Professional Documents
Culture Documents
Fil 8 Module
Fil 8 Module
_____________________________________________________________________________________
Pangalan: Baitang at Seksyon:
Guro:
Petsa ng Pagturo at Oras: Modyul No. 1
YUNIT 1
Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo
1
ARALIN 1
Karunungang Bayan
Mahahalagang Tanong
Basahin Natin
Banaag At Sikat (Buong Kwento)
ni: Lope K. Santos
Isang obra maestro ng manunulat at tanggol ng wika na si Lope K. Santos ang nobelang Banaag
at Sikat. Kuwento ng pag-iibigan ng isang mahirap na lalaki at mayamang babae ang iniikutan ng Banaag
at Sikat.
Gayunman, mas nakilala ito bilang isang nobela na tumutligsa sa napakaraming isyu ng bayan
tulad ng sosyalismo, pagkakaisa ng mga manggagawa, at kapitalismo. Dahil dito ay tinagurian ito bilang
Bibliya ng mga manggagawang Pilipino lalo na noong 1906, ang panahon kung kailan inilimbag ang aklat.
Umiiral kasi noon ang pang-aabuso ng mga mayayaman sa mga dukha at maralita, lalo na ang mga
maliliit na manggagawa.
Umiinog ang kuwento kay Delfin na isang sosyalista. Nais niya na lumaganap ang sosyalismo o
ang pagkakaroon ng mamamayan ng karapatan sa mga gawaing may kinalaman sa kalakalan,
pagkakaroon ng ari-arian, at iba pang gawain na babali sa kasalukuyang umiiral na pagiging makasarili ng
mga mayayamang may-ari ng mga lupain.
Kaibigan naman niya si Felipe na isa namang panariko ng anarkismo o nais ng karahasan sa
pagbuwag ng pagiging mapang-api ng mga mayayamang may-ari ng lupa.
Anak siya ng isang makapangyarihang pinuno ng bayan, ngunit mas pinili ang umalis sa kanila at
iniwan ang marangyang buhay at sumama sa mga maralita. Namundok ito at doon namuhay kasama ang
mga katulad niya ang ipinaglalaban.
Si Don Ramon ang tatay ni Felipe. Umibig si Felipe kay Tenta, isang babaeng kapos sa buhay
ngunit mabuti ang kalooban at mayroong ipinaglalaban. Nainis ang ama kay Felipe at hindi na pinabalik
pa sa kanilang tahanan.
Ang suliranin ni Don Ramon sa mga anak ay naulit pa sa isa. Ang anak niya kasing si Meni ay
umibig naman kay Delfin. Umalis din si Meni sa kanilang tahanan kaya naman nagdamdam ng lubos ang
kaniyang ama.
Dahil walang maayos at malaking kita si Delfin, naging mahirap ang buhay nina Meni. Pero masaya
siya dahil hindi tulad sa kanilang bahay na may karangyaan nga, ay hindi naman naging totoong maligaya
dahil sa pagkaganid ni Don Ramon.
Dahil sa pagkabigo ni Don Ramon sa kaniyang mga anak, napagpasiyahan nitong umalis na lamang
sa bansa at manatili sa New York. Ngunit habang nasa ibang bansa, napabalitang may pumaslang kay
Don Ramon.
Mga halimbawa:
Halimbawa:
Talasik
Suriin ang matatalinghagang pahayag. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.
Muling Pag-isipan
Sagutin ang mga tanong.
Lagumin Natin
A. Bumuo ng islogan tungkol sa paraan kung paano maisasabuhay ang mga karunungang –
bayan bilang pamanang kalinangan mula sa ating mga ninuno. Isulat sa plakard ang
nabuong islogan. Gumamit ng paghahambing sa gagawing islogan.
7
Mga tanong:
Talakayin Natin
Paghahambing
Ang paghahambing ay tumatalakay sa pagkakaiba o pagkakatulad ng dalawa o higit pang tao,
bagay, hayop, lunan, o pangyayari.
Mga halimbawa:
b. Kapuwa gumamit ng panitik sina Rizal at Balagtas laban sa mapaniil na mga dayuhan.
Halimbawa:
Halimbawa:
Ang kawikaan ay labis ang pagbibigay ng mga gintong pahayag kaysa sa mga
kasabihan dahil ito ay hango sa mga aral mula Baibliya.
Himayin Natin
ARALIN 2
Panitikan
11
2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa
mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto
ang mga ito.
Uri ng Panitikan
Ang panitikan ay may dalawang uri, ito ang tuluyan at patula. Ang tuluyan o prosa na sa
salitang Ingles ay prose. Ito ay maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
1. Pabula
2. Anekdota
3. Talumpati
4. Nobela
5. Alamat
6. Sanaysay
7. Epiko
8. Balita
9. Maikling kwento
10. Dula
11. Talambuhay
12. Parabula
13. kwentong bayan
14. Kantahan
15. Tanaga
16. Sawikain
17. Salawikain
18. Bugtong
19. Awit at Korido
20. Balad
12
Sumakabilang-buhay
Pantay na ang mga paa
Kinuha ng Diyos
Yumao
Pumanaw
Ang mga salitang ito ay ginagamit rin upang mapagaan ang mga masakit
na realidad ng buhay natin. Ginagamit ito upang hindi lubos na masaktan ang
isang tao.
13
Pag-aralan Natin
May napapansin ka bang pagbabago sa ating kalikasan? Anu-ano ang mga pababagong
ito? Nakabubuti ba o nakakasama ang mga ito? Sa palagay ninyo, nagagalit din ba ang kalikasa?
Babasa ka ngayon ng kuwento ngunit bago ka babasa alamin mo muna ang mgakhuluga ng
mahihirap na salitang mababasa mo sa kuwento.
Talasalitaan:
1. Pagdiriwang – selebrasyon; pagpipista
2. Dukha – mahirap
3. Tradisyon – kaugalian na pamana ng unang panahon
Ngayon handa ka nang basahin ang kuwento tungkol sa ilog na nagagalit.
Tuwang – tuwa ang buong baryo. Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng kanilang
kapistahan. Tulad ng dati, tatlong araw na naming ipagdiriwang ang kaarawan ng kanilang
patrong si Nuestra Señora Buenviaje. Gaya ng inaasahan, walang tigil na pagsasaya ang
magaganap sa buong baryo sa tatlong araw ng pagdiriwang. Walang tigil ang handaan para sa
lahat. Bawat tahanan, mayaman o dukha ay tiyak na may handa.
"Walang saysay ang tatlong araw na padiriwang kung walang pagodang igagayak," ang sabi
ng Kapitan ng Barangay. " Naging tradisyon na sa ating baryo na ilibot ang patron, sakay ng
bangkang napapalamutian ng iba't ibang kulay ng mga ilaw at sari – saring dekorasyon tulad ng
mga prutas at gulay na inani natin taun-taon," dagdag pa ng Kapitan. " Ang ibig ninyong sabihin,
Kapitan, muling magkakaroon ng prusisyon sa ilog?" ang tanong ng isang lalaking may maputi
nang buhok.
14
" Talaga naming iyan ang ginagawa natin taun-taon, di ba?" ang balik na tanong ng
Kapitan." Napakaraming biyaya ang ipinagkaloob sa atin n gating patron sa taong ito. Higit sa
tatlong doble ang inani nating palay kung ihahambing sa mga nakaraang taon. At higit na
maraming isda tayong nahuli sa taong ito. Napakaamo ng dagat kaya't ibig kong maging higit na
maganda, masaya at makulay ang kapistahan natin sa taong ito," paliwanag pa nito.
"Ngunit, Kapitan, napakarumi ng ilog. Kailangan malinis muna natin ito. Tambakan nan g
basura ang ilog natin," ang malungkot na sabi ng isang dalaga." Hayaan mo't bukas na bukas din
ay ipalilinis ko ang ilog. May tatlong araw pa bago dumating ang masasayang araw nan a ating
pinakahihintay. Ang ilog na lang ang problema makalawa," ang sabi ng kapitan. Lumipas ang
isa, dalawa at tatlong araw. Hindi naipalinis ni Kapitan ang ilog
." Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat sa prusisyong gaganapin," umpisang
paliwanag ng Kapitan."Hindi bale, pagdaraan ang Bangka, tiyak namang mahahawi ang mga
dumi at sukal na naghahambalang sa ilog." Araw ng pistang baryo, Handang-handa na ang lahat
sa prusisyong magaganap.
Naroon na sa Bangka ang patron. Kayganda na bangka! Ang liwanag nito at napakaraming
dekorasyon may iba't-ibang kulay, hugis at sukat. Kay raming taong ibig sumakay sa Bangka.
Nakakatakot ang mga lulan ng Bangka. Ibig nilang makaalis. Ibig nilang tumalon., Ibig nilang
lumundag sa ilog. Nagkagulo ang mga tao. Ang lahat ay natatakot, nagsisigaw. May mga
nagdarasal. Maraming umiiyak at nananaghoy. At ….. at …. Unti-unting lumulubog ang Bangka,
kasama ang di mabilang na mga sakay nito.
Kinabukasan, laman ng pang-umagang pahayagan ang balitang may 205 sakay ng Bangka
ang namatay sa aksidenteng iyon. Mahigit pa ring 100 tao ang nawawala. Saka naisip ni Kapitan
ang ilog. Ang maruming ilog na pinarumi.
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
- Ano ang dahilan ng pagiging marumi ng ilog? Tinambakan ito ng mga basura ng tao.
- Ano ang epekto ng hindi pakikinig ng mga tao nang hindi na pinasakay sa pagoda dahil
punong- puno na ito? Lumubog ang pagoda.
15
May pangyayaring maiuugnay sa isa pang pangyayari at maaring ito ang sanhi o bunga.
Pag – aralan mo ang dayagram ng ugnayang sanhi at bunga sa mga pangyayari sa itaas.
Sanhi Bunga
Maaring ikaw naman ang magbigay ng mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga.
Subukan mo:
Gawin Natin
A. Ibigay ang sanhi ng sumusunod na kinalabasan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Nagkasakit ng ulcer.
2. Iniwan ng mga kasamahan.
3. Mababang grado.
16
B. Ibigay ang maaaring bunga ng mga nakalahad na sanhi o kaisipan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Laging nagpupuyat sa gabi.
2. Mahilig sa kendi, inuming de-bote at ibang sitserya.
3. Nasiraan ng sasakyan sa daan.
Tandaan Natin
Ang mga pangyayari ay may ugnayang sanhi at bunga. Ang sanhi ay ang pangyayaring
nagsasaad ng dahilan at ang bunga ay ang kinalabasan o epekto.
17