2nd Year Pelikula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Isa sa pinakakilalang libangan ngayon ng maraming Pilipino ang panonood ng pelikula.

Kalimitan upang
higit na makita ang kabuoan at kagandanhan ng pelikulang nais panoorin, marami ang pumupunta sa
mga sinehan kahit pa sabihing medyo may kamahalan ang bayad para sa mapanood nang mas malinaw
ang pelikula sa malaking telon. Sa katunayan, upang makalikha ng mahuhusay na pelikulang tagalog,
taon-taon ay isinagawa sa ating bansa ang Metro Manila Film Festival kung saan malalaking pelikula ang
ipinalalabas sa mga sinehan mula sa araw ng Pasko o Disyembre 25 hanggang sa uang lingo ng Enero. Sa
loob ng mga araw na ito, walang pelikulang banyaga ang mapapanood sa mga sinehan malaiban sa mga
3D at IMAX theater.

Ang MMFF ay nagsimula noong 1975 kung saan ang pelikulang Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa
ang tinanghal na pinakamahusay na pelikula sa taong ito. Bilang panimula magtala sa grapic organizer ng
pamagat ng mga paborito mong pelikulang Tagalog na iyong napanood sa masasa mong nagdulot sa iyo
ng kaaliwan at ng gintong aral.

• Kilala din bilang sine at pinilakang tabing,


• Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan
• Gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan
• Kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula. • Isang anyo ito
ng sining
• Tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo.
• Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao
• Bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera o sa pamamagitan ng kartun

2. Kasaysayan Ng Pelikula

Huling Bahagi ng Panahong Kastila

1897 -Ang pagdating ng pelikula sa Pilipinas

o Un Hommo Au Chapeau (Kalalakihang may Sumbrero)


o Une Scene de danse Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones)
o La Place l' Opera (Ang mga Boxingero)

1898
o Panorama de Manila (Tanawin sa Manila)
o Fiesta de Quiapo (Pista ng Quiapo)
o Puente de Espania (Ang Tulay ng Espanya)
o La Ecsenas de la Callejeras (Ang Sayawan sa Kalye)

1899 - Battle of Baliwag, Banaue Rice Terraces


1900 - Cock Fight

Panahon ng Amerikano

1900
o Walgrah -ang nag palabas ng ilang mga Pelikula sa Pilipinas nag bukas siya ng sinehan na
nagngangalang Cine Walgrah (unang sinehan) sa No.60.calle Santa Rosa sa Intramuros.
o Gran Cinematografo Parisen - ikalawang sinehan tinayo ng isang Kastilang negosyante na
nagngangalang Samuel Rebarber.

1903
o Gran Cinematograpo Rizal - isang Pilipinong nagngangalang Jose Jimenez ay nag tayo ng isang sinehan.

1905 - The Manila Fire Department , Celebration of Rizal day, Escolta Manila

1910 - ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa kagamitan na Chronophone ang mga
Briton na kumukuha ng pelikula ay pumunta sa Plipinas.

1911 (Mga kuha ni Bud Mars) o The Eruption of Mayon Volcano, Pagsanjan Falls (oriental), The fires of
Tondo, Pandacan and Paco, The Typoon in Cebu, The Departure of Igorots to Barcelona

1914 o Us Colonial Goverment ay gumagamit na ng pelikula sa pag hahatid sa Edukasyon at Propaganda


nag aangkat din sila ng Pelikula mula sa Europa, ngunit ng sumapit ang Unang Digmaang Panaigdig, ay
pansamantalang itinigil ito.

Unang Mga Pelikulang Pilipino

1919 (Opisyal na Simula ng Pelikulang Pilipino)


o Dalagang Bukid
o kauna unahang pelikula na gawa ng Pilipinas
o ipinalabas sa diresiyon ni Jose Nepomuceno
o sa produksiyon ng Malayan Movies
o isa sa mga pinakapopular na sarsuela na sinulat ni Hermogenes E. Ilagan (Ama ng Zarzuelang Tagalog)

1929
o Syncopation - isang kaunaunahang pelikulang may tunog ay ipinalabas sa Radio Theater sa Maynila sa
Plaza Sta.Cruz ay gumawa ng Talkie o pelikulang may lapat na tunog sa mga lokal na produser ng
pelikula.

1930 - taong pagtuklas na ang pelikula ay maaaring bagong anyo ng sining.


o Collegian Love (nilapatan ng tunog sa pamamagitan ng pag dadubing o Talkie)
1932
o Ang Aswang (Ang unang pelikulang nilapatan ng tunog)
o Na isa ng Pelikula na may tema ng katatakutan base sa mga Alamat, ngunit sa mga ilang nakakatanda
sa pelikulang ito ay hind talaga ito purong may tunog

1939
o El Secreto dela Confesion (Ang unang pelikulang Pilipino na ang salita at awit ay sa wikang Kastila).
Ito ang ilang Sikat na mga Artista bago ang Digmaan:

9. Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ng Pananakop ng Hapones

1940's
o Nasira ang maraming kagamitan sa panahon ng digmaan; bumuhos ang Hollywood films na free of tax
o Lumitaw ang war films
o Digmaan ang nagdala sa pelikulang pilipino ng kamalayan sa realidad na kung saan hindi nailahad sa
mga naunang pelikula.
o Nagbenepisyo ang industriya ng teatro.
o Dugo ng Bayan, Guerilyera, Walang Kamatayan (1946)

1950's
o Taong nag- mature at mas naging malikhain ang mga pelikula
o Ginawang monopolyo ang industriya ng pelikula na pumigil sa pagbuo ng mga indie film.
o Sampaguita, LVN Pictures, Premiere Productions at Lebran International.
o Anak Dalita (1956)

1960's
o Tanyag ang mga pelikulang aksyon.
o Nakilala ang bagong genre na bomba . o Nagsara ang Lebran, Premiere Productions at LVN.
o Umusbong ang Regal Films.
o Sarhento Salcedo (1960), Trudis Liit (1963), Mansanas sa Paraiso (1965).
1970's – early 1980's
o Ginamit ang mga pelikula bilang propaganda laban sa Martial Law.
o Ipinagbawal ang mga pelikulang bomba at tungkol sa pulitika. “Wet look”. Nausong konsepto tapos
maipagbawal ang bomba .
o Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa (1974),
Nympha (1971), Burlesk Queen.
Late 1980's to 1990's

o Naisaalang-alang ang kalidad ng mga pelikula.

o Teen-oriented at komedya ang mga nausong genre.

o Star Cinema at GMA Films.

o Jose Rizal at Sa Pusod ng Dagat (1998), Muro Ami at Esperanza: The Movie (1999) .

2000s
o Digital at experimental cinema
o Rebirth of Philippine cinema.
o Muling nakapukaw ng pansin ang indie films.
o Romantic comedy 2006
o Nagsimulang gumamit ng digital media
o Anak (2000), Magnifico (2003), One More Chance (2007), Caregiver (2008), RPG Metanoia (2010)

Katangian ng Pelikula

1. Ito ay audio-visual (hearing and seeing) - paningin at pandinig ang ginagamit.


2. Ang mga damdamin o kaloob-looban o di- konkretong kaisipan o diwa ay dapat na maipakita nang
malinaw sa screen.
3. May tiyak na haba ang pelikula.
4. Sa pagbuo ng pelikula, mahalaga ang pagkakaroon ng pera.
5. Mayroon ding mga di-inaasahang pangyayarimg maaring makaapekto sa pagbuo ng pelikula.
6. Gawa ng maraming tao ang pelikula.
7. Nabubuhay ang pelikula nang dahil sa script na iniinterpret ng direktor.

Genre

Ang Genre ay tumutukoy sa uri o tipo ng naratibo na kaiba sa iba pang uri. Nagkakaiba-iba ang mga ito
dahil sa:
o Sentral na kwento
o Emosyong ipinapadama, at
o Mga kaisipang pinapairal sa bawat palabas.
Genre ng Pelikula

1. Romansa/Pag-ibig - umiikot ang kuwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.

2. Komedya – pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong
pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig. Ang komedya ay maaari ding walang
salita na nauso noong panahon ng Silent Movies na makikita di sa pagsalita ng bibig kundi sa pagkilos ng
katawan.

3. Musikal – pelikula kung saan ang mga bidang lalaki at babae ay nagsisipag-awitan. Ang isang musikal
na pelikula ay matatawag din kung ang mga bida ay nagsisipagsayawan sa maka-klasikong kaugalian man
o makabagong panahon sa tunog at indak ng musika.

4. Pakikipagsapalaran – pelikula kung saan ang kwento ay nagaganap sa iba’t ibang lugar at tumatalakay
sa mga tao o lunan ukol sa angkop na pagkakarehistro ng nangyari sa kwento ng pelikula.

5. Aksyon – pelikula kung saan ang isa o mas marami pang bida ay inilagak sa sunud-sunod na mga
pagsubok o hamon na nangangailangan ng pisikal na pakikipatunggali at mga masasalimuot na
paglalabanan.

6. Pantalambuhay – pelikula kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao
na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay.

7. Krimen – pelikula kung saan nakapokus sa buhay ng mga kriminal na umiinog mula sa tunay na buhay
ng mga kriminal hanggang sa mga nilikhang karakter na may napakasamang katauhan.

8. Drama – pelikula kung saan nakadepende sa mas malalim na pagbuo ng mga realistikong karakter na
tumatalakay sa mga temang emosyonal gaya ng pagkalango sa alak, pagtataksil, diskriminasyon,
sekswalidad, kahirapan, karahasan o korapsyon.

9. Epiko – pelikula na nagbibigay-diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na karaniwang


tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at makasaysayan.

10. Pantasya – pelikula na may temang pantastiko na kinapapalooban ng mahika, mga kakaibang
pangyayari o mga kakaibang nilalang.

11. Katatakutan – pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood
sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito. Karaniwang ginugulat at pinanginginig ng pelikulang ito ang
mga manonood.

12. Science Fiction – pelikula na base sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig ng
mga aliens, mga kakaibang nagagawa ng tao at paglipad sa ibang panahon.

Sangkap ng Pelikula

1. Kuwento
o Ito ang istorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
o Makatotohanang paglalarawan ng tao mula sa pananaw ng kalagayan ng tao mula sa pananaw ng
Pilipino.
o Tumatalakay sa karanasang Pilipino na makahulugan sa higit na nakararaming manonood.

2. Tema
o Ito ang paksa ng kuwento.
o Ito ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.

3. Pamagat
o Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito.
o Ito ay nagsisilbi ring panghatak ng pelikula.

4. Tauhan
o Ito ang karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula.
o Pagsusuri sa katangian ng tauhan, ito man ay protagonist (bida)
o antagonist (kontrabida).

5. Diyalogo
Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento. Sa pagsusuri ng pelikula ay dapat isaalang-
alang ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kuwento.

6. Cinematography
 Ito ay matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.
 Matagumpay nitong naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng:
1. Pag-iilaw
2. Komposisyon
3. Galaw
 at ibang kaugnay na teknik ng kamera
7. Iba pang aspetong teknikal
 Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng eksena, special effects, at editing.
Tunog
 Naisalin nang buhay na buhay - ang diyalogo at musika - epektibong tunog at katahimikan  Naisaayos
ang lahat na ito sa malik-haing paraan
Musika
 Pinalilitaw ang kahulugan ng tagpo o damdamin
 Pinatitingkad ang atmospera at damdamin
 Inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula
Direksyon
 Matagumpay ang direktor sa pagbibigay – buhay sa dulang pampelikula
 Nagawa niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng malikhaing
pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula
Editing
 Malikhain nitong pinakikitid o pinapalawak ang:
- Oras
- Kalawakan
- Galaw
Disenyong Pamproduksyon
 Naisakatuparan sa malikhaing paraan ang:
- Pook
- Tagpuan
- Make- up
- Kasuotan
- Kagamitan

José Nepomuceno (May 15, 1893 – December 1, 1959)


 Si Jose ay tinaguriang Ama ng Pelikulang Pilipino sapagkat siya ang kauna-unahang prodyuser ng mga
pelikulang Tagalog.
 Mga Pelikula: Dalagang Bukid (1919), La Venganza de Don Silvestre (1920), La Mariposa Negra, Hoy! O
Nunca Besame (1921), Miracles of Love(1925), Ang Tatlong Hambog (1926), La Mujer Filipina (1927)

Lino Brocka (April 7, 1939 - May 21, 1991)


 Catalino Ortiz Brocka, isa rin sa mga pinakamahusay na direktor.
 Kilala sa kanyang mga pelikulang may paksa na pilit iniiwasan sa lipunan.
 Tubog Sa Ginto (1970), Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag (1975),
Insiang (1976).

Ishmael Bernal Ledesma (September 30,1938 - June 2 ,1996)


 Isa sa mga pinakamahusay na direktor ng pelikula, pati maging sa telebisyon. Naging aktor, at
scripwriter.
 Kilala sa kanyang mga melodramas partikular na sa mga isyu patungkol sa kababaihan at moralidad.
 Iba pang pelikula: Pagdating sa Dulo (1971), Tisoy (1976), Pabling (1981), Working Girls I & II (1984 &
1987).
 Himala (1982) -- one of the greatest Filipino films of all time.

Kidlat Tahimik
 Eric Oteyza de Guia sa tunay na buhay, ay isang sikat na direktor, aktor at manunulat para sa pelikula.
 Ang kanyang mga pelikula ay kadalasang nagpapakita ng pagtutol sa neokolonyalismo, imperyalismo,
at teknolohiya.
 Kinikilalang "Ama ng Malayang Pilipinong Pelikula"
 Mababangong Bangungot (1977), Turumba (1981- 1983)
Mike De Leon
 Miguel Pamintuan de Leon, isa rin sa mga pinakamahusay na direktor, scripwriter cinematographer, at
film producer.
 Kilala sa mga pelikulang sumasalamin sa kaisipan ng mga Pilipino patungkol sa mga isyung panlipunan
at pulitika.
 Itim (1976), Sister Stella L. (1984), Kakabakaba Ka Ba? (1980), Batch ’81 (1982).

Peque Gallaga

• Maurice Ruiz de Luzuriaga Gallaga, isang multi- awarded filmmaker.


• Oro, Plata, Mata (1982), Scorpio Nights (1985), Unfaithful Wife (1986), Hiwaga sa Balete Drive (1988),
Tiyanak (1988), Impaktita (1989)

Eddie Romero (July 7, 1924 – May 28, 2013)


 Parangal: FAMAS Award para sa mga pelikulang Buhay Alamang (1952), Aguila (1980), Passionate
Strangers (1966), Durugin si Totoy Bato (1979), at Ang Padrino (1984) . Ang mga parangal na ito ang nag-
angat sa kanya sa Hall of Fame.
 Noong 1951, nagwagi siya ng Maria Clara Award bilang pinakamahusay na director para sa pelikulang
Ang Prinsesa at ang Pulubi (1950). Napili rin siyang FAMAS bilang pinakamahusay na director para
naman sa Aguila at Passionate Strangers.

Marilou Diaz - Abaya (March 30,1955 - October 8,2012)


 Kilala ang kanyang mga pelikulang may temang pagsusuri ng mahirap panlipunan mga problema sa
bansa.
 Tanikala (1980) ay sumikat at nakilala na siya sa buong Pilipinas.
 Brutal (1980), Karnal (1983), Baby Tsina (1984), Ipaglaban Mo (1995), Sa Pusod Ng Dagat (1997), Jose
Rizal(1998) at Muro Ami (1999).

Carlo J. Caparas
 Isang Pilipinong comic strip artist na nagpauso sa iba’ti bang Pinoy superheroes. Direktor at Prodyuser
din siya ng Kuratong Baleleng at The Cory Quirino Kidnap: NBI Files.
 “Komiks King”  MGA GAWA: - Panday - Baleleng - Totoy Bato Parangal: - 2008 Sagisag Balagtas Award

Laurice Guillen
 2000's, digital at experimental cinema.
 Kilala ang kanyang mga pelikulang pumapaksa sa buhay pamilya.
 Tanging Yaman (2001), American Adobo (2002), Santa Santita (2004), Sa’yo Lamang (2010)

Wenn Deramas
 Isang batikang direktor sa telebisyon at pelikula.
 Kilala ang kanyang mga pelikulang may temang “love story”, komedya at pampamilya.
 Dahil Mahal na Mahal Kita (1998), Ang Tanging Ina (2003), Ang Tanging Ina Nyong Lahat (2008), Ang
Tanging Ina mo (Last na 'to!) (2010)

Maryo J. delos Reyes


 Isang batikang Pilipinong Direktor sa telebisyon at pelikula.
 Siya ay nag- umpisahang magdirihe ng mga pelikula noong dekada 1970’s hanggang sa kasalukuyan.
 Pepe and Pilar (1984), Red Diaries (2001), Magnifico (2003), I’ll be There (2010)

Brillante “Dante” Mendoza


 Isang tanyag na Pilipinong direktor ng indie film sa Pilipinas.
 Ang kaniyang mga pelikula ay tumanggap na ng mga karangalan sa ibang bansa kabilang dito ang
kaniyang full-length na pelikulang Kinatay (The Execution of P) kung saan si Mendoza ay nanalo ng Best
Director plum sa 62nd Cannes International Film Festival.
 Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng ganitong parangal

Dalagang Bukid
 Orihinal na sarsuela at ito'y unang ipinalabas sa Teatro Zorilla noong 1917, mahigit isang taon bago ito
isalin sa pelikula.
 Ang mga nagsiganap nito sa salin sa pelikula ay ang Reyna ng Kundiman na siAtang de la Rama at si
Marcellano Ilagan
 Halintulad sa pangunguna ng pag- ibig laban sa lahat, na kung saan ay binigyang diin ng may-akda ang
kahalagahan ng pagsusuyong tapat at wagas.
 Ipinakita sa tema ni Ilagan na hindi lahat ng kaligayahan ng tao sa mundo ay nakukuha sa silaw ng
salapi.
Buod: Sina Angelita at Cipriano ang magkasintahan sa Dalagang Bukid. Tutol ang mga magulang ni
Angelita kay Cipriano, bilang kaniyang mangingibig dahil mas gusto nila para sa dalaga si Don Silvestre.
Nang pinilit ng mga magulang ni Angelita na ipakasal kay Don Silvestre, ay kanyang ibinunyag na siya ay
nauna nang magpakasal kay Cipriano, na lingid sa kaalaman ng karamihan ay tapos pala ng abogasya.
Kaya, bilang isang maginoo ay binati rin ni Don Silvestre ang dalawa.

Sa Iyong Sinapupunan (Thy Womb)


 Isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival noong 2012.
 Kinatatampukan ito ng Superstar na si Nora Aunor, Bembol Roco, Mercedes Cabral at Lovi Poe.
 Nag-uwi ito ng karangalan sa iba't ibang film festival sa labas ng bansa bago ipalabas sa mga sinehan sa
Pilipinas.
 Idinerehe ito ni Brillante Mendoza
Buod: Nakatira sa isang komunidad na nasa ibabaw ng dagat ang mag- asawang Badjao na sina Shaleha
Sarail (Nora Aunor) at Bangas An (Bembol Roco). Sa kabila ng kanilang katandaan, hindi sila pinalad na
magkaroon ng anak. Nabubuhay ang mag-asawa sa pangingisda. Isa namang kilalang kumadrona sa
kanilang lugar si Shaleha na sa tuwing nagpapaanak, hinihingi niya ang pusod ng mga sanggol sa ina
bilang alaala. Inilalagay niya sa isang sampayan ang mga nakukulektang pusod. Isang araw, sa kanilang
pangingisda, nilusob sila ng mga pirata at kinuha ang kanilang mga nahuli. Sa pamamaril ng isa sa mga
pirata ay tinamaan sa tiyan si Bangas An. Habang nagpapagaling, naisip ng mag-asawa na kailangan nang
makahanap ng bagong mapapangasawa ni Bangas An para magkaroon ng anak. Dahil sa pagmamahal ni
Shaleha, siya mismo ang gumawa ng paraan para makahanap ng mapapangasawa si Bangas An pati ang
paghahanap ng pera para sa dowry. Hanggang sa makilala nila si Mersila (Lovi Poe) na pumayag maikasal
kay Bangas An sa kundisyong hihiwalayan ng lalaki si Shaleha sa oras na manganak ito.

Magnifico
 Hinggil ito sa isang siyam na taong gulang na batang nagngangalang Magnifico , ang pinagbatayan ng
pamagat ng pelikula.
 Si Maryo J. De los Reyes ang direktor ng pelikulang kinabibidahan nina Albert Martinez, Lorna
Tolentino at Jiro Manio (bilang Magnifico).
 Nilalarawan ang pelikula bilang isang malungkot na pelikulang dula at pangmag-anak.
Buod: Nang mawala ang tulong na guguling pampag-aaral ng kaniyang kapatid na lalaking si Miong,
nagsimulang mawalan na rin ng pag-asa ang mga magulang (ginanapan nina Albert Martinez at Lorna
Tolentino) ni Magnifico, sapagkat hindi na nila alam kung paano pa sila makakaahon pa sa kahirapan.
Nagmula si Magnifico sa isang nayon ng Lumban, Laguna, na inibig tumulong sa kaniyang mga magulang,
sapagkat may sakit na kanser ang kaniyang lola (ginanapan ni Gloria Romero). Bukod sa nawala ang
tulong na panggugol pampag-aaral ng nakatatandang kapatid na lalaki (ginananapan ni Danilo Barrios),
may sakit ding cerebral palsy ang kapatid pa niyang babaeng si Ellen (Isabella De Leon).

Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag


 Pelikulang hango sa nobela ni Edgardo M. Reyes na Sa Mga Kuko ng Liwanag, at umiinog sa
paghahanap ng isang binata sa kaniyang kasintahang nagtungo sa Maynila.
 Idinirehe ni Lino Brocka ang pelikula, mula sa iskrip ni Clodualdo del Mundo Jr.
 Nagwagi bilang pinakamahusay na pelikula ang naturang pelikula mula sa FAMAS noong 1976.
Buod: Si Julio, isang mahirap na mangingisda, ay nagpunta sa Maynila upang hanapin ang kaniyang
mapapangasawang babaeng si Ligaya. Isang araw bago ang pagpuntang ito ni Julio sa Maynila, umalis si
Ligaya na kasama ang isang babaeng may pangalang Ginang Cruz upang makapag-aral at
makapaghanapbuhay sa lungsod. Noong nasa Maynila na, naging biktima si Julio ng mga mapanlamang
na mga tao sa lungsod. Nakaranas si Julio ng mga pang-aabuso habang nagtatrabaho sa isang lugar ng
konstruksiyon. Sa paglaon, nawalan siya ng trabaho at naghanap ng isang disenteng pook na
matutulugan. Unti-unting nawawalan na ng pag-asa si Julio na matagpuan pa si Ligaya. Ang lahat ng ito
ay naantala, nang muli silang magkita ni Ligaya, at malaman mula sa kasintahan na naging biktima ito ng
prostitusyon. Nagbalak na tumakas ang dalawa.

One More Chance


 Na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay isang romantikong pelikula na tumatalakay
sa isang komplikadong sitwasyon sa pagibiigan ng dalawang taong nagmamahalan.
 Ang suliranin sa pagdedesisyon kung ipagpapatuloy pa ba ang dating pagiibigan o limutin na ito ng
tuluyan ang sanhi ng komplikasyon sa pelikulang ito.
Buod: Nagaaral pa lamang ay magkasintahan na sina Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo).
Iisang grupo ng kaibigan ang kanilang kinabibilangan, boto ang pamilya ng bawat isa sa relasyon nilang
dalawa at kahit sa trabaho ay parehong kumpanya ang kanilang pinasukan. Dumating ang oras na
nakipaghiwalay si Basha kay Popoy dahil nais nitong makawala sa anino ng kasintahan at gusto niyang
maramdaman ang mamuhay na hindi lagi dumedepende kay Popoy. Dinamdam masyado ni Popoy ang
pagalis ni Basha ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay muli siyang nakahanap ng bagong babaeng
mamahalin sa pagkatao ni Trisha (Maja Salvador). Nang muling pinagtagpo ang landas ng dalawa,
napaisip si Basha kung tama ba ang naging desisyon niya noon na iwan si Popoy kahit batid niyang hindi
pa rin lumilipas ang pagtingin niya sa binata. Dito nagsimula ang madamdamin at emosyonal na
komplikasyon sa istorya. Kailangan nilang magdesisyon kung tuluyan na ba nilang tatalikuran ang pagibig
nila sa isa't isa o bigyan pa ulit ito ng isa pang pagkakataon.

Pagsulat ng Rebyu ng Isang Pelikula

Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula kung
saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasiya sa kaatangian nito. Ang pagsusuri ay
tumutukoy hindi lamng sa kahinaan at kakulangan kundi gayundin sa mabubuting bagay na dapat
isaalang-alang sa pagpapaganda ng pelikula.

Ang mg sumusunod na mga element ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula:

Kuwento – Tumutukoy ito sa istorya sa mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula. Sa pagsusuri ng
pelikula pagtuonan ng pansin ang mga sumusunod na tanong:
 Bago o luma baa ng istorya?
 Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?
 Nakapupukaw ba ito ng interes?

Tema – Ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
 Napapanahon baa ng paksa?
 Malakas ba ang dating o impact sa manonood kung saan ito nakatitimo sa isip?
 Akma ba ang tema sa panahon kung kalian ito nagawa o akma sa lahat ng panahon?

Pamagat – Ang pamagat ng pelikulaa ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay nagsisilbi ring
panghatak ng pelikula.
 Ito ba ay ankop sa pelikula?
 Nakatatawag ba ito ng pansin?
 Mayroon ba itong simbolo o pahiwatig?

Tauhan – Ang mga kaarakter na gumaganap at angbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula.


 Malinaw ba ang karakterisyon ng mga tauhan?
 Makatotohan baa ng mga ito?
 Angkop ba ang pagganap ng artista sa pelikula?

Diyalogo – Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.


 Naisaalang-alang ba ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kuwento?
 Matino ba, bulgar, o naangkop ang mga ginamit naa salita sa kabuon ng pelikula?
 Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula ang diyalogong ginamit?

Cinematography – Ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.


 Mahusay baa ng mga anggulong kinunan?
 Naipakita ba ng camera shot ang mga bagay o kaisipang nais palutangin?
 Ang lente ba ng kamera ay na-adjust para sumunod sa galaw ng artista?

Iba pang Aspektong Teknikal – Kabilang ditto ang paglalapt ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng
eksena, special effects, editing.
 Akma ba ang musika at nababagay sa tema at eksenang ipinakikita sa pelikula?
 Ang ilaw ba at tunog ay coordinated at akam sa eksena?
 Akma o makatotohanan baa ng special effects, blasting; pagkawala, pagliit, o paglaki ng abgay;
animasyon, make-up ng mga artista; paggamit ng computer graphics, at iba pa.

1. Bakit nagging paboritong libangan ng mga Pilipino ang panonood ng pelikula?


2. Sa iyong palagay, ano kaya ang kasalukuyang kalagayan ng industriya ng pelikula sa bansa?
Patunayan.
3. Ano-anong element ang dapat element ang dapat isaalang-alang sa pagrebyu o pagsusuri ng
pelikula? Ipaliwanag ang bawat isa.
4. Sa iyong palagay, bakit kaya mahalagang matutuhan ng kabataang katulad moa ng kaalaman at
kasanayan sa pagrerebyu o pagsusuri ng isang pelikula?
5.

You might also like