Filipino 50

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Filipino 50

Korespondensya Opisyal
LIHAM PAGSANG-AYON

(Letter of Affirmation)

Iniharap kay

Prof. Mary Grace Dela Torre

Iniharap ni:

Sahara A. Duyang

(Pebrero 21, 2017)


LIHAM PAGSANG-AYON (Letter of Affirmation)

Liham na sumasangayon sa isang kahilingan o panukala na makabubuti sa


takbo ng isang tanggapan. Maaaring samahan ng kondisyon ang pagsang-ayon kung
kinakailangan. (Pineda et, al)

Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay ng isang kahilingano panukala na


makabubuti sa operasyon ng isang tanggapan. Maaaring samahan ng kondisyon ang
pagsang-ayon kung kinakailngan. (Mangahas et, al)

Halibawa ng Liham Pagsang-ayon:


REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAGAWARAN NG EDUKASYON, KULTURA AT ISPORTS
LINANGAN NG MGA WIKA SA PILIPINAS
Ika-4 na Palapag, Gusaling Mabini
University of Life Complex
Meralco Avenue, Pasig, Metro Manila 1600

22 Enero 1988

Gng. Natalia A. Baltazar


Puno, Kagawaran ng Pilipino
Dalubhasang Normal ng Pilipinas
Maynila

Mahal na Gng. Baltazar:

Pagpapaunlak ito sa inyong kahilingan, na makasali sina Dr. Ruth Elynia S.


Mabanglo at Dr. Pamfilo D. Catacataca, ng tanggapang ito, sa pagtatanghal sa inyong
Dalubhasaan ng mga tulang Filipino, Ingles at Kastila sa 12 Pebrero 1988, 9:00 n.u. sa
inyong Teatro Awdyo-Biswalng Bagong Aklatan. Pinagpatalastasan na naming ang mga
kinauukulan.
Tungkol sa inyong paanyaya sa akin na dumalo sa naturang palatuntunan, hindi
kop o tiyak. Sisikapin kong makadalo kung sakali’t walang makakahadlang sa gawaing
opisyal.
Binabati naming kayo sa pagsasagawa ng mga aktibidad na makatutulong sa
ibayong pagpapabulas at pagpapalaganap ng kultura at wikang Filipino.

Matapat na sumasainyo,

(Lgd.) PONCIANO B P. PINEDA


Direktor
SOCIAL SECURITY SYSTEM
Republika ng Pilipinas
PASEGURUHAN NG MGA NAGLILINGKOD SA PRIBADO
(SOCIAL SECURITY SYSTEM)
East Avenue, Diliman, Lungsod ng Quezon
Tel. No. (632) 920-6401 • (632) 920-6446
E-mail:sssemail@info.com.ph • Website: http//www.sss.gov.ph

10 Disyembre 2004

Dr. NITA P. BUENAOBRA


Tagapangulong Komisyoner
Komisyon sa Wikang Filipino
Watson Building, 1610 J.P. Laurel Street
1005 San Miguel, Maynila

Mahal na Tagapangulong Buenaobra:

Bilang tugon sa inyong liham noong 15 Setyembre 2004, malugod naming


isinusumite ang mga halimbawa ng iba’t-ibang uri ng korespondensya na naisagawa sa
aming tanggapan na kinabibilangan ng liham at memorandum.
Lubos naming ikinagagalak ang makatulong sa isinasagawa ninyong
pananaliksik. Maraming salamat po.

Lubos na sumasainyo,

CORAZON S. DELA PAZ


President at CEO
TANGGAPAN NG PANGULO

20 Hulyo 1999

Kgd. ANTONIO H. CERILLES

Kalihim ng Kagawaran ng Kapaligiran

At Likas na Yaman

Lungsod Quezon

Ginoo:

Ipinababatid po namin, na alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Blg. 248, serye


ng 1995,ang sumusunod na apat (4) na tauhang teknikal ng Pawikan Conservation
Project (PCP) ng Kawanihan ng Protektadong Lugar at Buhay-ilang, ng Kagawarang
iyon, sa pamamagitan nito ay pinahihintulutang maglakbay sa Turtle Island, Tawi-Tawi
mula 23 Hulyo-31 Agosto 1999 upang magsagwa ng mga gawaing pamamahalang
panresorses at pananaliksik tungkol sa mga pawikan sa dagat:

1. G. NILO B. RAMOSO
2. Dr. ROBERTO C. BALTAZAR
3. G. LEROY F. SALVADOR
4. G. MARCELO V. SALAZAR

Ang kapahintulutang ito ay nagbibigay-karapatan sa bawat isang tauhang


teknikal na pinangalanan sa itaas sa mga gastusin at alawans sa paglalakbay sa
itinakdang halaga sa nabanggit na Atas, masisingil sa pondo ng (PCP), depende sa
mapagkunan nito at sasailalim sa mga hinihingi ng akwanting at awditing.
Matapat na sumasainyo,

Sa bias ng kapangyarihan ng Pangulo:

(Lgd.) RAMON B. CARDENAS

Kinatawang Kalihim Tagapagpaganap


Talasangguanian

Villanueva, L. & Mangahas, R. Patnubay sa Korespondensya Opisyal Ikaapat na


Edisyon,. Metro Manila: Aklat ng Bayan, 2015.

Pineda B.P, et al., Patnubay sa Korespondensya Opisyal Edisyon, 1990. Rizal Avenue.
Sta. Cruz Metro Manila. Palimbag sa Pilipinas ng National Book Store.

You might also like