasan.

You might also like